Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

S I X

Pinapanood ko ang manong na binababa ang huli sa tatlong galong tubig na diniliver nila dito sa bahay ni lola. Saktong paubos na rin kasi ang gallon sa water dispenser kaya tama lang ang araw ng kanilang pag-deliver.

"Ito po bayad." Abot ko sa pera.

Pinagpag niya ang kamay sa pantalon nito bago tinanggap ang pera.  "Salamat po."

Binalikan ko ang piniprito kong isda. Hindi pa siya nag-kulay brown sa gilid kaya naisipan ko munang lumabas. Humilig ako sa pintuan habang tinatanaw sina Miles at Asa na nagpapa-lipad ng saranggola. Nasa labas rin si Axton kasama ang girlfriend niya samantalang pinili nina Daneen, Euan at Dalton na mamahinga at sabayan ang pagkanta ng isang music video sa tv.

"Magkahawak ang ating kamay at walang kamay-malay..."

Napalingon ako sa gilid ng bahay dahil sa pag-iingay ng mga aso kasabay ang pagbubukas ng tangkal nito. Ilang segundo lang ay lumitaw si Mozes buhat-buhat ang aso ni lola. Hindi ko alam kung anong breed, basta normal lang siya na aso.

"Anong gagawin mo diyan?" buong pagtataka ko.

"Ipapasyal ko lang. Oy Viel! Dalhin mo 'yong isa!"

Galing sa panonood kina Miles at Asa, tumakbo si Viel mula sa kanila at sumunod naman sa sinabi ng kapatid ko. Palibhasa palaging sunud-sunuran kay Mozes.

Sa buong magdamag na pinagmamasdan ko silang binubuhat ang mga aso ay hindi man lang lumuwang ang mahigpit na pagdikit ng mga kilay ko. Tinabi nila 'yon sa kambing na nananahimik lang sa ilalim ng puno ng sampalok kung saan nakaupo sina Axton at Rikka sa isang kawayang upuan doon.

Para nilang pinagsasabong ang dalawang hayop dahilan upang sila'y maghalakhakan na pinamunuan ng magaling kong kapatd!

"Kuya! Pigilan mo nga." Tumuro ako sa labas.

Nilingon lang ni kuya Euan ang ang ulo niya, natabunan sa headrest ng sofa ang ibabang bahagi ng kanyang mukha. "Anong nangyari?"

"Sina Mozes, tignan mo!"

Humarap muli ako sa labas nang tumayo siya. Sumunod na rin sina Daneen at Dalton na agad nagsi-hagalpakan.

Salubong ang kilay na lumabas si kuya Euan. Pero nabigo ako nang hanggang gate lang siya.

"Moz! Isauli niyo pagkatapos. Five minutes lang ang playtime ng mga 'yan!"

Mas lalo lang akong nainis sa sinabi niya. Kinunsinte pa!

"Ewan ko sa 'yo kuya! Wala kayong pananghalian!"

Padabog akong naglakad pabalik sa kusina kung saan nagsitalsikan na nang maigi ang mantika sa kalan. Binaligtad ko ang mga isda na mas nagpalakas pa ng ingay ng pagwisik. 

Kahit kailan magkakampi ang dalawang 'yon. Palibhasa, ako babae kaya ako pinagtutulungan nila!

Dumating si lola Neng kasama si Astrid galing sa pamamalengke. Hindi namin siya nasamahan dahil tulog pa kami nang umalis sila. Tinulungan sila nina Mozes at Viel ngayon na buhatin ang mga supot laman ang mga sangkap at ibang pinamalengke.

"Astrid iha, sabayan mo na kami sa tanghalian. Nakapagluto na pala 'tong si Savannah."

Nahagip ko ang pagsisikuhan nina Viel at Miles.

Mahinhin na nilagay ni Astrid sa likod ng kanyang tenga ang tumakas na hibla ng mahabang niyang buhok. "Hindi na po , La. Nagluto na rin po si mama sa bahay, Papauwi na rin kasi si papa galing sa La Casa."

"O sige, eh magdala ka nalang ng nilagang kamote. May natira pa ba?"

"Meron pa po." Pinatay ko ang stove saka binuksan ang kaldero sa gilid laman ang apat na natirang kamote. Atleast may apat pa. Ipinagpasalamat ko nalang na naisip nilang hindi ubusin ang buong kaldero. 

Kumuha ako ng plastic sa basket katabi ng refrigerator saka sinilid doon ang mga kamote.

"Iubos mo nalang 'yan at ibigay kay Astrid. Marami pa naman tayong bagong kalkal diyan ni Eli," ani ni Lola

"Sino pong Eli?" tanong ko.

"Si Devin." Si Astrid ang sumagot.

Muntik ko nang mabitawan ang isang kamote. Nagkakalkal din siya ng mga rootcrop? Aba'y ilan ba ang trabaho ng Devin na 'yan? Lahat na yata ng trabaho dito sa Aloguinsan ay pinapasukan niya!

"Bakit Eli? Ang layo yata."

"Sa pangalawang pangalan kasi kinuha ni lola Neng ang palayaw niya sa kanya," sumabat si Euan na bigla nalang tumabi sa 'kin at nagpisil ng piraso sa pritong isda.

Bago ko pa maisipang hampasin ang kamay niya'y nailayo na niya ito at isinubo.

Lumapit si Mozes sa kabila kong gilid at kinuha ang plastic laman ang kamote saka ito inabot kay Astrid. Pabiro siyang sinisitsitan nina Miles at Viel.

"Naghugas ka ba ng kamay, Mozes? Pinanghawak mo 'yang palad mo sa tiyan ng aso kanina," malakas kong ani.

Pabiro niya akong tinaliman ng tingin. Tumawa lang si Astrid, nagpasalamat at nagpaalam nang umalis.

Nilapag na namin ni Daneen ang mga plato sa mahabang hapag kainan. Sa sala nag-iingay ang mga lalake dahil sa pinapanood na basketball. Pumasok lang si Asa upang uminom ng tubig. Tumulong na rin siya sa paglalagay ng mga baso.

"Sasama ka sa La Casa mamaya?" tanong ni Daneen.

"Anong oras kayo pupunta?" Nagsandok ako ng sabaw sa malaking plate bowl.

"After lunch. Doon na kami maliligo sa dagat," aniya.

Parang hindi ko feel lumabas ngayon. Nakakatamad ang labis na init sa labas. Nagdala rin naman ako ng mga libro na babasa-basahin ko para hindi mabagot. Bigla kong naisip ang di ko pa natapos na series ng isang libro na balak kong tapusin this week.

"Hindi na siguro. Ikaw?"

"I'm going. Ilang araw lang kami dito kaya sasamantalahin ko na," ani ni Daneen.

Nang hapon na 'yon ay ako lang mag-isa sa bahay. Kakarating ko lang galing sa paghatid kay lola Neng papuntang kapilya na may kalayuan kung lalakarin galing dito.

Malakas kong sinara ang librong natapos ko na rin sa wakas. Tinanggal ko ang pampusod sa buhok ko saka sinusuklay ang medyo maalon nitong hibla. Lumabas ako upang tignan ang ibang lugar na hindi ko pa na-suri. Baka sakaling maka-trigger ito ng memorya ko. But what crystal clear memory would appear when I was only two years old noong huling punta ko rito?

Imbes sa direksyon papunta sa tagong dagat ako tumungo, umikot ako sa likod ng bahay at tinahak ang sobrang kitid na dirt trail. Karamihan mga puno ng saging at mga tanim na gulay ang nadadaanan ko at mahahabang damo. Kulang nalang kakantahin ko na ang bahay kubo kung sakali mang hindi gawa sa konkreto 'tong bahay ni lola Neng.

Ginawa kong oportunidad ang pagtatago ng araw sa makapal na ulap upang lumakad at malamon ng mga tanim na nandito. Lumingon ako at nakitang palayo na ako nang palayo. 'Yan Savannah! Ito ang nagagawa ng pagiging lakwatsera mo!

Imbes na kabahan ay tinuloy ko ang paglalakad. Naka shorts lang ako kaya tumusok sa balat ko ang hibla ng mga damo. Hindi ba uso mower dito? Pwede 'tong panirahan ng mga ahas! Buti hindi pinasok ang bahay ni Lola Neng. Marahil nakakakilala ng bakod ang ahas na 'yon.

May nahagip akong matabang bulig ng saging katabi ang puso nito. Kaso kulay green pa. Humalo rin ang mga puno ng niyog. Kung sino mang maligaw sa lugar na 'to paniguradong hindi gugutumin at kayang mabuhay ng isang buwan.

Tumigil ang mga paa ko sa nakitang malaking puno ng mangga. Tinatambangan ng makapal na mga dahon ang mga sanga nito. Hindi na kinaya ng isang sanga doon ang bigat kaya sumasayad na ito sa lupa.

Pero hindi 'yon ang dahilan ng lalo ko pang paglapit kundi sa malalaking bunga na binalot ng dyaryo. May takip na nalagas kaya kita ko kung akong klaseng mangga ito.

"Fuudge...apple mango!" Tuluyan ko nang tinakbo ang distansya. Hinubad ko ang aking tsinelas saka ko inakyat ang sanga.

Hindi ko na maalala ang huling tikim ko ng apple mango. May ganitong puno sina Daneen at sa kanila lang ako nakakakain nito pero pinutol rin dahil pinatayuan nila ng bahay ang kinatatayuan ng puno noon.

"Ha-ha...nahanap rin kita..." madilim akong tumawa habang kumakapit sa mga karatig sanga. Maingat kong hinahakbang ang mga paa sa may kakapalang sanga na inaapakan ko.

Pinipitas ko bawat bungang naabot hanggang sa nahantong na ako sa taas. Binubuksan ko ang mga takip bago ko tinatapon sa lupa. Kung alam ko lang na may ganito, sana nagdala ako ng sako!

Mas umakyat pa ako nang may mahagip na sobrang laking bunga. Kahit nakatakip ay kita na ang katabaan nito, sumisikip sa naka-wrap na dyaryo. Pinunasan ko sa aking braso ang naglandas na pawis sa 'king noo bago hinila ang sarili paakyat sa taas.

I'm so good at this! Hindi pa rin pala nilumot ang kakayahan kong umakyat sa mga sanga. Me and my cousins used to do this all the time sa puno ng mangga rin kina lolo.

Ilang mga sanga na humaharang  ang hinawi ko. Nagawa ko pang yugyugin ang sanga sa pagtaas baba ko na lumikha ng kaliskis ng mga dahon. Kung sino mang makakakita sa 'kin ngayon ay pagkakamalan akong baliw na apo ni Nenita dahil ngumingisi ako mag-isa.

Naabot ko ang bunga, ngunit matagal kong natanggal ito dahil sa kapal din ng sanga. Nanggigigil na ako at binalewala ang paliligo ko ng pawis.

"Psst! Bawal mamitas diyan!"

Ikinaigting ko ang biglang alingawngaw ng pag-sita na muntik ko nang ikabitaw sa kinakapitan ko. Inis akong dumungaw sa baba at nakita ang aliwng mukha ni Devin.

Nakahulikiphip siya dahilan upang maglikha ng bulge sa gilid ang kanyang biceps. Pina-usli din nito ang kanyang firm na dibdib. Nilakbay ko rin ang mga mata ko sa bakas ng mga ugat na lumilinya sa kanyang braso. His broad shoulders are defined.

Nakatali sa baywang niya ang pulang camisa de chino. His faded jeans are being torn on the knee part. Saan naman kayang trabaho galing 'to?

"So ngayon gumaganti ka?" anas ko nang maalala ang pag-sita ko sa kanya noong isang gabi.

Umiling siya't umadjust sa pagkakatayo, puting his weight on his right foot. Naka-tsinelas lang din siya.

"Hindi. Bawal talagang mamitas diyan. That's invasion of property and trespassing," aniya.

"Ikaw ba may-ari nito?"

Mahina siyang tumawa. "Oh shortcake, it's my job to protect this property kahit hindi pa ako ang may-ari nito. This is my root. The land and the place where I was born."

"How patriotic," sarkastiko kong sabi saka bumalik sa pag-hila ng di ko matanggal-tanggal na bunga.

"Seriously. Bawal talaga. But I'll spare you this time. Marami ka na palang napitas."

Dinungaw ko muli siya. Pinasidahan niya ang mga bungang hinulog ko sa lupa. Nagkalat ang mga ito na parang minasaker ko ng todo at sinadyang pinaghiwalay ang kanilang mga bangkay.

Malutong na tunog galing sa mga patay na dahon ang lumikha sa pag-hakbang ni Devin palapit sa puno. Hinawi niya sa paa ang isang bunga. Bumigat ang mga mata ko't hinila ito sa baba, lalo na sa washboard abs niyang kanina pa tinatawag ang aking pansin pero pilit kong iniignora.

Nag-iwas ako nang papaakyat ang kanyang tingin. Binigla ko ang paghila sa tigasing mangga kaya nakuha ko rin sa wakas. Umamba akong itapon 'yon sa mukha ni Devin na agad umatras at ngumisi.

Sinalo niya ang hinagis kong bunga. Bumaba na ako pagkatapos, marami na rin naman akong napitas. I'm sure pagkakaguluhan 'to nina Mozes.

"Tumalon ka nalang. Sasaluin kita!" sigaw ni Devin.

"Ayoko!" sigaw ko pabalik at pinatong ang paa ko sa tanging sanga na malapit sa 'kin.

"Don't you trust me, shortcake? Sige na...ihulog mo na ang sarili dito sa mga bisig ko..." Tinapik niya ang mga biceps habang nagkagat-labi. Pinaikot niya ang kanyang ulo at balikat.

Humukod siya ng kaunti, pinatong ang mga kamay sa tuhod saka sinenyas ang isang kamay like he's saying 'Come to papa' bago niya pinadaan ang kamay na 'yon sa kanyang buhok.

"C'mon Savannah banana..."

Mas lalong hindi ko pinayagan ang sariling tumalon sa kanya dahil sa panibago na naman niyang tawag sa 'kin. What's with naming me with those names?

Sa inis ko'y hindi ko na nagawang mag-concentrate sa aking tinatapakan kaya nadulas ang aking paa. Malutong na mura ni Devin ang nanaig maliban sa pagtalon ng puso ko at pag-akyat ng aking dugo sa kaba. Pikit mata akong kumapit at tahimik na nagmura.

"Tumalon ka na kasi!" natutunugan ko na ang inis ni Devin.

"Mabigat ako!"

"Just trust me okay? Kinaya ko ngang buhatin si Dalton, ikaw pa kaya?"

Bakit naman niya binuhat si Dalton? Were those one of their drunken escapades? Kung totoo man ang sinasabi niya, then fine, I'll jump. As if naman kaya ko pang bumaba dahil sa kaba ko dahil sa muntikan nang pagkakahulog. Nanginginig pa rin ang tuhod at kamay ko.

"Eto na!" Pumwesto na ako.

Lumapit pa siya sa puno at hinanda na ang mga brasong saluin ako. Those arms look so strong and strained. Very toned.

Pero hindi naman siguro niya ako bibiguin di ba? Patay siya kay kuya.

"Come down here, baby..." panunuya niya, tikom ang bibig siyang ngumisi.

Tiniklop ko ang aking mga tuhod kasunod ang paghulog ko sa aking sarili. Wala akong naramdamang kaba dahil may tiwala ako sa kanya. Bago ako bumagsak ay nahagip ko pa ang alerto niyang mukha.

Kaagad akong kumapit sa kanyang balikat nang makailang hakbang siya paatras at muntikan nang matumba. Ngunit parang wala lang 'yon sa kanya dahil dinaan niya ito sa biro. Huminto lang siya nang hinampas ko siya sa balikat.

"Ibaba mo na ako. Thank you." Parang nilamon niya ang sinag ng araw sa init ng katawan niya.

Ngumisi siya. "As you wish, shortcake."

Pinagpag ko ang kamay saka pumameywang habang pinasidahan ang mga bunga sa lupa. Sa dami nila di ko alam kung paano sila madadala lahat sa bahay.

Tinignan ko ang suot kong fitted shirt at jean shorts. Wala man lang akong paglalagyan. Kahit sa bra ko hindi sila magkakasya.

Tinignan ko si Devin. Bumaba ang tingin ko sa nakalambitin na sleeve ng kanyang  camisa de chino.

"Pwede pahiram?" ninguso ko ang suot niya sa baywang.

Walang angal niya itong tinanggal at inabot sa 'kin. Hindi ko talaga maiwasang tignan ang katawan niya. Baliw ang mga taong babalewala nito at magdududang photoshop ang nasa harap ko.

Kinuha ko ang damit at nilatag sa lupa. "Ako nalang maglalaba nito."

"Huwag na," mahina niyang sabi.

Nag-kibit balikat ako. If that's what he wants.

Tinulungan niya akong pulutin ang mga bunga. Parang nagi-guilty akong hindi ko pinilit na labhan ang shirt niya. Pero hindi naman 'yon big deal para sa mga lalake di ba? Royce wouldn't even have minded. Pero katulad ng mga babae, iba-iba rin ang mga lalake.

"Hilaw pa 'to."

Nilingon ko siya at nakita ang inaangat niyang bunga. Kulay green pa nga at wala pang yellow na lumalabas. Gayunpaman ay nilagay niya pa rin ito sa nilatag kong damit niya.

Pumulot siya ng panibago. Sa kanyang pag-hukod, doon ko lang napagtanto na kanina pa nakasilip ang garter ng brief niya o boxer sa ibabaw ng kanyang jeans. Nakasulat ang mamahaling brand sa garter. 

Wala na akong nahagip na mas malapit sa 'king mangga. Ang huling piraso ay hawak ni Devin. Binalatan niya ito at kinagatan habang nakatitig sa'kin. Hindi ko magawang makatayo. Wala akong ibang nagawa kundi ang tumunganga sa kanyang mukha. Lalo na sa mga mata niyang mistulang nag-aapoy habang dahan-dahang kumakagat sa mangga.  

"Ito ang hinog. Hinog na hinog." Dinilaan niya ang katas ng prutas sa kanyang labi saka niya kinagat ang ibabang bahagi. Nagtaas siya ng kilay. "Mas masarap talagang kainin ang hinog." May nahihimigan akong kahulugan sa likod ng salita't tono niya.

Pinaghalong tapang, kastriktuhan at kapilyuhan ang lumilikha sa kanyang mukha. Matapang dahil sa kanyang kilay, pilyo sa mapanuya niyang mga mata ngunit kaya ka paring akitin nito at strikto sa kanyang panga.

Napalunok ako, biglang bumagsak ang pwet ko sa lupa habang yakap-yakap ang damit niyang puno ng mga mangga. Hindi siya tumawa sa naging reaksyon ko pero alam kong gusto niya! Nakaangat ang isang bahagi ng kanyang bibig habang ngumunguya.  Sumilip ang malalim niyang  biloy.

Humugot ako ng maraming hangin. Mabilis kong tinali ang tela upang ma-secure ang mga mangga saka ako tumayo. Pinigilan kong hindi mapadaing sa bigat ng dala ko.

"Uwi na ako. Lalabhan ko nalang 'tong damit mo." Mabilis ang aking pagsasalita.  Hindi ko siya tintignan.

Nagsimula na akong maglakad at balak siyang iwanan kasama ang natipuhan  niyang mangga.

Hindi pa ako nakalimang hakbang ay naririnig ko na ang pagsunod niya. Mas lalo kong binilisan nang maramdaman na papalapit na siya. Binigo lang ako ng mga paa ko dahil nagawa pa rin niya akong maabutan. Humawak siya sa aking braso at pinaharap ako sa kanya. Kinuha niya ang dala ko at siya ang nagbuhat.

Panggalang kong niyakap ang nangangalay kong braso. Tinitigan niya ako, bahagyang ngumuso ang mapintog niyang labi. Nagawa kong hagipin ang maitim na alikabok na nagmantsa sa kanyang prominenteng pisngi. Pinigilan ko ang kamay kong alisin ito.

Tinango niya ang ulo sa harap, nakuha ko ang ibig niyang sabihin kaya umuna ako sa paglalakad. Di nagtagal ay pumantay na siya sa 'kin.

"Mahilig ka raw sa saging?" bigla niyang tanong na ipinagtaka ko. Dahil ba dumadaan kami sa sagingan kaya naisip niyang itanong 'yon?

"Oo. Ba't mo alam?" sinu-sway ko ang aking braso at pinapalakpak ang mga kamay kada tagpo nito sa aking harap.

"Sabi ng kuya mo," aniya.

Ganoon nga talaga ka-lalim ang kanilang friendship sa mga kamag-anakan ko to the point na nabanggit pa talaga ni kuya ang paborito kong prutas.

"Masarap ang saging ko."

Namilog ang mga mata ko. Awang ko siyang nilingon. "Ano?!"

Inosente niya akong tinignan na as if epektibo 'yon sa kanya. Hindi bagay sa kanya ang inosente. Walang bahid ng ka-inosentihan ang mukha niya!

"Yung tanim kong saging masarap. Gusto mong tikman? Ipipitas kita," maamo ang kanyang boses. Hah!

Hindi ko na alam kung gaano ako kapula. Nasilungan kami ng isa sa malaking dahon ng saging pero parang nasinagan ng araw ang mukha ko dahil sa panginginit nito.

Mistula siyang may ningunguya sa tikom niyang bibig, or baka pagpipigil lang ba 'yon ng ngiti o tawa? Mas gusto kong paniwalaan 'yong pangalawa.

Nag-iwas ako ng tingin. "Okay na ako sa mangga."

"Ayaw mo na ng saging ko?" inosente niyang tanong.

"Hindi! I mean...oo—I mean...hindi, ay! Ano ba?" Natataranta na ako! Ano ba kasi ang pinapahiwatig niya? Are those innuendos?  Unang tingin pa naman dito sa kanya ay hindi mo na makikitaan ng gagawa ng kainosentihan. Puro makamundo!

Mabilis ko siyang inunahan sa paglalakad. Bahala na nga ang mga mangga! Kainis.

Tatakbo na sana ako nang makita ang likod ng bahay ni lola Neng. Binilisan ko nalang ang paglalakad habang sinusundan ako ni Devin na sumisipol pa.

Right! He's playing me. Sinasadya niya 'yon!

Bakit ba kasi ako? Bakit hindi si Daneen ang paglaruan niya ng ganito? I've had enough fight for this week ayoko nang may dumagdag. Doon siya kay Daneen para matuto 'yong makipag-usap sa ibang lalakeng di niya kaano-ano.

Naabutan kong naghahalahakan ang mga pinsan ko sa sala. Tumigil sila nang madatnan akong matalim ang tingin sa kanila. Bago pa may isang makapagtanong ay inunahan ko na sila.

"Ang landi ng kaibigan niyo!" sumbong ko at dire-diretsong naglakad paakyat sa hagdan. Bawat apak ay may dabog na pati alikabok ay nagsiliparan.

"Si Devin?" Humagalpak si kuya Euan. "He's Devin Eleazar Revilloza for the love of God!"

Malakas kong sinarado ang pinto, kumuha ng unan, tinakpan ang mukha at gigil na sinigaw ang aking inis.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro