Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Eight: "The Kiss Accident"

Sabay kami ni Akira na pumasok sa klase. I declare na it's a free day pagdating sa volleyball training namin. Focus daw kasi nila Coach ngayon ang basketball dahil sila naman ang may eliminations. Bale kaming volleyball players, chill lang kami habang hinihintay ang semi finals.

As usual, nagsubmit lang kami ni Akira for completions ng subject na namiss out namin habang may training. Nagtake lang rin kami ng special exams and quiz para sa grades naming incomplete. Grabe nga e, ngayon ko lang narealize na ganito maging student-athlete sa Japan. Super nakakapagod!

"Harumi-san, gakuen-sai ni totemo kōfun shite imasu!" (Harumi-san, I'm so excited about our school festival!) Pahayag ni Akira out of nowhere. Nacurious naman ako sa sinabi niya.

"Gakuen-sai?" (School festival?) Pag-uulit ko. Tumango lang naman si Akira.

"Hai! Kaku kurasuni wa, shitei sa reta būsu ga arimasu. Nani ga watashitachi no mono ni naru nodarou!" (Yes! Each class will have a designated booth. I wonder what will be ours!)

Wow. First time ko mararanasan 'yon 'pag nagkataon. E kasi naman, sa public school na pinapasukan ko sa Pilipinas hindi uso ang festival na ganyan. Pang mayaman lang ang nakakaranas no'n. Kalimitan, foundation ang nagaganap. You know, may mga teams tapos may mga competitions.

Nagkuwentuhan lang naman kami ni Akira about life. Sinabi ko na rin sa kanya na in good terms na ulit kami ni Yuito. Speaking of him, hindi ko na ulit siya nakita after ng pag uusap namin sa Sports Clinic. Hindi rin naman kasi kami nagpapang-abot sa mansion gawa ng hindi match ang mga schedules namin.

Namiss ko tuloy bigla ang lalaking 'yon.

"Deidorīmuha~a~tsu?" (Day dreaming huh?) Ngising pahayag ni Akira. Pabiro ko naman siyang hinampas sa braso.

"Arienai! Akira-san, modotte miyou." (No way! Akira-san, let's go back.) Niyaya ko nalang siya pabalik ng classroom. For sure, aasarin na naman niya ako kay Yuito. Siyempre, bilang marupok na babae, kikiligin na naman ako. And it's a no no no for me dahil nagmu-move on na nga ako.

Besides, best friends should stay as best friends afterall.

Wala namang masyadong special na nagaganap ngayong araw. Puro discussions tapos pinag-uusapan lang naman 'yong tungkol sa booth na gagawin ng section namin. Hindi pa din kasi sila makapag-decide kung magme-maid cafe ba or haunted house ang gagawin.

Hays, what a boring day.

Halos isang linggo na puro gano'n lang ang nagaganap sa buhay ko. Except sa nagsisimula na kaming magdecorate for our booth which is haunted house. Hanggang ngayon, wala pa ring napipili kung sino ang gaganap na ghost. For sure naman, wala namang magvo-volunteer na maging si sadako sa class namin.

Bahala na sila diyan, hahaha!

After no'n, umuwi na ako. Hindi na ako nagpasundo kay Manong Ranmaru dahil gusto ko maging independent. Atsaka, feel ko din kasi na mag-commute ngayong araw.

Pagkadating ko sa bahay, nakaugalian kong magmano muna kay mama. Ewan ko, pero unti-unti nilalapit ko na ang loob ko sa kanya. Hindi rin naman siguro masama na bigyan siya ng pangalawang pagkakataon 'di ba?

"Ma, mano po." Nginitian naman ako ng sobra ni mama.

"Kamusta naman anak ang school? May niluto akong meryenda dito, kain ka lang kapag gusto mo ha."

"Opo, ay ma. Dumating na po ba si Yuito?" Wala lang. Namiss ko lang kasi e, hehe.

"Mataas nga ang lagnat e. Pwede bang ikaw nalang ang magdala ng pagkain niya? Painumin mo na rin ng gamot."

Woah, may sakit pala si Yuito? 'Yong lalaking talagang 'yon! Hindi man lang ingatan ang sarili niya. Masyado niyang pinapagod ang katawan niya para sa pagtetraining.

Tumango na lamang ako sa utos ni mama, bitbit ang tray ng mga pagkain. Feeling ko tuloy, dejavu ang nangyayari. Gantong ganto din kasi siya noon, may bitbit ding tray. Ang pagkakaiba nga lang namin, may iniinda siyang lagnat ngayon.

"Yuito? Pasok na ako ha." Pagkatok ko sa pintuan. Pagkapasok ko sa kwarto niya, napansin ko agad na sobrang lamig. Kaloka ang lalaking 'to, kita ng may lagnat siya mas lalo niya pang nilakasan ang aircon niya.

Kinuha ko naman 'yong remote para patayin ang aircon. Dapat kasi mapawisan siya e.

Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na mapatingin sa paligid. Ang linis ng kwarto ni Yuito, simple lang pero mahahalata mo agad na lalaki ang may-ari. Sobrang pula ng mukha ni Yuito, nakapajama at white shirt lang siya.

"Yuito, kain ka na para makainom ka na ng gamot."

Ayaw naman nito bumangon at tinataboy ako. May naririnig akong sinasabi niya, pero 'di ko naman maintindihan.

"Lalamig 'tong lugaw mo, hindi na 'to masarap kainin sige ka."

"S-Sakura.." Ano daw? Sakura?

Hindi makapag-process ang utak ko ng maayos dahil sa sinabi niya. Nananaginip ba siya tungkol kay Sakura? Kung gano'n, sino siya?

Sino naman siya sa buhay ni Yuito?

Mga ilang minuto siguro akong nakaupo sa tabi ng kama niya. Naririnig ko pa din ang pagtawag niya kay Sakura. Inakala niya pa nga na ako 'yon, hinawakan ba naman ang kamay ko. Hindi naman ako makatanggi sa kanya gawa nang kung komportable siya sa paghawak ng kamay ko, papayag nalang ako.

Hinaplos ko ang buhok ni Yuito. Ramdam ko 'yong init ng sinipat ko ang noo niya. No'ng bata ako, para mawala ang sakit, hinahalikan lang ni Papa Yuta ang noo ko. Tapos pagkagising ko, nawawala na 'yong sakit ko.

Lumapit ako kay Yuito at hinalikan siya sa noo. Natigil ang pagdaing nito kay Sakura. Mas kalmado na ito tignan ngayon kumpara kanina.

Kung sino man ang Sakura na 'yon, paniguradong ang laking damage ng naiwan niya kay Yuito.

Palagay ko, kahit anong paggising ko sa kanya ay hindi siya babangon. Sobrang bagsak ang katawan niya, kaya mabuti na rin na magpahinga siya. Tatanggalin ko na sana ang kamay ko, pero hinawakan bigla ni Yuito ang mga 'yon. Nagising siya at malamlam ang pagkakatingin niya sa'kin.

"S-Sakura, d-don't leave me.." Nanghihinang tugon ni Yuito sa akin. At walang sabi sabi, bigla niya akong hinalikan.

Lumapat ang labi niya sa'kin. Ramdam ko 'yong malambot niyang labi na gumagalaw sa labi ko! Fak, that's my first kiss! Anong gagawin ko? Unti-unting lumalalim ang mga halik niya. Hindi naman ako makapalag gawa ng nadadala ako sa bawat ginagawa niya.

Dahil sa halik na 'yon, narealize ko na gusto ko pa din pala si Yuito. Na kahit anong gawin kong pag-iwas sa nararamdaman ko, siya pa din ang nilalaman ng puso ko.

Buong puso kong sinuklian ang halik na 'yon. Hindi ako marunong sa ganitong bagay, pero unti-unti akong nakakasabay kay Yuito. Napahawak na din ako sa batok niya, nagiging mapusok na ang mga kilos ko.

Bumitaw siya sa'kin at tinigil ang paghalik. Nilagay niya sa likod ng tenga ko ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko. Napatakip tuloy ako ng unan dahil sa hiya sa kanya.

"'Wag mo na akong iiwan ulit. Hindi mo alam kung gaano kasakit para sa'kin 'yon, Sakura."

Hindi ko magawang sampalin siya, kasi marupok ako para samantalahin ang kalagayan niya ngayon. Naawa ako ng sobra sa sarili ko. Hindi ako si Sakura e. Pwede ko naman siyang tulakin una palang kung gugustuhin ko. Pero kahit anong pagtanggi ng sistema ko, hindi ako makapalag dahil si Yuito 'yon e.

Si Yuito na nilalaman ng puso ko.

Hinaplos ko ang maamo niyang mukha. "Magpahinga ka na Yuito. Aalis lang ako sandali, pero hindi kita iiwan."

Ayaw talaga ako nito pakawalan. Nakikita niya talaga sa akin si Sakura. Sakura, kung sino ka man.. maraming salamat sa'yo. Alam kong panandalian lamang ito, kaya susulitin ko na muna.

"Ayaw ko, gusto ni Yuito dito ka lang." Malambing na tinig nito. Paano ko ba naman matatanggihan 'yan? Hindi mo ba alam na sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon dahil sa ginagawa mo?

Yumakap ito sa akin na parang bata. Hinawakan ko naman ang buhok niya para pakalmahin siya. Ang init init ng katawan niya, pero dahil sa ginawa niya kanina, palagay ko ako naman ang magkakaroon ng lagnat.

Kinantahan ko naman ito ng isa sa mga paborito kong pampatulog. Kapag naririnig ko 'yon, inaantok na ako agad.

~The other night, dear, as I lay sleeping

I dreamt I held you in my arms

When I awoke, dear, I was mistaken

So I hung my head, and I cried~

Unti-unti namang pumikit ang mga mata nito. Wala naman sa sarili akong napangiti. Para siyang baby, hehe.

~You are my sunshine, my only sunshine

You make me happy when skies are grey

You never know, dear, how much I love you

Please don't take my sunshine away~

Malalim na ang tulog ni Yuito kaya hindi niya napansin na hindi niya na ako katabi. "Get well soon, my baby."

🧡🧡🧡

Lumipas ang mga araw at mukhang mabuti na ulit ang kondisyon ni Yuito. Nakasalubong ko kasi ito kanina paggising ko. Hindi ko nga alam paano siya haharapin, naalala ko kasi yung "kiss" namin e.

Yuito is my first kiss. Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya 'yong tungkol do'n, kasi alam ko namang wala siya sa wisyo that time. Hindi siya aware sa ginagawa niya at baka mandiri lang 'yon sa'kin dahil sa halik na 'yon.

You know, walang kaibigan na naghahalikan.

Ayoko na maging awkward ang situation namin 'pag nagkataon. Pero ewan ko ba sa sarili ko, mukha akong baliw na iniiwasan si Yuito. Papalipasin ko muna siguro ang mga araw, tapos panigurado makakalimutan ko na din ang bagay na 'yon.

Because that kiss was just an accident.

At panigurado, kaya niya lang nagawa 'yon dahil akala niya ay ako si Sakura. Napapaisip tuloy ako, anong klase kayang babae si Sakura? Malaki din kaya ang hinaharap niya gaya ni Nasami? Sarcastic din ba ito? Magaling rin kaya siya sa sports?

"Nē, anata wa watashi no Harumi-san o kiite imasu ka? Anata wa chūi o haratte imasen." (Hey, are you listening to me Harumi-san? You're not paying attention.) Nagtatampong pahayag ni Akira. Napakamot nalang ako ng ulo. Potek na 'yan kasi, masyado occupied ng isip ko ang Sakura na 'yon.

"Gomen'nasai, Akira-san. Ikutsu ka no koto o kangaete iru dakedesu." (I'm sorry Akira-san. I'm just stress thinking about some things.) Pagpapaliwanag ko sa kanya. Buti nalang mabait itong si Akira.

"Nani no yōna mono? Tashika ni, soreha subete yui toku n ni tsuitedesu." (Things like what? For sure, it's all about Yuito-kun.) Nagpout naman ako. Gano'n ba kahalata na tungkol kay Yuito ang iniisip ko?

"Sakura ga dareda ka shitte imasu ka?" (Do you know who's Sakura?) Kumunot naman ang noo niya. Siyempre, out of the sudden ba naman 'yon ang tinanong ko. So, kinuwento ko nalang sa kanya 'yong nangyaring "kiss accident" sa'min ni Yuito.

"Mā! Dakara kare wa anata ni kisu o shi, kare o anata ga sakura-sanda to mitometa no ka!" (Gosh! So he kissed you and he recognized you as Sakura-san?!) Gulat na pahayag ni Akira. Bakit naman kaya gano'n ang reaksyon niya?

"Akira-sanda to omoimasu." (I think so, Akira-san.)

"Yuito-kun wa mō ugoita to omotta. Watashi wa, karera ni nani ga okotta to shite mo, Hanada sakura ni muchū ni natte iru to omoimasu." (I thought Yuito-kun had already moved on. I guess, he's into Hanata Sakura despite of what happened to them.) What did she mean? Kilala ba ni Akira si Sakura?

"Kanojo o shitte imasu ka?" (You know her?)

"Hai, dare ga imasen ka? Hanada sakura wa yuito no moto Kanodesu." (Yes, who wouldn't be? Hanata Sakura is Yuito's ex girlfriend.)

Sakura? Ex girlfriend? The heck.

~~

Pink's Note:

Hey guyth! Hope you enjoy my update. So, may new character na naman tayo at may bago na namang kaagaw si Harumi pagdating kay Yuito hahaha. Hindi pala ako nakapag update yesterday because of school works. Wala ih, president ang inyong author lol. By the way, this chapter is dedicated to JustCallMeSpongebob. Stay tuned for more updates! Ciao!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro