S I X T E E N
Wala pang alas-otso ay lumabas na ako ng bahay na bihis na't papaalis tungong La Casa. Nagsisiksik ako ng pera sa aking coin purse nang may mamataan ang gilid ng aking paningin.
Nakasandal sa labas ng gate ang likod ni Devin. Bihis rin siya ngayon, ngunit 'di tulad noong naka-polo siya. He's in his dark blue shirt and jeans. Hindi ba siya nangisda?
Bago ko pa makuha ang pansin niya'y umikot na siya na parang nahimigan niya ang aking presensya. Kumapit siya sa railings ng gate at ngumisi. Lumapit ako roon upang i-unlock ang gate.
"Ang aga mo yata. Hindi ka nangisda?" panimula ko. Nakakabingi ang matinis na ingay ng pagpakawala ko ng kinalawang nang lock. 'Di ko maiwasang mapangiwi.
"Ihahatid kita. Ako na bahala pa-charge sa baterya ng kotse mo," aniya.
Sumampal ang paningin ko sa motor niyang nakaparada sa ilalim ng puno ng sampalok. Hindi ko ito napansin pagkalabas ko.
Taas-kilay akong bumaling sa kanya.
" 'Yon lang? Ba't bihis ka ngayon?" Muli ko siyang pinasidahan. At naka-sapatos pa talaga siya!
Naisip kong hindi lang pag-hatid at pagpapa-charge ng battery ang lakad niya kung ganyan ang kanyang porma. Ang iba nga'y nakapambahay lang kapag pupunta sa motor parts o mga vulcanizing shops. May nakita nga ako rati na naka-shorts lang.
"Punta akong siyudad." Patagilid siyang sumandal sa gate at nakaharap sa 'kin habang kinakabit ko ang kadena ng lock sa isang railing.
"Anong gagawin mo roon?" tanong ko.
Pinagtaka ko ang kanyang pananahimik. Nang tinignan ko ay makahulugan itong ngumingisi animo'y may nabungkal siyang sikreto ko.
"Why are you interested, Savannah?" nanunuya niyang tanong. Kumikislap sa aliw ang mala-karamelo nitong mga mata.
The usual Devin. Umagang-umaga ay sinisimulan na naman niya ako. I should get used to it dahil wala naman talagang pagkakataon na sa tuwing nagkakasama kami na hindi siya ganito.
Like he'd said, this is his attitude towards me. Sa iba ay hindi siya ganito. Should I be flattered?
"Huwag na nga." Umuna akong naglakad patungo sa kanyang motor. May basket pa 'yon sa harap. "Alika na, hatid mo na ako. Ay!" humarap ako sa kanya nang may maalala, "ibaba mo ako sa tindahang may loading center. Kahapon ko pa kailangan ng load."
Biglang dumilim ang mukha niya, salubong ang matatapang nitong kilay. "Bakit? Sino ite-text mo?"
"Si kuya Euan. May nag-text kasi sa'kin kahapon na unknown number sabi hiningi niya kay kuya ang number ko. Ayaw ko ng textmate. Panggulo."
"Sino raw?" usisa niya, halata ang inis sa kanyang tono.
"Greg."
Kumurap siya't bahagyang nagulat. Mabilis itong humantong sa pagkunot-noo at pag-igting ng kanyang panga.
Sa maka-ilang sandali ay nakaramdam ako ng kaba sa ekspresyon niya. Kilala ko man siya na hindi nananakit ng pisikal, sa tapang ng mukha niya kahit wala itong ekspresyon, hindi mo maiiwasang madapuan ng takot sa kung ano ang susunod niyang gagawin kapag siya'y naiinis o nagagalit. His facial expression is a dead giveaway.
Marahas niyang kinuha ang cellphone sa bulsa at mariing tumitipa sa kanyang Iphone. Dinikit niya ito sa kanyang tenga saka siya tumalikod.
Ilang hakbang ang ginawa niya bago siya huminto at nilagay ang isang kamay sa kanyang balakang.
His shoulders tensed. "Hoy gago! Pinopormahan mo kapatid ni Euan?"
Nagulat ako sa binungad niya. Hindi man lang nag-'hello'?
Kita ko ang pag-higpit ng kapit niya sa cellphone na pakiramdam ko'y madudurog niya ito. "Landiin mo na lahat ng babae huwag lang siya! Tangina naman Greg!"
This time ay umawang na ang bibig ko. Nasa tapat pa kami ng bahay ni lola at nagmumura siya. Pati kambing tinakot niya!
Binaling ko ang paningin sa pinto ng bahay. Buti nalang at hindi nito nagising si lola. Pero kung sakali mang gising siya'y paniguradong lalabasin niya ang pag-iingay ni Devin.
Ilang pagmumura pa ang pinatakas ni Devin bago binaba ang cellphone at binalik sa bulsa ng kanyang jeans. Pumihit siya, pinasidahan ng kamay ang buhok kaya medyo nagulo ito.
"Kilala mo siya?" tanong ko nang dumaan siya sa aking harapan at sumakay sa motor.
"Kakalimutan kong kilala ko siya," wari nagtatampo niyang sabi. "Tara na."
Umangkas na ako sa likod. Nakapwesto na ang kamay ko sa likod ng motor kasabay ang pag-buhay niya nito. Sa pag-hila niya sa handle bars upang lumakas pa ang ingay, naaamoy ko ang usok ng tambutso.
Pero hindi roon nakatuon ang aking atensyon kundi sa braso niyang bumibinat habang iniikot niya ang handle bars at sa tumakas na bango ng kanyang sabon at shampoo na nagpapa-sikip sa ilong ko.
Ipinagtaka ko ang hindi pa namin pag-alis. Parang may hinihintay siya o katulad ba ng kotse ay pinapa-warm niya ang makina ng motor.
"Tara na, Devin," naiinip kong sabi.
Bigla niyang kinuha ang kamay kong nakakapit sa likod ng motor at pinalibot sa baywang niya. Halos sumampal ang mukha ko sa kanyang likod dahil sa lakas ng kanyang pagkakahila!
"Sabi nang dito 'yang kamay mo! Ikakadena ko na 'to sa susunod kapag hindi mo ilalagay rito."
Lumambitin pa rin ang kanyang iritasyon. Mula rito ay kita ko ang igting ng kanyang panga. Pwede namang mahinahon lang niyang ilagay ang kamay ko sa baywang niya, he doesn't have to demand me! Bakit niya ba ako idadamay sa away nilang magkaibigan? He's bossy , and I hate to be bossed around. Kung ganyan siya sa 'kin palagi ay talagang walang araw na hindi kami magtutuos.
Sa inis ko'y kinagat ko ang balikat niya.
Imbes na itakwil ang pagkagat ay nanigas ang kanyang likod. Nauwi 'yon sa malalim na buntong-hininga saka niya ako nilingon.
Masama ang tingin niya sa 'kin. Tinumbasan ko 'yon, isang pagpapaalala na hindi ko gusto ang inasta niya.
Hindi siya natinag at habang tumatagal ang pagtatagis namin ng tingin ay unti-unti akong nauupos na para bang mas malakas ang laser beam niya sa mata kumpara sa kapangyarihan ko.
Wala akong shield. Nagtawag kasi siya ng reinforcement at 'yon ay ang matapang niyang kilay. Kaya sa huli ay talo ako. Nagbaba ako ng tingin at sinandal nalang ang ulo ko sa likod niya. Padabog para makaganti naman ako.
Saktong pagbukas ng pinto ng bahay at niluwa si lola ay sumabay ang pag-alis namin. Kumaway ako sa kanya na puno ng pagtataka ang inaantok pa niyang mukha.
Sa labas ng gate ng La Casa ako binaba ni Devin. Sa buong biyahe ay wala kaming imikan kaya nakaramdam ako ng kaunting antok. Tinitigan ako ni Devin habang humihikab.
"Susi ng kotse mo." Nakalahad ang kanyang kamay. Palms up.
Mabagal ang pag-proseso ng utak ko kung bakit niya hinihingi ang susi kaya tinitigan ko lang ang kanyang kamay lalo na ang palad niya. Binabakas ko ang hugis M na guhit. Medyo namumula pa ito dahil sa pagkakakapit sa handle bars.
Kinawag niya ang kanyang mga daliri na parang pati mga ito'y naiinip. "You car's key, Savannah."
Kinuha ko ang susi sa bulsa ko at binigay sa kanya. Agad niya iyong siniksik sa kanyang bulsa. Umatras ako nang bumaba siya sa motor at inangat ang upuan. Inabutan niya ako ng nakatuping bond paper.
"Ano 'to?" tanong ko habang inaalis sa pagkakatupi ang papel.
Headline ang 'RELATIONSHIP BACKGROUND' in all capital letters at naka-bold style. Sa baba nakasulat ang mga pangalan ng mga babae. Katabi ng mga pangalan ay START DATE at END DATE. Dalawang babae lang ang nakalista. His last relationship was from 2012 with Mandy Gaskarth. Hmm, foreigner. Reason of break-up-Cheating.
"Who cheated?" tanong ko.
"Her of course. I'm a one woman man," kampante niyang saad.
Who would have thought someone would dare cheat on Devin? Siya 'tong mukhang may tendency na manloko. But what happened was the other way around.
"Papipirmahan ko pa 'yan sa kuya ko for validation. He knows every bits and pieces of my relationships. Siya ang pupuntahan ko sa siyudad."
Tinignan ko siya sa likod ng salubong kong kilay. "You have a brother?"
Tumango siya. It should not be a surprise pero nasurpresa pa rin ako. Siguro dahil sa matagal bago ko ito nalaman. At saka hindi naman kasi siya open sa usapang pamilya.
Muli kong dinungaw ang papel. Sa baba ng statement bago ang mga pangalan na may katabing blankong linya, nakasulat ang:
Additional Information: No flings. Ever and Never.
Duda ko siyang tinignan.
Nag-taas siya ng kilay. "What?"
"No flings? Ever?" naninigurado kong tanong. Papel lang 'to, walang sapat na bisa.
Nanunumpa niyang tinaas ang kaliwang kamay. "Swear. Tanong mo pa sa kapatid ko. Hindi 'yon marunong magsinungaling. Ipapakausap ko siya sa 'yo upang kumpirmahin ang nakasaad diyan."
Bigla akong natawa. Hindi ko na napigilan. This is funny yes, pero hindi ko maitatanggi na may kabuluhan 'tong ginagawa niya. Who would have done something like this? Si Devin lang yata!
My ex's? Ha! Nevermind.
"Tanggap na ba ako? I'm dreading for the promotion here, Savannah."
Pinahinahon ko ang sarili, may kaunting salin pa ng tawa na kinokontrol kong walain. Pinunasan ko ang nangingilid na mga luha.
"Oo na. Huwag mo nang papirmahan," sabi ko sabay balik ng papel sa kanya.
Tinanggap niya ito at muling tinupi. "I would still have this signed for me to formally start."
Sumakay na siya sa motor, pinagmasdan ko siyang umalis saka ako umiiling na pumasok sa resort. I don't call what he did stupid but crazy.
Hindi puno ang restaurant ngayon. Ani pa ni Ellaine, baka raw napuyat sa live band na nag-perform kagabi kung saan magaling makihalubilo sa audience. Maraming nag-request na kanta dahil maganda raw ang boses. Si ate Dorselyn pa raw mismo ang nag-request sa kanilang tumugtog dito. 'Yon siguro ang nilakad niya noong nakaraan.
Although may isang sinaad si Ellaine na pinaka-rason kung saan ako sang-ayon.
"Guwapo kasi ang vocalist. Foreigner, green ang mata."
Ganon naman talaga. Palaging vocalist ang bida lalo na kung guwapo.
Nag-stock ako ng mga beer at softdrinks sa cooler at ang iba'y nilagay ko sa ref na katabi lang ng shelf ng mga alak.
"Baka misyonaryo. Di ba marami niyan dito?"
Umiling siya habang pinupunasan ang counter. "Taga siyudad sila. Halata naman sa suot. Parang katulad mo manamit 'yung babaeng drummer."
Hindi ko gets kung ano ang gusto niyang ipunto. Na iba manamit ang mga taga siyudad kesa sa mga taga-rito? Damit pa rin naman ang suot namin. May shorts, blouse, pants. wala namang dapat na i-stereotype.
We're in the twenty first century, kaya halos magkakahawig na ang sinusuot ng mga tao depende sa gender nila. Unlike sa panahon noon na mabilis madi-distinguish ang estado ng pamumuhay base sa kanilang kasuotan. Iba na ngayon. Siguro may nag-exist pa rin ngunit nabibilang na lang.
Sandali akong tumunghay bago tumayo at naramdaman na para bang may kuryenteng naglalakbay galing sa aking binti na bumaba sa aking paa.
Sumandal ako sa ref at humalukiphip habang tinatapik ang aking paa upang pawiin ang kuryente, sinasabay ko sa beat ng kanta na pinapatugtog ngayon sa speaker.
Mas lalo akong nalunod sa kanta kaya tamad akong napasandal sa ref. Nakaramdam ako ng lamig sa aking likod. Tila ba nag-udyok 'yon ng alaala kaya napatuwid ako ng tayo.
Lumingon ako sa ref saka lumayo. Lumipat ako sa counter kung saan nagte-text si Ellaine. Ang tanging lalake na server na si Pat ay pumasok sa lounge para sa break niya kaya ako muna ang pumalit sa pagse-serve.
Pagod akong sumalampak sa sofa nang mag-take ako ng break bandang hapon. Inabot ko ang switch ng ceiling fan at nilakihan ang level nito. Masyado yata akong nasanay sa aircon sa Convergy's kaya hindi ko kinaya ang init ngayon.
Ilang sandali akong namahinga bago tumayo at hinakbang ang locker. Kinuha ko ang librong hindi ko pa tapos basahin saka binalikan ang sofa. Ako lang ang naka-break ngayong patapos na ang shift dahil sinadya kong hindi mag-break kaninang alas-tres.
Sa pagkakalunod ko sa binabasa ay hindi ko na inalintana ang pagbukas ng pinto at alamin kung sino ang pumasok. Labis na ang tensiyon sa eksena ng binabasa ko na hindi ko magawang ibaba ang libro.
"Ano 'yan?" Kinuha niya ang libro at doon ko nakita si Devin na nakasandal sa pintuan. Mukhang kararating lang niya dahil ganon pa rin ang suot niya mula kanina.
Tinutusok ng kanyang dila ang ilalim ng pisngi niya habang sinusuri ang book cover. Isang beses niyang binuklat ang libro sa gitnang pahina at binasa sa malakas at baritono niyang boses.
"His thrusts are urgent and hard. His hand closes around my breast, squeezing and tugging on my nipple as his mouth makes love to mine..." Pahina nang pahina ang kanyang boses hanggang sa hangin nalang ang nanaig mula sa kanyang bibig.
Malakas ang ginawa niyang pag-lunok habang maingat na sinara ang libro. Namula ang kanyang mukha at halos hindi makatingin sa 'kin. Inipit ko ang labi ko, nagpipigil ng tawa.
"Nagbabasa ka ng ganito?" maingat niyang tanong, pumagitna roon ang pag-asa niyang 'Hindi' ang isasagot ko.
"Obvious," pilosopo kong tugon.
Marahas siyang suminghap, mariing pumikit, ginulo ang buhok at ginawa niya ang lahat nang iyon na nakatingala. Bumaba ang tingin ko sa malinaw niyang adam's apple. Does its obvious protuberance indicates his level of masculinity? Just a random question.
"Santamaria!" bulalas niya. Umalis siya sa pintuan at sa pag-balik niya'y hinagisan niya ako ng Cooking magazine na hindi ko alam kung saan niya kinuha. "Mga ganyan ang dapat mong binabasa, hindi 'yong mga..." inis niyang ginulo ang buhok sabay bigay sa 'kin ng libro.
Awang ang bibig kong muntik nang magpatakas ng tawa. "Hindi ako mahilig mag-luto. And what's the problem with these kinds of books? Para saan pa't pina-publish 'to kung hindi rin naman babasahin?"
"That's equals to porn!" Klaro sa 'kin ang frustration niya which is pinag-aawayan ko pa ang dahilan kung dahil ba sa content ng binabasa ko o ang epekto nito sa kanya pagkatapos niya itong basahin.
"So you don't watch porn?" duda kong tanong.
"No!" maarte niyang sabi.
"Ha-ha. Pussy," pang-aasar ko.
Inalis ko ang magazine sa kandunagn ko at binalikan ang libro. Babasahin ko pa lang ang unang salita sa next page nang maramdaman ko ang pag-lapit ni Devin. Unti-unting lumuwang ang ngisi ko.
Napasandal ako sa backrest sa paglapit ng mukha niya. Sa aking gilid nakatukod ang kanyang mga kamay. Mahigpit ang kapit ko sa libro habang yakap-yakap ito.
Ano, paaasahin na naman niya ako? Iba na naman ang gagawin niya tulad nang nangyari noong nakaraan sa ref.
But Devin's smart. 'Yon ang tingin ko sa kanya. Hindi na niya babalikan ang nagawa na niyang taktika kaya hindi ko alam kung anong aasahan ngayon.
Tulad noong nakaraan ay nilalapit na naman niya ang kanyang mukha hanggang sa magdikit ang aming noo. Sumasakit ang mata kong tumititig sa mga mata niya. Kinikiliti ako ng mahaba niyang piluka at ang buhok niyang sumasabog sa pag-tama sa 'min ng hangin mula sa ceiling fan.
"I am an experienced man, Savannah. So I don't need porn," mababa at seryoso niyang sabi.
Nag-iwan ng bigat sa loob ang mga sinabi niya kahit nakalayo na ang mukha at katawan niya sa 'kin. Dapat inasahan ko na iyon. Of course! He's westernized!
"Tapos na ang shift mo. Iuuwi na kita," huling sabi niya bago umunang lumabas ng lounge.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro