Chapter 5
"BALITA 'te? Hindi mo pa rin sinasagot si Aaron?" Taning ni Erika nang maiwan kaming dalawa sa room.
"Ano ka ba, isang linggo pa lang. Sasagutin agad? Ano? Atat na atat mag-jowa?" Pagtataray ko rito habang inaayos ang bag ko.
"Hay nako, 'te! Syempre hindi naman panliligaw ang pinapatagal kundi relasyon. Tsaka, kilala mo naman na 'yon si Aaron, kilala ka na rin niya. Ano pang inaantay niyo dalawa?" Medyo sermong niyang sabi at naglakad na palabas kaya sumunod agad ako rito.
"Hindi pa rin naman kasi nagtatanong yung tao. Alangan namang pangunahan ko? Jusk!" Sabi ko pa nang makahabol ako sa kanya.
"Why not do the first move? Hindi naman dahil siya yung nanliligaw siya na agad lahat magfi-first move."
"Wala naman akong sinasabing gano'n."
"Parang gano'n na rin kaya 'yon," sambit niya at ni-lock na ang pintuan. Dahil nga siya ang president ng klase, siya ang magbubukas at magsasara ng pinto at ibabalik sa taga-hawak ng susi rito sa university.
"Anong pinag-uusapan niyo?"
Parehas kaming gulat ni Erika ng marinig namin ang boses ni Vance na nasa gilid na lang namin ngayon.
"A-ano... Wala." Mabilis na tanggi ni Erika at humarap ulit sa pinto para i-lock 'yon.
"Weh? Alam ko naman kung anong pinag-uusapan niyo 'no."
"Alam mo pala e, bakit nagtatanong ka pa?" Mataray na tanong ni Erika at tumingin ulot kay Vance. Ako naman ay nakatayo lang kung saan nakatayo kanina habang nakatingin kay Vance.
"Gusto ko lang malaman sa mismong bibig niyo, lalo na kay Wayde. So..."
"Ano bang alam mo, Vance?" Bigla kong tanong nang lumingon ito sa akin ng may nakakalokong ngiti.
"About kay Aaron." Nakangiti nitong sabi.
"What?!" Sigaw ni Erika.
"Paano mo nalaman?" Pagtatanong ko naman.
"Baka gusto niyo munang umupo. Hindi yung dito tayo sa labas ng classroom." Yaya niya kaya napatango naman kami ni Erika.
"Ay! Saglit lang, sauli ko muna 'tong susi." Biglang sabi ni Erika.
"E? Do'n na lang tayo. May mga upuan naman do'n e." At napatango naman kami sa suhestiyon ni Vance.
Nang masauli na namin ay umupo kami sa gilid ng ofdice dahil may mga upuan naman do'n. Kaunti na lang ay tao sa university dahil uwian na rin naman ng ibang course. Kapag umabot na kasi ng alas-sais hanggang alas-syete, halos uwian na ng mva estudyante, iilan na lang ang natitira para sa alas-nueve na uwian.
"Ano na, Vance. Kuwento na. Pa-intense ka pa riyan e." Sabi agad ni Erika ng makaayo na kaming tatlo sa pagkakaupo.
"Alam ko yung tungkol kay Wayde at Aaron." Iyon pa lang ang binanggit ni Vance ay kinabahan agad ako. Hindi ako makatingin sa harap ko kung saan nakaupo si Vance. Si Erika naman na ang nakipag-usap kay Vance nang maramdaman niyang wala ako sa wisyo na kausapin si Vance.
"Paano mo nalaman, Vance? Kanino? May pinagsabihan ka na ba?" Sunod-sunod na tanong ng katabi ko.
"Hindi kayo magaling magtago ng ganito, Erika. Isang beses narinig ko na lang kayo sa classroom na nag-uusap tungkol kay Aaron, katulad kanina, naabutan ko rin kayo. Sinong hindi makakahalata? Lagi kayong magkasama. Laging nagpapahuli kung hindi, nangunguna naman. No'ng una kong nalaman hindi ako sigurado kaya hindi ko pa sinabi, pero kanina sigurado na ako." Simula ni Vance at nagkatinginan nga ni Erika sa sinabi niyang 'yon.
"Sigurado na akong may something nga kila Aaron at Wayde." Dugtong pa nito.
"May pinagsabihan ka ba, Vance?" Pagtatanong ko.
Umiling naman ito. "Wala syempre. Hindi niyo nga sinabi sa iba, kaya bakit ko sasabihin sa iba? Nirerespeto ko rin naman yung desisyon niyo na h'wag ipaalam sa iba." Ngumiti ito habang sinasabi 'yon.
"Wala talaga?" Tanong pa ni Erika na ikina-iling ulit nito. "Bait naman, Vance. Salamat." Dagdag pa nito na may masayang boses.
"Welcome. So, kayo naman magkuwento."
"Ano namang ikekuwento?" Takang tanong ko.
"Kung ano na ang status niyo ni Aaron? Kailan mo sasagutin?"
"Parehas lang kayo nitong si Erika, nagmamadali. Hindi ko pa naman alam kung kailan ko sasagutin si Aaron. Tsaka isang linggo pa lang siyang nanliligaw," ani ko.
"Ano kung isang linggo? Matagal na kayong magkakilala at relasyon ang pinapatagal hindi ang panliligaw."
"Jusko! Parehas kayo ng sinasabi nitong si Erika." At tinarayan ko nga ito.
"Iyon naman kasi ang tama." Biglang sabat ni Erika.
Magsasalita na sana ako nang may marinig akong nagsalita sa likod ko.
"Kaya nga, relasyon ang pinapatagal hindi ang panliligaw."
Sabay-sabay kaming napalingon kay Aaron na nasa likod namin. Ang dalawa ay inaasar na ako pero ako ay nakatulala lang sa kanya.
"Pero kung hindi pa naman handa yung isang tao sa relasyon, ayos lang na maghintay ng matagal hanggang sa maging handa na siya." Nakangiti nitong sabi at pumunta na nga ito sa tabi ko. Dumukwang ito palapit sa tainga ko at bumulong. "Hindi naman ako nagmamadali."
"Namumula ka, Wayde." Asar sa akin ni Vance na may ngisi sa mga labi.
"Hindi ah!" Tanggi ko at medyo tinulak si Aaron para lumayo sa akin ng kaunti.
"Weh? Hala 'te, sobrang pula mo kaya." Sumabay na rin si Erika sa pang-aasar sa akin ni Vance.
Kinapa ko naman ng dalawang kamay ko ang magkabilang-pisngi ko at kahit hindi ko nakikita ay pakiramdam ko nga ay tama silang namumula ako.
"Magtigil nga kayo," sabi ko at humarap kay Aaron. "Bakit ka pala nandito? Kanina pa uwian mo ah?" Pagtatanong dito.
"Pinapauwi kasi ako kaya naisip kong sabay na tayo." Napansin ko ang dala nitong duffle bag na kulay gray.
"Galing ka pa niyang condo?"
"Oo, tapos dinaanan kita. Kanina pa ako rito, nasa baba nga lang kausap ko mga kakilala ko. Tapos umakyat lang ako ng makita ko si April na pauwi na, sabi niya nandito ka pa kasi sinamahan mo si Erika." Paliwanag nito kaya napatango na lang ako saka tumingin sa mga kasama ko.
"Uwi na tayo?" Tanong ko sa kanila at nagsitanguan na rin naman sila at tumayo na.
"Sabay ako sa inyo hanggang Cubao, Wayde. Wala na rin akong kasabay e," sabi ni Vance habang palabas kami sa gate.
"Sige, sige. Ikaw ba Erika? May kasabay ka pa?"
"Oo, Wayde. Ka-chat ko si April, nasa may sakayan daw silang dalawa ni Hannah. Hinihintay ako." Nakangiti nitong sabi.
Nasa kanto na kami kung saan ang sakayan namin at kita nga namin sila April na nasa kabila at hinihintay si Erika.
"Paano ba 'yan? Tawid na ako. Ingat kayong tatlo." Paalam ni Erika at nagpaalam na rin kami sa kanya.
"Jeep o lrt?" Tanong sa akin ni Aaron pagkaalis ni Erika.
"Vance, jeep o lrt?" Bumaling naman ako kay Vance at nagtanong.
"Kayong bahala. Pero siguro lrt na lang. Gabi na rin e. Baka ma-traffic pa tayo," sabi nito at napagpasyahan nga naming lrt na.
Nang makasakay kami ay syempre nakatayo lang. Sa rami ba namang pasahero ng lrt, swertehan lang ang makahanap ng mauupuan. Nag-uusap lang kami ni Vance tungkol sa mga subject namin at minsan naman ay sumasali si Aaron sa amin.
"Una na ako, Wayde. Ingat kayo." Paalam ni Vance at tumango lang ito kay Aaron.
Nagsimula na rin kaming maglakad at naghanap ng bus pauwi. Habang naghahanap ay wala kaming imikang dalawa. Kapag sumusulyap naman ako rito nakangiti lang ito habang nakatingin sa kanyang harapan. Ilang saglit lang ay nakasakay na rin kami. Hindi masyadong puno kaya nakaupo kami ng magkatabi.
"Saan kayo?" Tanong ng kundoktor.
"Sa bayan po, dalawa," sagot naman ni Aaron at nagbayad na. Kaya naman yung kinuha kong pera sa wallet ko ay inabot ko na lang sa kanya.
"Bayad ko," ani ko.
"Okay na, Wayde. Ayos lang." Nakangiti nitong sabi at tumingin sa akin.
"E, hindi puwede. Kunin mo na." Pamimilit ko sa kanya pero hindi niya na talaga kinuha kaya naman tinago ko na lang ulit. "Next time ako na magbabayad sa ating dalawa, okay?" Hindi na naman ito sumagot at mas nilakihan na lang ang ngiti.
"Manliligaw mo ako Wayde. Normal lang na ako ang magbayad."
"Hindi naman 'yon puwede, Aaron. Hindi porket ikaw ang nanliligaw ay ikaw na gagastos ng lahat. Puwede naman tayong mag-share e, kasi may pera naman ako," sabi ko at tumingin na lang sa bintana.
"Hindi ko namang wala kang pera. Gusto ko lang na ako ang gumagastos," sambit nito at naramdaman ko na lang ang braso niyang nakapatong na sa aking balikat.
"Hay, next time maghati na tayo sa gagastusin." At hindi na naman ito sumagot kaya umayos na rin ako ng upo kaya makasandal sa sandalan dahil medyo pagod din ang katawan ko. Sabayan pa ng traffic na nakikita sa labas mas lalong nakakapagod.
"Tungkol pala kanina..." Rinig kong sabi na lang bigla ni Aaron.
"Anong kanina?"
"Yung tungkol sa pinag-uusapan niyo nila Erika." Napatingin naman ako sa kanya at nakatingin din pala ito sa akin.
"Anong tungkol do'n?"
"Tama sila na hindi panliligaw ang pinapatagal kundi ang relasyon..." Nagulat naman ako sa sinabi nito. "Pero hindi naman kita minamadali, Wayde. Kaya kong maghintay kahit gaano pa katagal niyan."
"Kailangan ko pa ng time, Aaron. Hindi naman 'to madali e. Ni sa mga magulang ko ay hindi ko masabi kung ano ako. Natatakot din ako kapag nalaman 'to. Siguro kaunting oras pa para maging handa ako. Hinahanda ko naman ang sarili ko," sabi ko.
"Hihintayin kong maging handa ka, Wayde." Nakangiti na nitong sabi at sumandal na rin sa sandalan.
Isang oras mahigit din ang binyahe bago kami makarating sa bayan. Simula rito ay magkaiba na ang daanan namin. Gusto niya pa sana akong ihatid pero tumanggi na ako dahil baka kung anong isipin nila Mama. Lalo pa't unang beses na may maghahatid sa akin.
"Sakay ka na. Ingat ka. Te-text na lang kita mamaya pagkauwi ko." Malambing na sabi nito ng mahatid niya ako sa sakayan ng jeep. Tumango at ngumiti naman ako sa kanya bago umakyat sa jeep. Nakita ko rin siyang hinintay muna ang jeep na umandar bago umalis sa kinakatayuan niya kanina.
Pagkauwi ko naman ay nakita ko ang magulang at kapatid ko na nanunuod ng TV.
"Nandito ka na pala. Kumain ka na, tapos na kami," sabi ni Mama kaya naman tumango ako at bago umakyat para magbihis ay lapit ako sa kanila para magmano.
Naghanda naman ako ng damit at lumabas ulit sa k'warto para maghugas ng katawan. Wala pang kinse minuto ay natapos na ako, kaya bumaba agad ako. Hawak ko ang cellphone ko habang pababa. Nang nasa kusina na ako ay hinanda ko na agad ang pagkain ko at tinext na si Aaron na nakauwi na akl at kumakain na ako. Mabilis naman itong nakapag-reply.
From: Aaron <3
Nakauwi na rin ako. Eat well. Kain na rin ako para sabay tayo.
Napangiti naman ako sa text nito at nilapag na ang cellphone para kumain na ulit.
"Kuya, bakit ka nakangiti riyan?" Gulat naman ako napatingin sa pintuan ng kusina at nakatayo na roon ang kapatid ko.
"Kanina ka pa riyan Wil?"
"Hindi, Kuya. Kakarating ko lang tapos nakita kitang nakangiti. Anong nakakatawa?" Taka nitong tanong at lumapit na banda sa akin at kumuha ng baso na nasa mesa lang din ang nagsalin ng tubig.
"Wala, naalala ko lang yung kaklase kong nadulas kanina." Palusot ko at mukha namang naniwala siya dahil tumawa ito.
"Tanga naman no'n, Kuya." Natatawa niyang sabi at napangiwi na lang ako dahil doon. Tumango na lang din ako habang tumatawa pa rin siya. "Nga pala Kuya, ikaw na raw ang maghugas ng pinggan. Magpapahinga na kasi si Mama," sambit nito ng humupa na siya sa kakatawa.
"Oh sige. Ikaw, matutulog ka na rin ba? Mag pasok ka pa bukas." Pagtatanong ko.
Grade 9 pa lang kasi siya at maaga ang kanyang pasok. Pero kahit maaga ang pasok minsan ay nagagawa niya oang magpuyat kaya parehas kaming napapagalitan dahil ako ang kasama niyang magpuyat kakanuod ng TV.
"Tatapusin ko lang pinapanuod ko, Kuya. Tapos aakyat na rin ako," sabi nito ng matapos uminom ng tubig at lumabas na rin siya ng kusina.
Pagkatapos ko namang kumain ay naghugas na agad ako ng pinggan. Nang matapos ay lumabas na ako para pumunta sa sala at nakita ko nga ro'n si Wil na nunuod. Tumabi ako rito at nagtipa sa cellphone ko. Nakita ko kasing may text do'n si Aaron
Aaron:
Tapos na akong kumain.
Ako:
Slr, tapos na rin. Naghugas pa akong pinggan kaya matagal akong nakapag-reply.
Aaron:
Ayos lang. Anong oras ka matutulog?
Ako:
Mayamaya, sasabayan ko kasi si Wil. Nanunuod pa kasi.
Marami pa kaming napag-usapan ni Aaron hanggang sa matapos na si Wil manuod. Sabay na kaming umakyat. Pinapasok ko muna siya bago ako pumasok sa k'warto ko. Magkatapat lang din kami ng k'warto.
Nang makapasok ay humiga na agad ako tinignan na ang cellphone at nakita ko ang message ni Aaron na matutulog na siya.
Aaron:
Tulog na ako, Wayde. Goodnight. See you sa thursday. Mwua.
Tahimik akong tumili dahil do'n. Bago nagtipa ng reply.
Ako:
Goodnight, Aaron.
Sabi ko at pumikit na rin ng nakangiti.
Wala akong pasok bukas kaya sa thursday na kami magkikita. Hindi rin kasi kami p'wedeng magkita kapag walang pasok, dahil hindi ako pinapaalis sa bahay lalo na't hindi naman school work.
Isang linggo ng nanliligaw sa akin si Aaron at sobrang lambing nito at maalaga. Hindi ko nga iniisip na ganito pala siya kumilos dahil hindi naman kami close dati. Sa isang linggo ay nakilala ko talaga siya ng lubos dahil pinapakita niya talaga sa akin kung sino siya.
Nagising ako dahil sa pagkatok ni Mama sa pinto 'ko.
"Wayde, gising na," sabi nito at kinalampag pa ang pinto ko. Dali naman akong tumayo at binuksan ang pinto.
"Bakit Ma?" Tanong ko rito. Hindi kasi ako sanay na ginigising kapag wala namang pasok. Hinahayaan lang ako ni Mama na matulog dahil nga isang araw lang ang rest day ko sa school.
"Ikaw na muna ang bahala sa bahay, may pupuntahan kasi ako. Hapon pa ako makakauwi. Maglinis at magluto ka ng kakainin niyo ni William mamayang tanghali." Tumango naman ako ro'n at tinignan ko si Mama ng mabuti. Ngayon ko lang kasi napansing nakabihis pala ito ng panglakad.
"Sige, Ma. Ingat ka po," ani ko at umalis na rin naman agad ito.
Nag-ayos naman na muna ako ng sarili bago bumaba. Wala namang tao na sa baba. Nasa trabaho na si Papa at si Wil naman ay pumasok na.
Kumain na muna ako bago simulan ang paglilinis. Bago ako maglinis ay binuksan ko ang cellphone ko at nakita kong may mensahe ro'n si Aaron.
Aaron:
Good morning, Wayde.
Nasa university na ako. Kain ka na pagkagising mo ha. Ingat ka buong maghapon.
Nag-reply naman na ako dito at nagsimula ng maglinis. Buong umaga ay naglinis lang ako at nang malapit ng mag-lunch ay nagsimula na rin akong magluto para sa pagdating ni Wil ay kakain na kami.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro