Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

MAGKIKITA kami ngayon ni Aaron. Nasa isang kainan kami malapit sa university. Kasama namin ang mga kaibigan ko pero nasa ibang table sila na malapit sa amin. Ganito lagi ang setup kapag umaalis kami ni Aaron, kasama sila pero lumalayo sila kapag kailangan na naming mag-usap ni Aaron.

"Baby, okay lang ba talagang nagkikita tayo sa ganitong kataong lugar? Baka may makakita sa atin at baka magsumbong sa Mama mo." Ganito lagi ang linyahan ni Aaron kapag nagkikita kami sa maraming tao.

Kung hindi kasi sa condo niya ay sa ganitong lugar kami pumupunta. Kinakabahan din naman ako sa ganito pero sa isang buwan naming ginagawa 'to ay wala namang nasasabi sila Mama. Minsan nga ay maaga akong pumapasok at minsan ay late ako kung umuwi pero wala silang sinasabi.

"Isang buwan na naman tayong ganito. Wala namang nalalaman sila Mama. Baka ayos lang ganito dahil kasaman naman natin ang mga kaibigan natin," sabi ko rito at nagsimula ng kumain.

Kuwentuhan lang kami kung anong mga nangyari ngayong araw at syempre hindi mawawala ang kulitan. Masaya lamg kaming nagkukuwentuhan ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita kong si Mama ang tumatawag kaya naman nawala ang ngiti ko sa mga labi.

"Baby, sino 'yan?" Takang tanong ni Aaron at pinakita ko naman sa kan'ya ang cellphone ko, kung kanina ay nagtataka siya ngayon naman ay ngumiwi na.

Sinagot ko naman ito sa harap na ni Aaron, hindi na ako nag-abalang tumayo dahil alam na naman ni Aaron.

"Wayde? Saan ka na? Umuwi ka na at pupunta ka pa sa bahay ng Tita mo para ro'n ka matulog." Bungad sa akin ni Mama.

"Sige po, Ma. Pauwi na po. Medyo traffic lang po kasi." Pagdadahilan ko at 'yon lang naman ang pinag-usapan namin bago kami magpaalam sa isa't-isa.

Pagkauwi ay nakita ko si Mama sa kusina. Nag-aayos ito, lalapit na sana ako para magmano pero hindi niya inabot sa akin ang kamay niya at sumenyas nalang na umalis. Kaya naman wala akong magawa at umakyat na lang para makapag-ayos na rin.

Nang makapag-ayos na ako ay bumaba na agad ako. Kita ko si Wil na kakauwi lang siguro ay galing sa pagba-basketball dahil pawisan pa ito habang naka-jersey.

"Kuya, sana ka pupunta?" Pagtatanong nito nang makita niya ang ayos ko.

"Kila Tita, do'n ako matutulog," sagot ko sa kan'ya.

"Sige po," sambit niya at umakyat na rin para makapagbihis na rin.

"Wayde, halika rito!" Medyo mataas nag boses na sabi ni Mama kaya naman bigla akong kinabahan. "Ano na naman 'tong ginawa mo?" Galit na parang naiiyak niyang tanong.

"M-Ma? Ano po ba ang sinasabi niyo?" Pagtatanong ko dahil hindi ko alam kung anong ginawa ko.

"Hindi ba ang sinabi ko ay layuan mo ang lalaking 'yon! Bakit lagi na naman kayong magkasama? Hindi ka ba talaga titigil o gusto mo munang huwag na kitang pag-aralin para magtanda ka! Gusto mo 'yon?" Halos mabingi ako sa sigaw ni Mama at lumakas ang tibil ng puso ko.

"M-Ma, paan—," naputol naman ang sasabihin ko ng binagsak niya sa mesa ang cellphone niya at kinuha ko naman agad ito.

Una kong nakita ang picture namin ni Aaron last week habang kumakain sa labas. Marami pang larawan ang nando'n, iba-iba. May masaya kaming parehas, nakasimangot at mayro'n ding nakaakbay. Lahat ng iyon ay ngayong buwan lang nangyari.

Ano ba ang nangyayari? Tanong ko sa aking sarili dahil hindi ko na alam ang nangyayari. Hindi ko alam kung saan galing ang mga picture na 'yon.

"'Wag kanang magmaang-maangan diyan na akala mo ay wala ka talagang alam. Ano ba, Wayde! Hindi ka ba talaga makikinig sa akin. Hiwalayan mo 'yan bago ako magsawang magsabi sa 'yo at gumawa na lang agad ako ng paraan." Pinal na aniya bago umalis sa aking harapan.

Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko. Hindi ako makakilos dahil sa mga sinabi ni Mama. Hindi ko alam kung anong susunod kong gagawin. Hindi ko alam at sobrang naguguluhan ako.

Dumating ako sa bahay nila Tita ng sobrang maga ang aking mata. Medyo wala sa sarili kaya nag-alala agad ito sa akin.

"Wayde, anong nangyari sa 'yo?" Nag-aalala ang tinig mg boses ni Tita.

"Tita... Si Mama, gusto niya talaga kaming maghiwalay ni Aaron." Panimula ko at sumenyas naman ito na ituloy ko. "Hindi ko 'yon kaya, Tita. Mahal na mahal ko po si Aaron."

"Kailangan niyo munang lumayo sa isa't-isa. Sa ngayon ay wala kang magagawa dahil nag-aaral ka pa at nasa puder ka pa ng mga magulang mo. Hindi ko sinasabing hiwalayan mo siya ang sinasabi ko lang ay layuan mo muna siya."

"Pero Tita, hindi ko po kaya 'yon."

"Ang kailangan niyo lang gawin ay limitahan ang pagkikita niyo. Kung magkikita man kayo, ay siguro sa lugar na hindi makikita ng kung sino." Mahinahon nitong sabi at pinagpahinga na rin niya ako.

Madaling araw ang alis ni Tita mamaya kaya dito niya niya ako pinatulog. ang nakuha kasing Yaya ng pinsan ko ay umuuwi kapag hapon at alas-syete pumupunta rito kaya habang walang ito ay ako muna ang makakasama ni Leon. Hapon na rin naman ang pasok ko bukas dahil isang subject lang ang mayro'n kami.

Kinabukasan ay nag-stay pa ako sa bahay nila Tita hanggang tanghali bago umuwi. Mas lumamig ang tungo sa akin ni Mama. Kaya naman dumiretso na lang ako sa taas para makapag-ayos na at pumasok na lang.

Pagdating ko sa university ay maaga pa. Isang oras ang aga ko mabuti na lang at nandito na si Vance, dahil malayo ang bahay nito, maaga ito pumapasok para hindi ma-late.

"Ang aga mo, Wayde," sabi niya nang makita niya akong papalapit sa kan'ya.

"Wala na rin kasi akong ginagawa sa bahay e." Matamlay kong sabi.

"Anong nangyari sa 'yo? May problema ba? Ang tamlay mo." Sunod-sunod niyang tanong nang mapansin niyang matamlay ako.

"May nangyari kasi sa bahay e," sabi ko.

"Bakit? Dahil na naman sa inyo ni Aaron?"

"Malamang, ano pa ba ang magiging problema? Nalaman ni Mama na nagkikita kami ni Aaron. May mga pictures siyang pinapakita sa akin at lahat 'yon ay nangyari ngayong buwan lang. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Maghiwalay raw kami ni Aaron o papatigilin ako mag-aral." Malungkot kong sabi at sumimangot din ito dahil sa sinabi sa akin.

"Grabe naman 'yan, Wayde. Ang hirap. Pero kung ako ay susundin ko na lang muna ang gusto ng magulang ko. Para sa 'yo rin naman 'yan, Wayde. 'Pag okay na ang lahat, puwede naman kayong magbalikan ni Aaron," sambit niya.

"Ayokong maghiwalay kay Aaron. Kung kaya naman naming itago ng maigi gagawin namin. Kung kaya naman naming hindi magkita, magiging ayos din. Sa ngayon wala sa choice ko ang hiwalayan si Aaron. Hindi ko kaya," sabi ko at hindi naman agad siya nakapagsalita.

"Mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo ah." Biglang sumulpot Jojoy kasama ang iba naming kaibigan.

"Seryoso ka riyan. Wala nga kaming pinag-usapan e, hehehe." Pilit kong sabi ng nakangiti.

Ayoko muna kasi sabihin sa kanila ang mga nangyayari sa akin. Okay ng may isa akong pinagsabihan. Tumingin naman ako kay Vance at naintindihin niya naman agad ang gusto kong sabihin kaya naman hindi na rin ito umimik.

"Akala ko naman kung anong nangyari." Ayun na lang ang sinabi ni Jojoy at umupo na rin.

Hindi na naman ulit kami nag-usap ni Vance at nakipagkuwentuhan na lang siya sa mga kaibigan namin. Hindi na naman ako nagsalita at nag-isip na lang kung anong gagawin ko para maayos ang problemang 'to.

Dalawang oras lang ay natapos na ang klase kaya naman umuwi na lang agad ako. Nag-text pa sa akin si Aaron na magkita kami pero tinanggihan ko na ito. Sabi ko na lang ay gagawin ako at mag-usap na lang kami mamaya pagkauwi ko.

Medyo traffic kaya medyo late na naman akong nakauwi at kung ano-anong tanong na naman ang tinanong sa akin ni Mama pagkapasok ko pa lang sa bahay.

"Saan ka na naman nanggaling? Nakipagkita ka na naman sa lalaking 'yon?"

"Ma, hindi po. Traffic lang po, kaya late po akong nakauwi."

"At nagpapalusot ka pa talaga! Kapag nakalaman ko talagang nagkita kayo ngayon ay malalagot ka sa akin." Hindi na ako sumagot sa kan'ya at yumuko na lang ako.

"Hayaan mo muna ang anak mo. Maiintindihan niya rin naman ang mga sinasabi natin. Kumain na lang tayo." Singit ni Papa sa usapan namin ni Mama. "Magbihis ka na at kakain na tayo." Alam kong ako ang sinabihan niya no'n kaya naman tumango na ako at umakyat na.

Habang paakyat ay nakasalubong ko naman si Wil na pababa. Kinumusta lang ako nito at bumaba na rin pagkatapos komg sagutin ang tanong niya. Alam ni William ang nangyayari rito sa loob ng bahay kaya lagi niya akong kinukumusta, pero hindi ko naman sinasabi sa kan'yang napagalitan na naman ako. Hindi ako inaamin sa kan'yang hindi ako okay, dahil ayokong madamay siya.

Nang nasa hapag na ako ay nagsalita ulit si Mama ng tungkol sa amin ni Aaron.

"Hiwalayan mo na ang lalaking 'yon." Matigas niyang sabi bago sinimulan ang pagkain.

Tahimik lang naman sila Papa at Wil at kumain na rin. Kumuha na rin naman ako ng pagkain at nagsimula na ring kumain. Walang kumikibo sa hapag, pero si Mama ay laging tumitingin sa akin ng masama.

Matapos kami kumain ay nagligpit na ako ng pinagkainan. Si William naman ay pumunta na sa sala para manuod. Kaming tatlo na lang ang naiwan.

"Wayde, hiwalayan mo na ang lalaking 'yon. Hindi nakakabuti ang ganyan." Mahinahong sabi ni Papa.

Paulit-ulit nilang sinasabi na maghiwalay na kami ni Aaron. Hindi na ako makapag-isip ng maayos dahil boses na lang nila ang naririnig ko.

"Hiwa—," pinutol ko na ang sasabihin ni Mama.

"Oo na, hihiwalayan ko na!" Napasigaw ako dahil sa sobrang inis sa kanila.

"Makikipaghiwalay ka rin naman, pinatagal mo pa ng ganito. Mabuti 'yan." Wala na ang galit sa boses ni Mama pero nando'n pa rin ang inis no'n.

"Pero sa personal ako makikipaghiwalay." Wala naman ng umimik sa kanilang dalawa kaya binilisan ko na ang pag-ayos para makaakyat na ako.

Pagkaakyat ko ay kinuha ko agad ang cellphone ko para matawagan si Aaron. Sinagot niya naman agad ang tawag ko.

"Hello, baby. Kumusta ka? Miss na kita." Bungad nito pagkasagot niya ng tawag. Napangiti naman ako ng wala sa oras. Kung kanina ay binalot ako ng inis ngayon ay nawala 'yon naang marinig ko ang boses ni Aaron.

"Ayos naman ako. Ikaw ba? Miss din kita." Malungkot kong sabi at alam kong narinig niya iyon, dahil napabuntong-hininga siya sa kabilang linya.

"Ayos din naman ako, baby. Mas maayos dahil nakausap na kita ngayon."

"Bolero ka talaga." Biro ko sa kan'ya at natawa maman siya. Marami pa kaming napag-usapan, tawanan at asaran ang ginawa namin, bago ko nasabi kung ano ba talaga ang kailangan ko sa kan'ya.

"Aaron, puwede ka ba bukas?" Kung kanina ay tumatawa pa kami ngayon ay seryoso na akong nakikipag-usap sa kan'ya.

"Wala akong pasok bukas, baby. Kaya nasa condo lang ako bukas maghapon."

"Puwede ba tayong magkita? May sasabihin akong importante."

"Ano 'yon? Masyado bang seryoso na kailangan sa personal mo pa sasabihin?" Halata sa boses niya ang kaba.

"Basta bukas natin pag-usapan. Pupunta na lang ako sa condo mo. May 5 hours break kami bukas. Hindi tayo puwedeng magkita sa kung saan." Rinig kong napabuntong na naman ito kaya napabuntong-hininga na rin ako.

"Hindi ka naman siguro makikipaghiwalay 'di ba? Wayde? 'Di ba?" Paulit-ulit niyang tanong na ikina-iling ko na lang kahit hindi niya nakikita.

"Hindi pumasok sa isip ko makipaghiwalay sa 'yo, baby. Bukas na tayo mag-usap. Bukas sasabihin ko ang lahat sa 'yo. Okay?" Sumang-ayon naman ito at nagpaalam na rin kami sa isa't-isa at baka mapansin pa nila Mama na may kausap ako.

Hindi agad ako nakatulog no'ng gabing 'yon. Iniisip ko ang mangyayari bukas, sa susunod na bukas at sa susunod. Hindi ako mapakali sa pagkakahiga. Miminsna pa ay tumatayo ako at mag-iisip saglit pero nauuwi lang din iyon sa paghiga ulit at pipilit na matulog.

Dahil sa walang ayos na tulog ay pumasok akong maitim ang ilalim ng mga mata. Tinanong pa ng mga kaklase kung anong nangyari sa akin pero wala naman silang nakuhang sagot sa akin pati ang mga kaibigan ko ay walang napala sa akin.

Sa klase ay halos hindi ako nakakinig ng mga lessons dahil sa pag-iisip ng mga sasabihin ko mamaya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Aarona at hindi ko rin alam kung papayag si Aaron sa mga magiging desisyon ko.

"I will give field tasks. By group 'to kaya hindi niyo kailangan mamroblema. Alam kong malapit na ang finals niyo kaya hindi na ako makikisabay sa iba. At pinag-iisipan ko rin naman na yung gagawin niyong field task ay 'yon na ang magiging finals niyo. Kayo ang bahala kung sino ang magiging ka-group. I will send the syllabus later. See you next week." Ito lang ang ibinilin ng prof namin bago lumabas.

Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at ready na lumabas pero pinigilan sila ng President namin.

"Hoy! Wait lang, walang lalabas may sasabihin ako." Sigaw nito kaya naman nagsitahimik ang lahat at bumalik sa mga puwesto nila pero hindi na umupo.

"May ise-send ako mamaya sa gc na kailangan sa ibang subject. Pinapaalala ko rin yung may mga kulang sa ibang subject, lumapit na kayo sa mga prof natin bago matapos finals. Hindi naman sila ang lalapit sa atin, e, tayo. Kaya ayusin niyo na. And wala tayong klase mamaya. Nag-text si Sir kanina na wala siya." Ito lang ang sinabi niya at nagsimula ng magsigawan ang mga kaklase ko dahil wala ng pasok at puwede ng umuwi.

Naisip ko namang marami kaming oras para mag-usap ni Aaron dahil wala na kaming last subject. Nagyaya naman ang mga kaibigan ko na gumala, pero umayaw na ako at may pupuntahan pa ako.

Nang mahiwa-hiwalay ang landas namin ay mabilis akong dumiretso sa condo ni Aaron. Nakapasok naman agad ako rito dahil may susi naman ako. Nakita ko itong nakaupo sa sofa, nakapikit pero nakabukas nag TV. Dahan-dahan akong lumapit sa kan'ya at ginising siya.

"Baby, nandito ka na pala. Hindi ka man lang nag-text para naghanda ako nv makakain." Paos na sabi nito, dahil nga kagigising niya lang.

"Hm... Wala kaming pasok mamaya kaya pagkatapos natin mag-usap ay uuwi na ako," sabi ko rito. Bigla niya naman akong niyakap.

"Ano bang pag-uusapan natin, baby?" Bulong nito.

"Ganito kasi 'yon... Alam na ni Mama na nagkikita pa rin tayo. Gusto niyang maghiwalay na tayo at kung hindi papatigilin niya na ako sa pag-aaral."

Kung kanina ay nakayakap siya sa akin, ngayon ay pinaharap niya na ako sa kan'ya. "Hindi naman tayo maghihiwalay 'di ba? Sabi mo kagabi." Tumango naman ako sa kan'ya.

"Sabi ko nga sa 'yo na wala sa choice na makipaghiwalay sa 'yo, baby. Pero nasabi ko kila Mama na makikipaghiwalay na ako sa 'yo." Medyo mahina kong sabi.

"Bakit? Bakit mo 'yon sinabi?" Kinakabahan niyang tanong sa akin.

"Wala na akong maisip na ibang sasabihin. Lagi nilang sinasabi na maghiwalay na tayo kaya nasabi ko 'yon. Pero 'wag kang mag-alala dahil hindi naman 'yon mangyayari." Hinawakan ko ang kan'yang kamay at ganoon din ang ginawa niya sa akin.

"May plano ako..." At sinabi ko sa kan'ya lahat ng plano ko.

Pagkatapos naming mag-usap ay kumain muna kami bago nanuod ng isang movie. Nang matapos kaming manuod ay umuwi na ako at baka magtaka pa sila Mama. Maaga pa pero baka malaman nila Mama na wala akong pasok, baka mas magalit pa sila sa akin.

Dalawang oras maaga ang uwi ko ngayon dahil nga wala kaming prof pero ang sinabi ko kay Mama na maaga kaming pinauwi, hindi ko sinabi na wala kaming prof.

"Hiniwalayan mo na ba ang lalaking 'yon?" Tanong ni Papa habang kumakain kami ng dinner.

"Opo, hiwalay na po kami."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro