Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter XXI: First Move Lose

L I B B Y

Napakagat na lang ako sa aking kuko habang pabalik-balik na naglalakad sa tapat ng kuwarto ng aking tiyo't tiya. Tsaka ko na lang ipapaayos ang kuko ko kapag naibsan na ang kabang nararamdaman ko. Nasaan na ba kasi si Niana? Bakit ang tagal nilang dumating ni Loris?

"Anna, wala pa ba sila?" takang tanong ko't lalong bumilis ang tibok ng puso nang makita sa relong suot kung ilang minuto na ang nakalipas. Hindi maaaring maulit ang mangyari.

"Inyong ipagpaumanhin ngunit wala pa rin po akong balitang naririnig mula-"

"Libby!" Mabilis akong napalingon sa likuran ni Anna nang marinig ko ang boses ni Niana. Nagmamadali siyang tumakbo papunta sa akin. Kasunod niya ang ilan sa aming mga tauhan na may bitbit-bitbit na briefcase.

"Hindi nakita ni Niana si Loris sa mansion ng mga Saiz pero nagkusa si Ate Cadenza at nagsabing tutulungan niya si Niana," pamamalita ni Niana habang habol-habol ang kaniyang hininga. Mula sa kaniyang likuran, lumitaw ang babaeng kaniyang tinutukoy. Ang nakakatandang kapatid ni Loris, si Ate Cadenza.

"Nasaan ang mga pasiyente?" tanong niya habang inaayos ang suot na guwantes. Agad naman akong kumilos at dinala siya sa loob ng silid nila tito't tita.

"Ilang oras na lang ang natitira?"

"Saktong sampung minuto po," sagot ko't pinipilit na iniiwas ang aking tingin mula sa mga magulang ni Niana dahil bumabalik sa aking isipan ang malulungkot na alaala.

"Blood type?"

"Pareho po silang Curtain Fall." Mabilis niyang kinuha ang dalawang bag ng dugo mula sa briefcase na dala-dala kanina ng aming mga tauhan. Ituturok niya na sana ang suwero sa cubital fossa ngunit mukhang hindi yata siya sanay nang may nanonood sa kaniya't tinapunan niya ako ng tingin.

"They'll live, I can assure you that. Kaya kung may iba ka pang gagawin, huwag kang mag-alala't asikasuhin na ang mga iyon," wika niya't pinagpatuloy ang blood transfusion.

Nagmamadali naman akong lumabas ng kuwarto nang matandaan ko ang tungkol sa aklat na parating binabasa sa akin ng aking ina noong ako'y bata pa. Naglalaman iyon ng mga kaganapan noong unang panahon at kung saan nagmula ang lahat. Nakasisigurado akong doon ko matatagpuan ang sagot na hinahanap ko.

"Libby, kumusta raw sina mom at dad?"

"Sumama ka sa akin," pagbabalewala ko sa kaniyang tanong at hinatak ang kaniyang braso.

"Sandali! Saan ba dadalhin ni Libby si Niana?" Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang tapat ng aking silid-tulugan. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Ano bang balak ni Libby? Bakit kailangang sumama ni Niana kay Libby?" naguguluhang tanong ni Niana't tiningnan ang pinto ng aking kuwarto.

"Handa na akong ibahagi sa inyo ang nalalaman ko," malabong sagot ko sa kaniya bago binuksan ang pinto't pumasok sa aking silid.

"Maghahalungkat sina Libby at Niana? Hindi ba't laging sinasabi ni Libby na masyadong maganda si Libby para sa ganitong mga gawain?" Napakamot na lang ako sa aking noo.

"Puwede ba tigilan mo muna ang katatanong? At hindi tayo maghahalungkat dahil sa iisang lugar ko lang nilagay ang libro na iyon," sagot ko sa kaniya't nagtungo sa istanteng napapagitnaan ng dalawang malaking aparador.

"Libby, sino ang babaeng ito?" Sa aking paglingon, naabutan ko siyang nakatingin sa papel na nakatusok sa corkboard.

"Si Ashanti Romeave, ang babaeng pinagmulan ng lahat," tipid na sagot ko sa kaniya bago pinagpatuloy ulit ang paghahanap ko sa aklat.

"Magkamukhang-magkamukha sina Ashanti at ang isang babaeng ito. Kapatid niya ba si Ashanti?" tanong ni Niana kaya muli ko siyang nilingon. Tinuro niya ang katabing papel.

"The reason behind the dissemination of gloom and the person behind every cannibal's attack. Yup, that's Shantrini." Bahagyang tumagilid ang kaniyang ulo, mukhang hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ko. Napailing na lang ako't muling binalik ang atensyon sa istante.

Nasaan na ba iyon? May nangialam ba sa mga gamit ko at hindi ko makita ang isang bagay sa huli kong pinaglagyan? Iyon ang nag-iisang kopya ng aklat, hindi iyon puwedeng mawala.

"Sigurado ba si Libby na diyan niya nailagay ang libro? Anim na taon na rin simula nang maparito sina Libby at Niana. Hindi kaya't mali lang ang pagkakaalala ni Libby?" Napairap na lang ako. Ang dami ko na ngang iniisip, dumagdag pa ang aklat na 'yon. Kapag talaga kumupas ang ganda ko dahil sa stress, makakapatay ako ng tao.

Nanliit ang aking mga mata nang mahagip ng mga ito ang safe na nakatago sa likod ng iba pang mga libro na nasa pinakaibaba ng istante.

Y Z R A

Nabaling ang atensyon ng lahat sa akin nang tahakin ko ang daan patungo sa ring. Ang iba'y nagsimulang magbulong-bulungan. Ang iba'y nanatiling nakatitig sa akin na tila ako'y sinusuri.

Pasimple kong sinulyapan ang lalaking kasalukuyang nakatayo sa gitna ng ring at kausap ang referee. Ngayon pa lang ako makakasagupa ng isang Saiz kaya hindi ko alam kung paano sila gumalaw at umatake. Paano ko tatapusin nang maaga ang laro?

"Isang himala!" bigkas ng referee na kausap ni Loris nang bumagsak sa akin ang kaniyang tingin. "May gusto yatang manghamon sa'yo, bata!"

Humantong ako sa ring at tumindig sa kanilang harapan. Bahagyang kumunot ang noo ni Loris nang ako'y makita. "Isang babae? Anong laro naman ang mabibigay sa akin niyan?" dismayadong wika niya.

"Huwag mong minamaliit ang mga babae, bata. Tandaan mo, hindi aasenso ang mga lalaki kung walang babae."

"Simulan na lang natin 'to para matapos na," bagot na sabi ni Loris bago pumunta sa kabilang dulo ng ring. Mabilis na kumilos naman ang referee at pinatunog ang maliit na kampana. Nagsimulang maghiyawan ang mga tao. Mga sabik sa labanang magaganap.

"Bakit hindi mo muna tanggalin ang maskarang suot-suot mo? Baka masira, wala ka nang maipantakip sa basag mong mukha mamaya." Napuno ng tawanan ang hostel. Napapikit na lang ako habang pinipigilan ang inis na umuusbong sa akin. Masyado siyang mayabang. Nagpapasalamat ako na hindi niya katulad si Cyllan.

"Bakit hindi ka kumikibo? Bingi ka ba? O umurong na iyang dila mo sa takot?"

"Hindi ako magsasayang ng laway sa tulad mo." Nanahimik ang buong paligid, hindi inaasahan ang pabalang na pagsagot ko sa lalaking nirerespeto nila sapagkat inaakala nila itong malakas.

Nakahanda ang mga kamao na tumama sa aking mukha, tumakbo papunta sa aking direksyon si Loris. Napangisi na lamang ako. What a fool. Seems like he doesn't know about the first rule: 'The first one who makes a move lose.'

Mabilis akong yumuko't binigyan siya ng isang suntok sa sikmura. Ngunit hindi pa man tuluyang nakakalapag sa kaniyang tiyan ang aking kamay ay mahigpit niya itong hinawakan at hinila niya ang papalapit sa kaniya.

Pinulupot niya ang kaniyang dalawang braso sa aking leeg, dahilan upang bahagyang mahirapan ako sa paghinga. Pero dahil hindi na bago sa akin ang mga ganitong atake, kusa nang gumalaw ang aking katawan. Pagkatapos siyang tapakan sa kanang paa (I'm wearing heels, by the way), sumunod ang siko sa kaniyang tagiliran. Nang ako'y makawala mula sa kaniyang pagkakagapos, sinipa ko siya papalayo sa akin.

Isang ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi. "Impressive, but not enough to beat me." Bahagya akong nagulat nang itapon niya ang kaniyang sarili sa akin. Hindi ko inaasahan ang ganitong galawan. Sa aming pagbagsak, wala akong sinayang na oras at pinulupot sa kaniyang leeg ang aking dalawang binti. Pero wala itong epekto sa kaniya, sa halip ay nagawa niya pang tumayo.

Napatingin ako sa gilid ng ring kung saan tutok na tutok na nanonood sina Arima, Cyllan at Lora. "We have to go," Arima mouthed. I clicked my tongue. I'm still having fun.

Akmang ibabagsak akong muli ni Loris nang ako'y bumangon at buong puwersang inuumpog ang ulo ko sa kaniyang ulo, dahilan upang ako'y kaniyang mabitawan at parehas kaming tumumba. Umagos ang dugo mula sa aming mga noo. Inda-inda ang sakit ng ulo't pagkahilo sanhi ng aking ginawa, pilit akong tumayo't lumapit sa kaniya.

"Sorry, but this fight has to end."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro