Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

"BABY, I'm sorry. Wala lang yung halik na 'yon. Lasing lang ako, hindi ko na alam mga ginagawa ko no'n." Pagpapaliwanag ni Aaron.

Pagka-send sa akin ng picture na 'yon ay sinend ko agad 'yon kay Aaron. Hindi siya nag-reply kagabi pero kaninang umaga ay sobrang rami niyang text sa akin at nagpapaliwanag sa nangyari. Nagkita kami ngayon sa medyo tagong kainan dito lang sa lugar namin. Umuwi ito kaninang umaga at nakipagkita sa akin pagkatapos ng tanghalian.

"Sabi mo kaibigan mo lang? Bakit gano'n? Lasing? Hindi alam mga ginagawa? Alam natin pareho na kahit lasing ka alam mo ang nangyayari sa paligid. Aaron, nagtiis ako. Tiniis ko ang panlalamig mo, tiniis ko ang pakikipaglapit sa 'yo ni Ella, tiniis ko ang sumbat at tiniis ko rin na may babae na namang nakikipaglapit sa 'yo. Pero, hindi ko na kaya, kaya kong tiisin lahat dahil mahal kita, pero hindi ito. Masakit, nadudurog akong makita kang may kahalikang iba at babae pa, Aaron." Madamdamin kong sabi na halos ibuhos ko lahat ng sakit na aking nararamdaman.

Magabg mata ako humarap dahil walang tigil ang mga luha ko kagabi, at ngayon ay walang tigil na naman itong pumapatak.

"I'm sorry, baby. Hindi na ito mauulit. Bigyan mo pa ako ng pagkakataon, please. Ayokong mawala ka. Hindi ko kayang wala ka, Wayde." Pagmamakaawa nito habang hawak ang aking kamay.

"Makakaya mo, Aaron. Kaya mo ngang pakitunguhan ako ng malamig sa loob ng maraming buwan, e 'di kaya mo rin kapag nawala ako sa 'yo."

"No, no, please. I love you, baby. Please, isa pang chance hindi ko na sasayangin. Hindi na mauulit. Mahal na mahal kita, Wayde." Ito lang ang sinabi niya sa akin at naging marupok na naman ako sa kan'ya. Binigyan ko na naman siya ng pagkakataon, pagkakataong mahalin ako ulit at bumalik kami sa dati o saktan na naman ako.

"Baby, tara date tayo." Masayang sabi ni Aaron sa kabilang linya. Simula nang bigyan ko siya ng chance ay naging sweet ulit ito.

"Saan? May klase ako mamayang four o'clock e," sabi ko rito. Vacant namin at tatlong oras pa bago ulit kami magkaroon ng klase.

"Do'n lang sa may kanto ng condo ko, baby. Please, sunduin kita?" Malambing na sabi niya na ikinangiti ko.

"Hay naku, ikaw talaga. Hindi na, do'n na tayo magkita. Okay?"

"Sige, baby. I love you. Ingat ka." At mas lalong lumapad ang ngiti ko sa mga labi.

"Ngingiti-ngiti. May jowa ka na ulit?" Biglang tanong ni Erika na nasa tabi ko.

"Jowa ka riyan. Wala 'yon. Aalis pala muna ako, may kikitain lang saglit. Babalik ako bago mag-start klase." Paalam ko sa kanila at hindi na naman sila nagtanong pa at nagpaalam na rin.

Pagpasok ko ay nakita ko agad ito at may pagkain na sa harap niya. Tumayo naman siya para salubungin ako.

"Baby," aniya at hinalikan ako sa aking sintido bago ako makaupo.

"Kanina ka pa ba?" Umiling naman siya sa tanong ko at pinaghanda niya na ako ng pagkain sa aking plato. May brownies, cookies, frappe at tubig sa aming harapan.

"Malapit na anniversary natin, baby. Date tayo?" Naalala ko ngang malapit na nga, may isang buwan na lang at tatlong taon na kami.

"Puwede bang pagkatapos ng klase ko, baby? Hapon?" Sabi ko dahil naalala kong may pasok ako sa umaga no'n.

'Sure, baby. Ikaw ang bahala." Masaya nitong sabi at kumain na. Kung dati ay laging iritado at walang pakialam ang mukha niya, ngayon ay lagi na itong nakangiti. Tama nga ang sinabi niyang nagbabago na siya para maging maayos kami.

Napapadalas ang labas namin ni Aaron. Hindi na naman naghihinala sila Mama dahil alam nilang wala na kami ni Aaron at ang alam nila ay mga kaibigan ko ang mga kasama ko.

"Buti pinayagan ka, baby. Namiss kong lumabas tayo mg ganito," sabi niya habang nakaakbay sa akin. Nasa mall kami ngayon, balak namin magsine at mag-ikot.

"Miss ko rin ang ganito," sabi ko rin pabalik sa kan'ya.

Nag-ikot kami kung saan. Nagkukulitan at nagtatawanan. May mga pagkakataon din na hinahalikan niya ako sa pisngi at ulo, sinasaway ka naman ito dahil maraming tao pero ayaw niya paawat.

"Hayaan mo sila, baby. Pinapakita ko lang naman sa kanilang sa akin ka e." Lagi niyang sagot kapag pinagsasabihan ko siya. Kaya napapa-iling na lang ako.

Papunta kami sa arcade ngayon, gusto niya raw maglaro basketball, kaya naman sumang-ayon na rin ako. Naka-ilang rounds kami sa basketball at nang mapagod ay umupo kami sa upuan dito sa loob ng arcade. Habang nakaupo ay bigla naman siyang tumayo kaya napatayo rin ako.

"Alis na tayo?" Tanong ko.

"Hindi pa. Wait, dito ka lang." Nagtataka man pero tumango na rin ako.

Kung kanina ay taka ang nasa mukha ko, ngayon ay pagkagulat naman. Nakita ko siyang pumunta sa mini stage sa may videoke.

"Test mic," sabi nito at gumawa naman ang mic sa kan'yang harap. "Hindi talaga ako magaling kumanta pero gusto kong kantahan ka." Nakatingin niyang sabi sa akin kaya medyo nahiya ako dahil may napatingin sa kan'ya at lumipat ang tingin sa akin. "Sorry sa lahat ng ginawa ko and promise ko sa 'yo na babawi ako. Thank you, baby. I love you." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay biglang tumugtog ang pamilyar na kanta.

"Looks like we made it, look how far we've come my baby. We mighta took the long way, we knwe we'd get there someday." Madamdamin niyang kanta. Ang kaninang sinasabi niyang hindi siya magaling kumanta ay mali, dahil sobrang ganda ng kan'yang boses, kahit no'n naman ay maganda ang boses niya. Naalala ko no'ng araw na sinagot ko siya, kumanta rin siya no'n at parehas lang ngayon sobrang ganda.

Nakangiti siya sa akin kaya ngumiti na rin ako sa kan'ya.

"They said, I bet they'll never make it, but just look at us holding on. We're still together, still going strong." Kanta niya pa at nang mag-chorus ay sinabayan ko siya.

"You're still the one I run to. The one that I belong to. You're still the one I want for life. You're still the one that I love. The only one I dream of. You're still the one I kiss good night." May luhang pumatak sa aking mata na madali kong pinunasan. Sobrang saya ng aking puso na parang wala ng mapaglagyan.

"I'm so glad we made it. Look how far we've come my baby." Tinapos niya ang kan'yang kanta. May mga pumalakpak at ngayon ko lang napansin na may mga nanunuod sa kan'ya. Bumaba agad siya sa stage at lumapit sa akin. Alam kong may mga matang nakatingin sa amin pero hindi na namin 'yon pinansin.

"I love you, baby. You're still and forever I want for my life." Bulong niya ag hinalikan ako sa aking noo.

Napapikit ako saglit sa ginawa niya. "I love you too." Bulong kong sagot sa kan'ya bago dumilat at tumingin sa paligid.

May mga nakangiti sa amin at meron ding mga taong parang nandidiri, pero hindi ko na lang pinansin at niyaya na lang si Aaron na manuod ng sine.

Nanuod kami ng love story ni Aaron pero hindi ko masyadong maintindihan dahil ginugulo ako ni Aaron. May mga pagkakataong kinikiliti ako, umaakbay tapos hihilahin ako papunta sa kan'ya at minsan pa ay hinahalikan ako. Hindi niya ito ginagawa sa akin dati at ngayon lang, sobrang lumambing talaga siya at masaya ako ro'n.

"Aaron, manuod ka na. Ang kulit mo." Bulong ko sa kan'ya dahil nakapatong sa balikat ko ang ulo niya at pinaglalaruan niya anv mga daliri ko.

"Ayoko, mas gusto kitang lambingin." Bulong din nito ay hinalikan pa ang leeg na ikinataas ng balahibo ko.

"Baliw ka talaga," sambit ko pa.

Natapos ang pinapanuod namin na puro kakulitan ni Aaron ang inintindi ko. Hanggang sa paglabas namin sa cinema ay nakadikit pa rin ito sa akin. Nakahawak sa aking braso at sobrang dikit sa akin.

"Huwag muna tayong umuwi, baby. Mami-miss kita." Biglang sabi nito at napangiti naman ako. Siguro kaya dikit nang dikit ito dahil alam niyang pagkatapos namin manuod ay uuwi na ako. Pinag-usapan na namin ito kanina pero at pumayag naman siya kaso ngayon nagbago yata ang isip.

"Gabi na, Aaron. Papagalitan ako kapag nagtagal pa ako. Huwag kang mag-alala, ang rami pa nating oras sa mga susunod na araw." Nakangiti kong sabi rito at tinignan ko pa ang mukha niya. May dumaang emosyon sa kan'yang mata pero hindi ko na lang pinansin.

"Hay, okay. Ingat ka, baby. Tatawag ako mamaya." At ngumiti na rin ito. Nang nasa sakayan na ako ng jeep ay hinalikan ko muna siya sa kan'yang pisngi. "Salamat sa araw na 'to, baby. I love you." Bulong ko bago sumakay.

Nang wala na akong ginagawa sa bagay ay tumawag nga si Aaron. Nagkuwentuhan kami ng kung ano-ano at kulitan.

"Thank you, baby. I love you. Masaya akong dumating ka sa buhay ko." Huling sabi nito at nagpaalam na dahil matutulog na kami. May pasok pa bukas kaya kailangan matulog ng maaga.

Bago matulog ay naisip ko ang mga nangyayari nitong mga nakaraan. Sobrang saya ng nangyayari, walang lungkot at problema. Wala na ring mapaglagyan ang saya ko dahil sobra-sobra na ang ipinapakita ni Aaron sa akin. Bumabawi siya at tingin ko ay nakabawi na siya.

Dumating ang araw ng anniversary namin ni Wayde. Bumungad sa akin ang mahabang message ni Aaron.

Aaron:

Hi baby! Happy 3rd year anniversary to us my baby Wayde. I hope na mas tumagal pa tayo. I'm sorry sa mga nagawa ko at magagawa ko pa lang. Thank you sa pagtanggap sa akin kahit alam kong sobrang naging gago ako, sobrang nagago kita. Thank you, baby. Sana kapag may nagawa pa akong mali, mapatawad mo pa ako dahil hindi ko kayang mawala ka sa akin dahil mahal na mahal kita, Wayde. I love you. Please, huwag mo akong sukuan. Mahal na mahal kita.

Laman ng mensahe niya na ikinaganda ng aking umaga. Masaya akong umalis ng bahay. Dala ko ang regalo ko kay Wayde. Gumawa ako ng isang box na puno ng chocolates, pictures at letters para sa kan'ya. Masaya akong pumasok sa mga klass ko na ikinata ng mga kaibigan ko.

"Ang saya naman 'te. May bagong jowa 'no?" Intriga ni Hannah ng nakataas pa ang kilay.

"Jowa ka riyan. Hindi 'no." Nakangiti kong sabi.

Kahit anong pangba-badtrip ang ginagawa nila ay hindi nagbabago ang mood ko. Pati si Jael ay inaasar pa ako pero hindi ko siya pinapatulan ay ngumingiti na lang ako sa kan'ya.

"Sus, maniwala kaming wala. Blooming mo kaya." Sabag naman ni April pero nginitian ko lang siya.

Natapos ang mga klase namin na sobrang saya ko pa rin at excited na akong makita si Aaron. Hindi ko siya tinext na papunta na ako sa condo niya. Nakasakay na ako sa tricycle. Nagpaalam kasi agad ako sa mga kaibigan ko na pupuntahan ako, inasar pa nila ako pero hindi ko na lang sila pinansin dahil ang iniisip ko ay makikita ko na si Aaron.

Habang papasok sa building ng condo ay bigla mamang tumunog ang cellphone ko. Ang nakita kong nag-message sa akin ay ang page ng snack store na lagi kong pinupuntahan. Picture ang sinend nito at dahil data lang ang gamit ko ay pagpindot ko nag-loading pa muna ito.

Muntik na akong mapaupo dahil sa nakita ko. Si Aaron at Farina, magkasama sa store, magkahawak kamay at nakangiti pa sa isa't-isa. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, halo-halo, maraming tanong ang biglang nagsilabasan sa aking utak.

Kailan nangyari 'to? Anong nangyayari? Niloloko ba ako ni Aaron? Paulit-ulit ang mga tanong sa utak ko.

Kahit nanghihina ay pinilit ko pa ring maglakad patungo sa unit ni Aaron. Nagulat ako dahil nakabukas ng kaunti ang pinto. Sumilip muna ako bago sana itulak pero nakita ko si Aaron kasama si Farina. Ang mga damit na suot nila ay 'yon din ang suot nila sa picture.

"Far, bigyan mo pa ako ng oras para sabihin kay Wayde. Lalo na sa pamilya ko." Rinig kong sabi ni Aaron kaya kahit gusto kong magpakita sa kanila ay pinigilan ko ang sarili ko at nakinig na lang sa usapan nila.

Sakit ang nararamdaman ko ngayon. Unti-unting tumutulo ang luha ko.

"Kailan pa ba, Ron? Kung no'ng una ay okay lang sa akin ang ganito, ngayon hindi na. Buntis ako, Aaron. Alam na sa bahay at kailangan mong iharap ang pamilya mo sa amin. Hindi na makakapaghintay ang pamilya ko." Tila ay may sumabog na bomba sa aking sistema dahil sa narinig ko.

Buntis siya? Si Aaron ang ama? Tinakpan ko ang bibig ko ng isa kong kamay dahil may lumalabas na do'n na hikbi.

"Kaunting panahon pa, Far. Hindi ko lang mabitawan ngayon si Wayde." Kita ko ang paghawak ni Aaron sa kamay ni Farina.

"Ron, may tiwala akong mahal mo ako at papanagutan mo ako." At do'n na ako mas lalong naiyak sa narinig ko.

Bumagsak ang dala kong paper bag, napaupo ako sa sahig habang nakatingin sa kanila. Kita ko ang gulat sa mga mata nila nang tignan nila ako. Agad na lumapit sa akin si Aaron, at hahawakan niya sana ako pero itinaboy ko ang kan'yang kamay at tumayo mag-isa habang tuloy-tuloy ang pagbagsak ng aking luha.

"Kailan pa? Kailan pa, Aaron? Kailan mo pa ako niloloko?" Sigaw ko sa kan'ya at pinagpapalo siya sa kan'yabg dibdib. Kita ko si Farina na nakatayo sa may pintuan habang nakatingin sa amin.

"Wayde, please hayaan mo ako magpaliwanag." Pinipigilan niya ang kamay ko sa paghampas sa kan'ya.

"Magpaliwanag?! Alam ko na, Aaron! Narinig ko ang lahat!" Sigaw ko sa kan'ya at ginawaran siya ng isang malakas na sampal.

"I'm sorry." Mahina niyang sabi.

"Paulit-ulit ang sorry mo, Aaron. Kailan pa ba 'yan? Ano 'yon? Nagsasabi ka ng I love you sa akin tapos may iba ka pala? Gago ka!" Sigaw ko pero hindi pa rin siya sumagot. "Kailan pa, Aaron!"

"Matagal na, simula no'ng may nag-send sa 'yo ng picture na naghahalikan kami sa bar. Kami na no'n." Si Farina ang sumagot sa akin. Mas lalo naman akong humagulgol sa nalaman ko.

"Ang tagal na pala, Aaron. Dapat sinabi mo na siya na. Hahayaan naman kita kung saan ka masaya e. Hindi yung ganito. Anniversary pa natin ngayon, ano 'to? Regalo mo sa akin? Ang gandang regalo nito." Nahihirapan kong sabi dahil sa pag-iyak ko.

"Pasensya na, Wayde. Pinilit ko. Pinilit kong bumalik sa dati yung nararamdaman ko, pero wala na. Dumating si Far at naramdaman ko sa kan'ya ang ipinagkakait mo sa aking kalayaan na mahalin ka at ipagmalaki ka. Gusto ko ring ipagmalaki at mahalin ako, Wayde. Pero sa relasyon nating 'to. Hindi, hindi mo mabibigay 'yon. I'm sorry. Hindi ko naman 'to sinasadya." Sumbat niya sa akin at mahahalata mo ang lungkot sa kan'yang boses.

"Sorry sa mga kakulangan ko, Aaron. Perp dapat sinabi mo na agad 'to. Hindi yung nagtitiis ka na lang pala sa akin. I'm sorry, kasi hindi ko magawa e. Mahina ako, takot ako. Pero alam mong mahal na mahal kita, Aaron. Ikaw ang una at akala ko ikaw na ang huli, pero nagkamali ako kasi sa ganitong pag-iibigan talo tayo, talo ako kasi mas gugustuhin mo talagang maghanap ng kapalit na kaya kang ipagmalaki. Sorry, pinapalaya na kita. Thank you for everything, Baby. I hope you'll be happy forever. Aaron, I love you. Good bye." Umiiyak, nahihirapan at nanghihina kong sabi. Hindi ko alam kung ano ang susunod kong gagawin.

Tumalikod ako sa kanilang dalawa. Unti-unti kong inihakbang ang mga paa ko palayo sa kanila. Bawat hakbang parang mas lalong dinudurog ang puso ko, dahil ang taong sobrang minahal mo ay ipinaubaya mo sa iba.

Umiiyak akong nakalabas sa condo, umiiyak akong dumating sa store. Kaunti lang ang tao at pagbukas ko ng pinto ay may napatingin sa akin dahil sa itsura ko, mga luha na tuloy-tuloy bumabagsak, paglakad na sobfang bagal na aakalaim mong zombie. Umupo ako sa dati kong inuupuan.

Hikbi lang ang ginagawa ko. Alam kong may mga nakatingin sa aking mga tao pero hindi ko iyon pinansin.

Hindi ko na kaya. Bulong ng aking utak. Napapikit ako at habang nakatakip ang aking dalawang kamay sa aking mukha at patuloy na humihikbi.

Nagulat na lang ako ng may yumakap sa akin, hindi lang iyon iisa dahil ramdam ko ang maraming kamay na nakakapit sa akin. Pagdilat ko ay nakita ko ang mga kaibigan ko. Kompleto, walang kulang. Ang iba ay naiiyak pero ang iba ay ngumingiti ng pilit.

"Iiyak mo lang, Wayde. Nandito lang kami para sa 'yo." Bulong iyon ni Jelina na mas lalong nagpahikbi sa akin.

"Mahal ka namin, Wayde." Narinig ko pang sabi nila.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro