T W O
Maingay ang naging tanghalian namin sa mahabang mesa. Palaisipan para sa 'kin kung paano nakapagluto nang ganito karami si lola Neng, nag-iisa lang naman ang katulong niya.
"Sasamahan kayo ni Astrid sa pagliliwaliw sa La Casa. Isang reef ranger ang ama niya kaya masasamahan din kayo kapag gusto niyong sumisid sa dagat," ani ni lola.
Nilingon ko ang babaeng nagsasalin ng tubig sa aming mga baso. Isa ang ina niya sa mga trabahador sa La Casa ayon kay lola. Mahaba ang tuwid nitong buhok na nababahiran ng kulay brown dahil na rin siguro sa pagbibilad sa araw. Natural ang ganda niya, namumula ang pisngi at mamula mula rin ang kanyang kutis na parang kakaahon niya lang sa dagat.
Nahagip ko ang pagsisikuhan ng mga lalake kong pinsan, isa na ang kapatid ko. Maliban lang kina Dalton at Euan na abala sa pag-kain.
"Sino po ba ng namamahala sa La Casa?" tanong ni Dalton.
"Nagpupunta rito sina Grace at Arman. Minsan naman si Dion," ani ni Lola.
Tinignan ko sina Rory, Miles at Daneen sa pagbanggit sa mga parents nilang mga anak ni lola. Wala ako masyadong nalalaman sa mga pangyayari sa compound na kinabibilangan ng aming pamilya dahil hindi ako palaging umuuwi. Ngayon ko lang talaga nagawang magtagal na makasama sila.
Sa mga reunion parties nga ay wala ako. I hope this year ay makakadalo na ako. Daneen always tells me that it's fun.
"Pwede bang mag-island hopping?" tanong ni Mozes. Magkasunod sila sa upuan nina Miles, Viel at ang palagi niyang binubully na si Asa.
Lumapit si Astrid dala ang malaking plato laman ang mga pang-himagas; biko, suman at kakanin. Nilapag niya ito sa mesa sabay upo sa bakenteng silya katabi ni lola.
"Malayo ang mga isla dito di tulad sa norte. Snorkeling ang kadalasang ginagawa ng mga dayo," aniya.
"Kailangan pa naming magbayad?" umaasang tanong ni Viel sabay nakakalokong ngiti sa direksyon ni Axton na walang kamalay-malay.
Umakbay si Mozes kay Axton. "Hindi na, si Axton nalang daw ang bahala sa lahat. Balik bayan 'to!"
"Pang gas lang ng motor ang babayaran ko uy!" biro ni Axton.
Naging maingay ulit ang mesa, karamihan galing sa mga lalake at sinasali pa sina Rory. Paubos na ang nasa plato kaya kumuha ako ng isang panghimagas.
"Nagdala ka ng swimsuit?" untag ko kay Daneen.
"Shorts lang tsaka sando."
Inirapan ko siya."Buzzkill."
"Mainit." Ngumiwi sya.
Pinasidahan ko siya. Todo black pants siya ngayon at statement shirt. Walang make up ang mukha niyang natural ang puti. "Maputi ka naman."
Her nose crinkled saka nagkibit-balikat. Pero alam ko mamaya mapipilit ko rin siyang mag swimsuit.
Halos tapos na kami lahat sa tanghalian. Dessert nalang ang ninanamnam naming ngayon. Binigay ko kay Rory ang hindi ko naubos na suman dahil sobra akong nabusog.
"Ilang araw ba kayo rito?" tanong ni lola.
"Five days lang po yata. Aalis din agad si Axton eh, "sabi ni Dalton.
Bumaling si lola kay Axton. "Paano yung kapatid mong isa? Yung panganay? Kailan uuwi 'yon?"
"Next year pa yata uuwi si kuya. Kakauwi lang nun dito noong isang taon eh."
Namahinga kami sandali at tumitingin sa labas. Puro damo at puno lang talaga ang nakikita. Sa di kalayuan may nakikita akong mga puno ng mangga at sumisilong dito ay isang puting baka.
Sina Mozes at Miiles ay ang mga aso ni lola ang pinagtitripan ngayon kaya mas lalong umingay ang bahay.
Hindi na namin nilabas ang aming mga gamit dahil sa La Casa naman daw kami mananatili. Ilang minuto pa kami nagtagal kina lola bago napagdesisyunang magtungo sa La Casa kasama si Astrid. Parang ayaw kong sumama dahil mas gusto kong mamahinga doon sa tagong baybayin.
Sumulong na kami sa main road ng Aloguinsan. Nangunguna si Rory sa pagmomotor dahil sa kanya umangkas si Astrid. Dito mas marami na akong nakikitang mga establishments malayo sa nakikita kong pumapalibot sa bahay ni lola.
Mga ilang liko ang dinaanan namin bago pumasok sa isa na namang lubak na daan. Humina ang aming pagpatakbo sa sasakyan sa pag-bagal ng takbo ni Rory.
Sa brick fence na nakadugtong sa maitim na gate nakasulat ang pangalan ng resort. La Casa en la Playa de Palomarez. Sa parking space palang ay kitang kita na mula rito ang maputing buhangin na mas lalong tumingkad sa taas ng sikat ng araw.
Sa mga trunk compartment sa kotse namin ni Daneen kinuha ang nakalagay na mga bag at iba pang gamit. Ulit ay sumunod kami kina Astrid at Rory habang sa likod ko'y patalon-talong naglalakad ang kapatid ko kasama ang mga alipores niya.
"Ang ganda rito," komento ni Daneen kaakbay sina Marlow at Faye.
Kung ano-ano pa ang sinasambit nilang paghanga sa lugar. Wala na kong nasabi dahil nabanggit na nila lahat.
Ang malawak na lawn ay pinagtatayuan ng parang apartment na may dalawang palapag. Katapat nito ay ang mga bungalow type na beach cottages na nagmistulang country house. Halata na bagong tayo palang ito dahil sa malinis na pintura. Kulay cream ang mga pader at kulay brown ang mga bubong.
The oceanfront is breathtaking. Hindi na 'yon parte ng lawn kundi puro buhangin lang kung saan nakahanay ang mga lounge chairs na may malalaking puting payong.
Sa beach cottage namin napiling manatili. Malaki na 'to para sa aming labingdalawa. Nagbagsakan kami sa kama pagkatapos ilapag ang mga bag sa gilid. Si kuya Euan ay yung remote control agad ang nilapitan saka binuhay ang tv.
"Cable. Nice." Ngumisi siya, nakapameywang siyang naglilipat ng channel.
Wala na kaming sinayang na oras. Bumaba kami sa hagdang gawa sa bato upang puntahan ang parang pantalan na dinudumog ng mga bangka at sailboats. May kakarating lang na barko laman ang mga pasaherong naka life jacket. Siguro kakatapos lang nilang mag snorkeling.
"Pa! sila po yung mga apo ni lola Neng," pakilala sa 'min ni Astrid. Magkahawig ang bilugan nilang mga mata.
Nagbatian kami saka pinakilala ang iba pa niyang kasamahan na maga-guide sa amin mamaya. May mga tinuro pa sa aming mga techniques bago kami sumakay saka sinuotan ng snorkeling gear.
Akala ko simpleng pagsisid lang ang snorkeling, kailangan pa pala matuto ng mga hand signals. Makikipag-usap ba kami sa mga isda sa ilalim ng dagat?
Nakikinig lamang ako kay Sir Fred—ama ni Astrid—kahit hindi ako kasali sa pagsisid dahil limited lang ang mga gamit nila. Sina Mozes, Miles, Rory, Faye at Viel lang ang meron.
Sumakay na kami sa barko. Sa ilang sandali lang ay nagsimula na kaming umusad. Habang lumalayo ang barko ay unti-unti ko nang napapansin ang kalinawan ng tubig dagat. May mga sinasabi si sir Fred, parang nagle-lecture tungkol sa lugar na nadadaanan namin ngayon; Mga rock formations na tinatakpan ng parang gubat.
Hindi ko na yata kailangang sumisid dahil kita naman mula rito sa barko ang mga corals. Mukhang mababaw lang silang tignan, pero ani ni Sir Fred, hanggang sampung pulgada pa ang lalim ng natatanaw namin. Nag-unahan kami sa pag-atras palayo nang malaman 'yon. Doon lang namin napagtanto na naka life jacket pala kami.
Nagtalunan na sina Mozes at Viel kasunod sina Rory at Miles. Kinunan ko muna sila ng litrato bago sila tuluyang sumisid. Natawa kami kay Mozes dahil mukhang nahihirapan sa pagtadyak. Langoy ng sirena nalang ang ginawa niya.
"Oh my god! Bakit ang bilis lumangoy ng mga turtles? Di ba mabagal lang 'yan sila?" problemado ang mukha ni Mozes pagkaahon. Tinanaw niya ang lumalayong pagong.
"Mga ninja raw kasi sila," natatawang ani ni Miles. Nakalukot pa rin ang mukha ng kapatid ko.
"Bawal po manghuli ng pawikan dito, ser," saway ng isang reef ranger.
Biglang maamong ngumiti si Mozes. "Hindi ko naman po huhulihin kuya, ipe-pet ko lang po. At hihimas-himasin ang kanyang shell."
Naghahagikhikan sila.
Kinuha ko ang aking cellphone sa pagvibrate nito. It was Royce.
Royce:
Where are u?
Wala akong balak ipaalam sa kanya kung nasaan ako.
Me:
Away.
Ibabalik ko na sana ang cellphone sa 'king bulsa nang mag-vibrate ulit.
Royce:
Where, Sav?
Nakikita ko ang matigas niyang ekspresyon at naririnig ang talim ng kanyang tono.
Napapitlag ako sa pagsabog ng sigawan ng aking mga pinsang lalake. Nagtatanong ang mga mukha naming mga babae. Muntik ko nang mabitawan ang aking cellphone sa gulat!
Inis ko silang binalingan. Panay ang kanilang hiyawan at sambit sa kung sino man sa harap.
Sumulyap ako roon at may nakitang tatlong lalake na nasa isang fishing boat at naka topless. Bata pa ang isa at patpatin. May pagkamatanda naman ang isa.
At ang nasa gitna nila, ang may hawak ng fishnet ay ka-edaran lang yata nina kuya Euan o sa 'min ng kuya ni Axton.
Kumaway siya pabalik sa mga pinsan kong panay pa rin ang tawanan at hiyawan. Galing dito, kitang-kita ko ang lalim ng dimples niyang kasing lalim ng dagat. Ang mga alon ng kanyang katawan ay talo pa ang alon ng karagatan.
Holy hell! Nagmistula siyang sculpted figure na binuhay ng kung sinong Bathala! God of the seas? Kumikislap ang kanyang kabuuan sa ilalim ng sikat ng araw. His leaned and muscular arms na pamilyar sa 'kin, taut chest, firm and tight abdominals glistened under the sun. He's all ripped and tanned!
Nagtatalo sa kaputian at pagkamoreno ang kutis niya. Ang kulay itim niyang kwintas ay umuugoy sa bawat galaw niya.
Kumikinang rin ang pendant nitong kulay silver na hindi ko maintindihan ang hugis. Dolphin?
Naging makasalanan ako sa pagtitig sa kanya habang ka-text ko ang aking boyfriend. Or...well, break na kami di ba?
"Devs!" hiyaw ng mga pinsan ko animo'y mga fanboys ng kung sinong artista.
"Yow motha'fuckers!" sigaw nung lalake. Lalakeng-lalake ang boses niya.
Lumapit ang kanilang bangka sa amin. May nakikita akong puting fishnet doon at mga timba. Siya lang ang nakatayo habang nakaupo ang dalawa pang mangingisda na pinapagitnaan siya.
"Ikaw na ang may abs Devs! Huwag mo na kaming inggitin gago ka!" sigaw ni kuya Euan.
Nagkibit balikat ang tinatawag nilang Devs. "Sorry! I can't help it if I was born like this."
Lumuwa ang mata ko nang hataw na hataw at malutong siyang nag-thrust na sinabayan niya ng pagkagat-labi. Mas umingay ang mga pinsan ko. Parang nakalabas sila sa kanilang mga hawla! Nakisali na rin si Daneen na sinisigaw ang isang mura.
"Bro! You're making me question my sexuality!" eksaheradang pagwawala ni Mozes.
Tumawa si Devs. Yun ba talaga ang pangalan niya? Yumuko siya't nag saboy ng tubig dagat sa dako namin. Sabay nagtilian kaming mga babae at umiwas kaunti sa dulo.
"Sino siya kuya?Bakit siya nangingisda? Di ba dapat sa umaga o madaling araw dapat mangisda?" tanong ko kay Euan.
Ningisihan niya lang ako. "Trip niya lang."
"Hi Devin!"
Nilingon ko si Astrid na kumakaway kay Devs. Namumula ang kanyang pisngi. Oh...she likes him, huh? And his name is Devin?
"Tangina Devs, nababakla ako sa'yo!" dagdag anas ni Mozes.
Humagalpak si Devin. Bumaling ako sa malalim niyang dimples. Can I do snorkeling there, too?
"Punta ka sa cottage mamaya!" anyaya ni Dalton.
Nagsalubong ang kilay niya. He's got thick brows, too. "What gives?"
"Axton's back! Punta ka para kumpleto tayo. Let's jam! Na miss ka na naming mag-gitara!"
"May chicks?" nakakaloko niyang tanong.
Oh my...figures. Pisikal na anyo palang niya ay halata na. Ano pa bang inaasahan ko?
"Wala eh. Mga pinsan ko, mga chicks din to, pero off limits," ani ni Euan.
"Daneen's single. And so as Rory and Marlow," sabi ko. Kinurot ako ni Daneen sa tagiliran.
"Wala pang eighteen si Marlow. At mas lalong 'wag si Faye, wala pang kinse yan!" tawa ni Dalton.
"Si Daneen nalang. O Daneen, type mo?" tinapik siya ni Euan sa likod.
Sumandal si Daneen sa balikat ko at pinaglalaruan ang tali ng aking bikini."Gwapo siya, tsaka hot."
Nag-ingay muli ang mga pinsan ko. "Hot ka daw Devin! Reto ka na namin!"
Natawa ako nang biglang nagtago si Daneen sa likod ko.
"Ayy...Daneen naman, mabait yan eh," pilit sa kanya ni Euan.
Ngumuso si Daneen. "Mukhang playboy."
"Hindi. Wala nga yang gf."
"Ayaw niya! How about yung isang maputi?" untag ni Devin.
Nanlaki ang mga mata ko. Tinignan ko sina Rory at Marlow. Si Marlow ang maputi sa kanila. Hindi naman pwedeng si Faye dahil halatang wala pa sa legal na edad.
Maliban kay Daneen, maputi rin ako. My white complexion comes second to her white skin.
"May boyfriend na 'to. Kapatid ko 'to!" deklara ni kuya Euan.
Parang nainis ako sa sinabi niya. Dapat sinabihan ko nalang si kuya na break na kami ni Royce.
"Okay lang yan bro! Gwapo ka naman, there are still many fishes in the sea kaya mangisda ka nalang muna!" sabi ni Mozes.
Tinignan ko si Devin. Seryoso siyang nakatingin sa 'kin. Parang kanina pa siya naghihintay na tignan ko siya.
I recoiled. What the? Umangat ang isang bahagi ng labi niya sa nakitang naging reaksyon ko.
"Kahit pangalan nalang okay na!" ani nung Devin. Nairapan ko siya. He's making a fast headway. Hindi uso torpe?
Marahan akong tinulak ni Daneen sabay hagikhik."Oy, pangalan mo raw..."
Sumimangot ako. "Bakit ko sasabihin? Anong gagawin niya sa pangalan ko? Ipapangalan sa mga isdang huli niya?"
Humagikhik sina Daneen at Marlow.
"Uhmm...dahil tinanong niya ate? yun yata eh," sarkastikong sabi ni Mozes.
"Savannah pangalan niya," si Euan ang nagsalita, nang-aasar akong binalingan. May patalim ang tingin ko sa kanya.
"Hi Savannah!" maamong bumati yung Devin.
Naririnig ko ang kabog sa dibdib ko dahil sa pananahimik ng aking mga pinsan. Para bang malulutas ang problema ng Pilipinas sa magiging sagot ko.
Hindi ko siya tinignan at kinawayan ko lang.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro