O N E
Hindi siya nagsasalita. Nanatili siyang nakayuko't sa hita nakatanim ang kanyang mga siko. Hindi siya makatingin sa 'kin kundi sa cellphone niyang kanina pa niya pinapaikot-ikot sa kamay niya.
Malamig ko siyang tinititigan, naghihintay sa kanyang pag-imik. Walang kakalmahan ang bawat kumpas sa dibdib ko simula pa kanina.
Pakiramdam ko wala nang patutunguhan ang pag-uusap na 'to. Paulit ulit nalang. Pabalik-balik naming pinag-aawayan.
"Isang sabi mo pa na titigilan na natin ito, hindi na ako magdadalawang isip na hiwalayan ka. Pagod na akong magmakaawang isalba ang relasyon natin."
Isang pagkakataon pa. Kahit dati ko na 'tong ginawa ay palagi ko pa ring pinagbibigyan ng isa pang pagkakataon. Everyone deserves a second chance pero hind na kasi 'to second chance dahil lumagpas na doon. Matagal na. Hindi ko na nga mabilang kung pang-ilang chances na 'to.
Doon siya nag-angat ng tingin. Katulad ng dati ay tinatapunan niya ko ng matalim na paningin. Pinapalagpas ko lang dahil wala naman siyang ginawa sa'kin na sumobra pa doon. Sanay na ako.
"You're threatening me Sav?" May pagbabanta sa kanyang tono.
Maigi ko siyang tinitigan. "It's not just a threat Royce, it's a finality."
Pagak siyang tumawa sabay iling. Tumuwid siya ng upo at dumekwatro. Parang may pandidiri sa kanyang reaksyon habang nakatingin siya sa'kin.
"Ganyan mo ba ako ipaglaban? Is this how you're going to fight for me, huh?"
Nadagdagan ng ilang sako ang inis ko sa sinabi niya. Otomatikong dumiretso ako ng upo. Nanginginig ang kamay kong sugurin siya pati na ang bibig kong gusto siyang sumbatan sa lahat.
Hindi makapaniwala ko siyang tinignan.
"Fight? Kung pag-uusapan lang din naman natin kung paano ako nakipaglaban sa'yo, sige! sabihin mo sa 'kin kung nasaan ako sa mga pagkakataong dapat ay nasa pamilya ko ako. Ni hindi ko na nga napupuntahan ang mga pinsan ko dahil ikaw palagi ang inuuna ko! Sa mga nangyari sa'yo, kahit nasasaktan ako, nakinig pa rin ako kahit sinabi mo nang harap-harapan sa 'kin na may feelings ka pa sa ex mo! Na nasasaktan ka dahil iba ang nakabuntis sa kanya!"
Tinalikuran ko siya. Pinalis ko ang luhang naglandas sa 'king pisngi sa naalala kong naging away namin dati. Hanggang ngayon ganito pa rin. Magdadalawang taon na pero ganito pa rin.
Sa totoo lang sawa na ako. Kung bakit ba kasi hindi ako umuusad. Dapat alam ko na ang daan palabas pero parang ako rin yata ang nagtatayo ng kandado sa pintong 'yon. Ako mismo ang nagkukulong sa sarili ko sa sitwasyong ito.
Suminghot ako. Bawat takas ng luha ay may panibagong lumalabas.
"Kahit alam kong ako ang agrabyado, hindi ko nagawang iwan ka. Ikaw, anong effort ang ginawa mo para sa 'kin? Kapag nagsasalita ako hindi ka naman nakikinig dahil busy ka sa paglalaro sa computer mo. Hindi mo nga masabi ang totoo sa 'kin na hanggang ngayon apektado ka pa rin sa ex mo. Na mahal mo pa siya at parang panakip butas lamang ako."
"Sinusumbatan mo naman yata ako eh," patampo niyang ani.
Di na masukat ang inis ko nang hinarap siya.
"No. Sinasagot ko lang kung paano ako nakipaglaban sa'yo! Sinasagot ko lang ang tanong mo. Pinapaalam ko lang ito lahat sa 'yo in case hindi ka aware sa mga efforts ko! Kasi sa totoo lang, hindi ko naramdaman na na-appreciate mo ako. Sa magdadalawang taon nating relasyon, all along malaking porsyento ng puso mo ay naka'y Nadia. Tiniis ko iyon Royce! You always become sensitive when it comes to talking about her pero hindi sa feelings ko!"
He said he has moved on, pero sa tuwing binubuksan ko ang topic tungkol sa kanyang ex ay umiiwas siya. Naiinis siya sa 'kin dahil paulit ulit nalang daw ako.
He can't blame me. I am the girlfriend at may karapatan naman siguro akong malaman at maniguradong wala na talaga siyang puwang sa kanya. Na wala na yung nararamdaman niya sa nakaraang 'yon. Dahil kung hindi pa, ako mismo ang mag-iinitiate na magkita sila para magkaroon ng closure.
But it never happened. Iwas siya ng iwas. Hanggang sa nahuli ko mismong nagte-text sila sa isa't isa. Patago pa sa 'kin. Ganon ba ang naka move on? Bakit hindi pinapaalam sa 'kin? I have every right to know dahil ako ang girlfriend at nakipagkita siya sa ex niya without my knowledge!
Hindi na ego mismo ang nawarak dahil dati nang nailibing 'yon. Sa mga pagpapakumbaba ko palang sa kanya dati, sa mga iniyak ko sa nalaman ko, sa pananatili sa kanya kahit minsan napapagod. Tiniis ko ang tinik na nakabaon sa mahabang panahon. Oo na, Ako na ang nagpaka-martyr. Ako na ang mabait.
I don't think I deserve this. I really don't deserve this. Dapat noon pa aware na ako sa kahalagahan ko. Sa simula palang hindi na ako karapatdapat sa lugar na ito.
"Bakit hindi ka nagfe-facebook?" tanong ko. Nanatili ang mga mata niya sa paa ko.
"Dahil ayaw ko," mahina ang boses niya.
Nagtiim-bagang ako. Hanggang ngayon pa rin pala ay itatanggi niya. Ang sabihin niya, ayaw niyang nasasaktan ang ex niya sa tuwing nakikita ang mga litrato naming dalawa.
"Patawa ka. Hindi mo ako maloloko. You don't dare underestimate me, Royce," malamig kong anas.
Pumalatak siya't tumayo. Sinabunot niya ang humahaba na niyang buhok saka inis na hinilamos ang kanyang mukha. "Ito na naman tayo eh. Hindi mo ako kayang paniwalaan. I'm not cheating on you!"
"But you aren't honest with me either! And you aren't honest to yourself, too!"
Suko siyang bumuntong hininga. Bumaling siya sa 'kin at halos bawiin ko ang pinal kong desisyon sa nagmamakaawa niyang ekspresyon.
"You know I love you, Sav..."
Ito iyong dahilan kung bakit hindi ako makalabas. Ito iyon eh. Pinapangunahan ako minsan ng awa ko, ng kahinaan ko. Nakakasawa rin ang maging mahina. Minsan kailangan mong lumaban, ipaglaban ang sarili mo, karapatan at paniniwala mo. At ito ang gagawin ko na sana'y dati ko pang ginawa.
Noon naniniwala akong may pag-asa pa kaya ako kumakapit at nanatili. Pero paulit-ulit nalang. Once the damage has been done, kailangan kumalas na agad. Huwag nang hintayin pang madagdagan ang pinsala dahil masisira't masisira din 'yan. Oo nga't maaayos, pero hindi na buo.
"It isn't enough. Iniyakan mo ang ex mong nabuntis ng iba. Ganoon mo ako kamahal, Royce? Ako pa ang dumamay sa 'yo. You made me stay with you para damayan ka sa sakit na nararamdaman mo kasi ako lang ang meron ka! Harap-harapan Royce!"
Panay ang iling niya. "No...we're not breaking up."
Muli akong nag-iwas ng tingin. Ayokong makita siyang ganyan. Ayoko nang magbago ang desisiyon ko.
"We are." sabi ko.
Kinuha ko ang aking bag sa silya at may pag-mamadaling lumabas bago pa man siya makahabol. Dinukot ko ang susi ng kotse sa bulsa ng aking jeans. Hindi ako nagpatumpik pa't pinaandar na agad ang sasakyan at umalis sa village nila.
I'm done fighting. I've had enough. Ayoko na. Paano mananalo ang isang laban kung isa lang ang kumikilos kasi ang isa ay hindi pa nakausad sa nakaraan? It's never going to work out that way. It takes two to tango. Baliw lang ang sumasayaw mag-isa. At oo, siguro nga baliw ako. Tanga na kung tanga. But I'm done! Ito na ang huli.
Pagkarating sa amin ay pansin ko galing sa loob ng sasakyan ang mga anino sa loob ng bahay. Bumaba ako, sumanib ang pagtataka habang binubuksan ang pinto at doon nadatanan ang dalawa kong sina Marlow at Faye.
"Anong meron?" bungad ko sa kanila. Kapag ganito ang eksena ay malalaman ko nalang na may okasyon o may pupuntahan.
"Aalis daw tayo," sagot ni Marlow.
"Sinong kasama?" Pumasok ako sa kwarto't tinapon ang bag ko sa kama. Tinungo ko ang salamin at siniyasat ang aking mukha. Hindi pansin ang kakagaling ko lang sa pag-iyak.
Sa tagal ng biyahe at sa traffic ay nabawasan ang pamamaga ng aking mga mata at pamumula nito. Naghilamos ako upang pawiin ang natitirang bakas ng kanina.
"Tayo lang. Walang oldies. Axton's treat!" Rinig kong sagot ni Marlow galing sa baba.
"Sa food lang, free kaya yung accomodation," sabat ng nakakabata niyang kapatid na si Faye.
Pinusod ko ang mahaba kong buhok saka bumaba ulit. Kasunod ko si mama na pansin ang bagong kulot na buhok. Hindi na ako nabigla. Naaamoy ko pa ang medisina sa buhok niya.
"Punta daw kayong Aloguinsan. Doon kayo sa La Casa...ano nga 'yon ate?"baling ni Faye sa kapatid.
"La Casa en la playa de Palomarez," tugon ni Marlow.
"Saan 'yon?" Umupo ako sa bakanteng silya katabi ni Faye.
"Malayo. Huli mong punta doon two years old ka lang yata. At hindi pa iyon resort ng mga panahong iyon. Nandoon ang lola niyo kasi sa kanya ang lupa," sabat ni mama.
Tumungo siya sa kusina at sa kanyang pagbalik ay may dala na siyang bowl ng chicharon.
Palagi kong naririnig ang lugar na 'yon sa tuwing binabanggit nila si lola. Pero wala akong naalalang nakapunta ako doon. Ika nga, two years old ako noong huli kong punta, eh hindi pa buo ang utak ko. Hindi pa makasagap ng memorya.
"Saan si Axton?" tanong ko sa kanila.
Kumuha si Marlow ng chicharon sa bowl na nilapag ni mama sa mesa. Akala ko hindi niya ishe-share.
"Nagpa-tattoo, sinamahan nina kuya Dalton at kuya Euan. Sina Moz naman ay nag-basketball kina Miles kasama sina Asa at Viel."
"Si Daneen sasama?"
Tumango si Faye."Oo, sinundo na ni ate Rory."
Nilingon namin ang pinto dahil sa naririnig na maingay na palitan ng mga salita. Bumukas ang pinto at niluwa ang kapatid kong lukot ang mukha. Nasa balikat niya ang pula nitong shirt kaya naka jersey shorts nalang siya ngayon.
"Eh kasi nga bibili kami ng pang-barbecue. We can't go there hungry! Bakit ba kasi ako lang ang walang sasakyan? Si ate may Citroen. Si kuya Euan may motor. Paano ako? Bike? Magba-bike ako papuntang Aloguinsan? Ni kinse minutos nga na mag-bicycling sa gym hinihingal na ako!"
"Mag hoverboard ka nalang," singit ko.
Makailang beses kumurap ang kapatid ko na parang ngayon lang niya namalayan ang aking presensya. Bumaling siya sa labas.
"Sige na kasi Pa!" maktol ni Mozes, pinadyak ang isang paa.
Nasa labas si papa. Kita ko sa bintana ang pag-lilinis niya ng motor na gustong hiramin ni Mozes.
"Kay Savannah ka nalang sumakay. Delikado mag-motor kapag gabi," aniya.
Parang batang nag-kamot sa kanyang ulo si Mozes at umupo katabi ni mama. "Nasubukan ko nang mag-motor sa siyudad. Aloguinsan is not near from being a city! Tsaka ako lang ang lalake kapag doon ako kina ate."
"Alam niyo ba papunta roon? Malayo ang Aloguinsan," ani ni mama.
"Alam po ni Dalton. Palagi sila nagba-biking doon kasama si tito Gen. Kaya nga siya payat noon eh. Ngayon hindi na."
Nagtawanan kami sa sinabi niya. Ngumiwi lang si mama na kalaunay napangiti rin.
"Kapag marinig yan ni Dalton..."
Nag-kibit balikat si Moz. "Ayos lang, tanggap naman niya. He's flaunting it."
"Anong sasakyan niyo?" tanong ni mama sa 'min.
"Magmo-motor ang mga boys. Then kami kina ate Sav at ate Daneen," sagot ni Marlow.
"Pa! Pahiramin mo na kasi ako ng motor!" tumayo si Moz at muling lumabas upang mas kumbinsihin si papa.
This is an expansive fluctuation of emotions from a while ago. Di ko alam kung paano ko nagawang maging excited kahit kakagaling ko lang sa break up. Kung noon pa nangyari 'to, nagkulong na ako sa kwarto.
Siguro wala na akong maibuhos na luha at emosyon. Wala na akong maipakitang sakit dahil immuned na. At dahil siguro, masaya akong magkakaroon na ako ng oras na makabonding ang mga pinsan ko lalo na ngayo't kumpleto kami dahil sa kakarating naming pinsan galing Hawaii.
Matalas ang mga tingin ni mama sa 'kin. Isa sa maninipis niyang kilay ay nakaangat. Halos mapaluhod ako sa tingin na 'yon.
"Huwag bilisan ang pagpapatakbo sa daan ha?" strikta niyang payo.
Napakamot nalang ako sa aking kilay at ngumiwi. Hindi ako makasagot dahil hindi ko magagawa 'yon. I don't do slow drives. At. All.
Hindi kami natuloy nang gabing 'yon. Sobrang gabi na rin kasi natapos ang pagpapa-tattoo ni Axton kaya ngayong umaga kami umalis.
Namili muna kami ng mga sangkap at iba pang kakailanganin para sa inihaw na lulutuin namin mamaya. May culinary experience si Dalton kaya siya ang magiging chef namin pati ni si Euan.
Nakasunod kami sa green na Aprilia Caponord ni Euan at pulang Crossrunner ni Dalton since sila ang may alam papunta roon. Nakababa ang bubong ng aking Citroen dahil mas magandang langhapin ang natural at sariwang hangin. Lumalabo na ang mga tugtugin sa radio dahil lumalayo na kami sa kabihasnan kaya nagpasak ako ng cd .
Dalisay na ang daanan. Sa gilid ay puro na mga puno at long grass. Matiwasay ang panahon at maganda ang sikat ng araw. Mas binilisan ko ang pagmamaneho.
"Woohooo!"
Nilabas ni Mozes ang ulo niya at tinataas ang mga kamay, nanunuya kina Daneen na humahabol sa 'min sa likuran. Sa huli ay hindi nakumbinse ni Mozes si papa kaya sa kotse ko siya nakasakay ngayon kasama ang iba na hindi pinapayagang mag motor na sina Viel at Asa.
Sakay kay Daneen sina Miles at ang babaeng magkakapatid maliban kay Rory na naka-motor din kung saan naka-angkas ang girlfriend ni Axton. Si Axton ay sa motor ni Euan nakaangkas.
Panay ang sigaw ni Mozes sa kawalan. Ikinalingon iyon ng mga nangungunang nagmomotor na sina Euan at Dalton. Kulang nalang lagyan ng flag ang mga motor nila, para na kaming VIP!
Natigalgal si Mozes sa silbato ng mixer truck na dadaan sa gilid niya. Panay tawanan ng mga pinsan ko sa likod.
"Shit! Muntik na!" sigaw niya sabay sapo sa kanyang dibdib. "Woooh! Tangina!"
Lumakas ang tawanan namin.
Pumantay na sa amin sina Daneen at nakita ang kanilang mga tawa, marahil nakita rin ang naging reaksyon ni Mozes na hanggang ngayo'y namumutla. Hindi na siya umulit pa at maamong nanahimik sa front seat.
Isang municipalidad ang Aloguinsan. Pero sa tinatahak namin ngayon ay nagmistula itong probinsya dahil sa kaunting mga kabahayang nadadaanan namin at puro malalawak na damuhan. Yung tipong ayaw mong lusungan kapag gabi sa maaaring sumalubong sa 'yong ahas. Napangiwi ako sa naisip at binalik ang tuon sa harap.
Animo'y malayo magkaroon ng kahit anong senyales ng mga establishments dito. Ipinagtaka ko kung gaano nga ba kalaki ang La Casa en la playa na sinasabi nila. At paano nakapamuhay rito si lola.
Hindi na kami umabot pa sa town proper dahil lumiko kami bago pa makarating doon. Lubak na daan ang aming tinatahak, isang pathway ng dirty road lang 'yon sa gitna ng malawak na damuhan.
Pinabagal ni Dalton ang kanyang motor upang mapantayan kami.
"Kina lola Neng muna tayo bago tayo pumunta sa La Casa!" Umuna ulit siya pagkatapos niyang inanunsyo 'yon.
"Bakit kaya ganoon pangalan ng mga lola noh? Neng...Soleng...Adring, Noleng, Aneng...Trining. Mga lolo naman Isidro, Manolito...Procropio...hindi pa pwedeng lola Kimmy, lola Ariana, lola Taylor, lolo Justin, lolo James, lolo Harry. Di ba? Di ba?"
Napailing ako sa pinagsasabi ng kapatid ko.
"Pangalan mo pang-lolo. Mozes." asar ni Viel.
Nagtawanan sila at patuloy sa pag-aasaran.
Sa kalagitnaan ng malawak na damuhan nakatayo ang isang bahay na may katamtaman ang laki. Hindi ako nag-expect ng mansion dahil masyadong malaki iyon para kay lola na nag-iisa lang na naninirahan. Unless may kasama siya sa bahay.
May silungan ang gilid ng bahay. Doon namin pinarada ang mga sasakyan pero nanatili ang mga motor sa labas. Malawak ang gate ng bakod kaya nagawang makapasok ng mga kotse namin ni Daneen.
"Mga apo ko!"
Siglang-sigla ang pagsalubong sa amin ni lola. Hindi ko alam kung ilang taon na siya ngunit mukha pa namang malusog at malakas pang maglakad.
Pinapalibutan namin siya upang magmano. Panay ang tahol ng tatlong aso sa isa pang gilid ng bahay.
Tiningala ko ang bahay, may balkonahe sa taas. Gawa sa pinaghalong kahoy at semento at ito lang yata ang pinaka-modernong likha na namataan ko sa lugar na 'to. Mukhang maaliwalas at malaki ang espasyo sa loob para sa aming labingdalawa.
"Lola! Ako po yung pinakapaborito niyong apo!" sigaw ni Mozes na nagtaas pa ng kamay.
Napawi ang ngiti ni lola Neng at nagkunot-noo. "Sino ka nga ba iho?"
Sumabog ng tawanan at pang-aasar kay Mozes na napahilamos sa mukha. Ilang mga pagbati pa ang nangyari kasama na ang pagpapakilala kay Axton na ngayon lang nakapunta rito. Amboy kasi sila ng mga kapatid niya at hindi sila dito ipinanganak sa Pilipinas.
Lumayo ako upang magmasid sa ibang lugar. Malayo magkaroon ng mall rito, kaya naghanap ako na pwedeng pag-aliwan. Maraming mga puno ng saging at mangga sa di kalayuan. Tinatakpan pa ng diyaryo ang mga bunga.
Maaliwalas at mahangin kahit mataas ang araw. Di tulad sa siyudad na halos bahain na nang alikabok dahil sa polusyon. Pakiramdam ko mawawala ang sakit ko sa katawan kapag nandito, parang malilinis ang baga at dugo ko. Kaya siguro mahaba ang buhay ni lola.
Naging curious ako sa narinig na hampas ng dagat. Sa kabila ng sikat ng araw, nanaig ang curiousity ko. Sa dami namin, hindi naman siguro nila mahahalata na wala ako.
Isang dirty road pathway rin ang dinaanan ko na unti-unti akong inaanod sa pader ng iba't ibang mga puno karamihan ay niyog. Dumilim ang paligid, pakiramdam ko nawawala na ako dahil naglaho na ang pathway. Bigla kong naisip na baligtarin ang damit ko!
Mas narinig ko pa ang pag-tatagpo ng dagat sa lupa. Binilisan ko ang pag-lalakad hanggang sa bumagal ang aking mga hakbang dahil sa pagkamangha.
Sinong mag-aakalang may nakatagong baybayin dito? Walang mag-aakala dahil parang naging balat na nito mismo ang mga puno at damo.
It's a hidden beach. Isang tagong dalampasigan. Walang katao-tao at malinis at puting buhangin lamang na tinagpo ng malinaw na berdeng dagat.
Napabuntong hininga ako sa pagkamangha. Ngayon pa lang ako nakakakita ng ganito. Walang wala ito sa mga beaches na napuntahan ko. Sa siyudad kasi ay crowded na at overrated.
Dito...pwede ka ng maglatag ng banig sa ilalam ng punong niyog, then you're good to go! Winawala dito lahat ng stress na naiwan ko sa city.
Lumingon ako sa likod, nakakatakot lamang ang mga nagtataasang mga puno ng niyog pero mawawala naman ang takot na 'yon kapag haharapin ang guhit-tagpuan ng dagat. Kaya pala dito piniling manataili ni lola.
May napansin akong bangka sa di kalayuan. Nakasuksok ang isang bangka sa mga puno habang ang isa'y malayang nasa buhanginan lang. Pinuntahan ko iyon ngunit nakailang hakbang palang ako'y umatras na ako.
May tao. Natutulog. Walang pang-itaas, naka jeans na punit-punit sa may tuhod na bahagi. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nakatakip ang kanyang braso habang ang isang ay namamahinga sa kanyang tiyan. Ito ang una kong napansin sa kanya, ang braso niyang may maarteng alon. Parang pinag-sikapan ni Lord na hulmahin.
Hindi ba siya naiinitan diyan? Sa bagay, hindi naman mainit sa parteng pinaglalagyan ng bangkang tinutulugan niya.
"Sav! Kain na daw tayo naghanda si lola!"
Hindi ko manlang namalayan na nasundan ako ni Daneen. Sa gaan ng mga hakbang niya minsan mabibigla ka nalang na lilitaw siya bigla sa likod mo.
Nakatulong ang pagdedesisiyon kong lumayo rito sa pag-tawag niya sa'kin. Isang beses kong sinulyapan ang tulog na nilalang bago ako tumalikod.
Babalikan ko ang dalampasigan na 'to. Sa lapit lang ng bahay ni lola Neng ay mababalikan ko 'to panigurado.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro