Chapter Fifteen: "Yuito's Enlightenment"
Ramdam ko ang pag-iwas ni Harumi simula nang umamin siya sa'kin. Hindi ko din naman siya masisisi kasi nasaktan ko siya. Pero alam mo 'yon, may panghihinayang din kasi kung kailan nagiging magkaibigan na kami, saka pa may nangyaring ganito.
Sa mga araw na lumipas na iniiwasan niya ako, nag-focus na lang ako sa bagay na gusto ko. Gaya ng dating gawi, paborito kong tambayan ang Sports Gymnasium. Ang kaso, napahinto kami sa paglalaro nang malaman na may gusto daw mag-try out sa Volleyball Club.
Mula sa bleachers na kinauupuan ko ngayon, tanaw ko si Harumi na nakasuot ng volleyball jersey. Siya ba 'yong magta-try out? Teka, marunong ba siya? Baka naman ipahiya niya lang ang sarili niya? Hindi biro na kalabanin si Nasami lalo't balak niyang sumali.
Unang serve niya, hindi pumasok. Kagaya ng inaasahan ko, hindi siya marunong. Ayoko talaga sa lahat 'yong wala man lang dedikasyon sa paglalaro e. Tutal, nakakawalang gana na din naman ay tumayo na ako. Handa na sana akong umalis, pero napahinto ako nang makitang na-receive ni Harumi 'yong serve ni Nasami.
Hindi ko alam, pero napalunok ako sa nakita ko. Paano nagawa ni Harumi 'yon? Kapag na kay Nasami ang bola, walang nakakapalag sa mga serve niya. Sa 'di malamang dahilan, napaupo ako ulit. Baka chamba lang ni Harumi 'yon, impossible na may makapantay sa galing ni Nasami sa paglalaro ng volleyball.
Pero habang tumatagal ang laro, mas lalo kong napapatunayan na may skills si Harumi. Sa totoo niyan, hindi makaka-score ang team ni Nasami kung hindi nagkamali si Harumi sa pagserve kanina. Mas lalo akong namangha sa nakita ko, kitang kita ko kung paano habulin ni Harumi 'yong bola. Kung gaano siya ka-focus sa paglalaro at sa bawat pagpalo niya na laging nakakapuntos.
Si Harumi ba talaga 'to?
Ang Harumi na kilala ko kasi, mahilig lang mag-aral at laging may toyo dahil sa katarayan niya. Hindi ko alam na may ganito pala siyang side.
"Sono on'nanoko? Oi, watashi wa kanojo ga sukida to omou." (That girl? Dude, I think I like her.)
"Kanojo no namae wa nanidesu ka? Ichinose Harumi?" (What's her name again? Ichinose Harumi?)
Naging matunog ang pangalan ni Harumi sa mga kasamahan ko sa basketball. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ko, gusto ko silang bulyawan at sapakin pero hindi ko alam kung anong pumipigil sa'kin na gawin 'yon.
Nabalot naman ng atensyon ang laro nila nang biglang i-block ni Harumi ang bola, kitang kita ko kung paano tumama sa katawan ni Nasami 'yon. Sa taranta ko, bumaba ako mula sa bleachers para puntahan si Nasami. Nagkakantsawan na ang lahat at winewelcome si Harumi sa club, pero wala akong pakialam.
"Daijōbudesuka?" (Are you okay?) Sinubukan ko siyang itayo, pero tinabig niya lang ang kamay ko.
"Modotte, watashi wa anata no tasuke o hitsuyō to shimasen." (Back off, I don't need your help.)
May kung ano akong naramdaman sa puso ko, ganito siguro ang pakiramdam kapag natatapakan ng babae ang ego ng mga lalake. Tinignan ko ang paligid, halos lahat cino-congratulate si Harumi. 'Yong mga kasamahan ko naman sa basketball, halatang pumoporma sa kanya. Malamang, gusto niya 'yon.
Sa inis ko, lumapit ako sa kanya. "Masaya ka na ba? Congrats ha."
Biglang nawala sa labi niya 'yong ngiti. Nakita ko rin 'yong pagbabadya ng luha sa mata niya, kaya pinili kong tumalikod at pumunta kay Nasami. Ramdam ko man ang pagpo-protesta ni Nasami, pinili ko pa ding buhatin siya.
"Kanojo o supōtsukurinikku ni tsurete ikimasu." (I will bring her in Sports Clinic.)
Malakas ang hiyawan ng lahat nang makaalis kami. Nasa Sports Clinic kami ngayon ni Nasami, dapat sa ganitong pagkakataon ay masaya ako. Pero bakit parang may mabigat akong nararamdaman?
"Yui to, anata wa sono yōna jākudesu." (Yuito, you're such a jerk.)
Napangisi naman ako sa sinabi ni Nasami. "Shikashi, anata wa mada watashi ni kisu o shimashita ka?" (But you still kissed me right?)
Hindi ko alam kung maasar ako, bigla ba naman akong tinawanan ni Nasami.
"A, ano kisu? Yui to, shinken ni uketomenaide kudasai. Anata ga shiranai baai ni wa, watashi wa sudeni hoka no dareka ni koi o shite imasu." (Oh, that kiss? Please Yuito, don't take it seriously. In case you don't know, I'm already inlove with someone else.)
"Watashi wa nasami o kanzen ni shitte imasu. Anata wa barēbōru no kōchi ni kyōmi ga arimasu yo ne?" (I'm completely aware of it Nasami. You're inlove with the volleyball coach, am I right?)
"E e,dakara watashi ni anata no jikan o muda ni shinaide kudasai. Anata o oikakeru tame dake ni, barēbōrukurabu ni haitta shōjo o erande kudasai. Kanojo no namae wa nanidesu ka? Ho tomi? Mā, kyō no kodomo-tachi wa hijō ni meiwakudesu." (Yeah, so don't waste your time on me. Choose the girl who entered the Volleyball Club just to chase you. What's her name again? Hotomi? Gosh, kids this days are such a nuisance.)
Napatahimik ako sa sinabi ni Nasami. Ako? Pipiliin si Harumi? No. Mas pipiliin ko nalang maghintay sa wala para kay Sakura, kaysa pilitin ang sarili ko na magustuhan ang babaeng 'yon.
---
Eliminations na ng volleyball, at ngayong araw ko napili na magconfess kay Nasami in a formal way. Alam ko namang una palang, rejected na ako. Pero ayaw ko magkaroon ng pagsisisi, atlis nagawa kong umamin kahit hindi ako ang gusto niya.
Sayang sana si Nasami, kung siya 'yong naging jowa ko panigurado magiging sikat kami. Ang gandang babae, pero walang silbi kasi 'di ako pinili. Gusto ko na sanang umuwi nalang, kaso hindi naman pwede na lumabas. No choice tuloy ako kung hindi panoorin ang laro nila.
Unang salang palang ni Harumi, halatang nagkakainitan na sila ni Nasami. At ang nakakahiya, gumawa pa ng eskandalo si Harumi. Ang babaeng talagang 'to, hindi man lang i-lugar ang pagiging toyo niya.
Kumpara sa training ni Harumi noong mga nakaraang araw, masasabi kong wala siya sa focus ngayon. Lutang siya at wala man lang gana sa paglalaro. Hindi ko mapigil 'yong inis ko, bakit pa siya naglaro kung wala naman pala siyang balak magseryoso?
Sana 'di nalang siya sumali sa club kung gano'n din naman pala.
Disapointed ako sa pinakitang asal ni Harumi, pero 'di ko alam bakit mabilis akong tumakbo para tignan siya. Malakas 'yong impact ng pagkakatama ng bola sa kanya, hindi ko maiwasan na mag-alala para sa kanya. Mabilis ang pintig ng puso ko dahil sa kaba, ewan ko hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.
Ang babaeng 'to lang ang kaya na mang-inis at magpakaba sa'kin e.
Kasama ko ngayon siya sa Sports Clinic, si Akira na dapat ang magbabantay sa kanya pero nag-insist ako na ako nalang ang bahala. Mahimbig ang tulog ngayon ni Harumi. Hindi ko napigilang titigan siya habang natutulog.
Hindi ko alam, pero unti-unti nakikita ko na lamang ang sarili ko na lumalapit sa mukha niya. Ilang dipa nalang ang layo ng pagitan namin, halos magulantang naman ako nang mag-inat bigla si Harumi.
Do'n ako nabalik sa reyalidad. Nahampas ko ang mukha ko ng wala sa oras. Ano bang ginagawa mo Yuito? Bakit ganyan ang kinikilos mo? Simula nang umamin siya sa'yo, ba't parang may nag-iba?
Ilang minuto lamang ay nagising na rin si Harumi. Balak niya pa sanang tumayo, pero pinigilan ko agad siya.
"Magpahinga ka muna."
"Pero may game—" Agad naman akong nagsalita. "Sina Nasami na daw ang bahala."
Nang sabihin ko 'yon, para siyang batang nakakunot ang noo at nakanguso. Ano na namang problema ng babaeng 'to?
"Ba't nandito ka pa? Umalis ka na."
Wow, siya na nga ang binabantayan, siya pa ang may ganang magsungit? Napabuntong hininga na lang ako para pakalmahin ang sarili ko. "Pero hindi ka pa okay."
"Stop acting around Yuito. Ayoko ng issues. Paniguradong magagalit ang girlfriend mo 'pag sinamahan mo pa ako dito."
Napakunot naman ako ng noo dahil sa sinabi niya. Lakas talaga ng toyo niya kahit kailan. "Ano bang pinagsasabi mo? Amats ka ba?"
"Excuse me, ikaw ang amats. Gusto mong sabihin ko kay Nasami na nagchi-cheat ka sa kanya ha?"
Psh, mukhang alam ko na ba't siya nagkakaganyan. Nagseselos siya sa'min ni Nasami, nako kung alam niya lang kung gaano ako kamuhian ng babaeng 'yon. "Cheat? Ba't ako magchi-cheat, single pa naman ako?"
Tinaasan naman niya ako ng kilay na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko. Ewan ko, pero biglang naubos ang pasensya ko dahil sa ginawa niya. "Hindi na talaga kita maintindihan e. Ano bang ikinagagalit mo sa'kin Harumi?"
Matagal bago ito sumagot sa'kin. Sinamaan ako nito ng titig. "Pain changes people, Yuito."
Habang sinasambit niya 'yon, nagsisimula nang tumulo ang luha sa mga mata niya. Napalunok naman ako. Ito na naman 'yong nararamdaman kong mabigat tapos parang ang hirap huminga.
"Hindi ko naman ginusto na magustuhan ka e. Pinipilit na nga kitang kalimutan kasi 'di ba, si Nasami ang gusto mo? Pero bakit ang hirap? Bakit ang hirap na kalimutan ka?"
Wala akong nagawa kung hindi manahimik. "Alam mo, umalis ka na—"
"Ba't mo ba ako pinapaalis? Ganyan ka ba magmahal Harumi? Tinataboy mo?"
Hindi naman siya maka-imik ng sabihin ko 'yon. Masyado na kasing seryoso 'yong pinag-uusapan namin, kaya sinadya kong ibahin 'yong usapan. Hindi ko man alam ang eksaktong dahilan, pero ayaw ko na nagtatalo kami ni Harumi. Masyadong mabigat kasi sa pakiramdam.
"Excuse me, nagmu-move on na ako 'no! 'Wag kang feeling diyan Yuito ka!" Pabiro ako nitong hinampas. At hindi pa nakuntento at sinabunutan pa ako. Dapat naiinis ako e, ba't parang masaya pa ako na ganito kami?
'Wag mong sabihin na kahit papaano, namiss ko ang presensya ng babaeng 'to?
Normal lang naman siguro 'yon, tinuring ko siyang kaibigan e. "So, bati na tayo? Friends na ulit?"
Naglahad ako ng kamay sa harapan niya. Ayaw kong masayang ang pagkakaibigan namin, hindi pa naman siguro huli ang lahat para magsimula ulit 'di ba?
"Best friends."
---
Hirap akong bumangon sa pagkakahiga. Nahihilo ako at ang init ng pakiramdam ko. Gusto ko man mag-training ngayon, hindi naman sumasang-ayon ang katawan ko. Wala naman akong lakas na bumangon sa pagkakahiga.
May kumatok sa pintuan, si Nay Mae 'yon. Naramdaman ko ang pagsipat niya sa noo ko. "Tsk, may lagnat ka. Masyado mo yatang pinapagod ang sarili mo sa pagte-training."
Hindi ko na lamang ito pinansin. Nanghihina ako masyado para mangatwiran. Nilagyan niya ako ng basang bimpo at pinalitan ang suot ko ng maluwag na sando. Ang pagkakarinig ko, bababa lang daw siya sandali. Hindi ko na maalala ang sumunod na nangyari dahil nakatulog na ako.
Basta ang alam ko nalang, nasa isang malamig na lugar ako. May anghel na lumapit sa'kin. No'ng una, hindi ko maaninag ang mukha niya. Pero habang tumatagal, unti-unti ko siyang nakikita. "Yuito, kain ka na para makainom ka na ng gamot."
Hindi ako maaring magkamali. Siya si Sakura. Ang anghel na nasa harapan ko ngayon ay walang iba kung hindi si Sakura.
"Lalamig 'tong lugaw mo, hindi na 'to masarap kainin sige ka."
"S-Sakura.." Sambit ko sa pangalan niya. God knows how much I miss her. Kailangan ko lang pala magkasakit para bumalik siya sa'kin.
Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. Itong kamay na 'to, sa'kin lang 'to dapat e. Itong kamay na 'to, hindi ko na papakawalan kahit anong mangyari. "S-Sakura, d-don't leave me.."
Kahit nanghihina, pinilit ko na makalapit sa mukha niya. Kung panaginip man 'to, mas nanaisin ko nalang na hindi na magising. Sa panaginip na 'to, mahal na mahal ako ni Sakura. Maingat ang halik na pinapakawalan niya, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.
Pero bakit pakiramdam ko, may mali?
Sa bawat pagtugon ko sa halik ni Sakura, bakit rumirehistro sa utak ko ang mukha ni Harumi na nasasaktan? Bakit naaapektuhan ako kung masaktan man siya sa ginagawa ko ngayon?
Sa 'di malamang dahilan, bumitaw ako sa paghalik. Tuluyan na akong nanghina. "'Wag mo na akong iiwan ulit. Hindi mo alam kung gaano kasakit para sa'kin 'yon, Sakura."
Hinaplos niya ang mukha ko. Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko sa ginawa ni Sakura. "Magpahinga ka na Yuito. Aalis lang ako sandali, pero hindi kita iiwan."
Hindi iiwan? Natatakot ako. Ayaw kong pagkagising ko, wala ka na sa tabi ko.
Mas lalo kong hinigpitan ang paghawak sa kamay niya. "Ayaw ko, gusto ni Yuito dito ka lang."
Niyakap ko siya ng mahigpit. Ayaw kong mawala ulit siya sa'kin. Hindi ako makakapayag.
~The other night, dear, as I lay sleeping
I dreamt I held you in my arms
When I awoke, dear, I was mistaken
So I hung my head, and I cried~
Habang tangan siya sa tabi ko, nakarinig ako ang isang mala-anghel na tinig. Teka, hindi naman maganda ang boses ni Sakura ah? Hindi 'yon marunong kumanta, sino ang anghel na 'to?
~You are my sunshine, my only sunshine
You make me happy when skies are grey
You never know, dear, how much I love you
Please don't take my sunshine away~
Inaantok man, pinilit kong idilat ang mga mata ko. Hindi ako sigurado sa nakita ko, pero parang kamukha ni Harumi ang anghel na 'yon. Maingat ako nitong kinumutan at hinalikan sa noo. "Get well soon, my baby."
---
Mabuti na lamang, mabilis akong gumaling sa sakit na 'yon. Nagkaroon ako ng isang magandang panaginip, inalagaan daw ako ng isang anghel mula sa langit. Hindi malinaw ang mukha, pero parang si Sakura ang anghel na 'yon.
Pero parang nakita ko din na si Harumi ang anghel na 'yon.
Ewan ko, hindi ko na alam. Basta masaya lang ako ngayong araw, paano ba naman usap-usapan sa Basketball Club ang pagdalaw ni Sakura sa school festival. Siyempre, excited akong makita siya. Ang gago lang e 'no? Matapos niya akong saktan, siya pa din ang pinipili ng puso ko.
Nang matapos ang training namin, ako na ang nagpresinta na maglinis ng court. Maaga pa naman kasi, wala din naman akong gagawin sa bahay pag-uwi.
Habang pinupulot ko ang mga bola sa sahig, nagulat na lamang ako nang may kamay na nag-abot ng bola sa harapan ko. Tinignan ko kung kanino galing 'yon, laking gulat ko nang si Sakura ang makita ko.
"S-Sakura?"
"Hisashiburidesu, Yuito-kun." (Long time no see, Yuito-kun.)
Nginitian ako nito. Halos matunaw ang puso ko sa ngiti niyang 'yon. Wala pa ding nagbago sa kanya, maganda pa din siya. Mahinhin at babaeng-babae ang kilos. 'Yan ang babaeng pinapangarap ko.
"Ogenkidesuka?" (How are you?)
"Watashi wa genkidesu, anata ga otona ni natta toki, soreha jinsei ga fukuzatsudearu yōdesu." (I'm fine, it seems that life is complicated when you became an adult.)
"Ā, īdesu ne. Tokorode, anata no kareshi wa dokodesu ka?" (Oh, sounds good. By the way, where's your boyfriend?)
"Kare wa isshūkanmae ni watashi o satta." (He left me a week ago.)
Iniwan siya ng boyfriend niya? Nakakapagtaka, ba't nagagawa kong kumalma nang mga oras na 'to? Hindi ba dapat, masaya ako kasi single na ulit si Sakura? Bakit parang wala lang sa akin?
Hindi na talaga ako 'to.
"Sakura ni kii te gomen'nasai." (I'm sorry for asking, Sakura.)
Pinagpatuloy ko na lamang ang pagpupulot ng mga bola. Medyo lumalalim na rin kasi ang gabi, kailangan ko ng umuwi.
"Doko ni iku no? Kōhī o nomimashou, watashi no o treat hashidesu." (Where are you going? Let's grab some coffee, my treat.)
"Darekaga watashi o matteimasu, watashi wa iku hitsuyō ga arimasu. Matakondo?" (Someone's waiting for me, I need to go. Maybe next time?)
Panigurado hinihintay na ako ng babaeng 'yon. Naiimagine ko na nga 'yong mukha niya na inis sa'kin dahil sa inip. Natawa tuloy ako sa isip ko.
"Sorekara gakuen-sai ni issho ni ikimashou." (Then go with me in school festival.)
"Hai." (Okay.)
Hindi ko na siya tinanggihan pa. Samahan lang naman e, wala namang sigurong masama do'n?
---
School festival. Nagkita kami ni Sakura gaya nang pinag-usapan namin. Pinagtitinginan kami ng mga tao, lalo na ang Basketball Club na binibigyan kami ng makahulugang tingin. Pero ewan ko ba, parang wala nalang sa'kin. Suddenly, biglang nawala 'yong spark na nararamdaman ko para sa kanya.
"Yuito-kun, kowai!" (Yuito kun, I'm afraid!) Agad naman itong dumikit sa'kin. Nasa haunted house kasi kami ngayon e.
"Kowagaranaide, watashi wa itsumo koko sakuradesu" (Don't be afraid, I'm always here Sakura.)
Mukhang naging kalmado naman si Sakura nang sabihin ko 'yon. Ang mga babae talaga, masyadong matatakutin.
Ano bang nakakatakot sa haunted house na 'to?
Iginala ko ang paningin ko sa paligid, may naaninag akong pamilyar na presensya. "Harumi? Ikaw ba 'yan?"
Hindi ko mapigilan 'yong tawa ko. Paano ba naman, ang wasted ng itsura niya. Tapos, nakasimangot pa. Ito ba ang kinakatakutan ng mga tao dito? Hahaha.
"Pfft, siya nga pala. Harumi, si Sakura nga pala. Siya 'yong dating basketball manager namin, nandito siya para bisitahin ang team." Pagpapakilala ko kay Sakura. Pinandilatan ko naman siya ng mata nang makita ko 'yong pagtataray niya. Baliw talaga ang babae na 'to kahit kailan.
"Sakura, kore wa watashi no shin'yū, Harumidesu." (Sakura, this is my close friend, Harumi.)
Pansin ko ang pananahimik ni Harumi nang ma-ipakilala ko sa kanya si Sakura. Ni hindi man lang ako nito pinansin, siguro ay napagod siya sa pagiging sadako niya hahaha.
Nang makalabas na kami ng haunted house, sinubukan naman namin 'yong iba pang booths. Aaminin ko, medyo nakakapagod ngayong araw.
"Kono Ni~Tsu, yuito-kun, arigatō. Kore ga saigode wanai koto o negatte imasu." (Thank you for this day, Yuito-kun. I hope this is not the last time.)
"Machigainaku, supōtsu taiikukan de dai year-bi no pātī ga kaisai sa remasu. Kitene, daijōbu?'" (Definitely not, there will be a new year's eve party in Sports Gymnasium. Make sure to come, alright?)
"Hai, anata no tame ni kamubakku shimasu." (Yes, I will surely comeback for you.)
Natigilan naman ako sa sinabi niya. Comeback for me? Anong ibig niyang sabihin? Lumapit ito sa'kin at bumulong. "Mata aimashō." (See you there.)
---
Nagpapawis lang ako saglit sa Sports Gymnasium. Balak kong pumunta ngayon sa Sports Club Room para ibalik na 'yong bola, pero si Harumi ang nadatnan ko do'n.
"Oh ba't nag-iisa ka dito? Tara sa labas, nagkakasiyahan sila do'n," pagyaya ko sa kanya. Kaso mukhang badtrip siya at 'di man lang ako pinansin. Pansin ko lang, ba't biglang ganito ang asal niya? Akala ko ba bati na kami?
"Uy, ayos ka lang?" tanong ko. Lumapit ako sa kanya para makita ko siya ng maigi. "May dumi ka pa sa mukha oh."
Hindi ko natiis na tanggalin 'yong dumi. Habang ginagawa ko 'yon, pansin ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Tangina, ba't biglang ang hirap na naman huminga?
Medyo nahiya ako sa pwesto namin ngayon, mahirap na at may makakita pa sa amin ni Harumi nang nasa gano'ng posisyon. Akmang didistansya na ako nang bigla niyang hilahin ang batok ko at hinalikan.
Nagulat ako sa naging asal niya. Dala na rin ng emosyon, natulak ko siya. "Ano bang ginagawa mo Harumi?!"
"Ikaw pa ang may ganang magtanong niyan sa'kin? Bakit kaya hindi mo tanungin ang sarili mo kung may nagawa ka sa'kin?"
Nagawa? Ano na namang ginawa ko?
"Haha, ano pa nga bang aasahan ko sa'yo? Siyempre, wala ka namang naaalala sa ginawa mo."
Kung sabihin niya kaya sa'kin? Manghuhula ba ako para malaman kung anong nararamdaman niya? Tapos ano? Siya pa 'yong may ganang alisan ako?
Sa inis ko, hinila ko siya. Balak niya pa sanang makaalis, pero hinarang ko ang kamay ko. "Tell me, ano bang ginawa ko sa'yo?"
Hindi siya makapagsalita. Namumula ang mukha niya at parang kinakabahan pa. "H-Hinalikan mo ako.."
Ako naman ngayon ang naistatwa sa narinig ko. Hinalikan? Tangina, siya ba 'yong anghel na 'yon? 'Yong nasa panaginip ko? "Shit, sorry Harumi! Fuck, akala ko panaginip ko lang 'yon. Sorry talaga.."
Malakas niyang tinabig ang kamay ko na nakaharang sa kanya. Wala naman akong nagawa kung hindi tanggalin 'yon.
"Ang sakit mo sa puso mahalin, Yuito. Pero ba't gano'n? Kahit anong sakit, tinitiis ko para sa'yo? Sana hindi nalang ikaw e. Sana hindi nalang ako."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon, malakas niyang sinarhan ang pinto. Hindi ko maintindihan, bakit biglang ganito ang nangyayari sa'kin. Kaya naman pala parang wala ng epekto sa'kin si Sakura, dahil si Harumi pala 'yon.
Si Harumi pala ang anghel sa inaakala kong panaginip.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro