Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

T W E L V E

" 'Yan na ba ang desisiyon mo? Alam mo galing akong munisipyo, may hiring sila ng mga nurses para sa isang lying-in clinic. Malapit lang din dito."

Binanggit ko kay ate Dorselyn ang naging desisiyon ko base sa naging pag-uusap namin ni Devin. Bumalik kami sa admin house at narito kami ngayon sa balcony. May tatlong platito ng cake sa mesa na dala niya galing sa kanyang lakad.

"Pero kung mas malaking sweldo ang habol mo, this place would be the better option. Pwede ka namang mag-nurse dito. Resort nurse na, waitress pa. 'Yon nga lang, CPR at BP ang extent ng magagawa mo," singit ng katabi kong si Devin.

Maiging tumango si ate Dorselyn.

Nag-ring ang kanyang phone, sumenyas siya sa amin sabay tayo at nagtungo sa balustrada kausap ang kung sino mang nasa kabilang linya.

Humilig si Devin sa 'kin saka bumulong. "Kung ako ang papipiliin, mas gusto ko rito. Considering the fact that I suck at watching the baby going out from a woman's you-know-what, dito...mas marami kang magagawa. Sa lying-in kasi, you'd only deliver a baby, make some gauze and cotton balls."

Bahagya kong hinila ang aking ulo upang matignan siya na may panunuya. "At hindi ko na kailangang tanungin na nasubukan mo na ring mamasukan sa lying-in."

Kung mahaba lang ang buhok niya ay marahil tinatakip na niya ito sa namumula niyang mukha. May kasamang irap ang pag-iwas niya ng tingin sa 'kin.

"Don't mention it. It has somehow downgraded my masculinity."

Tinakpan ko ang bibig ko ngunit tumakas pa rin ang halakhak. Tinulak niya ako sa balikat. Lahat yata ng trabahong babanggitin ko ay nagagawa na niya! Lumakas pa ang aking tawa sa naisip kong 'yon. Tinatakpan na ni Devin ang kanyang mukha na nanginginig ang balikat.

"Ayos lang kayo?"

Sabay kaming pumormal at nag-angat ng tingin kay Ate. "Opo."

Hindi na niya kami inusisa pa. Kasabay ng kanyang pag-upo ay sinilid niya ang cellphone sa bag. "Ano na, Sav?"

Lumingon ako kay Devin bago ako sumagot. "Dito na ako 'te Dorsi."

"Sa restaurant," paalala ni Devin.

Tumango ako. "Sa restaurant."

Mas bumilog ang mga mata ni ate Dorsi sabay tingin sa katabi ko. "Devin? Do you mind?"

"Not at all," aniya sabay tayo.

Taka ko silang tinignang dalawa. "Huwag mong sabihin siya ulit?"

Tumango lang si ate na hindi na inabalang magpaliwanag. Salubong ang kilay kong sumunod kay Devin pabalik ng restaurant. Ano ba talagang trabaho niya rito? Free-lancer ba siya? Sinuswelduhan kaya siya?

"Kailangan ko pa bang mag-pass ng resume?" tanong ko habang paalis kami ng balcony.

"Ngayon mo pa talaga tinanong?" Tumawa siya. "Hindi na."

Apat na babae at isang lalake ang nadatnan naming namamahinga sa isang maliit na room na may mga lockers dito sa tagong parte ng restaurant. Ceiling fan at radio lang ang tanging appliances at fluorescent na ilaw. Kaharap ng mga lockers ay isang mahabang sofa na puno nilang inookupahan.

Sabay silang nag-angat ng ulo pagkapasok naming ni Devin. Nahinto pa ang dalawa sa kanilang pinag-uusapan.

"Hi Devin!" Hindi sila sabay bumati. Ang tanging lalake sa kanila ay tinanguan lang siya.

"Hello! Bagong trainee." Turo niya sa 'kin. Nasa likod lang ako at tipid silang ningitian. Sandali akong sinulyapan ng isa doong naglalagay ng pulang lipstick.

"Huwag mong sabihing related kami ni ate Dorsi," bulong ko kay Devin.

"As you wish," bulong niya pabalik saka bumaling muli sa kanila. "Wala pang luto si chef?"

Tumayo ang isang payat na babae at nagbukas ng locker. Siya 'yong Ellaine na kumuha ng order namin kanina. "Meron na, namahinga lang saglit. Kaunti pa lang kasi ang kumakain, mamayang lunch pa kami babahain ng customers."

Dumungaw ako sa relo ko, advance ito ng limang minuto sa wallclock nila rito sa room.

Hinarap ako ni Devin. Halukiphip siyang sumandal sa pintuan. "So obviously, employer's lounge 'to. Magsu-switch kayo ng breaks pero minsan ay sabay rin katulad nila, kasi wala pang kumakain. Pero kung individual breaks, thirty minutes but don't consume it sa iisang break lang. You can have fifteen minutes sa morning break and another fifteen sa hapon."

"Ikaw rin ba ang nag-train sa kanila?" untag ko.

"Hindi. Taga-orient lang ako. Like what I'm doing right now."

Nagkibit balikat ako. "Okay. Proceed."

"Switch kayo kung sino ang magco-close ng resto, siya ang magbubukas nito kinabukasan dahil nasa kanya ang susi then iaabot na naman sa next na naka-sched na magco-close."

"Anong ginagawa sa closing?" tanong ko.

"Inventory, check sa mga supplies, then siya rin ang magca-cash out at iaabot ang sales sa head niyo."

Ini-imagine ko ang scenario habang nagpapaliwanag siya. Nang ma-gets ko ay tumango ako.

Tinanguan niya ang mga nasa loob na gumanti ng kaway bago siya umuna sa paglalakad. Dumaan kami sa makipot na hallway kung saan sa dulo nito makikita ang kabilang parte ng infinity pool.

Huminto siya sa isa na namang pintuan at dito pa lang sa hallway ay amoy na amoy ko na ang samo't saring ulam.

"Kitchen," simpleng prisinta ni Devin.

Puro puti ang pader pati na ang sahig. Sa gitna ay nakahanay ang lalagyan ng mga ingredients at naroon na rin ang hiwaan. Sa bawat gilid ay may stove at hilera ng malalaking mga kaldero. May counter din kung saan nilalapag ang mga orders ng mga customers.

Tinuro ni Devin 'yung nag-iisang chubby na lalake. May nakapulupot pang puting face towel sa ulo nito. " 'Yan si Chef Paul, parang si Dalton." Tumakas ang mahina kong tawa sa sinabi niya. "Oi chef! Baka may binabawasan ka na diyan!"

"Ako nagluto nito kaya malamang binabawasan ko!" aniya. Kahit nakatalikod siya ay malalaman mo ang ginagawa nitong paghahalo sa mga rekados.

"Pasok kami, for orientation lang."

"Geh!"

Papasok na sana ako nang humarap si Devin at hinarang ang katawan niya sa pintuan. His broad shoulders almost filled the doorway! Umatras ako dahil masyado siyang malapit sa 'kin.

"Palabiro 'yan, pero pag cooking time, ayaw niya paistorbo kaya huwag mong kausapin kapag nagluluto siya. Mamaya, mag-observe ka sa gagawin nila," aniya.

"Of course," kumpiyansa kong sabi. Kanina pa kaya ako nago-observe.

Isang matapang na kilay niya ang umangat. "A little respect. Trainee ka pa rin."

Uminat ang isang dulo ng kanyang labi, ngunit walang bahid ng ngiti. Umiling siya bago ako tinalikuran at pumasok na sa kitchen. Sumunod ako, nakatingin sa buhok niyang magulo. Nagiging brown 'yon dahil sa ilaw at mas titingkad pa kapag naaarawan.

Tinuro ni Devin ang grupo ng tatlong nakatalikod na mga taong naghuhugas ng mga plato.

"Dishwashers," ani ni Devin.

Umaasa ang ekspresyon ni chef na humarap sa 'min galing sa hinahalo niya. Pinupunasan niya ang kamay sa pula niyang apron.

"Server?" tanong niya, tipid akong tinuro.

Kapwa kami tumango ni Devin.

Matagal siyang tumitig kay Devin, sandaling bumaling sa 'kin at kay Devin na naman saka siya ngumisi. Parang nag-uusap sila sa mga mata nila. May namumuo ba sa dalawang 'to?

Umiling si Devin. "Ewan ko sa 'yo. Alis na nga kami."

Kita ko pa ang pamumula ng bilugang mukha ni chef Paul sa pagtawa nito bago hinawakan ni Devin ang mga balikat ko't pinihit ako. Tinutulak niya ako upang umuna sa paglalakad palabas.

"Huwag lang abs mo ang ipahipo mo, kailangan pati rin ang puso!" sigaw ni chef.

Paglingon ko ay kita ko ang pag-taas ni Devin sa middle finger niya kasunod ang hagalpak ni chef Paul hanggang sa makalabas kami ay umalingawngaw ang matinis niyang tawa.

Kung ganito lang naman ang mga makakasama ko, then working here won't be that bad I think. Kesa sa ospital, may ibang mga staff na tatarayan at paplastikin ka pa. Kompetensya kasi namin ang isa't isa, gawa na rin ng stress dahil sa dami ng mino-monitor namin, minsan wala ng space sa pagiging friendly.

Pumwesto kami sa counter ng restaurant, sa likod namin ay shelves ng mga alak. Nagiging bar na rin kasi ito kapag gabi, kailangan lang i-switch ang disco lights. Sa gilid na katapat ng entrance ay isang maliit na stage para sa live band na tumutugtog kada Sabado.

Unti-unti nang pinupuno ng tao ang loob dahil lunch time na. Nag-observe ako. isusulat nila ang mga order sa isang invoice book, ibibigay nila kay chef Paul, habang naghihintay sa order ay kukuha sila ng order sa ibang customer then they serve.

Dumikit ang braso ni Devin sa 'kin nang humilig siya upang bumulong. "You thought it's that easy? Madaling tignan. Wait 'til you do it yourself."

Yes I thought it's easy. Madali lang naman talaga kung hindi ka mahiyain at tatanga-tanga.

"Is that a threat?" Naghahamon ang aking tono.

Chill siyang umayos ng tayo. "Nah. It's just a heads-up."

Muntik na akong rumisponde nang makita ang isang server na natapilok hawak ang tray na may mga pagkain at drinks. Tinamaan ako ng kaba kahit hindi naman ako ang nagse-serve. Buti nalang ay nagawa niyang maka-balance.

Tinignan ko ang supt niyang sapatos, expecting to see her wearing high-heels. Maiinis talaga ako kung 'yon ang aking matutunghayan pero hindi. She's wearing a black flat ballet shoes.

"See?" Parinig ni Devin laman ang ibig niyang ipunto sa sinabi niya kanina.

Fine. I should not conclude just yet. Wala naman kasing magaan na trabaho. Even company owners suffer their own hardships, too.

"Kailan ako magsisimula?" tanong ko.

Pumihit siya't binuksan ang maitim na drawer. Inabutan niya ako ng invoice book. "Kunin mo ang order ng susunod na customer."

"Agad?" gulat kong tanong.

Kalma siyang tumango na parang wala lang sa kanya ang gulat ko. Is that his other way of mocking me? If so, then nagtagumpay siya!

Lumingon ako sa ingay ng mga bata, may donut na salbabida pang suot ang lalake. Hawak sila ng kanilang mga magulang at pumwesto sa bakanteng upuan.

Tinignan ko si Devin, parang boss niya 'yong tinango senyales na magsimula na ako.

Okay, aaminin ko kinakabahan ako. Ang lakas pa ng loob ko kaninang pakiramdaman na simple lang ito but Devin's 'heads-up' is making me jump on my nerves. I mentally put on my big girl pants and step forward. Hindi man lang niya ako inabutan ng uniform.

Habang binabakas ang daan ay dumungaw ako sa relo ko bago ko pa makalimutan ang sasabihin. "Good afternoon."

May sinabi ang babaeng nakakatanda sa ibang lenggwahe sa bata bago niya ako hinarap, palagay ko'y pinapagalitan niya ito at pinapahubad ang salbabida. Sumenyas 'yong ama na may makapal na bigote habang nakadungaw sa menu. Tinuro niya ang kanyang order at mabilis ko itong nilista.

Nagtagal ako sa kanila dahil paiba-iba ng order ang batang babae. Mukhang brat, karamihan talaga sa mga blondes ay brat.

Dumiretso ako sa kitchen upang iabot ang order kay chef. Muntik ko na itong kausapin nang maalala ko ang sinabi ni Devin kanina. Nagluluto siya at mukhang seryoso. Nilagyan ko na lang ng pin ang order form sa tabi niya saka ako lumabas upang kumuha pa ng panibago.

Wala namang bagong pasok na customer kaya nanatili ako sa counter. Kinalabit ako ni Devin at may tinuro.

"Clean that table. Maintenance supplies katabi ng employer's lounge," mabilis niyang mando.

Wow! Ganito siya ka-strict? Ganito pala siya maging boss. Impressive, Eleazar.

May kasamang irap ang pigil-ngiti ko saka ako pumuntang maintenance at kinuha ang panlinis ng mesa. Sana talaga inabutan nila ako ng uniform kahit pang-itaas man lang, halata kasing ako ang naiiba dahil sa suot ko. Pinagtitinginan ako ng mga tao.

Binalik ko ang mga supplies pagkatapos. Naghugas muna ako ng kamay sa isang sink doon saka ako lumabas at bumalik ulit sa counter. May kausap si Devin na balingkinitang babae, halos kasingtangkad na niya, morena, makinis at produkto ng light brown hair coloring ang hanggang balikat nitong buhok.

"Hindi ka yata nangisda ngayong araw, hindi kita nakita sa public market," ani nung babae.

Halata ko ang kislap sa mga mata niya. Oh why, of course she's talking to one and only Devin Eleazar. He's like the fishing God here or something.

"Maaga akong nangisda, mga five. Umalis agad ako kaya hindi mo na ako naabutan," ani ni Devin.

Siniksik ko ang sarili sa likod niya dahil humaharang sila sa dinadaanan ko papasok sa sulok ng counter.

"Ganon ba? Sa 'yo ulit ako bibili bukas ah? Presko kasi mga huli mo." Mahinhin ang boses ng babae.

Bahagyang tumawa si Devin. "Presko naman talaga basta sa umaga."

Pinuwersa kong hindi mapangiwi at ikutan sila ng mata. Kinuha ko ang aking cellphone at nag-check ng messages kahit wala namana talaga akong inaasahang texts ngayon. Maliban lang sa update ng expiration date ng load ko.

"Sige, bye Devin! Reserve mo sa 'kin ang huli mo bukas a?"

"Sure..." Nanindig ang balahibo ko sa swabe niyang boses.

Lumipat ako sa games dahil boring mag-basa ng message. Tinuloy ko ang laro na naudlot kagabi dahil sa antok ko.

Naglakbay ang ingay ng mga paghuhugas sa kitchen at iyon ang namayaning ingay maliban sa ugong na pag-uusap ng mga customers. Pero hindi roon at sa nilalaro ko nakapunto ang aking atensyon kundi sa pananahimik ni Devin sa aking tabi.

Ramdam ko ang pagdungaw niya sa cellphone ko dahilan upang lumapat sa braso at kamay ko ang mainit niyang hininga. Umusog pa siya palapit na ikinahinto ko sa paglalaro.

Nahimigan kong sinadya niya ito upang makuha ang aking atensyon. Nag-iwas siya ng tingin nang nilingon ko siya.

"That's Maya, may live-in partner siya, two kids. A housepartner to be exact."

Pinagtaka ko ang biglang pag-inform sa 'kin nito ni Devin. Imbes na pakitaan siya ng pagtataka ko ay kina Maya ako nakatanaw na may hawak na dalawang bata. Binitawan niya ang mga kamay nito at pinuwesto sa harap niya upang kuhanan ng litrato, background ang dalampasigan.

"Uhh...so?"

Dumungaw siya sa'kin saka nagkibit-balikat. "Just checking if ever nagdududa ka. We're good friends."

Pinaningkitan ko siya ng mata. I still don't get him. "So what kung nagdududa ako?"

Katulad ko ay sumandal na rin siya sa counter. Pinag-krus niya ang kanyang mga paa, humalukiphip at sinuri ang mga kuko niya sa kamay. "I'm just trying to let you know that I'm single."

"So...?" I waited. Naka-awang akong nagpipigil ng ngiti.

Pinaglalaruan ng dila niya ang kanyang ngipin habang nakasara ang bibig. Halata ito sa kanyang pag-nguso na may pigil ding ngiti.

He made a clicking sound on his tongue. "La lang..."

Kumalat ang pamumula sa light moreno niyang kutis. Pati leeg at dibdib niya ay sumabog sa pula! Tinitigan ko pa siyang mabuti, hinintay ang kanyang pag-lingon at inaasahan ang karagdagan niyang panunuya. Ngunit sa pagtatagal ng mga mata ko sa kanya ay mas tumindi pa ang kanyang pamumula.

Hindi ko alam kung kakabahan ako dahil para siyang nagkakaroon ng allergic reaction!

Huminto siya sa pagdungaw sa kanyang kuko, pati na ang paggalaw ng kanyang bibig at tuluyan nang tinakpan ang kanyang mukha gamit ang dalawang kamay.

Tumawa ako. "Ewan ko sa 'yo!"

Proof number two. Check.

Tawang-tawa ko siyang iniwan sa counter at imbes na kabahan ay ginanahan ako sa pagkuha ng mga orders sa mga sumusunod pang nagdatingang customers.

Tinanaw ko ang counter at nakitang wala na si Devin sa kinatatayuan niya kanina.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro