T W E N T Y O N E
Hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta ni Devin. Tahimik lamang akong tumatanaw sa mga nadadaanan namin. Mainit man dahil hapon ngayon at matapang ang araw, binawi naman sa sariwang hangin na humihele sa 'kin ngayon.
Inanunsyo nang pag-hina ng takbo ng motor na malapit na kami sa destinasyon hanggang sa pinarada niya ito kasama ang iba pang nakahanay na private cars at mga vans.
Isang trail path na may disenyong tiles na gawa sa marmol ang naglalaman sa entrance. Sa kaliwang bahagi ay nakahilera ang mga palumpong at sumisilip ang isang high area na parang burol na inookupahan ng maninipis na sanga.
Hindi lang nagtapos doon dahil sumunod ang bo0ardwalk na may handrails na gawa rin sa kahoy. Pumapaligid ang mga berdeng halaman at mga puno karamihan ay niyog. Sa kaliwa ay binasa ko ang signage na nakadikit sa manipis na sanga ng puno.
"Bojo River..." Nilingon ko si Devin sa tabi ko. "Maliligo tayo? Wala akong dalang swimsuit."
Mahina siyang tumawa. "Hindi tayo maliligo."
Binalik ko ang paningin sa harap saka tinanggal ang cap. Nilugay ko ang aking buhok na sinadya kong ikulong kanina sa ilalim ng cap upang hindi magulo habang bumibiyahe.
Dumikit si Devin at inamoy ang buhok ko. Hindi pa nakuntento at pumulot pa ng hibla at dinikit sa ilong niya.
"Bango," komento niya.
"Siyempre naman," kampante kong wika. Ngumisi siya't piningot ang ilong ko.
Marami nang nag-aabang na mga tao sa receiving area pagkarating namin. Kinuha ni Devin ang kamay ko't hinila ako sa kaunting kumpulan ng mga tao. May lalakeng naggigitara at mga babaeng naka-costume ang kumakanta ng folk song.
Hinila ako ni Devin at isinayaw. Pinatigil ko siya sa pagkurot ko sa kanyang tagiliran dahil nahihiya ako. Sa amin ang atensyon ng mga tao na inaasar pa kami.
"Kuya Regi!" bati niya sa kung sino sa likod ko.
Kasing-edad lang yata o mas matanda nang kaunting taon kay papa ang papalapit sa aming lalake. Ngilan ang mga nakikita kong kahawig ng shirt niyang yellow green na paniguradong uniporme nila.
"O, sakay na kayo." Tumango si kuya Regi sa ilog. "Kanina pa naghihintay si Atong doon sa baba."
"Geh, salamat po." Hinila na ako ni Devin papunta sa mga nakasabit na life jackets sa handrails ng boardwalk na pababa sa riverside ang anggulo. Sa mabatong parte ng riverside sa baba ay nakaparadang mga bangka na matiyagang naghihintay ng mga sakay.
"Hindi tayo magbabayad? Ba't nauna tayo?" sunod-sunod kong tanong. May nakita kasi akong mga naghihintay roon na nakakunot-noo, nagtataka o naiinis na inuna pa kami na bagong dating.
Kumuha si Devin ng life jacket at isinuot sa 'kin. "Nagpa-reserve ako. Bayad na rin 'yon."
Umangat ang dalawang kilay ko, medyo nasurpresa. So pinaghandaan talaga niya ito. Maaaring bago pa siya nanghingi ng permiso kay lola ay nagbayad na siya at nakapagpa-reserve.
Pero akala ko ako ang may utang? So dapat ako ang magbayad para rito.
"Magkano?" tanong ko. Kinakabit na niya ang mga strap ng life jacket ko.
"Huwag mo nang alamin." Parang naiinis ang tono niya, pero may multo ng ngiting sumilay sa kanyang labi.
Pagkatapos isuot ang life jacket niya ay kinuha niya ang kamay ko't bumaba na kami. May nakaabang sa dulo na naka-yellow green shirt at isang bangka na may isang sakay, siya yata si Atong. May nagtutulak sa bangka upang mas mapalapit pa ito sa boardwalk.
Maingat akong humakbang sa bangka na bahagyang umuugoy. Sa dulo ako umupo, salungat sa tinatayuan ni Atong. Tamad kong pinagpahinga ang mga braso sa gilid ng bangka.
"Tayo lang ang sakay?" tanong ko kay Devin nang makaupo na ito.
"Oo naman," siguradong tugon niya.
Mas na-excite ako nang lumarga kami. It feels like being one with nature, dahil napapaligiran kami ng purong berde na mga puno at mangroves. Para itong isang sikretong lugar dahil mukhang liblib talaga, katulad ng tagong baybayin.
Tinagpo ko ang aking mga kamay sa tubig at kasabay ng bangka ay pinatakbo ko ito sa river bed. Nagsiklop ako ng tubig at natunghayan ang kalinisan at kalinawan nito. Parang pwede itong inumin o imumog!
Bago ko pa masubukang ilapit ito sa aking bibig ay pinigilan na ako ng aking napagtanto.
"Devin, wala bang buwaya rito?"
Feel ko sa ilang segundo lang ay biglang lumitaw ang nakangangang bunganga ng buwaya na handa nang lapahin ang kamay ko!
Nagtawanan sina Atong at Devin. Pinakamalakas ang kay Devin na hinugot pa talaga mula sa bituka ang tawa niya. Mabulunan sana siya sa sisiksik na langaw sa kanyang lalamunan.
"Walang buwaya, Sav. Kung meron man, matagal nang nailipat sa zoo," natatawang pahayag niya.
Napangiwi ako. Edi wala, mukha kasing meron lalo na 't maraming mangroves. Ganon ang mga nakasanayan kong nakikita na scenario lalo pa't nasa liblib na kami na bahagi ng ilog.
"Paggupit na kaya ako. Ano sa tingin mo?"
Binalingan ko si Devin na pinaglalaruan ang buhok niya. Humihila siya ng makapal na hibla saka niya ginugulo at minsa'y minamasahe niya ang kanyang ulo.
Pansin ko ngang humahaba na ang kanyang buhok kesa sa unang kita ko sa kanya. Umabot na hanggang ilong ang kanyang bangs. Tumatagpo na rin sa collar ng kanyang shirt ang dulo ng buhok niya sa batok.
Ba't ba ang bilis humaba ng buhok ng mga lalake? Ganon din sina Mozes at kuya napapansin ko.
"Ikaw bahala, buhok mo iyan eh."
Pasalit-salit ang mga kamay niyang sumusuklay sa buhok niyang nasa gitnang bahagi ng ulo upang maiwas ito sa kanyang mukha. Inabot ko sa kanya ang kamay kong may naka-pulseras na pampusod. Kinuha niya 'yon saka itinali sa buhok niya.
Nagmukha siyang samurai dahil may tumakas pang hibla sa likod. Ang taas kasi ng pagkakapusod niya like he's trying to make a high-ponytail of his hair.
Buntong hininga niyang binagsak ang mga braso. I know the feeling, nakakangalay talagang magtali ng buhok.
Matagal niya akong tinitigan bago pinatakas ang mga salita. "Trip mo ba mahabang buhok sa lalake? Kasi kung oo hindi na ako magpapagupit."
Makapal ang buhok niya, medyo wavy. Sa sikat ng araw ay makikita mo ang kalambutan nito. 'Yong feeling na tuloy-tuloy ang pagdulas ng mga daliri mo sa bawat hibla, hindi humihinto dahil sa kalambutan.
Pwede sa kanya ang undercut, but that's too common. Marami na akong nakikitang naka-undercut hairstyle sa mga lalake ngayon. Why not short cut na buhok, but not too short. Saktong ikli lang in a way na magugulo pa rin niya ito. I like guys with messy hair. 'Yong tipong effortless na magulo, laid-back ang dating.
"Maikli na pwedeng nagugulo," satinig ko sa aking iniisip.
Halos magtagpo ang pintuan ng mga pilikmata niya sa ginawang paniningkit ng mga mata. "Sinong gugulo sa buhok ko? Ikaw o ako?"
"Hangin," agaran kong sabi.
If I know, iba na naman ang nasa isip niya. I heard warning bells of Devin's innuendos outloud.
"Timing ang punta niyo ngayon Eli dahil asul ang ilog at hindi ang kadalasang berde," ani pa ni kuya Atong habang nagsasagwan.
Sa payat niya, hindi kaya mabali ang buto niya sa ginagawa? Mas makapal pa kasi ang sagwan kesa sa kanyang mga braso. Pero infairness ang lakas niya.
May nahuhulog na rin kayang taga sagwan rito? Nakatayo lang kasi sila. Wala bang sadyang tinulak ng isang turista? Kung meron siguro pinagbayad sila ng mahal.
"Sinakto ko talaga na ngayon kami pumunta kuya Ats dahil high tide, asul ang tubig," wika ni Devin. Prente siyang nakasandal at nasa gilid din ng bangka pinagpahinga ang mga braso.
"Paano mo alam na high tide?" tanong ko.
"Kalendaryo." Ngiwi siyang dumukot sa kanyang bulsa at nilabas ang itim niyang leather wallet. "Diyan muna 'yan sa bag mo. Sakit sa pwet."
Kinuha ko ang hinagis niyang wallet sa 'kin. Bilang curious na babae ay binuksan ko ito at bumungad ang kanyang 2x2 picture na may nakapaskil na dalawang impormasyon sa baba. Dalawang impormasyon lang. Pasali-salit ang tingin ko sa kanya at sa mukha niya sa id upang kilatisin ang pagkakaiba.
Ganon pa rin ang buhok niya sa buhok niya ngayon. Mukhang tamad talaga siyang magpagupit.
Devin Eleazar B. Revilloza. Birthdate niya ay June 10? That would be next week, the day bago ang birthday ni lola Neng.
Nag-angat ako ng tingin kay Devin na mukhang malalim ang iniisip habang nakatingin sa harap. Nagsalita si kuya Atong at nahantong sila sa pag-uusap.
Pupuntahan kaya siya ng pamilya niya sa birthday niya? Siya lang ang mag-isa sa bahay and it would be super lonely to celebrate your birthday alone.
I know para sa iba hindi iyon big deal, tinatrato nila ang kaarawan nila bilang ordinaryong araw pero kasi iba sa kaso ni Devin. He's living alone. Hindi niya nabanggit ang pamilya niya maliban sa kanyang kapatid.
If my birthday's forgotten at ako lang ang nakaalala, to be honest magiging sensitive kapag ganon. Devin doesn't look like a sensitive person, minsan nga lang matampuhin. To know that someone remembers one single thing about you ay malaking bagay na sa iba. Kahit ako, I wouldn't need a gift as long as I am being remembered. Material things won't matter. Memories do.
Sinilid ko ang wallet sa bag saka kinuha ang cellphone ko. Hinanap ko ang pangalan ni Daneen sa inbox saka nag-tipa ng text.
Me:
D! punta kayo rito sa birthday ni lola?
Humangin ng malakas. Siniklop ko ang aking buhok sa kaliwa kong balikat. Kasabay nito ang hiling ko na sana maka-reply si Daneen. Madalas pa namang walang load 'yon.
Kumabog ang dibdib ko nang tumunog ang aking phone. May load siya!
Daneen:
Yep, why?
Sandali kong nasulyapan si Devin na ang sama ng tingin sa 'kin. Tumawa ako.
I think I heard him growl.
"Sino 'yan?" Malinaw ang kanyang inis. Ang gaspang ng pagkakatanong eh.
Humagikhik ako. "Si Daneen."
Lumalim ang salubong ng kilay niya na halos magdugtong na ang mga ito. Pwede nang gawing tulay!
"Bakit ka nakangiti?"
Lumakas ang tawa ko. Ang sarap niyang inisin.
Me:
May ipabibili ako. Bayaran kita pagdating niyo rito.
"Savannah, sino ba kasi 'yan?" pagpupumilit ni Devin.
"Si Daneen nga." Hinarap ko sa kanya ang screen ng phone ko. "O, name ni Daneen."
Naningkit ang mga mata niya at nilagay ang kamay sa noo upang harangan ang sinag ng araw. Nang matantiyang tapos na niyang basahin ay binaba ko na ito saktong tumunog ulit ang cellphone.
Daneen:
Ano yon?
Me:
Txt ko sayo mamaya
Daneen:
Ngayon nalang. Timing nasa SM ako.
Milagro,lumabas siya ng bahay nila. Akala ko mananatili siya sa kanyang kuweba.
Me:
Sino kasama mo?
Kuntento nang nakaupo si Devin pabalik sa kanyang trono pero nagmamasid pa rin siya sa 'kin animo'y uwak na binabantayan ang kanyang pugad.
Daneen:
Ako lang. Dating myself.
Bahagya akong ngumisi't umiling. Usual Daneen.
"Anong sabi niya?"
Awang akong nag-angat ng tingin kay Devin na salubong pa rin ang kilay. Kailangan lahat ng text ko aalamin niya? My God!
"Girl talk."
Kita ko ang pagtanggap niya sa sagot ko dahil sa kanyang pagtango. Muli siyang bumaling sa harap at nagpapasampal sa ihip ng hangin. Tinext ko na kay Daneen ang pinapabili ko. Hindi na siya nag-reply.
Nasa bunganga na kami ng Bojo River. Animo'y mga higanteng gates na papasara ang dalawang limestone cliffs na kinukulong kami sa pagitan ng ilog. Tinatabunan sila ng parang mga mumunting gubat. Mas tumingkad ang pagka-deep blue green na kulay ng ilog dahil sa tanawin na ito.
Kinuhanan ko ang view sa aking cellphone. Palihim kong kinunan si Devin na naka-sideview. Kitang-kita ang tangos ng kanyang ilong. Tamad nga siyang nakaupo— diretso ang isang binti niya habang nakatupi naman ang isa. Ganon pa rin ang kinalalagyan ng mga braso niya sa gilid ng bangka. Seryoso ang mukha niya't naniningkit ang mga mata—pero ang dating nito sa picture ay para siyang nagmo-modelo para sa isang clothing brand. Lumilipad pa ang buhok niya bilang karagdagang dramatic effect. Effortless!
May nakakasalubong kaming mga mangingisdang nagbabangka na ipinagtaka ko. Nahalata iyon ni Devin at sinagot ang tanong na puminta sa aking mukha.
"Ito lang ang pasukan at labasan ng mga mangingisda kaya rito kami dumadaan. Paglagpas natin sa mga bato ay dagat na. Pero hanggang dito lang tayo sa bukana."
Mula rito ay nakikita ko na nga ang bahagi ng dagat, halata sa malalim na pagkaka-asul nito. Hindi nagtagal ay umikot na kami. Muli kong hinawakan ang tubig at sinabay sa pagsagwan ni kuya Atong.
"Close kayo ng parents mo?" bigla kong tanong.
Nilingon niya ako. "Why are you asking?"
Nagkibi- balikat ako. "Wala lang. Curious."
Nagpakain sa kuryosidad ko na hindi niya iyon nabanggit sa 'kin niisang beses. Weird lang para sa 'kin dahil usually kahit kakilala mo lang ay may alam ka na sa pamilya nila. Wala rin siyang niisang family picture sa bahay niya. Hindi ko lang alam sa kwarto niya, hindi pa naman ako napunta roon.
Hindi siya sumagot. Tumunghay lang siya na mistulang nakalimutan niya ang tanong ko o pinalabas niya sa kabilang tenga.
"Devin?" tawag pansin ko sa kanya.
Tipid siyang umiling. Walang pinagbago sa pinta ng kanyang mukha.
"Bakit ayaw mong pag-usapan? Don't you think you're being unfair? Marami kang alam tungkol sa 'kin habang ang alam ko sa'yo ay hindi man lang nangalahati—"
"Wala naman kasing dapat alamin," agaran niyang sabi. Nahimigan ko ang kaunting inis sa kanya. " 'Yon lang, nasa Amerika sila. Kuya ko nasa Lahug, kapatid ko siya sa ama."
Pakiramdam ko gusto niyang itakwil ang katotohanan sa pamilya niya sa tono ng kanyang pananalita. Hindi ako na-offend, mukha namang hindi siya sa 'kin nainis kundi sa kanila at sa tanong ko.
"What B stands for as your middle initial?"
Hinila niya ang pagtataka sa paningin ko. Nababasa ko ang tanong na lumulutang sa utak niya. Tumango ako bilang sagot. Yes, I looked at your ID, Devin. Unannounced.
Unti-unting bumanat ng ngisi ang labi niya. "Boobs."
"Devin," pinaligiran ng banta ang tono ko.
Walang aliw siyang tumawa ng marahan sabay iwas ng tingin. "Seriously Sav, this is our date. I don't want to talk about them."
Klaro ang pagtitimpi ni Devin. Inanunsyo ito ng paggalaw ng kanyang panga na mas lalo pang nadepina dahil sa inis niya. Isang beses niyang pinasidahan ang buhok at malalim na humugot ng hangin.
"I am Devin Eleazar Bolivar Revilloza, twenty three, grew up in Beverly Hills California, USA. I have one brother named Darwin, my family's in the US, I have one obese cat named Sookie, two ex-girlfriends. I graduated pre-law, worked in a law firm for six months, went back here for an independent adventurous life and I like you so much." Seryoso niya akong nilingon. "How was that as personal?"
Dire-direto ang pagsasalita niya na halos hindi ito mahabol ng pandinig ko. Pero alam ko na rin naman ang iba sa mga binanggit niya. What I want to know is about his family, not about his obese cat! Or his failed relationships.
"Paano 'yung tungkol sa pamilya mo?"
Inip siyang nag-iwas ng tingin. "Itanong mo na lahat huwag lang ang tungkol sa kanila."
"Nag-away kayo ng parents mo?" patuloy kong usisa.
"Sav, please..."Pumikit na siya, desperado ang tono. Pinapahinahon ang sarili sa mabagal ngunit malalim niyang mga paghinga.
"Okay fine , I'll shut up," pagsuko ko. Ano ba kasing meron sa kanila na ayaw niyang pag-usapan?
Pero kung ayaw niya talaga, hindi ko na pipilitin. Huling usisa ko na 'to tungkol sa kanila. Sasabihin naman siguro niya kung gusto niyang ipaalam sa 'kin. Pati sila kuya ay ang alam lang nasa Amerika ang pamilya niya. Kahit si lola iyon lang din ang alam.
Hinila ang buong atensyon ko sa harap dahil sa pamilyar na mga boses at halakhakan. Klaro ko silang namukhaan nang magsalubong na ang dalawang bangka namin.
"Hi Devin! Si Astrid oh."
Tinutulak ng mga babae niyang kaibigan si Astrid na pulang-pula ang pisngi. Simpleng ruffled blouse ang suot niya ngayon na 'di ko mapigilang punahin.
May ganyan ako, a? No, sa 'kin 'yang suot niya! Kaso hindi na kasya sa'kin. Noong highschool kasi ay payat pa ako. It's not that I'm huge today. Katamtaman lamang at curvy.
"Ano Devin, lipat kami diyan ha? Miss ka na ng kaibigan namin eh."
Sumunod ang mga pang-aasar nila at bahagyang tulak pagkatapos 'yon sabihin ni Brenna.
"Pwede ba?" tanong ni Devin, inosenteng nanghihingi ng permiso. Tinakasan na siya ng inis.
Huminto ang dalawang bangka, pero hindi ang mga hagikhik at lamay ng pang-aasar nila kay Astrid na nagawa pang mahiya.
Walang emosyon kong tinignan si Devin.
"Sige, palipatin mo. Okay lang talaga. Walang kaso sa 'kin." Diniin ko ang uyam sa aking tono.
Kinuha ko ang apple sa bag ko. Mabuti nalang at naisipan kong magdala nito upang mapigilan ko ang aking bibig na magpatakas ng maanghang na mga salita.
"Date namin to eh. Sensya na!" pahayag ni Devin sa kanila.
Natahimik ang kabilang bangka. Lumubog na yata.
"Kayo na?" rinig ko ang pamilyar na boses. Pristine.
"Malapit na! Bukas siguro." Tumawa si Devin. "Pwede ring mamaya."
Mistulang mga bubuyog ang mga boses sa bangka nila Astrid. Bulungan ng mga tanong, pagtataka at kabiguan.
Niluwa yata sila pabalik ng ilog, hindi katanggap-tanggap ang ingay nila sa mundong ilalim, nababahala ang mga isda at ibang lamang dagat.
"Tara na po kuya." May katarayan ang tono ni Brenna.
Tinanaw ko ang pagpatuloy na paglakbay ng bangka nila salungat sa patutunguhan ng bangka namin. Nagawa pang lumingon dito ni Astrid, lalo na kay Devin. Nahagip niya aking tingin dahilan upang siya'y mag-iwas.
Sandali akong nilingon ni Brenna and I swear, may talim sa tingin niya!
"Bakit?" pasinghal na tanong ko kay Devin nang makita ko ang itsura niya.
Nang-aasar siyang ngumisi at nasisigurado kong matagal bago iyan mabura sa kanyang mukha. Inagaw niya ang aking apple saka kinagatan.
Mabagal siyang umiling, ngising ngumunguya. "Tangina. Ganda mo mag-selos."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro