Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

"HINDI ko alam, hindi ko alam kung saan galing yung picture na ipinakita ni Mama sa akin," sabi ko kay Aaron.

Nag-uusap kami ngayon ni Aaron. Kahapon ay hinayaan niya akong magpahinga at ngayon lang naman namin napag-usapan ang nangyari. Hindi ako pumasok ngayong araw at siya naman ay mamaya pang hapon ang klase. Hindi ko alam kung papasok pa siya o hindi na muna.

"Tinanong mo na ba ang mga kaibigan mo? Alam na ba nilang nandito ka sa akin?" Sunod-sunod niyang tanong.

Kanina pa namin inaalam kung kanino nanggaling. Ang mga naisip lang naman namimg dahilan ay baka may kakilala si Mama na pumunta rin resort, may nag-send sa mga kaibigan ko o may nag-post ng mga pictures namin sa social media at nakita 'yon ni Mama.

"Hindi ko pa nasasabi, hindi ko pa rin sila nakakausap. Siguro mamaya ay icha-chat ko sila," sabi ko at tumango na lang naman siya.

Wala ng nagsalita sa amin pagkatapos no'n. Nanuod na lang kami ng TV habang nakaakbay siya sa akin.

Hapon na at pumasok na si Aaron. Naiwan akong mag-isa sa condo. Wala naman akong gagawin kaya naisipan kong ngayon na sabihin sa mga kaibigan ko na pinalayas ako sa bahay.

Pagka-open ko sa group chat namin na Gold squad ay may mga chat sila ro'n, pero hindi ko na 'yon pinagtuunan ng pansin at gumawa na lang ng mensahe para sa kanila.

Ako:

Hello? Anong ginawa niyo ngayong araw? May quiz ba? Hindi ako nakapasok. Nagkaproblema kasi e.

Sabi ko sa mensahe. Naghintay pa ako ng ilang sandali at si April, Jojoy, Erika ang unang naka-seen. Expected ko na 'yon dahil sila naman lagi ang online.

April:

Anyare?

Jel:

Wala namang quiz. Anong nangyari?

Ako:

Pinalayas ako sa bahay e.

Nang masabi ko 'yon at bigla namang rumami ang seen. Paniguradong may nagsabi sa iba kaya nasa chat na.

Joana:

Bakit 'te? Saan ka ngayon?

Vance:

Ayos ka lang ba?

Ako:

Nalaman kasi nila Mama yung nangyari no'ng anniversary namin ni Aaron.

Marami pa silang naging reaksyon sa sinabi ko. Kinuwento ko lahat, walamg labis at kulang pati kung nasaan ako ngayon ay sinabi ko rin na kay Aaron ako. Nag-aalala sila sa nangyari. Ang rami nilang tanong kung paano nangyaring nalaman. Nang biglang mag-chat si Jael sa group chat.

Barni:

Hoy 'te. Si Eubert nagpost tungkol sa lakad natin. May mga pictures 'yon, hindi niya alam na nasama niya yung kinuha niyang picture na magkasama kayo ni Aaron sa pool. Tapos may friend daw siyang kakilala mo. Magkasama kami ngayon. Deleted na yung post. Sorry daw sabi niya.

Gen:

Hala

April:

Lagot

Mga reply nila sa message ni Barni. Napatango naman ako at ngumiti ng mapait. Wala talagang sekreto ang hindi nabubunyag at isa na 'to.

Hindi ko naman ni-reply-an si Barni sa group chat at tinawagan na lang ito agad.

"Hello, Jael," bati ko sa kabilang linya.

"Hello 'te. Sorry na raw talaga. Hindi niya sinasadya." Biglang sabi ni Barni.

"Ano ba kasing nangyari talaga? Alam mo naman 'yon e. Alam mong bawal. Bakit? Anong nangyari?" Malungkot kong tanong dito.

"Nag-post daw siya at nagulat na lang siyang may nag-commemt na si Wayde ba 'yon. Tapos dinilete niya agad kaso nakakuha na pala agad ng picture 'yon. Ini-stalk niya pa, at nakita niyang taga sa atin lang din." Paliwanag niya at napailing ako.

"Sorry raw talaga, 'te. Hindi niya talaga sinasadya." Dugtong niya pa at napabuntong hininga na lang ako.

"Okay, ayos lang. Tapos na rin naman. Siguro kailangan ko lang harapin sila Mama."

"Kung kailangan mong tulong nandito lang kami." Seryoso nitong sabi.

Napangiti naman ako sa sinabi nito. Kahit nagtatarayan o nag-aaway kami minsan ay hindi niya talaga ako iniwan kapag ganitong napapahamak ako.

"Salamat, Jael. Sige, ibababa ko na 'to."

Pagkatapos naming mag-usap ay nahiga na lang ako sa sofa. Nag-iisip na hindi na dapat magalit pa para hindi na lumaki pa itong problema. Iniisip ko ring umuwi para magpaliwanag kila Mama. Gusto ko ng umuwi. Bulong ko sa aking sarili at pumikit na lang para makatulog.

Nagising na lang ako nang may maramdaman akong humahalik sa pisngi ko, pagdilat ko ah si Aaron pala at nakaupo siya sa sahig habang nakaharap sa akin ng nakangiti.

"Nandito ka na pala," sabi ko at dahan-dahan umupo. Tumayo naman siya sa sahig at umupo sa tabi ko.

"Maaga kasing natapos ang klase e," aniya. Tinignan ko naman ang orasan at five-thirty pa lang. Alas-tres kasi ang pasok nito at hanggang alas-sais sana ang pasok niya pero maaga 'yon ng thirty minutes.

"Magbihis ka muna." Tumango naman siya at pumasok sa kuwarto.

Medyo malaki ang condo niya, pagpasok mo ay makikit mo agad ang sala pagkatapos ng sala ay ang kuwarto, sa kanan naman ng sala niya ay ang counter na para sa lutuan at may maliit na mesa ro'n malapit para sa kainan. Ang banyo naman ay nasa malapit sa kuwarto.

Binuksan ko naman ang TV habang naghihintay sa kanya at nanuod na lang. Mayamaya lang ay naramdaman ko na siyang nasa tabi ko.

"Papasok na ako bukas." Simula ko sa aming usapan.

"Nasabi mo na ba sa mga kaibigan mo, Baby?" Tumango naman ako sa tanong nito. "Nagtanong ka na rin ba kung paano nalaman ng Mama mo ang nangyari?" Tango ulit ang sinagot ko. "Anong sabi nila?"

"Si Eubert daw, nag-post tapos hindi niya alam na may kaibigan siya na taga sa amin kaya ayun nalaman." Mahinahon kong sabi.

Ramdam ko ang pagsandal niya sa akin at pagkuha niya sa kamay kong nasa binti ko lang.

"Hindi ka nagalit sa kaniya, Baby?"

Umiling naman na muna ako bago sumagot. "Hindi, tapos na rin naman 'yon, Baby. Ano pang silbi kung magalit ako at naisip ko rin na wala talagang sekreto ang hindi nabubunyag kaya hinayaan ko na lang. Naisip ko rin na bumalik sa bahay at magpaliwanag pero saka na, kakausapin ko muna si Wil kung ano na nangyayari sa bahay." Mahaba kong sabi at naramdaman ko ang paghawak niya ng mahigpit sa aking kamay.

"Gusto mo bang samahan kita Baby? Samahan na kitang magpaliwanag. Kasama mo naman ako sa picture, e. Ayoko ring mapagalitan kang mag-isa. Nag-aalala ako sa 'yo." Nag-aalala ang boses niyang iyon kaya naman tumingin ako sa kanya at umalis naman siya sa pagkakasandal sa akin.

"Ayos lang ako, Aaron." Nakangiti kong sabi rito. Kita ko ang pag-aalala niya sa mga mata niya pero imbes na maging malungkot dahil doon ay nginitian ko na lang siya.

"Baby... Samahan na kita, please." Malungkot niyang sabi pero nginitian ko lang siya.

"Sige, pag-iisipan ko muna." Kung kanina ay malungkoy siya ngayon ay ngumiti na siya.

"Sabihin mo sa akin kung kailan ha? Sasamahan kita." Tumango naman ako sa kanya. Niyakap niya naman ako at gano'n din ako sa kanya.

"Alam mo bang medyo masaya ako kasi magkasama tayo, pero naiisip kong kailangan mong umuwi kasi magulang mo sila." Bulong niya sa akin.

"Masaya rin akong kasama ka. Siguro ngayon panandalian lang yung pagsasama natin pero malay mo sa future hindi na temporary."

"I love you, Wayde."

"I love you too.

Kinabukasan ay pumasok na ako. Pagkakita pa lang ng mga kaibigan ko sa akin ay pinalibutan na agad nila ako.

"Ayos ka lang, Wayde?"

"Kumusta ka?"

"Anong nangyari sa 'yo?"

Mga pangbungad agad nila na tanong sa akin kahit hindi pa ako nakakaupo.

"Paupuin niyo muna kaya ako," sabi ko at umupo muna bago magsalita.

Kahit na sinabi ko na lahat sa kanila kahapon lahat ay may mga tanong pa rin silang gusto nilang sagutin ko.

"Kumusta kayo ni Aaron sa condo niya? Anong plano niyo sa magulang mo, Wayde?" Pagtatanong ni Nica.

"Ayos naman. Gusto kong umuwi para magpaliwanag at gustong sumama si Aaron. Pero pinag-iisipan ko pang isasama ko ba siya o h'wag na at baka mas lalo pang lumala." Napatango naman sila sa sagot ko.

"Kailan mo balak umuwi?" Tanong naman ni Hannah.

"Hindi ko pa alam, pinag-iisipan ko pa rin. Kakausapin ko muna ang kapatid ko kung ano na ang nangyayari sa bahay."

"Kailangan mo bang pera, Wayde? Nandito kami, 'no? 'Wag kang mahiya kung wala ka na," sabi naman ni Jelina na nasa tabi ko habang hinahaplos ang likod ko.

Napangiti naman ako dahil halata talagang concern silang lahat sa akin. Three years na simula nang makilala ko sila pero yung samahan namin kahit busy kami minsan ay hindi pa rin nagbabago.

"Salamat, Joy. May pera pa naman ako." Nakangiti kong sabi at tumango naman siya.

Ilang minuto pa ang lumipas nang dumating na ang prof namin at nagsimula na siyang mag-explain ng gagawin. Design-Drawing ang subject namin at buti na lang may mga extrang tech pen at drawing paper ang mga kaklase ko.

Kung no'ng first year ay may drawing kami at hindi masyadong mahirap ang ginagawa ngayon naman ay humirap. Gagawa kaming third floor commercial building, kailangan ng floor plan at perspective. Hindi naman daw kailangan tapusin ngayon, kailangan lang daw na may ginagawa kaming lahat.

Natapos ang klase na isang first floor pa lang ang nagagawa ko. Gano'n din naman ang iba. Lumabas na agad kami sa university at pumunta sa kinakainan namin palagi. Pagkatapos ng lunch ay may tatlong oras kaming vacant dahil three o'clock pa ang susunod na klase namin. Eleven pa lang  at isnag oras kami kumakain dahil may daldalan na kasama.

Habang nag-o-order ay tumawag sa akin si Aaron.

"Hello, Baby, nasaan ka?" Bungad nito sa akin.

"Nasa tapat kami ng university sa lagi naming kinakainan, bakit?" Napatingin naman ang iba kong kaibigan na may mga ngiti sa labi.

"Tapos na klase ko. Punta ako riyan. Sabay na ako sa inyo."

"Okay, ano bang kakainin mo? Bibilhan na kita." Tanong ko at sinagot niya naman agad ito.

Pagkatapos kong um-order ay umupo na ako kasama ang iba.

"Saan na ba si Barni? Sasabay ba siya sa atin?" Pagtatanong ni Vance na tumingin pa sa labas pero wala namang Barni na parating.

"Pinuntahan niya pa si Eubert. Sasabay raw sila sa atin." Sagot naman ni Jelina na kakaupo lang.

"Mas nagiging malapit pa ang dalawang 'yon ah. Ano na bang meron sa kanila?" Nagtatakang tanong ni Hannah at ayun na nga ang naging usapan hanggang sa umupo na ang iba.

Mayamaya lang din ay nakita ko na si Aaron na palapit sa amin at kasama niya si Eubert at Jael. Nagkukuwentuhan pa silang tatlo.

"Nandiyan na sila," sambit ko at napatingin na rin ang iba sa pasukan ng kainan.

Umupo si Aaron sa tabi ko at ang dalawa naman ay dumiretso sa counter para um-order. Pagkatapos ay umupo na rin naman sila. Unti-unti ng dunating ang mga order namin. Hindi pa kompleto kaya hindi pa kami ngasimula kumain kaya naman nagsari-sariling kuwentuhan ang iba.

"Hey, Wayde." Gulat naman akong napatingin kay Eubert sa pagtawag nito sa akin.

"Oh?" Sagot ko at tumingin sa kanya.

"I'm sorry sa nangyari. Hindi ko talaga simasadya. Hindi ko talaga kasi alam na gano'n e."

Tumango naman ako sabay sabing, "ayos lang, tapos na rin naman. Okay lang 'yon." Ngumiti kong sabi at ngumiti rin ito.

"Sa 'yo rin, Aaron. Pasensya na." Hingi rin niya kay Aaron ng sorry.

"Ayos lang 'yon. 'Wag mo ng isipin," sabi nito.

Dumating na naman ang pagkain ng lahat kaya naman nagsimula na kaming kumain. Pagkatapos namin kumain lahat ay nag-stay pa kami saglit para pag-usapan kung saan kami pupunta. Ang iba ay tatambay kung saan at kami naman nila April ay do'n lang sa building namin. Sasama rin sa amin si Aaron dahil tapos na ang klase niya at wala na siyang klase. Hihintayin niya na lang daw ako. Pinauwi ko naman na siya pero ayaw niya. Si Eubert at Jael naman ay pupunta raw sa court ng university dahil maglalaro sila.

Pagkalabas namin sa kinainan namin ay naghiwa-hiwalay na kami ng landas. Dumating naman kami sa pinagtatambayan lagi namin. Sa corridor lang ito malapit sa hagdan. Medyo may malaking puwesto kasi dito kaya lagi kaming nandito. Humiga naman agad sila April at Erika. Kami naman nila Vance ay nagkuwentuhan na lang. Ganito kami simula first year. Kapag kulang sa tulog dahil sa mga ginagawa na school works ay dito na sa university natutulog, sa corridor mismo. Mahahaba naman kasi ang vacant namin kaya walang problema. At hindi lang naman kami ang gumagawa nito kaya ayos lang.

"Nakausap mo na ba ang kapatid mo, Wayde?" Tanong agad ni Jelina.

"Hindi pa. Balak kong tawagan mamaya pagkauwi namin ni Aaron. Para saktong gabi at nasa kuwarto na siya. Baka kasi malaman nila Mama at pati 'yon pagalitan."

"Sabagay, mas mabuti na ring ganyan," sabi naman ni Erika na hindi pa pala tulog.

"Yung Tita ko nga nag-chat e," sabi ko at tumingin kay Aaron. "Yung kakilala ng magulang mo." Tumango naman ito.

"Ano raw?" Tanong niya.

Tumingin muna ulit ako sa mga kaibigan ko bago sumagot. "Sinabi niyang sana ro'n na lang ako sa bahay niya pumunta. Gusto ko rin namang doon na lang kaso sinabihan ako ni Mama. Ayokong may madamay sa galit ni Mama kaya naman hindi na ako pumunta kay Tita." Nakikinig naman silang lahat sa akin. Kung kanina ay nakahiga yung dalawa ay nakaupo na rin sila para makinig.

"Gusto raw akong makita ni Tita ang sabi ko ay sa susunod na wala tayong pasok o maaga ang uwi natin sasabihin ko agad at siya na ang pupunta rito." Kuwento ko at napangiti na lang. Naalala ko ang pag-uusap namin ni Tita no'ng unang araw akong nawala sa bahay.

Nag-aalala ito sa akin. Hindi rin ako hinusgahan katulad ng ginawa ni Mama. Kahit no'ng una naman ay suportado ako ni Tita sa lahat kaya ayoko siyang madamay dahil sa kabaitan nito.

Nalaman na rin ng magulang ni Aaron ang nangyari. Ang gusto nga nila ay pumunta sila sa bahay para kausapin sila Mama kaso umayaw na ako. Mababait ang mga ito para idamay sa galit ni Mama.

Natapos ang klase namin ngayong araw at umuwi na kami ni Aaron. Dumaan muna kami sa isang kainan para bumili ng pang-dinner at si Aaron ang nagbayad no'n.

"Nakalimuta ko pa lang bigyan ka ng susi. Nasa kuwarto ang isang susi kukunin ko lang," sabi niya pagkatapos noyang buksan ang pinto. Pumasok naman agad kami at siya ang dumiretso sa kuwarto habang ako ay sa sala na naghintay.

"Baby, ito susi. Para kahit hindi tayo sabay umuwi minsan ay makakapasok ka." Inabot niya nga nag susi, hindi ko pa sana ito tatanggapin pero pinilit niya.

"Salamat, baby," sabi ko rito at nginitian lang niya ako.  "Sobrang salamat at dumating ka sa buhay ko, Aaron. Hindi ko alam kung paano ko ito malalagpasan at ikaw lang ang nagpapagaan ng loob ko." Madamdamin kong sabi.

"Walang anuman, baby. Nandito lang ako palagi para sa 'yo. Hindi ako mawawala." Nginitian niya ako at dinampian ng halik sa aking mga labi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro