T W E N T Y T H R E E
Maaga akong nagising at hindi nagpaligoy-ligoy na dumiresto sa banyo upang maligo. Kung ibang araw lang ngayon, marahil gumagapang pa ako sa kama o 'di kaya'y hinihila ang aking paa para lang makagawa ng hakbang.
Pinatuyo ko na ang aking buhok at hinayaang magulo saka nagbihis. Kinuha ko ang maliit na blue box sa tukador at dinala sa aking pagbaba sa kusina. Kagabi ko pa ito binalot sa asul na fiber wrapper. Dinisenyuhan ko ng silver ribbon dahil bagay ito sa dark blue.
Kakapasok lang ni lola galing sa labas kung saan tantiya kong kakatapos niya lang mag-walis. Sa dami ng punog nakapalibot, hindi talaga siya mauubusan ng wawalisan araw-araw.
"Nag-pansit ka, La?" tanong ko nang madatnan sa hapag kainan ang isang malaking plate bowl ng pancit. Hinalo ang bihon at 'yong pasta sa noodle.
Binuksan niya ang ref at kinuha ang pitchel ng malamig na tubig. "Ah hindi, hinatid 'yan ni Eli. Ewan ko ba't ang aga nakapagluto ng batang 'yon."
Wala alam si lola na kaarawan ni Devin ngayon. Sino lang ba ang nakakaalam? It sucks if nobody even remembers a special day in your life.
"Baka nagluto siya bago pumalaot."
"Iyon nga rin ang sa tingin ko." Binaba ni lola ang baso pagkatapos uminom. "O sige na, maghanda ka na diyan nang makapag-agahan na tayo."
Kumuha ako ng tinidor at plato saka umupo sa pinakamalapit sa 'king upuan. Isang plato ang kinuha ko para kay lola Neng na naupo sa tabi ko. Nangangamoy dahon pa siya.
Bahagya kong binaon ang tinidor sa pancit, inikot-ikot saka isinubo. Masasabi kong may talent din si Devin sa pagluluto. Masarap ang pansit niya, tama lang ang timpla dahilan upang naparami ang kain ko.
Nagprisinta akong hugasan ang kinainan ni Lola. Sinadya kong lakasan ang paglagay ng plato sa lalagyan bago siya makapasok sa kuwarto niya. Lumabas ako at tinahak ang daan papunta kina Devin.
Pansin ko na kaunti nalang ang nakasabit sa puno. Palagay ko binibenta na, sigurado akong malaki ang kikitain dahil malalaki ang mga bunga at matamis. Sulit lang.
Kamuntikan na akong mapahinto sa paglalakad nang matagpuan si Astrid na nakasandal sa isang haligi sa porch ng bahay. For some reason, she's early. Mabagal akong nagpatuloy at unti-unting naaninag ang kasuotan niya; White shorts, tank top at high ponytail ang buhok. Sinara ko ang nakaawang kong bibig.
Nag-angat siya ng tingin, naramdaman ang aking papalapit na presensya. Tumuwid siya ng tayo at tinanggal ang pagkakahalukiphip. Rumehistro ang gulat sa mukha na niyang makita ako.
Nagawa pa niya akong pasidahan. Ngumuso siya at nagbalik ng tingin sa 'kin kasunod ang pagguhit ng matagumpay na ngisi. Naka-uniform ako ngayon, 'di katulad niyang bihis na bihis.
Tahimik akong lumapit sa pinto at kumatok. ko "Devin!"
"Tulog pa yata siya."
Nilingon ko si Astrid. Mabilis siyang umiwas sa mga mata ko at yumuko, pinagmamasdan ang sapatos na tumatapik sa kahoy na sahig. Hindi ko naman itatanggi na maganda siya. Mamula-mula ang pisngi. Maliit ang mukha.
Bumaba ang paningin ko sa suot niyang sapatos. Ito 'yong Vans sneakers kong luma na at hindi ko na masyadong ginagamit. Light gray ang kulay, tanging disenyo ang kulay violet na pumapalibot sa ibabaw ng puting midsole na bahagi ng sapatos.
"Ganda ng shoes mo," komento ko.
Nag-angat siya ng ngiti sa 'kin. "Bigay ng Lola mo."
Tumango ako. "I hope you like it."
She smiled and nodded.
"Ba't ka pala nandito?" Sumandal ako sa katapat na haligi na sinandalan niya.
Kanyang inipit ang mga labi na sigurado akong nilapatan ng lipgloss dahil sa kakaibang kislap nito. Nilagay niya ang buntot niyang buhok sa balikat at wala sa sariling pinaikot-ikot sa daliri ang dulong hibla.
"May lakad kami ni Devin. Hinihintay ko siyang lumabas. Tinext ko na rin naman siya na nandito ako," aniya. "Natulog yata siya ulit galing sa maagang pagluluto at pangingisda."
Pumalo ang aking kuriosidad. Sa dami ng sinabi niya, isa lang ang pinili kong saluin. "May lakad kayo? Saan?"
"Sa siyudad, papasyal kami sa mga mall doon. Kaarawan niya kasi ngayon."
Oh. I thought he's not into malls. That depends kung date ang pinag-uusapan.
"Kayo lang?" Hindi ko pinahalata ang pang-uusisa ko.
Tipid siyang ngumiti at tumango.
Bago pa ako makabuo ng opinyon ay bumukas ang pinto at iniluwa ang bagong gising na si Devin. Kinukusot nito ang antok sa kanyang mga mata.
Naputol ang kanyang pag-iinat at paghihikab nang patalon siyang nilapitan ni Astrid.
"Devin! Buti't gising ka na! Nakapaghanda ka na ba para mamaya?"
Bakas ang kalituhan (o baka naaalimpungatan) niyang sinundan ng tingin si Astrid na diretsong pumasok sa loob ng bahay na para bang dati na niya itong ginagawa, palagi at nakasanayan na.
Hindi ko napigilan ang paglobo ng inis at isang kakaibang pakiramdam na matagal na rin akong hindi binabalot. It's like history has repeat itself.
Nanigas si Devin nang matagpuan niya ako rito sa labas. Diretso ang tingin ko sa kanya. Nagtitimpi. Walang emosyon. Humahapdi at nanginginig ang ilalaim ng pisngi ko sa nagbabadyang luha na ayaw kong patakasin dahil hindi ito ang tamang oras.
"Sav?"
Hinagis ko sa kanya ang regalo ko na alerto at gulat niyang sinalo. "Happy birthday."
Hindi ko pa natapos ang buong salita ay tumalikod na ako't nagmartsa paalis. Muli niya akong tinawag, hindi ko siya nilingon. Sinubukan niya akong habulin, rinig ko ang pagsadsad ng kanyang tsinelas ngunit pinutol ang ingay sa isang pagmumura niya.
Hindi ko na inalam ang dahilan. Matulin lamang akong naglakad hanggang sa maramdaman kong nakalayo na ako't animo'y ginigiya ako ng mga dahon ng puno pabalik sa bahay ni lola Neng.
Ganito iyon eh. Ganitong-ganito iyon noon kay Royce! Matagal akong nanataili sa klase ng relasyong pumapagitna sa amin. Kami ni Devin, wala pang kami, pero ramdam kong may nag-iba sa aming dalawa at hindi ko itatanggi iyon.
Pero kung maulit lang naman ang naranasan ko noon kay Royce, ngayon pa lang kakalas na ako sa kung ano mang namumuo sa amin ngayon. Puputulin ko na ang pakiramdam na sana tinuloy ko nalang gawin bago pa humantong dito. Because like I said, Devin is bad news.
Dapat nagpakulong nalang ako sa pagbabanta ko sa sarili, pero sadyang binuksan nun ang kulungan at pinatakas ako upang mahantong ako sa sitwasyong ito. Kaya kumalas ka na Savannah habang maaga pa. Tatakbo na ako palayo bago pa ako makaabot sa dulo ng tulay at mahulog.
Wala akong direktang pruweba kung anong klaseng pagkakaibigan na meron sa kanila ni Astrid. Okay, magkaibigan sila. So what, di ba? Ngunit binase ko ang aking masamang kutob sa naranasan ko kay Royce. Kaya walang makakapag-husga sa mga iniisip ko ngayon at sa kung ano man ang magiging desisiyon ko sa hinaharap.
I'm not mad at Devin. I'm just pissed off at their whole friendship thing! Kung wala naman kasi akong history ng mga ganoong scenario, wala lang talagang magiging kaso sa 'kin ang kanina. I would truly understand.
But a guy and a girl with that closeness, and you're involved with one of them as someone you're likely to have a relationship with, just run away to the nearest exit, Savannah.
Hindi ito nakapigil sa 'king pumasok sa trabaho ngayon. Binubukod ko ang mga problema at iniwan sa bahay, mamaya ko na iyon aalahanin basta magawa ko lang nang maayos ang dapat kong gawin upang makabawi ako sa nangyari kahapon na pasimuno ni Brenna.
Ang hindi niya pagpasok ngayon ay isa nang malaking suwerte sa 'kin, maliban sa kabusugan gawa ng pansit ni Devin.
Tumabi sa 'kin si Ellaine sa counter na katulad ko'y nagbubukas ng softdrinks. Kumuha ako ng straw at sinaksak sa baso. Request ng customer.
"Suspended ba si Brenna?" tanong ko sa kanya bilang pagkumpirma sa hula ko ng kanyang pag-absent.
"Isang buwan daw. 'Yon ang rinig ko," aniya.
"Ang tagal,a. Wala nang warning?" Kumuha ako ng tissue at binalot sa bote ng softrinks.
Ngumiwi siya. "Hindi na dapat 'yon patawan ng warning. Diretso na suspension. "
Sabagay. Sinadya naman kasi niya, hindi lang basta aksidente na pinagpalit ang mga numero. Ibang tao pa pinahamak niya. Buti sana kung sarili niya.
People can do heinous things not just for themselves, they also do it for other people. May iba binabayaran, others do it to avenge, at meron ding mga katulad ni Brenna na ginawa iyon bilang suporta niya sa kanyang kaibigan. Imbes na pigilan ang kahibangan ng bawat isa, kinukunsinte pa nila. Friendship at its best!
Breaktime, hinarap ko ang nakabukas kong locker habang pilit na dinidikit ang sticker ng mukha ng aso sa likod ng aking phone case. Tinuyo ko ang namamasa ko na namang palad at inihipan na rin ang sticker bago muling dinikit.
Bumukas ang pinto, hindi ko na nilingon dahil si Pat lang naman 'yan. Aniya kanina, susunod siya rito upang mag-retouch ng foundation niyang tinunaw ng pawis.
"Pat, alam kong wala kang glue pero magba-baka sakali akong may dala ka," sabi ko habang dinidiin ang sticker na ayaw nang dumikit.
Nakaramdam ako ng init nang nilagpasan ako ng ceiling fan at tinuon ang hangin sa kabilang direksyon.
"Pat?" tawag pansin ko sa kanya nang hindi siya rumisponde.
Unti-unti akong pumihit upang harapin siya. "Patrick, may glue ka b—"
Seryosong Devin ang humaharang sa pintong nakasara na. Bumaba ang mata ko sa kamay niyang nila-lock ito. Lalo akong nanigas sa kinatatayuan. Bakit kailangan pa niyang i-lock ang pinto?
Isa pang dahilan kung bakit hindi ako sang-ayon sa ginawa niya ay dahil hindi ko na magagawang tumakas. Kung susubukan ko man ay mapipigilan niya ako. Maliit lang 'tong employer's lounge, mahaba ang mga braso ni Devin, not to mention na matangkad pa siya kaya mabilis niya lang akong mapipigilan.
Yes, I've already done the math. Escape plan failed.
Tumalikod ako at binalikan ang sticker at ang phone. Wala sa sarili kong pinupukpok ang ulo ng aso sa phone case.
Kaunting hakbang niya ay naririnig ko kahit kakumpetensya pa nito ang kaingayan ng ceiling fan at ingay ng mga dumadaan sa hallway sa labas.
"Sav..." mababa na malumanay ang boses niyang sambit.
Kinalabit niya ako sa balikat. Hindi ako lumingon. Kiniliti niya ako sa tagiliran. Hindi ako nag-react. Wala naman kasi akong kiliti.
"Sav, talk to me..."
Hindi nag-react ang bibig ko, imbes ay ang balahibo ko lang sa leeg na ngayo'y nananayo sa pag-tama ng mainit niyang hininga sa aking batok. Ang anino niya sa harap ko ay umangat, parang sinisilip niya ang aking ginagawa.
Uminat ang katahimikan na hindi ko alam kung gaano katagal. Palagay ko'y sakto lang upang matapos ang isang buong kanta at mangalay ang aking paa ko. At sakto upang masira ko na ang sticker ng ulo ng aso.
Nainip si Devin. Sinara niya ang locker at nilapat ang kamay niya sa pinto nito. Mas lumapit siya't sumandal patagilid upang tuluyan akong madungaw. Nakasandal ang gilid ng kanyang ulo sa braso niyang nakadikit sa locker.
Sa karampot na galaw, sumingaw ang kanyang bango at nakiisa sa hangin na inaanod papunta sa ilong ko.
"Savannah Brielle..." garalgal ang kanyang boses. Walang pagbabanta, simple niya lang akong tinawag.
"I wasn't being cheated on," biglaan kong pahayag. May tamlay sa boses ko.
Malalim akong humugot ng hangin. Sa maikling pahayag na iyon, ewan ko kung bakit ako hinihingal.
Ang pananahimik ni Devin ay senyales na nais niya akong magpatuloy. Sa ginagawa kong paglalaro ng nalukot nang sticker sa mga daliri ko, doon ko nagawang makapag-isip ng sasabihin.
"Never been cheated, but it seems like it. It was close to cheating. Bestfriend at ex niya, Devin. Magkaibigan kayo ni Astrid. Close kayo..."
Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang gusto at ibig kong ipagkahulugan. But since Devin is smart, naiintindihan niya kahit hindi ko na palawakin ang buong detalye.
"Me and Astrid are not best friends, and definitely she's not an ex. Hindi na mauulit ang nangyari sa'yo, sisiguraduhin ko 'yan." Napaligiran ng determinasyon ang bawat salita niya.
"She's still your friend Devin—"
"Shh..." mariin niyang putol sa 'kin.
"Kaibigan mo siya—"
"Shh..."
"Devin—"
Malakas niya akong kinabig sa braso ngunit maingat na sinandal sa locker.
"Shut it, Sav," mariin niyang sita. Dinikit niya ang isang kamay sa locker sa gilid ng ulo ko upang itukod ang sarili.
Hindi ko matukoy ang mga naglalarong emosyon sa mga mata niya. Nadi-distract ako sa mahaba at mabigat niyang pilikmata na animo'y dinidikit sa balat na nakapaligid sa malalim niyang mga mata.
Merong inis, nababasa ko rin ang katapangan na hinaluan ng malasakit, lungkot at sinseridad. Hindi ko alam kung paano niya nagawa 'yon, o baka sadyang ganoon lang ang natural na talento ng mga mata niya. Kaya nitong magpahayag ng mga halong ekspresyon.
"Kaibigan ko siya pero hanggang dito lang. " Tinama niya sa kanyang baywang ang gilid nang nakataob niyang kamay. "Ikaw, nandito ka na, Savannah." Kinuha niya ang kamay ko't dinikit sa kaliwa niyang dibdib. "And this isn't even plainly friendship. Dito ka na eh, lumagpas na."
Marubdob at may diin ang paraan ng pagkakasabi niya sa mga huling salita na sumasalamin sa pinta ng kanyang mukha. Naglitawan ang ugat niya sa sentido.
"Naiintindihan mo ba ako?" Maigi niya akong tinitigan, umaasa ang mga mata niya.
Hindi ako nakaimik. Nagbaba ako ng tingin sa kamay kong nasa dibdib pa rin niya. Ramdam ko ang malakas na pagkabog nito. Sa sobrang lakas animo'y may malaking pulso na tumitibok sa palad ko.
"Eyes, Savannah. Eyes on me. I need you to understand this."
Nagawa ko siyang sundin dahil sa kastriktuhan ng kanyang boses. Reminds me of my elementary school teacher, noong unang beses akong pinagalitan dahil hindi ako nakikinig sa lecture.
"Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko? We're not just talking about the language. I'm referring to what I said earlier. Naiintindihan mo ba iyon?" mas maingat niyang tanong, parang pinapaintindi niya sa 'kin ang bawat salita.
Like his life depended on me understanding his Every.Single.Word.
Yata. Tumango nalang ako. Naiintindihan ko yata pero mas pinagtutuunan ko kasi ng pansin ang kamay kong nasa dibdib niya. Ang pagkabog nito ay sumasabay rin sa pagtibok ng puso ko.
Hindi sapat ang hangin sa ceiling fan upang maging normal ang aking paghinga, kaya isa rin ito sa pinagtutuunan ko ng atensyon, maliban sa nakaka-distract niyang mga mata.
"Sav," kinuwadro na niya ang pisngi ko. Naggagarantiya ng atensyon ang tono niya. "I'm not good in words kaya kailangan kong ipaintindi sa 'yo ng ganon. Naiintindihan mo ba talaga ako?"
May kaunting inis, inip, at walang kasiguraduhan ang tanong niya. Muntik na akong matawa dahil sa kanyang naiinip na reaksyon na hinaluan ng pag-unawa pero alam kong hindi niya pagsasawaang ipaintindi ulit sa 'kin iyon.
Lumuwang ang ekspresyon niya sa aking pagtango. Mukha ring lumuwang ang kanyang pakiramdam, tahimik na nagpapasalamat.
"Natuloy ba kayo ni Astrid?" 'Di ko mapigilang tanungin. Bakit matagal bago niya ako pinuntahan at sabihan lahat nang ito?
Tikom bibig siyang umiling. "Wala akong alam sa lakad na sinasabi niya. Sinadya kong patagalin na kausapin ka. I gave you time to cool down your temper. Baka magsigawan lang tayo kapag minadali ko ang pakikipag-usap sa'yo."
Lihim akong sumang-ayon. Sa inasta ko kanina, para ngang sigawan at away ang uuwian namin. Hindi man ako galit sa kanya, may pagsugpo pa ring nabubuhay sa loob ko na makaka-apekto sa aking mga kilos at desisiyon.
Pikit-mata niyang binagsak ang kanyang noo sa noo ko. Nakikiliti ako sa matangos niyang ilong. Nabibingi ako sa ingay ng mga paghinga namin.
"Sagutin mo na kasi ako para magkaroon ka na ng karapatan sa 'kin. Pero kahit ngayon pa lang, noon pa man, nakareserba na itong karapatan mo, Savannah. Hindi pa lang naa-activate. Pero maaari ka nang magkaroon ng pakialam sa 'kin. Sa atin. Sila, wala silang pakialam sa atin. Hindi ko sila bibigyan ng karapatan. Hm?"
Ramdam ko, puno ito ng sinseridad dahil sa halos pabulong na pagkakasabi niya, bahagya pang namamaos ang kanyang boses.
Inangat ng hintuturo niya ang baba ko upang matingala ko siya. "We good?"
Umaasa ang mga mata niyang nakadungaw sa 'kin. Hindi ko siya binigo sa pagtango ko. Savannah, magsalita ka!
Dinikit niya ang kanyang pisngi sa aking ulo't niyakap ako sa baywang. Hanggang ngayon ay para pa rin akong ikinulong sa bloke ng yelo. Hindi ako makagalaw at makapagsalita.
"Haay...babae ka. Naka-isang date pa lang tayo huwag kang ganyan. Baka pilitin kitang i-promote akong maging boyfriend mo. Baka hindi ko kayanin. Magwawala talaga ako."
Iyon lang. Iyon ang gumiba ng bloke at pinatakas ko ang aking tawa. Ngayon ko lang napagtanto, na hinila niya ako pabalik sa dulo ng tulay. Lumuwang ang kapit ng desisiyon ko kanina't tuluyan na akong tinakasan nito.
Nainip ulit si Devin. Siya na ang kumuha ng kamay ko upang ipulupot sa leeg niya. Clingy?
Maikling pinutol ang sandaling iyon sa pagkatok sa pinto. Kumalas si Devin, inis siyang nagkamot sa ulo sanhi nang paggulo ng buhok niyang mabilis talagang tumatayo lalo na't nahahanginan.
Ako ang bumukas ng pinto. Halata ang surpresa ni Daneen nang madatnan kami.
"Ay hala! Sorry, nakaistorbo yata ako."
Umiling ako. "Hindi, okay lang."
"Oo nga Daneen, nakaistorbo ka nga. Muntikan na eh," biro ni Devin. Siniko ko siya.
Hindi sa sinabi ni Devin nakatuon ang atensyon ng pinsan ko. Bigla siyang lumapit sa kanya at may hinawakan sa leeg nito.
"Ay...kanino galing 'to?" tanong niya habang sinusuri ang kwintas. Nasuot na pala niya. It's the dolphin pendant na pinabili ko. Silver, pero aqua blue ang kulay ng katawan nito. Luma na kasing tignan ng dati niyang kwintas.
"Bigay niya." Ninguso ako ni Devin.
"Aww...ang ganda. Saan mo binili, Sav?"
Inosentang namilog ang mga mata ni Daneen. Sa likod ng tanong niya, nakapaloob ang pang-uuyam. Pati ngisi niya sa 'kin ay may sarcasm.
Ngumuso ako, pinigilan ang bibig kong magsalita ng pagbabanta sa kanya. Alam na niya iyon.
Bigla siyang tumawa at iniwan kami na hindi man lang namin alam ang sadya niya. Hanggang sa labas ay umaalingawngaw ang kanyang tawa.
"Ang weird niya," komento ni Devin sa tabi ko.
"Ngayon mo lang napansin? Noon pa 'yon," sabi ko.
Hindi ko alam kung hinarap ko siya, o pinaharap niya ako sa kanya. Maybe both, basta magkaharap na kami ngayon.
Nagpi-pigil siya ng ngiti. "So, we're good? You're talking to me now."
Inangat niya ang kamay at hinawakan ang dolphin pendant sa bago niyang kwintas. Dinala niya iyon sa kanyang labi upang halikan na hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko.
Yeah, I think we're good. For now.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro