Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

F O U R

"Tama na 'yan, magmamaneho pa kayo pabalik sa La Casa," sita ko sa kanila.

Namumula na ang kapatid ko na panay ang hagikhik kasabay si Axton na marami ring nainom. Tinatawanan sila ng mga nakapalibot kong mga pinsang lalake. Kaunting salita galing sa kahit sino sa kanila ay nagre-resulta ng hagikhik ng dalawa.

Hindi nakatakas sa 'kin na sa bawat pag-salin ng shot ni Devin kay kuya Euan ay binibigay niya kay Mozes.

"Kuya!" saway ko.

Ngumisi lang siya at sumenyas. "Last na 'to promise."

Sa ngisi niya, I don't think magiging huli 'yon.

Napailing ako at napairap. Bumaling ako kay Rory na naggigitara habang sinasabayan ng kanta nina Daneen at Marlow. Nakahiga sa kandungan ko si Faye na nakasaksak ang earphones sa tenga at halata na ang antok.

"Huwag mong sabihing di ka rin marunong uminom?" halos hindi na maintindhan ang sinasabi ni Mozes dahil sa kalasingan.

Nawalan na nang direksyon ang mga mata niya habang inaagaw ang shot glass kay Devin. At pinakita 'yon kay Asa.

"Here. Magsalin ka sa baso," nagsalin siya ng kaunting coke saka hinaluan ng Jack Daniels. "Ilagay ang lips mo rito, tilt your head back, swallow then you're good to go! C'mon Azarius, what's the use of your testosterone if you don't have girls?"

Nakatakip ang kamao ni Asa sa bibig habang tinatawanan ang kapatid kong nagsimula nang mag-ingles. Ganon siya kapag nalalasing.

"Like, what the—? We're born to procreate!"

Tumayo siya't naglakad sa may dalampasigan. Sa kapayapaan ng gabi, malamang maghahating gabi na.

Naalarma ako nang akmang maghuhubad ng pantalon si Mozes kaya dali siyang pinuntahan nina Miles at Viel upang pigilan. Kapwa kami nabigla maliban kay Axton na naluluhang tumatawa.

Ngayon lang namin siya natunghayang ganyan kalasing.

"Iuwi niyo na 'yan kay Lola Neng kuya!" tawag ko sa kanya.

"Isali niyo na rin 'tong si Axton." Inakbayan ni Dalton si Axton at weirdo siyang tinignan dahil sa mga paghikhik nito.

Pinagtulungan nila ang dalawa pauwi kina lola. Wala pa yata silang balak bumalik sa La Casa dahII nanatili sina Dalton at Devin na namumungay na rin ang mga mata. He didn't put a single drop of coke in his whiskey, just ice cubes.

Pikit mata niyang ininom 'yon, ninanamnam ang likido bago nilunok at mariing pumikt. Bumuga siya ng hangin pagkatapos na parang nilalabas ang tapang ng inumin.

May dinukot siyang maitim na mukhang box container sa kanyang bulsa. Binuksan niya ang takip nito bago nilapit sa kanyang bibig. Dumepina ang kanyang cheekbones sa ginawang pagsubo sa bagay na 'yon.

And the next thing I saw is a blow of smoke. Kumalat agad ang bango ng strawberry. What the heck is that thing?

"Vape..." sabay na sabi nina Rory at Daneen na parang nababasa ang tanong sa isip ko.

"May nicotine?" tanong ni Dalton sa tabi niya na manghang-mangha sa nakita.

Bumuga ulit si Devin ng makapal na usok. "Three percent lang."

Hiniram ni Dalton ang container at may binasa. Ngisi niyang binalik ito bago tumayo at naglakad sa direksyon namin.

"Pahiram ng guitar Ry, ha?."

Inabot ni Rory ang gitara kay Dalton saka bumalik sa tabi ni Devin. Tinapik niya ito at inabot ang gitara sa kanya.

"Tugtog ka Devs."

Devin pursed his lips while breathing the smoke out. The hollow in his cheeks became visible habang ginagawa 'yon.

Tinakpan niya ang vape container at nilagay sa mesa bago kinuha ang gitara. He held it like he has done that several times before. He held it like a pro.

Isang beses siyang nag-strum. Tinaligid niya ang kanyang ulo sabay kunot-noo na parang may narinig siyang mali sa tono ng gitara.

Kinakagat niya ang ibabang labi habang inaadjust ang tuning pegs saka siya nag-strum ulit. Bumabagsak ang hibla ng buhok sa kanyang mukha at noo kada yuko niya sa gitara. Hinahawi niya 'yon sa pagpadaan ng kanyang kamay sa buhok saka ginugulo ito.

Ilang beses siyang pabalik-balik sa ginagawa hanggang nakuha ang nais na tono.

He may have annoyed me, but I'd be lying if I say that he can't play well. Kuhang-kuha niya ang pag-strum sa intro ng kantang alam ko. Halata ang enjoyment niya sa ginagawa dahil sa marahang pag-headbang ng kanyang ulo sabay tapik ng isang paa. Kahit si Dalton sa tabi niya na abala sa cellphone ay napa-headbang rin.

Di ko magawang balewalain ang pag-sabay ng kanyang buhok sa bawat galaw niya.  Bouncy hair?

"Hoooly shiit..." bulong na pagmumura ni Daneen sa tabi ko. "Ang galing niya. And damn he can sing!"

"Kasama nina kuya Euan yan dati noong nandito pa sila Axton at kuya Alwyn, siya yung guitarist nila," pahayag ni Rory.

Isa na naman 'to sa hindi ko nalalaman. I felt like an outcast dahil sa dami ng na-miss kong mga kaganapan.

"Whatever tomorrow brings I'll be there...with open arms and open eyes yeah..."

I'd be lying if I say na hindi niya naabot ang parte ng kantang 'yon. Damn it. I couldn't even sing an upbeat song while playing the guitar na ganyan kabilis maglipat ng mga daliri!

Pinagmamasdan ko ang ekspertong kamay niya na mabilis na lumilipat sa mga frets. His long fingers can reach from fret one to three.

Umakyat ang tingin ko sa kanyang mukha. Pikit-mata siyang kumakanta. Noong unang kita ko sa kanya, akala ko'y naka eyeliner siya, pero gawa lang pala ang linya sa kanyang mga mata ng maiitim at mahaba niyang pilik-mata. They're as dark as his heavy brows.

At ang dimple niyang kasing lalim din ng kanyang mga mata'y lumalabas kada bigkas niya sa lyrics.

"Would you choose water over wine...hold the wheel and drive."

Humiwalay na si Dalton sa kanyang phone at nagda-drum sa kanyang hita. Sinabayan na nila si Devin sa pagkanta. Dumilat siya't ngumisi nang marinig ang kanilang pag-sabay. Nagsu-sway na si Daneen sa tabi ko.

Pumalakpak sila pagkatapos. Well I guess he deserved that dahil magaling naman talaga siya.

Binigay ni Devin ang gitara kay Dalton. Hindi ko inasahang magtagpo ang mga mata namin. Mabilis akong yumuko upang tignan kung tulog na ba si Faye na nakalambitin na ang isang braso.

Hindi na nakabalik sina kuya sa cottage. Tinext niya si Dalton na pagod na sila at kinailangan ding i-supervise ang dalawang nalasing.

Ginising ko si Faye upang makauwi na kami kina lola. Niligpit naman nina Daneen, Marlow at Rory ang mga natirang ulam.

"Uwi na ako Dal, medyo nahihilo na ako eh." Rinig kong paalam ni Devin sa likod namin.

"Sige kita tayo bukas!"

"Kuya Devs, magdala ka nito oh." Bigay ni Rory sa isang supot. Tinanguan niya ang pinsan ko saka nagpasalamat.

Saglit kong tinanaw ang pag-layo niya. Hindi ba siya takot umuwi mag-isa? Ang dilim kaya ng daanan, puro pa damo at puno. Flashlight lang ang tanging ilaw na gumagabay sa kanya.

Nakabalik kami kina lola na hindi pa rin humuhupa ang tawa ni Axton. Samantala, gumagapang na si Mozes papuntang cr saka niyakap ang bowl.

Ginaya ni Axton ang paggapang at hinila ang shorts ni Mozes kaya nahubad ito. Hindi 'yon namalayan ng kapatid ko. Halos malagutan na nang hininga sa pagtawa si Axton na napahiga sa sahig.

"Sshh...baka magising si lola." Nilagay ni kuya Euan ang hintuturo sa gitna ng kanyang labi.

"Shhh..." parang bata na ginaya ni Axton ang ginawa ni kuya.

Hindi namin napigilan ang paghagalpak. Maluha-luha na si kuya Euan at Miles.  Si Viel ang umaalalay kay Mozes na ngayo'y sumusuka na sa cr.

"Buti nalang talaga hindi ako uminom," iling na sabi ni Asa. Tinutusok ng dila nito ang loob ng kanyang pisngi.

"Hindi ka uminom?" tanong ni Daneen.

Ngumiwi si Asa. "Pangit ng lasa eh. Softdrinks lang ako."

"Pati si Miles noh?"

Umiling si Asa at antok na ngumisi. "Uminom siya ng Jackcoke. Pero mas maraming coke kesa Jack."

"Ang daya ni Miles!" tawa ni Daneen.

Hinintay kong tumila si Mozes bago ako pumalit sa cr at naghilamos. May toothbrush doong hindi pa nabubuksan kaya 'yon ang ginamit ko. Sobrang inaantok na ang iba kaya diretso silang humilata.

Tatlo lang ang kwarto dito sa bahay nila lola. Ang isa ay kay Astrid kaya nasa iisang kwarto kami. Tabi kami ni Daneen sa isang kama habang sa isa ay sina Rory at mga kapatid niya. Si kuya Euan ay sa dulo ng paa namin ni Daneen humilata. At ang mga natitira ay sa may kalawakang sahig.

Nakatulog ako sa kabila nang walang katapusan nilang hagikhikan na nauwi rin sa hilik.

Paggising kinabukasan ay kami nalang ni Faye ang natira sa kwarto. Pikit mata kongdinukot ang aking phone sa ilalim ng hinihigaan kong unan. Naningkit ang aking mga matang binabasa ang oras. Magtatanghali na!

Nag-inat ako at humikab.Sinuri ko ang paligid at nakaramdam ng paninibago. Siguro dahil first time kong matulog dito. Nakasanayan ko kasi kina Royce at sa bahay naming sa Countryside.

At the same time nakaramdam din ako ng panghihinayang na marami akong na-miss na kasiyahan kasama ang mga kamag-anak ko. Palagi kong naririnig ang pagre—reminisce nina kuya at Dalton kung paano naging masaya 'yong mga bakasyon nila rito.

Himbing pa rin si Faye. Tumayo na ako at nagpunta sa cr upang makapag-hilamos bago ako lumabas ng kwarto. Galing sa baba, rinig ko ang mga tawanan nila. Nagsalita si lola at nagtawanan na naman.

Sabay nilang nilingon ang pagpasok ko sa dining. Parang sa Last Supper ang seating arrangement nila. Pinagpatuloy ni lola ang kanyang mga komento. Sinariwa ng mga pinsan ko ang kaganapan kagabi sa pamamagitan ng video laman sina Mozes at Axton. Antok na nagkamot ulo si Mozes na mas halata ang hang-over kesa kay Axton na patawa-tawa lang.

"Gising na si Faye?" tanong ni Rory. Pumagitna ako sa kanila ni Daneen.

"Tulog pa."

Binigay sa 'kin ni Daneen ang wala pang bawas na tasa ng chocolate drink. Taka ko siyang tinignan.

"Nagkape ako," aniya.

Mabilis ko 'yong inubos. Hindi ko alam kung tapos na silang kumain o magluluto pa ng tanghalian si lola. Sa kabila ng pag-ubos ko sa ininom ay nakaramdam pa rin ako ng gutom kaya lihim kong hiniling na sana may lutong ulam na.

"Ikaw lang po dito, La?" tanong ko.

"Darating na 'yong si Astrid maya-maya lang," sagot niya.

"Dito ka nalang din Asa, para magkagaanan naman kayo ng loob ni Astrid," pang-aasar ni Mozes.

"Bente dos lang si Astrid,"pahayag ni lola. Bumaling siya kay Asa. "Ilang taon ka na ba iho? Wala ka pang girlpren?"

"Nineteen pa po, La." nahihiyang kinamot ni Asa ang buzzcut niyang buhok na bumagay lang sa hugis ng kanyang mukha.

"NGSB. Siya lang walang jowa sa'min," ani ni Mozes.

"Ako rin," inosenteng sabat ni Miles na hindi nag improve sa laki ang singkit niyang mga mata kahit sadyain niya man.

Nagtaas ng kamay si Viel. "Ako rin po."

Nagtawanan kami. Mukha lang kaming nagkaklase. Kung sabagay retired teacher naman si Lola Neng sa isang paaralan dito sa Aloguinsan.

"Hala sige, magtungo na kayo ngayon sa La Casa para makapaghanap ng mapapangasawa niyo!"

"O tara Daneen! Hahanapan kita!" Tumayo ako sabay hila kay Daneen. "Si Marlow panay ang text kaya meron 'yan panigurado!"

Hinila na rin nila palabas ang tatlong walang mga karelasyon. Nagsitunguhan na kami sa aming mga sasakyan.Limang minuto kong pinaandar ang Citroen bago pinatakbo.

Pagdating sa La Casa ay dumiretso ako sa reception desk upang kunin ang susi sa room. Nagbihis kaming mga babae at iba sa mga boys lalo na si Mozes na amoy alak pa. Dumiretso ang iba sa restaurant.

Isang lunch buffet ang bumungad sa 'min. Nagpa-unahan kami sa pag-upo. Marami na ring mga bakasyunistang lumabas sa mga room nila upang mananghalian.

"May mga kaibigan ba kayong nangangailangan ng trabaho? May bakenteng posisyon dito sa La Casa. Last week pang bakante. Nag-resign kasi 'yong isang finance officer dahil maga-abroad," anunsyo ni ate Dorselyn na kasabay naming nananghalian.

"Tagalinis daw ng swimming pool," sabat ni Mozes.

Tumawa si ate Dorselyn."Hindi...sa finance.Nahirapan kaming maghanap ng kapalit dahil tago at malayo kasi 'tong Aloguinsan."

"Ipaskil niyo sa bulletin  sa municipal hall," sabi ni Dalton.

"Ginawa na namin. Eh kadalasan sa mga graduates na may related course ay sa siyudad nag-aaplay."

"Ano po bang gagawin diyan?" tanong ko.

Bumaling si ate Dorselyn sa 'kin.

"Tagahawak ng pera. Mag-aaply ka?" umaasa niyang tanong.

Napaisip ako. Contractual ang naging trabaho ko sa call center noon at wala na akong balak bumalik pa o mag aplay sa iba. Nag volunteer nurse ako sa isang ospital sa siyudad since 'yon naman ang natapos ko. I had my training, and I had expected to receive a certificate from it para patunayan na may experience ako sa natapos kong kurso.

Sa mga naranasan ko, masasabi kong walang madaling trabaho. Kahit ano pa 'yan. Kahit home based jobs ay hindi madali. In call centers, minsan minumura ka ng callers. I guess it takes to love our job in order for us to stay longer in it.

At so far, wala akong minahal na trabaho. The reason might be nakakapagod, at ang isa'y ayaw ko lang talaga sa ginagawa ko.

So now I'm unemployed.

And I need a job.

"Bakit ka mag-aaplay? Nag-training ka na sa ospital di ba?" Kumuha si Daneen ng isang dahon sa kinain kong salad.

"Volunteer lang 'yon saka may limit. Hanggang two months."

"So technically you're unemployed."

"Yep. Pero may naipon din naman ako sa call center so hindi pa ako poorita." Nilagyan ko ng tuna ang lettuce bago sinubo.

"So mabibilhan mo pa ako ng sapatos, ate?" umaasang tanong ni Mozes.

Kunot noo ko siyang nilingon. "Bakit kita bibilhan?"

Inosente niya akong tinignan. "Uhm...because I'm your younger brother?"

Napairap ako.

"Hindi nga ako binilhan ng kahit ano ni kuya Euan. In fact, sinira pa niya yung tab kong bigay ni Royce," pasaring ko.

Natigil ang kuwentuhan nina kuya at Dalton nang marinig ni Euan ang kanyang pangalan.

Tinapon niya ang kanyang iritasyon sa 'kin galing sa dulo ng mesa."Papalitan ko nga  'yon. When will you stop bitching about it?"

"Last year mo pa 'yan sinabi. So when are you going to replace it?" ganti ko.

"May bago ka namang cellphone. Latest pa. Oh, magkano 'yun?" Ang tono niya'y naghahamon.

"Mas mahal pa sa cellphone mo," walang emosyon kong pag-amin.

Nanlaki ang mga mata niya. "Kita mo na? You can buy a freaking tab!"

"You broke it! Ikaw ang bumili!"

Bumuntong hininga si Euan at bumalik sa pag-kain. Wala talaga siyang balak palitan ang tab ko!

"Sapatos lang naman ang pinabili ko bakit umabot sa pag-aaway sa tab?" Nakarating  sa pandining ko ang bulong ni Mozes sa sarili.

Tumawa ang katabi niyang sina Marlow at Faye.

"Ano na Sav? Mag-aaplay ka? May training naman so you'll get the hang of it one of these days."

Muntik ko nang makalimutan na kausap ko pa si ate Dorselyn.

"Kailan po ang training?" tanong ko. 

"This Monday. Eight o'clock." Sa kanyang pag-ngisi, kita ko ang pagmantsa ng pink lipstick sa kanyang ngipin.

Susubukan ko lang 'to. Kung ayos sa 'kin at masisiyahan ako, then that'd better than my last two work experiences.

At isa pa...to get rid of Royce. Wala siyang kamuwang-muwang sa Aloguinsan dahil taga Manila naman siya at ang pamilya niya.

Tumango ako. Napapalakpak si ate Dorselyn dahil sa wakas ay mapupunan na ang isang linggong bakanteng posisyon.

Hiningi ko ang hindi pa nababawasang softdrinks ni Daneen. Binigay niya sa 'kin ang buong baso dahil magtu-tubig lang daw siya.

Halos tapos na lahat sa pag kain pero marami pa ring natira na ulam. Mananaba yata ako rito. Pinaliit ko ang aking tiyan saka inadjust ang shorts ko dahil sa kabusugan. Feel  ko nga nagmarka ang tahi ng jeans sa balat ko.

"Ate Dorsi, ipa-reimburse mo nalang kay daddy ang bayad sa kinain namin ah?" ani ni Axton saka dumighay.

"Sure ka? Tatawagan ko na si tito," natatawang sabi ni ate Dorselyn.

"Sure po. Payag 'yon, I'm his favorite son." Nagtaas baba siya ng kilay.

Siniko siya ng katabing si Euan. "Oy! Yung kapatid mo nasa tabi lang."

Iling at tawa lang si Miles.

"Ako rin, I'm the favorite son."

Tinadyakan ko ang paa ni Mozes na siyang kaharap ko.

"Aw! Ate..." namilipit siya sa sakit. Ngiwi siyang tumingin sa 'kin at may maamo at desperadong ekspresyon. "Anong gusto mo? Bilhan kita ng juice?  Pero ipapa-reimburse ko na lang din kay papa. Papayag 'yon, I'm his favorite son."

Ngumisi siya.

"Wala ka nang sapatos," banta ko.

Totoo naman na sa aming magkakapatid siya ang paborito dahil siya ang bunso at madalas maglambing kina mama't papa. Kahit saang pamilya naman siguro may favoritism. Hindi 'yon maiiwasan.

But truthfully, I don't mind Mozes as being the favorite child. Him being the favorite doesn't mean na hindi na kami mahal ng mga magulang namin. We never felt being unloved by them.

"Sino po ang pansamantalang pumalit sa finance officer niyong nag resign?" Si Rory ang nagtanong.

Napatango ako dahil 'yon din ang nais kong malaman.

"Hm,"pinunasan ni ate Dorselyn ng table napkin ang bibig pagkatapos uminom ng tubig. "Speaking of that, siya 'yong magte-train sa 'yo since siya ang mas pamilyar sa trabaho. Although he's not a full time worker dito sa La Casa. Sub lang, may experience din naman siya sa pagtatrabaho sa office."

"Are you talking about Devin, ate?" tanong ni Dalton na sinagot ni ate Dorse ng tango.

"What?" gulat ko siyang tinignan.

"Bakit?"

"Bakit siya? He's a fisherman!" napabulalas ako.

"I'm not just a fisherman. Hindi ba pwedeng maging pamilyar sa opisina ang isang mangingisda? You're underestimating my abilities, shortcake."

Nilingon ko ang nagmamay-ari ng tamad at baritonong boses. Malapit lang na nakatayo si Devin sa likod ko. I don't know how long has he been standing there. At wala man lang sinabi ang mga pinsan ko!

And dear sweet Jesus he's infront of me sans shirt again. Tutok na tutok sa 'kin ang kanyang V-line!

Mas nakikita ko nang malapitan ang pendant ng kwintas niyang kumikinang. And I'm right. It's a dolphin. Wala na bang mas manly na pendant kesa sa isdang 'yan?

Nakahalukiphip siya't taas-kilay na nakanguso na para bang naghahamon. May konting kakapalan ang kanyang labi. Maayos rin ngayon ang makapal niyang buhok. Hindi yata siya amoy isda.

"I'm not short! I'm just vertically challenged." angil ko.

Humalakhak si Devin. Ang baritono niyang boses ay umugong sa buong restaurant. Walang hiya. His presence warrants an audience.

"This is not a court room guys. Restaurant po ito. Kainan," mahinahong sita ni Euan.

"Join us Devs. Mukhang kakaahon niyo lang ah? Show off agad ang abs." Halakhak ni Dalton.

Lumapit sa kanila si Devin,  tinapik ang mga balikat at likod nina Dalton at Euan kung saan siya mas malapit. Nag high five sila ni Axton at tinanguan ang iba ko pang pinsan. Hindi ko inasahan na ganito na pala kalalim ang friendship nila.

"You're familiar with office work. Are you familiar with wearing a shirt infront of a food?" mahina kong sabi. I didn't intend for him to hear me.

"Are you familiar with mind your own business? Atleast, shortcake, let me eat in peace," he retorted.

Mahigpit kong tinikom ang aking bibig.  Malalim ang pag-hugot ko ng hangin na maingay kong binuga.

Deep breaths, Sav. Deep breaths can calm you down. Kalma lang.

"So Devin, siya ang bago mong ite-train. You're okay with it, right?" Mukhang hindi manlang apektado si ate Dorsi sa eksena kanina.

"Okay lang Miss Dorsi, kung okay lang sa kanya." Animo'y isang magandang balita ito para kay Devin dahil sa sigla ng boses niya.

Ramdam ko ang mga matang nakatitig sa 'kin kaya nag-angat ako ng tingin. Seryoso ang mukha niya. Malayo sa kinaiinisan kong nanunuya. Mas nadepina ang sobrang lalim ng kanyang mga mata na sinilungan ng kapal ng kanyang kilay.

"I'm more than willing to train her. Hindi naman ako namimili ng trainee. Ewan ko ba kung bakit inis sa 'kin ang isa diyan. Wala naman akong ginawang masama."

Bigla niya akong ningisihan.

Muntik na akong matawa dahil nagmistula 'yong animated.

But to top it all. Naiinis pa rin ako.

"This is going to be so much fun." Malademonyong humalakhak si Mozes.

This is fun for them. At nararamdaman kong gagawin lang akong amusement ni Devin sa pagbabara niya sa'kin. Hinahamon niya ako dahil alam niyang hindi talaga ako magpapadaig.

"I'll start training on Monday," pinal kong sabi.

Mas lumawak pa ang ngisi niya. His complete set of straight teeth is shining.

"I can't wait...." kanta ni Devin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro