Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

F I F T E E N

Nakabaon ang mukha ko sa malambot na unan habang kinakapa ang kinaroroonan ng aking cellphone. Panay ang paggising sa 'kin ng message tone, wala naman akong inaasahang mensahe pero otomatikong naisip ko si Royce na siyang ginigising ako ngayon sa text.

But then I remember, he's not an early riser. Kung siya man 'tong nag-text, I'll consider that as a miracle.

Tumihaya ako at binasa ang mga texts. Dalawang unknown number. Sinagot ko sila ng 'Hu u.'

Binagsak ko ang aking kamay sa gilid at tinakip ang isang braso sa mata ko. Naririnig ko hanggang dito ang pagsisimula ng misa sa kapilya. Linggo nga pala ngayon. Alleluia!

Wala akong nahihimigang kilos galing sa kusina na nagpapahiwatig lang na wala si lola at naroon sa kapliya. Kapag Biyernes ng hapon ay umaalis din siya upang mag-simba para sa misa kay Sto Niño. Kadalasan talaga sa masisipag mag-simba ay mga matatanda. Ganon din kaya ako kapag tumanda?

Bumaba ako nang makaramdam ng gutom. Tinignan ko ang mensahe sa text nang tumunog ulit ang aking cellphone.

I'm Greg. Hiningi ko kay Euan ang number mo. :)

Inikutan ko ng mata ang aking cellphone as if kasalanan nito kung bakit ako may ka-text ngayon. Salungat sa smiley niya ang mood ko. Madali kong tinawagan si kuya ngunit failed ang rumehistro. Expired na pala load ko.

Mabilis kong inubos ang aking kape bago bumalik sa kuwarto upang maligo at magbihis. Hindi naman siguro mag-aalala si lola kung saan ako pupunta dahil maliit lang 'tong Aloguinsan, lahat na yata ng mga tao rito ay kilala ang isa't-isa kaya mabilis lamang akong mahagilap kapag hinahanap ako.

Pinindot ko ang aking susi upang i-unlock ang kotse pagkatapos kong i-lock ang pinto ng bahay.

Kumunot ang noo ko dahil hindi ito tumunog. Diniin ko ang pag-pindot, baka nakulangan lang sa lakas ng daliri ko pero wala talaga. Nilapit ko ang susi at pinindot ulit. Sinaksak ko na ang susi sa ignition ng pinto at katulad lang ng alarm ay hindi rin ito bumukas.

Inalala ko ang mga araw na huli kong gamit ng Citroen. Umaandar pa naman 'to last week,  ba't ngayon mukhang patay na siya?

Pinagpapawisan na ako sa pangangamba. Hindi ako maalam sa kotse kaya tanging konklusyon ko ngayon ay nasira siya.

Inis kong sinuklay ang buhok ko sabay buntong hininga. Tinantiya ko sa isip ang lapit ng tindahan na may loading center. Kailangan ko pang sumakay ng motor dahil lagpas ito sa town proper.

Ngayon ay nasa likod na nang isip ko ang pagpa-load at biglang naging priority ang aking kotse. Pinakititigan ko ang sarili sa bintana habang nag-iisip ng paraan kung paano ko ito ipapaayos. O kung maaayos pa ba.

Hinila ang atensyon ko sa ingay ng mga kambing. Tatlo sila na hinihila ng may katandaang babae, siguro mga ka-edad lang ni mama. May suot siyang salakot.

Lumapit ako sa gate at tinawag siya. "Ate!"

Lumingon muna siya bago huminto at kinokontrol ang lubid na pumupulupot sa mga kambing niya.

"May alam po ba kayong marunong kumumpuni ng kotse?" tanong ko sa kanya.

Inayos niya ang pagkakasuot ng salakot upang mas matignan ako ng mabuti. Tuluyan na niya akong hinarap. Sandaling dumapo ang mata niya sa sasakyan ko.

Pinag-krus ko ang mga daliri ko habang nag-iisip siya. Lumiwanag ang mukha niya at tinignan ako. " Ay 'yung tumutulong minsan sa mamang Nenita mo."

Kumunot ang noo ko, bahagyang napangiwi. "Si Astrid?"

Hindi ko siya ma-imagine na nagkukumpuni ng kotse. With the grease and stuff.

Tumawa ang pinagtanungan ko at umiling. "Hindi, 'yung lalake. Yung guwapo't matipuno."

Pinigilan kong mag-taas ng kilay kung sino agad ang pumasok sa isip ko. Those keywords itself are the giveaways.

"Si Devin," I stated.

Muli siyang tumingin sa taas, parang may inaalala. " 'Yon yata pangalan niya. Basta sumasama rin siya sa pangingisda."

Siya nga. Kung guwapo lang din naman ang pag-uusapan at matipuno, isang  kandidato rin si Ivor pero hindi ko naman alam kung nangingisda siya. Mas maputi siya kesa kay Devin so sure akong hindi siya masyadong nagbibilad sa araw.

Devin on the other hand...mas napatunayan ko lang na alam niya talaga lahat ng trabaho rito.  

Tipid ko siyang ningitian. "Sige po, salamat."

Tumango siya at nagpatuloy sa paglalakad kasama ang mga kambing niya. Muli kong pinindot ang alarm ng kotse, nagbabakasakaling inaasar lang ako nito kalakip ang hiling na umandar para hindi ko mapuntahan si Devin pero katulad lang din kanina, wala na talaga.

Kung sa tao pa, na-comatause na ang kotse ko.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at umikot ako sa likod ng bahay at doon tinungo ang dirt path papunta sa manggahan kung saan malapit lang doon ang bahay ni Devin.

Ngunit galing doon, hindi ko na alam kung alin ang dapat tatahakin. Sigurado akong hindi sa east part dahil papuntang ilog 'yon, so I'm torn between going north and west.

Nabanggit niya kahapon na malapit ang bahay niya sa isang adandunadong bahay. That's on the west part kaya nilakad ko ang direksyon na iyon. Dito mas marami nang mga puno kesa ang papunta sa ilog.

Ang sikat ng araw ay natatabunan ng mga nagkakapalan na mga puno  sa iba-ibang klase. Sa gitna ng ingay galing sa kapliya ay may narinig din akong kaliskis ng mga dahon at sanga.

Hinanap ng tenga ko ang ingay at doon natagpuan ko si Devin sa taas ng puno ng niyog, kumukuha ng bunga at binagsak sa lupa na nag-likha ng kalabog.

Pinapanood ko siyang maingat na bumababa. At sa pag-iingat na 'yon, nagawang mag-flex ng hulmado niyang biceps na kumikislap sa pawis. Umigting din ito na nagpa-palitaw sa crooked na mga bakas ng ugat sa kanyang braso.

May nakasabit na puting shirt sa kanyang baywang na pumapaypay sa pwetan niya sa bawat hakbang pababa sa puno.

His semi-tight ripped jeans created a curve right on his butt. Kita ko na naman ang mamahaling brand ng brief niya sa sumisilip na garter sa kanyang pants.

Bahagya siyang tumalon sa kanyang pagbaba. Hinila niya ang kanyang jeans sa tuhod na part bago siya umupo at inabot ang binagsak niyang bunga. Sunod niyang kinuha ang itak at tinigbas ang niyog.

Ang hot niyang mag-sibak. Ang hot niyang humawak ng itak. Kahit sinong makakakita ay hindi matatakot imbes ay mas mamamangha pa sa kanya.

If he was a killer, and he would hold a bolo like that, topless and sweating? Hindi na ako magtataka kung may willing mamatay sa mga kamay niya. It would be an honor to be killed by him probably.

Mukha siyang galit habang sinisibak ang niyog. Lumuwang lang ang mukha niya nang inangat niya ito sa kanyang bibig upang sipsipin ang katas. Is that his breakfast?

Sa pag-angat ng kanayng ulo ay doon niya ako nakita na nakamasid lang sa kanya.

Mabilis niyang binaba ang niyog at pinunasan ang bibig sa likod ng kanyang kamay. Kinunutan niya ako ng noo na para bang hindi siya makapaniwala sa nakikita ngayon. Like, for him I was an apparition. Kinusot niya ang mga mata niya at pinilig ang ulo.

"Savannah?" Ang tono niya'y hindi sigurado.

Humakbang ako papalapit. Tumayo siya na may pagtataka pa ring nakatatak sa kanyang mukha, mukha siyang naalimpungatan. Pinasidahan niya ako at agad binagsak ang hawak niyang itak.

Kahit hindi ako nangati ay kinakamot ko ang leeg ko. Hindi ako makatingin sa kanya. Nakalahad pa naman ang hulmado niyang katawan sa harap ko? Sino bang makakapag-isip ng maayos niyan? Anong matinong salita ang maiisip mo?

"Ah...actually hinahanap ko ang bahay mo," naiilang kong ani, sa paa ko ako nakatingin at dinudungaw ang pula kong manicure.

Binilang ko pa ang mga daliri ko sa paa kahit alam ko namang sampu lahat ang total nito. Asa pa ako lalagpas o kukulang ng sampu.

Umadjust siya ng tayo, kinukuha ang buong timbang sa kaliwang paa. "Bakit?"

"Sira ang kotse ko," agaran kong sabi.

"At ako ang una mong naisip?" Pumaligid ang kaaliwan sa tanong niya, isang patunay ang narinig kong ngisi mula sa kanya.

"Hindi. Nagtanong lang ako tapos ikaw ang binanggit ng pinagtanungan ko." Namimilosopo ang aking tono.

Malutong ang mahina niyang tawa. Nakayuko ako ngunit nagawa ko pa ring pansinin ang umaalog din niyang balikat at dibdib sa tawa niya. Sumali ang dolphin niyang pendant.

"Magbibihis lang ako. Tara sa bahay."

Nag-angat na ako ng tingin. Sumakit pa ang batok ko sa matagalang pag-yuko. "Pwede namang 'yan lang ang suot mo."

He smirked. "Ano bang suot ko?"

Tinignan niya ang sarili at bahagyang tinaas ang mga kamay, parang pose ng estatwa sa UP.

" 'Yang shirt." Turo ko sa nakapalibot sa kanyang baywang.

"Eto?"

Tinanggal niya ang shirt sa baywang at hinarap sa' kin. May butas ito sa mga manggas at pati na sa tiyan na parte at likod.

Anong silbi niyan at nilagay niya sa baywang kung hindi rin naman niya isusuot? Fashion?

"Okay lang naman kahit topless ka lang."

Huli na bago ko pa mapag-isipan ang sinabi ko. Nag-iimbita ng panunuya ang aking sinabi na siyang pinaunlakan niya ng tawa.

"I don't want to make you feel uncomfortable."

Oh shut up, Devin. You already do.

Kinuha niya ang dalawang niyog, hinawakan niya ang isa sa sanga nito kasama ang itak saka lumakad. Sinundan ko siya at natunghayan na naman ang kanyang likod na 'di ko mapigilang purihin sa bawat dapo ng mga mata ko roon.

Hindi tulad ng bahay ni lola ay walang hagdan ang bahay ni Devin. Sa kanya lang ba talaga ito o sa pamilya niya? It looks like a cabin, I mean it is really a cabin, like the Cabin in the Woods movie na hindi ko tinapos dahil may pagka-horror. 

Matitibay na kahoy na kulay mahogany  ang bumubuo sa sahig. Walang appliances maliban sa radio at isang sofa at bangko na gawa sa kawayan. Wala siyang dining area pero may lutuan. It's studio type kung titignan ko sa modernong paraan.

Ang tanging modern lang dito ay ang mga sliding glass windows na tinted.

Tatlong pinto lang ang nabilang ko kabilang na ang nasa likod ko ngayon. I'm sure cr ang isa at kuwarto niya ang pintong pinasukan niya.

He traded his life in a foreign country for a simple living like this. For whatever reason, I'm sure it's more serious than my next to nothing reason of staying away from the city. Ganoon nga siguro siya nangangailangan ng kalayaan na pati ang mga oportunidad doon na kinakapa ng mga mamamayan dito ay tinalikuran niya.

Hindi lang siya nag-bihis, paglabas niya agad sumabog ang bango ng shampoo at sabon. Tinuyo niya ang buhok sa pagkuskos nito sa tuwalya bago ito sinampay sa likod ng kawayang bangko.

Katulad ko ay hindi rin siya mahilig mag-suklay ng buhok pagkatapos maligo.

Una akong lumabas, pero ang tanong mula sa loob ng bahay ay dinala ko sa 'kin. Wala man lang siyang niisang family picture. Kahit picture niya wala. Mas nakaambag lang ito sa pagtataka ko.

His resources are limited. Kaya siguro siya palaging nasa labas dahil boring dito sa bahay niya.

Binanggit ko sa kanya ang naging problema sa kotse habang tinatahak ang daan pabalik sa bahay. Nilahad niya ang kamay pagkarating namin at binigay ko sa kanya ang susi. Pinindot niya ito at tulad kanina, hindi ito gumana.

Sinubukan niya rin sa lock ng pinto. Binalik niya sa 'kin ang susi at nagtungo siya sa harap ng kotse.

Binuksan niya ang hood, kinabit ang stand saka sumilip sa loob. Naghahangad talaga ng atensyon ang kanyang braso at balikat lalo na kapag nabibinat ito dahil sa pag-puwersa.

Pansin ko rin na kung hindi siya topless, kinulang naman sa tela ang mga suot niya katulad nalang ng muscle shirt niya ngayon na may maliit na butas sa bandang balikat at baba ng kilikili na parte.

Mapanuri siyang sumisilip sa makina saka siya may kinakalikot sa mga parte. Instinct na ang nag-sabi na kailangan niya ng pampunas dahil sa paghahanap ng mga mata niya habang kinukuskos ang nadungisan niyang mga daliri.

Kumuha ako ng tela sa garahe at inabot sa kanya.

Pinunasan niya ang kamay saka may kinalikot ulit. "Ilang araw mo na 'tong hindi pinaandar?"

Binilang ko sa isip ang mga araw. "Four days."

Pinagpag niya ang kamay habang unti-unti niya akong hinaharap.

"Sa baterya 'to.  Dapat kasi araw-araw paandarin. Nagse-self discharge ang baterya kapag hindi ginagamit ang kotse kaya namamatay."

"Baligtad yata?" komento ko.

Nagkibit balikat siya at umaasa ang mukha akong hinarap. Tinukod niya ang kamay sa kotse.

He's aware that he's staring at me blatantly, pero wala siyang pakialam. Sinampal ko ang aking paningin sa makina habang nag-iisip ng sasabihin.

"So...saan ako kukuha ng battery? Di ba mahal 'yon?"

Nakikita ko sa isang commercial ang laki ng baterya. Feel ko lang talaga mahal.

"Hindi naman siya kailangang palitan, icha-charge lang. Hindi aabot ng isang daan ang bayad. Kaso, kung pagkatapos i-charge ay hindi pa rin aandar," isang beses niyang tinapik ang kotse. "Then bibili ka talaga ng bagong baterya. 'Yun ang mahal. Abot ng libo."

Pinaglalaruan ng ngipin ko ang ilalaim ng aking pisngi habang kampante kong iniisip na hindi na kailangan palitan ng battery ang kotse ko. Wala namang dahilan upang masira siya. Aktibo pa 'to last week. Nanghina lang talaga dahil hindi pinaandar ng ilang araw kaya malakas ang pakiramdam ko na masasalba pa siya sa pagcha-charge.

"Kaso hindi sila open ng linggo. So bukas pa ito maaayos," dagdag niyang pahayag.

Binaba niya na ang stand at sinara ang hood. Muli siyang nagpunas ng kamay sa tela at umupo sa hood ng kotse.

"Magkano ang singil mo?" tanong ko habang kinakalkula ang laman ng wallet ko. Sana okay lang sa kanya ang five hundred.

Makahulugan niya akong tinignan. Ang pigil niyang ngiti ay binalutan ng aliw na lumawak hanggang sa kislap ng mga mata niya.

"Kung gusto mo libre na lang yung serbisyo ko. 'Yun ay..." umalis siya sa pagkakaupo at mabagal akong nilapitan, "kung libre ka."

Nanliit ang mga mata ko. "Are u asking me out?"

Peke siyang nagulat at ilang beses kumurap. "Am I? Wala akong sinabi."

Motherfucking pre-law.

"Paano kung hindi ako libre bukas?" Humalukiphip ako.

"Hihintayin ko kung kailan ka libre," kampante niyang tugon.

"Babayaran nalang kita," saad ko.

Hindi nagbago ang aliw niyang tingin. Kinagat niya ang ibabang labi na nagpapula pa ng husto nito.  "Hindi ako tumatanggap ng pera."

Bumaling ako sa ibang direksyon at bumuntong hininga. Nag-iisip ako ng paraan upang makawala. Bad news is about to happen. Devin is bad news!

"What do you want?" matiyaga kong untag.

"Your availability," aniya.

"What do you want from my availability?"

Kunwari siyang nag-isip; Tumingin siya sa taas habang bahagyang nakanguso ang labi. "Gala...pasyal...hang-out..."

"Then you're asking me out." I concluded.

Mabilis bumaba ang tingin niya sa 'kin. May kislap ulit 'yon ng panunuya lalo na nang kumurba ang pigil niyang ngiti. "No. I'm insinuating for us to hang out. I'm not asking you."

"Free ako bukas ng hapon after ng shift ko ," pagsuko ko. Hindi kami matatapos kung patuloy akong tatanggi.

Isang magandang balita 'yon sa kanya na para bang nasalba ang korupsyon sa Pilipinas sa lawak ng kanyang ngisi. Nagdiwang ang kanyang dimples.

"Pursigido ka talaga noh?" akusa ko.

Humalakhak siya. "Sabi ko naman sa'yo tinatrabaho 'to. And I need the promotion so bad, Savannah." Nilapatan niya ng desperasyon ang kanyang tono.

"Wala kang resume." Sinabayan ko ang alon ng laro niya.

Kalahating hakbang ang kanyang ginawa na hindi ako tinatantanan ng titig. Nangatog ang mga tuhod ko, hindi ko magawang umatras.  "Do you need my educational background or relationship status? Coz I tell you, I am so single. If you need my relationship background report then fine, I'll pass it."

"Depende kung ano ang inaaplayan mo."

Mapaghanap ang mga mata niyang sinusuri ang aking mukha, parang kinikilatis kung may pimples ba ako which fortunately ay wala.

"First thing in the morning tomorrow." Kumindat siya.

I have a vague idea behind his cryptic statement. Isa lang ang malinaw sa 'kin at 'yon ay magkikita na naman kami bukas.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro