T H I R T E E N
Sa mga sumunod na araw ay ganoon lang ang ginagawa ko noong unang sabak ko sa pagiging server. Para sa'kin, mas mabuti na ang ganito kesa sa pagko-call center ko noon. Oo nga't malaki ang sweldo pero risk naman sa kalusugan, palagi pang nakaupo. Makakalanghap pa ako ng second hand smoke sa ibang mga empleyadong naninigarilyo. I'm not against them, I'm just against smoking.
Sabado at Linggo ang off ko dahil may mga nag-sideline job na sa weekends ang pasok. Kung nasa bahay pa ako sa Countryside, nagla-log in na ako sa 'king mga social media accounts. Kaso walang wi-fi rito kina lola.
"Ano po ulam natin, la?" tanong ko.
Nakaupo ako sa bukana ng sala habang pinaglalaruan ang petals ng rosas na isa sa mga tanim niya. Kakapalit ko lang ng mga bulaklak na bigay ni Devin dahil nalagas na ang mga ito.
"Pagkatapos ko rito ay pupunta akong palengke upang mamili ng ulam." Humakot siya ng tubig sa balde gamit ang tabo saka dinilig sa mga halaman.
"Ako nalang po," prisinta ko. Para namang makagala ako sa ibang karatig lugar dito. Hanggang La Casa lang yata ang pinaka-malayong narating ko rito sa Aloguinsan.
"Alam mo ba ang daan papunta roon? Baka maligaw ka, nak."
"Magmo-motor po ako, pakyaw na papunta sa public market." Marami namang dumadaang hired motorcycles pagkarating sa dulo ng dirt path.
"O sige, tatapusin ko lang 'to."
May naiwan pang antok sa diwa ko habang pinapanood si lola na nagdidilig. Bigla ko tuloy naalala ang mga halaman ni mama na pumapalibot din sa bahay namin sa Countryside. You really get to reminisce random things sa kalagitnaan ng antok. Sinamahan ko pa ng hikab.
Nagising ako nang winisikan ako ni lola ng tubig. Bahagya akong napaatras at tumawa. Sa pagdaan ni lola sa gilid ay doon ko napagtantong kailangan ko pa palang maligo at magbihis.
Kinusot ko ang basa kong buhok sa towel upang ito'y patuyuin at nang makuntento'y sinabit ko sa sandalan ng upuan ang towel. Hinayaan ko lang ang buhok ko sa ayos nito. Minsan tinatamad akong magsuklay, hindi naman masyadong nagugulo ang buhok ko kapag natuyo.
Sa aking pagbaba ay nahagip ko ang pera sa mesa na nakaipit sa vase. Palagay ko'y ito ang para sa ipambibili ng ulam. Kinuha ko 'yon at sinilid sa aking coin purse.
"Alis na ako, la!"
Hinintay ko ang kanyang sagot bago ako lumabas ng bahay. Binuksan ko ang payong kahit isa ito sa mga ayaw ko pero kailangan dahil sobrang init talaga. Summer is around the corner, pero kahit naman hindi summer ay mainit pa rin sa buong bansa.
Binakas ko ang dirt road hanggang sa dulo at doon naghintay ng motor. Minuto ang lumipas bago may huminto sa harap ko. Inaamin kong medyo may pag-alinlangan ako dahil hindi talaga ako sanay sumakay sa ibang motor lalo na't hindi ko kakilala ang driver.
I know how to ride a motorcycle, pero kadalasan ay umaangkas ako kay Royce. Takot kasi siya kapag ako ang nagmamaneho dahil mabilis daw akong magpatakbo. Hindi pa ako naghe-helmet.
"Sa public market po," ani ko sa driver.
Sinara ko ang payong saka kumapit sa likod ng motor kesa sa balikat o baywang ng driver. Doing the latter would be sort of intimate which is hindi angkop since he's a stranger to me. Pero mukha namang pagkakatiwalaan ang mukha niya. Minsan talaga namimili ako ng driver, depende sa mukha kung mabait tignan.
I know looks can be deceiving but atleast I did a precautionary measure for my safety. Iba na kasi ang takbo ng mundo ngayon, it's hard to trust anyone. Even the most saint-looking guy could break your heart. Hear that, Royce!
Bumaba ako sa motor pagkahinto nito saka inabot ang bayad. Binuksan ko muli ang payong at inikot ang paningin sa public market na ibang-iba sa mga nakasalamuha ko.
Kung titignan mula sa taas, hawig ang stilo nito sa Ayala terraces sa Ayala mall minus the big tree na may Christmas lights. Imbes ay isang square podium ang nasa gitna at may kaunting hagdanan sa bawat anggulo ng podium.
Sa isang gilid ay may tent ng mga ukay-ukay. Ako, bilang mahilig sa mga damit ay naisipang itsek ang mga tinda nila, ngunit mistulang pinagbabawalan ako ng matinding sikat ng araw kahit nakapayong pa ako kaya pumasok nalang ako at hinahanap ang mga tindang isda.
Pinuntahan ko ang una kong nakitang stall ng isdaan. Sa abala kong mga mata nandoon lang nakatuon ay hindi ko nagawang umilag sa taong nabunggo ko. Tahimik akong suminghap sa sakit ng aking balikat.
"Hala, sorry!" ani nung lalakeng halatang pinakulayan lang ng brown ang buhok. Maitim kasi ang dulong hibla nito na malapit sa anit.
"Ano ba 'yan bok, mag-ingat ka naman!" sita nung kasama niyang lalake na tinitignan lang si bok na pinulot ang nahulog kong payong. Mas matangkad siya at parang produkto ng shampoo commercial ang buhok dahil hindi man lang ito nagulo sa ginawang pagkakamot.
Kinakamot ni bok ang kanyang batok. "Nagso-sorry na nga..."
Inabot niya sa 'kin ang payong. "Sorry ulit mi—"Nagsalubong ang kilay niya at naningkit ang mga mata na parang may inaalala. "Di ba pinsan ka nung mga kaibigan ni Devin?"
Kinuha ko ang payong at tumango. Ganito yata kaliit ang Aloguinsan na pati sila ay kilala si Devin. Gaano ba kalawak ang pangalan niya sa lugar na 'to?
"West pala," aniya. Pinunasan niya ang kamay sa gilid ng kanyang shorts at nilahad sa 'kin. Tinanggap ko 'yon at agad bumitaw.
"Ezra," pakilala nung katabi niyang lalake na may malambot na buhok. Bahagya siyang nag-taas ng kamay sa pagpapakilala. Tipid ko siyang tinanguan.
Hindi sila magkamukha, so I assume na magkaibigan lang sila o magpinsan.
"Ngayon ka pa rito noh? Balita kasi sa 'min na may bagong dayo na galing pa sa siyudad. Apo raw ni mamang Nenita," pahayag ni West. "Samahan ka na naming—"
"Savannah!"
Parehas kaming nabulabog sa buo at parang galit na boses. Lumingon ako at nakita si Devin, hindi pa man siya nakakalapit sa amin ay ramdam ko na ang mabibigat niyang hininga na animo'y itatapon ako nito sa kabilang parte ng palengke.
Ipinagtaka ko ang pinta ng mukha niya. Ang ilang mga nandito ay siya ang sinusundan ng tingin.
"Bakit ka nag-punta rito mag-isa? Sana nagpasabi ka!" Malinaw ang inis sa kanyang tono. Ang light gray niyang muscle shirt na maluwang sa kanyang katawan ay basa ng pawis sa bandang parte ng kanyang dibdib.
"Ba't ka galit? Eh sa gusto kong magpunta rito na ako lang. Sanay akong may kasama kaya sasanayin ko ang sariling walang kasama," sabi ko sa mas kalmadong tono.
Isa itong pampublikong lugar at huling gagawin ko ay ang sabayan ang init ng ulo niya.
"Kahit na! Ano bang isda ang bibilhin mo? Eto nalang isda ko oh, bagong huli 'to." Nilahad niya ang puting supot.
Pinaningkitan ko 'yon ng mata at dinala ang klaseng tingin na 'yon sa mukha niya. "Kailan ka nanghuli?"
"Kaninang alas sais," aniya.
"Tanghali na ngayon, hindi na fresh 'yan."
"Sav!" Frustrated siyang nagkamot ng ulo. Tumayo ang isang hibla ng buhok niya. "Hindi na nga kita pinipilosopo. Ito na kunin mo na..."
May desperasyon sa tono niya. Bakit ba big deal sa kanya na sa iba ako bibili ng isda?
"May saging ka na nga, manggahan ngayon isda naman. Aba, pagmamay-ari mo ba ang Aloguinsan?" pang-aasar ko. Tumakas ang hagikhik ni West sa likod ko. Sinita siya ni Ezra.
Umigting ang panga ni Devin sa sinabi ko na labis kong ipinagtaka. Ano ba talagang problema niya? Bawal na ba akong mag-biro?
"Sav, kunin mo na," may pag-suko niyang sabi. Kinuha niya ang kamay ko at pinahawak ang plastic. Medyo mabigat dahil matataba ang mga isda.
"Bakit ba kasi?" Sinilip ko ang laman, limang isda ang nabilang ko.
"Paborito 'yan ng lola Neng mo."
Dumukot ako ng pera sa coin purse ko.
"Huwag mo nang bayaran," aniya bago ko pa makuha ang bill ni lola. Sinara ko muli ang purse at hindi na pinilit pa.
Tinignan niya ang dalawang nasa likod ko. Bigla niya silang sinimangutan sabayan ng bahagya niyang pag-nguso.
"Kayo, balik na raw kayo sa pantalan. Ikaw West, hinahanap ka ng papa mo." May otoridad ang tono ni Devin. Naitanong ko sa sarili kung mga mangingisda rin ba silang dalawa.
Pumalatak 'yong West. Hinila siya ni Ezra. "Tara na."
Sinundan namin sila ng tingin. Lumingon pabalik si Ezra at tinanguan ang direksyon namin. Tumango pabalik si Devin na parang sagot sa kung ano mang pinag-uusapan nila na sila lang ang nagkaka-intindihan.
Nang binalikan ako ng tingin ni Devin ay natuon na rin ang atensyon ko sa kanya.
"Ba't ganyan suot mo?"
Pinasidahan ko ng tingin ang sarili. "Anong meron sa suot ko? May hindi ba akong nakuha na memo na dapat naka-costume dito sa palengke?"
Gigil niyang kinagat ang ibabang labi na pakiramdam ko'y nasusugatan na 'yon ng ngipin niya. Bigla niya akong hinigit sa braso, muntikan pang malublob ang mukha ko sa dibdib niya! Sa isang segundo lang ay naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa tenga ko, kasing init ng katawan niyang marahang namamawis.
"Sa puti ng binti mo, hindi lang panga ang naglaglagan sa mga nandito kundi mga mata nila, Savannah!" nanggigigil niyang bulong. "At please lang, utang na loob, huwag kang mag-Vneck. Palitan mo lahat ng shorts mo!"
Hinila niya ang sarili at sandaling sumulyap sa dibdib ko. Mariin siyang pumikit at iniwas ang ulo sa kabilang direksyon. "Tangina..." bulong niya sa hangin.
Hindi ko napigilang magtaas ng kilay. Walang espasyo ang pagtataka ko sa inasta niya dahil binalutan ito ng gulat. Nabalewala ko na nga ang mahigpit na rin niyang hawak sa braso ko na sigurado akong mag-iiwan ng marka.
May mga binubulong-bulong pa siyang hindi ko maintindihan, para bang nagsasagawa siya ng ritwal sa lenggwaheng Latin. Dumapo ang paningin ko sa pawis na naglandas sa gilid ng kanyang sentido pababa sa determinadong anggulo ng kanyang panga.
Bumitaw lang sa amin ang tensiyon nang may nag-excuse upang dumaan. Nakakailang na katahimikan habang ginugulo niya ang kanyang buhok at halos ayaw niya akong tignan.
"Tara, hatid na kita." Hila-hila niya pa rin ako sa braso.
"Titingin pa ako sa mga ukay-ukay—"
"Puro shorts lang ang mga tinda roon. May ipakikilala ako sa 'yong pantalon," inis niya pa ring sabi.
Hinayaan ko nalang ang pag-hila niya habang binubuksan ko ang payong. "Hinding-hindi kami magiging malapit na mag-kaibigan. Gusto ako ni shorts eh, and vice versa."
Kinuha niya ang payong ko at siya ang nagdala, sinilong kaming dalawa nito. Umikot siya sa kabila kong gilid kung saan hindi ito masyadong nasisilungan na parte dahil sa anggulo ng sinag ng araw.
"Pipilitin kong magustuhan mo siya. Pag-aawayin ko kayo ni shorts," sabi niya na ikinatawa ko. Sinabayan niya 'yon ng ngiti na hindi kita ang ngipin.
Sandali niya akong sinulyapan saka umiiling-iling. "Saan sasakyan mo?"
Huminto kami sa pinaghintuan ng motor kanina. Nilibot niya ang paligid as if isa sa mga nakahilera roon matatagpuan ang aking sasakyan.
"Nag-motor lang ako. 'Yung hired."
Marahas siyang suminghap at napahilamos sa kanyang mukha, halatang hindi sang-ayon sa sinabi ko. Kasing init na yata ng araw ang ulo niya.
Nagbalik ang matinding tapang ng kanyang mga kilay. "Sa susunod, sabihan mo ako kung pupunta ka rito, para ako na maghatid sa'yo."
"Ikaw nalang uutusan kong bibili ng ulam namin ni lola." Isang suhestiyon 'yon, pero mas nais kong seseryosohin niya.
"Mabuti pa nga."
May lamay pang naiwan sa kanyang inis habang naglalakad. Wala akong ideya kung saan kami pupunta, nakasunod lang ako dahil siya naman ang mas maalam kesa sa 'min. Wala sa lugar na magmamarunong ako.
Pinahawak niya sa 'kin ang payong upang mauna siya sa paglalakad. Huminto ako nang siya'y sumakay sa motor saka hinila sa paa ang pedal stand nito. Di ko man lang namalyan na may susi siya sa isang kamay niya kanina na ngayo'y sinaksak na niya sa ignition kasunod ang ugong ng motor.
"Angkas na," arogante niyang mando sabay tango sa likod niya.
Niligpit ko ang payong. "Nag-tanong ka pa kung saan ang sasakyan ko, eh may motor ka naman pala."
Umangat ang isang kilay niya. Sa ganyang reaksyon, parang alam ko na kung ano ang kasunod.
"Bakit? Sinabi ko bang ihahatid kita pauwi? Sabi ko lang ihahatid kita, at hindi ibig sabihin nun na hanggang sa bahay niyo na."
Wala akong pinakitang reaksyon. Sabi ko na may patutsada siya. Winalis ko nalang 'yon palayo at umangkas na.
Kinuha niya ang supot at sinabit sa isang handle. Kinuha niya ang kamay ko upang iyakap sa baywang niya't pinagsiklop.
"Diyan lang 'yan, ha? Ikakadena ko 'tong kamay mo kapag inalis mo," banta niya.
Natawa ako kahit seryoso ang kanyang pagkakasabi. "Ipapahipo mo lang abs mo eh."
"Hindi lang naman abs. Isasali ko na rin 'to." Kinuha niya ang isa kong kamay at nilapat sa kaliwa niyang dibdib. Ramdam ko ang malakas na tambol doon.
Kiniliti ko siya sa tagiliran na ikinatawa niya. Kita ang buong pagkakapantay ng kanyang mga ngipin. Maliban doon ay ramdam ko ang matigas niyang tagiliran na nagpapahiwatig ng kung anong klaseng pagkakahulma ng katawan sa loob ng kanyang suot.
Hinampas ko siya sa tiyan. Ang tigas! "Tara na nga! Gutom na si lola."
Humigpit ang kapit ko sa kanya nang pinatakbo na niya ito. May tinanguan siyang kakilala bago tuluyang lumiban ang motor sa palengke.
Pansin ko na karamihan sa mga sasakyan dito ay pawang mga hired motors at bus, may ngilan ding mga pribadong sasakyan. Biglang namuo ang tanong sa isip ko habang bumabiyahe.
"Nasubukan mo na ring mamasada sa motor?" Naghahangad ng 'Oo' mula sa kanya ang tanong ko.
Tumango lang siya, nakisakay ang pamumula ng kanyang tenga.
Tumawa ako. "Sabi ko na eh."
Bumitaw siya sa isang handle at inabot ang aking tagiliran upang kilitiin. Hinampas ko ang kamay niya na tawang-tawa niyang binalik sa handle bar.
May sumabay sa aming nagmo-motor na kakilala niya. Kahit saan ako magpunta ay may nakakakilala sa kanya.
Sinulyapan ako ng lalake saka siya ngumisi kay Devin. Halata ang kanyang katandaan dahil sa bigote sa itaas ng kanyang bibig. "Ibang klase talaga kamandag mo Eli!"
"Wala tayong magagawa diyan manong Sandro!" Halakhak ni Devin.
"Paano na 'yong anak ni Fred?"
Parang uminit ang pakiramdam ko nang banggitin nito ang ama ni Astrid. Anong meron sa kanila?
Kabado ang tawa ni Devin na mabilis lumingon sa harap saka bumaling sa kakilala niyang nagmo-motor din.
"Wala lang po kami nun. Kaibigan lang po," aniya saka umuna na sa pagpapatakbo.
Kung may usok, paniguradong may apoy na pinanggalingan. Nag-spekula na sila tungkol kina Astrid at Devin kaya hirap akong paniwalaan na wala lang sila. Maybe may history. Hindi ako nag-assume na sila dahil hindi ko naman sila nakitang sobrang malapit sa isa't isa maliban nalang noong basketball game. Which is not enough proof na may something dahil isang beses ko lang naman natunghayang magkasama sila.
"Nililigawan mo ba si Astrid?" malakas kong tanong. Hinawi ko ang buhok kong sumasabog sa hangin at inipon sa isa kong balikat.
"Hindi."
"Sinubukan mo?" tanong ko muli.
"Hindi rin," tugon niya sabay iling.
"Sure?" paninigurado ko.
"Oo naman!"
Pinarada ni Devin ang motor niya sa ilalim ng punong sampalok, nagawa pa niyang takutin ang alagang kambing doon ni lola. Bumaba akong sinusuklay ang aking buhok, humihinto ito sa gitna ng hibla dahil sa paggulo nito.
Natagpuan namin si lola na nanonood ng tv sa sala.
"Lola Neng! Paganda tayo nang paganda ngayon ah? May pinagmanahan talaga ang apo niyo," bungad ni Devin sa kanya pagpasok namin.
Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi niya nakita ang pag-ikot ng mata ko. Iba rin siyang manlandi sa lola ko eh.
"Ayy...nambobola ka na namang bata ka. Noon lang ako maganda, ngayon puro kulubot na. Dati rati ako pa ang pinipili sa mga paligsahan ng beauty culture, doon kami nagkakakilala ng lolo mo, Savannah."
Nakasunod siya sa akin papuntang kusina. Pumalit si Devin sa kinauupuan niya kanina at nilakasan pa ang volume ng tv. Sa tagal na niya rito, hindi na ako magugulat na nagfe-feel at home siya.
"Na-love at first sight si lolo sa 'yo , La?" Nilapag ko ang plastic sa isang maliit na palanggana upang mahugasan. Tumabi ako nang lumapit si lola at siya ang nag-linis.
"Aba'y oo. Patay na patay sa 'kin yaong lolo mo noon. Ngayon patay na talaga siya..."
Hindi man angkop pero di ko mapigilang matawa. Rinig mula rito ang boses ni lola kaya natawa rin si Devin, though I'm not sure kung dahil ba sa sinabi ni lola o sa pinapanood niya ngayon.
"Ipi-prito po ba 'yan o gusto niyo 'yong may sabaw?" tanong ko, pinagmamasdan siyang kinukuha ang mga lamang loob ng karne. Palagay ko'y kiniskisan na ito ni Devin dahil makinis na ang mga isda, wala nang kaliskis.
"Anong gusto niyo? Dito mo na rin pakainin si Eli."
" 'Yong may sabaw nalang po," sabi ko.
Sa ganyang edad ni lola, hirap nang makalunok kaya kailangan may sabaw na ang kinakain niya para maiwasang mabulunan.
Isinaboses ko ang aking pag-prisinta kaya ako na ang naghanda sa paglulutuan ng isda. Nilabas ko ang mga sangkap at inipon sa gilid. Bumalik si lola sa sala at kakuwentuhan si Devin.
Hinintay kong kumulo ang tubig saka ko nilagay ang mga karne, maya-maya pa ang mga rekados ngunit nakahiwa na ang kamatis at sibuyas.
Naghugas ako ng kamay at nagtungo sa ref upang magpunas sa hand towel na nakasabit sa handle nito. Sa aking pag-ikot upang balikan ang niluto ay nabunggo ako sa matigas na haligi ng katawan.
Umatras ako at napatingala, natunghayan ang seryosong pagdungaw sa akin ni Devin. Literal na marunong akong lumangoy pero nalulunod naman ako sa tinging binabato niya sa 'kin. Ang tapang ng mata niya'y nalusaw at naging malamlam.
Nanunuya ang kanyang pag-abante. Isang hakbang ko paatras ay naramdaman ng likod ko ang pinto ng refrigerator. Nagsanib ang lamig nito at init ng aking likod. Sa huli ay nanaig ang init at bumabalot ito ngayon sa dibdib ko na nagbibigay lakas sa pagtibok ng puso ko. Pinaawang ko ang aking bibig dahil sa hirap na paghinga.
Mas dumikit ako rito nang muli na naman siyang umabante hanggang sa mukha na niya ang lumalapit. Hindi ko matanggal ang tingin sa kanya, hindi dahil sa pag-iingat ngunit naghahangad ng atensyon ang paraan ng titig niya!
Suminghap ako't inipit ang aking labi nang mag-isang dangkal ang lapit ng mukha niya sa 'kin. Ramdam ko pa ang tangos ng kanyang ilong. Sandali niyang kinuskos ang ilong sa 'kin saka humantong ang kanyang hininga sa aking tenga, na kumalat hanggang sa aking leeg, umikot sa batok at bumaba sa aking likod sanhi ng panginginig at pananayo ng aking balahibo.
Parang sinadya pa niya ang mabagal na pagbuga ng hangin. Halos masuka ako sa naninikip kong dibdib at tiyan. Isang direksyon lang ang tinatanaw ko habang dinadama ang presensya niya.
Mas tumindi pa nang sumayad nang kaunti ang kanyang labi sa tenga ko kasabay ang pagpalibot ng kamay niya sa aking baywang. Hinahaplos, at pinapaikot-ikot ang kanyang hinlalaki sa balat ko. Pinigilan kong iparinig ang mabilis kong paghinga. What the heck are you doing, Devin?!
Muli niya akong kiniliti sa bulgaran niyang pagpakawala ng hangin.
"May kukunin lang ako sa ref, so...excuse me?" pabulong niyang sabi.
Mistula niya akong binugahan ng yelo sa sinabi niya. Ang kanina'y tension ay pinalitan ng inis kaya tinulak ko siya na halata ang aliw dahil sa kanyang pag-ngisi.
"Tabi! Nag-luluto ako!" singhal ko na labis niyang ikinatawa.
Paasa ang foo-tah!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro