Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Four: "No Answers To Her Confusions."

Mabilis na kumalat sa Yamizawa High ang ginawang pagtatanggol ni Yuito sa'kin. Ramdam ko na rin 'yong mga mean girls na nagsisimula na ding mag-attitude sa'kin. Pero aatrasan ko ba sila? Siyempre hindi 'no. Ba't ako magpapaapi sa kanila?

Kung makareact sila akala nila kanila si Yuito, hmp.

Tinarayan ko nalang 'yong mga babaeng nagtsi-tsismisan. Pero kaloka din 'tong si Akira, kanina pa hila-hila ang kamay ko. Gusto niya kasing sumali din ako sa volleyball club gaya no'ng sa kanya. I admit, marunong naman ako mag-volleyball. Pero hindi lang kasi buo ang loob ko siyempre, nasa Japan ako. Baka 'yong skills ko sa paglalaro, hindi kagaya ng sa kanila.

Pagdating namin sa Sports Gymnasium, naabutan kong naglalaro si Yuito do'n. Hindi naman mapakali itong puso ko nang makita siya. Bakit parang mas lalong nadagdagan ang kagwapuhan niya sa paningin ko?

Tagaktak siya ng pawis, pero parang ang bango bango niya. Ang angas ng galawan niya, parang easy nga lang sa kanya na mag-shoot ng bola e. Shet, nagiging isa na din ba ako sa mga fans ni Yuito?

"Harumi-san, Yuito-kun wa sukidesu ka?" (Harumi-san, do you like Yuito-kun?)

Nabalik naman ako sa katinuan dahil kay Akira. Tumawa naman ako ng pilit at hinampas siya ng pabiro. "Gago ka ba? Hindi 'no!"

Tinignan naman ako nito na parang nawi-weirdohan sa'kin. Lately ko na rin narealize na hindi niya ako naintindihan kasi hindi ako nag-Japanese. Potek na 'yan! Harumi, umayos ayos ka nga.

"Wakarimasen, Harumi-san." (I can't understand you, Harumi-san.)

Magpapaliwanag na sana ako kay Akira, kaso may bolang tumapat sa paanan ko. Natameme naman ako nang makita na naglalakad si Yuito papunta sa'kin.

Shet, ba't ganto? Anong ginawa mo sa'kin Yuito? Minamaligno mo ba ako?

"Uy, nandiyan ka pala. Anong ginagawa mo dito?" tanong nito sa'kin nang pulutin niya na ang bola.

"W-Wala n-napadaan lang hehe."

"Okay ka lang? Namumula ka yata." Napalunok naman ako nang bigla niyang kapain ang noo ko. Pakshet, hindi niya ba alam na mas lalo lang namumula ang mukha ko ngayon dahil sa ginagawa niya?

Tinabig ko 'yong kamay niya. Hindi ko na keri ih. Tinibayan ko naman ang loob ko na sungitan siya. "Ano bang ginagawa mo? Bumalik ka na nga do'n, hinihintay ka na nila oh."

Natauhan naman ito sa sinabi ko, kaya sinunod niya nalang ako. Pero ang baliw na lalaking 'yon, nagawa pa akong kindatan. Kinurot naman ako ni Akira sa tagiliran.

"Yiee, yui tokunga anata o sukida to kanjite imasu!" (Yiee, I feel that Yuito-kun likes you!)

Siniko ko naman siya na tumahimik. Hinila ko na rin ito palabas sa lugar na 'yon para naman mahimasmasan ako sa nangyari kanina.

"Akira-san, dōsureba īdesu ka?" (Akira-san, what should I do?) Nangangamba kong tanong nang makalayo na kami. Nginitian lang naman ako nito ng makahulugan.

"Kare ni anata no kimochi o kokuhaku shite kudasai!" (Confess your feelings to him!)

The heck! Babae kaya ako, ba't ako ang magco-confess? Hindi ba't parang nakakawala ng dignidad 'yon para sa isang babae?

"Nani? Arienai!" (What? No way!) Pagtanggi ko sa paraan na naiisip niya. Okay, hindi na rin naman ako makakapagdeny kay Akira kasi totoo naman.

Totoo naman na nagugustuhan ko na si Yuito.

Alam kong masyado pang maaga para magustuhan siya, pero anong magagawa ko? Galing akong Pilipinas, kaya it's natural na marupok ako. Kaloka, ang sweet kaya ni Yuito! Magaling magbasketball! Gwapo at medyo mabait kahit may amats!

Kahit sinong babae, mahuhulog sa kanya.

"Firipin no hoshu-tekina kuni kara kita no wa shitte imasuga, koko Nihonde wa, on'nanoko ga jibun no kimochi o kokuhaku shimasu." (I know you came from a conservative country which is Philippines, but here in Japan, girls are the one who confess their feelings.)

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Alam ko naman 'yon e, pero hindi naman ako easy to get 'no. Siguro maghihintay nalang ako ng right timing.

🧡🧡🧡

Malapit na ang examinations, pero parang ako pa 'yong mas problemado kaysa kay Yuito. Siyempre, malalagot ako kay Tita kapag mababa ang mga marka niya! Well, naiintindihan ko naman ang side niya. Na passionate siya sa paglalaro ng basketball, pero sana maisip niya na graduating na siya.

Kumatok ako sa pintuan niya. Ang tagal niya kasi lumabas, kanina pa ako naghihintay sa kanya sa sala. Kagabi naman, hindi ko na siya nakausap gawa nang nakatulog agad siya dahil sa pagod sa training.

Binuksan niya naman ang pinto. Ala-sais palang ng umaga kaya buti naman at gising siya. Magandang mag-aral kapag ganitong oras, gising na gising pa ang braincells.

"Examinations na next week, anong balak mo?" Sinimangutan lang ako nito.

"Ano naman? May training pa ako."

"Kaya nga magrereview tayo ngayon e. Oh, magbasa-basa ka ha. Bukas, tatanungin kita. Don't worry, nakasummarize na 'yong mga terms diyan kaya madadalian ka nalang."

Ayaw pa nito tanggapin no'ng una peri pinandilatan ko siya ng mata kaya no choice siya. "Bakit mo ba 'to ginagawa?"

Okay, Harumi. Isip! "You love basketball right? Aware ka naman siguro na ngayong year, pinagbabawal na ng admins na maglaro ang estudyanteng may bagsak 'di ba?"

Potek, ang talino ko talaga! Hahaha!

Tumango na lamang ito sa sinabi ko. Gumana 'yong palusot ko sa kanya ha. "Okay," walang ganang sabi nito at sinarhan na ang pinto.

Mukhang kailangan ko na rin magreview para sa mga sasabihin ko sa kanya bukas. I need to be the best tutor ever!

Sabay kaming pumasok ni Yuito ngayon. Mukhang pass din siya sa pagtetraining sa basketball at papasok siya ngayon sa klase. As usual, marami na namang may pake. Pero deadma tayo, susulitin ko nalang ang oras na kasama ko si Yuito.

Pagkalapag ko ng bag ko sa mesa, nakita ko naman si Akira na stress sa pagrereview. Natuwa naman ako kasi nakikita ko kung paano siya magpursigi sa pag-aaral. Ang sabi niya kasi sa'kin, babawi na siya at sisiguraduhin niyang matataas ang scores na makukuha niya ngayong taon. Siyempre, support lang ako palagi kay Akira.

Pansin ko rin na wala ako sa sarili this past few days. Lutang ako sa pag-iisip kung bakit ba biglang nagustuhan ko si Yuito. Bakit biglang nakuha niya ang attention ko. E dati naman wala akong pakialam sa kanya e.

Akala ko, nakakainlove lang si Yuito 'pag nagbabasketball. Pero iba din pala ang tama sa puso 'pag naging seryoso na siya. Nakasuot siya ngayon ng salamin at abala sa pagbabasa ng binigay ko sa kanya na mga reviewers. Kaso, bigla naman itong napatingin sa'kin. Tangina, nahuli niya akong nakatingin sa kanya!

"B-Bakit?" tanong ko.

"Hindi ko alam pa'no 'to i-solve. Turuan mo 'ko mamaya." Seryoso nitong sabi at pagkatapos, nagbasa lang siya ulit.

Woah, iba din talaga 'tong si Yuito kapag nagseryoso e.

🧡🧡🧡

Nakahanda na lahat ng mga aaralin namin sa kwarto niya. Nagdala naman ako ng mga snacks para hindi kami magutom sa pagrereview. Siyempre, binalita ko kaagad kay Tita 'yong tungkol sa pag-aaral ni Yuito kaya natuwa ito ng sobra.

"Saulo mo na?" tanong ko. Tumango lang ito sa'kin kaya kinuha ko na 'yong reviewer sa kanya at nagsimula ng magtanong.

Actually, magaling siya. To think na kahapon ko lang binigay sa kanya 'yong mga sasauluhin na mga terms. Ang hindi niya lang kaya, 'yong pagsosolve ng mga problems at kung ano 'yong mga formulas na gagamitin.

"Since kabisado mo na ang mga terms, focus muna tayo sa conversions para madali nalang magsolve ng mga formulas sa mga Gas Laws."

Nakikinig naman ito ng maigi sa mga sinasabi ko. Minsan, 'pag lutang siya at hindi alam ang gagawin, niyuyogyog ko ang katawan niya para mabuhay ang diwa niya.

"Ang hirap naman kasi nito. Hindi naman 'to kailangan sa pagbabasketball e!" angal niya.

"Edi bahala ka! 'Pag bumagsak ka, goodbye basketball ka na!" sagot ko naman. Naiinis na 'to pero pinilit niya pa din na mag aral. Matalino naman 'tong si Yuito e, pero mas focus kasi ng attention niya ang basketball, kaloka.

Malapit na namin matapos ang Gas Laws kaya nagsulat na ako ng mga exercises na sasagutan niya. Kaso nang mapatingin ako sa gawi ni Yuito, nakita ko itong natutulog. Hindi ko naman mapigilan na pagmasdan siya.

Pasimple ko namang hinawi ang ilan sa mga hibla ng buhok niya. Nakasuot pa rin ito ng eyeglasses kaya tinanggal ko ito at nilagay sa table. Pagod na pagod siya kaya siguro, bukas niya nalang sagutan 'tong exercises na 'to.

"Sleep well, Yuito." After no'n, kinumutan ko na siya at maingat na sinarhan ang pinto ng kwarto niya.

🧡🧡🧡

Weeks passed by, at masasabi ko namang alam na ni Yuito ang mga aaralin. Nakakamangha din ang lalaking 'yon, fast learner! Kaka-exam lang namin no'ng nakaraang araw at ngayon ang the most awaited day— results of examinations na!

Pinost ng prof namin sa isang cartolina lahat ng mga naging scores namin sa exams. Tinignan ko naman kung ilang marka ang nakuha ko.

98, 97, 95, 98, 99, 96 at 98.

Napangiti naman ako sa nakuha kong scores. Ang tataas! After no'ng sa akin, tinignan ko naman ang kay Yuito.

98, 95, 97, 96, 98, 97 at 99.

Nginisian ko naman ito at pabirong hinampas ang balikat niya. "Tamo, ang tataas ng scores mo! Matutuwa niyan ang mama mo!"

Pabiro naman itong nagyabang. Aba at basic lang daw! "Well, ang galing ko 'no? Ez lang pala."

"Sus, ez ka diyan pero halos puro angal ang naririnig ko," natatawa kong pahayag. Napatawa din siya kasi narealize niya siguro 'yong mga naging asal niya no'ng nakaraan.

"Maraming salamat talaga, Harumi. Babawi ako sa'yo. Tamang tama, may concert tickets ako ng Gigabytes. Sama ka ha!"

Fak, iz diz a date?!

"Sure, G lang naman ako!" ngiting ngiti na pahayag ko. Potek, kung ganito rin naman pala ang kapalit sa pagtuturo ko sa kanya. Parang gusto ko nalang maging tutor niya forever hahaha.

As usual, nang malaman ni Yuito ang results niya sa exam, dumiretso na siyang Sports Gymnasium para magtraining na ulit sa basketball. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil ilang araw din siyang hindi naglaro.

Napadako ang attention ko kay Akira. Halata sa mukha nito ang stress kaya nag-alala ako sa kanya. Tinignan ko ang results niya sa exam.

90, 78, 74, 89, 79, 80 at 91.

"Harumi-san, watashi no seiseki wa hidoidesu!" (Harumi-san, my grades are awful!) Pagrereklamo nito sa'kin at napaiyak pa. Pinat ko naman ang ulo niya.

"Jikai wa itsumo arimasu, Akira-san. Jikai no gurūpu gakushū no tame ni watashi to yuito ni sanka shite kuremasen ka?" (There's always a next time, Akira. Care to join me and Yuito for the next group study?) Pagyaya ko sa kanya. Ngumiti na ito ulit dahil sa sinabi ko.

"Hai, mochiron! Anata wa subarashī sensei, Harumi-sandesukara, mōshide o kotowaru koto wa dekimasen!" (Yes, ofcourse! You're a great teacher Harumi-san, so I can't decline your offer!)

After ng announcement ng results, wala ng classes dahil didiretso ang mga students sa mga respective clubs nila. Si Akira, pumunta ng volleyball club para magtraining. Siyempre, sumama na lang ako sa kanya tutal wala rin naman akong pupuntahang club. Hanggang ngayon kasi, undecided pa din ako.

Nasa bleachers lang ako ngayon at nanonood sa trainings ni Yuito and Akira. Kaso, biglang natigil ang pagte-training nila nang may dumating na babaeng super puti. Petite siya and blonde ang hair niya.

"Nasami, tsuini koko ni kita!" (Nasami, you're finally here!)

"Barēbōru no kyaputen, anata ga inakute sabishīdesu!" (We miss you, volleyball captain!)

Nagsilapitan naman sina Akira do'n sa babae. Napansin ko rin na pati ang basketball team, tinigil din ang pagtetraining. At ang mas nakakaintriga pa, titig na titig si Yuito do'n sa tisay.

May gusto kaya si Yuito sa babaeng 'yon?

"Yoroshikuonegaishimasu, nasamiyoruka ga tsuini kaettekita!" (Nice one bro, Yoruka Nasami is finally back!)

"Yuito! Kanojo ni nani ka ii nasai!" (Go there Yuito! Say something to her!)

Pansin ko naman ang pamumula ng mukha ni Yuito. Tinulak tulak siya ng mga teammates niya papunta do'n sa babaeng nagngangalang Yoruka Nasami. Parang pamilyar sa'kin ang pangalan na 'yon e, hindi ko lang maalala kung saan.

"A, kon'nichiwa,na sa mi-san. Nihon e yōkoso." (Ahm, hi Nasami-san. Welcome back here in Japan.) Nahihiyang pahayag ni Yuito kay Nasami. Nanlaki pa nga ang mata ko nang halikan niya si Yuito sa pisngi.

"Yuito-kun, hontōni aitai" (I miss you so much, Yuito-kun.)

Tangina, sino ang babaeng 'yon?! Bakit niya hinalikan si Yuito? Posible bang may girlfriend na siya?! Kung meron man, bakit wala siyang sinasabi sa'kin?

~~

Pink's Note:

This chapter is dedicated to JustCallMeSpongebob. Hope to hear your thoughts in this chapter. Mwah! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro