Chapter XXVIII: Slumber Party (Part I)
A R I M A
Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman kong may nag-vibrate sa aking bulsa. Nang kuhanin ko ang aking telepono, nabalot na lang sa pagtataka ang aking mukha nang makita kong may tumatawag.
"Namigay ka ba ng phone number mo?" takang tanong ni Lora nang ako'y kaniyang lingunin. Tanging kibit-balikat lang ang aking nasagot.
"Answer it," ani Yzra, dahilan upang mabaling sa kaniya ang aking atensyon.
"Isn't it dangerous?" tanong ko. Nanatili siya tahimik at tiningnan ako nang diretso sa aking mga mata. Napabuntong-hininga na lang ako. Fine.
Sinagot ko ang tawag at tinapat ang aking telepono sa aking kanang tainga. "Hello?"
[ Hi, Arima! This is Libby. ]
Agad na nangunot ang aking noo. Wala akong natatandaan na binigay ko sa kaniya ang aking numero. "Ikaw pala, Libby. Bakit ka napatawag?"
[ Well, I'm just wondering if I can invite you for a slumber party. May gagawin ka ba mamaya? ]
"Mamaya na kaagad?" gulat na tanong ko. Pinilit kong iiwas ang aking tingin sa aking tatlong kasama na kasalukuyan akong pinagmamasdan.
[ Why? Wrong timing ba? Sayang naman. ]
"N-No! Parang biglaan lang kasi pero wala naman akong gagawin mamaya," sagot ko. Bahagya kong nailayo ang telepono sa aking tainga nang marinig ko ang kaniyang tili.
[ YEY! WE'RE GOING TO HAVE SO MUCH FUN TONIGHT! ]
"May isang problema nga lang. Hindi ko alam kung saan kayo nakatira," wika ko. Mahina naman siyang napatawa.
[ Don't worry about it. I'll just message you the address. You better get going and prepare na. See ya! ]
Tila nabunutan ako ng tinik sa aking dibdib nang ibaba niya ang tawag. Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi nang harapin ko sina Cyllan, Lora at Yzra.
"What were you thinking?!" Lora scolded. Napaatras naman ako sa pagkabigla. "Pumayag ka na agad sa aya nila na hindi man lang kami kinukonsulta? That is so stupid!"
"Stupid? Wala naman akong nakikitang masama sa pagpayag ko," pagdedepensa ko sa aking sarili.
"Sure! Basta walang sisihan kung hindi ka na aabutin ng kinabukasan."
"That's enough. Mamaya kung saan na naman mapunta iyang sagutan niyo," pag-awat sa amin ni Cyllan, dahilan upang lalong mag-init ang ulo ni Lora.
"Seriously?! Baka nakakalimutan mong ikaw ang higit na mapaparusahan kapag may nangyari kay Arima? You're our guardian, remember?" Napakamot na lang sa kaniyang ulo si Cyllan.
"Yzra, help me out here!" pagbaling ni Lora sa aking kapatid. Pinagkrus ni Yzra ang kaniyang dalawang braso at tumalikod sa amin.
"She's older. I can't decide for her. Let's just go home."
- X -
"Hindi na kita pipigilan. Pero ito ang tatandaan mo, kapag may nangyaring masama sa'yo, hindi lang si Cyllan ang mananagot kung hindi pati ang kapatid mo," paalala sa akin ni Lora nang ihatid niya ako sa lobby.
"Huwag mo na akong alalahanin. Kaya ko ang sarili ko," tugon ko naman sa kaniya't kinuha ang bag na kaniyang dala-dala.
"Dapat lang dahil wala kami roon para tulungan ka." Ngumiti na lang ako't nagpaalam na. Mahirap na't baka mapahaba pa ang aming usapan at gabihin na ako sa biyahe.
Lumabas ako ng penthouse hotel at sumakay sa taxi na aking kinontrata. Matapos kong ipakita sa driver ang address na binigay sa akin ni Libby ay tuluyan nang bumagsak ang aking katawan. Napangiwi na lang ako.
Sa totoo lang, ayoko naman talagang umalis. Pero sa tuwing nasa penthouse ako kasi, ramdam na ramdam ko ang aking pag-iisa. Come to think of it. Yzra have Lora. Lora have Cyllan. What about me? I have no one.
Unlike when I'm with Libby and Niana, I feel belonged. I get to talk to Libby, while Niana and I have a same taste to almost everything. Panatag ang loob ko dahil hindi ko na kailangang ipagsiksikan ang sarili ko.
"Ma'am, nandito na po tayo." Tumingin ako sa bintana, dahilan upang masilayan ko ang malaking mansyon. Mabilis naman akong bumaba matapos kong ibigay ang bayad.
Sukbit-sukbit sa aking balikat ang bag, pinagmasdan ko mula sa labas ang itsura ng mansyon. Gabi na ngunit makikita mo pa rin ang kagandahan ng disenyo nito. Corinthian pillars, tinted glasses, everything compliments each other.
"Arima!" Tumakbo papunta sa akin si Libby at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap. Yumakap naman ako pabalik. "Buti naman at nakarating ka kaagad," aniya at inakay ako papasok ng mansyon.
Bago tuluyang makapasok, kinailangan niya munang ii-scan ang kaniyang fingerprint at pindutin ang code. Ako naman ay namangha nang mapansin kong gawa sa titanium ang pinto.
"Kayong dalawa lang ni Niana ang nakatira rito?" tanong ko kay Libby habang tinatahak namin ang kanilang sala. Sinagot naman niya ako ng tango.
"Nanatili sa Area 77 ang mga magulang ni Niana." Natigilan ako dahil sa binanggit niyang pangalan ng lugar.
"Area 77?" Bahagya siyang natawa at mahina akong hinampas sa aking balikat.
"Area 77, the place beyond the Frontier Horizon. Huwag mong sabihing hindi mo alam ang lugar na 'yon?" Bumalot ang pagkalito sa aking mukha. Alam niya na ang tungkol sa pagkatao ko?
"Don't be surprised. I know a mafia when I see one."
"Kailan mo pa nalaman? Sino-sino pa ang nakakaalam?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Sinimulan niyang tahakin ang hagdan kaya't sinundan ko siya.
"Since first day, thanks to Francilla. Masyado kasing mabilis gumalaw ang pinsan mo kumpara sa isang normal na tao," pagpapaliwanag niya. "Pero hindi mo kailangang mag-alala. Kaming walo lang ang nakakaalam," dagdag niya pa.
"Welcome to Libby and Niana's house!" salubong sa akin ni Niana at walang pasabing hinatak ako papunta sa isa sa mga kuwarto. Sumunod naman sa amin si Libby.
"Niana is so excited! What weapons did you bring?" tanong sa akin ni Niana nang kami'y makaupo sa king-sized bed na nasa sentro ng kuwarto.
"She didn't bring anything, Niana."
"Hindi sinabihan ni Libby si Arima?" dismayadong tanong ni Niana sa kaniyang pinsan. Sinagot naman siya ng iling ni Libby. Ngumiti na lang ako at hinugot ang isang dagger mula sa mahabang manggas ng aking pajama.
"I brought this in case of emergency," sabi ko't ngumiti nang pilyo. Umaliwalas naman ang mukha ni Niana at pinagmasdan maigi ang dagger.
"Muntik nang mapagkamalan ni Niana na jagdkommando. Is this personalized?" manghang tanong niya sa akin. Tumango-tango naman ako.
"Can I ask you something, Arima?" Nabaling ang atensyon ko kay Libby na abala sa pagsusuklay ng kaniyang buhok sa harap ng dressing table.
"Sure. What is it?"
"Anong dahilan at pumasok kayo sa siyudad?"
"Dahil sa pag-atake ng mga cannibal. Naniniwala ang aming mga magulang na mas ligtas kami kung maninirahan kami rito sa Medallion. How about you? Mukhang matagal-tagal na kayong naninirahan dito," tanong ko sa kaniya pabalik. Tinapos niya muna ang paglalagay ng night cream sa kaniyang mukha bago sumagot sa akin.
"Gusto lang namin ni Niana na magkaroon ng bagong karanasan. Iyong karanasan na hindi namin mararanasan sa Area 77."
"How about the others?"
"Iba-iba sila ng dahilan kung bakit sila pumasok sa siyudad. Si Kathnyce, naniniwalang dito niya mahahanap ang mga impormasyon tungkol sa nawawala niyang kapatid. Si Trever, nangangarap na maka-date lahat ng babae sa Dijon Island."
"Akala ko ba ay gusto niya si Kathnyce?" naguguluhang tanong ko. Napakibit-balikat na lang siya.
"Si Loris, inaasikaso ang mga negosyo nila rito habang tumakas naman mula sa kaniyang mga tungkulin si Galen. Sinundan siya ni Zosimo, ang kapatid niya, para iuwi sa kanila pero lumipas ang mga buwan at taon, hindi pa rin sila nakakabalik sa Area 77."
"How about Dendrich?" Mabilis na nagbago ang mukha ni Libby at ang kaniyang mga ngiti ay napalitan ng kunot-noo.
"Ewan ko ba roon sa lalaking iyon! May diperensya yata 'yon sa utak at hindi mo maintindihan ang trip," inis na saad ni Libby.
"Pero gusto naman siya ni Libby," pang-aasar ni Niana na aking ikinabigla. Hindi ko inaasahang may natitipuhang lalaki sa kasalukuyan si Libby
"What?! No! Ang dirty niya kaya tapos so ugly pa! Kilabutan ka nga!" pagtanggi ni Libby at nagsimulang mamula ang kaniyang mga pisngi.
"Bakit ka namumula?" tanong ko't ngumiti nang nakakaloko. Nagulat na lang ako ng may isang suklay na lumipad sa aking direksyon. Maigi na lamang at nakailag ako.
"Sana isayaw niya ako sa ball kung hindi papatayin ko talaga siya," ani Niana na tila ginagaya ang kaniyang pinsan.
"Huwag mo kong hinahamon, Niana! Akala mo ba hindi ko alam na nagkakamabutihan na kayo ni Zosimo?"
"Nani?!"
"Oh, bakit?! Hindi ba totoo?!"
"Libby-san, onegai!"
"Sana all," kumento ko, dahilan upang matigil sila sa pag-aasaran. Nagtinginan ang dalawa bago ngumiti sa akin.
-
March 12, 2020 UPDATE
Not edited
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro