Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

UMUWI ako nang araw na 'yon na walang luha pero mugto ang mga mata. Walang nagtanong kahit isa, kahit si Mama na laging strikto ay hindi nagtanong. Pinabayaan nila akong umakyat at dumiretso sa aking kuwarto. Kinatok ako ni Papa no'ng gabing iyon pero wala akong ganang makipag-usap sa kahit na sino.

Lumipas ang buwan na pag-aaral lang ang inasikaso ko ay hindi pinansin ang iba. Nakakausap ako ng mga kaibigan ko pero tango, ngiti at maiikling salita lang ang naririnig nila sa akin. Hindi namin napag-usapan ang nangyari nang araw na 'yon, pati kung bakit sila nando'n ay hindi ko muna inalam. Naiintindihan nila ang pakikitungo ko sa kanila. Lagi nila akong kinakausap para i-cheer ako, si Jael ay lagi akong iniinis pero hindi ko iyon pinapansin.

School at bahay lang ako sa loob ng tatlong buwan. Sa school ay puro pag-aaral ang iniintindi ko para hindi maisip ang nangyari pero pagkauwi ko ay ro'n na pumapasok ulit sa utak ko. Tuwing gabi ay iyak ang maririnig sa buong kuwarto ko, karamay ang unan ay kumot. Minsan ay nakakatulog na lang ako sa sobrang pagod sa kaka-isip at kaka-iyak.

Nasa kuwarto ako ngayon, walang pasok dahil Linggo. Kapag ganitong walang pasok ay lalabas lang ako para kumain at kapag may kailangan sila Mama, pero kapag wala ay nakakulong na lang ako sa kuwarto. Inikot ko ang paningin ko sa buong kuwarto at ang nakikita ko lang ay mga drawing ko kung saan ko nilalabas ang lahat.

Blanko kong tinignan ang buong paligid at unti-unti humiga. Nilulukob na naman ang ng malungkutan at bumabalik na naman ang sakit na naramdaman ko nang malaman ko ang lahat. Kasabay ng pagtulo ng mga luha ko ang katok na nanggaling sa labas.

"Wayde." Boses ni Mama ang narinig ko.

Hindi ako tumayo sa pagkakahiga at patuloy lang sa pag-iyak. Ganito palagi kapag nasa bahay ako pero hindi ko sila pinagbubuksan ng pinto dahil alam ko naman ang kailangan nila. Hindi sila namimilit, kapag tinawag nila ako ng isang beses at hindi ako sumagot ay aalis na lang sila.

"Wayde, buksan mo ang pinto." Rinig ko ulit sa boses ni Mama na may lungkot na sa boses. "Wayde, please." Dagdag nito.

Wala akong magawa kaya tumayo ako, pinunasan ang mga luhang nasa pisngi ko at sinuklay ang buhok gamit ang mga kamay ko. Unang beses nila itong mamilit.

"Bakit po?" Tanong ko pagkabukas ko ng pinto. Kita ko si Mama na nakatayo sa aking harap at si Papa naman ay nasa kan'yang tabi.

"Gusto ka naming makausap, Wayde," sabi ni Mama. Tumabi naman ako sa isang gilid para papasukin sila at naglakad nga sila papasok, umupo sila sa aking kama ng magkatabi kaya tumabi ako kay Mama na may mas malaking puwesto.

"Tungkol po saan?" Tanong ko ng makaupo ako.

Hinawakan ni Mama ang kamay ko at tinignan ako ng malungkot.

"Matagal ka na naming gustong makausap, Wayde. Simula no'ng umuwi kang maga ang mga mata, yung mga gabing naririnig ka naming umiiyak." Nabasag ang boses ni Mama at parang hindi na alam kung itutuloy pa ang sasabihin. Umawang naman ng saglit ang aking labi bago tumulo ang aking mga luha. Nakita ko rin na bumagsak ang mga butil ng luha sa mata ni Mama.

"Gusto ka namin malaman kung ayos ka lang, Wayde. Pero hindi namin magawa, dahil tingin namin ay isa kami ng Papa mo ng may dahilan kung bakit ka nagkaganoon." Lumuluhang sabi ni Mama at mahigpit na hinawakan ang aking kamay.  Mas lalo naman akong napahikbi sa sinasabi ni Mama.

"Ma..." Tanging nasambit ko at tinignan siya.

"Anak, pasensya na sa ginawa namin noon ng Mama mo. Hindi namin alam na ganito ang makiking epekto sa 'yo. Mahal na mahal ka namin at ayaw naming makita kang ganito." Madamdaming sabi ni Papa at tumayo sa gilid ko. Hinawakan niya ako sa aking balikat, yumuko siya at bigla akong niyakap.

Umiiyak si Mama at si Papa naman ay namumula ang mata pero pinipilit niyang hindi umiyak. Yumakap din sa amin si Mama na nagpagaan pa lalo ng pakiramdam ko.

Nitong mga nakaraan ay ramdam ko ang bigat ng mga dala ko, ramdam ko na parang may nakadagan sa aking mabigat na bagay, pero ngayon ay unti-unti 'yon nababawasan.

"Hindi ko sinasadyang magalit sa 'yo, Anak. Pero intindihin mo ako. Ang gusto ko lang ay ang nasa tama ka. Pero kung diyan ka talaga magiging masaya, sususportahan ka namin ng Papa mo. Susuportahan ka namin kung saan ka magiging masaya. Nandito kami parati at hindi na kami magiging hadlang sa kasiyahan mo." Bulong ni Mama bago umalis sa pagkakayakap sa akin at gano'n din amg ginawa sa akin ni Papa.

Umiling naman ako sa kanila malungkot na ngumiti. "Wala na po kami ni Aaron. Kung dati ay sinasabi ko sa inyong wala na kami kahit mayro'n pa. Ngayon ay wala na po talaga. Wala na kami." Ulit ko pa at nakaramdam na naman ako ng kirot na nawala rin agad dahil sa pagyakap sa akin ni Mama ng mahigpit.

"Kaya ka ba nagkaganyan, Wayde? Anong dahilan? Dahil ba sa amin? Pasensya na, Anak." Umiling ulit ako sa mga sinabi ni Mama.

"Ma, hindi po dahil sa inyo. Nawala lang talaga ang pagmamahal, nakahanap siya ng iba na kaya siyang ipagmalaki, gaya ng gusto niya."

"Pasensya na, isa kami sa naging hadlang kaya hindi mo siya maipagmalaki." Haplos ni Papa sa aking buhok habang sinasabi 'yon.

"Ayos lang po. Wala na rin naman tayong magagawa, Pa, Ma. May girlfriend na po siya ngayon, na ipinagmamalaki siya. Buntis na rin po ang girlfriend niya." Hirap kong sabi dahil parang may bumara sa aking lalamunan. Ramdam ko ang pagkagulat ni Mama na nakayakap sa akin, lumayo siya sa akin at tinignan ako ng gulat at malungkot na mukha.

"Wayde," nasambit na lang ni Mama kaya naman ngumiti ako ng pilit.

"Magiging maayos rin po ako." Pinunasan ko ang mga luha na nasa aking pisngi. Ilang saglit lang din ay huminto na rin ito sa pagtulo.

"Magiging maayos ka rin at nandito kami para makatulong sa 'yo para maging maayos ka. Anak, makakahanap ka rin ng mas mamahalin ka at hindi ka lolokohin. Darating din ang para sa 'yo at kahit sino pa amg dumating ay susuportahan ka namin. Hindi na kami hahadlang, Anak. Hindi na namin uulitin ang pagkakamaling ginawa namin sa 'yo noon. Tinatanggap ka na namin kung ano ka, Wayde. Mahal na mahal ka namin ng Mama mo." Huling sinabi ni Papa na sobrang nagpagaan ng loob ko.

Simula no'ng kinausap ako nila Mama at Papa ay medyo gumagaan ang pakiramdam ko. Unti-unting nawawala ang sakit at bigat. Hindi na rin ako gaanong umiiyak dahil nililibang ako nila Mama. Sa araw-araw naming magkakasama ay pinapakita nilang sinusuportahan talaga nila ako. Katulad ngayon.

"Wayde, alam mo ba yung katrabaho ko ay parehas mo rin na nagka-boyfriend. Guwapo 'yon. Gusto mo bang ireto na kita, Anak." Magiliw na sabi ni Papa at inakbayan pa ako. Nakaupo ako ngayon sa sofa at tumabi na lang bigla sa akin si Papa pagkauwi niya galing trabaho.

"Pa, naman." Reklamo ko at tumawa. Alam niya kasing hindi ko pa masyadong nakakalimutan si Aaron. Pero lagi siyang ganito, kapag may nakilala ay irereto agad sa akin.

"Hay naku, 'Nak. Biro lang. Pero kapag gusto mo naman, puwede talaga." Hirit pa nito na ikina-iling ko na lang.

Pati ang mga kaibigan ko ay napapakitunguhan ko na ng maayos. Pinapayagan na rin kasi ako nila Papa na lumabas kasama ang mga kaibigan ko. Pinapayagan naman ako dati pero hindi katulad ngayon na puwede akong gabihin kapag nasa lakad.

"Masaya kami para sa 'yo, Wayde. Tinanggap ka na nila Tita at Tito at nakikita naming unti-unti ka ng bumabalik sa dati." Biglang sabi ni Erika na sinang-ayunan ng iba.

Nandito kami sa isang bar, na minsan na ring napuntahan nila Vance at April. Nagyaya sila kanina kaya naman sumama ako, pinayagan rin naman akong gumimik ng ganito. Kompleto kami ngayon. Sa ganitong lakad ay minsan lang kaming makompleto pero dahil kilala na kami ng magulang ng bawat isa, pinagkakatiwalaan na kami kaya napapayagan na kaming lahat hindi katulad dati.

"Masaya rin ako, dahil natanggap na nila ako. Masaya rin akong nandiyan kayo parati sa akin at hindi kayo nagsawang intindihin ako. Masaya ako kasi nakilala ko kayo sa college journey ko na akala ko ay hindi ako makakatagpo ng ganitong samahan. Sinasabi ng marami na madalang kang makakita ng totoo at sasamahan ka hanggang sa huli na mga kaibigan pero nagkamali 'yon, dahil nakilala ko kayo at alam ko na itong samahan natin ay hanggang dulo na kahit mag-asawa na at magkaroon ng anak ay buo pa rin. Kayo the best na nangyari sa akin simula ng sinimulan ko ang aking college life." Mabaha kong sabi at ikinatibok ng puso ko ng malakas dahil sa tuwa na nararamdaman ko ngayon.

"Lasing ka na yata, Wayde e." Asar sa akin ni April.

Umiling naman ako at kumuha ng inumin, gano'n din ang ginawal nila at sabay-sabay namin iyon itinaas.

"Cheers." Sabay-sabay naming sabi.

"Mahal ko kayo, gold squad."

"Mahal ko kayo mga dear."

"Walang iwanan, hanggang dulo na 'to."

Komento ng bawat isa at ininom ang mga hawak namin.

Nakikita ko si Aaron minsan sa university, kasama ang mga kaibigan niya pero hindi ko lang ito pinapansin. May kirot pero nakakaya ko na. Hindi katulad no'ng una, na kada nakikita ko siya ay patak ng luha ang nararamdan kong dumadaloy sa aking pisngi. Minsan niya na akong sinubukang lapitan pero nandiyan ang mga kaibigan ko na humaharang para hindi niya ako malapitan. Kapag nasa university ako ay hindi na ako nakikitang mag-isa dahil lagi na nila akong sinasamahan. Kapag naman pauwi ako ay Vance at Jael ang lagi kong kasabay.

Sinubukan din akong kausapin ni Vin. Nakalapit ito sa akin pero hindi siya pinayagan ng mga kaibigan ko na banggitin ang pangalan ni Aaron habang kausap ako.

Ang mga magulang naman ni Aaron ay sinubukan akong kausapin para manghingi ng pasensya sa ginawa ng anak nila. Mabait ito sa akin kaya naman mabait ko rin silang pinakitunguhan no'ng nakipag-usap sila.

"Sana mapatawad mo ang anak namin, Wayde. Pasensya na sa ginawa niya. Alam mong gusto ka namin para kay Aaron, pero wala kaming magawa kung naging ganito siya. Hindi naman namin siya mapipilit kung sino ang mamahalin niya hanggang dulo. We're really sorry, Wayde."

Ito ang natatandaan ko sa lahat ng sinabi ni Tita. Pagkatapos ng pag-uusap na 'yon ay hindi na nangulit si Aaron at Vin para kausapin ako. Siguro ay kinausap na sila ni Tita na huwag na akong guluhin.

At dahil sikat din si Aaron ay naging usapan ang pagbubuntis ni Farina. May ibang taong sinasabihan ng kung ano-ano si Farina. Malandi, makati at kung ano-ano pa. Nang naging halata na ang tiyan ni Farina ay tumigil ito sa pag-aaral at si Aaron na lang ang nagpatuloy.

Nakatapos si Aaron nang taong 'yon. Nabalitaan ko rin na no'ng taong din 'yon ay kinasal sila ni Farina. Tapos na ring manganak no'n si Farina at babae iyon, pinangalanan nilang Demi Arriane.

Mabilis tumakbo ang oras at naka-graduate kami ng sabay-sabay ng gold squad at walang naiwan. Naghati ang desisyon namin pagtapos naming grumaduate. Mayroong magte-take ng exam para magka-lisensya at mayro'n ding magpapahinga muna at susunod na kukuha.

Tatlong taon ang lumipas nang makakuha kami lahat ng lisensya. Sa iba't-ibang kompanya nagta-trabaho, pero nagkaka-oras pa rin kaming magkita-kita.

"Wayde!" Malakas na boses ni April ang sumalubong sa akin nang makapasok ang sa restaurant na pagkikitaan naming magkakaibigan. May ibang napatingin sa aming ibang kumakain pero hindi na lang namin iyon pinansin.

Hindi pa kami kompleto kaya naman napagkuwentuhan na lang namin ang mga buhay namin. Ilang buwan din kaming hindi nagkita-kita dahil sa mga busy schedule nito.

"Kumuta kayo? Walang pinagbago, April ah. Lakas pa rin ng bunganga." Pangungunusta ni Jelina.

"Ayos naman. Baka ipadala ako ng Boss ko sa probinsya next week. May titignan daw ro'n," sagot naman ni Erika.

"Kasama mo kaya ako riyan." Sabat naman ni Hannah. Nasa iisang kompanya ang dalawa.

"Yung isa kong hawak na project, hindi pa natatapos. Nagkaproblema kasi sa kontrata kaya hanggang ngayon hindi matapos-tapos." Reklamo naman ni JL. Ang dating working student, ngayon ay Engineer na.

"Matatapos din 'yan. Tiwala lang." Pagpapalakas ni Iyah sa kan'yang loob.

"Kaya nga, kayang-kaya mo 'yan." Segunda ko naman at nginitian pa siya.

"Ikaw, April. Kumusta firm mo? Balita ko rumarami projects ah." Pagtatanong naman ni Garien.

"Ayun, maayos naman. Kapag talaga lumaki yung firm ko, kukunin ko kayong lahat." Tumatawa nitong sabi.

Sa aming lahat ay ito ang nag-risk na magtayo ng firm kahit na kaka-graduate lang namin. Pinigilan naman namin 'to no'ng una na kumuha muna siya ng experience para maging maayos yung firm niya, pero ang sinabi niya lang sa amin ay, "puwede naman akong kumuha ng experience sa sarili kong firm e." Magiliw niya pang sabi. At ngayon nakikita naming nagiging maayos nga ang takbo ng itinayo niya.

"Ikaw, Wayde?" Bigla namang napunta sa akin ang mga mata nila nang magtanong sa akin si Nica.

"Ako? Ayos naman. Sa ngayon, ako na nagpapa-aral kay Wil. Pinatayuan ko rin ng maliit na tindahan si Mama para kapag tumigil sa trabaho si Papa ay may income naman." Nakangiti kong sabi sa kanila.

"Mabuti naman. E, kumusta ang puso?" Singit ni Gen.

"E?" Napakamot naman ako sa aking ulo sa tanong niya.

"E ka riyan. Ano nga? Maayos ka na ba? Sa lahat ng nagka-jowa sa atin no'ng college sa 'yo ang pinakamasakit na nangyari." Seryoso namang ni Dianhel.

"Grabe naman 'tong mga 'to. Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung ayos na ako. Sa tingin ko naman okay na ako, pero masasabi ko lang na okay na ako kapag nakita ko siya at wala na akong maramdaman pa." Seryoso ko ring sabi sa kanila at sabay-sabay naman silang napatango.

Naiba rin naman ang usapan pagkatapos no'n. Kinumusta ang mga love life ng bawat isa at masasabi ko lang na masasaya kami kahit ang iba ang may mga partner na at ang iba ay wala.

"Ang tagal naman ni Jael, siya na lang hinihintay." Reklamo na ni April.

"Kailan ba naging maaga 'yon. Himala na yata talagang maging maaga 'yon," sambit naman ni Vance na kararating lang dahil may dinaanan pa raw siya.

"Ayan na pala e." Bigla namang tinuro ni Hannah ang entrance ng restaurant at nakita nga namin na papasok si Jael, pero hindi ito nag-iisa. Kasama nito si Eubert, Vin at Aaron.

Nang makita ng mga kaibigan ko na kasama ni Jael si Aaron ay bigla silang napatingin sa akin pero masayang ngiti lang ang tinugon ko sa kanila.

Tinignan ko ng mabuti si Aaron, pinakiramdaman ko ang sarili ko, lalo na ang aking puso.

"Tatlong taon kong 'di malaman kung ayos na ba talaga ako. Tatlong taon na puro pagtatanong sa isip ko kung ayos na ba ang puso ko. At masasabi ko ngayon na... Ayos na ako at masaya na. Wala na akong nararamdaman na kahit anong sakit at kirot." Masaya kong bulong at hinawakan ko pa ang aking dibdib.

WAKAS

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro