Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

F I V E

Nag-strolling kami nina Daneen at Rory upang matunawan galing sa mabigat naming tanghalian. Pumasyal kami sa ibang facilities ng resort.

Sa likod ng restaurant natagpuan namin ang infinity pool na may arch bridge sa ibabaw. Maraming mga batang naliligo roon since hindi naman ito kalaliman. Karamihan sa mga guests ay foreigners na mas prefer ang payapang bakasyunan kesa sa mga overrated na resorts sa siyudad.

Pumagilid kami sa nadaanang nagva-volleyball. Patapos na ang tanghali kaya naghahanda na ang iba sa siesta. Dahil nakapaa kami, pagkaapak sa buhanginan ay nagtatatalon kami dahil sa init ng tinatapakan at tinakbo ang sisilungan naming puno.

"Ate!"

Nilingon namin si Faye na nakatayo katapat sa pinto ng cottage namin kasama si Marlow. Kapwa sila sumesenyas kay Rory.

"Nandyan na sila?" tanong ni Rory. Tumango ang mag-kapatid saka tinuro ang restaurant.

Pinanood namin siya ni Daneen na sinusuot pabalik ang kanyang tsinelas.

"Saan ka punta?" tanong ni Daneen.

"Sinundo kami nina mama. Uwi kami ngayon."

"Ngayon na? Wala pa kayong three days ah." Dagdag ko.

"May quiz kami bukas eh, hindi pa ako nakapag-review. May klase din sina Faye at Marlow." pinagpag ni Rory ang kanyang mga kamay saka pinunasan ang pawisan niyang noo.

Nag-aaral pa silang tatlo. Second year highschool si Faye samantalang dalawang taon ang agwat nina Marlow at Rory sa college.

"Geh bye, ingat!"

Kumaway siya pabalik sa 'min bago tumakbo papunta sa kanyang mga kapatid.

Umupo kami ni Daneen sa buhanginan. Nilabas agad niya ang kanyang cellphone at kinunan ang Caribbean blue na kulay ng dagat. Parang bumigat ang dibdib ko sa sobrang pagkamangha. Paniguradong maganda ang view rito kapag sunset.

Natatanaw ko ang kapatid ko roon na patihayang lumulutang at nakasuot pa ng wayfarers. Kalmadong naglalakad si Viel na parang at dinadama ang dagat sa kamay niya. Naglikha ng ingay ang pagtakbo ni Miles sa dagat upang umanib sa kanila sa pagsu-swimming. Si Asa naman ay tahimik na nakaupo sa buhanginang naaabot ng tubig at pinapanood ang mga naliligo.

Napadighay ako't inadjust ulit ang aking shorts. Tinuwid ko ang aking mga binti at dinama ang maaliwalas na hangin na mistulang nakakalinis ng baga at ugat. Nakakaantok rin lalo't siesta time na.

Hinampas ko ang tuhod ni Daneen pagkatuwid niya ng kanyang binti.

"Ang puti mo talaga," ani ko. "Ako, umiitim na."

Hinimas niya ang hinampas kong parte. "Hindi kaya. Mabilis ka lang mamula. Mestizahin ka kasi."

Ewan ko kung paano nangyaring si papa lang ang maputi sa kanilang magka-kapatid. Ang papa ni Daneen hindi naman maputi pero animo'y nakagluta si Daneen sa kaputian.

"So mag-aaplay ka talaga rito?" pag-iiba niya sa usapan. Ang tono niya ay parang ayaw niya sa desisyon ko.

"M-m."

"Hindi ka na makakauwi sa Countryside kapag natanggap ka."

Umiling ako.

"May iniiwasan ka noh?" akusa niya. Pinaglalaruan niya ang kanyang dark red na buhok. Mukhang nabasa niya ang pagtatanong sa mukha ko sa sunod niyang sinabi.

"Usually kapag may mga gala tayo, palagi mong kasama si Royce. Now you came with us without him."

Bahagya akong humilig, tinukod ko ang mga kamay sa buhangin. "We're done."

Mukhang hindi manlang siya nagulat. "Magkakabalikan din naman kayo."

Umiling ako't napangiwi. "Hindi na."

Kunot-noo niya akong binalingan. "Sure?"

Tipid akong tumango. Kapag bago pa ay hindi ko tipong pag-usapang tungkol s abagay na'to. But she's Daneen, I usually tell her almost everything.

"Spill."

Bumuntong hininga ako at tuluyan nang humiga sa buhangin. Inunan ko ang aking mga braso at pinagkrus ang mga paa. Binalikan ko 'yong huli naming pagkikita ni Royce at sinalaysay ang nangyari.

"Di ko alam kung tama ang naging pasya ko. Takot ako sa dalawang bagay. Kung ano ang mangyayari kung tuluyan kaming magkakahiwalay at kung hindi ko siya hihiwalayan."

Nag-angat siya ng tingin at nalilito akong tinignan."Akala ko ba wala na kayo?"

Kinuha ko ang aking cellphone at pinaglaruan. Binuksan ko ulit 'to pagkatapos mag lunch at nakita ang mga missed calls at text ni mama. Hindi ako nagreply.

"Nag-text si mama. Panay raw ang punta ni Royce sa amin. Katulad lang din ng dati niyang ginagawa kapag nag-aaway kami. Nang mabasa ko parang nanghihinayang ako kapag hindi ko bibigyan ulit ng chance."

Dinadama ko sa 'king mga daliri ang nakaumbok na disenyo ng mga raindrops sa phone case ko habang napapa-isip.

"Anong feeling mo ngayong wala na kayo?" usisa ni Daneen.

"I miss him. Then iniisip ko kung ano ang feeling kung kasama natin siya," wala sa sarili kong sabi.

"That's it?" Mukhang siyang nakukulangan  sa sagot ko. "You just miss him and his presence? You can survive. Wala kang dapat katakutan."

"Nakakahinayang lang kasi...he's trying to save the relationship."

Paano pala kung iba na ngayon? It's not always different in every chances that you give to someone, right? Maraming mag-iiba so iniisip ko na baka this time, ito na 'yong change na hinahangad ko.

Natatakot ako na matapon ko ang pagkakataon na 'yon kapag hindi ko ulit siya pagbibigyan.  I'm hoping against hope.

Pansin ko ang pag-ngiwi ni Daneen na parang may naisip siyang mapait na naaalala.

"Madali lang namang mag-effort eh, lalo na kung bibigay agad sa kanila 'yong pinag-effortan nilang tao. Ang tanong, mapapanindigan ba nila ang pinag-hirapan nila? Sila lang din ang malulugi. Effort nang effort sa panunuyo eh uulitin din naman nila ang pagkakamali," aniya.

"I'm not just specifying him ha? I meant that for everybody." paglilinaw niya.

Wala akong maisip sabihin sa komento niya. All I did was to silently agree.

"Naisip ko lang na baka this time...alam mo na..." I trailed off.

Dumaan ang katahimikan. Akala ko'y hanggang doon lang ang pag-uusap namin knowing Daneen's silent persona. Hanggang sa nagsalita ulit siya at maiging natuon ang aking atensyon sa kanyang mga sinabi.

"You're used to his presence, Sav. That's normal during post break up. What you have to do is to stop giving him chances dahil nakasanayan mo na rin 'yon. Ilang beses mo na ba siyang pinagbigyan? Nauwi pa rin sa ganito, di ba? Ayaw kong mag-payo sayo, kasi sa huli sa 'yo ang desisyon. Pero mas boto ako sa ginawa mo ngayon."

"He needs me, D." Bumuntong hininga ako.

Nasa mga pinasan at kapatid ko ang aking mga mata ngunit iba ang lumulutang sa isip ko. Hanggang dito ba naman sinusundan ako ng espiritu ni Royce at ng break-up namin.

"Naisip mong balikan siya dahil kailangan ka niya, para kung may problema siya ikaw ang takbuhan niya at hindi 'yong ex niya, tama?"

Nalaglag ang panga kong nilingon si Daneen. Parang sinilid niya ang mga salitang 'yon at nilagay sa loob ng bomba't pinasabog sa ulo ko! What the hell?

Mala-kontrabida siyang tumawa. Na-justify pa 'yon sa sumasabog niyang dark-red na buhok.  "Sa pagkakaintindi ko kasi, kailangan ka lang niya. 'Yun lang! Tapos ikaw, gusto mo naman ang pangangailangan niya sa 'yo. You care for each other. That's all. That's the whole lot of it!"

Natatakot na ako sa mga opinyon ni Daneen. O baka ito nga ang totoo at ayaw ko lang tanggapin.

"Sinasabi mo bang hindi kami nagmahalan?"

Balewala siyang nagkibit-balikat. "Ikaw lang ang makakapagsabi niyan. It's your feelings. But let's say...you don't always love what you need, or who you care about."

Hindi ako umimik at hinintay siyang magpatuloy.

"Kailangan mo ang isang trabaho kahit alam mong hindi mo 'yon mamahalin. Same goes to you, gawin mong analogy ang pera at ang feelings. You need and foster his feelings for you in order just to feel dahil doon ka masaya. But Sav, you deserve more than that. Just like sa trabaho, you deserve to receive something more than the salary. May be satisfaction and the feeling of achievement. You deserve more than what the salary can do for you."

Salubong ang kilay ko pa itong pino-proseso lahat. Yes I was happy with Royce, but was it even enough?

Humugot siya ng hangin sabay higa sa buhanginan. Mukhang malalim siyang nag-isip bago muling nagsalita.

"There's a fine line between love and care, but the former can't live without the latter. While the latter can go without the former. In other words, Love is the general disease. Need and Care are just the symptoms."

Ang sarap murahin ni Daneen. I love her to death but, shit lang! 

Paano nagkaroon ng ganyang klaseng opinyon ang isang NBSB'ng katulad niya?

I guess I should take a break. I'm here to unwind. So no Royce or any mention of his name. My cousin's right, normal lang na may ganitong post break up anxiety. Mawawala rin 'to.

Because feelings...just like some people, they come and go. Hihintayin ko ang tamang araw na 'yon at ako pa ang unang ngingiti at magta-tatalon sa oras na mangyari ito.

"Doon ka nalang kay Devin. Hot na hot under the sun." Humagikhik ni Daneen.

Nilingon ko ang tinatanaw niya. Malapit sila sa mga lounge chairs kung saan wala pang umuupo dahil sa init. Nakapwesto sila sa mga plastic chair na pinapaligiran  ang mesa sa ilalim ng malaking dome-shaped umbrella.

Nakahawak na naman siya sa gitara habang nakikipagtawanan kina Euan, Dalton at Axton.

He's left handed. Nagsta-strum siya sa kaliwang kamay kaya kita ko ang pag-flex ng muscles sa kanyang biceps. My stomach clenched from the view.

"Ikaw nalang, mukhang type mo eh," asar ko kay Daneen.

"Hmm...mas type ka niyan, tsaka mas bagay kayo."

Pinaningkitan ko siya ng mata. Sinundot ko siya sa tagiliran. "Nahihiya ka lang eh! Kaya ka hindi nagkakaboyfriend!"

Tawang tawa siya. She doesn't mind not being in a relationship, sa kanya naman 'yan. May mga nabubuhay na hindi nakakapasok sa isang relasyon. Others do relationships just for the hell of it.  May iba na hindi 'yon ang nagiging priority na hindi naman talaga dapat. Mayroon pang mas maraming bagay na dapat  pagtuunan ng pansin, and lovelife is not one of them.

That's what I'm going to do from now on. I'm going to prioritize myself.

Pinagtutulungan na nina Miles at Viel si Mozes na lagyan ng buhangin. Ulo nalang niya ang nakikita at suot pa rin  niya ang wayfarers. Pinuntahan sila ni Daneen upang picturan.

Dumestino na rin doon ang atensyon nina kuya. Tinawag sila ni Daneen at pinapwesto sa ibabaw ng ulo ni Mozes. Sumabog ng buhangin ang pagtakbo ni kuya saka agad pumwesto at nag-pose ng gangster sign sa kanyang kamay. Si Dalton ay madramang tumingala sa taas habang humahalukiphip. Ilang beses silang kinunan ng litrato sa dami ng gusto nilang mga pose.

Bumalik si Daneen kalaunan na tawang-tawa. Pagkaupo niya ay humilig siya nang bahagya upang makadungaw ako sa mga kuha niya. 

Walang bad moments, lahat naka wacky. Naalala ko tuloy noong mga bata pa kaming magpipinsan. Kumpleto pa at walang mga ibang commitments. Kada may birthday, kinabukasan ay mag-aaya agad pumunta sa dagat at sa malayong mga resort pa kami nadadayo. That was one of my favorite childhood memories.

Nagtatanong ang mukha ni Daneen sa bigla kong pagtawa.

"Bakit?"

"Wala. Naalala ko lang 'yong inagawan mo ako ng kulay ng power ranger," sabi ko.

Nagtawanan kaming dalawa. Actually hindi siya nang-agaw, pinilit niya talaga akong maging yellow kahit gusto ko rin ang pink. Pinuwersa kong hindi umiyak nang nagparaya ako na siya nalang si power ranger pink.

Humiga ulit ako. Napapikit ako sa antok. Nag-iingay man ang mga pinsan ko pero kapag may ganitong kaaliwalas na hangin at kalmadong hampas ng dagat ay mabilis talaga akong nakakaidlip.

Nanatili ako sa ganoong ayos kahit naririnig ang langutngot gawa ng pag-apak ng mga paa sa buhangin. Kasabay nito ay ang mga boses na mahinang nag-uusap na may background pang pag-pluck ng gitara.

Huminto ang mga hakbang sa likod ko.

"Saan sina Rory?" tanong ni Dalton.

"Umuwi na, sinundo nila tita Grace. May pasok daw sila bukas eh," pahayag ni Daneen.

"Hindi kayo maliligo?" Si kuya Euan ang nagtanong.

May narinig akong malutong na hampas kasunod ang tulakan, pag-protesta at hagikhikan.

"Mamaya na! Ang init pa eh. Mga sunset, ligo tayo," giit ni Dalton.

"Night swimming sa pool!" sabat ni Axton sa natural na magaspang niyang boses.

"Pwede rin. Ngayon, samahan muna natin si Devin mangisda," makahulugan ang tawa ni Dalton.

May dalawang tumikhim, sure akong hindi si Daneen 'yon dahil nasa harap ko siya. Nasa likod galing ang tikhiman.

Lumalayo na ang mga yapak at boses nila. Nang tuluyang maglaho ang kanilang presensya ay pinakiramdaman ko ang paligid; Huni ng ibon at tunog ng barko nalang ang meron maliban sa iba pang natural na ingay.

Kahit sina Mozes ay hindi ko na naririnig, marahil tapos nang mag-swimming at sumama kina kuya. O baka nalunod na 'yon!

Bago ko pa mahila ang sarili pabalik sa pag-tulog, kalabit ng gitara ang pumigil sa 'king magawa ito. I never thought Daneen knows plucking guitar strings, ang alam ko lang ay marunong siyang mag-strum.

Sisimulan ko na sana siyang sabayan sa intro ng kanta ngunit umatras ang dila ko. Naging baritono yata ang boses ni Daneen?

Dumilat ako.

Si Devin ang pumalit sa pinagpuwestuhan ng pinsan ko. At dahil nakahiga ako at nakaupo siyang nagigitara, I was able to have a front row view of his rippled back. Umiigting ang kalamnan sa kanyang biceps sa bawat pagdiin ng daliri niya sa fingerboard.

Unlike kanina, naka-puting baseball cap siya na baligtad ang pagkakasuot.

"Ba't ka nandito? San si Daneen?"

Nilingon niya ako na hindi tinigil ang pag-pluck. Nakanganga pa siya galing sa naudlot na pag-kanta. Kita ko ang paglalaro ng kanyang dila sa ibabang ngipin niya bago ngumuso sa likod ko.

Umupo ako at pinalis ang dumikit na mga buhangin sa aking likod at binti. Bahagya akong umatras upang hindi kami magkatabi. Kinuha ko ang aking cellphone saka binuksan. Walang text. Inirapan ko ito bago sinilid sa bulsa ng aking shorts.

Aware ako sa pagmamasid ni Devin sa mga kilos ko. Nakatingin pa rin siya nang binalingan ko ulit siya. Kumunot ang noo ko sa hudyo niyang pagtitig.

Kadalasan kapag nahuli kang nakatitig sa isang tao ay nag-iiwas ka ng tingin. But him? Hindi man lang gumawa ng kaunting kilos ng pag-iwas.

Inangat niya ang kanyang dalawang kilay, di ako sure pero mukha siyang nagtatanong.

"Huh?" pagtataka ko. 

Kumurap siya ng isang beses. Dalawang beses. Lumalim ang pagsasalubong ng aking kilay dahil nanatili pa rin siyang nakatitig. What stunt is he trying to pull off this time?

Gumalaw ang mala-rosas niyang labi. They're semi-thick. Panandalian siyang ngumuso kaya akala ko ay may tinuro siya gamit ang kanyang labi. Kalaunay pinaloob niya ang kanyang labi upang basain bago pumalumbaba na hindi ako tinatantanan ng kanyang mga mata. Nasa katawan ng gitara ang kanyang siko.

It's not a creepy stare, ni hindi rin 'yon tipong nang-aasar. Nakatitig lang na animo'y isa akong guro na nagle-lecture sa harap ng klase at isa siyang masunuring estudyante.

"Ang ganda ko noh?" Tinaasan ko siya ng kilay. Lagpas minuto ang staring contest namin.

Gumalaw ang malapad niyang balikat sa ginawang pagbungisngis.  Bahagyang natakpan ang kanyang bibig sa kamay niyang pinagpatungan ng kanyang baba.

Pinandilatan siya. "Stop staring. Kanina ka pa ha?"

Lumikha ng palahaw ang gitara dahil sa ginawang kilos ni Devin.  Umayos siya ng upo sabay tapik niya nito.

"Wanna play?" Inabot niya sa 'kin ang gitara.

Nanliit ang mga mata ko sa mga daliri niyang tumatambol sa katawan ng gitara. Umangat muli ang mga mata ko sa kanya. "Sa pagkakatanda ko kagabi, hindi ka friendly."

May aliw ang kanyang pagsimangot. "Sino bang unang nagsungit? Ako ba?"

"Hindi ako nag-sungit. Nakakainit ka lang talaga ng ulo."

Umawang ang bibig niya, parang pinoproseso ang sinabi ko. Kalauna'y umiling siya't sandaling pinikit ang mga mata. Pumapaypay ang makapal niyang pilikmata sa kanyang namumulang pisngi. Must be from the heat of the sun.

Kinamot niya ang makapal niyang kilay at bumuntong huminga. "Okay, shortcake. I'm here for a truce."

That's what his stare was all about? A truce?

Umiling ako. "I don't think that's possible. We're the personified World war."

May pagka-imoral ang kanyang ngiti. "We're the personified empowered woman and chivalry is not dead."

Tinuwid ko ang aking mga binti sa naramdamang pangangalay. Natuon doon ang mga mata ni Devin. Nakita ko ang kanyang pag-lunok bago binalik ang tingin sa mukha ko.

Tumikhim siya at mukhang natataranta habang ina-adjust ang pagyakap sa gitara.

"You said truce, so meaning temporary? Not permanent peace-out?" tanong ko.

Mabilis niyang pinadaan ang dulo ng dila sa kanyang labi. "Ikaw na ang nagsabi, you don't think a truce is possible. Peace out pa kaya? But we need it now. I'd be training you, so we should maintain a good relationship between a trainee and a trainer."

Pinaglalaruan ko ang maliliit na batong nakakapa ko. "Sa Monday pa 'yon, wag kang ma-stress."

"So kailan mo gusto ng truce? Sa Tuesday? Jeez woman!" he frustratedly hissed.

Tinanggal niya ang cap at inis na ginulo ang kanyang buhok bago binalik ang cap sa kanyang ulo.

"You know what? Let's just try our very hardest to calm our asses down and keep from lashing out at each other," dagdag pa niya.

Imbes na pagtuunan ng pansin ang nais niya, gumuhit ang pagtataka sa mukha ko. He took pre-law in US but why is he here? Why settle himself being just a fisherman? Kung nakapagtapos siya ng pag-aaral, dapat given na may mataas siyang pangarap, na hindi lang limited sa ganitong trabaho ang ginagawa niya. I'm not oppressing someone here, there's nothing wrong in being a fisherman pero, let's face it. This is real talk.

"Bakit ka nangingisda rito kung nakapagtapos ka sa ibang bansa? Wanna learn more from the school of fishes?" Di ko mapigilang haluan 'yon ng panunudyo.

Baluktot at immoral na ngisi ang ganti niya."I fish out information from them."

Wala akong masabi. I wanted to lash out another retort at him ngunit nadikit lang ang paningin ko sa nanunuya niyang mga mata.

"Truce?"

Nilahad niya ang kanyang kamay.  It was warm and calloused.

"Hopefully. Truce," ani ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro