Chapter Five: "Confusion to Confession?"
Aaminin ko, hindi pa rin maalis sa isip ko kung sino ba ang Nasami na 'yon. Ang alam ko lang sa kanya, isa siyang volleyball captain ng team nila. Hindi rin naman impossible na magustuhan ni Yuito ang babaeng 'yon dahil kumpara sa'kin, mas cute at babae kumilos si Nasami. Mukhang boto rin ang mga teammates niya sa babaeng 'yon, kaya sino ako?
Sino ako para magselos at masaktan?
Ako lang naman 'tong parang baliw na nagkagusto sa kanya e. Choice ko 'to e, kaya panindigan mo ngayon Harumi. Deserve mong masaktan kasi masyado kang umasa na gusto ka rin niya.
Nakatitig lang ako sa mukha ni Yuito habang pinapanood sila ni Nasami. Ang sakit sa puso na makita kung paano mamula ang mukha nito. May pagkamot pa nga ito sa tenga niya na parang nahihiya e.
Dahil 'di ko na rin kinaya, minabuti kong tumayo at umalis nalang. Pero 'pag nananadya nga naman ang tadhana, may natabig pa akong bakal kaya naging center of attention tuloy ako. At sobrang nakakahiya pa kasi nakita ako ni Yuito na halos mangiyak-ngiyak na. Sa sobrang taranta ko, napatakbo nalang ako palayo sa lugar na 'yon kahit pa tinatawag ni Akira at Yuito ang pangalan ko.
Sa ngayon, parang gusto ko munang mapag-isa.
Lumipas ang mga araw at pansin ko na medyo nawala na sa isip ko ang tisay na 'yon. Mas nagfocus nalang kasi ako sa studies ko, tutal si Akira and Yuito ay busy sa paglalaro nila.
Medyo nagtataka na nga si Akira sa'kin lalo na sa pagtanggi ko sa kanya na samahan siya sa Sports Gymnasium e. Mahirap man sa'kin, pero ito ang sa tingin ko na kailangan kong gawin. Move on nalang din siguro? Wews, kala mo e may relasyon kami ni Yuito kaloka.
"Uy." Kalabit ni Yuito sa'kin.
Biyernes ngayon at himala na magkasabay kami pauwi. Ang alam ko, mamaya pang gabi ang tapos ng training niya. Pero maga-alas singko palang ng hapon e nandito na siya sa parking lot.
"Bakit?" Pinilit kong maging matatag sa harapan niya. Tinatak ko na 'to sa isip ko ng ilang beses e, na dapat deadma lang sa nangyari. Don't let it bother you, ika nga nila.
"Tuloy tayo bukas?" Medyo alanganin nitong tanong sa'kin. Ay oo nga pala, sinabi niya sa'kin na may concert tickets siya ng Gigabytes.
"Bakit may lakad ka ba? Pwede namang hindi na lang natin ituloy kung ayaw mo." Fak, ba't parang ang sungit ko yata? Myghad. Baka mahalata niya na masyado akong affected sa Nasami na 'yon!
"Wala naman. Iniisip ko lang baka galit ka sa'kin. May nagawa ba ako sa'yo? Sorry na.."
Namula naman ng sobra 'yong pisngi ko. Tangina, galit dapat ako 'di ba? Bakit ganito? Bakit ang rupok ko talaga pagdating sa Yuito na 'to?
"Okay," halos bulong kong sagot sa kanya. Nginisian naman ako nito. Parang baliw talaga 'to.
"Sabi ko na e, 'di mo talaga ako matitiis." Biro niya sa'kin sabay kinurot ang pisngi ko. Ang lapit niya nga masyado sa'kin kaya tinulak ko siya.
"Boundaries! Baka may magalit." Kumunot naman ang noo nito dahil sa sinabi ko.
"Sino naman?" Pagmamaang maangan niya pa sa'kin. Sus, kala niya sa'kin manhid?! "Sino pa ba? Edi si Nasami."
"Sabagay, crush ko nga pala 'yon." Malandi niyang pagkukwento sa'kin habang kinikilig kilig pa.
"Crush mo si Nasami huh? Ano namang nagustuhan mo sa kanya?" Tanong ko naman sa kanya. Bakit ba? Gusto kong sinasaktan ang sarili ko e.
"Cute siya tapos medyo makulit. Mahaba ang buhok at singkit ang mga mata niya." Halos pinigilan ko naman ang sarili ko sa pagtawa. May naalala kasi ako sa sinabi niya. Lyrics kasi 'yon ng kanta na sikat sa Pilipinas e.
"Aww, Neneng B lang ang peg?" Natatawa kong pahayag. Tangina naman kasing pag-iisip 'yan Harumi, hahaha! So 'yon, hindi na tisay ang codename ko sa Nasami na 'yon. Kung hindi, Neneng B na! Kaso hindi siya flat, favorite siya masyado ni Lord. Masyadong nabiyayaan ng hinaharap e!
"Neneng B? Sino 'yon?" nagtatakang tanong ni Yuito sa'kin. Pinigilan ko nalang 'yong tawa ko. Paniguradong hindi matitigil magtanong si Yuito tungkol do'n e. Amats pa naman 'yong lalaking 'yon.
🧡🧡🧡
Hindi naman halata sa mukha ko na masyado akong excited? Mula kanina pa, hindi ko magawang makatulog. Ilang beses ko na nga ring chineck 'yong mga gamit na dadalhin ko para sa lakad namin ni Yuito mamaya e.
Nakaligo na nga rin ako at nag-aayos na rin ng mukha. Tapos, hindi ko pa alam kung ano ang susuotin ko. Magde-dress ba ako? Hmp, kaso baka sabihin no'n masyado akong nag effort sa susuotin. Edi halata na gustong-gusto ko siya 'di ba?
In the end, nagsweater nalang ako and pants.
Hindi ko alam kung bati kami ni tadhana ngayon e, para kaming naka-couple sweater. Parehas kasing orange ang suot namin. Siyempre, kilig naman tayo do'n!
"Tara na?" Tumango lamang ako sa kanya.
Hays, buti nga at pinayagan kami na lumabas nitong si Yuito. Pasalamat talaga siya sa nakuha niyang matataas na grades, kasi kung hindi ay mahihirapan siyang kumbinsihin si Tita na paalisin siya sa bahay. Siyempre, dahil hindi rin naman ako close kay mama, ipinaalam naman ako ni Yuito.
Pagdating namin sa venue, sinabihan naman kami ni Manong Ranmaru na itext nalang siya 'pag pauwi na kami. Hindi na namin siya masyadong inintindi ni Yuito kasi nag-unahan kami papasok ng Stadium.
Muntik pa nga akong mapahiwalay sa kanya dahil sa sobrang dami ng tao, kaya minabuti niyang hawakan ang kamay ko. Kaya heto na namang puso ko, ayaw na naman paawat sa bilis ng tibok.
"Good evening everyone! How are you? Still enjoying the night? Let me hear you scream and jam with us, as we sing our song hit this 2019— Mismatched Feelings!"
Nagtatalon naman kami ni Yuito dahil sa saya! Shemay, iba pa rin pala sa pakiramdam kapag nando'n ka mismo 'no? Nagsisigaw kaming dalawa at panay tawa 'pag nagmumukha kaming mga tanga. Deadma lang naman kami kasi gano'n din naman ang ginagawa ng iba.
~I don't remember, when it all started
These thoughts about you, keep coming into my mind
My heart keeps growing towards you and I started to get nervous~
Habang kinakanta ang lyrics sa favorite kong kanta, hindi ko maiwasan na mapatingin kay Yuito. Damang dama ko 'yong ibigsabihin ng kanta e.
~I keep telling myself that it's nothing
And that my heart is just fooling around
But when I talk to you, it feels so awkward~
Sabay naming kinanta ni Yuito ang chorus part. Nakalimutan ko, favorite niya din pala 'tong kanta. Napatingin naman kami sa isa't isa.
~Is this love? And if you feel the same
Is this the beginning? My heart keeps saying it loves you
It screams for the whole world to hear it, why does it take so long for me to hear it?
Ohh, we've finally met. Hope that it's not a mismatched feelings~
While singing those words, I know here in the bottom of my heart na sana hindi Fuitchi No Kanjo. Sana hindi Mismatched Feelings ang nararamdaman namin ni Yuito para sa isa't isa.
Ang nilalaman ng paborito kong kanta, halos 'yon ang naglalarawan sa kung anong nararamdaman ko para sa kanya. I want him to hear the whisper of my heart. Na sana sa simple kong pag-awit ng kantang 'yon, maramdaman niya kung anong ibig kong iparating.
Malapit na magmadaling araw nang matapos ang concert ng Giga Bytes. Akala ko uuwi na kami ni Yuito kasi gabi na e. Pero heto nga, hila hila niya ako ngayon.
"Sa'n tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Basta bilisan mo nalang! Kailangan nating maabutan 'yon!" Pahayag niya. May tinakbo kaming daan papunta sa may bridge. Hindi ko alam kung anong klase ng lugar 'yon, pero ang ganda. May nakapalibot sa bridge na mini lake at tanaw ang buong city lights ng Japan.
Napatingin ito sa relo niya. Sakto namang may fireworks sa kalangitan. Hindi ko alam kung para saan 'yon, pero nakakamangha na pagmasdan ito kasama si Yuito.
"Sakto ang birthday mo sa Sumidagawa Fireworks Festival kaya naisipan kong dalhin kita dito para sa mas magandang spot. Happy birthday Harumi! Gift mo nga pala."
Hindi ako agad makareact sa sinabi niya. Then ngayon ko lang narealize na 18th birthday ko na nga pala ngayon. Saktong alas dose na ng madaling araw and it's July 11.
Sobrang saya ng puso ko. Tinanggap ko 'yong gift mula sa kanya. Ano ba naman 'tong luhang 'to? Bakit bigla akong naiiyak?
"Uy, 'wag ka umiyak. Hindi ka ba masaya sa surprise ko sa'yo?"
Pabiro ko naman siyang hinampas. Potek na Yuito 'to, hindi ba siya aware na hulog na hulog na ako sa kanya? Bigla tuloy sumagi sa isipan ko 'yong tungkol sa right timing.
Ito na ba ang tamang pagkakataon para umamin sa totoo kong nararamdaman para sa kanya?
"I like you, Yuito. Please go out with me!" Malakas na sigaw ko para marinig niya. Masyado kasing maingay 'yong fireworks e.
"Ha? Anong sabi mo?" Nabibingi nitong tanong sa akin.
"Sabi ko, gusto kita Shiga Yuito!" Biglang nawala 'yong fireworks. At sakto pa talaga no'ng magconfess ako sa kanya. Nakatingin lang ako sa magiging reaction ni Yuito. Hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos kong umamin sa kanya, pero bahala na.
"Are you kidding me? Nako, porket birthday mo ha! Pinagtitripan mo na ako Harumi?" natatawa nitong pahayag sa sinabi ko. What the heck? Anong problema niya? Gano'n ba talaga siya kamanhid para isipin niyang nagbibiro lang ako?
"Pero Yuito—" Pinutol niya ang dapat na sasabihin ko. Tawang tawa pa din siya. "Alam mo Harumi, gutom lang 'yan. Halika na, umuwi na tayo hahaha!"
Balak niya sanang hilahin na naman ako, pero malakas kong tinabig ang kamay niya. Lahat ng saya na nadama ko kanina lang, napalitan lahat ng inis at galit. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Hindi ba imposible na magkagusto ako sa kagaya niya?
Bakit? Porket ba hindi ako 'yong tipo na kagaya ni Nasami?
Sinamaan ko siya ng tingin. Naging seryoso naman bigla si Yuito kaya kinabahan ako bigla sa inasal niya, pero hindi ko 'yon pinahalata.
"Sorry." Isang salita lang galing sa kanya, pero halos mawasak ang puso ko.
"Hindi naman sa ayaw ko sa'yo Harumi, pero hindi ko lang kasi ma-imagine na maging girlfriend ka. Isang bestfriend kasi ang tingin ko sa'yo e."
Bakit? Bakit kailangan niya pang sabihin 'yong word na bestfriend? Bakit hindi niya nalang diretsuhin na ayaw niya talaga sa'kin at si Nasami ang gusto niya? Gano'n na ba kahirap magsabi ng totoo ngayon?
Alam kong ito na 'yong mangyayari e, pero ang tanga ko para umasa na gusto niya din ako. Hindi man lang sumagi sa isip ko na kaya gano'n ang pakikitungo niya sa'kin ay dahil sa bestfriend lang pala ako.
Isang bestfriend lang.
Hindi ko man lang nagawang makapagsalita pagkatapos niyang sabihin 'yon. No'ng mga oras na 'yon, gusto kong makalayo sa kahihiyan. Naririnig ko siyang tinatawag ang pangalan ko ng ilang beses, pero hindi ko man lang siya magawang lingunin.
Nakakahiya ka Harumi. Sobrang nakakahiya ka.
~~
Pink's Note
This chapter is dedicated to SilentNoize. Sobrang natouch ako sa mga comments niya and siyempre, pati na rin kay Love8wensheSMILES. Nakakaloka, gigil siya kay Nasami ih 😂 Pero feeling ko mas manggigil ka lalo sa kanya dahil sa chapter na 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro