Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Fourteen: "Yuito's Reasons"

Ginugol ko ang oras ko sa pagte-training. Nalalapit na ang eliminations namin, kaya pursigido kami sa pag-eensayo para sa laro. Habang isinasagawa namin ang mga drills, hindi sinasadyang patamaan ng ka-teammate ko ang bleachers kaya tumalbog at gumulong ang bola.

Tutal malapit sa kinaroroonan ko 'yon pumunta, ako na ang nagkusang kumuha no'n. Nagulat naman ako nang makita si Harumi na nakatayo sa gilid, kasama ang isa sa mga volleyball player namin na si Akira.

"Uy, nandiyan ka pala. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya pagkatapos kong kunin ang bola.

"W-Wala n-napadaan lang hehe."

"Okay ka lang? Namumula ka yata."

Sinipat ko ang temperatura niya. Baka may sakit 'to, mahirap na. Pero sa ginawa ko, mas lalo yata siyang namula. Tinabig niya ang kamay ko at tinarayan pa ako. Lakas talaga ng toyo ng babaeng 'to. "Ano bang ginagawa mo? Bumalik ka na nga do'n, hinihintay ka na nila oh."

Hindi ko nalang pinatulan ang sinabi niya kasi totoo naman na naghihintay na sina coach sa court. Ibang klase din talaga ang babaeng 'yon, nagagawa pa din akong sungitan kahit niligtas ko siya. Paano ba naman, muntik na siyang ma-suspend sa Yamizawa High. Mabuti nalang malakas ang connections ko sa school na 'to kaya naniwala agad ang guidance counselor sa'kin.

Halos buong linggong puro basketball ang inatupag ko. Kagaya na lamang ngayon, umagang-umaga kaya handa na ako para magtraining ulit. Lalabas na sana ako nang biglang may kumatok sa pintuan. Binuksan ko naman 'yon at tumambad sa harapan ko si Harumi.

"Examinations na next week, anong balak mo?" Potek, hindi ba uso sa babaeng 'to ang goodmorning? Umagang-umaga, 'yan ang sasabihin niya sa'kin. Hindi ko tuloy mapigilang mapasimangot.

"Ano naman? May training pa ako."

"Kaya nga magrereview tayo ngayon e. Oh, magbasa-basa ka ha. Bukas, tatanungin kita. Don't worry, nakasummarize na 'yong mga terms diyan kaya madadalian ka nalang."

Pilit niyang binibigay sa'kin 'yong reviewer, pero hindi ko 'yon tinatanggap. Wala naman akong pakialam sa exams na 'yan e. Isa pa, makakatulong ba 'yan sa pagba-basketball ko? "Bakit mo ba 'to ginagawa?"

"You love basketball right? Aware ka naman siguro na ngayong year, pinagbabawal na ng admins na maglaro ang estudyanteng may bagsak 'di ba?"

Fuck, ba't nga ba nawala sa isip ko 'yon? No choice ka ngayon, Yuito.

"Okay." 'Yon na lamang ang tanging nasambit ko sabay kuha ng reviewer sa kanya. Mukhang bye-bye training ako ngayon dahil kelangan ko pag-igihan ang exams.

Kung tutuusin, may utak naman ako kahit papaano. Kaso, hindi naman kasi exams ang priority ko sa buhay. Madali lang magsaulo ng mga terms na 'yan. Ang sa'kin lang minsan lang tayo mabuhay, mas mahirap 'yong ginugol mo lang 'yong sarili mo sa pag-aaral at pigilan mo ang sarili mo sa pagiging masaya.

Sa ngayon kasi, basketball lang talaga ang nagpapasaya sa'kin.

Sa larangang ito lang kasi ako nagkakaroon ng silbi hindi lang sa pagiging manlalaro, kung hindi sa pagkatao ko na din. Pagkatapos ng mahabang linggo na puro pag-aaral ang inatupag ko kasama si Harumi, nagbunga din lahat ng pinaghirapan ko.

"Tamo, ang tataas ng scores mo! Matutuwa niyan ang mama mo!"

Natawa naman ako sa reaksyon niya. Mas masaya pa talaga siya kaysa sa'kin ha? "Well, ang galing ko 'no? Ez lang pala."

"Sus, ez ka diyan pero halos puro angal ang naririnig ko." Aba at nakuha niya pa akong asarin ha! Pasalamat talaga siya, malaki ang utang na loob ko sa kanya. Bilib din ako kasi nagawa niya akong tutukan ng maigi. Hindi rin naman kasi ako madali turuan, alam ko naman 'yon sa sarili ko hahaha.

"Maraming salamat talaga, Harumi. Babawi ako sa'yo. Tamang tama, may concert tickets ako ng Gigabytes. Sama ka ha!"

"Sure, G lang naman ako!" ngiting ngiti na pahayag naman ni Harumi. Sabi na nga ba at matutuwa siya e. Fan na fan talaga siya ng Gigabytes.

Dahil sa tagal ng ginugol ko sa pagrereview, mas mabilis pa sa alas kwatro akong nagtungo sa Sports Gymnasium para maglaro. Aba, ilang araw din akong walang hawak na bola! Nakakamiss magpapawis at magshoot ng bola sa ring.

Busy ako kasama ang grupo sa paglalaro nang biglang dumating si Nasami. Mabuti naman at nakarating na siya galing sa bakasyon.

"Yoroshikuonegaishimasu, nasamiyoruka ga tsuini kaettekita!" (Nice one bro, Yoruka Nasami is finally back!)

"Yuito! Kanojo ni nani ka ii nasai!" (Go there Yuito! Say something to her!)

Pinagtutulak naman ako ng mga kasamahan ko papunta sa kanya. Potek na 'yan, natotorpe akong ewan e. Kahit sabihin pa kaseng mas lamang ang nararamdaman ko para kay Sakura, kahit papaano e crush ko 'tong si Nasami.

Sexy, maganda, malaki pa.. ang pasensya sa paglalaro.

"A, kon'nichiwa,na sa mi-san. Nihon e yōkoso." (Ahm, hi Nasami-san. Welcome back here in Japan.)

Nahihiyang pahayag ko kay Nasami. Akmang tatalikuran ko na sana siya nang bigla niya akong halikan sa pisngi.

"Yuito-kun, hontōni aitai" (I miss you so much, Yuito-kun.)

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Panigurado, inaasar lang ako nitong si Nasami. Tangina talaga ng babaeng 'to, ang lakas din ng loob na halikan ako kahit may iba siyang gusto.

Tangina, paasa ba siya?

Simula nang araw na 'yon, pakiramdam ko ay nawala ako sa sarili. Patuloy na ginagambala ni Nasami ang isip ko, tapos 'to namang mga kasamahan ko sa basketball todo asar pa sa'ming dalawa. Wala tuloy ako sa focus sa pagba-basketball no'ng mga nakaraang araw.

---

Hindi ko alam kung anong sapak ng coach namin ngayon at napagpasyahan na magpahinga muna kami ngayong araw. Habang naglalakad papunta sa parking lot, nakita ko si Harumi na nakasambakol ang mukha.

Ano naman kayang problema nito?

"Uy." Tawag ko sa kanya nang kalabitin ko siya.

"Bakit?" mataray na sagot niya. Potek, sungit naman.

"Tuloy tayo bukas?" tanong ko. Mukhang wala kasi siya sa mood kaya sinigurado ko sa kanya kung tuloy 'yong panonood namin ng concert.

"Bakit may lakad ka ba? Pwede namang hindi na lang natin ituloy kung ayaw mo."

Ha? Anong toyo ng babaeng 'to? Kaya ko nga tinatanong sa kanya kung tuloy e. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ng babaeng 'to, kaya nag-sorry na lang ako sa kanya kahit 'di ko alam kung anong kinaiinis niya.

"Wala naman. Iniisip ko lang baka galit ka sa'kin. May nagawa ba ako sa'yo? Sorry na.."

"Okay," halos bulong niyang sagot sa akin. Napangisi naman ako, paano ba naman nakita ko siyang ngumiti. Kunwari pang may toyo, iba talaga saltik nitong si Harumi e.

"Sabi ko na e, 'di mo talaga ako matitiis." Biro ko sa kanya sabay kurot sa pisngi niya. Nagtaka naman ako nang bigla niya akong itulak.

"Boundaries! Baka may magalit."

Ha? Anong boundaries pinagsasabi nito?

"Sino naman?"

"Sino pa ba? Edi si Nasami."

Hindi ko alam ba't bigla akong natawa sa reaksyon niya. Nagseselos ba siya? Pero impossible e, hindi ko ma-imagine na magugustuhan ako nitong si Harumi. Kahit papaano, para na siyang nakababatang kapatid para sa'kin.

Masyado kasi siyang makulit, ayaw magpapatalo lagi. Nakasimangot tapos ang lakas pa ng toyo. Tas ako naman 'tong kuya niya at kakamustahin siya kung anong problema.

O 'di ba? Parang magkapatid lang.

---

Malalim na ang gabi, hindi ko alam kung ba't hindi ako makatulog. Panigurado mahimbing na ang tulog ni Harumi, rinig ko ba naman ang malakas na hilik niya e. Bumaba ako ng hagdan at nagtungo sa kusina. Nagulat naman ako nang makasalubong ko si Nay Mae.

"Ba't gising ka pa?" tanong ni Nay Mae sa'kin. Napakamot nalang ako ng ulo.

"Excited lang po siguro, may concert po kasing pupuntahan bukas."

"Ah gano'n ba, sinong kasama mo? Mag-iingat ka hijo ah." Uminom muna ako ng gatas bago sagutin ang tanong niya. "Si Harumi po, Nay Mae."

Binigyan naman ako ni Nay Mae ng makahulugang ngiti. "Pinopormahan mo ba ang anak ko Yuito? Kung 'yan ang balak mo, sorpresahin mo siya bukas. Matutuwa 'yon ng sobra, sa makalawa na ang birthday niya."

Birthday na pala ni Harumi sa susunod na araw?

"Nay Mae, mali po kayo ng pagkakaintindi. Nilibre ko po siya sa concert pambawi po ng pagtutor sa'kin. Sige po, tulog na po ako. Goodnight Nay Mae."

---

Hinatid kami ni Manong Ranmaru sa venue, agad naman kaming tumakbo ni Harumi sa loob dahil baka mahuli kami. Swerte nga e, maganda 'yong spot na nakuha namin. Enjoy na enjoy kaming dalawa sa set of songs na pinili ng Gigabytes, pinatugtog din 'yong japanese version ng Mismatched Feelings na sinasabi ni Harumi sa'kin. Hmm, 'di na rin masama.

Nang matapos ang concert, agad ko naman siyang hinila. Abot pa naman kami, kailangan bago mag-alas dose makapunta kami sa spot na 'yon.

"Sa'n tayo pupunta?" tanong niya.

"Basta bilisan mo nalang! Kailangan nating maabutan 'yon!"

Halos hingalin ako sa pagtakbo. Napatingin naman ako sa relo ko. Sakto lang pala ang dating namin. Gaya ng inaasahan ko, nagulat siya nang makita ang fireworks.

"Sakto ang birthday mo sa Sumidagawa Fireworks Festival kaya naisipan kong dalhin kita dito para sa mas magandang spot. Happy birthday Harumi! Gift mo nga pala."

Inabot ko sa kanya 'yong regalo ko, pero hindi niya naman tinatanggap. Nakatulala lang siya sa'kin tapos bigla ba namang umiyak. "Uy, 'wag ka umiyak. Hindi ka ba masaya sa surprise ko sa'yo?"

Pabiro naman ako nitong hinampas. Gagantihan ko din sana, kaso birthday e. Nakatingin lang ako ngayon sa langit, may naalala kasi ako bigla sa fireworks. Sabay naming pinanood 'to ni Sakura no'ng festival noon e.

"I like you, Yuito. Please go out with me!" May sinasabi si Harumi, pero 'di ko naman marinig.

"Ha? Anong sabi mo?"

"Sabi ko, gusto kita Shiga Yuito!"

Para akong nabingi nang sabihin niya 'yon. Anong ibig niyang sabihin? "Are you kidding me? Nako, porket birthday mo ha! Pinagtitripan mo na ako Harumi?"

Pinilit kong tumawa sa kabila ng kaba na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung dapat kong seryosohin 'yong sinabi niya, baka kasi jino-joke time lang ako ng babaeng 'to e.

"Pero Yuito-" Pinutol ko ang dapat na sasabihin niya. Nagpatay malisya nalang ako. "Alam mo Harumi, gutom lang 'yan. Halika na, umuwi na tayo hahaha!"

Hihilahin ko na sana siya, pero malakas niyang tinabig ang kamay ko. Napalunok naman ako ng samaan niya ako ng tingin. So, seryoso siya na gusto niya talaga ako?

Potek, bakit?

"Sorry." Pagsisimula ko.

"Hindi naman sa ayaw ko sa'yo Harumi, pero hindi ko lang kasi ma-imagine na maging girlfriend ka. Isang bestfriend kasi ang tingin ko sa'yo e."

Kitang kita ko na nasaktan siya sa mga sinabi ko, pero anong magagawa ko? Sinasabi ko lang naman kung ano 'yong totoo. Kahit kailan, walang makakahigit kay Sakura. Siya lang ang babaeng mamahalin ko buong buhay ko.

At si Harumi? Siya 'yong babaeng pang-kaibigan lang.

~~
Pink's Note:

Actually, periodical exams namin kaya 'di ako nakapag update no'ng weekends. But here's two chapters pambawi. Stay safe guyth ha, nakakatakot na 'yong virus na kumakalat ngayon. 'Wag sana nating gawing biro, ngayong walang pasok iwas muna tayo sa gala okie? Wag matigas ang mga ulo. By the way, this chapter is dedicated to Love8wensheSMILES and SilentNoize.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro