Chapter 3
"MA, medyo late po ako makakauwi. May gagawin kasi kami sa isang subject e." Pagpapaalam ko kay Mama.
"Sige, Wayde. Basta mag-text ka na lang kung nasaan ka para hindi kami mag-alala ng Papa mo," sabi naman ni Mama Kaya pagkatapos ay nagpaalam na rin ako para pumasok.
"Awa! Blooming ang ating Wayde ah." Kantiyaw ni April ng makalapit na ako sa kanila.
Inirapan ko naman ito at umupo na malapit kay Erika.
"Saan si Barni?" Pagtatanong ko.
"As usual late. Kailan ba naging maaga 'yon?" Sagot sa akin ni Erika.
May kan'ya-kan'yang mundo na naman ang iba naming kasama kaya kinausap ko na lang si Erika.
"May lakad ako mamaya 'te." Mahina 'kong sabi kaya napatingin ito sa akin ng nakangiti.
"Kaya pala blooming ah. Saan punta mo?" Pang-aasar pa nito at tinaas baba pa ang dalawang kilay.
"Shh, ikaw lang sinabihan ko kaya 'wag kang madaldal." Saway ko rito.
"Oo na, dali na. Sabihin mo na." Excited pa nitong sabi at kumapit pa sa braso ko.
"Ano kasi, ano si Aaron..." Kinakabahan 'kong simula. "Si Aaron kasi niyaya akong lumabas ngayon." Pagtatapod ko.
"Weh? Sure? Waah!" Impit siyang napatili at kumalas sa braso ko. Pinatong niya ang kamay sa balikat ko at hinarap sa kanya.
"Hoy! Ano 'yan Wayde?" Biglang pagtatanong ni Vance nang marinig nila ang tili ni Erika sa aking tabi.
Nagkatinginan naman kami ni Erika at nilakihan ko siya ng mata.
"Ah, ano... Wala 'yon hehe. Kiniliti kasi ako ni Wayde kaya napatili ako." Palusot ni Erika at tumingin na sa aming harapan kung nasaan ang iba naming kaibigan.
"Kiniliti? E 'yung tili mo parang kinikilig ka e." Pang-uusisa pa ni JL.
"May bago na naman sigurong ka-chat 'yang si Erika kaya kinikilig hahaha." Singit ni Jojoy na ikinatawa na lang nila. Nang hindi na nila kami napansin ni Erika ay nagkatinginan kami at nagkangitian.
"Ang ingay mo kasi 'te. Mabubuking pa tayo niyan e." Bulong ko rito.
"Sorry na. Pero 'di nga? May date kayo?" Tanong niya na parang hindi naniniwala sa sinabi ko kanina.
"Date? Hindi date. Lalabas lang kami."
"Ay! Shunga ka 'te. Lalabas, date, parehas lang. 'Wag ka masiyadong painosente riyan," sambit nito at sinundot-sundot pa ang aking tagiliran. Buti na lang at wala akong kiliti ro'n.
"Hay, sige. Basta 'yon na."
"Buti sinabi mo sa akin?"
"Wala akong ibang mapagsabihan e. 'Tsaka hindi ko alam gagawin ko mamaya. Kinakabahan nga ako e." Pag-amin ko sa kanya.
Unang beses ko kasing maranasan na mayaya na lumabas at kaming dalawa lang ang lalabas. Ang mas malala pa ay gusto ko pa 'yung tao. Hindi ko ma-explain kung ano talaga ang nararamdaman ko ngayon.
"Nako naman 'te. Kung sa mga date, hindi dapat ako. Si April tanungin mo. Alam mo namang hindi pa ako nagkakajowa. MU, MU pa lang. E si April, nakapagjowa na 'yon." Parang namo-mroblema pa niting sabi at napakamot pa sa ulo niya.
"Jusko 'te. Alam mo naman kung gaano kaingay 'yon 'no."
"Baliw! 'Pag secret lang, hindi 'yon maingay. Rami na nga no'n alam tungkol sa akin pero hindi niya naman pinagsasabi. Try mo kausapin 'yon." Napatango-tango naman ako habang sinasabi niya 'yon at napatingin ako kay April. "Mamaya, kausapin ko na tumabi sa atin sa klase. Para mabigyan ka advice." Napatingin naman ako ulit ka Erika na tumaas-baba pa ang kilay.
Marami pa kaming napag-usapan ni Erika. Napansin niya rin ang ayos ko ngayon na mukhang pinaghandaan daw ang lakad ko ngayon. Floral na polo shirt, jeans at at black converse. 'Pag kasi wala kasi akong lakad na ganito ay naka-shirt lang ako at naka-black shoes.
"Guys, wala raw si Sir." Bigla naman kaming napatingin sa gilid nang magsalita ang isang officer namin.
"Legit ba?
"Send proof."
"Yes! Uwi na us."
Kanynamanya namang pulasan ang mga kaklase kong kanina ay nakaupo lang sa corridor.
"Wala na raw pasok, Wayde. Paano 'yan?" Naisip ko naman agad na kailangan ko pa pala kausapin si April. At may oras pa ako dahil ang usapan ay pagtapos pa ng klase namin darating si Aaron.
"Paano 'yan 'te?" Nag-aalala 'kong tanong.
"Sige, ako bahala. Trust me." Bigla naman itong ngumiti ng nakakaloka at tumayo.
"Pril, uwi ka na?" Tawag pansin nito kay April. Tumayk na rin naman ako at tumabi kay Erika.
"Kayo, uwi na? Kung mag-e-stay pa kayo, e 'di stay na rin ako. Wala akong gagawin sa dorm."
"Stay pa kami ni Wayde. May pag-uusapan kami e. Sama ka?" Tanong ni Erika na may malapad ng ngiti.
"Sure." Mabilis na sagot ni April.
"Stay pa kayo?" Pagtatanong ni Gen na ikinatango namin ni Erika.
"Una na kami, ingat kayo mamaya." Pagpapalam ni Jojoy at nagpaalam na rin ang iba.
"Ikaw, Han? Sama ka?" Tanong ni April kay Hannah nang makitang nakatayo pa ito.
"Hindi na. Sabay na lang ako sa inyo lakad. Diyan lang naman kayo sa fast food 'di ba?" Sagit nito at nagsimula na nga kaming maglakad.
"Chat niyo si Jael na wala ng pasok. At baka hindi pa no'n alam." Pagpapaalala ni Hannah bago ito tumawid sa kabilang kalsada kung saan siya sasakay.
Kaming tatlo naman nila Erika at April ay pumasok sa fast food kung saan kami laging nakatambay. Nang makaupo na kami ay nagsalita agad si April.
"Himala Wayde nag-stay ka? Hindi ka naman nag-e-stay 'pag ganito ah." Nagtataka nitong baling sa akin.
"Ah kasi may lakad ako mamaya." Diretsyo 'kong sagot habang nakatingin sa mata nito.
"Lakad? Saan? Sama hahaha." Natatawa nitong sabi.
"Anong sama? May date si Wayde tapos sasama ka?" Sinipa ko naman ang paa ni Erika dahil katapat ko lang ito. Bigla naman itong tumingin sa akin at nag-peace sign. "Hehehe," nasambit na lang nito at alangang ngumiti.
"Date? May date ka?" Hindi naman ako makatingin kay April kaya binalingan ko na lang si Erika.
"Ano, si Erika na lang magsasabi," sabi ko at pinandilatan si Erika para senyasang siya na ang magsalita.
"Ganito kasi 'yon Pril..." Napatingin naman si April kay Erika na katabi niya lang. "Niyaya raw siya ni Aaron lumabas ngayon. I mean mamaya pagkatapos sana ng class natin kaso wala nga tayong class. Tapos unang beses daw ito ni Wayde kaya sinabi niya sa akin kasi hindi niya alam ang gagawin. E, kilala mo ako, wala rin akong alam sa ganito kaya naisip 'kong ikaw ang lapitan. Kung may klase nga lang kanina ay baka pinatabi na kita sa amin e." Pagkukuwento nito sa pinag-usapan namin kanina. Kita ko namang tumango-tango si April.
"So? Bakit ako?"
"Siyempre naranasan mo ng makipag-date. Siyempre nagkajowa ka na."
"Baliw! Pero seryoso ba 'to?" Nagtataka niya ulit tanong. Tumingin pa ito saglit sa akin at tingin ulit kay Erika.
"Seryoso nga. May dalawang oras pa tayo para mabigyan mo advice si Wayde."
"Dalawang oras? Tagal na no'n," sabi nito kay Erika at tumingin sa akin. "Text or chat mo na ngayon si Aaron na pumunta na at habang wala siya bibigyan na kita ng advice." Tumango naman ako sa sinabi nito at kinuha agad ang cellphone sa aking bulsa at nagsimula ng magtipa ng mensahe para kay Aaron.
To: Aaron <3
Hey? Wala kaming prof. Makakapunta ka ba ng maaga?
Pagtapos kong i-send 'yon ay nagsimula na kaming mag-usap tatlo.
"So, dali na Pril. Alam 'kong marami kanang karanasan diyan." Excited pang tanong ni Erika.
"Ano ba gusto niyong malaman? Paano makipag-date? Seryoso talaga?" Sunod-sunod namang tanong ni April na ikinatango naming dalawa nj Erika. "So, okay. Ask a question and sasagutin ko na lang. Mahirap kasing i-kuwento ko pa lahat ng experience ko sa date. Matatagalan tayo 'pag gano'n." Dagdag nito.
"Anong ginagawa sa date?" Magtatanong na dapat ako nang maunahan ako ni Erika.
"Kumakain, siyempre. Nag-uusap din ng kung ano-ano."
"Ano madalas pag-usapan?" Agad 'kong tanong na medyo kinakabahan.
Hindi ko kasi alam kung paano kausapin mamaya si Aaron tapos nalaman ko pang kailangan talagang mag-usap, baka mapag-usapan namin ang nakaraan. Jusko, 'wag naman sana.
"Hobbies, favorites, goals niyo sa buhay. Kapag date kasi hindi maiiwasang pag-usapan gusto niyo sa buhay, lalo na't gustong-gusto niyo ang isa't-isa. Do'n niyo kasi makikilala ang tao, at baka 'yon na rin ang taong hanggang dulo kaya dapat sa date pa lang kinikilala na agad."
"Gustong-gusto? Ano ba 'yan 'te?! Hindi naman ako gusto ni Aaron." Pag-irap 'kong sabi rito.
"Hay nako, 'te. Hindi ka yayayain niyan kung hindi ka gusto. At talagang date pa ah! Kung gusto ka lang niya maging kaibigan, aayain ka no'n mag-basketball." Balik niyang irap sa akin. Pero hindi ko masiyadong inisip 'yon, dahil ang nasa isip ko ngayon ay ang sinabi niya.
"Pril, baka umasa 'yang si Wayde. Kasalanan mo 'yan!" Sabi ni Erika at hinampas pa niya si April sa braso. Natigil ako sa pag-iisip nang makita kong naghahampasan na sila ng braso.
"Isa ka rin e. Ano, pustahan na lang Eka." Mayabang ang tono ng boses ni April.
"Pustahan pa. Oo na. Naniniwala na ako. Ano pa bang ginagawa sa date?"
Nakatingin na lang ako sa kanilang dalawa habang nag-uusap at siyempre pinapakinggan ko ng maayos ang usapan nila.
"Depende kasi sa pupuntahan niyo. Kung Luneta Park, Intramuros, siyempre puro lakad ang date niyo. Kung sa mall naman, puwedeng arcade, kain at kung ano-ano pa. Pero ang tips ko, sa puro lakad sila pumunta."
"Bakit naman?"
"Siyempre mas makakapag-usap sila, hindi katulad sa mall maraming distractions. At masaya naman ang date na gano'n, pero minsan depende sa kasama mo kung sasaya ka ba talaga. May iba kasing date na maganda ang lugar na pupuntahan kaso hindi mo feel yung taong kasama mo, e 'di wala rin. May mga date rin namang pangit yung lugar pero magiging masaya kayo kasi gusto niyo yung kasama niyo." Nakangiti pang pag-e-explain ni April kay Erika.
"May chance ba sa unang date pa lang umamin na agad yung isang taong may gusto siya sa'yo?" Mas kumabog naman ang dibdib ko nang tanungin 'yon ni April.
"Yes, may dalawa 'yan e. Aamin siya sa'yo kung matagal ka na niyang kilala at matalaga na rin siyang may gusyo sa'yo, pangalawa naman kung nagustuhan ka niya talaga kahit unang date niyo pa lang. May mga tao kasing unang labas pa lang nagugustuhan agad nila yung kasama nila."
"Ang rami mo namang alam." Bigla kong nasambit ng may paghanga kay April.
"Experience lang 'yan, Wayde. So, saan na si Aaron?" Nang dahil sa tanong niya ay napatingin ako sa phone ko at nakita ko ngang may message na si Aaron
From: Aaron <3
Malapit na ako. Saan ka?
To: Aaron <3
Sa fast food malapit sa lrt.
Matapos 'kong replayan si Aaron ay tumingin ako ulit sa dalawa na walang imik.
"Walang sinabi kung nasaan na e. Pero malapit na raw." Pagkasabi ko no'n ay nagkatinginan naman silang dalawa na binaliwa ko na lang.
"Ay! May nakalimutan pala ako, Wayde." Bigla pang sabi ni April.
"Puwedeng hindi umamin ang ka-date mo pero kung yayayain ka niya ulit mag-date, ibig sabihin interesado siya sa'yo." Nakangiti nitong sabi at bigla silang tumayo.
"'Te, nandiyan na si Aaron." Ngumunguso pa si Erika sa likod ko kaya napatingin ako ro'n. Pagtingin ko ay nakita ko si Aaron papasok sa fast food. Naka-white shirt, maong short and brown boat shoes. Napatayo naman agad ako nang makalapit siya sa amin.
"Hello." Pagbati nito sa amin at kumaway pa ito sa dalawang kasama ko. "Kanina pa kayo?"
"Nope. By the way, alis na kami. Ingat kayo." Sagot ni Erika at nagpaalam na rin.
Nang mawala na sila sa paningin ko ay binalik ko ang tingin kay Aaron.
"Saan mo gustong pumunta? Kain ba muna tayo o mamaya na lang?" Pagtatanong nito habang naglalakad papunta sa gilid ko.
Shit! Napamura ako sa isip ko ng hindi ko natanong ang tungkol sa ganito kay April.
"Ah, eh, ikaw bahala kung saan. S-saka hindi pa naman ako nagugutom." Alinlangan 'kong sabi at ngumiti naman siya sa akin at inakbayan ako.
"'Wag kang kabahan. Akong bahala sa'yo."
"A-ano, hindi naman ako k-kinakabahan 'no." Mataray 'kong sabi pero nauutal pa rin habang tinatanggal ang braso niyang nasa balikat ko.
"Kinakabahan ka kaya. Ramdam ko. Kaya 'wag kanang magkaila. Ayos kang 'yan." At lalo niyang hinigpitan ang akbay sa akin. Kinuha naman niya ang bag ko saka kami lumabas.
"Akin na ang bag ko, kaya ko namang buhatin e," sabi ko habang inaabot ang bag ko sa kanya.
"Ako na, hindi naman mabigat."
"Kaya nga, hindi naman mabigat kaya akin na." Agaw ko ulit pero dahil akbay niya ako nasa isang kamay niya bag ko hindi ko talaga 'to maabot.
"Ako na. Hayaan mo na lang ako." At tinignan ako nito ng may malapad na ngiti. Wala na naman akong magawa kaya hinayaan na lang siya.
Sumakay naman kami ng bus para makapunta sa isang mall. Punuan ang bus at parehas kaming nakatayo. Parehas kaming nakahawak sa hawakan pero nang rumami na ang tao ay naramdaman ko ang kamay niya na pumulupot sa aking bewang para mas makalapit sa kanya at alalayan na rin ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro