T W E N T Y E I G H T
Tanghali na nang ako'y makabalik sa bahay. Hindi naman sila nagulat na makita akong hindi lumabas sa aking kuwarto at hindi na rin ako tinanong ni papa. Siguro sinabi ni Daneen o balewala lang talaga sa kanya na sa ibang bahay ako natulog.
May ngilang mga kakilalang dayo pa sa ibang probinsya ang bumisita rito sa bahay. Ilang oras din silang nagtagal, mga pag-alala kay lola ang topic. Pagka-alis nila, nagtungo si Tita Grace sa kabaong, hinahaplos niya ang ngumingiting picture ni lola noong 1980's. Nililinisanrin niya ang kabaong at kinakausap.
Ako,ayokong kausapin, baka sumagot. Kung ganoon nga, masisiyahan kaya ako o matatakot? Siguro pareho.
Ang dati'y pulang kurtina ay animo'y binuhusan ng asul upang maghalo ang dalawang kulay at maging lila. Tahimik sa bahay, wala na akong naririnig na nagwa-walis pero imbes ay sa gabi, mga nagma-mahjong.
Nasa likod ako ng bahay kinagabihan, kasama ang mga kakilala ni lola sa kapilya na nagluluto ng crackers at mani para pang-snacks sa mga bisita. Si Pastor William ulit ang nagmimisa na tinatalakay ang tungkol sa Ebanghelyo ngayong araw.
Dumudukot ako ng crackers kada may sinasaling bagong luto si manang Emay. Hinahayaan naman niya ako dahil marami namang luto. Nakikipagkuwentuhan rin ako sa ibang mga nandito, nakikinig ako sa mga pag-alala nila kay lola Neng noong nabubuhay pa ito.
"Umabot pa kami roon sa kabilang bayan at ang tataas ng mga bestida namin. Para lang makita ang nagugustuhan niyang si Ramon na kumakanta sa tanghalan," kwento ng isang matanda na hindi ko alam ang pangalan.
Ngayon ko lang siya nakita. Wala siya sa birthday ni lola at kakarating niya lang sa ibang bansa kasama ang anak niya't mga apong may lahi. Pero base sa kwento niya, masasabi kong bestfriends sila ni lola.
"Magaling kumanta yaong si Ramon. Kaya nga siya nagustuhan ni Nenita."
Sa kaunting ilaw ay masasabi kong kasing tanda na rin siya ni lola Neng. Kita sa mga kulubot niya pero may pagka-sopistikada ito.
"Ano naman pong nagustuhan ni lolo kay lola?" ngiti kong tanong.
Hindi ko rin naisip itanong 'to kay lola. Parang ang awkward na mag-usap kami tungkol sa lovelife niya.
Nakatingin siya sa malayo, may inaalala habang kita ang multo ng ngiti sa labi niyang may mga kulubot sa gilid. Pansin ko rin ang namumuti na niyang kilay.
"Torpe yaong lolo mo, mahinhin kaya kung ano mang nagustuhan sa lola mo aba'y marahil kasaliwaan sa ugali niya. Masalita naman kasi itong si Nenita..."
"Doon sila nagliligawan sa ilog noon!" sabat nung isang matanda. Natawa si manang Emay na nagsalin sa panibagong batch ng crackers.
" Eh yaon nga, sa kabaitan ni Ramon maagang kinuha," nanghihinayang niyang sabi.
Ganon ba talaga? Mga mababait madaling mamatay? Bakit hindi ang mga masasama ang unahin? Para bigyan ng pagkakataong magbago? Paano kung hindi na sila magbabago? Mas marami silang pagbubuhusan ng kasamaan nila.
Sa tingin ko hindi na iyan sa kabaitan o kasamaan ng tao. Nasa kapalaran na iyan. If you're meant to die today, then you will. If you're meant to live, then use the rest of your days wisely.
Paano naman ang mga pinatay? Were they're meant to die that way? Alam kaya ng Diyos na sa ganoong paraan mamamatay si lola?
"Mang...Ay! Nandito ka lang pala. Tara na po rito..." biglang pasok ng babaeng mukhang nagulat na dito napunta ang mama niya. Lakwatsera yata ang matandang 'to.
Nanginginig na ang mga tuhod ng matanda habang tinutulungan ng anak niyang tumayo. Kinuha ko ang tungkod niyang nakasandal sa mesa sa harap ko't inabot sa kanya. Doon siya tumukod at nagsimulang humakbang.
"Baka ano na naman ang pinagsasabi mo sa kanila, mang. Paulit-ulit na naman iyang kinukuwento niyo," mahinahong sermon ng anak niya na inaalalayan pa rin ang matanda.
Nanginginig pa rin ito sa paglalakad na parang sa ilang segundo lang ay matutumba ito kung hahayaang maglakad mag-isa kahit may tungkod pa.
"Kinukuwento ko lang ang kabataan namin ni Nenita. Ano ba talagang ginagawa natin dito, Velyn? Nasaan na ba siya?" tanong ng matanda.
"Wala na mamang, iyong nasa kabaong, siya iyan."
"Ay nako bata ka!" Hinampas niya ang anak sa kanyang pamaypay. "Huwag kang magbiro ng ganyan! Mumultuhin ka nang asawa niyang si Ramon!"
Nahihiyang ngumiti si Velyn sa amin. "Sensya na po kayo..."
Ngiti ko silang pinanood na pumasok sa loob. Pati pag-angat ng paa nito ay nahihirapan ang matanda kaya kailangan pang i-assist ang paa niya upang makatapak sa naka-angat na sahig ng kusina.
Inaabangan ko ang sasabihin niya sa oras na malaman niyang si lola nga ang nasa kabaong.
"Wala bang nabanggit ang lola mo sa'yo, Savannah? O sa mga anak niya, sa papa mo?"
Ikinalingon ko ang pagtatanong ni manang Emay na mani naman ang niluluto ngayon.
"Nabanggit na ano po?" pagtataka ko.
"Kung saan mapupunta itong lupa, bahay, ang La Casa..." Hindi siya nag-angat ng tingin.
Kumuha ako ng crackers habang binalikan ang mga kwentuhan namin ni lola.
"Hindi po ba kina papa at sa mga kapatid niya? Gusto niya na paghahati-hatian nila ito," sabi ko, hindi sigurado. Pero may naalala akong may sinabi siyang ganoon.
Nanahimik si manang Emay, tikom ang bibig. Humihina ang paghahalo niya sa mani sa malaking kawali.
Tinitigan kong mabuti ang mukha niya, naghahanap ng sagot sa malalim niyang pag-iisip. Mukhang may pinapanood siya sa hinahalo niyang mani dahil naroon pa rin ang atensyon niya.
"Ano po iyon, manang Emay?" tanong ko, kinukuha ang kanyang atensyon.
Mas lalong kumunot ang noo niya at umiling. "W-wala naman, naisip ko lang itanong..."
Pinakiramdaman ko ang sagot niya. Parang may alam siyang ayaw niyang ipaalam sa 'kin. Pero siguro wala na ako roon since usapang lupa na iyan. Wala akong alam tungkol diyan kaya mas mabuting sina papa ang dapat kausapin tungkol doon.
Halos lahat ng kamag-anakan ay dumalo noong libing ni lola. Pagkatapos noon ay nagsagawa ng forty days memorial service na dinaluhan din ng choir ng kapilya. Wala si Pristine na siyang isa sa mga miyembro, nabalitaan kong binalik siya ng mga magulang sa London.
Wala pang dalawang buwan ay lumabas na ang full report ng autopsy. Sumama ako kina papa sa ospital upang kausapin ang pathologist na nagsagawa nito. Sa naging pahayag ko sa kanila, nais nilang alamin kung bakit nagkaganon si lola. Wala namang senyales ng karahasan. Walang dugo, kaya nakakaduda para sa amin ang pagkawala niya. Kahit ngayong nailibing na siya, hindi pa rin kami matahimik.
"May dinaramdam ba siyang sakit? May iniinom na gamot?" tanong ng spesyalista.
Sa akin agad nila itinuon ang mga mata. Isa-isa ko silang tinignan pabalik.
"Sav, may napansin ka bang iniinom niya? May dinaramdam?" Si papa ang nagtanong.
"W-wala naman po. Iyong sakit sa tuhod niya lang ang palagi niyang nirereklamo. Palagi pa nga po siyang nagwawalis sa labas," tugon ko.
Kung may iniinom man siya, makikita ko sana ito. Unless kung patago siyang umiinom ng gamot. Wala rin akong nakikitang senyales na may dinaramdam siyang sakit maliban sa tuhod. Kung hihingalin man ay dahil ito sa pagod, kaunting pahinga at kikilos agad.
Winakli ng doctor ang pahina ng dokumentong nasa clipboard niya. Kunot noo niyang itong dinungaw sa likod ng kanyang salamin.
"I have traced a certain tricyclic antidepressant drug during the examination. Obviously, tricyclic antidepressants are used as clinical treatment for people with mood disorders such as major depression."
Nagkatinginan kami nina papa, tita Grace at tito Arwan. Punong-puno ng pagtataka ang nakaguhit sa aming mga mukha.
Iling na nagbalik tingin si Tita Grace sa spesyalista. Nagsimula nang mangilid ang mga luha niya. Tinanggal niya ang panyong nakatakip sa kanyang bibig.
"Hindi naman depressed si mamang. Wala rin siyang dinadamdam na ibang sakit maliban sa kanyang tuhod. Ang saya pa nga niya noong birthday niya." Namamaos ang kanyang boses.
"Ikaw Savannah, wala ka bang napapansin sa kanya bago ka umalis ng bahay?" tanong ni papa.
Inalala ko ang araw na iyon. Walang pahiwatig na depressed siya o may problema. Umiling ako.
"Sabi niya sa 'kin nang umaga na iyon ay pupunta siya sa palengke pagkatapos niyang magsimba sa kapilya." At usually, wala pang alas singko ay nakaalis na dapat siya.
Tumango si Doc, tinatanggap ang sagot. Muli niyang dinungaw ang clipboard, sandaling tinignan bago sinara at hinarap ulit kami.
" At first I suspect a TCA overdose that causes this drug poisoning due to traces of unusual high amounts of the drug. But since sabi niyo na wala siyang dinaramdam na kahit ano, If that's the case then, ma'am, sir, maaaring may nagpainom sa kanya ng gamot."
Nabingi ako sa sinabi ng doktor. Posibleng may nagpainom sa kanya? Sadyang pinainom upang mamatay? Walang kaaway si lola. Bakit nila ito ginawa sa kanya? Walang kalaban –laban 'yong matanda!
Marahas na suminghap si tito Arman na halata ang pagka-stress.
"Sav, ano ba talaga ang nangyari pagdating mo sa bahay?" tanong ni papa na halata ang inis.
" 'Yon nga, sinabi ko na! Nasa sahig siya ng kwarto, sinubukan kong i-revive pero wala na siyang pulso!" tumaas ang boses ko.
Kahit ako hindi na kinaya ang inis sa kung sino ang pwedeng gumawa nito. Kung naging mas maaga ako siguro naabutan ko pa ang demonyong gumawa nito kay lola.
"May hawak ba siyang gamot? Baka nag-overdose siya," palagay ni tita Ellen.
Umangal si tita Grace na hindi iyon maaaring mangyari dahil wala nga itong sakit o depresyon. Lola Neng is a happy woman.
"Wala. Wala siyang hawak," sabi ko.
Tandang-tanda ko pa. Sinuyod ko ang kalahatan niya nang mga oras na iyon at habang buhay na yata itong tatatak sa isip ko.
"Kung posible man na may sadyang nagpainom sa kanya ng gamot, kailangan niyo po itong i-report sa police. This is a possible case of homicide."
Nanlumo kami sa posibilidad. Pati ang spesyalista ay ganon din ang naramdaman base sa itsura niya. Mapagpaumanhin siyang nag-excuse at bumalik sa opisina nito.
Nagbalik ang palahaw ni tita Grace na mas lumala ngayon dahil sa aming nalaman. Napahampas si papa sa pader at yumuko, nanginginig ang balikat. Nanatiling namang kalmado si Tito Arwan pero kita ko ang sakit sa mga mata niya.
Si tita Ellen ang may lakas loob na itawag ang nangyari sa ibang mga kapatid ni papa na umuwi ilang araw matapos ang libing.
"Ire-report ba talaga natin ito, kuya? Hindi tayo sigurado..." ani ni tita Grace.
"Kaya nga pai-imbestigahan natin upang magkaalaman."
Mula nung mangyari ang insidente, mabuti nalang at wala sa amin ang nagtangkang pumasok sa kwarto ni lola. Maaari nanatili pa roon ang ebidensya kung sakali mang homicide ang nangyari.
Dumiretso kami sa police station nang araw na iyon. Kinailangan nila ang aking salaysay kaya dapat akong sumama. Inulit ko na naman ang naging pahayag ko.
Kinabukasan ay dumating ang pamilya nila Daneen. Nagpupuyos sa galit si tito Dion sa nalaman.
"Ramdam ko pa rin ang lamig ng balat niya..." mahina kong ani kay Daneen na tahimik sa tabi ko.
Pinagmamasdan ko ang aking mga palad kung saan nito nahalik ang malamig nang katawan ni lola.
Kapag nagpo-post mortem care naman kasi kami noong mga duties ko sa college ay naka-gloves kami. Pero noong hinawakan ko si lola, I've touched her with my bare hands.
"Kaka-birthday pa naman niya noon..." tanging nasabi ng pinsan ko.
Ewan ko kung matutuwa ako na pinag-celebrate muna siya ng birthday bago siya pinatay. In the end, nanlulumo pa rin ako dahil ginawa pa rin iyon sa kanya. But atleast may konsiderasyon pa ang suspect.
May mahinang katok sa pinto rito sa kitchen. Nakadungaw si Devin na parang nahihiya pang pumasok dahil na rin sa dami ng tao rito sa bahay. Kami lang naman ni Daneen dito sa kitchen. Sila papa ay nasa sala.
"Oi, pasok ka." Tumayo si Daneen. "Ito naman, nahiya ka pa. Palagi ka naman dito."
Nagkukusot lang ng buhok si Devin saka pumasok, iniwan ang tsinelas sa labas.
"Ipasok mo 'yang tsinelas mo. Naka-sapatos kami rito." dagdag ni Daneen at iniwan na kami. Nakisali na siya sa mga pag-uusap nila sa sala.
Tumabi si Devin sa 'kin, pinalitan ang pwesto ni Daneen kanina. Inakbayan niya ako at maingat na hinila ang ulo ko sa balikat niya. Kinuha niya ang isang kamay ko at pinagsiklop ng sa kanya.
"Ano raw findings ng autopsy?" mahina niyang tanong.
Sa sala ay pinag-uusapan nila ang tungkol sa mga kakilala ni lola at sa imbestigasyon.
"May trace ng antidepressant drug. Wala naman siyang dinaramdam na depression kaya naghinala na rin kami."
Ramdam ko ang pag-hila niya ng ulo upang dungawin ako. Tiningala ko siya. Halos magdikit ang kanyang kilay.
"What...?" he trailed off.
"It's possible homicide."
Hindi ko pa kayang mabalot ang katotohanan sa isip ko. Mamaya ang dating ng mga tauhang kakalap sa mga ebidensya na sisimulan sa kwarto dahil doon siya natagpuan.
Nilingon ko si Devin sa pananahimik niya. Gulat ang naka-ukit sa kanyang mga mata at awang ang kanyang bibig, para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Devin?" tawag pansin ko sa kanya.
Ilang beses siyang kumurap at pinilig ang ulo, ginigising ang sarili sa malalim na pag-iisip. Bumaling siya sa 'kin.
"Homicide?" naniniguado niyang tanong.
Tumango ako. "Hindi pa sure. Pa-iimbestigahan pa."
Tuluyan na siyang hindi umimik. Hindi na rin ako nagsalita. Sa ganitong sitwasyon wala na kaming dapat sabihin. Kung meron man ay puro alaala nalang ng namatay noong buhay pa ito katulad nalang ng topic nina tita Grace ngayon na ewan ko kung hawak pa ang picture frame ni lola Neng.
Ngunit sa pananahimik ay marami kang maiisip. Marami kang maaalala kaya kinailangan ko talaga ng kausap at nakatulong naman ang mga diskusyon nila sa sala.
Hirap pa rin kaming paniwalaan na sa kamay ng karahasan nagtapos ang buhay niya imbes na sa natural na katandaan.
"So ang makakalap naming footprints dito ay sa 'yo at sa posibleng gumawa nito sa biktima," ani ng detective. Tumango ako.
Nasa labas kami ng kwarto't naghihintay sa kanilang pang-iimbestiga. Kinukuhanan nila ng ebidensya ang sahig.
Tandang-tanda ko pa kung saang parte siya nakabulagta. Sa ibaba ng kama, para bang pilit niyang kumapit sa dulo nito hanggang sa hindi na niya makayanan at bumagsak siya.
I've watched a lot of criminal investigation shows so I can't help but imagine it.
Kukuhanan rin sana ang sahig rito sa sala pero natatabunan na nang maraming prints dahil sa mga bisita noong lamay. Maaari kasing ang pumasok sa kwarto ni lola, maliban sa 'kin, ay hindi ang suspek. Baka sa kusina siya pinainom mismo ng gamot, pero sa kwarto na gumana ang epekto nito. Maaaring kung sino mang pumasok sa kwarto ay sinubukan lang tumulong pero umalis rin dahil takot mapagbintangan.
Everyone is just so desperate for justice. Pero kahit makuha na ang hustisya ay palagay ko'y hindi pa rin maging mapayapa ang mga naiwan ng biktima. May marka pa ring maiiwan dahil sa pagkawala ng tao.
It's like justice is just a compensation for the death of the person. Tanging hustisya na lang ang magiging kapalit dahil wala nang magagawa pa upang maibabalik ang taong pinatay.
Which reminds me of Volatire's 'To the living, we owe respect. But to the dead, we owe only the truth.'
Naka-ilang absences na ako sa La Casa. May responsibilidad pa rin naman ako dahil empleyado pa ako rito. Naging usap-usapan din sa kanila ang nangyari kay lola at mabuti nalang at hindi nila ako tinanong tungkol sa nakita ko. Pagod na akong sagutin ang parehong katanungan.
"Apo ka pala ng may-ari nito! Bakit ito inaplayan mo? Pwede ka sa mataas na posisiyon dahil may kaugnayan ka sa owner! Pinsan mo pa ang manager."
Nakasunod sa 'kin si Pat papunta rito sa kitchen upang kunin na ang mga tray ng orders.
Iling at ngiti lang ang sinagot ko sa kanya. Sabay kaming lumabas sa kitchen upang i-serve ang mga pagkain.
Naitanong ko sa sarili kung ganito nalang ba ang gagawin ko habang buhay. Hindi naman sa sawa na ako sa lugar na 'to. I love it here! Payapa. Binabakas ko lang sa isip ang sariling kinabukasan; Three or five years from now...nandito pa rin ba ako? Ganito pa rin ba ang gagawin ko? Sometimes we don't want anything to change. Ayaw nating mag-adjust. But we need change. And it's permanent.
Kasabay ng pagbaba ko sa kotse ay ang pagdating ng isang sasakyan. Isang police officer ang bumaba kasunod ang abugadong pamilyar sa akin. I've seen him once sa Countryside. Malapit siya kay tito Arwan.
Umuna na ako sa pagpasok sa bahay upang mabilis na makapagbihis. Nandito siya para sa update ng imbestigasiyon at gusto kong marinig ang report.
Dali dali akong bumaba pagkatapos at naabutan siyang bumabanggit ng pakikiramay kay tito Arwan na siyang sumalubong sa kanya sa pintuan.
"Ano nang balita?" tanong ni tito Arwan. Sabay silang umupo sa magkaibang sofa. Sa hagdanan ako umupo at nakinig.
Galing sa kusina ay lumabas si tita Ellen at umupo sa tabi ni tito Arwan at tita Grace. Si papa ay nakatayo sa dulo ng hagdan.
"Kakagaling ko lang sa munisipyo." Inangat niya ang dalang folder at bahagyang inalog bago ito binaba at binuksan. Kumunot ang noo niya. "May nagbigay sa 'kin nito na dating tauhan doon. Wala ito sa files at nanatiling nakatago sa kanya, baka sakaling makatulong iyan sa kaso ng mama mo."
Inabot niya kay tito Arwan ang folder. Lumapit si papa sa likod ni tita Grace at dumungaw sa folder.
"Kasal ang mama niyo sa nagngangalang Sigmund Bolivar. Ngunit may file doon sa munisipyo na asawa niya si Ramon Palomarez—"
"Siya si papang namin." Putol ni tita Grace. "Matagal na siyang patay. Wala kaming kilalang Sigmund Bolivar. At hindi namin alam...anong kasal...?" nag-aalala niyang nilingon si tito Arwan. "Kuya?"
"Tawagan mo si Dion," ani ni tita Ellen. "Baka may alam siya rito."
Agad tumayo si tito sabay dukot ng phone sa bulsa nito.
Nanlamig ako sa nalaman. Hindi ko inasahan ang mga narinig ko. Tinatakwil sila ng utak ko pero pilit akong binabalik sa kasalukuyan, inulit ang mga sinabi ng pulis ilang segundo lang ang nakaraan.
"Kailan sila ikinasal? Wala kaming alam tungkol dito." Halata na ang pangangamba sa mukha ni tita Grace. Namumula pa rin ang kanyang mga mata dala ng kapaguran.
"Isang banyagang Amerikano daw itong si Sigmund Bolivar. Limang taon din siyang nanirahan dito sa bansa bago pinakasalan ang mamang niyo. Iyon ang sabi ng source namin," ani ng abogado.
"Sino?" tanong ni tita Ellen.
Umiling ang pulis. "Ayaw niyang magpakilala."
"Saan ang Sigmund Bolivar na 'to? Kailangan namin siyang makausap at baka hindi niya pa alam ang nangyari kay mama,"ani ni tita Grace.
"Pina-trace na namin ang kanyang kinaroroonan upang mapuntahan at hingin ang kanyang salaysay. Isang banyagang Amerikano itong si Bolivar kaya maaaring nasa ibang bansa siya."
Umabot dito mula sa labas ang boses ni tito Arwan sa pakikipag-usap kay tito Dion.
"Maaari kayang konektado siya sa pagkamatay ni mamang?" pagdududa ni tita Grace.
"Hindi ko pa po masasabi dahil walang sapat na ebidensya."
Hindi ko pa rin aakalaing may mga ganitong tao na gagawa ng karahasan. Pumapatay ng tao? Hinihiling ko na sana dahil sa katandaan ay malabo ang paningin ni lola at maling gamot ang kanyang nainom.
Ngunit sa mga napapanood kong balita sa t.v., pababaw nang pababaw ang motibo ng mga tao kung bakit sila pumapatay ng kapwa. Mababaw na dahilan pero danak ng dugo ang kapalit. Para lang sa pansariling kapakanan.
Restored human faith? Mine was shaken.
" Uhm...attorney, paano po itong lupa ni mamang? 'Di ba otomatiko na itong mailipat sa mga anak niya? Sa amin? Wala naman kasi akong nalalaman na may pinagbebentahan siya nito." ani ni tita Grace.
Tumango ako kahit hindi nila nakikita at kahit hindi ako kasali sa usapan nila. Magiging tagapagmana ang mga anak ni lola kapag wala na siya. Iyon ang alam ko.
" Iyan din ang isa sa gusto kong pag-usapan dito. Dahil wala na ang mamang niyo, maaaring may share si Sigmund sa lupa niya. Pero may hati rin naman kayo bilang mga anak niya. Depende rin ito kung may iniwang will ang mamang niyo."
Doon kami natahimik. Ang kailangang hagilapin ngayon ay ang will na ito upang magkaalaman na. Pero sa oras na makita sa will na kina tito ang lupa at hindi mata-transfer ang ownership kay Sigmund, mawawalan ng saysay ang dahilan ng pagpapatay niya sa lola ko. If ever man na siya ang utak sa krimen. Lahat naman kasi ay posible. Kapag krimen na ang pinag-uusapan, everyone is a suspect.
Pumasok na si tito Arman na bigo ang mukha. Sumenyas siyang wala.
"Wala daw'ng alam si Dion," aniya.
Tumango ang pulis at tumayo. Sumunod sila tita.
"Hindi pa ito sigurado, ngunit isa siya sa mga ikokonekta namin sa pangyayari. Magpapatuloy pa rin naman ang imbestigasyon. I-uupdate namin kayo."
Nagpasalamt sila sa pulis at kay attorney. Ako'y nanatili sa hagdanan, hindi ako pinakawalan ng mga nalaman ko at sa isa pang bagay. Hindi ako pinapakawalang mag-isip sa Sigmund Bolivar na ito. Hindi ko maintindahn ang kaba pagbanggit pa lang ng buong pangalan niya.
Hinihilot ko ang aking ulo, pilit inaalala kung saan ko narinig ang apelyiedong iyon.
"Bolivar...Bolivar..." paulit-ulit kong bulong.
Pumikit ako upang mas aalalahanin pa iyon. "Bolivar...Revilloza...Boliv—"
Dumilat ako na animo'y nagising sa isang bangungot. Sumakit ang dibdib ko sa malakas na pagtama ng kaba sa posibilidad.
Mabilis kong tinakbo ang daan papunta sa bahay niya. Nanghihina ang mga binti ko pero hindi ko ito hinahayaang pumigil sa 'kin sa pagtakbo. Halos hindi ko na maramdaman ang paa kong umaapak sa lupa. Humahapdi ang aking lalamunan sa nagbabadyang hikbi.
Hindi. Sana hindi. Maaring hawig lang. Marami namang hawig ng apelido. It's Devin's middle name. It's Sigmund's last name. What are the chances?
Bawat hakbang ko paakyat sa porch ay padabog. Malakas akong kumatok sa pinto bago ito binuksan.
Natagpuan ko si Devin na nakaupo sa kawayang silya, nakayuko at sapo ang kanyang ulo, sinasabunot ang buhok sa bawat pagpadaan niya ng kamay dito.
Nag-angat siya ng tingin. Awang na ang bibig niya nang tagpuin ang aking tingin.
"Sav...?" mahina ang boses niya na sa palagay ko'y binulong niya ito.
Gumalaw ang kilay niya at nagsalubong nang humakbang ako papasok. Sa pagsara ko ng pinto ay binalot kami ng kaunting kadiliman dala ng takipsilim. Kasabay nito ang pagkakabingi ko sa sariling pagkabog sa dibdib ko.
May nababasa akong takot sa mukha niya. Ano Devin? Nababasa mo ang mga naiisip ko? Marahil may nakita siyang pinta sa mukha ko upang umani nang ganoong reaksyon mula sa kanya.
"S-Sigmund Bolivar. How are you related to him? Are you related to him, Devin?"
Kailangan kong kumapit sa likod ng silya upang panatilihin ang aking pag-tayo. Dahil sa bawat segundong pumapatak sa paghihintay ko sa sagot niya, parang unti-unting natutunaw ang buto sa binti ko.
Dumaan ang sakit sa mukha niya. Mabagal siyang umiling.
"Sav..." Para bang hindi siya sigurado kung ano ang sasabihin. Kita ang kahinaan niya sa kanyang pagtayo upang lapitan ako.
Mariin akong kumapit sa likod ng silya. "Ano, Devin? Sagutin mo ang tanong ko. Kaano-ano mo siya? Sino si Sigmund Bolivar sa buhay mo?"
Pumikit siya't yumuko, frustrated na sinuklay ang buhok kahit hindi naman ito tumatakip sa mukha niya. Pagkatapos ng mabigat na bumuntog hininga, matagal siyang nanahimik. Inuugoy na ako ng matindi kong kaba.
"He's my grandfather..." pagsuko niya.
Panay ang ulit nito sa aking pandinig. Mas lalo akong kumapit sa silya, parang babagsak na ako. Nakadepende ang aking balanse sa aking hinahawakan.
"Kasal sila ni lola...matagal mo nang alam 'to, Devin? Wala kang sinabi sa amin? Anong balak mo sa pag-uwi mo rito?" nagtitimpi ako sa galit.
Humalo ang kabiguan ko, disappointment. Akala ko ba nais niya ng makatotohanan? Pero siya pa itong hindi nagpapakatotoo sa amin.
Mariin siyang umiling. Gulat ang rumehistro sa mukha niya at halong takot. Bahagya siyang humakbang. "Wala akong alam sa sinasabi mo. Hindi ko alam na ikinasal sila—"
"Kung wala kang alam, bakit ka nandito, Devin? Anong ipinunta mo rito? Bakit ka umuwi?"
Nanginginig ang boses ko. Sa nais kong panatilihin itong buo ay nagmistula itong malamig.
May pagsuko niya akong tinignan. "Sav...please..."
"Bakit Devin?!" sigaw ko.
Animo'y mabubulunan siya sa pagsubok niyang magsalita. Para bang isang malaking bola ang nalamon niya at nais niya itong iluwa. Hindi siya makatingin sa 'kin.
Kumanta ang aking cellphone. Tila may alon na bigla nalang bumagsak sa 'kin dahil hindi ko nakuha ang nais kong sagot. Nanginig ang kamay kong pinindot ang accept button sa tawag ni papa.
"Hello po..."
"Savannah, nasaan ka? Bumalik ka muna dito sa bahay, pupunta kaming La Casa. Nagkakagulo raw doon." Naririnig ko ang taranta sa tono niya.
"Ano pong nangyari?" kabado kong tanong. Nagkatitigan kami ni Devin, pati siya'y napaghalataan ko ng kaba at pagiging alerto.
"May mga nagde-demolish sa resort. Kailangan naming puntahan. Dito ka muna sa bahay."
Bago ko pa matagpuan ang boses ko upang magsalita ay binaba na niya ang tawag. Ano na naman ba 'to? Mas lalo akong binigo ng pananalig ko sa sangkatauhan.
Umaasa ang mga mata ni Devin, nais malaman ang itinawag ni papa. Pero iba ang sinabi ko.
"' Di pa tayo tapos mag-usap," malamig kong sabi.
"Anong nangyari?"
Imbes na sagutin ay tinalikuran ko siya at binuksan ang pinto. Hindi ko siya nilingon sa makailang pagtawag niya sa pangalan ko. Dapat ko siyang pakinggan pero hindi ko pa kayang pumasan ng karagdagang katotohanan dahil pinuno nang mga nalaman ko.
Natatakot ako sa mga sasabihin niyang maaaring makapagpalayo sa 'kin sa kanya. Paglayo sa kasanayan na ikinababahala kong talikuran.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro