N I N E T E E N
Wala ako sa sarili habang pinupunasan ang table ng kakaalis lang na customer. Pagkatapos ibalik ang mga gamit sa storage room, nanatili ako sa gilid ng pinto at sumandal sa pader.
Damn Devin. Ikalawang araw ko na 'tong puyat. Kapag sa pangatlong pagkakataon ay gagawin niya ulit 'yon ay baka hindi na ako makakapasok pa sa trabaho.
"Uy!"
Napaigtad ako sa panggugulat sa 'kin ni Pat. Weirdo niya akong tinitignan. Doon ko lang namalayan na kanina ko pa hawak ang labi ko habang nakatunghay. Mabilis kong binaba ang aking kamay at mariing kinagat ang labi.
"Bakit?" maang-maangan ko.
"Balik ka roon," tango niya sa counter, "may gustong maglasing," natatawa niyang sabi saka siya pumasok sa maintenance room.
Umayos ako ng tayo at tamad na naglakad pabalik sa counter. Nagawa ko pang humikab bago inangat flip-up countertop. Hinarap ko ang nanghihingi ng alak. Ganon na lang ang paniningkit ng mata ko sa pamilyar na mukhang kaharap ko. Si West.
"Hi!" Malawak siyang ngumisi.
Tumango ako. "Anong sa 'tin?"
Nag-overnight ba siya sa resort? Kung nais lang niyang mag-inom dito eh sana bumili nalang siya ng Tanduay sa tindahan. I don't think angkop naming i-entertain ang mga hindi nag-overnight.
Bahagya niyang tinuro ang shelf ng mga alak sa likod ko. "Hiramin ko lang 'yong isang bote diyan, bibili kami ng stock sa siyudad."
"Kayo pala tagabili ng alak?" Akala ko mangingisda rin siya base sa pinapahiwatig ni Devin dati noong nagpunta ako sa palengke.
Maigi siyang tumango, hindi pa rin natatanggal ang ngisi niya.
Weird.
Kinuha ko ang kiddie chair sa ilalim ng counter at pinatungan ko. "Alin dito?"
" 'Yong pink," aniya.
Inabot ko ang Strawberry Daiquiri . Abot na siya ng tuktok ng mga daliri ko ngunit hindi ng kamay ko. Inangat ko na ang aking sakong pero wala pa rin 'yung bisa. Ang hirap talaga kapag pinagkaitan ka ng height. Nakakainis! Nakakababa ng ego!
Takot akong ipilit na abutin ang bote dahil baka mahulog ko pa 't mabasag. Makabayad pa ako ng damages nang wala sa oras.
May narinig akong ngumingisi sa likod. At sino pa ba? Alam na! Ang huwarang malandi!
Lumingon ako at siya agad ang tinagpo ng aking paningin. Naiilang pa akong makaharap siya ngunit nagga-garantiya ng atensyon ang ngisi niya't panunuya.
"I thought you don't want to offend me?" akusa ko. Binanat ko ang aking braso at naramdaman ang pangangalay.
Bumitaw siya sa aroganteng pagkakahalukiphip at pumasok sa counter. Hindi niya ako nagawang tingalain dahil nag-pantay lang ang tangkad namin. Walang silbi ang kiddie chair, hindi pa rin ako pinatangkad!
Bukas ang lahat ng butones ng kanyang puting polo na hanggang braso ang manggas na may sadyang tupi upang paligiran ang matipuno niyang biceps. Nagmukha siyang turista, may wayfarers pang nakasabit sa kanyang ulo. May tumakas na hibla ng buhok sa kanyang noo.
Tinumbasan niya ng aliwng ngisi ang masama kong tingin. "Who says I'm offending you kung sasabihin ko sa'yong..." bumaba ang tingin niya sa aking dibdib, "gifted ka sa ibang bagay?"
Pakurap siyang nagbalik ng tingin sa 'king mukha. Kinawag niya ang kanyang kilay.
"Perv."
Humalakhak siya. Tumikhim siya at sumeryoso ang mukha. Pinapanood ko ang mabagal niyang paghakbang hanggang sa naramdaman ko ang labi niyang nasa tenga ko na. Kumalat ang init ng kanyang hininga sa aking leeg pababa sa aking likod. "So Savannah, how's your lips? Still sore?"
Nanginig ako sa pagpapaalala niya sa 'kin ng kahapon. Tinulak ko siya sabay baba sa kiddie chair habang siya'y walang mintis sa pagtawa animo'y sinakop na niya ang buong mundo.
Sinauli ko ang upuan at kukuha sana ng panibagong silya nang marinig ang tanong ni Devin na pinaligiran ng kalamigan.
"Ba't ka nandito?"
Nilingon ko siya. Masama ang tingin niya kay West na sobrang tuwid na ang tayo. Tantiya ko'y mas bata siya sa akin ng ilang taon base sa mukha niya pero may angking tangkad din, hindi nga lang kasing tangkad ni Devin.
"Uhmm..." Nagkamot siya ng buhok. "Titignan ko lang ang bote. B-bibili kasi kami ng stock—"
"Hindi kayo ang inaatasang bumili! May staff dito na tatawag sa brewing company na kailangan ng stock dito. Sila ang magde-deliver, hindi kayo ang pupunta sa kanila! Palusot ka pa. Bumalik ka na sa pantalan!"
Mukhang buong restaurant ang nabulabog sa malakas na panenermon ni Devin. Nakaramdam ako ng awa kay West dahil sa pagkapahiya niya. Tumango siya at yumuko saka lumabas ng restaurant.
Hindi ko mapigilan ang inis nang binalingan ko si Devin. "Ano ba ang kasalanan ni West at sinisigawan mo siya ng ganon?"
Walang pinagbago ang pinta ng kanyang mukha. "May gusto siya sa 'yo. I don't share."
Frustrated akong bumaling sa ibang direksyon at napakamot sa buhok ko. Hinila ko siya sa likod ng restaurant dahil sa mga taong natuon sa direksyon namin. Tinulak ko siya sa pader pero wala ang lakas ng tulak ko dahil nakangisi pa rin siya.
"Pwede namang mahinahon mo lang siyang pagsabihan. This is a public place, nahihiya 'yong tao! Kung ikaw kaya mapahiya?"
Mukhang wala lang sa kanya ang paglalabas ko ng saloobin. Pinadaan niya ang kanyang dila sa siwang ng kanyang bibig at nakangiti akong tinitignan na parang isa akong performer sa perya.
Umusli ang pectorals niya sa ginawang paghalukiphip.
"Boss! Tawag kayo ni mang Fred. Kinulang sila ng isang reef ranger." Bumalik si West at iyon ang inanunsyo niya.
Sandali akong sinulyapan ni Devin bago siya lumabas ng restaurant kasunod si West. Parang wala lang sa kanya ang ginawa ni Devin, samantalang ako ay naaawa pa rin sa kanya. Mukhang may kapansanan pa naman siya dahil paika-ika ito ng lakad.
"Kayo ba?"
Pumihit ako at nadatnan sina Pat at Ellaine na parang kanina pa nagtatago rito.
"Hindi."
May doubt na puminta sa mukha ni Ellaine. "Sure ka? Masyado siyang friendly sa 'yo."
"Is he not to everyone?" ganti kong tanong.
Nang maglabasan ang iba naming kasama sa lounge para sa tapos na nilang break ay kami ang pumasok upang pumalit sa kanila. Nadatnan namin si Brenna na naga-apply ng lipstick.
Umusog siya sa dulo ng sofa upang bigyan kami ng espasyo pero hindi ako umupo. Binuksan ko ang aking locker at kinuha ang tumbler ko.
"Kung sino man ang pinapansin niya pakiramdam nila'y inaambunan na sila ng grasya. Ikaw mare, nag-uumapaw ka sa grasya, mamigay ka naman!" maarteng sabi ni Pat. Nagtawanan kami.
Natigil iyon sa padabog na pagsara ni Brenna sa kanyang compact mirror. Tumayo siya, tumabi ako upang makalapit siya sa locker niya.
Ngiti ko siyang nilingon. "Ganon din ba siya kay Astrid?"
Hindi siya umimik. Seryoso niyang isinilid pabalik ang compact mirror niya't lipstick sa bag at padabog na sinara ang locker animo'y hindi niya narinig ang tanong ko. Hanggang sa paglabas niya sa employer's lounge ay may dabog ang pagsara niya ng pinto.
Natahimik kami. Parang inaalisa pa namin sa aming mga isip ang dahilan ng kanyang inasta. Ang ceiling fan lang ang nag-iingay dito sa lounge.
"May period yata," basag ko sa ilang segundong katahimikan.
Isang beses pa akong tumungga sa aking tubig bago binalik ang tumbler sa locker. Tumabi ako kay Ellaine sa sofa.
"Mag-bestfriends ang isang 'yon at si Astrid. Magkasama ang mga ama nila bilang reef rangers," pahayag ni Ellaine.
Figures. Halata namang may pinagsamahan sila dahil kung sino ang ayaw ng isa, inaayawan din ng isa. Bestfriends nga.
" 'Yong Astrid, feel ko trying hard maging Pristine," komento ni Pat.
"Si Pristine, barkada rin ba nila?" curious kong tanong.
Ayaw ko kasing paniwalaan na kabilang si Pristine sa kanila. Ibang-iba ang ugali niya sa Brennang 'yon at kay Astrid na nahahalata kong pina-plastic lang ako.
"Bagong dayo lang 'yan dito. Mga social climber ang mga iba pa niyang kasamahan. Kinakaibigan lang nila si Pristine dahil mayaman," sabi ni Pat.
"Bakit mo nasabi? Kilala mo sila?"
"Classmate ko ang isa noong college. Hay nako mga mare, ang arte!"
"Ikaw Pat, mayaman ka rin, mayaman sa puti, eh ang katawan mo? Huwag mo namang pagkaitan ng sustansya," biro ko.
"Tangina ka talaga!" natatawa niyang akong hinampas. Ang mahahaba niyang braso ay inabot ang buhok ko't hinila. Sa payat ni Pat, hampas ng manipis na sanga lang ang epekto niya sa amin ni Ellaine.
"Magpa-breasfeed ka na Savannah! Para may paggagamitan naman 'yang dibdib mo!"
Nanginig ang balikat ko sa pag-tawa. Gumanti ako ng hampas kay Pat. Naiipit sa amin si Ellaine na din na rin magkamayaw sa paghalakhak.
Naging normal at magaan ang takbo ng trabaho sa natitirang oras ng hapon. Katulad ng mga bunga, pana-panahon lang din ang dami ng customers depende sa buwan. Marami ang dayo kapag summer kaya puno ito sa tuwing March at sa mga buwang may long weekend.
Hindi muna ako umuwi pagkatapos ng shift ko. Kasama nila Pat at Ellaine, pinagmamasdan namin ang dagat at ang magandang sunset. Nag-reflect ang hinog na kahel na kulay ng araw sa tubig at lumikha ng kislap. Sobrang gandang tignan.
Kinuha ko ang aking phone at pinicturan 'yon. Paniguradong maiinggit sa Daneen sa kuha ko.
May paparating na barkong sakay ang mga tapos nang mag-snorkeling. Naroon si West at isa pa niyang kasama na mukhang kaedaran ko lang. Wala ang ibang reef rangers, di pa yata tapos sa pagto-tour nila.
"Oi Greg! Andito crush mo!" sigaw ni West na nauna nang bumaba sa barko.
Nagtatanong ang mukha ng tinawag niyang Greg habang hinuhubad nito ang life jacket. Tumuro sa direksyon namin si West. Ramdam kong siya 'yong nag-text sa 'kin pero hindi ako sure dahil marami namang Greg, baka kapangalan niya lang. May itsura siya. Matangkad rin at may katawan.
Bakit ba ako malalapit sa matatangkad? Nagmukha tuloy akong anak nina Pat at Ellaine na pinapagitnaan ako.
Sa aking pagpihit ay nakita ko si Ate Doreselyn na may binababang mga plastic sa multicab. Nagpaalam ako kina Ellaine at Pat bago tumungo sa parking lot.
"Ate Dorsi!" tawag ko.
Galing sa pagmamando ng isang trabahador ay mukha siyang nasurpresa sa pagtawag ko. "Oi, Sav. Pakitulungan namang buhatin ang mga 'to sa kitchen. Stocks ito ng mga recipe para bukas hanggang Sabado."
"Uuwi kayo sa Countryside?" tanong ko. Hinawakan ko ang dalawang plastic. Mabigat kaya binitawan ko ang isa.
"Oo eh. Sa Sabado pa ang balik ko."
Inalsa ko ang tanging isang plastic na nakayanan kong buhatin. Hindi pa ako nakapihit ay may panibagong kamay ang kumuha ng isang plastic na dadalhin ko sana. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Greg. Ningitian niya ako. Tipid na ngiti ang sinukli ko.
Sinabayan niya ako sa paglalakad papuntang likod ng restaurant. Rinig ko mula rito ang pag-sipol ni West. Nagsenyasan sila ni Greg na tanging sila lang ang nagkakaintindihan. Boys' language. It's like they speak Chinese, and us girls speak French.
Binasag niya ng tikhim ang katahimikang pumagitna sa 'min.
"Dito ka pala namamasukan? Kailan ka nagsimula? Ngayon lang kasi kita nakita rito," ani pa niya.
I take it na madalas siya rito base sa mga tanong niya.
"Last week lang," tugon ko.
Dumaan kami sa gilid ng infinity pool bago kami lumiko at pumasok sa hallway kung saan nakahanay ang kitchen. Naroon pa si chef Paul, at ilang mga katulong niya sa pagluluto.
"Chef!" tawag ni Greg.
Hinarap kami ni Chef. Nilapag niya ang sandok sabay baba ng tingin sa mga dala namin.
"Oi, 'yan na ba ang stocks?" tanong niya. Tumango kaming dalawa ni Greg sabay lapag ng mga dali namin sa bakanteng counter. May mga sumunod pang pumasok dala ang mga plastic.
Pinagkukos ni chef ang mga palad niya sa isa't isa na parang natatakam siyang kumain habang lumalapit siya sa pinaglalagyan namin ng mga stocks. "Finally!"
Bumalik ulit kami sa parking lot. Sa dami ng tumulong ay kaunti nalang ang babalikan namin.
"Ikaw ba 'yong nag-text sa 'kin?" matapang kong tanong kay Greg. Hindi ko naman malalaman kung hindi ko tatanungin. Walang mawawala sa 'kin kung sasabihin man niyang hindi siya at nagkamali lang ako.
Yumuko siya at hinaplos ang kanyang batok. "Uh...oo eh." Nahihiya siyang lumingon sa 'kin. "Okay lang ba?"
Hindi ko alam. Tanungin niya kaya si Devin? Baka suntok lang ang aabutin niya. Mukhang papatay nga 'yon doon sa tawag pa lang. Pero nakikipagkaibigan lang naman 'tong si Greg at walang masama roon.
"Okay lang..."
"Hmm...wala naman sigurong magagalit? I mean, pinagsabihan ako ni Devin pero...ewan." Nagkibit balikat siya. Walang kasiguraduhan ang kanyang ekspresyon nang muli niya akong nilingon. " 'Di naman siguro siya magagalit. May Astrid naman siya eh. Joke lang naman yata 'yong paninigaw niya sa 'kin sa phone." Bahagya siyang tumawa.
Huminto ako sa paglalakad at tiningala siya. "Bakit mo nasabi 'yan?"
Tumigil na rin siya. Hindi ko mabasa ang kanyang mukha. Parang normal lang na kalmado. "Hindi ba sila? Kita ko sila sa ilog kahapon. Sweet, nagkikilitian."
Tinitimbang ko ang katotohanan sa sinabi niya. Kita ko rin sila eh, pero hindi ko na naabutan ang kilitian nila kuno.
"Anong oras kang nagpunta sa ilog?" tanong ko. Sinubukan kong hindi siya paningkitan ng mata upang hindi mahalata ang pagdududa ko.
Why do they insist na sila ni Devin at Astrid like they're some crazy fangirls and boys na kailangang matatag ang love team na sinusuportahan nila?
Sinipsip niya ang ibabang labi habang nakatingala sa taas, nag-iisip. "Hmm...mga four na yata ng hapon."
Bago ako umalis ng bahay kahapon papuntang ilog ay naalala kong sumulyap ako sa wallclock at nakitang nasa four fifteen ang mga kamay ng orasan. Hindi niya ako naabutan. So may something nga na nangyari bago ako dumating.
"Sinong mga kasama nila? Silang dalawa lang?" patuloy kong usisa.
"Hindi. Mga friends ni Astrid."
Tumango ako, tinatanggap ang sagot niya. He's not lying.
Kahit magkaibigan lang sila, kung ibang tao na ang mga magsasabi, small petty things can make you feel na dapat mo nang pagdudahan kahit para sa mga pinag-uusapan ay wala lang iyon. Panatag ang loob ng mga taong alam ang totoo samantalang patuloy na mag-uusap ang mga taong pinipilit na iba ang totoo.
At patuloy akong magdududa dahil na-trauma na ako sa nangyari sa amin ni Royce. Kalaban ko ang ex niya na tinatakbuhan niya sa tuwing may problema kami. Alam kong hindi magkakatulad ang mga lalake, may normal man silang pagkakahawig dahil nga mga lalake sila, it's their nature. Ngunit mayroon ding pagkakaiba.
Sa ganitong sitwasyon, mas nanaisin kong magkaiba sila para hindi ko masabing 'Pare-pareho lang kayong lahat ng mga lalake!'. Mas mabuti kung may variety para naman hindi sila ang nage-generalize na sila nalang palagi ang nambibiktima at nang-iiwan sa ere.
If ever man na hindi naging si Devin at Astrid, well I believe him, pero kasi close sila.
Sa pagkakalunod ko sa aking pinag-iisip ay hindi ko namalayan ang batong nakaangat sa lupa kaya natalisod ako. Hindi ko nagawang i-balance ang sarili dahil sa sakit ng paa kong nasugatan pa.
"Uy!" Sinalo agad ako ni Greg at inayos ng tayo. Hindi ko inapak ang napuruhan kong paa sa lupa. Ngiwi ko itong dinungaw dahil sa nakitang sugat. Ba't ba kasi ako nag-open-toe flats.
Napahilig ako sa kanya at kumapit sa kanyang braso nang muntik na akong matumba. Binalance niya ako. Pinalipas ko muna ang sakit bago ko nagawang humakbang.
"Ako nalang ang tutulong sa paghahatid ng mga stocks," aniya.
"Sige, thanks."
Paika-ika akong naglalakad. Hindi na nag-iisa si West. Nakahawak si Greg sa siko ko at ang isa'y nasa aking baywang.
"O, 'nung nangyari?" usisa nung isang dumaan. May dala siyang plastic ng mga stocks.
"Natamaan nung bato," pahayag ni Greg. "Pakitanggal nga niyan, Sid. Ang dami nang pinahamak ng batong 'yan eh."
Bahagya akong natawa. "Hindi pala ako ang unang nabiktima."
"Hindi talaga," natatawa niyang sabi. "Maraming na ngang nagrereklamo diyan."
May dumaan ulit na nagtanong sa kalagayan ko. Sa paa lang naman 'to pero ang sakit talaga.
"May maiwan pa?" tanong ni Greg nang makabalik kami sa parking lot. Wala nang mga plastic at hindi ko na naabutan si ate Dorsi.
"Wala na. Last na 'yung dala ni Sid," ani ng pinagtanungan ni Greg na nakatukod ang kamay sa malaking gulong na nakadikit sa likod ng multicab.
Sinubukan kong humakbang papunta sa aking kotse. Agad umalalay sa 'kin si Greg.
"Ayos na ako dito. Salama—"
May biglang marahas na pumalis sa kamay niya na nagsanhi ng hapdi sa braso ko. Kasabay ng kamay niya'y nahila rin si Greg at muntik pang matumba kung 'di lang niya naibalanse ang sarili.
Hindi ko nakita ang reaksyon ni Devin, hindi ko na kailangang alamin dahil bigla nalang niya akong hinila. Napaikot ako sa ginawa niya kaya lumala ang sakit ng paa ko.
"Aray Devin ang paa ko!"
Huminto siya at dinungaw ang aking paa. Dumoble ang masamang tingin na ibinato niya.
"Natalisod siya sa bato, may sugat siya." Si Greg ang nagsalita sa likod ko.
Marahas suminghap si Devin sabay angat ng mata kay Greg. " 'Di kasi iniingatan."
"Ako ang hindi nag-ingat," sabat ko.
"Hindi! Hindi ka talaga niya iniingatan." Animo'y tinulak ako ni Devin sa tingin na binabato niya kaya ako napaatras.
Gusto ko nang umalis dito sa dami nang nakikiusyoso. Natatanaw ko na papalapit na rin sina Pat at Ellaine na curious sa nangyayari.
"Pre, si Astrid—"
"Wala akong pake!" Naka'y Greg ang galit niyang mga mata. "Ikaw, kung gusto mo, ligawan mo siya. Lahat ng babae Greg, landiin mo na silang lahat huwag lang 'to!" Mariin niya akong tinuro.
Wala nang nagsalita pagkatapos. What Devin said, it should be followed. It should be the rule. Pero nanganak ng bulungan habang hinihila ako ni Devin patungo sa motor niyang nakasilong sa ilalaim ng makapal na puno. May nagsihulugan pang mga dilaw na bulaklak mula rito.
Hinintay ko siyang makasakay sa motor saka ako nagsalita.
"Hindi mo siya dapat sigawan ng ganon. Wala siyang ginawa—"
"Nagseselos ako at may karapatan ako dahil gusto kita, Savannah! Sakay!" Matigas niyang tinango ang ulo sa likod niya na hindi ito tinitignan.
" 'Yong kotse ko—"
"Sakay, Savannah," giit niya. Halos ngatngatin na niya ang sariling ngipin.
Masakit man sa paa ay pirme akong nanatili sa kinatatayuan ko. May determinasyon akong nakatitig sa kanya. This is my brave stance na hindi niya ako mauutusan.
Mabigat siyang nagpakawala ng hininga't umibis sa motor ngunit hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko kahit naghahamon na niya akong nilalapitan. But what he did next, 'yon ang hindi ko natakasan.
Mahigpit niyang kinuwadro ang mukha ko't malalim akong hinalikan, inalsa sa aking baywang at pinulupot ang mga binti ko sa baywang niya. Sa mga sandaling 'yon ay hindi siya bumibitaw sa paghalik habang naglalakad samantalang gulat na nakaawang ang bibig ko.
Sunod kong naramdaman ang pwet kong nasa upuan na ng motor.
May tunog siyang bumitaw sa halik saka niya nilingon si Greg na namumutlang nakatayo kahilera sina Pat at Ellaine na hawig sa reaksyon ko, na pati ba sila ay parang nakagat ng nakaka-paralisadong kamandag na halik ni Devin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro