T W E N T Y F O U R
Makapal na usok ang bumungad sa aking umaga. Sumusuot sila sa bintana kaya kita ko ang naglulutangang alikabok kasabay ng sinag ng araw.
Mula rito sa kwarto rinig ko ang ingay sa baba. Sa baba kung saan tantiya ko kung saan nanggagaling ang usok. Kumakalam ang tiyan ko sa naaamoy na ulam. Nasasalo ng aking pandinig ang mga boses ng mga tito't tita ko na dumating kahapon.
Pagbukas ko pa lang ng pinto, tumigil ako sa bukana at hindi muna tuluyang lumabas ng kwarto. Parang ibang bahay ang tinulugan ko dahil sa iba na ang pagkakaayos ng mga kagamitan.
Kung gaano katipid ang celebration kahapon ni Devin sa birthday niya, salungat sa handa ngayon para kay lola.
Nag-iba na nang kulay ang ,ga kurtina. Pati damit ng sofa, ang table mantle ay naging pula na imbes na noong dilaw. Nasa baba na nang hagdan ang tv na noo'y kaharap ng bintana.
Seriously. Birthday ba 'to o Chinese New Year?
Tila may pagtitipon sa kusina dahil nandoon lahat ng tao. Isa-isa akong nagmano sa mga tita ko na agad pinuna ang kaagahan kong paggising. Ang mama ni Daneen ay sinusuot kay lola ang isang bagong bestida na galing pa mismo sa ibang bansa.
"Happy birthday ,La!" bati ko. Hinaplos ni lola ang buhok ko nang humalik ako sa kanyang pisngi.
Sa engrandeng handa ngayon at siguro sa rangya ng mga natatanggap niyang mga regalo, hindi na ako nag-abala pang bigyan siya. I know she won't mind.
"Baka biglang mabuhay si Papang niyan, Ma at pakasalan kayo ulit."
Nagtawanan sila sa biro ni tita Grace nang makita na sakto lang ang pulang bestida kay lola. Nagmukha nga siyang donya. Ang mga tito ko ang siyang nagluluto sa labas at pinagtulungan ang pag-halo sa malaking kaldero. Dalawa sa kanila ay nagpapa-ikot ng lechon!
"Mamaya pa pala pupunta sila mama't papa mo, Sav. Sabay sila ng mga kapatid mo," pahayag ni tita Ellen.
"Ganon po ba? Sina Miles po nandito na rin?" tanong ko habang tinutuhog ang isang luto nang lumpia sa tinidor.
"Sabay-sabay na silang mga pinsan mo. Si Daneen lang ang nandito at sina Rory. Tulog pa ang mga iyon sa La Casa."
Tumango ako. Palagi namang nagsasabay ang mga lalake kong pinsan at sina kuya. Hindi umaalis kapag hindi kasama ang isa.
Hindi na ako nagtagal doon at naghanda na ako para sa trabaho. Pagkarating sa La Casa, nadatnan ko sina Daneen na maagang nagtatampisaw sa dalampasigan kasama sina Rory at mga kapatid niya.
"Inggit ako!" sigaw ko sa kanila, diniklera ang aking pagdating.
Kaunti pa lang ang naliligo dahil sobrang aga pa. Kadalasang ligo time ng mga turista ay mga alas-diyes. Wala pa ngang alas otos ngayon.
"Dalhan mo kami ng pagkain dito." Maarteng kinumpas ni Daneen ang kamay.
Prente siyang nakaupo sa buhanginan at natatabunan ang mukha ng malaking itim na sombrero na sumasalungat sa pula nitong buhok.
Pinagtawanan ko siya. "Saan ang araw Daneen?"
Umatras ako nang sinubukan niya akong wisikan ng tubig. Umamba rin akong babasain ni Rory kaya mas lalo akong lumayo.
Isa-isa ko silang tinapunan ng maliliit na bato. "Magbayad muna kayo, uy!"
"Free ang breakfast buffet!" ani ni Marlow. Magkahanay silang apat at purong naka-shorts at racerback top maliban kay Faye na naka-shirt.
"May luto na sa bahay ni lola. Busog nga ako eh."
Nabasa nang kaunti ang sapatos ko sa alon na humalik sa buhanginan.
"Hintayin ka na namin. Sabay nalang tayo papunta roon," suhestiyon ni Rory. Sinubukan nilang gumawa ng sand castle ni Faye.
"Hapon pa out ko." At mukhang mai-extend pa ng ilang minuto dahil wala si Brenna.
"Okay lang, we'll wait for you ate Sav..."
Tulad nga ng sinabi nila, nang mag-out ako ay nakaabang na sila Daneen sa dulong parte ng restaurant. Nagawa pa nilang umorder ng inumin habang naghihintay sa 'kin.
Naaninag ko na ang dami ng mga sasakyan sa labas ng bakod ni lola na since hindi na kasya sa garahe. Kita ko na rin ang sasakyan nila papa.
Pagkababa pa lang namin sa sasakyan ay narinig ko agad ang boses ng kapatid kong naka-microphone, nakikipagkompetensiya sa ingay ng speakers kasama ng iba ko pang mga pinsan.
Ang gulo nila nanag madatnan naming sa loob. Okupado lahat ng sofa sa kanilang pagsisiksikan. Tumili ang microphone nang kinuha ito ni Mozes habang magka-dikit ang ulo nina Miles at Asa na sa may karaoke, parang pinag-tatalunan nila ang pipinduting number button combination para sa piniling kanta.
Tumikhim si Mozes sa microphone. "La! Tatawagan ko na po ba ang eighty roses niyo? Para ma-gather na natin sila. 'Yong mga kasali sa cotillion, paging!"
Tawang-tawa ako habang umaakyat sa hagdan. Ang mga tita ko ay nasa kabilang kwarto at inaayusan si Lola.
"Akala ko ba sweet sixty?" tanong ni Miles. Isang pindot niya sa button ng karaoke ay sumabog ang intro ng lumang kanta.
"Walang iba pang sasarap sa pagtitinginan natin
Sana ay 'di na magwakas itong awit ng pag-ibig..."
Muli akong naligo at dali-daling nagbihis. Nahagip nang paningin ko ang hamper na puno na nang labada ko. Marami na naman akong lalabhan ngayong weekend.
Tumulong kami sa paghahanda ng mga pagkain, mga lalake ang nagtulong-tulong sa pagbubuhat ng mga silya't mesa sa labas pati na ang pag-damit nito ng kulay pulang mantel. Pinagtulungan namang buhatin nina kuya Euan at Dalton ang dalawang lechon.
Nagsimula nang magsidatingan ang mga bisita pagsapit ng gabi. Mga kaedad din ni lola kaya sure akong mga kasama niya ito sa kapilya. Dumating rin ang pamilya ni Astrid na may dalawa pa palang bunsong kapatid. Puro lalake.
"O Fred, si Myrna?" Si tita Grace ang sumalubong sa kanila.
"Nasa bahay lang Ge, hindi siya pwede sa maraming tao, e."
Karga ni Sir Fred ang isang anak at hawak ni Astrid sa kamay ang isa.
"Ganon ba? O sige...pasok na kayo rito."
Sinundan ko ng tingin si Astrid. Somehow nawala ang inis ko noong nakaraan dahil sa nalaman ko ngayon tungkol sa mama niya. May dalawa pa siyang kapatid at nakikita kong todo kayod si Sir Fred sa pagtatrabaho bilang reef ranger.
Ilang mga bisita pa ang dumating na hindi ako masyadong pamilyar, pero kakilala naman nila papa. Nakaabang kami lahat rito sa labas upang salubungin ang celebrant.
"Moz, patugtugin mo 'yung happy birthday song sa karaoke," sabi ko sa kanya, nakasilip sa may pintuan.
Ngumingitngit siya ng hita ng manok. Ang isang kamay ay nakalahad sa 'kin. "Singko?"
Awang ko siyang tinignan.
"Ano ba 'yan, isang singko wala kang dala?" Dumukot ako sa 'king bulsa at hinanap ang sinilid kong mga barya. Naramdaman ko ang malaking barya at nilagay sa palad niya. "O."
Bumukas ang pinto ng kwarto ni lola, unang lumabas si tito Dion na ini-escort si lola at huli si tito Arwan na nakahawak sa kabilang kamay ni lola.
Patuloy ang pagpatugtog ng happy birthday habang pababa siya suot ang kaninang sinusukat na pulang bestida. Favorite color niya raw kasi. Pinasabugan pa namin siya ng palakpak. Parang nagde-debut lang talaga!
"O Mama, ang dami niyong bisita," puna ni tito Dion. Inulan si lola nang pagbati nang tuluyan na siyang makalabas ng bahay. Nakaalalay pa rin sa kanya sila tito.
Sa kabilang dako sa damuhan, kanina pa hinahanda nina papa at papa ni Asa ang fireworks. Kinantahan muna namin ng happy birthday at pina-ihipan ang kandila sa malaking cake saka sumenyas si Dalton sa kanila.
"Happy birthday, Lola Nenita!" sabay naming bati kasunod ang pagsabog ng fireworks na ikinagulat ng mga bisita.
Nagpatugtog ng ibang dance track sa karaoke upang sabayan ang pa-fireworks ngayon. Nakatingala ako't pinapanood ito.
There's just really something about the fireworks. 'Yong kahit naluluha ka na ay hindi mo pa rin kayang magbitaw ng tingin dito. Kaya nitong humuli ng kiliti ng mga tao na siyang ikinasalungat naman ng mga aso ni lola ngayon na nagwawala sa kanilang tangkal.
Nananakit na ang leeg ko sa kakatingala. Yuyuko na sana ako upang alisin ang batong sumisiksik sa aking tsinelas nang may biglang umakbay sa 'kin.
Tiningla ko si Devin. Mahina ko siyang siniko sa tagiliran. "Belated."
Nanatili ang mga mata niya sa fireworks. His face was illuminated by its different changing colors. Ngayon ay 'di ko naman maalis ang paningin ko sa kumikislap niyang mga mata.
Tipid siyang ngumiti sabay kabig sa 'kin nang paakbay."Thanks."
Matagal ko pa siyang tinitigan. Parang may bago sa kanya, I couldn't point my finger on it pero meron talaga.
Presko, well palagi naman. Bagong ligo, palagi naman siyang naliligo. Binabakas ko ang panga niyang hayop sa anggulo na pwede ko nang pag-hasaan ng itak.
Sinisipsip niya ang ibabang labi. Iyong nunal niya, nasa may sentido pa rin naman. Dumako ako sa buhok niya.
Ang laki nang itinabas ng buhok niyang dati ay makapal na hibla lalo na sa gilid ng kanyang ulo na tumatakip pa sa kanyang tenga. It's not shaved, maikli lang talaga. Samantalang sa tuktok ng kanyang ulo ay ganoon pa rin ang kapal ng buhok, dinagdagan lang ng stilo.
"Nagpa-haircut ka ba?" tanong ko upang kumpirmahin ang napapansin ko.
Ningisihan niya ang fireworks, kumislap pabalik ang kanyang dimples.
Dinungaw niya ako. "Akala ko hindi mo na mapapansin."
"Kailan?"
"Kanina," hinawi niya ang tumakip na hibla ng buhok sa mukha ko, "galing ako roon saka ako dumiretso rito."
Pinaikot-ikot niya ang kamay sa ulo upang magulo ang buhok niya saka niya pinasidahan upang ayusin ito.
"Okay lang ba? Naggugulo pa rin, di ba?" Mukha siyang nababahala sa ayos nito.
May hinila siyang hibla at binitawan, dumulas ito sa kanyang daliri at tumakip sa noo niya ang mahabang hibla. Pinilig niya ang ulo upang pabalikin ito sa natural nitong stilo.
"Hindi ka nagji-gel?" tanong ko.
May disgusto siyang umiling. "Nangangati ako sa ganon."
Ayaw ko rin naman siyang naka-gel. Mas gusto ko kapag wala para natural tignan. He doesn't even need the hair product. Mukha namang malambot ang buhok niya at madulas.
Nagsimula na ang kainan. Si lola ay nakikahalubilo rito sa labas. Ang laki ng ngiti niya kanina na naluluha pa habang pinagmamasdan ang pa-fireworks para sa kanya at humila ang kasiyahang iyon hanggang ngayon.
Kumuha ako ng pagkain, dalawang putahe lang ang nilagay ko sa plato. Hindi rin naman ako ganoon ka-gutom dahil panay ang puslit namin ni Rory sa balat ng lechon kanina.
Pagkatapos kumuha ay nilakbay ko ang paningin at naghanap ng bakanteng silya. Puno na ang mga tables at halos lahat ay kumakain na kaya napagdesisyunan ko nalang na pumasok.
"Psst! Sav!"
Nilingon ko ang sumisitsit. Nahagip ko ang nakataas na kamay ni Devin. Sumenyas siyang lumapit saka tinuro ang bakanteng silya sa tabi niya bago siya umupo. Same table sila ni kuya Euan. Naroon din sina Mozes, Viel at Dalton.
"Saan ka kumuha ng extrang silya?" tanong ko pagkatabi ko sa kanya. May bawas na ang nasa kanyang plato.
"Sa kabilang table."
Tinanaw ko ang tinango niyang direksyon ng mesa. Naroon ang pamilya nila Astrid. Nakakandong kay Sir Fred ang palagi niyang kinakarga na anak. Sinusubuan niya rin ito ng pagkain.
Naroon rin sa kaparehong mesa ang ilang mga reef rangers kahit sina Greg at West na kinakawayan ako. Kumaway ako pabalik. Pa-ika ika pa kaya siya ng lakad? Ako kasi hindi na. Nag-iisa ulit siya.
Nagulat ako sa hawak ni Devin sa kamay ko upang ibaba ito't dinikit sa aking hita. Pinanatili niya ang hawak. Masama ang tingin niya sa 'kin. Lumobo pa ang pisngi niya sa kaliwa dahil sa laman nitong pagkain na itinigil niya muna sa pagnguya.
"Bakit?"
Hindi siya sumagot. Imbes ay lumagpas ang paningin niya't dumapo sa likod. Kina West.
Hinila ko ang kamay ko ngunit ayaw niya pa ring bitawan.
"Kakain ako, Devin. I can't use my left hand. Right-handed ako," wika ako.
Kinuha niya ang aking kutsara, nilagyan ng kanin at sinubo sa 'kin. Sinunod niya ang ulam kong sweet and sour.
Mahina akong tumatawa habang ngumunguya. Pinagpatuloy na rin niyang nguyain ang pagkain niyang nasa bibig.
"Haay naku, Devin. Doon ka mainis kung si Ivor ang kinawayan ko. Hindi ko type si West."
Inis niya akong binalingan. "Ano bang meron kay Ivor?"
May taka at ngiwi akong tumingin sa kanya. He's his friend, tapos ganyan siya kung makapagtanong na parang kakumpetensiya niya ito?
"Don't be mad at him. I'm just into badboys, you know."
Nakita niyang wala na akong ningunguya kaya sinubuan ulit niya ako. Nag-aalinlangan ako, which is weird dahil ngayon pa ako mag-aalinlangan na hayaan siya sa ginagawa gayong pangalawang subo ko na ito.
Pero mukha namang wala lang iyon kina kuya na nakikipagkuwentuhan kay Dalton about sa bago niyang vape.
Aroganteng tumawa si Devin. Muli siyang nag-angat ng kilay sa 'kin.
"Oh, you want a badboy? I can show you the bad side of me, Savannah."
Ang pag-alis ng kanyang kamay sa pagkakahawak ay isang hudyat para sa 'kin na bumibitaw na siya sa topic. Pinapanindigan niya ang sinabi dahil hindi na niya ako pinansin at biglang nagka-interes sa kinakain niya.
"Viel, saan na 'yong sunglass ko? Hanapin mo, may centennial value 'yon!" biglang maktol ni Mozes na sinisilip ang ilalim ng mesa.
"Baka sentimental, Moz?" Halos matawa si kuya.
Bumuga ng tawa si Dalton na muntik nang mailabas ang pagkain sa bibig niya.
"Centennial! Luma na 'yon eh, may picture pa ako noong baby pa ako suot ko iyon." Sandali siyang nawala sa ilalim ng mesa at sumulpot pabalik sa upuan. "Viel! Saan na?"
"Hindi ko alam," natatawang tanggi ni Viel. "Baka naiwan mo sa loob."
May tinatanong sa 'kin si Dalton na hindi ko nasagot dahil nahirapan pa akong mag-salita. Puno ang bibig ko at medyo hirap lumunok. Naghanap ako ng maiinom nang maalalang wala akong dinala rito sa mesa.
Tumayo si Devin at nagtungo sa garage kung saan naroon ang cooler para sa mga softdrinks at beer.
"Lola Neng! Si Axton nasa Skype!" Lumapit si Miles kay lola at nilagay ang laptop sa harap niya. Inayos ni lola ang kanyang salamin.
"May wifi?" nahihirapan kong tanong.
"May dala ako. Pocket lang." Pinakita ni Dalton ang maitim at maliit na mukhang kahon.
Tinatapik ko pa rin ang aking dibdib. Sumasakit ito dahil sa hirap akong makalunok kanina. Parang nag-stop over pa ang mga kinain ko sa aking baga.
Biglang tumabi sa 'kin si kuya, inupuan ang silya ni Devin. Tinapik niya ang aking tuhod.
"Nagpabili ka ng regalo para sa birthday ni Devin kahapon?" usisa niya.
Tinitigan ko siya. Paano niya nalaman?
"Huh?" maang-maangan ko.
"Hindi nagsumbong sa 'kin si Daneen, don't worry."
Tinanaw ko si Daneen na nakikipagtawanan kina Rory at Asa sa kabilang table.
Muling tinapik ni kuya ang aking tuhod na nagpabaling muli sa 'kin sa kanya.
"Devin is not the type who just fucks around, Sav." Tumungga siya sa kanyang softdrinks.
Bakit niya 'yan biglang sinabi sa 'kin? What is it for? At anong alam niya?
Nabasa ni kuya ang tanong sa mukha ko. Tuluyan ko nang nakalimutan ang uhaw at hirap sa paglunok.
"Alam niya na sa oras na sasaktan ka niya, dalawa kaming lalake ang pinapagitnaan ka." Tinuro niya ang humahagikhik na si Mozes habang dumudungaw sa phone na hawak ni Viel. "Ganyan lang 'yan si Mozes pero nagmamasid din 'yan."
Tumayo na siya nang makitang papalapit si Devin hawak ang dalawang bote ng Coke. Dumiretso si kuya sa likod ni lola at kumakaway-kaway sa laptop.
Ngunit iniwan ni kuya sa 'kin ang mga sinabi niya. Even the guys before Devin, palagi naman akong pinagsasabihan ni kuya. He would always tell me na magsumbong lang sa kanya sabay tapik ng umuusli niyang biceps. Pinagtatawanan ko lang iyon noon.
Pero ang mga sinabi niya ngayon lang ang mas tumatak sa 'kin at alam kong mag-iiwan ito ng marka. Maybe it has something to do with what he said, or it could be with the person involved.
I went for the latter.
"Ayos ka lang?"
Nilingon ko si Devin na nakabalik na pala sa tabi ko. Nilapit niya sa 'kin ang aking bote na agad kong sinipsip ang straw. Tumango ako bilang sagot.
Sinimulan na ni tito Dion ang pagkanta sa karaoke. Lumipat si lola doon kabilang na ang mga amigas niya sa kapilya. Naroon ang karamihan sa mga matatanda habang mga kabataan naman ang nandirito sa labas.
Kinuha ni Devin ang gitara kay Dalton kapalit ang pagbigay nito sa vape niya na ngayo'y pinagpasa-pasahan na ang usok. Buti nalang at walang hikain sa amin dito sa mesa.
Dinala nila Daneen ang mga silya nila sa same table na inookupahan namin pati na sina Greg at Astrid.
"Left-handed ka?" tanong ko kay Devin, tinitignan kung paano nagpalipat-lipat ang mga daliri niya sa fret sa kaliwa niyang kamay.
"Ambidextrous," aniya, hindi tinatanggal ang tingin sa gitara.
My expression suggests na hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. Inaalala ko kung may dictionary ba ako sa aking cellphone. Bago ko pa i-check ay nasagot na ako ni Devin.
"I can use both hands." Nag-pluck siya sa strings.
Wow. Ni-gumuhit ng tuwid na linya ay hindi ko magawa sa kaliwang kamay ko, mag-gitara pa kaya? But him? Both hands? Just...wow!
Nakaka-impress ang mga lalakeng hindi lang puro sa 'looks' may ibubuga kundi sa ibang makabuluhang bagay. Being an ambidextrous is one. Hindi lahat ng tao ay binibiyayaan ng natural na abilidad.
It even took me a month to learn how to drive. And no, it's not self-learned. I took lessons. So basically, it's not my natural ability.
"Pa-impress ka ha," komento ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Na-impress ka ba?"
Sinamahan ko ng irap ang pag-iwas ko ng tingin. Ayan na naman siya sa kanyang panunuya.
Dumestino ang direksiyon ko kay papa na lumabas ng bahay. Tumigil siya sa pwesto namin dahil sa pagtawag sa kanya ni Mozes.
"Pa, di ba sabi mo kapag mataas ang grades ko ibibili mo ako ng motor para hindi na ako manghihiram kay kuya Euan?"
"Oo sinabi ko nga," ani ni papa. Halata ang pagtataka kung ano ang sadya ng kapatid ko sa tanong niya.
"Well Pa...makakatipid ka!" bulalas ng kapatid ko sabay taas ng kamay.
Binaha namin siya ng kantyaw lalo na't umiling si papa at dumiresto sa kotse na nasa labas ng bakod nakaparada. Mukha namang hindi galit.
Maya pa'y nag-ring ang phone ni Mozes, agad niya itong sinagot. Hindi ko maintindihan ang bigla nilang pananahimik ngunit hindi nagtagal ang pagtataka kong iyon.
Tumikhim siya at inuyuko ang ulo, mukhang may pinagtataguan. Nagsimula nang maghagikhikan sina Miles, Asa at Viel.
"H-hello beh..."
Tinakpan ko ang bibig kong lumobo na sa pagpipigil ng tawa. Humilig ako kay Devin at doon tinakpan ang aking mukha sa balikat niyang nanginginig. His baritone laughter resonated on his chest. Ramdam ko rin hanggang balikat niya.
Tumayo si Mozes at lumayo sa amin. Tinatakpan niya ang bibig na nagbe-baby talk sa kausap sa kabilang linya.
"Hey Moz! Eto na ang panty mo! Who's the pussy now?" kantyaw ni Asa.
Nilingon sila ng kapatid ko at pinakitaan ng middle finger na mas lalo pa nilang ikinahalakhak.
"Moz, seryoso ka ba diyan sa girlfriend mo? Baka niloloko mo lang 'yan,' ani ko nanag magbalik siya sa mesa.
Ilang minuto lang ang itinagal ng pag-uusap nila. Hindi naman yata sila nag-usap at nagtatanungan lang kung nasaaan ang isa then goodnight na agad.
Ngumuso ang kapatid ko. "Three years na kami. You think I'm not serious, ate?"
"Awww..." sabayan naming sabi.
Lambing na hinahaplos nila Asa at Viel ang likod ni Mozes na pabirong umiiyak dahil sa paratang ko. Sinasandalan na siya ni Miles at hinahaplos ang panga nito.
Ang natirang icing ng cake sa platito ay natatawa kong pinunas sa kanyang pisngi.
Siniko ko si Devin na nakikipagtawanan kina kuya at hindi pa humihiwalay sa gitara.
"Gusto mo pa ng cake?" tanong ko nang makitang karampot nalang ang natira sa platito niya.
Umiling siya. Kinuha ko ang platito niya at sinabay sa akin. Dinala ko sila sa kusina upang mahugasan.
Sa likod ng bahay sa labas naroon sina tita Ellen at mama ni Daneen kausap ang 'di ko kilalang mga babae na naghuhugas ng mga pinagkainan ng mga bisita.
"Ate, may naghahanap sa 'yo."
Biglang sumulpot si Faye kasama ang nakaakbay sa kanyang kapatid na si Marlow.
"Sino?" tanong ko.
"Si kuya Royce."
Dumulas ang sinasabunan kong platito sa kamay ko na umani ng kalabog sa sink. Animo'y lumipat ang puso ko sa tenga at binibingi ako ng pag-tambol nito.
How in the ever loving fucking hell was he able to find me?!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro