Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

NATAPOS ang sem na cold sa akin si Aaron. No'ng summer vacation din ay dalawang beses lang kami nagkita. Hindi kami nagkikita dahil umuwi siya sa probinsya nila at ako naman ay may summer job na nakuha. Walang araw na hindi kami nagkaka-usap, kung hindi tawag ay text pero mahahalata mo pa rin ang malamig na pakikitungo niya sa akin. Hindi ako nagtanong kung maayos pa ba kami, dahil natatakot ako na baka kung ano ang isagit niya kaya nakukuntento na lang ako sa pag-uusap namin.

Mabilis lumipas ang summer vacation at pasukan na naman. Excited ako ngayong year dahil madalas ko na naman makita si Aaron, at graduating na rin ito.

Araw ng unang pasukan. Napag-usapan namin ng mga kaibigan ko na pumasok sa first day at sa susunod hindi na dahil two weeks naman ang adjusting period at dahil apat na taon na kami sa university, sanay na kami na walang pumapasok na prof kapag adjusting period. Papasok kami ngayon para magkumustahan at makapag-usap usap na rin. Sabi rin ni Aaron ay papasok siya ngayon para makita mga kaklase niya kaya baka magkita kami mamaya.

"Wayde! May chika ako." Salubong sa akin ni April pagkarating ko pa lang.

Taka namang tumingin ang iba naming kaibigan sa kan'ya pati ako. Umupo na lang muna ako bago siya sagutin.

"Ano naman 'yon 'te? Ang aga-aga namang tsimis 'yan." Taray ko sa kan'ya.

"Oo nga, Pril. Ano na naman sasabihin mo? Wala ka ngang kinikuwento kanina sa amin tapos pagdating ni Wayde, meron na," sabi rin ni Jojoy.

"Ito na nga. Dumaan kayo sa kubo kanina?" Tanong niya.

"Sa ibang way kami dumaan," sagot ni Erika, turo kila Jojoy at Vance.

"Ako rin, nag-cr kasi ako bago pumunta rito," sagot ko naman.

"Ako dumaan, pero wala namang kakaiba? Si Aaron at mga kaibigan lang niya nando'n." Si Nica naman ang sumagot.

"Ayun nga, tungkol kay Aaron sasabihin ko." Nakangiti pang sabi ni April.

"Jusko, Pril. Hiwalay na naman sila Wayde at Aaron, matagal na. Para saan pa 'yan?" Reklamo ni Erika.

"Kasi 'di ba no'ng nag-break ang dalawa wala pa naman tayong nababalitaan na nagiging malapit ay Aaron, bukod kay Ella na hindi naman pinapatulan ni Aaron." Simula ni April sa kan'yang sasabihin. Kung kanina ay hindi ako interesado ay biglang nagkaroon. Pati ang mga kaibigan ko na kanina ay parang nagtataka pa ay tumango-tango na ngayon.

"Kanina may bagong mukha akong nakita na kasama nila. Katabi pa nga ni Aaron, tapos nagtatawanan pa sila. At sa narinig ko transferee raw." Napataas naman ako ng kilay sa sinabi nito.

"Anong transferee? Bawal kaya 'yon. Lalo na't fourth year na." Naunahan ako ni Vance sa sasabihin ko rin sana.

"May backer daw," simple nitong sagot.

"Kaya pala," sabi naman ni Erika.

"Ang daya naman no'n." Reklamo ni Nica.

"Ayun nga e. So... 'Yung sinasabi ko nga, baka siya na maging jowa nitong ni Aaron kasi, grabe first day pa lang gano'n na kalapit." Napasimangot naman ako sa sinabi ni April.

"Hay naku, hayaan mo na 'yon, April. For sure naman naka-move on na 'tong Wayde natin," sabi ni Jojoy na nakatingin sa akin. Napilitan naman akong tumango at ngumiti ng kaunti.

"Oo naman mga 'te. Hayaan na lang," sabi ko kahit na medyo nasaktan ako sa sinabi ni April.

"Wayde!" Bigla naman kaming napatingin kay Jael lahat ng malakas niya akong tawagin.

"Ano?" Taka kong tanong.

"May jowa na ba si Aaron? May nakita akong babae na kasama, e," sabi nito habang papalapit sa amin. Nagtawanan naman ang mga kaibigan namin.

"Alam na namin 'te. Ayan nga pinagkukuwentuhan namin kanina." Tumatawang sabi ni Erika.

"Weh? Alam niyo bang classmate nila Aaron 'yon? At 'wag kayo, maganda mga 'te," sabi niya at umupo sa harap ko.

"Ang narinig lang namin transferee, hindi namin alam na classmates pala," ani Nica.

"Ayan alam niyo na mga 'te. Candidate yata na maging soon to be jowa 'yon ni Aaron e," sabi pa niya.

"Hayaan mo na lang, Barni... Saan na ba yung iba? Saan tayo pupunta ngayon?" Pag-iiba ni Vance. At nag-iba na nga kami ng pag-uusapan, pero hindi mawala sa aking isipan ang sinabi nang dalawa.

Isang oras dumaan bago kami naging kompleto. Nag-usap kung saan kami pupunta at nang nakapagdesisyon na ay nag-umpisa na kaming maglakad sa pupuntahan. Naisip na lang namin na tumambay sa pinagtatambayan namin lagi at ang iba ay hindi puwedeng magtagal dahil bibili pa ng mga school supplies. Sa may kubo kami dumaan at nakita ko nga si Aaron na masayang nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan niya habang may katabing magandang babae.

"Ikaw, Aaron ah. Ako matagal ng kasama mo hindi pinansin feelings tapos si Farina bago pa lang dito close agad." Nagtatampo pa ang boses ni Ella at nagsimulan ang kantyawan sa loob ng kubo. Napahinto ako no'n pero may naramdaman akong kamay na humila sa akin.

"Tara na, Wayde," ani Jojoy at inilayo na ako ro'n.

Sa amin magkakaibigan si Jelina ang pinakamalakas ang pakiramdam at nakakapansin kahit sa maliit na bagay, kaya hindi ko alam kung may napapansin ba ito sa akin.

Tumambay at kumain kami. Nang matapos ang tanghalian ay nagsi-uwian na rin ang iba, dahil may mga gagawin pa raw ito. Nagpaiwan naman ako, kasama ko pa si Jelina, vance at April. Mamaya pa raw sila uuwi at si April naman ay naka-dorm naman.

"Bakit hindi ka pa umuwi, Wayde? Pinapayagan ka na nila Tita?" Tanong ni April. Nakilala na kasi nila ito. No'ng second year kasi kami ay napag-usapan naming pumunta sa bahay ng bawat isa.

"May gagawin pa kasi ako e." Palusot ko at tumango naman siya. Hindi na naman nasundan ang pagtatanong niya at nagkuwentuhan na lang kami. Pasimpeng tinext ko naman si Aaron tungkol sa pagkikita namin.

Ako:

Saan tayo magkikita? Hihintayin na lanb kita sa may kanto ng condo mo.

Text ko rito. May snack store kasi ro'n. Hindi naman ito nag-reply kaya nakipag-usap na ako kila Vance. Hanggang sa magsi-uwi na nga sila.

"Ano, Wayde? Hindi ka pa uuwi? Una na ako ha? Aayusin ko pa mga gamit ko sa dorm. Kanina ko lang kasi dinala mga gamit ko." Paalam ni April. Ito ang huling nagpaalam sa akin. Nang makaalis siya ay pumunta na rin ako sa pagkikitaan namin ni Aaron.

Ako:

Nandito na ako, baby. Text ka kung papunta ka na. I love you.

Text ko at nilagay ang cellphone sa mesa. Um-order naman ako ng frappe, para hindi naman nakakahiya sa store.

Dumaan ang thirty-minutes ng walang reply si Aaron.

Ako:

Baby? Nasaan ka na?

Wala itong reply. Umabot na ako ng isang oras, pero wala pa rin. Sinubukan ko rin itong tawagan pero hindi sumasagot. Nagsimula na akong kabahan, na hindi ko malaman ang dahilan.

Ako:

Baby? Saan ka na? Tinatawagan kita hindi ka sumasagot?

Nasa condo ka ba?

Baby?

Dalawang oras, dalawang frappe, pero walang dumating. Lumipas pa ang isang oras at pinagtitinginan na rin ako ng crew ng store dahil nakakatatlong frappe na rin ako.

"Hijo? May hinihintay ka ba?" Hindi na siguro nakatiis ang may-ari ng store kaya lumapit na ito sa akin.

"Opo." Nahirapan pa akong sambitin iyon dahil sa sakit na naramdaman ko.

"Baka hindi na dumating 'yon, Hijo. Kanina ka pa rito. Nakakatatlo ka na rin niyan. Masama ang sobrang matamis sa katawan." Umiling naman ako at yumuko.

"Ayos lang po. Nakakahiya rin pong hindi bumili habang nandito. Mayamaya aalis na rin po ako kapag nag-reply na po yung hinihintay ko." Malungkot kong sabi.

"Okay lang na hindi ka na um-order, Hijo. Okay lang din na maghintay ka rito," sabi pa nito kaya napaangat ako ng tingin at pilit na ngumiti. Ngumiti ako pero naramdaman kong may luhang tumulo sa aking pisngi. Inabutan ako ng panyo no'ng may-ari at kulay pink 'yon. Alam kong hindi ito straight na lalaki dahil sa kilos niya pero nagulat pa rin ako sa pink.

"Salamat po." Nanginginig pa ang boses ko. Tumango naman ito at tinapik pa ang aking balikat bago bumalik sa counter.

Inabot pa ako ng isang oras. Apat na oras na akong naghihintay at padilim na rin. Lumala ang sakit ng aking puso, mas lalong rumami ang tumutulong luha sa aking mga mata. Pinipigilan ko dahil may.mga napapatingin na sa puwesto ko pero hindi talaga ito tumigil.

Ako:

Aaron? Darating ka pa ba?

Nasaan ka na?

Sa pagkakataong ito ay tinago ko na ang cellphone sa aking bulsa, tumayo na rin ako sa aking puwesto dahil nawawalan na ako ng pag-asang dumating siya. Tumingin pa ako sa counter at nakita ko ang may-aring malungkot na nakangiti sa akin.

Nang makalabas ako ay saktong tumunog ang cellphone ko kaya dali-dali ko itong tinignan. Nakita ko ang pangalan ni Aaron kaya binuksan ko agad ito.

Aaron:

I'm sorry, Wayde. Umuwi ka na. Hindi ako makakapunta. Kasama ko ang mga kaibigan ko, iginala kasi namin si Farina bago naming classmate. Magkita na lang tayo sa susunod. Love you.

Nanghina naman ako sa sinabi nito, bigla skong napaupo sa gilid ng store habang tumutulo ang mga luha. Hindi niya ako pinuntahan dahil sa mga kaibigan niya? Bakit niya ako pinaghintay ng ganito katagal? Paulit-ulit na pumapasok sa utak ko.

Dalawang linggo akong hindi pumasok gaya ng napag-usapan naming magkakaibigan dahil nga sa adjusting period. Dalawang linggong hindi gaano nagte-text. Umaga at gabi lang ito nagpaparamdam na ikinasakit lalo ng puso ko. Kung dati na cold siya ay nagte-text ito ng buong araw na maiikli ang mensahe, ngayon ay maikli na nga lang umaga at gabi na lang.

Papasok ako ngayon at sa kubo ako dumaan dahil nakita ko sila Aaron do'n. Pagkaraan ko ay asaran ang narinig ko tungkol kila Aaron at do'n sa Farina.

"Kayo na ba? Dalawang linggo kayong magkasama ah." Asar ng isang kaibigan ni Aaron.

"Kaya nga e, send pa ng send ng picture nilang dalawa. Dalawang linggo pa lang. Bilis ng galaw Aaron." Natatawang sabi pa ng isa at nakita ko si Aaron na tinatawanan lang ang mga kaibigan niya habang nakasandal at nakaakbay sa babae.

Nang makita ko iyon ay binilisan ko na lang ang paglakad ko. Nakita ko ring napatingin sa akin si Aaron pero iniwas ko agad ang tingin ko sa kan'ya. Hindi pa ako nakakalayo ng may umakbay sa akin at nakita kong si Jojoy iyon.

"Ayos lang 'yan. Tara," sabi niya na ikinataka ko. "Kayo pa rin 'di ba?" Ikinagulat ko ang idinagdag niya kaya napatingin ako sa kan'ya.

"Paano?" Ito lang ang nasabi ko.

"Syempre, ako pa ba? Kung nasasaktan ka na. Itigil mo na. Masaya siya sa iba, habang ikaw lumuluha sa isang sulok. Alam kong hindi ko alam ang buong kuwento pero sa nakikita ko, sobrang nahihirapan ka na," sinsero niyang sabi. Tumigil kami at umupo sa isang bench.

"Pasensya na kung hindi ko sinabi sa inyo. Ayoko lang madamay kayo." Malungkot komg sabi, hinawakan niya naman ang kamay ko.

"Ayos lang. Naiintindihan namin. Actually, hindi ako ang nakaalam na kayo. Si Vance talaga... Naalala mo ba yung nag-cr ka no'ng pagtapos nating makita si Aaron na kasama si Ella. Nag-cr din si Vance no'n. Sabi niya pa bakit ang tagal mo kaya ro'n din siya sa cr na pinuntahan mo. Kaso narinig niyang nagtatalo kayo ni Aaron kaya hindi na siya tumuloy pero sapat yung narinig niya para masabing kayo pa. Sa akin niya lang sinabi, 'wag kang mag-alala."

Bigla namang kumirot sa puso ko may kaunti ring luhang tumulo sa aking mga mata.

"Sorry." Naiiyak kong sabi at inalo naman niya ako.

"Ayos lang, Wayde." Mahinahon niyang bulong sa akin.

Pagkatapos ng araw na 'yon ay isa lang ang natanggap kong mensahe galing kay Aaron. Na nagsasabing kaibigan lang daw niya si Farina at 'wag na lang daw ito pansinin.

Kinabukasan ay unang ginawa ko ang pagte-text kay Aaron.

Ako:

Morning, Aaron. Kita naman tayo mamaya. Miss na kita.

Aaron:

Sige. Morning din.

Nabuhayan ako ng loob sa araw na 'yon na magkikita na kami ni Aaron. Ilang linggo rin kaming hindi nagkikita, dahil lagi itong tumatanggi. Magaan ang loob kong pumasok, masaya akong nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan ko hanggang natapos ang paghihintay sa prof na hindi dumating.

"Sige na, ingat kayo ha." At nagpaalamanan na nga kami dahil uuwi na ang iba. Nagpaiwan naman ako at nagpalusot na lang na may pupuntahan. Tumingin naman sa akin si Jelina at Vance, at tinanguan ko lang silang dalawa.

Nandito ulit ako sa store. Kita kong bumati ngumiti sa akin ang may-ari kaya ngumiti rin ako at lumapit na nga sa counter.

"Pupunta na ba ang hinihintay mo no'ng nakaraan?" Magiliw na tanong nito kaya ngumiti ako at tumango.

"Opo," sagot ko rin ng nakangiti. Pagkatapos kong mag-order ay umupo na ako sa lagi kong inuupuan.

Dumating ang frappe ko at nagsimula ng tumagal ang paghihintay ko. Nakaramdam na naman ako ng kirot sa aking puso na baka hindi na maman dumating si Aaron. Pero saktong isang oras akong naghintay ay nakita ko na siyang papasok. Nakita niya agad ako at pumunta papunta sa akin. Ngumiti ako sa kan'ya pero siya naman ay nakasimangot.

"Bakit ngayon ka lang, Aaron?" Tanong ko rito.

"Hinatid ko pa si Farina sa dorm niya." Walang ganang sagot niya na parang wala lang iyon. Kung sa kan'ya ay wala lang, pero para sa akin ay parang biglang nawasak ang puso ko.

"Gano'n ba?" Mahina kong sagot sa kan'ya.

"Ano palang sasabihin mo at nakipagkita ka pa? Busy ako." Masungit niyang sabi na ikinasakit lalo ng dibdib ko.

"Mahal mo pa ba ako?" Hindi ko alam kung saan nanggaling akong mga salitang 'yon at natanong ko na lang bigla. Tinignan naman niya ako ng naiiritang mukha.

"Anong klaseng sagot 'yan, Wayde? Kaya mo ba ako gustong makita para itanong 'yan? Puwede mo namang i-text na lang. Sinasayang mo oras ko!" Galit niyang sagot na ikinayuko ko.

"Pasensya na." Nanginginig pa ang boses ko habang sinasabi 'yon.

"Kung hindi na kita mahal, sana nakipaghiwalay na ako sa 'yo."

"Pero bakit ganyan ka? Galit ka pa rin ba dahil sa setup? Bakit ang cold mo sa akin pero sa iba ang saya mo? Bakit gano'n? Mahal mo pa ba talaga ako o meron ng iba?" Nabasag ang boses ko ng banggitin ko ang huling salita na sinabi ko, tumulo ang luha ko at alam kong alam niya iyon pero hindi niya lang nakikita dahil nakayuko ako.

"Anong gusto mo magmukmok ako? Gawin kong miserable buhay ko? Sa ganito na lang ako sumasaya pipigilan ko pa ba sarili ko?" Inis na inis niyang sabi.

"Pasensya na." Mahina kong sabi.

"Ayan lang ba sasabihin mo? Aalis na ako." Akmang tatayo na siya ng iangat ko ang ulo sa kan'ya at pinigilan siya

"Sandali... May itatanong pa sana ako." Tumutulo pa rin ang mga luha ko habang sinasabi 'yon. Hindi naman siya sumagot at tumingin lang ng blanko sa akin. "Sino si Farina sa buhay mo? Gusto mo ba siya? Bakit lagi kayong magkasama?" Nahihirapan kong tanong sa kan'ya.

"Kaibigan ko lang siya," sambit niya at iniwan akong nasasaktan at umiiyak.

Nagbago na siya, kung dati ay pinaparamdam niya sa akin na mahal na mahal niya ako, ngayon ay wala na iyon. Umiyak na ako sa harapan niya pero wala siyang ginawa kundi ang iwan ako.

Yumuko na lang ako at humikbi pa ng sobra dahil sa sakit ng aking nararamdaman. Habang umiiyak ako ay may naramdaman akong umupo na naman sa harap ko. Nang tignan ko iyon ay 'yung may-ari ito ng store.

"Hijo, hindi mo kailangan magtiis sa ganyan. Kung nasasaktan ka na bakit nagtitiis ka? Tao ka, nasasaktan at nahihirapan. Bakit mo hahayaang masaktan ng paulit-ulit kung kaya mo naman itigil na ito. Huwag mong hayaan na maubos ka dahil mahirap 'yon, mahirap maubos, mahihirapan kang tumayo. Mahal mo siya, pero hindi palaging ipinaglalaban ang mahal, kailangan din natin silang palayain. Sabi niya sa 'yong mahal ka niya pero ipinapakita niya ba? Pasensya na dahil narinig ko kayong nag-uusap kanina. Kung mahal ka niya, dapat ipinapakita niya dahil mabilis banggitin ang mahal kita pero mahirap iyon gawin."

Pinag-isipan ko ang sinabi nang may-ari ng store. Pero kahit naiisip kong bitawan si Aaron, may kakaunting pag-asa na sumasagi sa akin na babalik kami sa dati. Mahal ko siya na kahit anong gawin niya sa akin ay hindi ko kayang iwan siya.

"Vance, tuloy ba tayo mamaya?" Narinig kong tanong ni April kay Vance.

"Oo, tuloy. Nakausap ko na sila Francis. Sabay na tayo mamaya," sagot naman ni Vance.

"Saan naman kayong dalawa pupunta?" Takang tanong ni Nica.

"Gimik," maikling sagot ni April at bumalik sa ginagawa.

Dalawang linggo akong hindi masyadong nagpaparamdam kay Aaron. Nasasaktan ako pero hindi niya yata 'yon napapansin dahil hindi naman ito nagtatanong.

"Walang pasok bukas. Namiss din naming gumimik." Biglang sabi naman ni Vance.

Silang dalawa ni April ang parehas gimik ang nasa isip pero kahit puro gimik ay hindi naman napapabayaan ang pag-aaral. May isa ngang beses mo'ng third year kami na pumasok silang may hangover ni April pero nakasagot naman sila sa quiz.

Gabi na nang makauwi ako. Kumain na kami sa labas ng mga kaibigan ko kaya dumiretsyo ako sa kuwarto ko para makapagpahinga na. Humiga ako pagkatapos kong maglinis ng katawan at binuksan ang group chat namin magkakaibigan.

April:

Nasa bar na kami ni Vance.

Eri:

Ingat kayo.

Ayan lang ang usapan na nakita ko dahil hindi na ako nag-scroll pa. Tumingin muna ako sa iba kong social media at nagbasa-basa nga kaunti. Lumipas ang isang oras ay napagpasyahan ko ng matulog.

Handa na akong matulog ng biglang nag-message sa akin s Vance.

Vance:

Wayde? Gising ka pa?

Ako:

Bakit? Patulog na ako.

Vance:

Hm? May ise-send ako.

Ako:

Send mo na, istorbo ka.

Vance:

I'm sorry. Hindi ko dapat sasabihin to e, kaso ayaw kong magmukha kang tanga.

Nagtataka ako sa sinasabi ni Vance. Hindi ako nag-reply at mayamaya lang ay may sinend itong picture. Nang pinindot ko ito ay bumuhos na lang agad ang luha ko at bigla akong nakaramdam ng pagkabasag sa loob ko.

Madilim ang piture, pero kita ko si Aaron na kahalikan sa labi si Farina.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro