Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

N I N E

Sa hindi malamang dahilan ay nagising ako nang bandang alas singko ng umaga. Huli kong gising ng ganitong oras ay college pa ako para sa alas siyete naming klase. Minsan ay mas maaga pa sa alas singko lalo na kapag may duty sa ospital.

Nakatingala lang ako sa kisame habang inaalala ang mga 'yon, background tune ang hilik ni Dalton at ang mga himbing na hininga ni Daneen sa tabi ko.

Tinatamad akong bumangon. Nanatili akong nakatunganga sa labas ng bintana kung saan binabalot ng hamog ang mga puno sa labas.

Ibang-iba talaga rito kesa sa siyudad na kahit gitna ng madaling araw ay may maririnig pa ring sigawan. Dito...well may narinig akong parang may lumilipad kapag hatinggabi. Sana lang hindi kababalaghan 'yon, uso pa naman ito sa mga probinsya.

Sa huli ay ako ang unang bumangon sa kanila't bumaba sa kusina. Binuksan ko ang pinto at sumalubong sa 'kin ang kalamigan. Umihip ako at lumitaw ang usok na galing sa hamog. Ilang beses kong ginawa 'yon habang naglalakad papunta sa sampayan upang kunin ang mga nilabhan ko kagabi.

Kagabi. Agad dumapo ang tingin ko sa nakaangat na semento sa may pintuan. Parang pelikula kong pinapanood ang sarili at si Devin, binabakas ko rin ang kanyang pagtakbo papunta sa bahay niya. Umalingawngaw pa sa tenga ko ang ingay ng kanyang tsinelas habang tumatakbo palayo.

Tinanaw ko ang direksyon papunta sa kanyang bahay, binabalot din ito ng hamog.

Mag-aalas otso ay nagsibabaan na sila. Nag-iinat pa si Mozes sa gitna ng hagdan na pulang-pula ang mga mata. Hindi ko na namalayan kung anong oras sila nakauwi dahil pagkatapos ko mismong magsampay ay humilata na ako sa kama.

"Sasama ba si Devin? Wala siya kagabi eh," ani ni Mozes, kinuha niya ang remote at binuhay ang tv sabay kagat sa pandesal at humilig sa sofa.

"Sasama 'yon." May pinalidad ang tono ni kuya.

"Nagtext siya?"

"Basta...sasama 'yon."

Inagaw ko ang remote kay Mozes upang ilipat sa ibang channel. Nagprotesta siya at inagaw muli ang remote upang ibalik sa palabas na Anime.

"Ikaw namitas nito, La?" Tinuro ni Daneen ang vase kung saan nakalagay ang mga bulaklak na bigay ni Devin kagabi.

Huminto si Lola sa pagwawalis sa labas at dumungaw sa bintana, tumuon doon sa tinuro ni Daneen.

Inayos niya ang salamin bago ako tinignan ng buong pagtataka. "Wala akong ganyang mga bulaklak dito. Baka ikaw Savannah, rinig kong may kausap ka kagabi."

Biglang naglaho ang init ng inumin sa tiyan ko, pumalit ang panlalamig na para bang hinigop ko ang buong hamog dito sa bahay.

"Sino Sav?" seryosong tanong ni kuya. Sumalamin ang tono niya sa tingin na tinatapon ni Mozes sa 'kin.

Iniwasan ko ang mga mata nila. Pumindot ako ng piraso ng tinapay saka isinubo. "Wala. Naglaba lang naman ako kagabi. Malapit sa manggahan ko 'yan kinuha noong nasa dagat kayo."

Hindi ko man dapat itanggi pero kailangan. Ayokong gawan nila ng issue ang pagbigay sa 'kin nito kay Devin lalo na't kakagaling ko lang sa hiwalayan. Dahil man ito sa panghihingi ng tawad, sa mata ng iba ay iba ang magiging interpretasyon nila. Muntik na nga akong mag-assume ng dahilan na malayo sa rason niya.

Pero malaki pa ring misteryo sa 'kin ang biglaan niyang pagkaripas ng takbo kagabi. Baka may hinabol siyang curfew. Inipit ko ang aking bibig upang magpigil ng tawa ngunit lumusot ang ininom kong sikwate. Umubo ako habang pinupunasan ang aking bibig.

"Kailan ka pa nahilig sa bulaklak?"

"Ang nonsense mong magtanong. Hindi pwedeng mamitas?" pagtataray ko.

Binalewala lang 'yon ni kuya at nilamon ang buong pandesal saka binatukan si Mozes. "Ba't mo nilipat?"

Pinagpag ko ang aking kamay pagkatapos sinubo ang huling piraso ng tinapay. Habang nakatanaw sa tv ay iniisip ko na ang kukunin kong mga damit mamaya sa bahay para ilipat dito.

"Hindi na nagtext sa 'yo si Royce?"

Nilingon ko si Daneen sa bigla niyang tanong.

Umiling ako. "Hindi na, bakit?"

Napaisip siya habang nakatingin sa mga bulaklak sa vase. She shrugged. "It's either sumuko na siya o binibigyan ka lang niya ng space."

"Ayoko na siyang pakialaman."

Sa mga araw na nanatili ako rito wala man lang dumaan na pang-uudyok sa 'king utak na umiyak. Because scientifically, the brain dictates the organs to function. Ganon ka-makapangyarihan ang utak na kung iisipin kong hindi ako iiyak, wala talagang mangyayaring iyakan.

Unless bibig lang ang pinapagana at hindi mo kinokontrol ang utak mo. I have to control my mind for it to affect my actions. Kasi kung hindi, maiiwan akong mahina kung emosyon ko ang paiiralin kesa sa isip. I have to think of it. Dictate it and the rest will follow.

"You're not hurting na?"

"Naging eskirol na ang sugat, D. Hindi na dumudugo," natatawa kong sabi.

Halos mabulunan siya habang nilulunon ang ininom bago tumawa. "Ang bilis mong maka-move on!"

Ngumiwi ako. "Hindi, nakasanayan ko na lang. May konting kirot pa rin naman."

Pagkatapos ilapag ang baso ay padabog siyang sumandal sa sofa at tinaas ang mga kamay upang mag-inat. "Kaunting kirot na sa isang bugso ng damdamin para sa iba ay maglilikha ng panibagong storya!"

Weirdo ko siyang tinignan sabay tayo. "Ewan ko sa'yo Daneen!"

Sinabunot ko ang buhok niya bago ako tumakbo papuntang kusina upang hugasan ang ininuman kong baso.

Nakapag-impake na sila pagkatapos naming mananghalian. Pinarada ko na ang sasakyan sa labas ng bakod at sumandal habang pinapanood ang pag-yakap ni Lola kay Axton at hinalikan nito sa noo. Pumapalibot ang iba ko pang mga pinsan upang mag-paalam sa kaniya.

"Balik kayo rito ha?" ani ni Lola. Ang isang kamay niya'y pinupunasan ang naluluha niyang mga mata.

"Sa piyesta po, la!" Hindi sila sabay sumagot.

Umikot ako at binuksan ang trunk compartment upang makarga na ang kanilang mga gamit. Lumingon ako sa likod sa biglang pag-iingay nina Dalton at Euan.

Kakatapos lang ng pagha-high five nila kay Devin. Suot na naman niya ang kanyang puting baseball cap.

Sinara ko na ang trunk compartment at umikot sa pinto ng sasakyan. "Moz! Dito ka na. Kayo rin Ax, dito na kayo ni Rikka."

Hinihimas-himas ni Mozes ang buhok niya. "Angkas nalang ako kay kuya, Ate. Si ano nalang dito..."

"Hindi! Dito ka!" pamimilit ko. Binuksan ko ang passenger's seat at tumuro sa loob.

Puminta ang pagsuko sa mukha niya saka siya bumaling kina kuya Euan. "Kuya! Angkas ako sa'yo! Dito nalang si Devin sa kotse ni Ate."

Naputol ang kung ano mang pinag-uusapan nila. Iwasan ko man ay ramdam ko kung saan nakatutok ang mga mata niya.

"O Devs, pili ka lang," ani ni kuya.

Palihim kong pinagkrus ang mga daliri ko. Sana maisip niya na mag-away lang kami kung magsasama kami sa iisang kotse. Malaki ang mangyayaring aksidente kapag nangyari 'yon, mapapahamak pa kami!

Malakas kong sinara ang pinto at sumandal doon, humalukiphip habang naghihintay sa desisyon nila. Pati paa ko pinag-krus ko na.

"Na-miss ko ring makaranas ng aircon eh, so prefer ko sa Citroen this time. 'Yon ay kung...ayos lang sa kanya."

Wala akong tinitignan sa kanila. Hinila ko ang sarili paalis sa pagkakasandal sabay bitaw sa halukiphip. "Bahala na nga kayo."

Umikot na ako sa driver's seat. Nasa hood pa lang ako ng sasakyan nang magsalita si kuya.

"Si Devin magda-drive!"

Taka ko siyang tinignan. "Bakit? Kotse ko 'to!"

Hindi siya nagsalita imbes ay tinapik niya lang si Devin sa likod sabay tulak nito ng bahagya. Tinanggal ni Devin ang cap niya at pinalo ito kay kuya Euan na tatawa-tawa lang saka naglakad papunta sa kotse.

Bago ko pa mapigilan ay nakaupo na siya sa driver's seat. Hindi man lang humingi ng pahintulot!

"Ako diyan," walang emosyon kong sabi.

Nakataas na ang isang kilay niya nang ako'y nilingon. Mas umangat pa ito sabayan ng kanyang pag-ngisi at sumandal patagilid upang ako'y harapin. Nasa headrest ang kanyang siko habang pinaglalaruan ng kamay niya ang dulo ng hibla ng kanyang buhok sa may batok.

"Naalala mo ang sinabi ko kagabi? Gusto ko pangmatagalan na..."

I know he's talking about us being civil. Tanggap ko ang pag-hingi niya ng dispensa pero ayaw kong masyadong ilapit ang sarili ko sa kanya. Physically and emotionally.

Because Devin Eleazar Revilloza is bad news. Way more than Royce has been.

"Ikaw lang ang may gusto." Hindi ako tinakasan ng aking tono.

Hininto na niya ang paglalaro sa kanyang buhok. Pinasidahan niya ito saka ginulo. Nasa kandungan niya ang baseball cap.

"Sav, why do you hate promoting peace with me so much? There are so many wars going on in this world, huwag mo nang ambagan ng katarayan mo. Sige ka, baka ma-turn on ako." Muli siyang ngumisi.

His deep dimple is weakness. Biglang umalingawngaw ang imaginary warning bells sa tenga ko. Ayaw ko nang patagalin pa ang paghaharap namin kay sumuko na ako' t binigay ang susi sa kanya.

"Ikaw magpa-gas," sabi ko saka umikot sa passenger's seat.

Once I settled, ramdam ko pa rin ang pagbalot ng ilang at tensyon. Siguro nakapagpahina lang ay ang presensya nila Axton at Rikka sa backseat. But how about in going home? Kami lang ang babalik dito!

"Mhm. Pero sa'yo ang pera. O kung gusto mo hati nalang tayo," aniya.

Nilingon ko siya. "Hindi ka ba nahihiya sa 'kin?"

Hinahaplos ng hinlalaki niya ang kanyang ibabang labi habang kunot- noo akong tinitignan. Gayunpaman nakikita ko ang pagiging mapaglaro nito.

"Di ba kotse mo 'to? So mas tama lang na ikaw ang gumastos sa gas. Ako ang driver. Mm...di ba?" nag-angat siya ng kilay.

Right! Okay! May punto siya!

"Doon lang naman ako gagastos kung date ito. Nagde-date ba tayo?"

Bumaling ako sa labas ng bintana. "Hindi. 'Yan na nga diba ? Ikaw na ang magmamaneho. So drive."

"Wrong Sav. Though shall not answer me with yes and no. Dapat sabihin mo, magde-date pa lang."

Kesa ang sabayan ang kung ano mang laro niya ay iniba ko ang usapan. "So marunong ka rin palang mag-drive."

"I drive anything that has to be driven. I like riding in them, too."

Inadjust ko na ang aking katawan salungat sa kanyang direksyon. Bakit ba lahat ng sinasabi niya ay parang iba ang ibig sabihin? And he has zero shame! Alam kong attractive para sa mga babae ang lalakeng confident pero kung ganito lang din naman, parang nasobrahan sa pagkaswabe. It's sort of annoying. O baka ako lang ang ayaw because I chose to not like it.

The best way for me to shut his cockiness off is to bore him to death. At iyon ang gagawin ko. I'll bore him to death 'til he finds his own grave to the boredom cemetery.

"Sino pa ang ibang sasakay? Sino kay Daneen?" tanong ko kina Axton.

"Nakasakay na sina Miles, Viel at Asa kina Daneen. Sakto lang, wala kasi sila Rory."

Kita ko sa side mirror ang pagsusuot na nila kuya ng helmet. Bumaba ang bintana ni Daneen at pinakita ang nagtataka niyang mukha.

"Di pa ba tayo alis?" tanong niya.

"Oi tara na!"

Umandar na ang kanilang mga sasakyan. Binuhay na rin ni Devin ang makina.

"Seatbelt Sav." May banta sa tono niya.

"Hindi na. Hindi mo naman siguro ibubunggo ang kotse ko," ani ko, sa labas nakatanaw.

May mga binubulong-bulong siyang hindi ko maintindihan. Pinatakbo na niya ang kotse't sumunod sa motor nila kuya. Nilingon ko sina Axton at Rikka sa likod na naglalambingan.

Right, we're two opposite pairs in one car. And I have to endure more than two hours with him. How much more with more than one month dahil dito na ako mananatili kina lola. Siguro walang-wala lang ang dalawang oras. Let's make that four or five hours dahil kami rin ang magkakasama pabalik.

"Anong oras mamaya?" tanong ko nang bumagal ang sasakyan na paparada kina Axton.

"Ten 'yong flight ko. So mga eight alis na tayo."

Kinuha nila ang mga gamit sa trunk compartment. Tinapik niya ito pagkatapos isara. Malapit lang ang bahay nila dahil nasa iisang subdivision lang kami. Si Daneen lang ang naiiba ang bahay.

Tinapon ko sa kama ang bag ko pagkarating namin. Sandali akong humiga upang magpahinga galing sa mahabang pagbiyahe. Nakatulog ako at nang magising ay sinimulan ko na ang paghahakot ng damit sa dresser ko.

Nalaman nila mama ang balak kong tumira kina lola dahil sa pagsusumbong ni Mozes. Binalita naman ni mama sa 'kin ang madalas na pagpunta rito ni Royce. Pinagpasalamat ko nalang na hindi niya sinabi kung nasaan ako sa loob ng halos isang linggo.

"Sigurado ka na ba sa desisiyon mo na doon ka kay mamang?" Si papa ang nagtanong.

Pumasok si Daneen at umupo sa kama, pinagmamasdan akong nagsisilid ng mga gamit sa bag.

"Opo. Tsaka may trabaho na po ako roon. Magsisimula na ako sa Lunes," sabi ko.

"Magte-training pa lang!" singit ni Mozes sa kabilang kwarto.

"Parehas lang 'yon!" ganti ko sa kanya.

"Hindi ka na uuwi rito?"

"Bakit Pa, mami-miss mo ako?" may halong biro kong tanong.

May konsiderasyon ang paraan ng pagtitig niya na nagpapaalala sa 'kin ng husto kay lola Neng . Nagkamot siya sa batok at umiiling-iling na lumabas ng kwarto. Rinig kong may iniutos siya kay kuya.

"I-entertain mo naman bisita mo, Sav." Humiga si Daneen sa kama at kinuha ang paborito kong violet na unan.

Sinara ko ang zipper ng bag pagkatapos ilagay ang huling kasuotan. Lumundag ako sa kama sa ginawang pag-upo. "Bisita siya ni kuya."

"Parang boto na sa kanya si tito at tita."

Tinapunan ko siya ng shirt na galing sa hamper. Sapol sa mukha. "Manahimik ka nga!"

Natatawa niya itong tinapon pabalik sa 'kin at sumunod na nang lumabas ako sa kwarto dala ang aking gamit.

Kumain muna kami ng hapunan bago kami pinayagan nina mama na umalis. Kasama pa rin namin si Devin na katabi ni kuya. Si Mozes ay umuna na kina Axton.

Mga thirty minutes bago ang check in time ay dumating kami sa Mactan Airport. Sumama rin sa 'min ang parents ni Axton na dala pa ang paborito niyang aso. Mahigpit ang yakap niya kay Rikka na binulungan niya, hindi namin marinig pero may clue na kami dahil lalong umiyak si Rikka.

"Kailan balik mo?"tanong pa ni Dalton.

"Siguro two years after pa ako makakabalik. Uuwi yata si kuya Alwyn next year. Ako na naman ang maiinggit sa mga gala niyo!"

"Ax , huwag mong kalimutan ah? Size 11 ang paa ko," parinig ni kuya.

Lumapit si Mozes na hinihimas ang panga sabay tapik sa balikat ni Axton. "Alam mo Axton may nakita akong bagong labas na Air Jordan ngayon. Parang size nine nalang yata ang available eh. Alam mo kasya yon sa'kin panigurado."

Nagkakatawanan na sila at kahit anong pinapabili. Ilang minuto lang ay nagpaalam na rin siya para mag check in. Huling yakap niya ay kina tita at tito. Kumaway na rin kami. Hinintay namin siyang makapasok sa check in counter saka na kami umalis.

Pinaglalaruan ko ang susi sa kamay habang tinutungo ang parking lot. Medyo natapilok pa ako dahil sa nadaanang bato.

"Oi Savannah, bigay mo susi kay Devin!" tawag sa 'kin ni kuya nang akmang bubuksan ko na ang kotse.

Di niya man kita ang ekspresyon ko ay pinapalinaw ko ito sa aking tono. "Siya nag-drive kanina."

"Alam ko, at siya ang magda-drive ngayon. Gabi na." Huminto siya sa harap ko.

"Alam ko." Obvious naman kasing gabi na.

"Isa, Savannah." May banta sa kanyang tono.

"Dalawa, kuya," gaya ko sa kanya.

Hindi naman sa lahat ng oras ay mag-aalitan kami na mainit ang ulo. We argue but I put humor as my bullet.

"Ate ibigay mo nalang kay Devin. Madilim ngayon sa daan, malayo pa biyahe niyo. Pero pwede namang bukas na kayo lumuwas pabalik sa Alo."

May punto siya. Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi nila ako hinahayaang magmaneho kapag gabi. Ilang beses na rin naman akong nakapag-drive sa ganitong oras. And here I am, still alive and kicking balls!

"Ang mga sexist niyo. Kaya kong mag-drive sa madilim," ani ko sa kanila.

Bumaling kami sa pag-tawag atensyon sa amin ni Tito Arwan.

"Wala lang po 'to, tito," sabi ni kuya.

Sandali pa niya kaming tinignan bago tumango at naniwala sa sinabi ni kuya. Pumasok na sila ni tita Ellen sa sasakyan.

"Just give me the keys, Sav."

May something sa tono ni Devin na nakapagpalingon sa 'kin sa kanya. Hindi ko mabasa ang pinta ng mukha niya dahil madilim sa parte ng parking space. Medyo malayo sa 'min ang poste ng ilaw kaya mahirap maaninag ang mga mukha.

"Please?"

And that's it. May tumusok sa loob ko dahil sa mahinahon at nakikiusap na himig ng kanyang boses. I could hear all my defenses crashing down on the concrete.

Tahimik kong inabot sa kanya ang susi. Ewan ko kung imagination lang pero parang narinig ko ang sabay na maginhawang paghinga nila ni kuya animo'y isang mabigat na bagay ang inalis sa kanilang dibdib.

Sinusundan namin ang sasakyan ni Daneen. Nasa hulihan kami at nauuna naman sina kuya at Dalton na nagmo-motor. Lahat sila ay lumiko pa-Cansaga bridge para mag-shortcut. Sa kabila naman lumiko si Devin dahil pa-south kami. Nagsilbatuhan sila sa isa'ta isa bago naghiwalay ng landas ang mga sasakyan.

I'm never a fond of silence. Lalo na kapag sa ganitong sitwasyon. Kung inaantok lang ako malamang ay matutulog talaga ako, which is better kesa ang mabingi sa katahimikan. And because I'm smart, I pressed the stereo's button to life.

Puro advice na naman sa radio ang laman ng segment ngayon. Kita ni Devin ang inis ko, kahapon pa kasi ako inaasar ng mga advices na 'yan. I think I don't need an advice, simple lang naman ang mga problema nila hinihingan pa ng advice. Edi iwasan nila 'yung tao. Simple! Hindi maka-move on? Edi huwag isipin. Been there. Done that!

Ang mga taong hirap sa pag-move on ay 'yung hindi pa tanggap ang sitwasyon na wala na silang pag-asa. I'm not being bitter here. Ganon ang realidad and they just have to accept it.

"Lipat ko ha? Okay lang?" hingi ni Devin ng permiso. Mabuti naman at matalino rin siya't naisipan niyang ilipat ang station.

Tango ang naging sagot ko. Ilang estasyon din ang dinaanan niya bago huminto sa isang kanta. Hindi ko maiwasang lingunin siya nang sinabayan niya ito. Huminto ang kotse dahil sa pag-tama ng red traffic light sa may North Reclamation.

When my head is strong but my heart is weak

I'm full of arrogance and uncertainty

When I can't find the words, you teach my heart to speak

You make it real for me

Huminto siya sa pag-tapik ng kamay sa steering wheel at tumingin sa 'kin. Pinaghalong gustong tumawa at nagtataka ang ekspresyon niya.


"Di ba akong pwedeng kumanta?" tanong niya. Wala akong natunugan na pang-aasar doon. More like...he just really want to know.

"Di ba ako pwedeng tumingin?" tanong ko pabalik.

Pansin ko ang paninigas niya pagkapatos kong sabihin iyon. Nagtaka ako. Anong meron sa sinabi ko?

Unti-unting pumorma ang pag-nguso niya na humantong sa pag-silay ng ngiti. Kinagat niya ang ibaba niyang labi, mukhang may gusto siyang tawanan sabay iling.

Everybody's talking in words I don't understand

You got to be the only one who knows just who I am

You're shining in the distance, I hope I can make it through

'Cause the only place that I want to be

Is right back home with you...

Sinabayan niya ang parteng 'yon na hindi tinatanggal ang mga mata sa 'kin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at inalis sa malakas na pagbuga ng hangin ang kung anong kalabog sa dibdib ko.

Royce has never sung a song to me before. Kung kumakanta man siya ay sa karaoke lang and never he dedicated anything to me.

I haven't really given it much thought not until now.

Not that I am complaining. Masasabi kong pinagkumpara ko sila ni Devin. But he's just singing the song in front of my eyes, infront of my face! Hindi niya dini-dedicate 'yon sa 'kin so malaki ang deperensya nun, Sav.

"Green light na," mahina kong sabi. Damn! Nanginginig ang boses ko!

Tahimik niyang pinatakbo ang kotse. At sa natitirang oras ng biyahe ay bumabalot ulit ang nakakabinging katahimikan. Tanging ingay lang ng mga kanta sa stereo ang pumapagitna.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro