Chapter 7
Nagising ako sa ingay ng phone ko, may tumatawag do'n at nang abutin ko iyon ay si Aaron ang nakita 'kong tumatawag.
"Baby? Good morning." Malambing ang boses nito habang binabati ako.
"Good morning din. Ang aga mong tumawag. Wala akong pasok ngayon."
Second semester na at nag-iba na rin ang schedule namin. Dalawang beses na kami sa isang linggo walang pasok. Tuesday at Saturday. At ngayon ay Tuesday kaya wala kaming pasok si Aaron naman ay mayro'n dahil ang rest day niya ay Thursday at Saturday.
Sa nagdaang buwan na kami ni Aaron ay wala masyadong problema bukod sa lagi akong pinapagalitan ni Mama. Close na siya sa mga kaibigan ko at lagi siyang sumasama kapag may lakad kami. Masaya ang mga nagdaang buwan. Nakakarinig man kami ng hindi maganda sa university ay hindi na namin 'yon pinapansin dahil iniisip lang namin ang sarili naming kasiyahan.
"Nasa school na ako. Wala pa kasing prof, kaya tumawag muna ako sa 'yo. Naistorbo ba kita?" Pagtatanong nito.
Umiling naman ao kahit hindi niya nakikita bago sumagot. "Hindi naman. Kumain ka ba bago pumasok?"
"Yes, opo. Ikaw? Kain ka na. Update mo ako sa mga gagawin mo today ha?" Paalala pa nito.
Saglit pa kaming nag-usap pero nagpaalam na rin agad ako nang may marining akong katok galing sa labas. At sakto rin naman nando'n na rin prof niya kaya hindi na siya masyadong nangulit.
"Kuya?" Pagtawag sa akin ni Wil nang makita niya na akong binubuksan ang pinto ko.
"Bakit, Wil? Ang aga nangangatok ka?" Nagtataka kong tanong dito. Hindi naman kasi nito hilig kumatok kung kanina ng ganito kaaga.
"Pinapatawag ka kasi ni Mama, may sasabihin yata," sabi nito napatango naman ako sa kanya.
"Sige, mauna ka na sa baba. Mag-aayos muna ako bago bumaba." Sumunod naman agad ito kaya bumalik ako sa kama para ayusin 'yon. Pagkatapos ay kumuha na ako ng damit para makaligo muna bago bumaba.
Ano kayang sasabihin sa akin Mama. Paulit-ulit sa aking utak habang naliligo ako.
Natapos naman na ako agad at bumaba na nga sa kusina. Nakita ko silang lahat nando'n. Bigla naman akong kinabahan pero napawi 'yon no'ng ngumiti sa akin si Mama.
Umupo naman ako sa puwesto ko at nagsimula ng kumuha ng pagkain. Wala pa ring nagsasalita kaya nagsimula na akong kumain. Nakita ko namang kumain na rin sila. Baka pagtapos na lang namin kumain kami mag-uusap.
Nang matapos ay nakaupo pa rin kami pero si Wil nagpaalam na kanina para pumasok.
"Wayde." Tawag sa akin ni Mama ikinalingon ko agad. "Tumawag ang Tita mo. Kung p'wede ka raw pumunta sa bahay nila para bantayan 'yung pinsan mong si Leon. May lakad kasi ang Tita mo."
Napabuga naman ako dahil akala ko ay papagaligan ako, 'yon pala pagbabantayin lang ako sa pinsan ko.
"Ayos naman Ma. Anong oras ba raw? Para makapaghanda na ako," sambit ko at paunti-unti ng nagliligpit ng pinagkainan namin.
"Ihahatid kita 'ron, Wayde. Kaya mag-ready ka na. Bago ako pumasok ay idadaan kita," sabi ni Papa at umalis na para siguro maghanda na pumasok. Nakaligo na ito at nakabihis. Kulang na lang ay ang magsuklay at sapatos.
"Ako na rito, Wayde. Ang sabi naman ng Tita mo ay ihahatid ka niya pauwi rito." Tumango na lang ako at umakyat na ako ulit sa kuwarto.
Ang dinala ko lang ay ang charger at wallet. May mga damit naman kasi ako ro'n sa bahay ni Tita kaya naman hindi na ako nagdala. Pagkababa ko ay nakita ko na si Papa at inabot niya sa akin ang isang helmet.
"Iiwan ko sa 'yo itong helmet. Dalhin mo na lang kapag hinatid ka na ng Tita mo." Tumango naman ako at sabay na kami lumabas ni Papa.
Nang maayos na kaming nakasakay ay pinaandar niya na ang motor. Hindi kaskasero si Papa kaya hindi ako natatakot sumakay sa kanya. Smooth lang kasi ito magpatakbo.
Dumating kami sa bahay ni Tita at nag-usap pa silang dalawa bago umalis si Papa. Pinakain naman ako ni Tita ng breakfast pero sinabi kong tapos na ako.
"Wayde, si Leon tulog pa. Mamaya pa ang gising no'n. Tinext ko na rin naman ang teacher niyang hindi siya makakapasok. Pakainin mo na lang tapos kung p'wede sanang i-tutor din kahit kaunti lalo na sa math. Medyo nahihirapan kasi siya ro'n." Bilin sa akin ni Tita na ikinatango ko naman. "Buti wala kang pasok, wala kasi ako napag-iwanan kay Leon e. Kakaalis lang ng Yaya niya at wala pa akong nahahanap. May mga pagkain sa ref, kumain na lang kayo ha." Dagdag pa nito.
Pagkatapos ni Tita magpaalam ay umalis na rin at nagmamadali. Pinatawag daw kasi siya ng Boss niya at kailangan niyang asikasuhin agad 'yon kahit naka-leave dahil nga nawalan ng Yaya si Leon. Si Tita lang din kasi may alam sa mga gagawin kaya kailangan talaga siya ng Boss niya. Ang asawa naman ni Tita ay seaman. Ang ibang kamag-anak nila ay medyo malalayk at kami lang ang malapit kaya kami ang nilalapitan ni Tita sa ganito.
Umupo lang ako sa sala at nanuod ng TV habang hinihintay na bumaba si Leon. Malaki ang bahay nila Tita. May limang k'warto kasama na ang dalawang guestroom do'n, ang hindi naman kasama ang k'warto ng nagiging Yaya ni Leon.
May dalawang kotse sila Tita. Ang isa ay minsan lang ginagamit kapag coding ang isa.
Isang oras pa ang nagdaan nang marinig ko na ang yabag ni Leon na pababa. Nang tignan ko ito ay nagkukusot pa ito ng mata.
"Kuya!" Tawag nito sa akin nang makita niya na ako. Tumayo naman ako at nginitian siya. "Kuya, namiss kita. Minsan ka na lang pumunta rito." Dagdag nito at niyakap pa ako.
"Miss din kita. Tara na sa kusina para makakain ka na," sabi ko at umalis na sa yakap. Hinawakan naman ni Leon ang kamay ko at sabay na kaming oumunta sa kusina.
Eight years old si Leon, grade two na. Makulit, malambing at mabait ito kaya gusto ko rin pumunta rito dahil do'n. Matalino pero sabi nga ni Tita medyo mahina sa math, pero maliban sa math ay wala na. Medyo mataba rin ito kaya minsan ay pinanggigigilan ko.
Hinandaan ko na siya ng pagkain. Madali naman siyang natapos kaya naman pinaliguan ko na siya agad para makapag-aral na kami. Pumayag naman ito na mag-aral muna kami bago manuod ng cartoons.
"Two plus five is equal to?"
"Seven?"
"Very good! Sa multiplication naman tayo."
"Three times two?" Pagtatanong ko at kumunot ang kanyang noo. Sa multiplication kasi ito mahina.
"Five?" Umiling ako.
Gano'n lang ang ginawa namin ng dalawang oras at pagkatapos ay pinanuod ko na siya ng TV. Sakto rin namang tapos na ang klase ni Aaron.
Aaron:
Baby? Tapos na ang class namin. Where are you?
Ako:
Hello. Nasa bahay ako ni Tita Liezel. Nagbabantay sa pinsan ko.
Aaron:
Liezel Gomez? Friend siya ng parents ko.
Ayan lang ang napag-usapan namin hanggang sa nag-lunch na. May pagkain nf nakaluto kaya ininit ko na lang. May klase na rin si Aaron kaya hindi na rin siya nakapag-reply.
Dumating si Tita bandang alas-tres, may dala itong meryenda pero sa bahay na lang daw namin kainin. Makikipagk'wentuhan din kasi siya kay Mama kaya umalis kami agad pagkalapag niya ng mga gamit niya.
Habang nasa sasakyan ay nagkek'wentuhan lang kami ni Tita.
"Nakita ko pala 'yung kaibigan ko kanina, Wayde. Kilala mo si Aaron Davis?" Gulat naman akong napatingin kay Tita pero hindi niya iyon pansin dahil nagda-drive nga siya. "School mate mo 'yon no'ng highschool at balita ko school mate mo rin 'yon ngayon."
"Ah, opo. Kilala ko po siya," ani ko.
"Nakausap ko parents ni kanina tapos ang sabi ay may boyfriend pala 'yon." Mas lalo akong nagulat at nanlaki rin ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"T-apos po?" Hindi na ako mapakali sa aking upuan.
"E, wala naman. Ang cute lang ng gano'n. Hindi ako against sa gano'n. Kung sino ka 'yon ka. Hindi ko nga alam sa mga tao bakit ang bilis nila manghusga kapag ganito ka, ganyan ka." Iling-iling nitong sabi. Napangiti naman ako sa sinabi nito.
Nang makauwi kami ang kumain lang akong meryenda at pumunta na sa k'warto ko. Sinabi ko na lang na may gagawing assignment para hindi na maraming itanong si Mama.
"Wala raw prof mamaya." Bilang announce ng isa naming kaklase na ikinasaya ng lahat.
"Ayun oh, makakauwi ng maaga," ani April.
"Kaya nga e. Ilang araw na rin tayong gani umuuwi. Nakakapagod," sambit ni Vance at may patango-tango pa.
Ala-una ay pinalabas na kami sa klase ng huling klase namin. Alas-kuwatro sana ang susunod hanggang alas-siyete pero dahil walang prof ay magsisi-uwian na kami.
Tinext ko naman kanina si Aaron na wala kaming prof kaya naman nagyaya itong mag-date, pumayag naman agad ako dahil wala ngang prof.
"Una na kami, Wayde. Ingat kayo ni Aaron." Paalam nila at naiwan nga ako sa may kubo para roon na hintayin si Aaron.
Ilang saglit lang din naman ay nakita ko na si Aaron na papasok sa gate. Nang makita niya ako ay tumakbo ito papunta sa akin at tumayo na rin ako.
"Baby. N-aghintay ka ba ng matagal? Sorry." Medyo hinihingal nitong sabi. Nginitian ko naman muna ito bago sumagot.
"Ayos lang baby. Hindi naman ako naghintay ng matagal." Ngumiti naman siya sa sinabi ko.
"Tara na. May alam akong magandang kainan. Nalaman ko sa mga kaklase." Excited nitong sabi kaya naman nagsimula na kaming maglakad.
"Sweet treats." Basa ko sa karatula na nasa labas.
Magandang tignan ang labas. Nakaka-relax at sweet tignan. Medyo blurred ang salamin kaya hindi kita ang nasa loob, sinadya yatang ganito ang salamin. Pagpasok mo sa loob ay bubungad sayo ang counter. Hindi siya gaya ng normal na kainan na maraming mesa. Ang nasa loob ay maliliit na puwesto na medyo tabi-tabi at meron ding hagdan para kung gusto mo sa taas. Sa loob ng maliit na espasyo ay may mesa at unan na malambot.
"Good afternoon. Welcome to our sweetest place." Maganang bati ng isang crew. Halos lahat ng dumadaang crew ay ganito ang bati.
Ang kainan ay buffet ng mga sweets. Sa isang mesang mahaba ay may mga nakalapag na mga sweets, cake, brownies, halo-halo na ikaw mismo ang gagawa, sa inumin naman ay mga iba't-ibang juices at may frappe rin, wala 'yon sa mesa, oorderin mo 'yon sa counter.
Nang makakuha na kami ni Aaron ay pumili na kami ng uupuan at ang napili niya ay ang second floor.
"Ang ganda rito," sabi ko agad no'ng makaupo na kami.
"Buti naman nagustuhan mo. Sinabi lang 'to ng mga kaklase ko at sinearch ko nga, nagandahan din ako kaya dito na kita niyaya nang sinabi mong wala ka ng pasok." Nakangiti nitong sabi.
Nagsimula na kaming kumain. Sobrang sarap ng mga sweets na nakahanda. Lalo na ang chocolate cake at frappe.
"Thank you sa pagdala sa akin dito." Malambing kong sabi at sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.
"Walang anuman, baby," ani nito at naramdaman ko ang halik nito sa aking ulo. Simpleng mga ginagawa niya sa akin ay napapangiti na ako. Lalo na kapag pinapakita niyang mahal na mahal niya talaga ako.
"Baby?" Tawag nito sa akin.
"Hm..."
"Gusto kang makilala nila Mommy." Bigla ko namang inalis ang pagkakasandal sa kan'ya at tumingin ng gulat sa mga mata nito.
"Aaron... H-hindi pa ako h-handa." Nauutal kong sabi pero hinawakan niya lang ang kamay ko at pinisil iyon.
"H'wag kang mag-alala, Baby. Mababait sila Mom. Sila nga mismo nagsabing papuntahin kita sa bahay. Nakekuwento kasi kita sa kanila tapos ang sabi nila ay ipunta nga kita sa bahay." Nakangiti nitong sabi at sinisiguradong mapapakilala niya ako sa parents niya.
"Sigurado ka ba? Kailan naman?" Tanong ko at sumandal ulit sa kanya.
Kahit dito man lang ay mapagbigyan ko siya. Hindi ko na siya mapapakilala sa pamilya ko, minsan ay hindi ko na siya nasasamahan sa mga gusto niyabg lakad namin dahil bawal ako. Kaya maliit lang ang bagay na 'to.
"Sa Friday. Uuwi kasi ako 'di ba, kasi wala naman kaming pasok ng Saturday. At medyo maaga naman ang uwian natin no'n. Sinabi ko na rin kila Mom na sa Friday na kita ipapakilala.
Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. "Papaalam na ako mamaya kila Papa na mdyo gagabihin ako."
"Thank you, baby." Bulong nito at hinalikan na naman ako sa ulo.
"Walang anuman."
Dumating ang Friday at nandito na kami sa harap ng bahay nila. Ala-sais na kami nakarating dahil medyo traffic din.
"They are kind, baby. 'Wag kang kabahan." Ngumiti pa sa akin si Aaron bago kinuha ang kamay ko at hinila ako papasok sa bahay nila.
Maganda ang bahay nila, medyo katulad kila Tita pero mas malaki 'yon. Simple lang, kulay puti ang nasa labas pati ang gate ay puti.
"Mom? Dad? Nandito na kami." Pagtawag ni Aaron pagkapasok namin.
Nakita ko naman ang pamilya na mga mukha na pababa sa hagdan. Ang mga magulang ni Aaron, medyo pamilyar ako sa kanila dahil nakikita ko sila minsan sa school dati.
"Hijo, nandito ka na pala. Ito na ba si Wayde?" Tanong agad ng Dad ni Aaron.
"Opo, Dad. This is Aaron, my boyfriend." Pagmamalaki niyang pakilala na ikinahiya ko kaya napayuko ako.
"Hello, Hijo, ikaw pala si Wayde. Nice to meet you. Huwag kang mahiya." Rinig kong sabi ng Dad ni Aaron kaya naman napatingin ako sa kanya. Nakangiti itong nakatingin sa akin. Ang Mommy naman ni Aaron ay bineso ako.
"Hello, dear. Nice to meet you. Totoo nga ang sinabi ni Aaron, ang guwapo mo." Masaya nitong sabi at namula naman ang pisngi ko dahil sa sinabi nito.
"Mom, huwag ganyan baka mas lalong mahiya si Wayde." Saway ni Aaron.
"Uh? Nice to meet you both po..." Sabi ko at nagmano sa kanilang dalawa.
"Call me Tito Ron," ani Tito Ron. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Ako naman, Tita Anna na lang."
"Okay po." Magalang kong tugon.
"Tara, tara kumain na tayo. Nagpahanda ako ng pagkain," sambit ni Tita kaya naman pumunta na kami sa kusina.
Masaya kaming nagkekuwentuhan ng kung ano-ano. Masaya silang kausap dahil para silang bagets na kayang-kaya makipagsabayan sa mga teenager tulad namin. Walang dull moments sa kanila na ikinasaya at nagpawala sa akin ng kaba.
"Sabi ko sa 'yo mabait sila e." Masayang sabi ni Aaron habang hinahatid ako ngayon sa may sakayan. Seven-thirty na at sana hindi ako mapagalitan.
"Oo na. Sobrang bait nga nila." Sang-ayon ko sa kan'ya.
"Balik tayo ulit sa bahay kapag puwede ka," sabi niya at tumango ako.
"Dito na ako. Ikaw mag-ingat ka pauwi," ani ko nang nakarating na kami sa terminal ng jeep.
"Opo, ikaw rin. Ingat ka, baby. Text mo ako kapag nakauwi ka na." Tumango naman ako rito. "I love you." Bulong niya pa at hinalikan ako sa aking noo.
"I love you too," sabi ko at sumakay na ng jeep.
Pagkauwi ko ay hindi naman ako pinagalitan nila Mama. Inaya lang akong kumain pero tumanggi na ako dahil busog na ako.
"Akyat na po ako." Pagpapaalam ko at tumango naman silang dalawa.
Mabilis lumipas ang panahon. Second year na kami at gano'n pa rin ang routine namin ni Aaron. Magde-date kapag pinayagan, kapag hindi ay sa susunod na lang. Kapag lumalabas kami magkakaibigan ay sumasama rin minsan si Aaron at Vin kapag wala silang pasok. Nakailang balik na rin ako sa bahay ni Aaron dahil gustong-gusto ni Tita na nando'n ako pero kapag hindi naman ako nakakapunta ay naiintindihan ako nito at hindi na lang pinipilit. Alam kasi sa kanila na hindi pa kami legal ni Aaron sa bahay.
First anniversary namin ni Aaron ay nag-date lang sa kung saan at binigyan niya ako ng bouquet of roses at cake. Pagkauwi ko no'n ay hindi naman ako pinagalitan pero nagtaka lang sila kung bakit may dala akong gano'n.
"Baby, thank you for staying." Bulong sa akin ni Aaron habang nakaupo kami rito sa bench ng Intramuros.
Niyaya niya akong mag-date at medyo maaga kami pinauwi ng prof namin kaya pumayag na ako. Kapag sobrang late na naman akong nakakauwi ay hindi na ako masiyadong pinapagalitan dahil mas rumami ang mga school works at sumobra na rin ang traffic.
"Thank you rin, Aaron. Salamat dahil hindi ka nagsasawang ganito. Hindi kita maipakilala sa pamilya ko, natatanggihan kita minsan." Umiling ito at biglang tumayo. Sinundan ko naman siya ng tingin. Umupo siya sa likod at niyakap ako.
"Hinding-hindi ako magsasawa sa 'yo, Wayde. I love you."
"I love you too..." Tugon ko.
Ramdam ko ang pagdampi niya ng halik sa aking leeg. Isa ito sa mga gustong-gusto niyang ginagawa sa akin and I find it sweet.
"My heart is and will forever be yours, Aaron Davis." Malambing kong sabi bago lumingon sa kanya at hinalikan siya sa kanyang mga labi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro