Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

"MALAPIT na second anniversary niyo ng bebe mo, 'te ha. Anong balak?" Biglang tanong ni Erika sa akin habang kumakain.

Hindi kami kompleto ngayon, may kan'ya-kan'yang ginagawa kasi ang iba sa amin. Third year na kami at mas lalo pa kaming naging busy kaya minsan na lang kaming mabuo.

"Oo nga 'te. No'ng first niyo wala man surprise. Try mo kayang surprise. Tsaka first time mo 'to gagawin kaya magiging masaya 'yon." Sabat naman ni Jojoy.

"Ayun nga iniisip ko mga 'te. Wala akong maisip e. Kung isu-surprise ko siya, paano ko gagawin? Saan ko gagawin?" Sabi ko at umiling-iling pa.

"Ang rami kayang lugar, dear," ani April na kumakain.

"Yes! Natatandaan mo yung pinag-outing-an natin no'ng nakaraan? No'ng summer? Perfect place 'yon. Try mo. One night kayo ro'n," sabi ni Erika at parang inalala pa ang nakaraan.

"Kung gusto mo. Kung sino p'wede sa squad isama mo. Para may makatulong ka sa pag-aayos ng decorations. Syempre pipiliin mo yung mura. Magaling ka naman mag-drawing, gawan mo siya portrait." Suggestion naman ni Jojoy.

"E? Sino ba puwede no'n?" Bigla kong tanong at napakamot pa sa batok ko.

"Sama ako," sabi agad ni April.

"Ako rin," si Erika naman.

Nang mga sumunod na araw ay sinabi namin sa iba naming kaibigan ang mangyayari at kung sino ang p'wedeng sumama. Half ng mga kaibigan ko ay sasama. Sila Barni, April, Erika, Vance, Dianhel at Jojoy. Ang iba naman ay may mga gagawin na no'n, pero ang sabi nila ay tutulong din sila kahit papaano. Si Gen ay mahilig mag-bake kaya ipagbe-bake niya kami cupcakes at ang iba naman ay sa decorations na nga.

"All set, dear." Sabay na sabi ni April at Jojoy nang matapos namin gawin ang mga decorations.

Bukas na ang alis namin at hindi ko pa nasasabi kay Aaron na aalis kami. Nakapagpaalam naman na ako sa bahay at pumayag naman sila dahil sinabi kong kailangan namin ng field work sa isa naming subject.

"Thank you mga 'te. Kung wala kayo, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala kayo." Pagpapasalamat ko sa kanila at nagsingiti naman sila bilang sagot.

"Excited na ako bukas!" Biglang sabi ni Erika na kinikilig pa ang mukha.

"Naku, Eka. Hindi naman ikaw isu-surprise e. Parang ikaw pa mas kinikilig," sabi ni Jojoy na ikinasimangot ni Erika.

At nagsimula na silang mag-asaran. Sumali na rin ang iba kaya naman masaya ko na lang silang tinignan. I'm so blessed to have this squad.

"Hoy, 'te! Kinuntsaba ko na pala si Vin. Sabi niya siya na bahala kay Aaron bukas." Nabigla naman ako sa biglaang pagsulpot ni Jael sa aking tabi kaya tinaasan ko ito ng kilay. "H'wag mo akong taasan ng kilay 'te. Tinulungan na kita." Tinaasan din ako nito ng kilay.

"Oo na, sige. Salamat, Barni."

"Ay 'te, bukas kasama ko si Eubert." Hindi na ako nagulat sa sinabi niya.

Hindi namin alam kung kailan pa sila naging malapit ng crush niya. Pero simula no'ng maging malapit sila lagi ng sumasama si Eubert sa mga lakad ng barkada.

"Ikaw bahala 'te. Basta yung plano. Hindi dapat mabigo." Pagpapaalala ko rito at tumango naman siya.

"Para sa inyo ni Aaron, take mo tent at para sa amin naman ay kubo, kami na ang bahala ro'n." Nakangiting sabi ni Jojoy habang nasa biyahe na kami.

Walang kaming pasok ngayon at pati bukas kaya ang swerte dahil nakakapag-ayos pa kami. Si Aaron naman ay may hanggang ala-unang pasok at si Vin ay hanggang alas-dose. Hihintayin niya na lang si Aaron at aalis na sila. Nasabi na rin kasi ni Vin kagabi kay Aaron na may lakad  ga sila ngayon kaya nakapaghanda na ito ng mga gamit.

"Sige 'te. Salamat." Ngiti kong sabi.

Nang marating kami ay nilapag lang nila ang gamit sa kubo nila at tinulungan na akong magtayo ng tent malapit sa kubo nila.

Sakto lang dahil may puno 'yon at may mga christmas lights na umiilaw 'pag gabi kaya mas nakakadagdag ng sweet na ambiance.

Ang iba ay inayos ang mga pagkain na dala namin. Inayos na rin nila ang cupcakes na ginawa ni Gen, kada cupcake ay may nakalagay na letra at ang mabubuo no'n ay happy 2nd anniversary, baby.

Habang nag-aayos ay nagpapatugtog naman sila kaya mas ginanahan silang kumilos. Si Erika at Jojoy ay nasa loob para ayusin ang ayos do'n. Lalagyan nila ng pictures at colored paper na ginawa nilang bulaklak and nasa pinakagitna naman ang sabi nila ay ang ginawa kong portrait namin ni Aaron. Si April naman ay ang taga-abot sa loob. Si Vance at Dianhel naman ay nag-ayos ng mga pagkain. Ako at Barni naman ay sa balloons, tumutulong din sa amin si Eubert.

"Salamat, Jael." Sinsero kong sabi at ngumiti lang ito. Unang beses yatang hindi nagtaray si gaga.

"Walang anuman. Kapag ako naman may ganito, tulungan mo rin ako." Nakangisi nitong sabi.

"Bakit ka maggaganito? Sino isu-surpise mo?" Bigla namang sumingit si Eubert pero iling lang ang isinagot sa kanya ni Jael.

Wala na namang nag-imikan sa aming tatlo kaya nagpatuloy na lang kami sa mga ginagawa. Black and gold ang kulay ng lobo, maganda raw kasi ito kaya sinang-ayunan ko na rin.

Medyo patapos na ang pag-aayos sa loob. Naglagay sila ng maliit na mesa para ro'n ilagay ang cupcakes. Sa gilid naman ng mesa ay may box do'n na nilagyan ko ng isa pang surprise kay Aaron.

Bandang alas-singko ay tapos na lahat. Kumain na muna kami ng meryenda na dala namin. Plano rin nilang mag-inom mamaya pagkatapos ng surprise na gagawin.

"Nag-text na si Vin." Anunsyo ni Jael na ikinatingin namin sa kanya.

Hindi ko malaman kung anong mararamdaman ko. Unang beses ko 'tong gagawin kay Aaron. Ay, hindi, unang beses ko talaga siya gagawin. Lumakas na ang tibok ng puso ko.

"Ano sabi?" Narinig kong tanong ni Vance.

"Tricycle na raw sila papasok sa resort." Masayang sabi ni Jael.

"Sakto lang ang dating niya. Dumidilim na, maganda kapag madilim gawin ang surprise kasi mas maganda ang ambiance. Bagay na bagay sa ginawa natin." Excited na sabi ni Jael.

Dumidilim na at ang huling text ni Vin ay papasok na silang resort. Ang mga kaibigan ko naman ay naghanda na. Ako naman ay naglakad patungo sa entrance para salubungin sila.

Nang makita ko sila ay napatigil ako dahil lumakas ang tibok ng puso ko at kinakabahan pa lalo. Kaya mo 'to, Wayde. Ulit-ulit kong bulong sa aking sarili at medyo kumalma ako ng makita kong nginitian ako ni Aaron at tumakbo siya papunta sa akin.

"Baby! Nandito ka talaga. Akala ko binibiro lang ako nitong si Vin e," sabi nito nang makalapit at niyakap ako.

"Buti pumunta ka?" Mahina kong tanong.

"Syempre. Gusto kitang makita. Anniversary natin tapos hindi kita makikita? Ayoko no'n." Malungkot na bulong nito. "Happy anniversary, baby." Bati nito sa akin at hinalilan ako sa aking pisngi at noo.

"Happy anniversary rin, baby." Masuyo kong bulong.

"Nasa bag yung regalo ko sa 'yo. Tara na sa tent daw na kinuha ni Vin. Sabi niya libre niya raw 'to dahil anniversary natin kaya sumama ako, ang sabi niya rin ang kanina ka pa naghihintay rito. Sorry, baby. Medyo traffic na rin kasi e," sabi nito.

"Ayos lang, baby, at least ngayon magkasama na tayo. Tara na. Baka gutom ka na," sabi ko at kumalas naman kami sa yakapan ay nagsimula ng maglakad. Nakita ko namang nauuna na si Vin. Kita ko pa ang paglingon nito sa amin, nginitian naman ako nito kaya nginitian ko rin. Nang matapos ang nginitian ay tumakbo agad ito sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko.

"Bakit tumakbo 'yon?" Takang tanong sa akin ni Aaron na naka-akbay sa akin ngayon. Tinignan ko naman ito at inilingan ng ulo.

Habang papalapit kami ni Aaron sa kinaroronan ng mga kaibigan ko mas lumalakas ang aking tibok ng puso dahil sa kaba. Hindi na ako mapakali at tumitingin ako kung saan. Mas lalo pang nadagdagan ang kaba ko ng marinig ko na ang tunog ng gitara. Si Eubert ang may dala ng gitara at alam ko siya rin ang tutugtog habang ang mga kaibigan ko ang kakanta.

"Since the day that we met boy. I've never had anyone make me feel this way. And my heart is sure it wants to be with you. Wanna give you the whole world ohh." Rinig ko ang sabay-sabay na kanta ng mga kaibigan ko. Natigilan si Aaron pero hinila ko na ito papunta ro'n.

Pero bago kami makarating ay huminto muna ako at syempre napahinto rin siya. Magkaharap kami ngayon at tinitigan ko ang kanyang mga mata. "Happy second anniversary, Aaron, baby. I hope na magustuhan mo 'to." Bulong ko at hinila ko na siya.

Pagkalagpas namin sa puno na humaharang sa mga kaibigan ko ay nakita ko silang nakangiti sa amin ni Aaron.

"If you make the promise to me, your gonna stay. Without you guiding me, I'm lost and so confused. What will it take to show you I'll be by your side. Girl, I got you and I want to give you what you never had." Mag-isa 'yon kinanta ni April habang nakatingin sa amin ni Aaron. Tuloy-tuloy ang pagkanta nila at hinarap ko naman si Aaron.

"Ginawa mo 'to? So, hindi ito plano ni Vin?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Aaron.

Tumawa ako ng bahagya at tumango. "Makabawi man lang sa lahat ng ginawa mo sa akin." Ngiti kong sabi.

"Hindi mo kailangan bumawi, Wayde. Ginawa ko 'yon kasi mahal kita." Hinawakan nito ang mga kamay ko.

"At mahal din kita." Malambing kong sabi at hinila na siya papunta sa tent. "Hindi pa tapos, baby," sabi ko at nang nasa harap na kami ng tent ay binitiwan ko siya.

"Buksan mo." Utos ko sa kanya. Tumingin naman muna siya sa akin bago lumuhod, lumuhod din ako katabi niya. Unti-unti niyang binuksan ang zipper ng tent.

Nang makita niya ang nasa loob ay nakita kong medyo napaluha siya pero nakangiti. Humarap naman ito sa akin ng nakangiti, na ikinsaya ng puso ko dahil nagustuhan niya ang ginawa ko, namin ng mga kaibigan ko.

"G-Ginawa mo 'to lahat?" Utal niyang sabi at kita ko ang luha sa kanyang mga mata na malapit ng mahulog.

Inabot ko ang kanyang pisngi at hinaplos 'yon.

"Boy, we both made our mistakes. And some we never wished we made. But we will be okay if we just stick together." Mahinang tinapos ng mga kaibigan ko ang kanta nila. Pagtapos no'n ay hindi sila umiimik at alam kong nakatingin sila sa amin.

"Kasama ko ang mga kaibigan ko sa paggawa," sabi ko.

"Sobrang nagustuhan ko, baby. Thank you. Thank you, kahit wala nito basta sa akin ka na habang buhay sobrang magiging masaya ako." Ipinagdikit niya ang mga noo namin, ang mga ilong namin ay halos magkadikit na.

"I love you, Aaron," sabi ko at naramdaman kong may luhang pumatak galing sa mga mata ko.

"Mahal na mahal kita, Wayde Casido. Walang magbabago ro'n." Malambing nitong sabi bago unti-unting pinaglapit ang mga labi namin.

Narinig namin ang hiyawan at tawa ng mga kaibigan namin.

"Sana all may jowa!" Boses iyon ni April.

"Stay strong." Boses naman 'yon ni Jojoy.

Naghiwalay ang mga labi namin ni Aaron at nagkangitian. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Masaya akong masaya si Aaron dahil dito, kaba na kanina ko pa nararamdaman at kung ano-ano pa.

Matapos nang surprise ay nag-ready na sila mag-dinner. Pero bago kami pumunta sa lamesa ni Aaron ay dinala niya ako sa pool. Umupo kami ro'n at nakalaylay ang paa sa tubig.

"Sobrang saya ko ngayon, Wayde. Ngayon ko lang ito naranasan. Sobrang thank you. I love you."

"I love you too, Aaron."

Pagkatapos ko sabihin 'yon ay kinuha ni Aaron ang kaliwang kamay ko na nasa legs lang nakapatong at may nilagay na singsing sa palasingsingan ko.

"Pinapangako 'kong kahit na anong mangyari ay hinding-hindi kita lolokohin, hindi kita iiwan at mamahalin kota habang-buhay, Wayde. Ikaw lang, wala ng iba. Sa 'yo lang ako sasaya, hindi sa piling iba. Mahal na mahal kita, Wayde ko, baby ko." Masuyo nitong sabi habang nilalagay ang singsing.

Pagkatapos niyang magsalita ay inabot niya naman sa akin ang isa pang singsing kaya naman kinuha ko rib ang kaliwa niyang kamay.

"Sa 'yo lang ako, Aaron. At ikaw lang ang mamahalin ko hanggang dulo. Mahal na mahal kita, Aaron Davis," sabi ko at hinalikan ko ang likod ng palad niya.

Bumalik kami mga kaibigan namin. Kumain kami na puro asaran at tawanan ang nangyari. Pagkatapos kumain ay nagsimula na silang maglabas ng alak. Nagpalit na rin ang mga ito ng pang-swimming dahil magna-night swimming daw sila habang umiinom. Nakisali naman kami ni Aaron sa night swimming pero si Aaron lang ang uminom sa aming dalawa dahil hindi naman ako sanay uminom. Uminom lang ako ng ilang baso at tumigil na rin.

Natapos ang gabing iyon na sobrang saya, tawanan, kainan, kantahan. Isa ito sa masayang naranasan ko sa buhay ko at kasama ko pa si Aaron.

"Wayde, saan ka galing?" Seryosong mukha ni Mama ang bumungad sa akin. Ang kaninang sayang nararamdaman ko ay bigla na lang naglaho na parang bula.

"Ma, sa field work po." Kinakabahan kong sabi perp hindi ko 'yon pinahalata.

"Wayde!" Pagalit nitong sabi.

Kaming dalawa lang ngayon sa bahay, nasa school ang kapatid ko at nasa work naman si Papa. Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong kinabahan do'n.

"Ma, sa field work po talaga." Magalang kong sabi pero isang malakas na sampal ang dumapo aa aking pisngi na nagpatagilid din ng ulo ko.

"Pinalaki kitang hindi sinungaling, Wayde! Bakit mo ito nagawa sa akin!" Gigil na gigil ang boses ni Mama na parang malapit ng umiyak.

"M-Ma, ano p-po ba ang s-sinasabi niyo?" Utal-utal ko ng sabi.

"Ito!" Pinakita niya ang cellphone niya, may picture 'yon namin ni Aaron na naghahalikan sa may pool. "Kailan pa, Wayde? Hindi kita pinalaking sinungaling at mas lalong hindi kita pinalaking bakla!" Sigaw sa akin ni Mama na ikinatulo na ng mga luha ko.

Takot ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung anong p'wedeng mangyari sa akin ngayong alam na ni Mama.

"Akala ko pag-aaral ang inaatupag mo! 'Yon pala puro kabaklaan ang ginagawa mo. Nakakahiya ka! Wala akong anak na bakla! Umalis ka rito!" Sabi nito at sinampal pa ako isang beses bago itulak palabas ng bahay.

"M-Ma... A-Ayoko pong u-umalis. Ma... 'Wag mo a-akong paalisin." Umiiyak kong sabi pero wala yatang naririnig si Mama dahil patuloy ito sa pagtulak sa akin.

"Hindi, hindi. Umalis ka rito! Huwag kang bumalil dito. Huwag ka ring pumunta sa Tita mo dahil malalaman ko 'yan! Lumayas ka! Wala akong anak na bakla!" Huling sinabi nito at malakas isinara ang pinto.

Napaupo ako sa labas ng pinto namin. Umiiyak at nakayuko. Hindi ko alam kung anong gagawin, hindi ko alam kung saan pupunta. Alam kong pinagtitinginan ako ng mga kapitbahay pero hindi na 'yon pinansin.

Masakit, mabigat at masama ang loob ko ngayon. Gusto kong ibuhos sa mga luha ko ang mga nararamdaman ko ngunit kahit ibuhos ko ang lahat ng luha ko alam kong hindi ito aalis.

"M-Ma..." Nanghihina kong bulong. "I'm s-sorry, Ma... Kung may anak kayong ganito. H-Hindi ko ito ginusto Mama. N-Naramdaman ko na lang ito Ma. H-Hindi ko g-ginusto." Humihikbi 'kong sabi kahit na hindi 'yon naririnig ni Mama.

Ilang oras pa akong nasa labas ng bahay habang nakaupo nang maisipan kong i-text si Aaron at sinabi ang nangyari. Hindi nagtagal ang text ko ay biglang tumunog ang cellphone ko at nakita kong tunatawag ito.

"H-Hello, Aaron..." Alam kong halata pa rin sa boses ang pag-iyak ko pero hindi ko na 'yon ikinahiya kay Aaron.

"Saan ka? Pupuntahan kita. Huwag kang umalis kung nasaan ka." Nag-aalala ang boses niya.

"Nasa h-harap ako ng bahay namin." Mahina kong sabi.

"Papunta na ako riyan. Huwag kang aalis. Susunduin kita." Sabi nito at pinutol na ang tawag.

Nakatulala lang ako sa daan kung saan dadaan si Aaron. Tumigil na rin sa pag-iyak ang mga mata ko pero hindi pa rin nawawala ang nararamdama ko sa loob ko.

Dumating si Aaron makalipas ang isang oras. Pawis at hingal na hingal. Nilapitan niya agad ako at niyakap.

"Baby, don't worry. Magiging maayos din ang lahat. For now sa condo ko muna ikaw mag-stay." Pang-aalo nito na nagpaiyak ulit sa akin.

"H-Hindi ko alam ang gagawin ko, Aaron." Umiiyak kong sabi.

Hinaplos niya naman ang likod at bumulong. "Ako ang bahala sa  'yo, baby," sabi niya.

No'ng araw ngang iyon ay inuwi ako ni Aaron sa condo niya. Pinahiram niya ang mga damit at kung ano pang mga kailangan ko dahil wala naman akong dala kahit ano. Inalo niya ang buong magdamay dahil iyak ako ng iyak at parang walang kapaguran. Para akong baliw buong gabing iyon. Iiyak, titigil ng ilang minuto at iiyak na naman. Mabuti sa mga oras na 'yon ay may karamay ako, kung hindi ay hindi ko alam ang gagawin ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro