F O U R T E E N
Kinukumutan ng ilang ang hapag kainan. O baka ako lang ang nakakaramdam nito dahil sa pangyayari kanina. Sa isang gilid ng aking paningin ay kita ko ang titig ni Devin sa direksyon ko na panay kong iniignora. Siya lang ang maingay dahil sa mga pakunwaring mga tikhim niya sa bawat balewala ko sa kanyang atensyon. Si lola ay walang kaso, tahimik naman talaga siya sa tuwing kumakain.
Napahinto ako sa pagsubo nang tumama ang tuhod niya sa 'kin. Akala ko'y aksidente lang dahil nag-sorry naman siya. Ngunit tumakas ang paniniwalang 'yon dahil sunod-sunod na niyang binubunggo ang kanyang tuhod sa 'kin.
Kita ko ang kanyang pag-iling dahil hindi ko pa rin siya tinitignan.
Nagpapasalamat ako sa kung sino mang sumasambit kay lola sa labas kaya tinakasan kami ng katahimikan. Tumayo siya at pinuntahan ang babaeng nanghihingi ng orchids.
"Sabaw pa?" panimula ni Devin, ngayon na lang ulit niya ako kinausap pagkatapos ng refrigerator scene.
Tumango ako, hindi siya tinitignan. Hirap akong lumunok kaya kailangan ko pa ng sabaw.
Pinapakiramdaman ko lang ang mga kilos niya habang kumakain. Pagkalapag niya sa bowl ng sabaw ay agad ako na iyong sinunggaban at humigop sa kutsara ko.
Imbes na sa dati niyang inuupuan ay umikot si Devin at tumabi sa 'kin. Isang bench na walang sandalan ang inuupuan ko kaya nang hinarap niya ako ay para lang siyang nakasakay sa kabayo habang umuupo't nakaharap sa 'kin.
"Hindi mo talaga ako papansinin...?" Marahan niyang sinundot ang aking pisngi. Ang isang siko niya'y nakatukod sa mesa at isinandal ang gilid ng ulo sa kamay.
Iniwas ko ang aking mukha. Tanungin niya kaya sarili niya kung siya ang nasa posisiyon ko. Malamang hindi na. Nakakahiya kaya kanina. Iba ang inaasahan ko sa inaakto niya. Pakiramdam ko parang pinagtawanan niya ako sa subok kong umakyat sa hagdan.
"So ganito tayo ngayon?" Kiniliti niya ako sa tagiliran.
"Tumigil ka Devin," saway ko sa kanya. Kinukuhanan ko ng tinik ang karne ng isdang kakainin ko.
Nanahimik siya, ngunit hindi ang mga daliri niyang pinaikot-ikot ang hibla ng buhok ko kaya nakiliti ang aking anit. Pabulong rin ang haplos ang isa niyang daliri sa aking baywang kung saan tumigil ang haba ng maalon kong buhok.
Bahagya akong nanginig sa ginawa niya kaya umusog ako palayo.
Pero umusog naman siya palapit.
Sinama ko sa pag-usog ang aking plato at bowl ng sabaw. Binilisan ko ang aking pag-kain. Tinanaw ko ang plato ni Devin na wala nang laman.
Kaya naman pala siya nangungulit dito ay dahil tapos na siyang kumain.
Kinuha niya ang nangangalahating pitchel ng tubig at nag-salin sa baso ko. Kinuha ko iyon saka uminom.
Hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa. Kinuha niya ang baso pagkatapos ko itong ilapag at uminom sa parte ng bibig ng baso na ininuman ko. Doon pa mismo sa may marka ng labi ko!
Namimilog ang mga mata ko siyang tinignan, ang baso, at balik ulit sa kanya. Inubos niya ang tubig at dinilaan pa ang parteng ininuman niya. Ininuman namin!
Umangat ang isang gilid ng kanyang labi kung saan nakaratay roon ang kanyang dimples. " 'Yan...tinitignan mo na ako..."
Awang lang akong nakatingin, nagtatalo ang kalooban kung mas lalo akong maiinis o pananaigin ko ang gulat sa ginawa niya. Pinili kong balewalain ang kanyang pang-aasar.
Nagising lang ako sa pagkatunghay sa pagpingot niya sa ilong ko. Napakurap ako at iniwas muli ang aking mukha. Ang landi talaga niya!
Bumalik si lola na may lamay pa ng ngiti galing sa usapan ng humihingi ng orchids. Dumiretso siya sa lababo at nag-hugas ng kamay bago binalikan ang kanyang kinakain.
"Siya nga pala nak, pwede mo bang paliguan ang aso? 'Yong isa lang, si Toffee," aniya pagkaupo.
Lumiko ang isip ko sa tangkal at sa mga aso. Kulay brown ang isa at puti naman ang kasama niya. " 'Yung kulay brown po?"
"Oo, matagal na rin kasing hindi 'yon nakakaligo. Takot si Astrid sa mga aso. Ako nama'y nalalayuan sa ilog at sumasakit ang tuhod ko."
"Paano po 'yong isa?"
Uminom siya ng tubig bago ako tinugon. "Ilap 'yon sa tubig, baka tumakbo palayo at mawala pa."
Tumango ako bilang pagsang-ayon sa ipapagawa niya sa 'kin. Nagkaroon na rin kami ng aso rati kaya hindi ako ilap sa kanila. I love dogs.
Patuloy pa rin si Devin sa pagpapaikot ng hibla ng buhok ko sa daliri niya. Hindi ito kita ni lola dahil natatakpan ng tangkad ng mesa. Pero maaari niya itong mahalata.
Hinawi ko ang aking buhok upang mabitawan niya. Nagpakawala siya ng ngisi at muling hinila ang dulo ng buhok ko't pinaglaruan.
Inis ko siyang nilingon. May intensidad na may halong panunuya ang sumasayaw sa kanyang mga mata habang kinakagat-kagat niya ang ilalim ng kanyang labi. Walang pagbabago sa posisyon ng isa niyang kamay na sinandalan ng kanyang ulo.
Nilingon ko si lola na humihigop ng sabaw. Walang senyales na nahalata niya ang kalandian ng paborito niyang landscaper. O kung napansin man ay pinili niyang balewalain ito.
Mahina kong hinampas ang kamay ni Devin na pinaglalaruan pa rin ang buhok ko. "Saan po paliliguan, la?"
"Doon sa ilog. Mabuti na rin at para makapasyal ka roon," ani ni lola.
"May ilog?" gulat kong tanong. Wala man lang nagbanggit sa 'kin na may isa pa palang pwedeng galaan dito maliban sa tagong dagat.
"May dagat nga eh, ilog pa kaya?" mahinang sabi ni Devin sa tabi ko.
"Samahan mo Eli, total malapit lang naman 'yon sa bahay mo."
Ubos na ang nasa plato ko bago pa man iyon masabi ni lola, dahil kung hindi, masasayang lang ang mga pagkain dahil sa nawalan bigla ako ng gana. Si Devin na naman ang makakasama ko? Sa lahat ba ng gagawin ko ay siya na lang palagi? Hindi lang naman siguro siya ang maalam sa mga pasikot-sikot dito sa Aloguinsan.
Hinugasan ko na ang mga pinagkainan namin at hindi nakaligtas sa 'king pakiramdam ang pagsuri ni Devin sa mga kilos ko. Nakaupo siya sa mesang siya mismo ang nag-punas at tinatapik ang mga paa animo'y isa akong tugtugin na sinasabayan niya ng beat.
"Kung gusto mo may panoorin, may tv sa sala. Samahan mo si lola," sabi ko sa kanya habang nakatalikod.
Tumigil ang ingay ng pagtapik ng kanyang tsinelas.
"Hindi ako mahilig sa tv, puro commercials. I hate commercials. They're fake. Mas prefer ko ang reality. Katulad na lang ngayon."
"Huwag mo akong landiin, Devin." May diin ang tono ko.
Buo at matipuno ang boses niyang tumatawa. Ang ugong nito ay kayang mag-iwan ng bakas hanggang sa buto ng dibdib mo tagos sa buto sa likod kaya hindi ako huminto sa paghuhugas para mabilis ko lang iyong ma-ignora.
Nang malapit na akong matapos, pinakiramdaman ko ang presensya ni Devin. Nagkunwari akong sumilip sa bukana ng kusina upang i-check ang kinaroroonan niya. Ayoko nang maulit na naman 'yong kanina na bigla na lang akong nabunggo. Kapag napapalapit ako sa taong 'to ay hindi ko mapigilang mag-assume ng kahit ano.
Bandang hapon na nang lumabas ako upang kunin ang aso. Sobrang init kasi kanina 'di katulad ngayon na hinog na ang kahapunan dahil sa paparating na pag-lubog ng araw.
Sinundan ako ni Devin papunta sa tangkal. Dito na rin kina lola siya nanatili at natulog pa ng dis-oras ng siesta sa ilalim ng puno ng sampalok. Napatanong tuloy ako kay lola kung dito ba talaga siya palaging tumatambay. Feel at home eh.
"Wala kasi siyang kausap sa kanila nak dahil siya lang mag-isa. Kaya nagkalapit din sila ni Astrid," aniya.
Hindi ko mapigilang sumimangot. " 'Di ba marami naman siyang mga kaibigan? Bakit hindi siya sa kanila sumasama?"
He has a lot of friends, I could see that. Mas malapit lang talaga siya sa mga pinsan ko kaya siguro hindi siya nakikipag-close sa iba. How 'bout Ivor? Mukha naman silang mag-barkada.
Namuo tuloy ang spekulasyon sa isip ko na may nakaraan sila ni Astrid. Pero kung balikan ang mga observations ko, hinihila nito pabalik sa kawalan ang aking pag-aakala ngayon dahil mukha namang may wala sa kanila. Nagbabatian lang. Magkaibigan.
Ang isang maliit na bagay kasi ay ginagawan ng issue ng mga tao kaya ayaw ko ring magbakasakali agad dahil wala naman akong alam. Hindi ko alam ang buong storya.
At hindi naman kasi ito big deal sa 'kin. Bakit ko pa pinoproblema?
"Malapit siya sa mga kapatid mo at pinsan kaya sila lang ang napag-alaman kong mga kaibigan niya. Hindi naman 'yan madalas pumaparito kapag wala ang mga pinsan mo."
Sinasabi ito ni lola habang nagtatahi sa kanyang kurtina.
Ngayong wala na sina kuya ay bakit pa siya tumatambay rito? Pasensya na sa ego ko pero hindi ko ulit mapigilang mag-assume. Should I check proof number three?
Agad tumaas at umugoy ang buntot ng mg aso nang makita ako at mas na-excite pa nang binuksan ko ang tangkal. Akala siguro nila ay papakainin ko sila.
"It's shower time!" ani ko sa kanila kahit hindi nila ako naiintindihan. Binuhat ko na si Toffee na agad sumiksik sa 'kin. Nangangamoy na nga siya.
"Pakikuha ng shampoo," pakiusap ko kay Devin. Tinuro ko ang plastic bottle sa ibabaw ng tangkal.
Ginawa ni Devin ang sinabi ko, kinuha na rin niya ang butas na damit doon na siyang tuwalya ng mga aso.
Devin is leading the way. Tinahak namin ang makitid na dirt path papunta sa malaking puno ng mangga saka iyon nilagpasan. Naghanap ako ng senyales ng bahay sa paligid ngunit wala akong nakita.
I couldn't help but gawk at his broad shoulders. Mas nadepina pa ito dahil sa suot niyang muscle shirt. Sa simpleng pag-ihip ng hangin ay inuugoy nito ang kanyang bango papunta sa ilong ko. Hindi man lang siya nangamoy isda.
"Saan bahay mo?" tanong ko sa kanya.
Inangat niya ang kamay niyang may dalang stick ng kahoy at tumuro sa west part. Tinanaw ko 'yon pero wala namang bahay. Puro puno lang.
"Wala akong nakikitang bahay."
Pumihit siya't hinarap ako, naglalakad siya paatras.
"Gusto mo doon na tayo dumiretso?" May tinatagong kahulugan sa likod ng kanyang ngisi at tono. Marami ring kahulugan sa 'kin sa tuwing umaangat ang isang kilay niya.
Pinaningkitan ko siya ng mata, hindi siya natinag sa tingin ko at patuloy lamang siya sa panunuya niya. Wala talagang kalipasan ang kalandian nito.
"Malapit lang sa abandunadong bahay," dagdag niya. Pinaglalaruan niya ang stick at pinapaikot-ikot kaya naglikha ng tunog sa hangin. Maliban dito ay ang mga yapak namin sa inaapakang mga tuyong dahon.
Hindi ko masasabing nasa gubat na kami, siguro halos lang. May ngilang mga malalaking puno pero mas malaki ang porsyento ang malawak na espasyo na walang tanim maliban sa mahahabang damo kaya nangangati na rin ako.
"Malayo pa pala?" satinig ko sa aking konklusyon.
Nakanguso siyang umiling. "Malapit lang. Mga ten minutes ang lakad."
Iba na naman ang iisipin niya kapag um-oo ako. Umiling ako at inadjust ang pagkakabuhat kay Toffee na ginanahan pa sa mga bisig ko. Ayaw ko siyang palakarin dahil baka kung saan siya pumunta't maligaw pa. Paborito pa naman 'to ni lola.
Naririnig ko na ang agos ng ilog, maliban doon ay mga matitinis na halakhakan na mga kababaihan.
"Devin!"
Sambit agad ni Astrid ang sumalubong sa amin lalo na kay Devin na kinawayan ang mga nauna na sa amin sa ilog. Puro mga babae na kakatapos lang maligo.
Kung naunahan ko pa sila rito paniguradong nailigo na rin nila ang bakas ng amoy ni Toffee. Nilihim ko ang aking tawa.
Habang kausap sila ni Devin ay dumiretso na ako sa ilog at binasa ang aso. Agad siyang sumulong sa mas malalim na parte, sa bilis niya'y hindi ko siya napigilan. Naka-shorts ako kaya nakaya kong lumakad hanggang tuhod na parte ng ilog at pinanood ang pag-eenjoy ng aso sa tubig.
Bakit kailangan dito pa sa ilog siya paliguan kung may tubig naman sa bahay?
Wala akong ideya sa pinag-uusapan nila sa likod. Mga boses at tawanan lang ang malinaw sa 'kin.
So true. Iba nga talaga ang kamandag ni Devin.
Lumakad ako palayo sa kanila ngunit nanatili pa rin sa level ng tubig ilog. Pinitik ko ang mga daliri ko upang sundan ako ni Toffee. Kinuskus ko ang ulo niya nang makalapit. Pumagilid na ako sa mabatong parte at umupo.
Inangat ko ang aking kamay at hinarang sa mukha ko ang sinag ng papalubog na araw. Walang ganito sa siyudad. Tahimik. Walang gulo. Pakiramdam ko sa muling pagbabalik ko roon galing sa matagal na pananatili rito ay makakalimutan ko na ang rason ng pag-layo ko. Wala na ngang Royce na umuukopa sa isip ko ngayon dahil selfish man, sarili ko na ang iniisip ko at hindi siya at ang relasyon namin.
Hinila ako pabalik sa kasalukuyan pagkarinig ng sabayang 'bye' ng mga kababaihan. Nilingon ko sila, lumalayo na sila maliban kay Astrid na nanatiling kausap si Devin. Ngumiwi ako at nagbalik tingin kay Toffee sabay pulot ng bato at tinapon sa ilog.
Gusto kong takpan ang tenga ko sa narinig na tawa ni Astrid. Ewan ko pero, hindi ko siya feel. Tinitiis lang naman yata niya si lola dahil malapit rin ito kay Devin at palagi siyang pumupunta sa bahay.
Oo na, ako na ang masama. She's just not one of my people.
Patuloy ako sa pag-bato kahit naririnig ang paparating na mga yapak ni Devin. Umupo siya sa tabi ko at kumuha na rin ng bato saka tinapon. Hinampas ko siya nang muntik na niyang tamaan si Toffee. Tumawa lang siya.
"Alis na ba tayo? Pupunta pa tayo sa bahay ko," paalala niya. Pero sa pagkakatanda ko wala akong naaalalang sumang-ayon akong pumunta sa kanila.
"Hindi pa nasabunan ang mga aso," sabi ko.
He hissed. Mahina niyang hinahampas ang stick sa bato. Ba't ba hindi niya mabitawan ang branch stick na 'yan? Magmumukha siyang ermitanyo, kulang nalang ay mahabang balbas.
"Who cares? They're just dogs, wala silang pakialam kung mabango sila o hindi."
Pinanliitan ko siya ng mata. He offended me right there. "You don't like dogs."
Nagkibit-balikat siya. "I prefer cats."
Inirapan ko siya. "Pussy."
Gulat siyang suminghap. Namilog ang mga mata niya akong nilingon.
Tumawa ako at kinuha sa kanya ang shampoo sabay tayo. Pinitik ko ulit ang mga daliri upang palapitin si Toffee. Sinabuyan ko na siya ng shampoo at ikinalat sa balahibo niya. Baliw na nga siguro ako kung nai-imagine ko siyang ngumingiti at dinadama ang tubig habang binabanlawan ko siya.
Nilingon ko si Devin at nilahad ang kamay ko, senyales na kailangan ko ang towel. Sandali siyang tumitig bago nagawang tumayo at lumapit sa 'kin. Imbes na ibigay ang towel ay siya mismo ang nag-patuyo sa aso.
"Marunong ka naman palang mag-alaga ng aso eh." Nakahalukiphip ako habang pinagmamasdan siya.
"Because I'm not a pussy," seryoso niyang sabi. Ngiwi niyang nilayo ang mukha niya nang iniling ni Toffee ang ulo nito dahilan upang mawisikan kami.
Nilagay ko ang kamay sa 'king dibdib, kunwaring mapag-umanhin. "Sorry, na-offend ba kita?"
Tumayo siyang pinupunasan ang isang kamay. Hinarap niya ako. Nalaglag ang ngiti ko nang lumapit siya at dinambahan ako ng mabigat at seryoso niyang pag-titig.
Sarkastiko siyang ngumiti saka ako winisikan ng tubig sa mukha.
Suminghap ako't napapikit. Tawang-tawa siya sa naging reaksiyon ko na umani ng hampas galing sa 'kin. Pinunas ko sa collar ng aking shirt ang basa kong mukha.
"I hate you." I spatted at him.
Tinapatan niya ng tawa ang matalim kong tingin sa kanya. "You hate me or my height?"
"Both!"
"So inaamin mong maigsi ka?"
"Ewan ko sa'yo, uwi na ako." Sinimulan ko nang buhatin si Toffee.
"Hindi siya lumalayo hindi katulad nung isa. So you don't need to carry him," pahayag niya.
Tinawag ko si Toffee at inunahan na si Devin sa paglalakad. Basta makita ko lang 'yong punong mangga na tanging malaking puno rito ay ayos na ako. Mula roon ay alam ko na ang daan pabalik kina lola.
Lumubog na ang araw, sumisilip ang katiting na sinag nito kaya may kaunting liwanag pa sa paligid. Nagsimula na ring mag-ingay ang mga kuliglig at panaghoy ng mga palaka. Nangangati na rin ako dahil lumilitaw na ang mga lamok na naka-duty sa gabi.
In-on ko ang flashlight app ng phone ko upang makasigurado. Mahina ang paningin ko kahit ganitong medyo madilim.
Relax na pumantay sa 'kin si Devin sa paglalakad. Nakapamulsa siya, sa harap ang tuon at hindi sa kanyang nilalakaran na parang wala lang sa kanya ang dilim sa takipsilim. Edi siya na ang may malinaw na mata!
But that was not my concern. Lumingon ako pabalik sa puno ng mangga na kakalagpas lang namin.
"Bakit ka nakasunod? Lumagpas na tayo sa bahay mo," paalala ko, kung sakali mang nakalimutan niya ang daan pabalik sa kanila.
"Ihahatid kita," simple niyang sabi.
"Diyan lang ang bahay ni lola Neng. Kaya ko na sarili ko," kampante kong ani.
Huminto siya sa paglalakad na siyang ikinahinto ko rin. Hindi ko maintindihan ang tingin niya sa 'kin; Seryoso, mabigat, marubdob na parang gusto niya akong gantihan sa kung ano mang mabigat na kasalanan ko sa kanya.
Ang galit sa mukha niya ang umambag sa pagtataka ko. Hiniling ko na sana makaramdam ang aso at tahulan siya nito upang lumayo pero iba ang lenggwahe ng mga tao sa mga hayop.
Bigla siyang lumapit sa 'kin at kinuha ang aking braso. Nagpumiglas ako ngunit dinikit niya lang ako sa kanya. Ang determinasyon sa mukha niya ang nagpadagdag sa takot ko.
"D-devin, anong ginagawa mo?" taranta kong tanong, nagsimula na akong manginig. Sa kaba ko ay tinakasan ako ng aking boses upang sana'y makasigaw.
Sa gitna ng bahagyang kadiliman ay kita ko ang kanyang pag-ngisi. Matagumpay na ngisi, ngunit nandoon pa rin ang tapang at intensidad sa kanyang mukha.
"You don't even have enough defense against my offense, Savannah. You can't handle yourself alone. Kaya ihahatid kita," matigas niyang sabi.
Hindi siya nag-alis ng tingin habang may pag-iingat niyang binababa ang mga braso ko at mabagal na bumitaw sa pagkakahawak. Doon pa lamang ako ginhawang huminga.
Nasapo ko ang dibdib ko sa relieved na kaba. Gusto ko siyang murahin dahil natakot niya ako roon, pero isang parte sa 'kin ang pumipigil dahil may punto siya.
Binasa ko ang natuyo kong labi.
"Edi ihatid," mahina kong sabi na may kakarampot pang hingal. We resumed walking.
Pumantay siya sa 'kin. Nagpaikot-ikot naman sa amin si Toffee at sumisinghot. Sumisipol si Devin sa isang pamilyar na tono ng kanta na labis kong ipinagpapasalamat upang makawala kami sa ilang.
"Salamat," sabi ko pagkarating namin. Naipasok ko na ang aso sa tangkal.
Hinatid ko siya hanggang sa gate. Nang makalabas na siy ay kinabit ko na ang lock nito.
"Goodnight kiss."
Tinaliman ko siya ng tingin.
Sinamahan niya ng mahinang tawa ang kanyang ngisi. "Kidding. Goodnight, Sav."
Tumango ako, hinintay siyang umalis. Pero hindi man lang siya gumawa ng kalahating hakbang at nanatiling nakatayo't dikit na dikit tingin sa 'kin.
"Bakit?" pagtataka ko. "May kailangan ka pa?"
Umiling siya. "Pumasok ka na. Lock na rin naman 'yang gate. Then I'll leave," aniya.
Tinagilid ko ang ulo ko habang hinuhulma sa isip ang kahulugan sa likod ng kanyang inaasta.
Nabasa niya ang tanong sa aking mukha. Lumapit siya sa gate at kumapit sa mga railings nito. Dinikit niya rin ang kanyang mukha na para siyang preso na gusto nang lumaya. Ang matangos niyang ilong lang ang tanging nakapasok sa gitna ng espasyo ng railing ng gate.
Tinitigan niya ako. Humalo ang malamig na hangin sa mainit niyang hininga. "Di ba nga nagta-trabaho ako sa 'yo? I need the promotion."
Inalala ko ang pag-uusap namin noong unang araw ng training ko kuno sa La Casa. His statement shut me up. Masasabi ko na isa itong indirect confession.
Tinango niya ang ulo sa bahay tanda na kailangan ko nang pumasok. Tahimik akong sumunod because damn it I was speechless!
Pagkasara ko ng pinto ay mabilis dumapo ang kamay ko sa aking bibig at mariin itong kinuyumos upang pigilan ang pag-inat ng ngiti.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro