Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

T E N

Kung gaano ako kaagang natulog kagabi ay ganoon rin ako kaagang nagising. Sa katunayan ay kanina pa akong dilat, ngayon ko lang napiling bumangon at magtungo sa kusina kung saan naghahanda na si lola Neng.

Ewan ko ba kung anong meron sa matatanda kung bakit palagi silang maagang gumigising. Lahat ng matandang kilala ko ay ganoon ang habit. They're all early risers.

"Si Astrid po La?" tanong ko nang maupo sa silya. Ang tahimik ng buong bahay ngayong wala ang mga pinsan ko at kaingayan ng aking mga kapatid. Hindi ako sanay.

Saglit niya akong nilingon habang nagsasalin siya ng sikwate sa baso. "Maagang nagpunta sa palengke para sariwa 'yung makuhang isda. Tsaka mas mura kapag sa umaga."

Tumango ako. Parang early bird promo lang pala ang palengke. The earlier the cheaper.

"Dito pa rin po ba siya natutulog?"

Hindi naman sa pinapalayas ko siya. May utang na loob din kami sa kanya dahil siya ang kasa-kasama ni lola rito kapag wala kami. But since nandito na rin naman ako, at may bahay naman sila...pwede na siyang bumalik sa kanila.

"Sa bahay na nila, nandito ka rin naman. Ba't bigla mo nga palang gustong manatili rito, nak?"

Sa mga araw ng pananatili ko rito ay siya lang ang nakapagtanong sa 'kin ng ganito. Kung sabagay alam na rin naman ng mga kakilala ko ang aking dahilan.

"Wala. Nagsawa na ako sa mukha ni papa eh."

Napatawa ko siya roon. Malinaw ang parang hirap niya sa pag-hinga dahil sa katandaan. Nilapag niya ang aming agahan sa mesa saka siya umupo sa tapat ko. "Ang papa mo palaging inaapi noon nina Arwan, Jaime at Dion."

She's talking about the fathers of Miles and Axton, Asa and Daneen. Natatandaan ko nga ang kinukwento sa 'min ni papa noong mga bata pa sila. Palibhasa kasi si papa ang pinaka-bunso sa mga lalake.

Maya-maya lang ay dumating si Astrid at naaamoy ko agad ang isda sa supot na dala niya. Tinanguan ko siya at tipid na ningitian. I'm not really the friendliest person one would know. Kaya minsan napagkakamalang mataray. I have to be cautious sometimes sa pagpapakita ng kabaitan lalo na't dumarami ang mga abusado ngayon. I'm not one to let myself be downgraded by just anyone.

"Punta ka ba ng La Casa? Sabay na kayo ng apo ko," ani ni Lola.

"Hindi po ako pupunta ngayon,la," ani ni Astrid na hinuhugasan ang isdang dala sa sink. "Maghahatid po kasi ako ng snacks sa mga katekista sa kapilya at sa mga estudyante nila mamaya. Magluluto po kami ngayon. Sinusuwelduhan din kami ng mga Zamorano sa serbisyo namin."

Tumatango si lola habang dumudukot ng tinapay sa paperbag. "Ang dami nang nagagawa ng pamilya na 'yan sa lugar natin. Dapat tumakbo na ang matandang Zamorano sa mataas na posisyon. Eh di ba kilala mo ang anak niya?"

"Si Pristine po. Ay parang santa po 'yon, la..." pahayag pa ni Astrid.

"Paniguradong minana sa mga magulang na mababait din."

Binalikan ko ang nakaraang araw sa basketball game. I'm sure na iisang Pristine lang ang pinag-uusapan nila at tinutukoy nina kuya na tipo ni Ivor. Talaga ngang hindi ako matitipuhan nun kung santa naman pala 'tong si Pristine. I am no saint. Not even close to almost being one.

"O tapos ka na ba diyan? Sabayan mo na kami rito," ani ni lola. "Nakita mo ba si Eli sa palengke?"

Nagpunas ng kamay si Astrid sa telang malapit sa lalagyan ng mga plato bago umupo sa silyang katabi ni lola. "Opo, sa kanya nga po galing ang mga isdang dala ko. Bigay ko raw po sa inyo."

Tahimik akong kumakain habang nakikinig sa kanila. Hindi ko alam kung normal lang sa akin ang magtaka sa klase ng koneksyon na meron sila kay lola. I mean...they act like they are the real blood relatives. O dahil siguro naninibago lang ako.

Bakit ganito sila ka-close kay lola Neng? Then I thought, pinupunan nila ang mga araw na wala kaming mga apo niya rito. It's a bit saddening yet I think that's the truth. The more na kailangan kong manatili rito bago pa sina Devin at Astrid ang gawin niyang apo, at bago pa makalimutan ni lola na kami ang totoong apo at hindi sila.

"Hindi man lang ako nakapagpasalamat. Ayaw nga akong pagbayarin doon sa ni-landscape niya. Ah Savannah, ngayon ka ba magsisimula sa La Casa?"

Nagising ako nang marinig ang aking pangalan. "Training pa po."

"Ay tamang-tama..." Tumayo siya at kumuha ng plastic sa gilid ng ref. Amoy ko ang bango ng nilagang kamote nang binuksan ni lola ang takip ng kaldero. Umuusok pa 'yun.

"Pakibigay nga 'to sa kanya, nak. Doon didiretso si Eli sa La Casa pagkatapos niyang mangisda. Sabihin mo kamo salamat," aniya saka inabot sa 'kin ang plastic.

"Sige po."

Ramdam ko ang mga mata ni Astrid kaya nilingon ko siya. Bigla siyang ngumiti nang magtagpo ang mga mata namin. Tipid lamang ang sinukli ko. Sa isip ko'y nagkibit-balikat ako, thinking that she's way friendlier than me.

Naligo na ako at nagbihis. I've been in this situation before kaya hindi na ako kinakabahan o nate-tense. Sa dami na nang mga inaplayan ko at mga involvement sa trainings, pakiramdam ko ngayon ay parang papasok lang ako sa unang araw ng klase.

Kinuha ko ang pinabibigay ni lola kay Devin saka dumungaw sa labas. Sinusuri ni lola ang mga bulaklak niya sa landscape.

"Alis na po ako, la." Pinakita ko sa kanya ang plastic upang makita niyang hindi ko ito nakalimutan.

"Sige, nak."

Nilalaro ko ang susi ng kotse habang palabas ng bahay nang mahinto ako sa pintuan dahil sa nakita kong tao na nakatayo sa labas ng bakod. Nakaputi siyang sando na pinatungan ng checkered polo shirt. May sadyang tupi sa manggas nito na matindi ang kapit sa maigting na banat ng kanyang biceps. He's in his slim fit jeans.

Nalito tuloy ako kung ano ang mas gusto kong ayos niya. 'Yong ganyang porma niya o topless. He looks good at both actually. And I'm saying this because I'm an honest person. I value honesty so much.

And Thank God wala siyang gel! I haven't seen him put gel in his hair and that's good. I appreciate him more today na hindi siya naglagay. Given na bahagyang basa ang magulo niyang buhok. His dolphin necklace is still intact.

"Saan ka makikipag-eyeball?" tanong ko. May pinindot ako sa susi at tumunog ang kotse.

Humalakhak siya, inalis ang mga kamay sa bulsa. "You're my trainee. A little respect, shortcake."

"A 'little' respect it is. So saan ka nga makikipag-eyeball?"

Binuksan niya ang gate. "Sabay ako sa 'yo. Sira bike ko."

He rides a bike? So he's one of those great examples of wealthy people na mas pipiliin ang mamuhay ng simple. I'm impressed.

"Ako magda-drive." May pinalidad sa tono ko.

Isang beses siyang tumango na nakaangat ang labi. Kahit hindi siya ngumisi ay sumisilip pa rin ang kanyang dimple. Humakbang siya sa gilid at sinandal ang mga braso sa gate.

Pumasok na ako sa kotse, pinaandar ito ng mga isang minuto bago nilabas sa bakod. Tinignan ko si Devin sa rearview na sinasara ang gate. Agad akong inatake ng kanyang pabango nang pumasok na siya sa sasakyan.

Binigay ko sa kanya ang plastic laman ang pinabigay ni lola. "Salamat daw sa isda."

Binaba ko na ang handbreak at naglipat ng gear saka sinimulan na ang paglisan ng bahay. Kita ko sa gilid ng aking paningin ang pagsilip ni Devin sa laman ng supot. Sinali ko na rin ang pagpasida sa kanyang porma. Nagpakawala ako ng mahinang tawa.

Nag-angat siya ng tingin galing sa plastic. Sumabay ang pagsasalubong ng kilay niya sa kanyang pagnguso. "Bakit?"

Muli ko siyang nilingon at pinasidahan. Umiling ako. Mahina lang ang aking pagpapatakbo dahil lubak ang daanan.

"Pangit ba?" Parang disappointed siya sa sarili sa tono ng kanyang tanong. Inipit ko ang labi ko upang maiwasan ang pagtakas ng halakhak.

Devin Eleazar is right now looking like an insecure man! It's like learning a new language for me dahil sa paninibago. He used to be this cocky dude and witty.

He looks hot actually. Pero asa naman siyang isasaboses ko 'yon.

"Hindi lang ako sanay," ani ko.

"Hmp. Gusto mo lang wala akong pang-itaas eh. You want me topless?" panunuya niya.

Matalim ko siyang tinignan. "Gusto mong bumaba?"

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin kasabay ang pagdapo ng kamay niya sa bibig upang kuyumusin ang sariling labi. Ewan ko kung isa ito sa mga paraan niya upang magpigil ng ngiti o 'yan ba ang kanyang sikreto sa pagkakaroon ng mapintog na labi.

Tsineck ng guard ang likod ng kotse bago kami tuluyang pinapasok sa loob ng La Casa. Pinarada ko sa espasyong pinagitnaan ng multicab at isang pick-up truck ang Citroen.

Animo'y sa isang buga lang ng malakas na hangin pagkalabas ko ng sasakyan ay natuyo agad ang buhok ko. Sinuklay ko iyon at wala ring silbi dahil ginugulo pa rin ng hangin.

Nahuli ko si Devin na nakatingin sa 'kin. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin saka lumunok.

"Tara." Nauna siyang naglakad. Ni-lock ko ang kotse saka ako sumunod sa kanya.

Kinawayan ko si ate Dorselyn na naglalakad sa third floor corridor ng isang mukhang apartment na room. May minamanduhan siya roong chambermaid.

Sa dalampasigan ay may mga maagang naliligo karamihan mga may edad na. May pinitas akong petal ng bulaklak nang dumaan kami sa island na nasa gitna ng resort. Wala namang nakalagay na bawal mamitas kaya ginawa ko na. Pero may 'Don't step on the grass'.

Nilagpasan namin ang restaurant. Isang tinapay lang ang nakain ko kaya naramdaman ko ang paggalaw sa aking tiyan nang malanghap ang breakfast buffet meal nila. Pinigilan kong hindi kumuha ng plato at magsalin ng pagkain.

Ang bilis maglakad ni Devin. Ang laki ng mga hakbang niya, wala naman kaming hinahabol! I have to jog para lang mapantayan siya sa paglalakad. Para siyang nasa treadmill!

Two storey ang admin building na nasa pinakalikod ng resort. It looks like a real house na may brown roof at kremang pintura. The windows are glass-made at mukhang tinted. Mula rito ay kita ko ang malawak na balcony sa taas.

Tumapak ako sa mga stone pathways, sa gilid ay nakahanay ang mistulang mga palm trees na huminto hanggang sa bukana ng admin house. Sa kabilang dako sa kaliwa ay natatanaw ko ang golf course. Sarado pa ang gate nito.

Ang maaliwalas na hangin sa labas ay pinalitan ng lamig ng aircon pagkapasok namin. Sumalubong sa amin ang hallway. Sa kanang gilid, may salamin na pader kung saan makikita ang opisina ng ilang empleyado. May tinanguan si Devin, hindi namin rinig ang sinasabi dahil sarado ang glass door nito. But I'm sure tinuro niya ako.

Binuksan ni Devin ang glass door pero hindi siya pumasok, kusa lang siyang sumilip at ningisihan ang kausap. "Bagong trainee."

Tumango ang lalake. Mahina man ay rinig ko ang sinabi niya. "Ayos porma mo a. Parang manliligaw lang."

Minura siya ni Devin sabay tawa saka sinarado ang pinto. May pinto ulit kaming pinasukan and this time ay glass wall ang bumungad at may hagdan sa gilid. Mula rito ay natatanaw ko ang extension ng golf course.

"Tinted ba 'yan?" tanong ko kay Devin na humahakbang na sa hagdan. Glass wall rin ang isang pader na sasalubong sa pag-akyat.

"M-m."

I have to deal with stairs again. Meant to be talaga akong makihalubilo sa hagdan dahil pati sa school ko noong college ay napupuno rin ng hagdan. The struggle was real! Lalo na't hanggang seventh floor ang aakyatin ko sa tuwing sira ang elevator.

Ang pinto na binuksan ni Devin ay hawig sa ikalawang pinto na binuksan niya sa baba. It is wooden brown na may kaunting black specks. The room looks like the office I've seen sa mga pelikula, kasi ganito naman talaga ang mga opisina; Cubicles or wall dividers, may water dispenser, shelf para sa mga files, computer desks and whatnots.

Pinindot ni Devin ang switch sa gilid saka umilaw ang isang bahagi ng office kaya medyo madilim pa rin dahil sa blinders sa mga bintana. Ang isa pang pinto na hindi malayo sa kinatatayuan kong pintuan ay sigurado akong para sa balcony.

"Ba't walang tao?" puna ko.

"Dahil nag-resign ang last finance head?" sarkastiko niyang tugon.

"Pero may tatlong bakante..." isa-isa kong tinignan ang bawat ubos na cubicle.

" 'Yong kausap ko kanina, si Marc, dito siya rati pero ayaw niya mag-isa kaya lumipat siya sa baba kasama ng iba," paliwanag ni Devin, tinukod ang kamay sa cubicle habang ang isang kamay ay nasa bulsa.

"So kung ako rito, ako lang din mag-isa." Hindi iyon tanong. It's more like I'm envisioning myself here working alone at isinaboses ko ang ini-imagine ko.

"Nagpaparinig ka ba sa 'kin? I assume you do. You want me to accompany you here? I don't mind actually." Nahihimigan ko ang kanyang panunuya, and he has just justified it with a smirk.

"Hindi. Kasalanan ko bang assuming ka?" I quipped.

Napatingala siya sa malutong niyang pagtawa "Dito tayo."

Sinundan ko siya palabas ng balcony. Ah...fresh air again. Dumiretso ako sa balustrada at dumungaw sa baba. Katulad lang din sa dinaanan namin kanina ay may mga stone pathways ulit na sinasabayan ng hanay ng mga mukhang palm trees na papunta naman ngayon sa golf course.

Nilingon ko ang ingay ng paghila ni Devin sa silya. Sa kinatatayuan ko ay walang kisame unlike sa pinagpuwestuhan ni Devin ngayon sa may round table. May maliit pang disco light sa tapat nito sa taas. Tumungo ako roon at umupo sa tapat niya.

Humilig ako, pinagsiklop ang mga kamay sa mesa. Ramdam ko ang lamig ng metal sa aking balat. Nakatukod ang braso ni Devin sa sinandalan niya habang nakadekwatro.

"Alam mo na naman siguro ang function mo. You check the sales in every department. Souvenir shops, sa snorkeling, restaurant sales at iba pang mga services dito. You can cooperate with the sales department, kay Ma'am Olive, nasa baba siya. You can distinguish her dahil may nunal siya sa noo."

Sinamaan ko siya ng tingin. Kita niya ang naging reaksyon ko kaya agad na nanlaki ang mga mata niya, nagpapa-inosente, may bahid din 'yon na gusto niyang matawa.

"What? May nunal naman talaga siya sa noo!" Tumawa siya. "Anyways, hingin ang reports ng liquidation. You have to check the amounts first bago ka magbigay ng pera. When it comes to disbursing, huwag kang lalambot-lambot. Well no need dahil mabagsik ka naman. You're not a softie to me."

Iba ang tumatakbo sa isip ko habang nakikinig sa kanya. He took a different course na sobrang layo sa ginagawa niya ngayon. Well who am I to judge? Ganon din naman ako. But that's fucking America! Who would waste their education in that country just to be a fisherman here? Probably not me.

And pre-law...

Napapailing ako sa aking isip. Para lang siyang bumili ng mamahaling laruan at sinira niya lang kinabukasan. Atleast ako ay may experience pa sa tinapos kong kurso.

Siya? Well he has definitely practiced his pre-law experience with me sa tuwing pinipilosopo niya ako.

"How long have you been here?" tanong ko sa kanya.

Naningkit ang mga mata niya sabay tagilid ng kanyang ulo. "You're interested?"

Inikutan ko siya ng mata. "Nagtatanong lang. There's a fine line between asking and being interested."

"Pero nahuhulog na rin sa pagiging interesado ang pagtatanong. On the other hand, you can be interested without asking a question."

"Just answer my question, Devin," naiinip kong ani. At sinigurado kong nahihimigan niya iyon.

Matagal niya akong tinitigan na para bang binabasa niya ang sagot sa mata ko. "Kung ito-total lahat, nahuhulog na namalagi ako rito ng three years."

"Total?" nalilito kong tanong.

Tumango siya at umadjust ng upo. Ginaya niya ang posisiyon ko at ng mga kamay kong nasa mesa.

"Pabalik-balik lang ako rito. I go here every other year, maximum na nagtagal ako was three months. But there was a time na hindi ako umuwi ng limang taon dahil nag-aral ako sa Amerika."

"And you just wasted your education, imbes ay nangingisda ka rito. Why?" I asked.

I swear I saw his jaw ticked. Kinabahan ako sa nakikitang pinta ng kanyang mukha. He's not looking at me but I know na sa tanong ko ay namuo ang kung ano mang inis niya o galit.

Did I just hit a nerve right there?

"Amboy ka?" pag-iiba ko sa tanong. I know when to stop kaya hindi ko na siya pinilit.

"Maybe ¼. Banyaga ang lolo ko." Parang gusto niyang iluwa ang sinabi niya nang banggitin ang salitang lolo. Hindi iyon nakatakas sa 'kin. Mas dumiin pa ngayon ang pagpindot ng kuriosidad ko.

Gusto ko pa siyang tanungin na konektado sa lolo niya at sa pag-tira niya rito. But those two topics would just probably make him lose it. Ramdam ko kahit hindi pa man niya ginagawa.

I've been there, kung ayaw kong pag-usapan ang isang bagay, hindi ko sasagutin o may ekpresyon akong pinapakita tanda na ayaw ko talagang pag-usapan ang isang bagay. I've just seen it from Devin.

"How come pamilyar ka sa pamamalakad dito?"

Binalikan niya ang mga mata ko. Suminghap siya at muling sumandal sa backrest ng upuan. "The last finance head is a good friend of mine."

Now he looks relieved na hindi ako umabante sa tanong ko kanina. I felt proud of myself. Sana nag-psychology nalang ako.

"Are you done being interested?" may aliw sa kanyang tono.

Nagbalik na siya sa normal niyang ugali. Cocky as always, Devin.

"I'm done asking. Carry on."

Ngumisi siya at tinango ang loob ng opisina. "I'll show you the files."

Tumayo siya at naglakad papasok sa office. And me as his trainee, ay sumunod na rin.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro