T W E N T Y T W O
Pumasok kami sa isa sa mga gazebo na nagsisilbing viewing deck dito sa Baluarte Park. Sa harap ay nagkalat na ang kulay kahel at pink sa habang hinihila na pababa ang araw. Tinanggal ko na ang cap ni Devin dahil nasisilungan naman kami at hindi na mainit.
" 'Yan ang Tañon Strait." Turo ni Devin sa harap. Pahalang siyang gumuhit ng linya sa ere na parang binabakas nito ang outline ng karagatan. " 'Yan ang naghihiwalay sa Negros at Cebu."
Nilingon ko siyang nakatayo sa likod ko kasabay ang pagbaba ng kanyang kamay.
"Naging tourist guide ka na dito noh?" Binahiran ko 'yon ng kaunting pang-aasar.
Ngumisi siya, nahihiyang kinakagat ang ibabang labi kasabay ang pangulubot ng kanyang ilong. "Once, sinubukan ko lang naman."
Mahina akong tumawa. Binalikan ko ang tanawin sa harap.
"Pakihawak." Inabot niya sa 'kin ang paperbag na may tatak ng mamahaling denim jeans. Dinungaw ko ang loob nito, umatake agad sa aking pang-amoy ang nakakagutom na mga pagkain.
Napaigtad ako nang maramdaman ang daliri niyang sinusuklay ang mahaba kong buhok na pilit sumusuway sa pagwawala ng hangin. Ang gaan ng kamay niya, nakikiliti ang anit ko.
Inangat niya ang mabigat at makapal na hibla ng aking buhok. Halata niya siguro na palagi akong naka-high ponytail kung hindi man ito nakalugay. Sumusunod ang anggulo ng ulo ko sa bawat hila niya sa aking buhok upang maitali nang maayos.
"Anong shampoo mo, Sav?" tanong niya. Pati ako amoy rin ang conditioner ko, mas lalo na siya na direktang nasa harapan ng aking buhok.
Isang beses akong nagpakawala ng tawa. "Bakit? Gagamitin mo?"
"Mm, gagawin kong pabango."
Natatawa ko siyang hinampas ng paperbag sa binti. Pagkatapos itali ang buhok ko ay pinilig ko ang aking ulo upang i-test ang higpit ng pagkakatali niya.
Sa aking pag-lingon sa kanya ay lumipat ang animo'y buntot kong buhok sa kaliwa kong balikat. Una kong tiningala ang buhok ni Devin na nakatayo, wala na doon ang pantali ko, malamang nasa buhok ko na.
Tinahak namin ang mga pathways na dinadala kami sa mga historical structures katulad ng watchtower. Ngunit isang remnant nalang ito ngayon katulad ng mga matitibay na haliging nakapalibot na gawa sa bato, isang testament ito sa mga pinagdaanan ng mga tao sa panahon ng mga Kastila.
Umupo kami sa konkretong bangko. Tinuwid ko ang aking mga binti, sinubukang saluin sa mga paa ko ang sinag ng araw na sumisilip sa kakapalan ng mga puno na inuugoy ng maaliwalas na hangin. Dumagdag sa kaaliwalasan ang kalinisan ng parke pati na ang kagandahan ng mga landscapes.
Kaharap pa rin namin ang tanawin ng dagat. Binahagian ako ng kakalmahang hatid nito. Beaches and ocean views always calms me down. It never gets old to me. I always imagine having myself a two-storey glass house built near the sea shore. Nasa balcony ko ako, nagbabasa ng libro habang background music ang tunog ng mga alon na sumasampal sa baybayin.
Pinagitna ni Devin ang paperbag at inilabas ang mga laman nitong snacks; hotdog buns, French fries na nakasilid pa sa tupperware at dalawang Coke in can.
"Kailan ka namili?" tanong ko sabay kuha ng tupperware. Bago ko pa mabuksan ay naagaw na niya ito at sandaling inalog saka niya binalik sa 'kin.
"Ginawa ko 'yan, except sa Coke," aniya.
Binuksan ko ang tupperware at sumalakay sa ilong ko ang aroma ng barbecue flavored fries. Kaya pala niya inalog.
May nahagip akong couples na kinukuhanan ng litrato ang isa't isa, nagpo-pose ang babae at nakatalikod sa dagat. Kumukuha ng picture sa phone ang koreano na kakulay at kahawig niyang suot na light blue shirt.
"Ang guwapo noh?" tanong ni Devin na napuna ang tinititigan kong koreano.
Tumango ako, hindi inaalis ang tingin sa mag-iirog.
"Ganda rin ng kasama niya," dagdag niya.
Pinasidahan ko ang babae. Naka-puting shorts siya kaya halata ang pag-contrast nito sa kanyang balat.
Tinabi niya sa 'kin ang Coke at ang isang bun. Pero inuna ko ang fries, it's been...maybe six months bago ako muling nakakain nito. I always do noong nasa siyudad pa ako. Parang nahihimigan ni Devin ang craving ko sa fries kaya niluto niya ito. Beyond appreciated.
"Have you had dates before, Sav?"
Ipinagtaka ko ang pagtatanong niya nito. I do think there's a particular rule in dating and this is one of those 'Don't Do' things, asking or talking about previous dates or relationships. But since tinanong niya, sasagutin ko.
"Mm..." Dalawang beses akong tumango.
Diretso ang paningin niya sa harap, mistulang malalim ang iniisip habang tinutungga ang Coke in can. Naririnig ko pa ang mabigat na paglunok niya sa inumin na mistulang pati lalamunan niya ay kabado.
"How did they date you?" Mahinahon ang boses niya.
Nagsagawa ng flashback ang utak ko't binalik ako mula highschool hanggang sa mukha ni Royce.
"Mall, restaurant and the likes..." Hindi ko na sinali ang panonood ng movies since parte na 'yon sa mall.
That was the last date I had with Royce. Action movie ang pinanood namin kahit 'yung horror movie ang gusto niya.
Mas lalong naningkit ang mga mata ni Devin, mukhang dumiin sa kanya ang napagtanto. "So...this is just nothing compared to your dates before."
Pakiramdam ko ay mas sinasabi niya iyon sa sarili niya imbes na sa 'kin. At hindi ko mapigilang makaramdam nang paninikip sa dibdib at tiyan ko animo'y ginapos ang mga ito ng ilang lubid pagkarinig sa tono niyang bigo at malungkot.
"Wala naman akong pake kung paano ako i-date," pagtatapat ko. But it's more on like pagaanin ang loob niya kung ano mang kabiguan ang nababasa ko sa kanya ngayon.
Nilingon ko ang pananatiling tahimik ni Devin. Nasa gitna ng mga tuhod niya ang mga kamay na kumukuwadro sa katawan ng Coke in-can. Lunod na lunod siya sa kanyang iniisip na kailangan ko pang tawagin nang ilang beses ang pangalan niya.
Napaigtad siya at ilang beses kumurap nang inikot ang ulo sa direksyon ko. Hindi niya inaalis ang tingin sa 'kin sa kanyang pag-tingala upang tunggain ang inumin.
"Nai-insecure ka ba?" Gusto kong maging biro 'yon sa kanya imbes na isang pang-aakusa.
Ngunit sa mukha niya ngayon, pakiramdam ko'y seryoso ang magiging trato niya sa tanong ko.
Malakas siyang lumunok, napangiwi sa tapang ng inumin sa lalamunan. Tamad siyang nagkibit-balikat at muling hinarap ang tanawin.
"Slight. You know, I have the money. It's just that...ayaw ko namang gamitin iyon para dito at pagmukhaing binibili kita sa mga mamahaling dates. Hindi rin naman sa kuripot ako kaya rito kita dinala. I mean... sa 'kin lang, this is a beautiful place and you deserve to be brought here. Malls, they're too commercial and synthetic for me. A woman like you should be showered in natural aesthetics."
Sa haba ng sinabi niya ay wala akong maisip na sasabihin maliban nalang sa reaksyon kong pagkamangha at paninigas sa kinauupuan ko. Titig na titig ako sa kanya, inaasahan ang kanyang pagbibiro o panunuya katulad ng nakaugalian niya pero nanatili siyang seryoso.
For me, it only suggests that he means every word. I felt his honest-to God statement.
Imbes na ipagpatuloy ang pag-kain ko ng fries ay tuluyan ko na itong nakalimutan. Nabusog ako sa mga sinabi ni Devin na para bang isa itong Ebanghelyo ng Diyos.
May mga nakikilala tayong mga tao na hindi natin akalaing maglalabas ng ganitong katangian. Initially, our judgement lies on what we see on the superficial surface. Devin doesn't seem like the materialistic kind. Heck! He even wears sleeveless to no clothes at all! Makikita mo ang kasimplehan niya hindi lang sa paraan ng kanyang pananamit at pamumuhay, napapatunayan din ito sa kanyang mga opinyon.
Nang lumingon siya sa 'kin ay nag-iwas ako ng tingin. Hindi ako ang tipong kinikilig sa mga crush kahit noong highschool pa ako. Pero ngayon, pakiramdam ko late-bloomer ako. I'm blushing like a teenager who gets asked by his crush to prom!
Upang maibsan ang nakakailang na katahimikan, sinundot ko siya sa tagiliran. Ngumisi siya, hinuli niya ang kamay ko at hinila ako upang mapausog papalapit sa kanya.
Sinilid niya ang mga wrapper at plastic sa paperbag at nilagay sa baba. Naiwan ang dalawang Coke in-can na pumapagitna sa 'min at ang tupperware ng fries sa aking kandungan. Umusog si Devin at sinandal ang ulo niya sa balikat ko.
Sa tangkad niya halos mabaon ang kabilang pisngi ko sa makapal niyang buhok. Dumukot ako ng fries at isinubo sa kanya na malugod namang tinanggap ng kanyang bibig.
I could say that this day ruined every single dates I've had. Nasisiyahan naman ako sa mga experiences ko noon, pero nang dumating ang araw na 'to, at kahit sa pagtatapos nito, alam kong ito ang masasabi kong totoo. Dahil tama siya, malls are too commercial and synthetic. This is a real one.
Bumagsak ang Lunes at 'di maipagkakaila ang pagiging abala namin. Tatlong grupo ng mga taga-Maynila ay nagte-team building ngayon dito. Halos tinakbo ko na ang distansya ng kitchen upang ihabol ang mga orders ng ilang mainipin na customers.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad pabalik sa kitchen nang harangan ako ni Pat.
"Sav, mali 'yong naibigay mong order sa table eight." Inangat niya ang tray laman ang mga orders na kakalapag ko lang sa isang table kanina.
"Ha? Paano nangyari 'yon?" Sinuri ko ang bawat pag kain.
Sabay kaming nagtungo sa kitchen at hiningi kay chef ang order checklist. Iba nga ang nakasaad dito.
"Chef Paul, namali po kayo ng lagay ng number sa tray. Sa table three po niyo nailagay ang para sa table eight."
Kunot-noong tinignan ni chef ang order checklist. Hindi siya umimik at hinanap ang tamang order ng pagkain. Dinikit niya ang post-it sa tamang tray at inabot sa 'kin. Hinatid ko na ito pabalik sa customer.
Hindi lang tumigil doon ang pangyayari. Minuto yata ang tinagal bago ako pinatawag at sinabing mali na naman daw ang hinatid ko. Ayaw ko namang sisihin si chef. Sa mga araw na naninilbihan ako rito ay ni-minsan hindi pa siya nagkakamali. So I don't believe this is his fault.
"Sure akong tama ang nailagay kong table number, Sav," giit ni chef Paul pagsapit ng break namin. Tinanggal niya ang kanyang bandana na nakapulupot sa noo at ipinunas sa mukha niya. Malinaw ang kanyang pagka-stress.
Muha kaming may staff meeting dahil halos lahat ng servers ay nandito sa kitchen. May naisip akong suspect, kaso wala naman akong maipruweba kaya nilihim ko nalang ang suspetsa ko.
Siniko ako ni Ellaine. Paglingon ko ay nilapit niya ang bibig sa tenga ko. "Si Brenna."
Pinakita ko sa kanya ang aking pagtataka. Muli niya akong binulungan.
"Kita ko siya kanina. Sinabihan ko na si Pat. Nasa admin building na siya ngayon upang tignan sa cctv room."
Tumango ako bilang pagtanggap sa pahayag niya. Palihim kong sinulyapan si Brenna na naabutan kong nag-iwas ng tingin sabay taas-kilay niyang may maarteng kurba.
Nagsibalikan na kami sa dating ginagawa. Sumalampak ako sa sofa ng employer's lounge at sumunod si Ellaine. Maya-maya lang ay dumating si Pat.
"Brenna, pinapatawag ka ni Ms. Valdez." May asim sa mukha niya.
Umalis si Brenna sa locker at hinarap si Pat. "Bakit daw?"
"Ba't ako tinatanong mo?Puntahan mo kaya," pataray niyang sabi at inikutan si Brenna ng mata. Sinangga pa niya ang balikat nito nang nilapitan ang locker niya.
Nagkatinginan kami ni Ellaine. Kapwa kami mukhang kabado sa inaasahan namin na paghahantungang away ng dalawa.
Lumabas si Brenna at nag-iwan ng padabog na pagsara ng pinto. Agad tumabi sa 'min si Pat.
"Mga mare naloka ako! Kung gagawa naman kasi siya ng krimen sana naman ginalingan na niya. Kitang-kitang siya sa cctv, eh." Maarte niyang hinawi ang buhok.
"Anong sabi ni Ms. Valdez?" tanong ko.
"Wala, pinatawag lang siya. Sa tingin pa lang niya, feel ko sususpendihin niya si Brenna."
"Edi mabuti, noon pa ako naiinis sa babaeng 'yan. Masyadong inggitera," komento ni Ellaine.
Hanggang sa pagtatapos ng break naming ay 'yon pa rin ang aming pinag-uusapan. Nalaman na rin iyon ng iba naming kasamahan. Hindi pa kasi bumabalik si Brenna galing sa admin kaya sinasamantala na naming pag-usapan siya.
"Tignan niyo buhok ni Astrid. Looks familiar?"ani sa 'min ni Pat.
Tinanaw ko ang tinuturo niyang direksyon ni Astrid. Kausap niya ang kanyang ama na si Sir Fred sa may island sa gitna ng resort. Nililipad ng hangin ang mas light brown na niyang buhok at hindi tulad ng noong tuwid, maalon na ito ngayon. Kasing wavy nang buhok ko.
"Parang may ginagaya siya..." parinig ni Ellaine. Todo siksikan kaming tatlo rito sa counter kahit ang lawak naman ng espasyo.
"Mareng Savannah, walang wala 'yan sa beach waves mo. Natural eh. Your hair is goals!" Kinalabit niya ang hibla ng buhok kong naka-high ponytail ulit.
"Saan kaya siya nag-pakulot?" pagtataka ni Ellaine.
"Siguro kay ate Idang, mura lang kasi service niya!"
"Gaya-gaya ipakain sa buwaya!" kanta ni Pat nang madaanan namin si Astrid sa dalampasigan pagka-out namin. Siniko ni Ellaine si Pat saka kami nagtawanan.
"Ang sama mo talaga, Pat."
Sumakit na ang tiyan ko sa paghahagikhikan namin nang may sinabi ulit si Pat. Napaikli ang sandaling iyon nang may bigla nalang sumakay sa likod ko.
Hindi pa ako tuluyang nakalingon ay kita ko na ang pulang hibla ng buhok sa 'king balikat. Pumihit ako at hinarap si Daneen na milagrong naka-shortsmay orange na headphone na nakasabit sa leeg niya.
'Di ko naitago ang aking gulat. "O!Akala ko sa birthday pa ni lola kayo pupunta?"
Nagpaalam ang dalawa kong kasama na mauna na. Kumaway ako at tumango bago binalingan si Daneen.
"Nauna kami nina papa, sila muna raw titingin rito sa La Casa habang hindi pa nakakauwi si ate Dorsi galing sa siyudad," aniya. May hinagis siya sa 'king plastic na may tatak ng mall. "Kumpleto ang mga pinabili mo."
Tinignan ko ang loob ng plastic at isa-isang sinuri ang mga items. "Yeay, thanks. Maya ko bigay ang bayad sa bahay. Doon kayo magse-stay?"
"Hindi eh. Bukas pa yata kami makakapunta roon. Hindi pa alam ni lola na dumating na kami nina papa. Para surprise!"
Surprise nga. Matagal rin kasi bago nakauwi ang parents ni Daneen mula sa ibang bansa at isa pa, hindi sila masyadong bumibisita rito dahil sa layo ng lugar. Magandang timing ang dating ng parents niya para sa kaarawan ni lola.
Pinutol ang pag-uusap namin ni Daneen sa kung sino mang umakbay sa 'kin. Amoy pa lang ng sabon niya kilala ko na. Kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Daneen sa harap namin.
"Hi!" bati ni Devin.
Ganon pa rin ang reaksyon ng pinsan ko. Bahagya niyang inangat ang kamay upang kumaway, pasalit-salit kaming tinitignan ni Devin.
"Ano 'yan?"
Nilingon ko si Devin na dinudungaw ang kamay kong nasa likod hawak ang plastic. Pumihit ako upang ilayo ito sa kanyang paningin ngunit pilit niyang hinahabol.
"Wala." Sinamahan ko pa iyon ng iling.
Duda niya akong tinignan. Matagal bago niya binalingan si Daneen na nakatanaw na ngayon sa dagat. Bilang magpinsan na halos sabay nang lumaki, alam kong sa gilid ng kanyang paningin ay sa amin ang kanyang atensyon.
Mabagal niyang tinagpo ang paningin namin.
"What?" inosente niyang tanong.
Ramdam ko ang mga mata ni Devin sa mukha ko. Doon ako tinignan ni Daneen. Nagtatanong ang mukha niya sabay nguso kay Devin. Dalawang beses kong tinaas-baba ang aking kilay bilang sagot sa tanong niya na kami lang ang nakakaintindi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro