Chapter 12
ILANG buwan namin ginawa ang setup na gusto kong mangyari. Yung pinagkasunduan namin no'ng huli naming pag-uusap tungkol sa mangyayari sa aming dalawa, sa akin kung hindi namin 'to ititigil.
"May plano ako at sana okay lang sa 'yo 'to, Aaron. Naisip ko ito hindi lang para sa akin kundi para sa ating dalawa. Ang naisip ko ay kapag nasa university tayo hindi tayo magpapansinan, kahit sa harap ng mga kaibigan ko. Ipakita mong galit ka sa akin para masabi nilang nakipaghiwalay tayo. Puwede naman tayong mag-usao sa text at call. At kung may oras ako pupunta ako sa condo mo para magkita tayo. Hindi lang talaga tayo puwedeng magkita ng iba. I know na mahirap 'to, baby. Pero kakayanin naman natin ito hindi ba? Mahal na mahal kita kaya naisip at magagawa ko 'to dahil ayaw kong mas malayo sa 'yo." Paliwanag ko sa 'yo ng mga plano ko. Tinitigan niya ako na parang tinitimbang pa ang mga sinasabi ko. Hindi ako mapakali sa aking upuan dahil umabot ng minuto bago ka sumagot.
"Ito lang ba talaga solusyon? Wala na bang iba?" Pagtatanong niya habang nakatingin sa akin ng seryoso.
"Ito lang naiisip kong paraan, Aaron. Sana pumayag ka, please."
Sa ilang minutong pagpilit ko sa kan'ya ay pumayag din ito.
"Kung wala na talagang ibang solusyon. Sige, gawin natin 'to. Malapit na rin naman tayong grumaduate, Wayde. Kapag nangyari 'yon magiging malaya ka na at kaya na nating ipaglaban ang isa't-isa." At mahigpit niya akong niyakap at hinalikan pa ang aking pisngi.
Malapit ng matapos ang sem at mag-fo-fourth year na kami. Palapit nang palapit ang pagtatapos ni Aaron ay mas lalo kaming na-e-excite sa mga mangyayari. Mauuna ng isang taon sa akin si Aaron dahil limang taon ang kurso kong Civil Engineering.
"Grabe, ang raming kailangang gawin. Magtatapos na nga lang pasukan ganito." Reklamo ni April habang nag-re-review sa isa naming subject. Malapit na rin kasi ang finals namin.
Busy na kaming lahat dahil nagsabay-sabay rin ang mga exams. Hindi ko na nga nagagawang kausapin si Aaron dahil sa sobrang busy ng schedule. Minsan ay nagtatampo na ito sa akin dahil wala akong oras para sa kan'ya.
"Jusko, April. Puro reklamo, tapusin mo na 'yan para matapos ka na. Paano pa next month? Hell month 'yon. Baka hindi mo na kayanin." Saway ni Nica kay April na inaayos ang mga papel niya ng computations.
"Puro computations naman kasi, sasabog na utak ko," sabi pa ni April at yumuko na nga sa mesa.
Napailing na lang ang iba naming kaibigan. Isa kaso ito sa mareklamo pagdating sa ganitong bagay. Tamad kasi ito mag-aral. Hindi ko nga alam bakit pumapasa pa ito e.
Nakikinig lang ako sa mga usapan nila habang binabasa ang mensahe ni Aaron. Tadtad na kasi ang cellphone ko ng messages niya.
Aaron:
Baby?
Ginagawa mo, baby?
Wala na akong pasok. Akala ko ba pupunta ka rito sa condo?
Baby?
Hey! Mag-reply ka naman.
Kanina pa ako tumatawag at nagte-text. Busy ka na naman.
Punta ako ngayong university. Nando'n daw mga kaibigan ko. Niyayaya ako.
Dahil sa sobrang busy ko ay may mga oras na nagagalit ito. May schedule kasi ang pagpunta ko sa condo niya pero nitong mga nakaraang linggo hindi na ako nakakapunta dahil sa school works. Akala ko no'ng una ay naiintindihan niya. Pero minsan ay sumasabog na lang ito at nasusumbatan ako.
"Aaron, sorry busy lang ako. Intindihin mo naman. College ka rin naman gaya ko," sabi ko sa kabilang linya. Tumawag kasi si Aaron at buti hindi pa ako nakakapagsimula sa mga gawain ko kaya nasagot ko pa.
"Oo, college ako, Wayde. Pero kaya kong magbigay ng oras sa 'yo. Bakit ikaw hindi mo kaya? Hindi ko maintindihan. Nabibigyan kita ng oras, pero ako kahit kaunti hindi mo mabigyan?" Sumbat niya sa akin at napaiyak na lang ako sinabi niya. "Tapos ngayon iiyak ka? Lagi na lang Wayde. Iiyak ka kapag ganito." Huling niyang sabi bago pinatay ang tawag.
"Hoy, Wayde! Tulala ka na naman." Biglang sabi ni Hannah na katabi ko at kinalabit pa ako nito.
"Ay, ano ba 'yon?" Bigla kong tanong dahil hindi ko alam ang iba nilang sinabi. Nakatingin silang lahat sa akin na parang nagtataka.
"Naku ka! Iniisip mo na naman 'yang ex mo? Jusko. Move on ka na." Pang-aasar ni Erika sa akin.
Alam nilang hiwalay na kami ni Aaron. Wala ni isa sa kaibigan ko ang may alam sa estado namin ngayon. Si Vance na pinagsabihan ko no'ng problema ko no'n ay wala ring alam. Ayokong ipaalam, hindi dahil sa wala akong tiwala pero ayoko lang talaga at walang ibang rason.
"Hindi ko naman iniisip. Bakla ka." Ganti kong asar dito kaya sinamaan niya ako ng tingin. Napatawa naman ang iba naming kaibigan dahil sa sinabi ko.
"Buti naman at hindi mo iniisip. Tignan mo nga, ilang buwan pa lang kayong wala, may kalandian ng bago. Saan ka pa?" Gulat akong napatingin sa kung saan sila nakatingin.
At nakita ko si Aaron kasama ang mga kaibigan niya pero ang ikina-init ng aking ulo ay nakakapit sa kan'ya si Ella at nakaakbay pa siya sa babae.
"Oh, Wayde, chill. Galit na galit ah." At naramdaman ko ang kamay ni Gen sa aking kamay na nakayukom na.
"Hayaan mo na lang 'yan, Wayde. Makakalimutan mo rin siya," sabi naman ni Jojoy na nasa aking harapan.
"CR muna ako." Paalam ko at wala naman na silang magawa kaya tumango na lang.
Dala ang cellphone ko habang papunta sa CR. Natatanaw ko pa rin si Aaron na parang enjoy na enjoy pa sa ginagawa sa kan'ya ni Ella na pagyapos.
Pagkapasok ko sa CR ay tinext ko agad siya.
Ako:
Pumunta sa university para makipaglandian? Wow naman, Aaron!
Kung galit ka sa akin hindi mo kailangan gawin 'yan. Nakakainis ka!
Sinend ko ang dalawang mensaheng 'yon at ilang minuto lang ay nag-reply ito.
Aaron:
Nasaan ka? Akala ko umuwi ka na.
Ako:
Kung nakauwi na pala ako ay makikipaglandian ka diyan! Ang galing. Palakpakan.
Aaron:
Nasaan ka ba? Mag-usap tayo!
Ako:
CR. 2nd floor.
Limang minuto akong naghintay bago ko siya nakitang papasok. Wala masyadong gumagamit ng banyo ngayon dahil wala naman masyadong tao ngayon sa university. Sinarado niya ang pinto pagkatapos.
"Oh, tapos kanang makipaglandian?" Mataray kong tanong sa kan'ya.
"Let me explain," sabi nito at akmang lalapit sa akin pero lumayo ako.
"Jusko naman, Aaron. Galit ka sa akin dahil busy ako sa pag-aaral tapos kapag galit ka sa akin kailangan bang makipaglandian ka? Tangina! Do'n ka pa sa may gusto sa 'yo!" Pilit kong hinihinaan ang boses ko pero lumabas ang sigaw na 'yon.
"Akala ko wala ka na sa university."
"At kung wala na ako sa university talagang lalandi ka?"
"Hindi 'yon gano'n, Wayde." Naiinis na rin ang tono ng boses niya.
"Gano'n 'yon, Aaron! Kung wala ako sa rito ay makakalandi ka at kung nandito ay hindi?" Galit kong sabi sa kan'ya.
"Ano bang dapat kong gawin, Wayde? Ha? Wala ka ng oras sa akin. Tapos ngayon ikaw pa ang galit? Pumayag naman ako sa setup na 'to. Pero bakit gano'n parang ako yung talo?" Galit na rin niyang sabi at hindi ako nakapagsalita ng ilang segundo dahil do'n.
"Pag-usapan na lang natin 'to sa condo mo mamaya. Pupunta ako. Tatapusin ko lang ang ginagawa ko." Mahina kong sabi at lumabas na sa CR.
Nakabalik ako sa puwesto ng wala sa sarili. May nagtanong kung bakit ang tagal ko pero hindi ko na 'yon nasagot.
Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Pumayag siya sa setup pero hindi talaga siya pabor do'n? Nagsasawa na ba siya? Ano na ang mangyayari sa amin? Mga tanong na nasa utak ko ngayon.
Sinimula ko na ang iba kong gagawin. Pero dahil wala talaga ako sa hulog ngayon, nagligpit na lang ako.
"Uuwi ka na, Wayde?" Tanong ni Dianhel.
"Oo, bukas na lang ulit tayo mag-aral. Wala kasi talaga ako sa mood ngayon."
"Oh sige, ingat ka ha," sabi niya pa.
"'Wag mo ng isipin ang nakita natin kanina, Wayde. Magiging maayos ka rin. Ingat ka," sambit naman ni Hannah na malungkot akong tinignan kay pilit ko siyang nginitian at tinanguan.
"Nandito lang kami, Wayde," sabi ni Iyah.
Pagkatapos kong magpaalam ay naglakad na ako palabas ng university. Pagkalabas ko ay sumakay agad ako ng tricycle at nagpahatid sa condo ni Aaron. Medyo kalmado na ako ngayon at tingin ko ay magkakausap na kami ng maayos.
Nang makarating ako ro'n ay nakita ko siyang nakatayo sa harap ng pinto niya. Sabay kaming pumasok at parehas kaming tahimik dalawa. Walang gustong magsimula.
"Aaron,"
"Wayde,"
Sabay naming tawag kaya napatingin kami sa isa't-isa.
"Ikaw na mauna," sabi ko pero umiling ito.
"Ikaw na. Ikaw rin naman ang may pakana nito e." May inis ang kan'yang boses.
"Ako ba? Aaron, ikaw ang nag-umpisa nito. Nagagalit ka kasi wala akong oras sa 'yon! E, kaya lang naman ako walang oras sa 'yo dahil sa pag-aaral ko hindi sa ibang bagay, hindi gaya mo na busy ka kakalandi." Galit kong sabi.
"Lumalandi? Sure na sure ka riyan, 'no? Paano mo nasasabing lumalandi ako?!" Sigaw niyang pagtatanong sa akin.
"Hindi ba paglalandi ang ginawa 'yon? Gawain ba 'yon ng magkaibigan? Jusko may payakap, yapos, akbay pa kayong nalalaman tapos hindi panglalandi 'yon? Ano palang ginagawa niyo? Nag-uusap? Usap lang 'yon? Tangina!" Sumabog na ang galit ko. Unti-unti na ring tumutulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
"Magkaibigan lang kami, Wayde. Ano bang utak 'yan? Tapos ngayon iiyak ka?" Binalibag niya ang mga librong nasa mesa sa sala niya.
"Anong gusto mo? Tumawa?" Sarkastiko kong sagot na ikinagalit niya lalo at sinabutan niya ang kan'yang sarili.
"Oo! Dapat tumawa ka! Dapat matuwa ka. Hindi ba ito naman talaga ang plano mo? Ikaw nang nagplano nito. Na kunwari break. Tapos kapag may kayapusan akong iba nagagalit ka?" Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya.
"Pumayag ka naman sa ganito, e." Mahina kong sabi.
"Pumayag ako, Wayde. Pero hindi ko ito gusto!"
"Hindi mo pala ito gusto pero bakit ka pumayag?"
"Dahil mahal kita, Wayde. Mahal kita na kaya kong pumayag sa lahat ng gusto mo!" Sigaw niyang sabi at umupo sa sofa, halata ang panghihina nito dahil sa pagsigaw niya.
"I'm sorry. Sorry. Pero wala na akong solusyon ng mga oras na 'yon, Aaron..." Nanghihina ko na ring sabi at lumuhod sa kanyang harapan. Hinawakan ko ang kan'yang kamay na nakasabunot sa buhok niya. "Ano bang gusto mo?" Bulong ko.
"Gusto ko rin namang mahalin ka ng hindi patago. Hindi yung ganito, Wayde. Nasasaktan ako sa ganito, kasi boyfriend mo ako pero kung itago mo ako parang wala lang ako sa 'yo." Naiiyak nitong sabi na hindi man lang makatingin sa akin.
"Pasensya na," sabi ko at hinalikan ang kan'yang kamay na hawak ko pero binawi niya 'yon.
"Sorry, Wayde. Hindi ko kaya ang ganito. Mahal kita, pero kailangan ko munang mag-isip."
"Nakikipaghiwalay ka na ba?"
"Hindi, kailangan ko lang ng oras para pag-isipan ang lahat ng ito, Wayde. Pagod na ako, sawa na ako. Hindi ko na kinakaya ang sakit. Kailangan ko ring magpahinga at mag-isip," sabi niya bago tumayo at pumasok sa kuwarto.
Napaupo akong umiiyak sa sahig dahil sa panghihina, sakit at lungkot ng nararamdaman ko.
Hindi ko alam na ganito na ang nararamdaman ni Aaron. Hindi ko alam na sobrang nahihirapan na siya. Hindi ko alam. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit hindi ko 'yon alam, boyfriend niya ako, partner perp bakit hindi ko alam. Ganito na ba ako kawalang kuwenta.
Masakit isipin na ganito na ang pinagdadanan ni Aaron. Masakit dahil wala akong magawa. Masakit dahil mahina ako para ipaglaban siya para maging malaya kaming dalawa.
Umuwi akong mugto ang mata at puro Aaron ang nasa aking utak.
"Anong nangyari sa 'yo, Wayde?" Pagtatanong ni Mama no'ng makita ako.
Nang sinabi ko sa kanilang wala na kami ni Aaron ay bumalik sa dati ang turing nila sa akin. Naging maayos kami sa bahay. Walang usapang Aaron, aalang sigawan at walang sampalan.
"Ayos lang po, Ma. Naaksidente po kasi yung isa kong kaibigan at medyo malala po," Sagot ko.
Hindi ako nagsinungaling tungkol sa pagkakaaksidente ng isa naming kaibigan. Naaksidente si Eubert no'ng nakaraan linggo at malala ito. Ang mali lang sa sinabi ko ay kung sino ang iniyakan ko, hindi ko iniyakan si Eubert dahil si Aaron ang nasa isip ko ngayon.
"Gano'n ba? Sige, magpahinga ka na muna. Tatawagin ka na lang namin kung kakain na," sambit nito at dali-dali na naman akong umakyat.
Pagkaakyat ay walang bihis-bihis na dumapa ako sa higaan ko at do'n ulit umiyak. Walang tigil ang mga luha sa paglabas. At nauubusan na rin ako ng lakas.
Matapos ang araw na 'yon ay naging cold na si Aaron. Mag-te-text na lang ito sa akin kung magtatanong ako sa kan'ya. Lagi ko itong nakikita kasama ang mga kaibigan niya pero kapag tini-text ko na ay biglang sisimangot.
Gusto ko ulit siyang kausapin pero hindi puwede. Dahil hindi kami puwedeng makita na magkasama sa maraming tao. Wala rin akong oras para pumunta sa condo niya dahil hindi na kaya ng schedule ko.
Dalawang linggo na ang dumaan pero gano'n pa rin ang pakikitungo ni Aaron. Dalawang linggo na lang din ang pasok namin dahil matatapos na ang klase ngayong taon. Gusto ko siyang makausap bago mawalan ng klase pero hindi ako nakakatyempo.
Naglalakad ako ngayon paakyat sa floor kung saan ang klase namin ngayon. Habang naglalakad ay mary naririnig akong mga bulungan.
"Alam mo ba nakita ko si Ella at Aaron kanina, bagay na bagay talaga sila."
"Bagay talaga, maganda at guwapo."
"Tama! Hindi katulad do'n sa ex ni Aaron na bakla. Jusko, 'day."
"Marinig kayo, ayan oh."
Dinaanan ko lang sila at yumuko na lang. Nakayuko akong naglalakad nang may maramdaman akong umakbay sa akin.
"Hayaan mo 'yung mga 'yon. Ganda mo kaya, girl. Hindi lang maganda, guwapo." Tinignan ko naman ito at nag-wink pa siya.
"Hinahayaan ko naman, Erika. Bahala sila riyan," sabi ko.
"Good 'yan."
Alam ng iba na ex ko na si Aaron. Hindi pala, alam ng lahat na hiwalay na kami. Kaya dapat hayaan ko na lang ang mga 'yon kahit hindi naman talaga kami naghiwalay ni Aaron.
Masakit kapag ganito ang lagi kong naririnig. Pero wala akong magawa e, sa harapan nila wala akong karapatang masaktan at magalit dahil nga hiwalay na kami. Kami lang naman ni Aaron ang nakakaalam sa kung ano kami e.
Simula nang maging cold siya ay usap-usapan na lagi sila ni Ella. Tinatanong ko siya minsan pero ang sagot niya lang lagi na kaibigan niya lang si Ella kaya naman hinahayaan ko na lang.
Nasasaktan ako pero mas mabuting sarilinin ko 'yon. Kahit hindi ko kaya ay dapat kayanin o dahil ito ang gusto ko no'ng una pa lang.
Nakarating kami sa third floor. Umupo kami sa lagi naming inuupuan at nakita ko si Aaron kasama si Ella. Nagtatawanan at nakaakbay pa siya rito. Nakita ako ni Aaron, nginitian ko siya, saglit siyang napahinto pero tinuloy niya rin ang pagtawa at hindi niya man lang inalis ang kan'yang braso sa balikat ni Ella.
Yumuko ako sa mesang nasa harap namin ngayon. Ngumiti ako ng mapakla bago tuluyang lumabas ang luhang gustong lumabas kaninang pagkakita ko pa lang kay Aaron na masaya.
"Masaya kang wala ako. Pasensya ka na kung naging parte pa ako ng buhay mo." Bulong ko habang nakayuko at umiiyak pa rin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro