T H R E E
Magtatakipsilim na kaming nakabalik sa La Casa. Humahalinghing na sa gutom ang kapatid ko. Sa kanilang lahat ay siya ang pinakaaktibong nag-snorkeling.
Nagtanggalan na kami sa aming mga life jackets saka bumaba sa barko. Dumukot ako ng tubig dagat upang ihilamos sa namumula kong mukha na medyo humahapdi rin dahil sa init ng araw kanina.
Sa likod namin ay nagtatawanan sina Mozes, Viel at Miles sa usapang snorkeling nila. Sa pinakalikod sina Dalton at Euan na nagmistulang mga tour guide kay Axton at sinariwa ang mga ginagawa nila rito noon.
"Tumatae ka nga sa talahiban! Bobo hindi pa nagdala ng tissue. Anong pangpahid mo? Dila ng aso ni lola?"
Rinig hanggang dito sa harap ang pahayag ni Dalton kay kuya Euan. Dumagundong ang tawa namin at hindi napawi 'yon hanggang nakarating kami sa cottage.
Pagod kaming nagsihigaan sa kama. Nakaupo lang naman kami kanina pero nakakapagod na.
"Tangina, pinaalala mo pa."Naghuhubad ng shirt si kuya at sinabit sa balikat sabay buhay sa tv.
Halos hindi na makahinga si Dalton sa pagpatuloy sa kanyang throwback story. Hindi namin rinig dahil mahina ang pagkakasabi niya, parang sikreto hanggang sa sumabog ang tawa ni Axton.
Nilingon ko si Daneen sa pagtawa niya.
"Anong sabi?" tanong ko.
Nagkibit balikat siya. "Ewan. Tumawa lang ako."
Hindi ko napigilan ang paghagalpak na sinabayn nina Marlow at Rory.
"May kontak kayo kay Devin? Papuntahin natin." Umupo si Euan sa dulo ng kamang pinagpwestuhan naming mga babae.
Naalala ko na naman ang lalakeng iyon na hindi ko alam kung paano naging ganon ka-dekalidad ang pangangatawan sa pangingisda lamang. Hindi nagtagal ang interaction namin, kailangan na kasi nilang bumalik sa fishing village para i-load ang mga huli nila't ihabol sa public market ng Aloguinsan.
"Malapit lang bahay nila kay lola Neng kaya mapupuntahan natin siya mamaya,"sabi ni Dalton.
"Saan magi-grill? Dito o kina lola?" tanong ni Rory.
Napatuwid ako ng upo. "May tagong baybayin malapit kina lola! Di ba Daneen?"
Maiging tumango si Daneen na nakatutok sa tv.
"O sige, doon tayo para mahatiran din natin si lola Neng ng ulam. Paborito niya yung ihaw na tilapia."
Hinihimas na ni Mozes ang kanyang tiyan. Lukot ang mukha niyang namumula na rin."Punta na tayo. Gutom na ako eh."
Ilang sandali muna kaming nagpahinga bago umalis. Kumakalam na rin kasi ang tiyan ko.
Pinuntahan muna namin ang nakakatandang kapatid ni Dalton na si ate Dorselyn upang magpaalam at sa kanya iniwan ang susi ng cottage. In-charge siya sa resort since siya ang tanging may managerial experience sa amin.
Nasurpresa si lola na bumalik kami ng gabing iyon. Sinabi namin sa kanya ang sadya naming mag-ihaw at tumambay sa tagong baybayin. Nanguna kami ni Daneen sa pagtungo roon.
Kanya-kanya kaming gamit ng flashlight app sa mga cellphones namin. Sobrang dilim at lamig pa dahil sa makakapal na puno. Panay ang paglagapak ng mga kamay sa binti dahil sa pangangati. Dumagdag pa sa creepiness ang tunog ng mga kuliglig at palaka.
Mas dinalian ko ang paglalakad nang lumakas na sa pandinig ko ang paghampas ng dagat.
Nagtaka ako na bigla nalang nasa harapan sina Mozes at Asa. Mabilis silang pumagitna sa'min ni Daneen at todo kapit sa aming mga braso.
"Takot kayo noh? Ang lapit na natin," pang-aasar ni Daneen.
"Hindi ah. Ang bilis niyo kasing maglakad," katwiran ng kapatid ko.
Nag-iisa ang poste ng ilaw sa tagong baybayin at ito ay katabi ng nag-iisa lang din na cottage hut. Hinanap ko ang mga bangka na nakita ko kanina, nandoon pa rin ang mga ito sa dating puwesto.
Bumitaw na sa'min sina Mozes at Asa nang makita ang liwanag at aligagang nauna sa cottage. Sumunod ang iba pang mga pinsan dala ang kalahating sako ng uling, grilling grate at mga kubyertos galing kina lola.
Mahaba ang mesa kaya malaki ang espasyo ng iba pang paglalagyan. Inayos na nina Dalton at Viel ang grill habang hinahanda naming mga babae ang iihawin.
Pinagmamasdan nina Mozes at Asa ang ginagawa namin, naghihintay na may iuutos sa kanila samantalang nagpa-pluck si Miles sa kanyang gitara.
Dumating sina Euan at Axton na nakikipagtawanan sa kung sino.
Sa likod nila ay ang nakangising si Devin habang matamang nakikinig sa kinukuwento ni Euan. Ginugulo niya ang basang shaggy cropped niyang buhok, parang pinapatuyo niya ito. Mukha siyang bagong ligo dahil sa naaamoy kong sabon at deodorant nang dumating siya.
May tatak na mamahaling brand ang suot niyang itim na muscle shirt kung saan pinapakita nito ang hulmado niyang braso.
Naningkit ang mga mata ko. Saan naman kayang ukay-ukay niya nabili 'yan?
"Fuck, naiiyak ako." Tinatakip ni Mozes sa kanyang braso ang mga mata nito, tuluyang nabalewala ang hiniwang sibuyas.
Tinawanan siya ni Asa na kamatis ang hinihiwa.
Dinala na namin nina Daneen at Rory ang mga iihawin sa grill kung saan nagawan na nang apoy ni Dalton. Nilagay namin ang mga meat. Inuna namin ang tilapia dahil dadalhin namin 'yon kay lola.
"Yung isang HRM graduate jan na may bar na sa Manila, pakitulungan po ang chef natin!" parinig ko kay Euan na lumalala ang tawanan sa likod.
"Kailangan ng assistant ni chef!" dagdag ni Dalton.
Maya maya'y nagsilapitan na sila. Si Miles ay dinala ang gitara niya't nagpatugtog ng lumang kanta.
Bumalik ako sa mesa at kinuha ang biling tubig namin kanina upang maghugas ng kamay, kaunti lang naman ang ginamit ko. Nagtungo ako sa buhanginan malayo sa kanila at umupo. Kinuha ko ang cellphone na kanina pa nagva-vibrate.
Royce:
We're not yet done Sav. Alam mo yan.
Ngayon ko lang hiniling sa buong buhay ko na sana wala nalang akong load.
Me:
Ang alam ko nasa harap kita nung nag-break tayo.
Ano pa bang kailangan niya? I'm sure mabubuhay siya nang wala ako. In fact, he can run crying like a lost boy to his ex-girlfriend and seek her comfort. Siya naman ang nagiging takbuhan niya sa tuwing nag aaway-kami. I don't mind at all. Sanay na ako.
Pero bakit ex ang naging takbuhan kung may mga kaibigan naman? Friends have their purpose and that is to always be there in your ups and downs. And I've known his friends at mababait silang tao.
Sa kanya rin 'yan. Iba-iba tayo ng pag-iisip at ways of comfort. Maybe he found that in her that he couldn't find towards anybody else.
May mga pagkakataon naman talagang hindi tayo nagco-confide sa kung sino pa ang mas malapit sa 'tin. We don't always share secrets to our best friends. Sometimes we confide to someone who is less likely our best friend but in a way na mapagkakatiwalaan naman natin. I've been there, too. So I tried to understand that towards Royce.
Ngunit ginising na naman niya ang mga pagdududa ko. I'm tired of doubting. Gusto ko sa susunod na papasok man ako sa isang relasyon, dapat may assurance na. Yung wala akong dapat pagdududahan dahil ako lang ang para sa kanya. I'm a one man woman, atleast I deserve a man who shares the same principle as me.
Napaigtad ako sa muling pag-vibrate ng aking cellphone. Kunot noo kong binasa ang mensahe ni Royce.
Royce:
You don't mean that Sav. I swear pupuntahan kita kung nasaan ka and you'll come back to me like you always do.
Nalaglag ang panga ko. Pinagmukha niya akong easy! Fine, may katotohanan ang sinabi niya. But still! As if naman alam niya kung nasaan ako!
Me:
I USED TO DO Royce. Tama na yung huli. I'm not coming back to you! You can't scare me with your threat. You know better than that!
Mas takot pa ako sa horror movies kesa sa banta niya.
Pinatay ko na ang aking phone bago ko pa maisipang itapon ito sa dagat. Kaya nga ako nandito para ma-relax at malinawan ang isip ko!
I've decided na hindi na ako babalik pa sa kanya. Pero may ibang parte sa 'kin na bigyan pa siya ng chance. Isang buwan yata ang kailangan kong bakasyon dito bago ako magkaroon ng pinal na desisyon.
Nilingon ko ang papalapit na hakbang sa likod ko. Medyo malayo sa 'kin si Devin pero naririnig ko pa rin ang mga tawa niya. Nagkakasiyahan na sila doon habang nagi-grill. Patuloy pa rin ang pagtugtog ng gitara ni Miles.
Nilingon ko muli si Devin na ngayo'y nakaapak na ang mga paa sa dagat at nagtatanggal ng butones sa kanyang cargo shorts.
Seriously?
"Bawal umihi diyan!" tawag pansin ko sa kanya.
Doon palang niya ako namalayan. Nahinto ang pagbaba niya ng zipper.
Sa kaunting liwanag at di kalayuang distansya, nakita at narinig ko ang kanyang pag-ngisi. Dumaan ang kanyang mga daliri sa magulo niyang buhok.
"Wala namang ibang tao."
"Anong tawag mo sa 'kin?" patutsada ko. Hindi ko maiwasang mag-taas ng kilay.
Kita ko ang pagka-tunaw ng kanyang ngisi. Umiling siya't nagmura habang binabalik ang pagbutones sa kanyang shorts. Kamot ulo siyang naglakad pabalik sa cottage.
"Buzzkill." Narinig ko ito mula sa kanya. Binalewala ko lang.
"Hi Faye!"
"Hi po kuya."
Lumingon ako sa likod. Nag-high five sila ni Faye. Ginulo niya ang buhok ng pinsan ko.
"Laki mo na ah. Noon ako pa bumibili ng diapers mo."
Nahihiyang humagikhik ang pinsan ko habang pinaglalaruan ng mga daliri niya ang headphones.
Bumalik si Devin sa mga pinsan kong lalake. Sunod siyang nakipag high five kina Rory at Marlow na ngayo'y naglalakad papunta sa direksyon ko. Nauna si Daneen sa kanila.
"Bakit lahat kayo kilala siya? Ako lang hindi," sinatinig ko ang aking pagtataka nang maupo na sila kasama ko sa buhanginan.
Para akong bagong panganak. Kailangan ko yata ng re-orientation sa mundo!
"Nagpupunta siya sa Countryside kapag may liga," pahayag ni Marlow.
"Marunong siyang mag basketball?"tanong ko.
Maiging tumango si Rory."Three point shooter."
Noong college ako, nagdo-dorm kami ni Daneen kaya week ends lang ako nakakauwi, minsan ay Sunday lang at balik agad kinagabihan. Kaya wala akong masyadong alam sa mga kaganapan sa amin.
Pagkatapos ko namang gumraduate at nakapagtrabahao ay kina Royce ako umuuwi dahil mas malapit ang bahay nila sa pinagtatrabuhan kong call center sa siyudad pati na rin sa ospital kung saan ako naging volunteer nurse.
"Ako, ngayon ko lang din siya nakita. Hindi naman kasi ako taga Countryside," ani ni Daneen na gumuguhit nang kung ano sa buhangin.
Naudlot ang pag-uusap naming dahil sa sabay na tawanan ng mga pinsan ko sa may grill. Kita ko ang iling at ngisi ni Devin na nakasandal sa haligi ng cottage habang nakahalukiphip. Napawi ang ngisi niya nang mahagip akong nakatingin sa kanya. Agad akong nag-iwas at binalik ang atensyon kina Rory.
"Ang laki ng pinagbago niya ate noh? Payat pa siya dati eh. Pero mahahalataan mo nang guwapo,"sabi ni Marlow kay Rory na maiging tumango.
"Nagka-crush nga sa kanya si Mareng. Yung bakla sa eskinita."
"Yung mas malaki pa ang tiyan kesa sa boobs niya?" tawa ni Faye.
Nagtawanan sila at nauwi ang usapan kay Mareng at ang pagkahumaling niya kay Devin. Hindi nagtagal ay tinawag na rin kami ni Mozes. Pagkabalik namin sa cottage ay nilabas na nila ang mga paper plates, plastic spoon and forks at mga litro ng softdrinks.
"Sino ang magdadala nito kay lola Neng?" nilagay ni Dalton ang Tilapia sa paper plate.
Nagtulakan ang mga lalake at nagsambit ng kani-kanilang mga dahilan. Sa huli ay si Rory ang nagboluntaryo na maghatid ng ulam. Hinila niya si Faye na agad namang sumama sa kanya.
"Talo pa kayo sa babae niyong pinsan." Tawa ni Devin na nakaupo sa kahanay kong upuan gawa sa kawayan. "Moz! Akala ko ba atapang na tao ka?"
"Gutom na kasi ako di ko na mapigilan," dahilan ng kapatid ko na kinamay ang pagkuha ng kanin sa rice cooker. Hinampas ko ang kamay niya.
Di makapaniwala niya akong tinignan, na parang isang kasalanan ang pagpatay ng lamok.
"What? I'm hungry!" maarte niyang angal.
"Gumamit ka ng paper plate. Kinamay mo eh naghugas ka ba ng kamay?" sermon ko sa kanya.
Maamo siyang yumuko.
"Opo ate," parang bata niyang sabi saka kumuha ng kutsara.
Napailing ako nang magsimula na siyang makitawa kina Miles at Asa.
Pagkabalik nina Rory ay may dala na siyang kaldero. Tinanggal niya ang takip pagkalapag sa mesa at sumuot sa pang-amoy namin ang bango ng sabaw na may malunggay at mga halong seafoods na binili naming kanina. Sabay namin yung pinagpiyestahan.
"Ang sarap ng buhay dito ayaw ko nang umuwi," ngumunguyang sabi ni Daneen.
"Wala kang duty?" tanong ko. Sinawsaw ko ang isda sa ginawang sawsawan nina Mozes at Asa.
"Naka leave ako. I need a break. Isang taon na yata akong hindi nakapunta sa dagat."
Pansamantalang private nurse si Daneen ng kanyang lola sa mother's side ngayon habang hinihintay ang tawag ng Canadian immigration sa kanya para sa interview.
Naisip ko rin ang pag a-abroad. Gusto ko dahil magandang tirhan doon at maraming job opportunities, not to mention the salary. At isa pa gusto ko maging independent. Ayokong palaging umaasa sa parents ko.
Ngunit sa pag-aakalang madali lang ang buhay doon, others have the wrong notion. Bago ko lang din ito napagtanto na mahirap ang magtrabaho sa ibang bansa. Hindi madaling magpa-alipin. Ang iba pa nga ay inaabuso ng mga amo. Ayokong maranasan ang ganoon.
Makukuntento nalang ako sa buhay ko ngayon. I've had enough heartaches, so I won't be needing the physical pain.
Madali lang kina Axton at sa mga kapatid niyang sina Alwyn at Miles na mag US dahil mga American citizens sila. They're pure blooded pinoy pero sa US sila pinanganak. Naalala ko pa ang unang tapak nila sa Cebu. I was around four or five years old.Pahirapan kami sa pakikipag-usap sa kanila dahil English-speaking.
"Asa! Akyatin mo yung niyog! Wala tayong dessert." Puno ang bibjg ni Mozes.
Nilagay naming sa malaking supot ang mga paper plates pagkatapos naming kumain. Inadjust ko ang aking shorts sa sobrang pagkabusog.
Ilang beses akong napakurap nang maglabas sila ng mga bote ng alak. At nangunguna dito si Devin!
"Sa 'kin yung rootbeer." Kinuha ni Daneen ang inabot ni Devin na rootbeer can.
"May mga menor de edad dito." Strikta kong tinititigan ang pasimuno na si Devin.
Hinanap ako ng mga mata niya at nang matagpuan ay tinakpan ng kamao niya ang kanyang bibig. Pakunwari siyang nagulat. "Ay! Sorry children, pakitakip nalang ng mga mata niyo para hindi kayo makakita ng alak. May isa kasi ditong...buzzkill."
Nanunuya niya akong ningitian.
"Takpan niyo ang mga mata niyo para hindi kayo makakita ng bad influence na tao. Pati sa dagat umiihi," pasaring ko sa kanya.
Humalakhak siya. "Bakit ikaw? Hindi mo nasubukang umihi sa dagat? Hindi kumpleto ang childhood mo kung hindi mo pa nagagawa 'yon."
"Yun na nga eh. Childhood. Bata pa ako noon. Eh ngayon, lagpas bente na ako, nasa wastong katinuan na upang malaman kung alin ang ihian at paliguan," ganti kong sabi.
Tuluyan na niyang binitawan ang huling bote na nilabas niya saka hinarap ako. Sinandal niya ang isang baywang sa mesa. "Hindi naman bawal na ihian ang paliguan ah? Umiihi ka rin sa shower room."
"Hindi cr ang dagat," giit ko.
Humalukiphip siya't hinihimas ng isang kamay ang kanyang panga habang pinaniningkitan niya ako ng mata.
"So mas papairalin mo ang batas kesa sa kalusugan mo? Malayo ang cr, puputok na pantog mo dahil puno na nang liquid, mabubuo ang mga bato hanggang sa maging kidney stone, so wala kang ibang choice kundi ang suwayin ang batas na bawal umihi rito. But then this place is an exemption dahil wala namang nakalagay na bawal."
Napaayos ako ng tayo. "I'm a nursing graduate so alam ko na imposible ang sinasabi mong mabubuo agad ang bato sa kidney mo. Hindi 'yan mabubuo lang sa pagpipigil ng urine. Unless tanga ka at lumamon ka ng bato."
"Darna!"
Inignora ko ang pagsabat ni Mozes.
"So you prefer to see me shit on my pants?" di makapaniwala tanong ni Devin.
"Huwag magmura sa harap ng bata."
Napairap siya. "Mesa ang kaharap ni Faye at hindi ako. So mas madaling sabihin na huwag akong magmura sa gilid ng bata."
Tikom ang bibig niya pero nahalata ko sa naniningkit niyang mga mata ang kislap ng kaaliwan. I don't know if he intended on cracking a joke kahit seryoso ang pagkakasabi niya but there's one thing I'm certain of...
He's enjoying this.
"Pustahan tayo hindi sila matatapos kapag hindi natin pipigilan. Sav's good in reasoning. Devin took pre-law in US." Umabot sa'king pandinig ang bulong ni Euan. Hindi ko lang nakita kung sino ang binulungan niya.
"Sa harap ng bata doesn't literally mean ay sa harap. It's an exaggeration, and it has the same meaning na nasa paligid ka ng bata. Within the kid's hearing range of your choice of words," I pointed.
"Awat na guys. We're here to enjoy, not to make war...c'mon," pigil sa'min ni Dalton.
Inakbayan ako ni Daneen at pinaupo. Parang wala lang kay Devin ang argumento namin dahil nakipagtawanan lang siya kina kuya. Pinangunahan pa niya ang pag-bukas ng isang alak doon at sinalinan ang mga baso nila.
Ewan ko kung bakit ako naiinis. Siguro ayaw ko lang na may sumasangga sa 'kin at siya ang kauna-unahang lalake na palagi akong binabara. Kahit mga kapatid ko ay hindi ako magawang barahin. Siya lang!
"You've just met your match, Sav," makahulugang sabi ni Daneen.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro