Chapter Eighteen: "You Are My Happiness"
Totoo pala 'yon 'no? Kapag sobra kang nasaktan, kusa ng susuko ang puso mo na magmahal.
Siguro gano'n talaga kapag nalaman mo na kung anong worth mo. Alam mo na kung paano mas unahing mahalin ang sarili mo. 'Yon kasi 'yong nawala sa'kin e. Simula nang mahalin ko si Yuito, nakalimutan ko ng mahalin ang sarili ko.
Ang kumplikado lang talaga ng buhay. Dati, gustong gusto ko na mahalin ako ni Yuito pabalik. Tapos ngayong panay pagsuyo siya sa'kin, saka naman ako ngayong walang pakialam.
Wala namang bago sa mga sumunod na araw. Siyempre, awkward kasi nagkakasalubong kami ni Yuito dito sa bahay. May mga times na gusto niya akong kausapin, pero ako na mismo 'yong umiiwas. Kasi, ano pa bang dapat namin pag-usapan? Malinaw na ang pagkakasabi ko sa kanya na gawin niya nalang ang bagay na nagpapasaya sa kanya.
Pero ano 'yong ginagawa niya ngayon? Na hindi na siya nagte-training sa basketball?
Ah, siguro wala namang kinalaman 'yon sa'kin. Bali-balita din kasi na tinanggal na siya ng basketball coach bilang basketball captain. Recently daw kasi, bumaba 'yong performances niya at puro palpak 'yong mga drills niya.
Nakakapagtaka nga e. 'Yong Yuito na kilala ko, malamang magwawala 'yon na parang bata. Nakakapanibago dahil no'ng pinaalam ni coach sa kanya na need niya munang magpahinga sa pagbabasketball, wala man lang siyang naging imik. At hindi lang 'yon, parang okay lang sa kanya na si Shin na ang bagong basketball captain.
May part sa'kin na gusto ko siya kausapin o kamustahin man lang, pero kapag sinusubukan kong gawin 'yon, naalala ko lang 'yong sinabi niya. Grabe pala talaga 'yong impact na ginawa sa'kin ni Yuito, huh? Nakakatrauma na lapitan siya.
Sa ngayon, kakatapos lang ng training namin nila Akira. Nakasanayan na din namin na sabay-sabay kaming nauwi at napasok sa school. Nakakatuwa din dahil nagiging close na sila ni Shin, kaya pakiramdam ko lagi akong third wheel sa kanila 'pag magkakasama kami.
"Nanika ga okottanode, watashi wa anata-tachi ni kuwawaru koto wa dekinai to omoimasu." (Something came up, I think I can't join you guys.) Pagpapaalam ni Shin sa'min. Mukhang nagmamadali ito kaya hindi na namin siya natanong kung bakit.
Bigla namang hinawakan ni Akira ang balikat ko. Ako lang ba 'yong nakapansin at parang nag-sparkle ang eyes niya habang tinitignan ako? Waahh, ang kyut.
"Shin no chokorēto o tsukurou." (Let's make chocolate for Shin.) Kinikilig na sambit nito sa'kin. Come to think of it, ngayon ko lang namalayan na february na pala. Aware din naman ako na dito sa Japan, gumagawa ang girls ng chocolate para ibigay sa lalaking gusto nila.
Aww, naalala ko tuloy dati na balak kong gawan si Yuito ng chocolate. Siguro, kay Shin ko nalang din ibibigay 'yong sa'kin.
Sumang-ayon nalang ako sa balak ni Akira. Nandito kami ngayon sa market, bumibili ng mga ingredients para sa gagawin naming chocolate. May ilang araw pa naman bago mag-valentines, kaya makakapagpractice pa kami.
'Yon lang ang pinagkaabalahan ko sa buong araw, then ayon valentines na. Ewan ko ba, wala ako masyado sa mood para maging excited. Siguro, dahil wala naman akong ineexpect na pagbigyan talaga ng chocolate. Itong ginawa ko nga, wala man lang ka-effort effort. Samantalang si Akira, excited na ibigay 'yong chocolates niya for Shin.
Dahan dahan namang lumapit ito kay Shin, mukhang nahihiya pa na i-abot 'yong chocolates na ginawa niya with effort and love.
"Nanishiteruno?" (What are you doing?)
"Barentain omedetō!" (Happy valentines!)
Sobrang namumula ang mukha ni Akira. Siyempre, ayoko namang makasira ng moment nila kaya hindi ko nalang binigay 'yong chocolate na ginawa ko hehe.
Mukhang hindi inexpect ni Shin na may magbibigay sa kanya ng chocolates. Nako, halata din namang kinikilig itong si Shin e! Namumula ba naman 'yong tenga.
"Mu han'nō? Hmp!" (No reaction? Hmp!) Nagtatampong pahayag ni Akira. Balak niya na sanang tumabi sa'kin, nang biglang sinabit ni Tomato 'yong pawis niyang uniform kay Akira. Tutal, maliit si Akira ay pinatungan lang ni Shin ang ulo nito ng kamay niya.
"Arigatō, arigatōgozaimasu Akira." (Thank you, I appreciate it so much Akira.)
Ehem, edi kayo na ang masaya sa valentines! Lintek, sana all 'di ba!
Kilig na kilig si Akira, halata namang sinesenyasan akong umalis dahil balak niyang i-date si Shin. At bilang supportive naman akong kaibigan, nagkunwari nalang ako na may kailangan akong puntahan at mauna na silang dalawa na umuwi or kung ano man ang gusto nilang gawin.
Nauna na ako sa station at umuwi nalang. Humalik naman ako sa pisngi ni mama at sa kanya ko nalang inabot 'yong chocolates na ginawa ko.
"Happy valentines, mama."
Niyakap naman ako ni mama. Mukhang na-surprise siya sa ginawa ko, teary eyed ba naman.
"Salamat anak, I love you."
"I love you too, mama."
Ang sarap sa feeling, lalo na no'ng niyakap niya ako ng mahigpit. Niyaya din ako ni mama na kumain ng meryenda, tutal gutom na din naman ako ay sinamahan ko na siyang kumain. After no'n, pumunta na ako sa kwarto ko at nagpahinga.
Habang nakahiga, biglang pumasok sa isip ko na next next week, release na ulit ng grades namin. Naalala ko lang kasi si Yuito, ang baba ng grades niya this sem. Ano nalang ang sasabihin ni Tita Yarano sa'kin? Na pinapabayaan ko ang trabaho ko. Pinapaaral niya ako ng libre, tapos mababalitaan niya na mababa ang grado ng anak niya?
Inabala ko na lang ang sarili sa pag-skin care. Naghilamos na din ako dahil balak ko na ring matulog. Bubuksan ko na sana ang lampshade nang mapabalikwas ako nang tumunog ang phone ko. Tinignan ko ang caller, pero unknown number ang nakalagay. Sinagot ko nalang kasi baka importante.
"Kon'nichiwa, koreha daredesuka?" (Hello, who's this?)
"Harumi.."
Teka, bakit niya ako kilala? Hindi ako maaaring magkamali, si Yuito 'to. Hindi nalang ako nagsalita. End ko na sana 'yong tawag, pero parang narinig ko na umiiyak siya.
"Harumi, forgive me please.." Pumipiyok na siya. At sa tono ng pananalita niya, mukha siyang nakainom.
"'Wag m-mo naman akong iwasan oh, ayusin natin 'to. Hindi ko kaya, Harumi please..." Para siyang bata na humahagulgol. Napapikit naman ako ng mariin.
"Nasa'n ka?" seryosong tanong ko.
Hindi na ako nitong nagawang sagutin, narinig ko na lamang sa kabilang linya na parang may rambulan. Naririnig ko ang tawanan ng mga lalaki, tapos si Yuito parang umiiyak? Teka, may nambubugbog ba sa kanya? Shit.
Hindi ko pinutol ang tawag, agad akong nagjacket at nagpaalam kay mama na may pupuntahan lang ako. Hindi ko alam kung anong sumapi sa'kin, kung saan saan ako dinala ng mga paa ko kahit hindi ko naman alam kung saan siya hahanapin.
"Yuito sumagot ka, nasa'n ka?! Please, 'wag ka namang ganyan.."
Para akong tanga na salita ng salita, napapaiyak na rin ako dahil sa frustrations.
"Kon'nichiwa misu?" (Hello, miss?) Hindi pamilyar ang boses sa kabilang linya, kinakabahan man pero sumagot ako.
"Shitsurei, gomen'nasai. Shikashi, doko ni iru ka oshiete itadakemasu ka? Watashi no yūjin wa yopparatte ori, watashi wa kare o ie ni okurikaesu hitsuyō ga arimasu." (Hey, I'm sorry for being impolite. But can you tell me where you are? My friend is drunk and I need to send him back home.)
"Sate, shinpai suru hitsuyō wa arimasen. Basho o ookuri shimasu." (Okay, no worries. I'll send you the location.)
Binaba ko na ang tawag, nareceive ko naman agad 'yong address. Buti na lang, nadadaanan namin nila Shin 'yong lugar na 'yon kaya pamilyar 'yong bar.
Pagkadating ko, hinanap agad ng mata ko si Yuito. Napatakip naman ako ng bibig nang makita kung gaano siya ka-wasted. Nagpasalamat naman ako do'n sa lalaki na nagsend ng location ni Yuito, tinulungan din ako nitong akayin si Yuito palabas ng bar hanggang sa makapara kami ng taxi.
Ang daming sugat at pasa ng mukha niya, sinubukan kong haplusin 'yon pero napapangiwi siya.
Ano bang ginagawa mo sa sarili mo, Yuito? Bakit ka nagkakaganyan?
Nang makarating na kami sa bahay, binayaran ko na 'yong taxi driver. Tinulungan ako nitong akayin si Yuito sa loob. Nagpasalamat naman ako sa kanya.
"Diyos ko, anong nangyari sa kanya Harumi?!" Salubong ni mama sa'kin at pinagtulungan naming akayin si Yuito sa kwarto niya.
"Hindi ko po alam mama, mukhang nagpakalasing siya buong gabi."
Tinulungan ako ni mama na intindihin si Yuito. Siya ang nagpalit ng damit nito, samantalang ako naman ay kumuha ng first aid kit para gamutin ang sugat niya. Kumuha na din ako ng ice pack para sa pasa niya.
Pagkabalik ko sa kwarto ni Yuito, tapos na itong palitan ng damit. Agad namang umalis si mama at binilinan ako na ako na ang bahala sa kanya dahil may gagawin pa daw siya. Pumayag nalang din ako at sinimulang gamutin ang sugat niya.
"Hay nako Yuito. Bakit pinag aalala mo ako ng ganito."
Para akong tanga na nagsesermon sa taong tulog. Kapit pa rin 'yong tapang ng alak sa katawan niya, dinampian ko nalang siya ng tubig na may sabon para naman guminhawa ang pakiramdam niya sa pagtulog.
"Akala ko, kung ano ng nangyari sa'yo. Paano kung may nangyaring masama sayo huh? Hindi ka talaga nag-iisip, nakakainis ka!"
Nilagyan ko ng betadine 'yong sugat niya. After kong linisin 'yon, saka ko naman nilagyan ng ice pack 'yong pasa niya. Grabe, putok na putok 'yong labi niya.
"Ang sabi ko 'di ba, gawin mo 'yong bagay na nagpapasaya sa'yo. Pero bakit ganito ang ginagawa mo? Pinapabayaan mo 'yong sarili mo."
Nagulat ako nang hawakan ni Yuito ng mahigpit ang kamay ko. Dumilat din siya at pinagkatitigan ako ng maigi. "Sorry for making you worry, Harumi. Nang mawala ka kasi, nawalan na ako ng gana sa lahat."
"Why? Don't do this to yourself. Hindi mo alam kung gaano kasakit para sa'kin na nakikita kang ganyan."
"You are my happiness. Without you, I can't be happy anymore, Harumi."
Bumigat bigla ang pakiramdam ko. Parang ayaw ko marinig lahat ng explanations niya, hindi matanggap ng sistema ko. Agad kong binawi ang kamay ko sa kanya at iniwan siya doon.
Yuito, you're really something.
🧡🧡🧡
After ng araw na 'yon, bumalik na ulit 'yong sigla ni Yuito sa pagte-training. Nakaluwag naman ako sa paghinga. Mabuti na 'yong ganyan siya, kaysa pinapabayaan niya ang sarili niya.
As usual, nagsimula na kami magtraining nitong si Akira. Inimprove din ng coach namin 'yong pagreceive and pagserve ng bola. Pasimple naman akong napapatingin sa kinaroroonan nila Yuito. Muntik na nga niya akong mahuli na nakatingin ako sa kanya e, buti naman at hindi niya nahalata.
Nagshower muna kami nila Akira bago umalis. Nasa usual spot kami ngayon, hinihintay si Shin dahil sabay sabay kaming uuwi.
"Shin wa totemo jikan ga kakatte irunode, kare o chekku suru hitsuyō ga arimasu ka?" (Shin's taking so long, should we check on him?) Nag-aalalang tanong ni Akira sa'kin. Tutal tumayo na din naman siya, sumunod nalang ako sa kanya.
Bumalik kaming Sports Gymnasium, but for our suprise, nakita na namin si Yuito and Shin na nagsusuntukan. Matapang namang lumapit si Akira, pinipigilan si Shin.
"Shin, ochitsuite kudasai!" (Shin, calm down please!) Naiiyak na sambit ni Akira. Hindi naman ito tinantanan ni Yuito at dinamba si Shin. Wala akong magawa, hindi ko man lang mai-kilos ang mga paa ko.
Siguro, nabalik lang ako sa wisyo nang makitang natabig ni Yuito si Akira. Agad naman akong lumapit sa kanya. "Daijōbudesuka?" (Are you okay?)
"Harumi-san, genkidesu! Demo, yuito ni ochitsuku yō ni itte kudasai." (I'm fine Harumi-san! But please, tell Yuito to calm down.)
"Tanginamong hayop ka! Ano pa bang gusto mo, pinagbigyan na kita ah!"
Wala namang palag si Shin kahit panay suntok na si Yuito sa mukha niya. Sinigawan ko naman si Yuito na tumigil na siya, pero wala namang talab.
"Yuito, tumigil ka na please!" Sinampal ko siya ng malakas. Hindi naman siya makareact ng gawin ko 'yon. Si Akira, agad lumapit kay Shin. Gano'n din ang ginawa ko.
Halos mapaiyak naman ako nang makita na dumudugo ang ulo ni Shin. Tangina, paano kung bumuka 'yong tahi nito sa ulo?
"Harumi-san, shukketsu shimashita! Moshi kare ni nanika warui koto ga okottara dōda!" (Harumi-san, he's bleeding! What if something bad happen to him!) Naiiyak na si Akira. Masama ko namang tinitigan si Yuito. Mukhang nakokonsensya siya sa mga ginawa niya, pero huli na dahil sobrang napuruhan niya si Shin.
"Tangina mo Yuito, kapag may nangyaring masama kay Shin.. hinding hindi kita mapapatawad!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro