Chapter 6
DALAWANG linggo na simula ng ligawan ako ni Aaron. Papasok na ako sa university. Maaga ng one hour ang pasok ko dahil bigla na lang nag-chat si Jojoy na maaga kaming pumasok ngayon.
Habang papalapit ako sa building namin ay nakita ko sa third floor na nando'n na halos ng mga kaibigan ko at nagkukumpulan. Nakita kong kumaway sa akin si JL kaya naman binilisan ko na ang paglakad.
Nang makaakyat na ako ay biglang naging maayos ang p'westo nila. Parang hindi nagkukumpulan kanina. Ngumiti sila sa akin na ikinataka ko dahil ang weird nilang tignan.
"Anong nangyari sa inyo mga 'te? Sinapian kayo?" Pagtataray ko sa kanila at umupo na sa bakanteng upuan katabi ni Jojoy.
"Sinapian? Baka ikaw mamaya." Sabat ni Jael na ikinagulat ko dahil maaga siya ngayon. Kung hindi kasi late e nasa oras. Mabibilang lang sa isang kamay ang pagpasok niya ng maaga.
"Hala 'te maaga ka? Bagong buhay?" Natatawa kong tanong pero inirapan lang niya ako. "Bakit nga pala tayo maaga?" Tanong ko at nilingon ang iba naming kaibigan na may sari-sarili ng mundo.
"May sasabihin sa 'yo si Jojoy," ani Hannah.
Tumingin naman ako kay Jojoy na nakatingin na rin sa akin ng seryoso. Tinaasan ko pa ito ng kilay pero hindi man lang natinig.
"Joy, ano meron?" Tanong ko.
"Bakit hindi mo sinabi?" Balik na tanong naman nito.
"Ano ba 'yon, Joy? Hindi ko naman alam 'yan. Bakit ako? Baka si Barni 'yan." Biro ko sa kanya na ikinatawa niya rin ng kaunti.
"Ano meron sa inyo ni Aaron?" Lumaki naman ng literal ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"Anong meron?" Alangang tanong ko.
"Alam na kaya naming nililigawan ka niya." Nakangiti niyang sabi. Tinignan ko naman ang tatlong nakaaalam na magkausap lang ngayon.
"Vance! Sino nagsabi?" At tumgin ka si Vance pati na rin ang mga kausap nito.
"Wala kamong kinalaman diyan, Wayde. Mag-usap na lang muna kasi kayo riyan." Mabilis nitong sabi at tumingin ulit sa mga kausap.
"Wala silang alam, Wayde." Natatawang sabi ni Jojoy na ikinakunot ko ng noo.
"E, paano mo nalaman?" Taka kong tanong.
"Hindi lang naman ako nakakaalam e. Buong squad kaya nakakaalam." At tumingin siya sa mga kaibigan namin at sinundan ko ito. May mga ngiti sa mga labi ng mga 'yon. Syempre hindi kasali si Jael dahil nakatitig na naman ito sa crush niyang nasa third floor din at malapit sa amin.
"Paano nga Joy. Sabihin mo na." Tumingin ulit ako kay Jojoy.
"Alam mo, masaya kami for you kasi nahanap mo na ang the one..." Simula niya at ngumiti. "Kay Aaron namin nalaman. I received message from Jael, sinasabing kausapin daw kami ni Aaron kaya maaga kami. Actually, aobrang aga talaga namin ngayon. Kanina bago ka dumating kausap namin siya at sinabi niya ngang nililigawan ka niya. Natawa nga kami kasi akala namin kung ano, 'yon lang pala sasabihin. Akala mo naman kami yung magulang na dapat niyang pagpaalamanan." Natatawang kuwento ni Jojoy.
"Kaya nga. Pero gusto ko yung tapang niyang sabihin sa atin ah." Sabat ni Gen na katabi lang ni Jojoy.
"Tapos pumayag kami sa kan'ya," sabi ni Jojoy.
"Ha? Saan sa panliligaw?"
"Syempre papayag kaming ligawan ka niya. Pero may isa pa..." May tinignan naman ito bago magsalita ulit. "Pumayag kaming maging kayo kapag tinanong ka niya ngayon. Pero nasa sa 'yo pa rin ang desisyon." Nakangiti niyang sabi at tumayo. Pero bago makalayo sa akin binigyan niya ako ng red roses galing sa bag niya.
Sumunod ang mga kaibigan namin sa pagbigay. Habang nagbibigay sila ay may tumugtog ng gitara. Nang tumingin ako kung saan 'yon nanggaling at doon 'yon sa tinignan ni Jojoy kanina.
Lumabas si Aaron do'n habang hawak ang gitarang nakangiti sa akin. Hindi naman ako makapaniwala sa nakikita ko. Lakas ng kabog ng aking dibdib at akala mo'y lalabas na.
"You are the one who makes ne happy, when everything else turns to grey.
Yours us the voice that makes me mornings,
And send me out into the day.
You are the crown that sits quiet, Listening to me and all the mad sense that I make." Simula nitong kanta habang nakatitig sa akin. Maganda ang boses nito na kahit sino ay ma-i-inlove sa kanya.
"You are one of the few things worth remembering, and since it's all true. How could anyone mean more to me than you." Kanta pa nito at unti-unti ng lumalapit sa akin.
Nang nasa harap ko na siya ay wala pa rin hinto ang pagtugtog at pagkanta niya. Nakatitig ito sa akin na akala mo'y ako ang pinakamahalang tao sa buong mundo. Nagrambulan ang sistema ko dahil sa pagngiti niya ng huminto siya saglit sa pagkanta. Hindi na ako mapakali sa kinakatayuan ko. Hindi lang mga kaibigan ko ang kasama namin ngayon. May mga ibang tao ring nakaka-usyoso.
"Bakit mo 'to ginagawa?" Mahina kong tanong pero ngumiti lang siya sa akin bilang tugon.
"You are my heart and my soul my inspiration. Just like the old love song goes. You are one of the few things worth remembering, and since it's all true. How could anyone mean more to me than you." Pagtatapos ng kanyang kanta na hindi man lang ako inalisan ng titig.
Binaba niya ang kanyang gitara. Nakita ko si Vin sa kanyang likuran at inabot ang bulaklak.
"Ano bang nangyayari?" Taka kong tanong. Kahit kinikilig ako ay hindi ko talaga maintindihan ang mga nangyayari.
"Wayde... Two weeks, maikli pa lang 'yon, alam ko. Pero sana tanggapin mo ako ngayon bilang partner. Two weeks, mas lalo pa natin nakilala ang isa't-isa. Ang hindi natin alam no'ng highschool tayo ay nalaman natin ngayong nililigawan kita. Pero mas makikila pa natin ang isa't-isa kapag naging tayo na. Kaya ngayon tatanungin kita... P'wede ba kitang maging boyfriend?" Mahaba nitong, ang aking nararamdamang pagkatuliro dahil sa mga sinasabi niya ay nawala rin agad dahil sa tili ng mga nasa paligid namin.
"A-Aaron? Sigurado ka ba?" Nauutal kong tajong dahil ko talaga alam ang gagawin ko ngayon. Literal na nanginginig ang kamay ko sa kaba
"Siguradong-sigurado na ako sa 'yo, Wayde. Simula highschool pa lang, alam kong ikaw na talaga." Nakangiti nitong sabi at mas lalo pang lumapit sa akin. Mas lalo namang nagsitilian ang mga taong nakakakita namin. "So... Can you be my boyfriend?" Tanong niya ulit.
Unti-unti naman akong tumango at ngumiti. "Oo naman, Aaron." Masaya kong sabi at yumakap sa kanya. Hindi na inintindi ang mga taong nasa paligid namin.
Natapos ang proposal ng maayos. Nalaman kong pinaalam ni Aaron sa mga kaibihan ko na nililigawan niya ako. Nang pumayag ang mga ito ay nagtanong na rin siya tungkol sa gagawin niyang proposal at pumayag sila.
Supportive ang mga kaibigan ko, ayan ang nakikita ko palagi. Kahit ano ka pa, walang panghuhusga ang gagawin sa 'yo kundi iintindihin ka pa nila.
Natapos ang klase na puro ang proposal, Aaron at mga kaibigan ko ang laman ng aking isipan. Buti nga wala kaming quiz ngayon kung meron pa ay baka wala akong masagot.
"Uwi na kayo?" Biglang tanong ni Vance nang natapos na ang klase.
"Oo, may trabaho pa kasi ako mamaya e." Sagot ni JL. Working student kasi ito. Nagtatrabaho ito sa isang fast food. Kaya rin minsan ay nakaka-absent ito dahil sa pagtatrabaho.
"Bakit Vance? May balak kang gumala?" Pagtatanong ni Hannah.
"Oo, medyo maaga pa rin naman e. Arcade muna tayo." Yaya nito at karamihan nga ay sumang-ayon.
"Ikaw Wayde? O may date kayo ni Aaron? Isama mo na lang sa lakad natin." Biglang tanong sa akin ni Jojoy habang palabas na kami.
"E? Hindi ko pa alam 'te. Ite-text ko muna si Mama tapos hindi ko alam kung nandiyan pa si Aaron. Wala naman kasi siyang pasok ngayon," sabi ko.
"First day niyo tapos uuwi? Hindi 'yan..." Sabi ni Erika at kumapit sa braso ko. "Oh, ayan pala siya e." At nakita nga namin si Aaron na nakikipag-usap kay Vin.
Nilapitan naman namin sila. Kilala na pala ng mga kaibigan ko si Vin dahil nakakausap na nila ito. Si Aaron naman ay tumabi na sa akin.
"Date tayo." Yaya agad niyo nang makalapit sa akin.
"E?" Tanging nasabi ko at tumingin sa kanya.
"Aaron, mag-a-arcade kami. Sama ka na sa amin pati si Vin." Bigla namang nagsalita si Jael na katabi ngayon ni Vin.
"Sige, sama kami," sambit ni Vin at syempre sumang-ayon na rin si Aaron.
Nang dumating kami sa mall ay nagkan'ya-kan'yang usap na sila kung saan kami kakain ng lunch. Ikot lang kami ng ikot dahil hindi pa rin sila nakakapagdesisyon.
"Dito na lang kasi. Jusko, sayang oras kaka-ikot," sambit ni Erika. Kaya naman do'n na lang kami pumasok. Halos sampung minuto rin kasi sila nag-uusap usap kung saan kakain.
Umupo na naman kami at tatlong tables na sinakop namin. Dalawang for six person and isang for dour person. Kasama ko sa table si Aaron, Vin at Jael. Nang makaayos na kami ay kan'ya-kan'ya na silang order. Tatayo na rin sana ako oara um-order nf pigilan ako ni Aaron at siya na raw ang o-order sa aming dalawa. Hindi niya rin ako hinayaang magbayad at pati sila Vin at Jael ay nilibre niya.
Walang isang oras ay tapos ba kaming lahat kumain at nagyaya na nga silang mag-arcade. Habang papunta ay magkatabi lang kami ni Aaron sa hulihan habang ang mga kaibigan ko at Vin ay nasa unahan namin at nagsasaya na. May mga kumakanta, nagtatawanan at asaran. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao pero syempre wala silang pake.
"Hindi tayo nakapag-usap kanina ng maayos." Biglang bulong sa akin ni Aaron na nakapagbigay kilabot sa aking katawan.
"Kaya nga, pero hindi rin kasi ako sanay sa gano'n. 'Di ba? Ikaw first ko at wala akong alam sa ganito," sambit ko at sumulyap saglit sa kan'ya bago tumingin ulit sa harapan.
Naramdaman ako naman ang kamay niya na biglang kumapit sa palad ko. Unti-unti niya iyong pinaghahawak. Natigilan ako, napatigil din siya sa paglalakad. Tinignan ko siya at nakangiti siyang nakatingin sa akin.
"P'wede naman kitang hawakan sa kamay 'di ba? Wala namang makakakita na kakilala mo." Mas lalo niya pa akong nginitian kaya pakiramdam ko ay nanlambot ang aking binti. Unti-unti na lang ako tumango at nagsimula na ulit maglakad.
"Woah! HHWW." Asar agad ni Erika na unang nakakita sa amin pagpasok namin. Sabay-sabay nagsilungunan ang mga kaibihgan namin at inaasar kami gamit ang mga tingin na nakakaloko.
"Naku! Hayaan mo 'yan sila 'no. Syempre first day nila kaya hayaan natin. Kanta na tayo." Sabat ni Jojoy kaya naman nagsimula na nga silang bumili ng token.
Isa-isa sila at kapag natapos ay pumupunta agad sa upuan na nasa harap ng videoke. Dahil marami kami, hindi kami kakasya sa maliit na kuwartong may videoke, kaya dito na lang kami sa labas.
Nanag kami na ni Aaron ang nasa harap ng bilihan ng token ay siya ulit ang gumastos. Ayoko man pero mapilit siya.
"Laro tayong basketball?" Tanong nito kaya tumango ako. "Vin! Sa basketball lang kami." Sigaw niya kay Vin na nasa videoke na rin kasama ang mga kaibigan ko. Katabi niya si Jael.
"Balik kayo rito! May hinanda na kaming upuan sa inyo." Balik na sigaw ni Vin at nag-okay sign lang si Aaron bago niya ako hinila sa basketball.
Hindi ako magaling dito pero marunong naman ako. Hini katulad ni Aaron na marunong na nga magaling pa. Nakikita ko kasing naglalaro ito noon sa school namin kaya nasabi kong magaling siya dahil nananalo ang team nila at naging mvp pa siya.
"Pataasan score?" Hamon nito na agad kong ikina-iling.
"Ayoko nga! Alam kong magaling kang mag-basketball kaya hindi kita papatulan diyan. Hindi naman ako marunong e." Irap ko sa kanya at naghulog na ng token na ibinigay niya sa akin.
Nagsimula na akong maglaro at ginigulo niya ako. Nakiki-shoot siya at kahit minsan ay sabay ang paghagis namin ay napapasok niya ang sa kanya at ang akin naman ay hindi.
"Aaron, wala akong na-shoot. Ako muna," sambit ko rito at hindi naman niya ako pinakinggan at tumatawa pang nakatingin sa akin habang nagsho-shoot
"Tinitulungan nga kita, Baby e."
Gulat naman akong napatingin sa kanya at tinitigan siya dahil hindi siya tumitigil sa paglalaro. Kumakalabog ang puso ko ngayon dahil sa pagtawag niyang iyon.
"Baby, dali na. Maglaro ka na." Nakangiti pa nitong sabi. Muntik naman akong matumba dahil sa pagtawag niya ulit sa akin ng Baby akala ko kasi ay guniguni ko lang kanina.
Nag mag-game over ay saka lang siya tumingin sa akin. Nagtataka naman ang kanyang mukha pero nakangiti pa rin.
"Bakit ka nakatingin sa akin, Baby?" Taka niya pang tanong na parang sanay na sanay niya na akong tawaging gano'n.
"Baby?!" Tanong ko na sa kanya dahil hindi ko na maproseso sa aking pinakamamahal na utak.
"Why Baby?" Kumunot ang noo nito.
"Baby?!" Ulit ko
"E? Anong problema Baby?" Clueless ang mukha nito at pati ang tono ng kanyang boses.
"Tinatawag mo ako Baby." Simple kong sagot sa kanya.
"'Yon lang ba? Syempre, Wayde. Ikaw ang Baby ko. Tapos baby face ka pa kaya saktong-sakto bilang Baby ko," sabi nito sabay inabot ang aking pisngi at kinurot iyon.
"A-aray..."
"Cute mo talaga Baby." Iling-iling nitong sabi at humarap ulit sa basketball.
Hindi na naman akong nagsalita at naghulog na ulit ng token sa katabi ng pinaglalaruan ni Aaron. Tinignan ko ito bago ako magsimula at nakangiti ito habang naglalaro kaya naman napangiti na rin ako.
Nang magsimula akong maglaro ay bigla namang lumipat na naman sa akin si Aaron at nakiki-agaw naman. Kaya naman hindi ko na lang siya pinigilan at nakipagkulitan na lang din sa kanya. Buong oras na nasa basketball kami tawa lang kami ng tawa dahil sa kagagawan niya. Kahit maraming tao ay hindi ko na 'yon iniintindi. Minsan nga ay hinahawakan pa ni Aaron ang kamay ko at minsan ay napapayakap pero hindi na lang namin pinansin ang mga taong nasa paligid. Basta masaya kami sa ginagawa namin.
Nang mapagod ay pumunta na kami sa mga kaibigan na nagkakantahan at nagkakasayahan na rin. Marami na ring taong nakatingin sa kanila, pati ang ibang crew ay nakatingin.
"Nandito na kayo. Dito kayo. Dali, dali." Pansin sa amin ni Vance ay pinaupo kami sa upuan na katabi niya.
"Kanta na rin kayo," sambit naman ni Gen na kakatapos lang kumanta. Isa si Gen sa magaling kumanta sa mga nakilala ko. Ang taas, soft at marami siyanf kayang gawin sa boses niya.
"Hindi ako kumakanta 'te. Alam niyo 'yon ah." Mabilis kong tanggi at tumango naman sila kaya naman kay Aaron na lang nila ibinigay ang song book na sa akin ibinibigay kanina.
"Sige, si Aaron na lang. Ang ganda ng boses nito kanina e. Kanta ka pa, Aaron. Bitin kami ro'n sa kinanta mo," sabi ni April at go na go naman si Aaron.
Nang makapili siya ng kanta ay si Vance na ang naglagay no'n. Habang hinihintay ang kanta niya ay nag-uusap lang kami at minsan ay kinukulit siya ng mga kaibigan ko. Napapangiti na lang ako dahil komportable na agad siya sa mga kaibigan ko.
Masaya ang naging araw ko ngayon. Mula umaga hanggang ngayon na pauwi na kami ay hindi pa rin nawawala ang saya ko. Kasabay ko si Jael ngayon, si Aaron naman at Vin naman ay sa mga dorm nila umuwi. Ihahatid pa nga dapat ako ni Aaron pero syempre umayaw ako para makapagpahinga na rin siya.
Nakauwi ako sa bahay na medyo late na kaya sinermonan ako ng kaunti ni Mama.
"Ikaw bata ka. Maaga uwian mo pero ngayon ka lang. Nagpaalam ka at akala ko saglit lang 'yon. Pero gabi ka na nakauwi. Hay naku, Wayde. Hindi na 'to mauulit." Sermon sa akin kaya nakayuko lang ako.
"Opo," tanging nasagot ko.
Nasundan pa ang mga late kong uwi dahil laging nag-aaya sa akin si Aaron. Hindi ko naman matanggihan. Kaya kapag umuuwi ako laging sermon ni Mama ang bubungad sa akin. Minsan naman ay sinasabi kong may gagawin lang na school works kaya hindi ako nakakauwi ng maaga kahit wala naman talaga. Minsan pa ay pati rest day ko minsan ay nakakapagpaalam ako kay Mama na may gagawin for school at syempre pumapayag naman ito dahil school works nga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro