S E V E N T E E N
Kakagaling ko lang sa pagse-serve ng order ng pamilyang foreigner. Dumiretso akong stock room upang kumuha ng mga bagong drinks dahil paubos na ang supply sa cooler. Nag-hakot ako sa cart saka dinala sa counter at ni-load ang mga bagong stock.
Dala ko na ang kotse ko nang pumasok ako kaninang umaga. Walang Devin na nagpakita sa 'kin. Dinibdib yata niya ang petty argument namin kahapon.
Ang sensitive ng taong 'yon. Alam naman niyang nagbibiro lamang ako so for me, there's nothing behind my statement na dapat niyang ikatampo. Kaya imbes na kahapon ang supposed to be lakad namin bilang bayad ko sa pagpa-charge niya sa baterya ng kotse, hindi kami natuloy.
Pwede rin namang busy siya at hindi pa nakaahon sa pangingisda. It could also be na...may ibang trabaho siyang pinasukan.
Huminto ang pagte-text sa 'kin ni Greg. Hindi na ako magtataka. Kahit ako kung sisigawan ni Devin ng ganon, kahit ayaw ko ay susundin ko ang sinabi niya. He's cocky and playful, but once you push his wrong button, you better run halfway across the world.
Ang isang unknown number naman ay hindi nag-reply. Hinayaan ko na, baka isa rin sa mga kasamahan ni Greg na naringgan ang warning ni Devin.
Nang dumating ang isa kong kasamahan na si Salma sa counter, pumasok ako sa lounge upang magpalit sana ng damit. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong uniform. Next week pa available kaya nagtitiis muna ako sa puting polo shirt at black pants.
Tinali ko nang pina-high ponytail ang aking buhok. Sakto ang pagpasok ng isa kong kasamahan na hindi ko masyadong ka-vibes. Tahimik kasi siya at may pakiramdam ako na sa tuwing tumatalikod ako, tinataasan niya ako ng kilay. Wala na naman sa akin ang mga ganyan. Graduate na ako sa tarayan ng mga co-workers.
Sa dalawang trabahong pinasukan ko, walang pagkakataon na wala akong nakakasamang hater. Either hindi niya ako gusto, o insecure siya sa 'kin. At sa totoo lang, mas pinapaniwalaan ko ang pangalawang rason.
Nagre-apply ako ng cheek tint at dampi ng kaunting pulbo, kaharap ang salamin na nakadikit sa locker. Minadali ko dahil baka naghihintay lang 'tong si Brenna na matapos ako sa pagre-retouch.
"Kayo ba ni Devin?" bigla niyang tanong.
Hindi ko siya nilingon. "Hindi, bakit?"
"Palagi kasi kayong magkasama."
Natunugan ko ang kawalaang lasa sa kanyang pagkakasabi.
"Hindi ba pwede?" Sinulyapan ko siya sa salamin. Kakaupo niya lang sa sofa.
"Bago ka pa lang kasi rito. How come parang close na kayo? Madalang na lang silang nagkakasama ni Astrid na palagi niyang kasabayan dati sa tuwing bumibisita siya sa Aloguinsan."
Oh, so I take it that close sila ni Astrid kaya pakiramdam ko'y pinapanigan niya ang kaibigan. She likes her for him. Isa ito sa nabuo kong konklusiyon kung bakit sa lahat ng mga kasama ko rito, siya lang 'tong ilap sa 'kin. Atleast the rest of the employees are with me.
Pero hindi rin natin alam. Minsan hirap ako sa pag-detect kung sino ang mga nagpapaka-totoo at sino ang nagpapaka-plastic.
"Close sila ng lola ko. Close na rin kami. At baka sawa na siya kay Astrid," walang hiyang sabi ko.
"Bakit naman? Ang ganda kaya ni Astrid." Sa tono ng pananalita niya, nakikita ko ang kanyang pag-ismid.
Hinarap ko na siya. Taas-kilay at nakanguso niyang sinusuri ang bago niyang nail-art sa kamay.
"Minsan kasi, may mga gandang mabilis mong pagsawaan. Nakaka-umay na." Ningitian ko siya. "Balik na ako," masigla kong paalam saka ako lumabas.
Mas lalong sisikip ang hangin kapag magtatagal pa ako roon. Sa init ng panahon, ang huling kakailanganin ko ay ang hirap sa pag-hinga dahil sa tensyon at init ng ulo. Pinawi ko ang dalawang bagay na 'yon sa pag-lagok ng malamig na tubig galing sa water dispenser na katabi lang ng ref sa counter.
Ang kaninang magandang mood ko ay tumakas na't nilipad ng hangin sa dalampasigan. Pero hindi ko ito hinayaang makaapekto sa trabaho ko. I have to keep this professional kahit pagse-serve lang ng pagkain at pag-take ng order ang ginagawa ko. Trabaho pa rin kasi ito.
"Okay ka lang, mare?" tanong ni Pat. Siya nga lang ang lalake sa amin, babae naman ang kaluluwa. Mas malakas pa ang kembot ng pwet niya kesa sa 'kin.
"Mhm." Tumango ako. Gamit ng bottle opener ay binuksan ko ang takip ng softdrinks saka nilagyan ng straw. Katulad kahapon ay hindi kami masyadong busy ngayon.
"Hmm..." ngiwi siyang nag-isip at pumalumbaba. "Mukhang hindi. Kanina pa salubong kilay mo."
Hindi ko man lang namalayan na iba na pala ang pinta ng mukha ko. Pakiramdam ko nadagdagan ang aking wrinkles.
Since si Pat ang pinaka-honest at prankang taong nakilala ko, siya ang napagdesisyunan kong tanungin.
"Naging si Astrid ba at Devin? Bakit maraming nagsasabi na may namagitan sa kanila?"
Napairap siya at umayos ng tayo. Dinukot niya ang bubblegum sa bulsa ng polo niya, binuksan ang wrapper at nilamon. "Wala akong pakialam kay Astrid, kay Devin lang." Tumawa siya at biglang sumeryoso. "Pero seriously, hindi ko alam. 'Yon ang sabi nila. Friends lang naman daw sabi ni papa Devs so...sa kanya ako naniniwala."
So hindi rin siya sure. Nag-conclude lang siya base sa pagkagusto niya kay Devin, hindi dahil sa 'yon ang totoo. Why am I bothering about this? Because Devin is pursuing me. I'm done throwing my trust to those people with erstwhile affairs, lalo na't hanggang ngayon ay malapit pa rin sila.
I've been there with Royce, ayokong may book two na naman ito sa katauhan nina Devin at Astrid.
I get it that they were once close. Pero hindi na naman siguro kailangan i-big deal 'yan ng iba. So what kung hindi na sila malapit sa isa't isa ngayon? Tayo kasi minsan pinapalaki natin ang butas ng maliit na issue. They're friends and that's it! Hindi na nila dapat mantsahan ng ibang kahulugan! As if naman nakita nilang naghalikan ang dalawa na nakapag-conclude silang may namagitan sa kanila. Jeez!
Inakbayan pa rin ako ng mood ko galing sa trabaho hanggang sa pag-uwi ko sa bahay. Sa labas ay kita ko ang usok na nagmula sa backyard at naaamoy ang sinusunog na mga patayng dahon kasabay ang pagwa-walis ni lola Neng.
Bumaba ako ng hagdan na bagong ligo at bihis nang madatnan ko si Astrid na ngiting-ngiti na inaamoy ang isang bulig ng mga hinog na saging.
Kung hindi ko lang nilakasan ang pag-lagapak ng tsinelas ko sa hagdanan ay hindi niya ako mamamalayan.
"Saan galing yan?" tanong ko. I sounded like a brat who's about to steal someone else's doll.
"Kay Devin, bigay niya sa 'kin," nakangiti niyang sabi. Natural na namula ang kanyang pisngi.
Hindi ko mapigilang mag-taas ng kilay. Umabot sa kisame.
"Ahmm...Astrid, actually kay Savannah 'yan, hindi sa'yo. Sorry."
Tinignan ko sa ibabaw ng balikat ni Astrid si Devin na nakatayo sa may pintuan, parang nagpipigil ng tawa sa pagtatakip ng kamao niya sa kanyang bibig.
Binalikan ko si Astrid na nalunod sa pula ang mukha.
"Oops..." sarkastiko kong sabi. Nakayuko niyang binigay sa 'kin ang bulig ng saging saka ako nilagpasan. Hindi ko alam kung maaawa ako sa kanya o matatawa.
Damn! Nakakahiya 'yon! Kung ako nasa posisiyon niya ay hindi ako magpapakita sa mundo ng isang buwan!
Nilapitan ako ni Devin, nanginginig ang balikat niya at buong mukha na niya ang tinatakpan.
"Pinahiya mo naman 'yung tao."
Sumisinghap niyang tinanggal ang kamay sa mukha na may salin nang pigil na tawa.
"Malay ko ba. 'Di ko naman alam na gusto rin pala niya ang saging ko." Isang beses niyang tinapik ang aking braso sabay tango sa hawak ko. "Oi, masarap yan. Isubo mo na. Medyo matigas pa nga lang ng konti pero pwede na siyang isubo."
Inosente siyang ngumiti. Iba ang tingin ko sa kanya kasabay ng ibang interpretasyon ko sa ibig niyang sabihin.
He's with his innuendos again. Ano pa bang bago rito kay Devin kundi kalandian at double meaning.
Bago ko pa makalimutan ay dinukot ko ang cellphone sa aking bulsa at hinanap sa contacts ang unknown number na hindi pa ako nirereplayan.
Hinarap ko ang cellphone sa kanyang mukha."Number mo ba 'to?"
Isang segundo lang yata niyang sinulyapan ang screen bago niya ako tinignan. "I didn't ask for your number, so no. Besides, I want a personal interaction with you, not technological. Mas gusto ko kasi ang makatotohanan."
Hindi ko mapigilang maikutan siya ng mata kasabay ang pagpapakawala ng mahinang tawa. "Yes or no lang naman ang kailangan kong sagot. You don't have to explain."
Isang beses niya akong hinakbang. He towered over my 5'1 height. Jeez! Kailangan ipagmayabang ang halos pagiging six footer niya? He's all chin up and chest out kaya tumama tuloy ang chin ko sa matigas niyang dibdib.
"It's because you deserve more than a mediocre Yes and No, shortcake."
Hm, which reminds me of my incessant question since day one. Sana talaga hindi mo ako sasagutin ng mediocre Yes and No sa susunod kong itatanong, Devin.
"Sigurado ka bang walang namagitan sa inyo ni Astrid?" Kinontrol ko ang lakas ng aking boses dahil nasa kusina lang siya.
"Wala," agaran at siguradong tugon ni Devin. "Mukha bang meron?"
"Inaakala ng iba na naging kayo o nanligaw ka sa kanya."
Gumagalaw ang bibig niya na parang ningangatngat niya ang loob nito kasabay ang nag-iisip niyang mga matang tumititig sa 'kin. Sa muli niyang pag-kurap ay nanliit ang mga mata niya.
"Hindi lahat ng nakikita at naririnig mo ay totoo, Savannah. Inasahan kong alam mo na 'yan. Opiniyonada ka, at hindi ka basta naniniwala kung walang pruweba. Ngayong nag-conclude ka, anong pruweba mo na naging kami?"
"Close kayo..."walang kasiguraduhan sa tono ko hindi dahil sa aking sinabi kundi napapaisip ako sa naging pahayag niya.
Humakbang na naman siya sanhi ng aking pag-atras. "Close kami ng lola mo, meaning nililigawan ko siya? Close kami ng kapatid mo, so naging kami ni Euan? O ni Mozes?"
Nagkibit-balikat ako at nag-iwas ng tingin. "Malay ko."
"See? You have no proof. Ang tsismis parang cancer, walang lunas. Kaya huwag mo nang asahan na may magsasabi sa 'yo na hindi naging kami dahil salungat ang pinapaniwalaan nila. There's no remedy to their false beliefs. Ako ang paniwalaan mo Savannah dahil mananatili akong totoo sa 'yo. I'm the only remedy to your doubts, so you have to believe me."
Mas lalong ayaw ko siyang tignan pabalik kahit ramdam kong pilit niyang hinahabol ang aking tingin. Wala akong ibang masabi kaya tumango nalang ako, inaamin na sang-ayon ako sa kanya. Ano nga bang laban namin sa mga taong iba talaga ang gustong paniwalaan dahil gusto lang nila. Atleast alam ko na ang totoo na wala talaga.
Tumungo akong kusina at nadatnan si Astrid na nakaupo sa mahabang upuan gawa sa kawayan. Nakatunghay siya, pero palagay ko'y nakikinig siya sa amin ni Devin sa sala.
"Ako na rito, salamat," sabi ko sabay lapag ng saging sa mesa at nagtungo sa niluluto niya.
"Hindi ako sure kung malambot na ang karne, tignan mo nalang," mahinhin niyang sabi bago siya umalis. Rinig ko ang pagpapaalam niya kay lola Neng.
Kumuha ako ng kutsara at tinidor saka tsineck ang kalambutan ng karneng baka. Mukhang kanina pa 'to niluto dahil malambot na siya. Nilagyan ko na ng mga sahog at pampalasa.
Ganon na lang ang pag-higit ko ng aking hininga nang makita ang mga kamay ni Devin na lumabas galing sa gilid ng aking baywang at tinukod ito sa counter na sinandalan ko't pinaglalagyan ng stove. Ramdam ko ang mainit niyang dibidb sa likod ko.
"Devin, nagluluto ako." May banta sa tono ko, in case lang na hindi niya alam kung anong tawag sa ginagawa ko ngayon.
"Alam ko. Walang pumipigil sa'yo. Magluto ka lang." Mas inipit pa niya ako dahilan upang mas madiin ako sa counter. Sinandal niya ang baba sa aking balikat.
Nirolyo ko ang balikat ko upang alisin niya ang kanyang baba ngunit binabalik niya ito. Ilang beses ko iyong ginawa, ilang beses niya ring binabalik ang baba niya hanggang sa sumuko na ako.
"Patikim nga."
"O kutsara." Tamad kong nilahad ang kutsara sa kanya.
Tawang-tawa siyang umatras. "Ang sweet mo naman! Subuan mo naman ako."
Mukha pa rin niya akong kinukulong kahit nakasandal siya patagilid sa counter. Patuloy siya sa kanyang hagikhik na tinugunan ko ng masamang tingin, like my glare is a big joke to him.
"I'm waiting, Savannah. C'mon, feed your bebeh..." panunuya niya sabay sundot sa'king tagiliran.
Wala na yata akong magagawa upang baguhin ang ganitong pagiging mapaglaro at malandi niya. Gamit ang kutsara ay kumuha ako ng sabaw, inihipan upang hindi masyadong mainit saka ko sinubo sa kanyang bibig.
Lumipat ulit siya sa likod ko. "Hmm...medyo matabang. Dagdagan mo pa ng asin."
"Hindi ko makuha ang asin." Siniko ko siya sa tagiliran. "Ano ba, may glue ba 'yang dibdib mo sa likod ko? Tabi!"
Lumayo nga siya nang kaunti pero may sinabay rin namang hirit. "Wala eh, ayaw lang talagang bumitaw ng puso ko. Dumidikit."
"Hindi pa tayo Devin," seryoso kong sabi. Nilagyan ko nang kaunting asin ang niluto saka tinikman.
"Ay, hindi pa ba? Akala ko kasi tayo na. Huwag ka kasing mag-selos, nag-assume tuloy ako." Humalakhak siya.
Napailing nalang ako. Pinatay ko na ang stove at pinanatiling bukas ang kaldero. Nag-hugas ako ng kamay at tinuyo ang kamay sa telang nasa handle ng ref.
"Alam mong may gusto si Astrid sa'yo." Hindi ko na kailangang kwestyunin. Lalake siya kaya nararamdaman niya 'yon.
"Alam ko. Pero wala na akong magagawa. Kaibigan ko rin naman siya, alangan namang itaboy ko."
Halukipkip ko siyang hinarap. "Oo nga naman. Ba't mo nga naman itataboy eh ang ganda ni Astrid. May pagka-Ellen Adarna 'yong ganda eh."
Sandali siyang humalakhak bago ako tinitigan sa mapang-akusa niyang tingin. "Are you hinting on something, Sav?"
"Wala," pagtataray ko. Bumaling ako sa ibang direksyon.
Lumapit si Devin, pinapaalalahanan ulit ako sa nangyari noong nakaraan; Sa likod ko ang ref at siya'y nanunuyang humahakbang. Ayoko nang umasa sa gagawin niya, bubulungan lang niya ulit ako na may kailangan siyang kunin sa ref.
Naghahamon kong hinarap ang aking mukha, pinapakita sa kanya na hindi na ako magpapaapekto at alam ko na ang gagawin niya. Luma na ang stilo niyang 'yan. He did it once, and when he'll do it again, ako ang mananaig dahil hindi ako ang mapapahiya.
Kahit nagsasanggaan na ang aming mga ilong ay hind ako nagpatinag. Alam ko ang mangyayari, lilihis siya sa aking tenga at doon siya bubulong.
Pero mali ako.
Hindi ko naramdamang humihinga ako nang dinampian niya ng halik ang aking labi na labis kong ikinagulat. Hindi ko nagawang pumikit kaya nakita ko siyang nakapikit.
Bahagya ang kanyang paglayo, dumilat ang namumungay na niyang mga mata. "I hope that speaks for something, Savannah. From me, to you."
"You still haven't gotten the promotion so you have no right to do what you just did. Kaka-tanggap ko lang sa'yo." Bilib pa rin ako sa sarili ko na nahanap ko ang aking boses kahit nanginginig ito.
Binagsak niya ang kanyang noo sa 'kin, pumapaypay ang hininga niya sa paligid ng labi ko. "Hmm...let's just say that...parte 'yon ng training ko, Ma'am."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro