T W E N T Y
Hindi pa tuluyang huminto ang motor ay tumalon na ako pababa at malalaking hakbang ang ginawa sa pagmartsa papasok sa gate ng bahay. Rinig ko ang may pagmamadaling pagparada ni Devin at ang mabibilis niyang mga yabag na hinahabol ako.
I don't hate him. Naiinis ako! Ano nalang ang mukhang ihaharap ko bukas sa restaurant dahil sa eskandalong ginawa niya kanina?
And my car! He made me leave my car! Kahit secondhand lang iyon ay mahal ko ang kotse ko. Pinapahalagahan ko iyon nang sobra. Parang ina ako na kahit flat tire lang ang problema ay tinatrato ko na itong batang may lagnat at mabilis agad pinapa-vulcanize.
"Savannah—"
Marahas ko siyang hinarap. Hindi siya nagpatinag sa talim ng tinging binabato ko sa kanya.
"I warned Greg," pahayag niya. "Pero anong ginawa niya?"
"Tinulungan lang niya ako, Devin! Wala siyang ginawang masama." Walang aliw akong nagpakawala ng tawa't ginulo ang aking buhok. "Why am I even explaining this to you? Hindi naman tayo."
Seryoso ang mukha niya akong hinakbang. "' 'Yon na nga eh, hindi tayo. And he's taking advantage of it. Girls like you usually fall for good guys like him and Savannah, I am no good guy. So he's a threat for me."
I'm imagining myself being in his shoes. I admit, I would have felt the same kung nakita ko man silang ganoon ni Astrid katulad ng kung anong nadatnan niya sa amin ni Greg. Pero hindi ko pa rin gagawin ang ginawa niya sa harap ng maraming tao. Sabihin pang napaka-imoral namin para mag-eskandalo ng ganoon. Ano nalang sasabihin ng parents ko kapag kumalat 'yon sa social media? May facebook pa naman sila.
"Hindi mo pa rin dapat ginawa 'yon, Devin. Kung gusto mong magpahiya ng tao, huwag mo akong idamay," mahinahon ngunit seryoso kong sabi.
"Hindi ako nagpapahiya. I'm sorry if that's what it looked like for you but I'm not sorry for what I did back there. I don't regret a bit."
Matagal ko siyang tinitigan, hinihintay sa bigla niyang pagpakawala ng kanyang kaaliwan. Gusto kong magkaroon ng rason ang pag-akyat ng inis ko kaya hinihintay kong takasan siya sa ekspresyong pinapamalas niya ngayon. I'm waiting for him to reveal himself basking in entertainment na parang wala lang sa kanya ang nangyari.
Pero asa pa akong wala lang 'yon sa kanya. He's not even sorry about it.
Napailing nalang ako at pumasok na sa bahay. Saktong bumaba si lola sa hagdan na nakapinta ang pagtataka sa mukha. Lumapit ako sa kanya at nagmano.
"Rinig ko kayo hanggang kwarto. Bakit ba kayo nagsisigawan?"
Nagkatinginan kami ni Devin. Ako ang unang bumitaw at umakyat na sa kwarto ko. Tamad kong tinapon sa hamper ang mga hinubad na damit saka kinuha ang unang shirt at shorts na nakatupi sa cabinet. Inasikaso ko ang aking paa pagkatapos, hinugasan bago ko nilagyan ng alcohol saka ako lumabas ng kwarto.
Iniignora ko ang presenya ni Devin na prenteng nakaupo sa sala. Hindi ko man tignan, ramdam ko ang mga mata niyang hinahatid ako sa kusina.
Binuksan ko ang ref at kinuha ang malamig na pitsel saka ako kumuha ng baso sa ibaba ng lalagyan ng mga pinggan.
"Siya nga pala, nak. Tumawag ang tita Grace mo, pupunta raw sila rito sa kaarawan ko't magpapa-party," pahayag ni lola.
Hindi ko agad ininom ang sinalin kong tubig. Ngayong Hunyo na nga pala ang kaarawan niya. Nakalimutan ko kung ano na ang magiging edad niya pero tantiya kong mage-eighty plus or something.
"Oo nga pala La Neng, malapit na birthday mo," ani ni Devin. "Magtu-twenty three ka na noh? Halos magka-edad lang pala tayo eh. Pwede ko pang ireto sa 'yo ang kaibigan ko sa Amerika."
Kinagat ko ang bunganga ng baso upang pigilang matawa. Bumalot naman sa bahay ang halakhak ni lola. Ang lakas mo talaga sa lola ko, Devin. Mapa-bata o matanda, may appeal ka.
Nanatili ako sa kusina, kaharap ang pader na nag-hahati sa kusina't sala. Inii-imagine ko nalang sila doong nagku-kuwentuhan. Hindi ako maka-relate dahil puro sa mga taong hindi ko kilala ang pinag-uusapan nila. Hula ko ay matatanda na ring kakilala ni lola dahil pang-matanda ang mga pangalang binabanggit.
"Iimbitahan ko po sana ang apo niyo ngayong Sabado. May pupuntahan kami."
Bigla akong napatuwid ng upo. Paano napunta doon ang usapan nila? At anong pupuntahan namin? Kailan ako pumayag?
"Nililigawan mo ba ang apo ko?" Wala namang dapat ikabahala sa paraan ng pagtanong ni lola. More like, naninigurado siya.
"Kailangan pa ba 'yon, la? Nahalikan ko na nga 'yan eh."
Mahigpit ang hawak ko sa baso. Muntik ko na itong ibato sa direksyon ni Devin kung hindi ko lang naalalang nasa kusina ako't nasa sala siya. Pasalamat ka sa pader, Devin.
"Aba Eli! Laking Amerika ka. Kahit minsan lang ang uwi mo rito kilala na kita. Mainit ka sa mga kababaihan dito, huwag mong biktimahin ang apo ko," sermon ni lola na halos mag-histerikal na.
Kakaiba ang mababa at mahinang tawa ni Devin. "La Nenita, ako po ang biniktima ng apo mo. Sa dinami-daming nagtangkang maging preso, ako ang ikinulong niya."
Foo-tah ka Devin.
Dinagdagan ko ng malamig na tubig ang baso ko hangga't sa mapuno ito. Ininom ko iyon lahat hanggang sa mapawi nito ang panginginit ng aking mukha. Dumighay ako at naramdaman ang kabusuagn.
Narinig ko ang paglangitngit ng upuang kawayan, inanunsiyo nito ang pag-tayo ni lola. "Haaay...kayo ang mag-usap. Ayos lang naman sa 'kin, buti nga't nanghihingi ka ng permiso. Pero ewan ko sa apo ko, siya ang tanungin mo."
Paparating rito ang mga yabag ng kanyang tsinelas. Inabangan na siya ng mga mata ko sa bukana ng kusina.
"O, andito ka lang pala. Harapin mo ang bisita mo." Tumukod siya sa mesa. Tinamaan ako ng kaba dahil parang nahihirapan siyang huminga.
"Ayos lang po kayo, La?" Tumayo ako't nilapitan siya.
Sumenyas siya at umupo sa pinakamalapit na silya. "Marami lang akong ginawa ngayong araw, pagod lang 'to." Pumikit siya at ngumiwi, nasa tuhod ang mga kamay at hinihilod ito animo'y pinapawi nito ang sakit. "May niluto pala ako diyang banana cue, gawin niyong meriyenda."
Kumuha ako ng panibagong baso at sinalinan 'yon ng tubig para sa kanya bago ako kumuha ng platito para sa banana cue. Hinatid ko ito sa sala kasama ang isang basong tubig.
Imbes sa tabi ni Devin ay umupo ako sa kaharap niyang sofa. Namahinga sa headrest ang kanyang mga braso habang nakadekwatro siyang nakaupo, tinatapik-tapik ang isang paa. Naka-chest out ulit siya, this time ay sarado na ang butones ng kanyang polo.
"This Saturday..." aniya, na parang isa 'yong clue sa isang misteryong laro na kailangan kong panalunin.
"Anong meron?" tamad kong tanong.
Inabot niya ang tinidor at tumusok ng isang piraso ng saging. " 'Yong bayad mo sa pagpapa-charge ko ng battery sa Citroen. Pay for it this Saturday."
"Okay." Tinaas ko ang aking paa sa silya at tinanggal ang ilang nalagas na nail color sa kuko ko. Kailangan ko na ulit magpa-pedicure. I like to try the turquoise color para parallel sa summer feels ng Pilipinas.
"Payag ka?" mukhang nagulat si Devin sa sinagot ko.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at tumango. "Kailangan kong magbayad eh."
Wala namang masama kung sasama ako kung saan niya ako ipapasyal. Posibleng mas mag-enjoy pa ako at malibot ang mga tourist spots ng Aloguinsan. My cousins had toured here at hindi man lang ako sinama.
This Saturday would be the day na finally mararanasan ko na rin ang na-experience nila at pinag-usapan nila ng tatlong araw like this place is a woman that they can't get over with their heads with.
At isa pa, kailangan ko rin talagang magbayad sa kanya. He won't accept my bills, then fine kung ito ang nais niyang ibayad ko, walang kaso sa 'kin.
Kinabukasan sa La Casa, binombahan ako ng mga tanong nina Pat at Ellaine tungkol sa amin ni Devin , tinumpak pa nila sa pag-pasok ni Brenna sa employer's lounge kaya sa buong hapon ay binubunggo niya ako sa balikat sa tuwing may pagkakataon siya.
I just let it pass, pinapamukha lang niyang sila ng kaibigan niya ang talunan. I won't stoop to their level of immaturity.
Tumapak ang Sabado at heto ako't nakatayo sa aking cabinet, pinipisil ang ibabang labi ko habang nag-iisip ng masusuot.
What, Savannah? You've been in several dates before, ngayon ka pa magkakaroon ng dilemma sa susuotin mo?
Pero kasi hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Devin. Mabuti nalang at naisip kong hingin ang number niya kahapon. Pakipot pa, ayaw raw niyang makipag-usap sa text dahil gusto niya personal. Sa huli ay napilit ko siya.
Me:
Anong isusuot ko?
Lumundag ako sa kama pagkaupo ko. Humilata ako, nasa sahig ang mga paa. Ilang segundo lang ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone sa aking kamay.
Devin:
Kahit ano. O yang suot mo ngayon.
Kunot-noo kong tinignan ang sarili. Mabilis akong nag-reply.
Me:
Bra at panty? Saan mo ako dadalhin? Sa bar?
Why can't he just tell me kung saan? Malalaman ko rin naman pagdating namin kaya hindi na niya ako kailangang i-surprise.
Devin:
God Savannah! Stop texting me the visual! Just wear anything. Not formal but decent enough!
Hindi na ako nag-reply. Tawang-tawa akong tumayo at pinagpatuloy ang paghahanap ng desenteng kasuotan. Sinubukan ko na lahat galing sa sleeveless top, ruffled blouse kung saan nagmukha akong manang hanggang sa muscle shirt na hindi ko feel isuot ngayon.
Nauwi ako sa pag-tawag kay Daneen dahil mas maalam siya sa fashion.
"Sav, you got boobs that could defy gravity. While my boobs couldn't even slap a face!"
"Daneen!" tumawa ako habang hinuhubad ang pang-pitong sinusukat na damit.
Why even bother to frustrate about what clothes to wear, Sav? Si Devin lang naman 'yan, walang arte ang lalakeng 'yon kahit mag-malong ka pa!
"Pwede ka ngang magpa-breastfeed ng bata! Punta kang breastfeeding station, mag-donate ka ng breastmilk. Pwede 'yong pagkakakitaan."
"Hiningi ko advice mo sa susuotin ko, ba't biglang napunta sa boobs ang usapan? Langhiya ka talaga!" natatawa kong sabi, tinadyakan ang kakahubad ko lang na denim pants.
"Wear v-neck. 'Yung white. Pampaliit kasi 'yung black kaya trust me, the white v-neck. The simplier the better."
I visualized myself. Pwede...
"Hindi ako magde-dress? Do you think okay lang?" tanong ko, pinaglalaruan ang laso ng dress na katabi kong nakahilata sa kama.
"Magde-dress ka? Kung humangin ng malakas? Hello panties!"
Sabagay...wala rin naman akong masyadong dresses. Hindi ako kumportable kaya puro shorts ang minamay-ari ko.
Sa huli ay sinunod ko ang advice niyang v-neck at shorts na may punit kaya kita ang medyo namumula ko pang hita dala ng exposure sa init ng araw. Naka-high ponytail ang mahaba kong buhok na halata ang alon sa dulo. Sinuot ko ang aking white sneakers, na-trauma kasi ako sa pag-tama ng aking paa sa bato.
Umalis na si lola papuntang kapilya, may pagpupulong sila ngayon doon. Hindi ko na siya nadatnan pag-labas sa kwarto imbes ay si Devin na tamad na pinipindot ang remote sa tv ang bumungad sa 'kin.
Nag-angat siya ng tingin sa unang hakbang ko pa lang pababa ng hagdan. Mabagal naglakbay ang mga mata niya pababa. Biglang nagtagpo ang kilay niya nang makita ang pang-ibaba ko.
"Ba't ka naka-shorts?" iritado ang tono niya.
Hindi ko siya sinagot. Kailangan ko pa bang mag-explain?
Kumuha ako ng apple sa kusina at sinilid sa bag ko. Hindi tinatantanan ng masamang tingin ni Devin ang aking shorts na para bang ang laki ng kasalanan nito sa kanya. O baka sa legs ko siya nakatingin?
"Let's go!" Naghihintay ako sa pintuan.
Pinatay na niya ang tv saka tumayo. Pinauna ko siya sa paglabas para mai-lock ko ang pinto at ang gate. Sa pagdaan niya sa harap ko ay sinalakay ako ng kanyang pabango. It's minty and manly, na parang kapag ipinahid mo sa balat mo'y hindi ka lang babango kundi lalamigin din.
Bahagya akong tumakbo upang maunahan siya sa kanyang motor. Nauna akong sumakay. Nilingon ko siyang nanatiling nakatayo malapit sa gate at masama ang tingin sa 'kin.
"Sakay na, Devin." Tinapik ko ang espasyo ng upuan sa harap ko. "Marunong akong mag-drive ng motor. Gusto mo ako na mag-maneho?"
Sa mga segundong nagdaan habang humahakbang siya papalapit, sinuri ko ang suot niyang dark maroon shirt na halata ang kanipisan at kalambutan ng tela. May maliit na bulsa sa kaliwang dibdib na parte. Parang pinagawa talaga sa kanya ang shirt dahil hapit sa matipuno niyang katawan. I could even notice his nipples! His broad shoulders could cover the outline of my body.
"Alam ko, sabi ng kuya mo. But the hell you will drive. Wala tayong helmet, lakas mo pa man daw magpatakbo," seryoso niyang sabi.
Umusog ako sa harap ng upuan saka humawak sa handlebars. "No need for helmet. Matigas naman ang ulo mo."
Ngumisi siya. "Saang ulo, Savannah?"
Hindi ko napigilang batuhin siya ng matalim na tingin.
"Sakay na nga!"
Ang kaninang seryoso ay ngayo'y tumatawa na. He's quite moody, like the weather. But he's also hot, like the weather.
Sinuotan niya ako ng puti niyang baseball cap na may itim na check sa gitna bago siya sumakay sa motor saka kami umalis.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro