T W E N T Y S E V E N
Tulala akong nakasandal sa pader katabi ng pinto ng kwarto ko, nakamasid sa pag-uusap nila tungkol sa funeral arrangements. Turns out, lola didn't suffer any suspicious injuries. That's according to the preliminary autopsy report released days after her death.
Biglaan kasi ang pagkamatay at wala kaming mahanap na dahilan kaya nagpasagawa sila ng autopsy. Wala naman siyang dinaramdam na sakit maliban sa tuhod niya. That much we know of. Pending pa ang full report na magtatagal pa ng mga dalawang buwan.
Inalala ko ang mga pangyayari nang araw na iyon. Una kong tinawagn si ate Dorsi dahil siya ang pinakamalapit na kamag-anak kong nandito. Agad naming pinatawag ang ambulansya sa clinic upang magdala sa amin sa pinakamalapit na ospital. Habang nasa ambulansya ay umiiyak kong tinawagan si papa tungkol sa nangyari.
Mag-hahating gabi na pero hindi man lang ako nakaramdam ng antok. Hindi ako makatulog dahil sa kada pikit ko ay mukha ni lola ang nagpapakitang imahe. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang lamig ng katawan niya. Ang walang kakulay-kulay niyang balat.
I've seen deaths in hospitals before. I've witnessed deaths from relatives. Pero iba pa rin kapag malapit sa 'yo ang nawala. Tanging maiisip mo nalang ay ang pag-uusap niyo kahapon, o 'yong tawa at saya niya, tapos biglang ganito. Wala na siya.
Ang hirap paniwalaan. Animo'y may tinanggal na malaking parte sa 'yo pero sa kabila nito ay ramdam mo pa rin ang kabigatan ng loob. Kahit ilang buntong hininga ay hindi lumalabas, parang habangbuhay na siyang naka-imprinta sa 'yo.
Hinawi ang alon ng pag-iisip ko sa mahinang pag-ring ng aking cellphone. Muntik ko nang makalimutan na may cellphone ako kung 'di lang nag-ring. Wala akong maisip tawagan, nawala na yata ang pakialam ko sa mundo dahil sa kawalan ko ako nakatuon.
"Hello..." halos naging bulong iyon.
"Sav...?" maingat at malamyos ang boses ni Devin.
Tiningala ako ni papa mula sa baba. Pakiramdam ko ayaw nila ng ingay at respetuhin ko ang pagdadalamhati nila kaya lumayo ako roon at pumasok sa kwarto. Umupo ako sa bintana at tinatanaw ang malawak na damuhang nakapalibot.
"You saw it..." aniya, hindi tinanong. Kung paani niya nalaman, marami siyang kakilala upang sabihan siya sa nangyari.
Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Hindi ko yata kayang magsalita.
"Nasa bahay ka na?" Umaasa ang boses niya.
"O—" Tumikhim ako upang alisin ang malaking bara sa 'king lalamunan. "Oo..."
Tahimik ang paligid maliban sa minsa'y pagdaan ng mga motor sa 'di kalayuan. Permanente naman ang mahihinang boses nila papa sa baba at ugong ng electric fan.
Animo'y malakas akong inihipan ni Devin ng hangin sa tenga sa pagbuntong hininga niya. Mukha siyang pagod. Inaalala rin niya ang nangyari sa kaibigan. Nais kong itanong ang tungkol sa kanya para malipat ang topic at mawala ang bigat sa loob ko dahil sa pag-iisip kay lola.
"Anong balita sa kay Ivor?"
Pang-ilang buntong hininga na ito ni Devin. Mukhang pareho pa namin pasan ang mundo ngayon.
"Ewan ko doon. Tinutulungan ko na nga, sabi niya hayaan ko na raw. Tinatanggap niya ang pagde-demanda ng mga Zamorano sa kanya."
Lumangitngit ang kung ano mang hinihigaan niya.
"Si Pastor William? Hindi ba masisira ang imahe niya dahil kay Ivor?"
"Wala na silang magagawa. Malakas ang laban ng mga Zamorano. Katamtaman lamang ang estado nila Ivor."
Napahinga na rin ako ng malalim. Nadagdagan pa yata ang inaalala ko at malayo ang pagtulong nitong pagaanin ang aking loob. Mahirap talaga ang paghahanap ng hustisya.
Nilingon ko ang pag-tawag sa 'kin. Niluwa si papa nang bumukas ang pinto. Kita ko ang pamamaga ng mga mata niya nang tumapat sa ilaw ng kwarto.
"Hello Devin, tinawag ako ni papa..." Nagsimula na akong bumaba sa bintana.
"Oh, okay. Bye..."
Mga alas-dos ng hapon ay dumating ang kabaong at sinundan ng mga bulaklak. Nakaayos na ang espasyong paglalagyan. Nakapamili na rin ang mga tita ko para sa pa-snacks dahil mamayang gabi na sisimulan ang unang araw ng lamay.
Tumulong ako sa pagpapasa ng mga pagkain sa mga bisita pagkatapos ng misa na isinagawa ni Pastor William. Mukhang hindi naman siya nagpapa-apekto sa issue sa pamilya niya dahil nga sa pagkakakulong ng kanyang anak. Isa rin 'yon sa mga tinutugunang usapan ngayon dito sa lugar.
"May kape ba kayo iha?" tanong ng isang matanda na nakita ko noong birthday ni lola.
"Ah, opo." Tumungo ako sa katabi ng dispenser kung saan naroon ang mga sachet ng kape. Gumawa ako at binigay sa matanda.
"Daneen, paki-distribute ng crackers doon." Turo ko sa mesa kung saan may naglalaro ng mahjong.
Kailan lang ay nandirito ang parehong mga bisita dahil sa pagdiriwang ng buhay. Ngayon ay narito sila upang magluksa sa patay.
Pagod na pagod na ang katawan kong sumampa sa kwarto kinagabihan. Maingay pa rin sa labas gawa ng mga naglalaro ng mahjong at baraha. May mga nagtsi-tsismisan pa rin hanggang ngayon tungkol sa pagkamatay ni lola. Pagod akong sagutin ang mga tanong nila na paulit-ulit.
Pinakamasaklap ay iyong narinig ko na baka raw ako ang pumatay. Muntik ko nang ibalibag sa kanya ang mesa at buhusan siya ng kumukulong tubig!
Nagluluksa na nga ako, ako pa pagbintangan. Hindi nila alam ang naramdaman ko noong nakita kong nakabulagta siya sa sahig at wala nang buhay.
Gising pa rin ang ibang mga tita at tito ko kausap ang isa sa mga Zamorano na nakiramay. Pagkalabas ko ng kwarto ay natutulog na si tito Arwan sa sofa, sa harap ng kabaong ni lola.
Tiningala ko ang wallclock sa pader sa pagitan ng dalawang kwarto. Kaka-alas dos pa lang.
Hindi ko kayang dumungaw sa kabaong at pati na sa picture, pinapaalahanan pa rin ako nito. Diretso akong bumaba sa hagdan na hindi iyon nililingon.
Umupo ako sa nakaangat na semento rito sa kusina kung saan ako umupo noong unang araw akong maglaba rito sa bahay. Nang mga oras na iyon, nasa sala si lola at nanonood ng balita. Parang kahapon lang iyon nangyari.
Sinandal ko ang aking ulo sa pintuan. Doon na ako nagsimulang tumunganga, 'di magtatagal ay makakatulog na ako dahil panay na ang paghulog ng aking takipmata. Inalala ko kung nakatulog ba talaga ako simula kahapon. Sa tingin ko hindi.
Ni-hindi ko maisagawa ang pagkagulat ko nang may biglang kumuha sa aking kamay. Malambot ang ekspresyon ni Devin na nakadungaw sa akin, na pati rin ba siya'y ipinagluksa ang pagkawala ni lola Neng. Sabagay, naging malapit rin sila. Tinuturing na rin niyang apo si Devin.
Malungkot siyang ngumiti.
"Sa bahay tayo..." malumanay niyang anyaya. Umangat ang dalawang kilay niya. "This stresses you too much. You need sleep."
Sounds tempting. Sleep sounds really tempting right now. Hindi ako makatulog rito dahil sa ingay ng mahjong.
"Sandali lang..."
Bumitaw ako sa kamay niya at nagpunta sa labas. Padarag ang mga hakbang ko na pati yata paa ko ay kailangan nang matulog. Nahagip ko si Daneen na nakikipaglaro ng baraha kina Rory, Asa, Miles at Dalton. Nagkakape naman si Mozes sa gilid. May kasama pang crackers.
"O, alas na 'to!" ani ni Rory sabay bagsak ng mga baraha niya.
Umikot ako at lumapit kay Daneen na nakasimangot sa kanyang baraha.
"Kina Devin lang ako," bulong ko sa kanya.
Tanging tango ang sagot niya. Umalis na ako roon at sumama kay Devin.
Incandescent ang ilaw sa cabin niya, mas naging marangya itong tignan dahil nagmumukhang ginto ang mga kagamitan.
Dahil madaling araw ay pinatay niya ito, namali kasi siya ng pindot ng switch. Sa porch talaga ang nais niyang pailawan.
Umakyat kami sa kanyang kwarto. Naka-ilaw na ang lampara sa bedside table. Hindi ko nakita ang inasahan kong makita na family picture frame. Ganon ba siya kagalit sa kanila na ni picture nila ay wala siya?
Diretso akong sumampa sa malambot niyang kama. Hindi ko na kaya pang-igala ang paningin ko sa buong kwarto sa labis na pagkahapo. Isa lang ang napansin ko, puti at manipis ang kurtina sa bintana niya.
Ramdam ko ang paggalaw ng kama nang sumampa rito si Devin. Patagilid akong humihiga, nasarapan ang pisngi ko sa kalambutan ng unan. Naaamoy ko pa ang shampoo niya.
I'm aware of Devin's an inch near presence. Pinapaypayan ako ng bawat hangin na lumalabas sa kanyang ilong. Antok akong dumilat nang humaplos ang kamay niya sa aking pisngi. Namumungay ang mga mata niyang humahalik sa aking paningin.
"I love you, Sav..."
Tinakbuhan ako ng antok sa sinabi niya. Lahat ng pagod ko ay naging kaba. Namilog ang mga mata ko't mabilis na umupo sa kama.
Agad sumunod si Devin na binalik ang kamay sa pisngi ko. Palagay ko'y hindi ito ang tamang oras upang ipagdiwang itong pinagtapat niya. May pinaglalamayan ako!
Mabigat ang pag-angat ng isang sulok ng kanyang labi.
"Bad timing, right? I just thought that if I say it a little too sooner, mapapagaan nito ang loob mo, kahit kaunti. Lola Neng would understand," magaan ang boses niyang sabi. Medyo namamalat pa ang kanyang boses.
Hinila niya ako pabalik sa pag-higa. Sa pagkaka-tunganga ay napasunod ako at bumagsak. Hinila niya ako papalapit hanggang sa mahiga niya ang ulo ko sa dibdib niya. Nabingi ako sa malakas na pagkabog doon, tila ba itinapat ito sa dalawang malalaking speakers at sumasabay sa tibok ng puso ko.
Sumiklab lahat ng napagtanto. This realization has just been waiting to be woken up. Ang pagtatapat ni Devin ang gumising sa napagtanto ko. Kung bakit hindi ko magawang balikan si Royce.
Dahil kung nasa ibang sitwasyon lang ako, uulit-ulitin ko lang ang pagkaka-kulong ko sa relasyon namin. Babalik ako sa rehas na siya mismo ang may-ari. But Devin came into the picture. Out of the blue, blue ocean...
Sa pinaghalong emosyon ay nahihirapan akong huminga. Hindi ko alam kung magiging masaya ako dahil rito, but at the same ayaw kong kumawala sa pagluluksa kay lola bilang respeto.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa oras na ito. Sumasakit ang dibdib ko na pati ba ito ay nagsagawa ng pagtatalo kung saang panig ng emosyon ako dapat dumadama.
"Hindi ko magawang balikan si Royce..." mahina kong panimula. Yumakap ako sa baywang niya at mas siniksik ang mukha sa kanyang dibdib. "Kung hindi ka dumating sa buhay ko siguro mababalikan ko siya....Kasi Devin—"
"Shh...not now. Baka hindi na kita pauuwiin. Multuhin pa ako ni lola Neng dahil dinala kita rito imbes na nandoon tayo sa lamay niya." Mahina siyang tumawa.
He sounds tired, pero pilit niya itong pinipigilan upang makapagsalita.
"And Sav..." pahabol niya.
Tiningala ko siya. Dinungaw niya ako at inalis ang tumatakip na kurtina ng buhok ko sa mukha. Kasunod ang pagpadaan niya ng daliri sa tulay ng aking ilong. Kinuwadro niya ang aking pisngi upang panatilihin ang pagtingala ko sa kanya.
"Actions justify your words. Kung sinabi mo na, tapos ay gagawin mo pa, mas naging makatotohanan iyon. Kaya kung gagawin mo iyong dalawa, Savannah, baka hindi na kita papakawalan. Itatali na kita rito sa bahay. Baka pakakasalan na kita. Ikukulong na kita rito. Kasi sa simula pa lang, sinabi ko na sa'yo, gusto ko nang pangmatagalan. And I mean it, Sav. I mean those words even on the first day I said it."
Maigi siyang nakatitig, nangungumbinse ang mga mata niyang paniwalaan ko bawat salita niya.
Paano ba mapapatunayan ang sinseridad ng isang tao? Kapag ba naluluha ka? Sa nag-uumapaw na pakiramdam ay iyon ang kinalalabasan kaya masasabi mong totoo ang pinapakita't sinasabi niya? Kasi ngayon lang ako naluluha ng ganito dahil sa sinabi ng isang tao.
Not even with Royce. He told me he loved me several times pero hindi ako nagiging ganito ka-emosyonal. Sana hindi lang ito dala ng pagkawala ni lola Neng.
Pinunasan ko ang namamasa kong mga mata sa sando ni Devin at suminghot. Muli akong naluha nang makita ang tipid niyang ngiti at namumungay niyang mga mata.
"Anong gusto mong gawin ko? Say it? or Act it?"
"Act it," bulong niya.
Inangat ko ang sarili at buong-puso siyang hinalikan. Dahil ito lang ang tanging mailalarawan ko sa halik ko, at sa halik niyang sinusuklian ang pantay na sinseridad, o mas higit pa.
Kinuha niya ang kamay ko at may isinuot sa 'kin. Isang silver twist tie na karaniwang binubugkos sa plastic ng mga tinapay upang i-secure. Ni-ribbon niya ito sa aking palasingsingan.
"Iyan, kasal ka na sa 'kin. Meron din ako." Pinakita niya ang kamay niya sa 'kin at meron nga roong hawig ng pagkakatali niya sa daliri ko.
" 'Di mo ako hinayaang isuot sa 'yo," natatawang sabi ko.
" Maya na, kapag totoong singsing na 'to..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro