Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

E P I L O G U E

Makikita ang sukdulang kasamaan ng isang tao dahil kahit gaano pa kababaw ang rason ng paggawa nila ng karahasan, kaya pa rin nilang kumitil ng buhay makuha lang ang nais nila.

I've proven how my grandfather is a spawn of satan. And I'm not proud of it. I'm not proud to be part of this family. 

If I have to say something about them, well I'll make sure that there's something to say that I should be proud of.  But they're criminals. They're vile. Maliban lang kay momma, siya lang ang tanging kakampi ko sa pamilya namin.

"I want out of this family. Takasan na natin sila, Ma. We have no freedom here. Para tayong mga preso! What they make us do is inhumane!"

Isinigaw ko ang aking saloobin. Pabalik-balik ang lakad ko rito sa kwarto. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang puti nitong pintura at manipis na kurtina na nagmistulang ball gown ang disenyo.

Sa labas kitang-kita ang malawak na lawn at ang mahabang daan na nag-uugnay sa pinto ng mansiyon at sa higanteng gate.

The pristine landscapes, high ceiling interior, wide space rooms... animo'y pwede ka nang maglaro ng golf. Kahit sino ay papangarapin ang ganitong buhay. Pero ako? Gusto ko itong takasan at itakwil.

Tumayo si mom at tinabihan ako rito sa may bintana. "Hindi ka nila papayagang umalis kung hindi mo sila susundin."

"Ano ba kasing ang meron sa lupang iyon?" naiinis kong tanong. " Lupa lang iyon! Marami naman silang nabili!"

"Matagal na 'yong pinamamatyagan ng lolo mo. Nagandahan siya sa lugar, it's perfect for his furtive endeavours. Hindi naman kasi madaling mahahalata because it's seems a remote place to exploit their businesses."

Dumoble pa ang inis ko sa dahilan nila. "Iyon lang? How shallow could he be? Pati si dad sinang-ayunan 'to?"

Nanatili ang paningin niya sa labas at hindi na nagsalita pa. Her silence is indeed  the answer that yes, my father is my grandfather's wingman. Apprentice. Coadjutor or whatever the fuck you call it. Sigmund had them married because he can use my father as his aide.

I've seen love in other people. I've seen love in friends, neighborhoods, pets...I've seen love in them but me. Not in this house. Not in my parents. Not within me.

Naniniwala ako sa pag-ibig sa ibang tao lang nangyayari. Pero hindi ako naniniwalang para ito sa 'kin. Pamilya ko pa lang wala nang makikitaan ng pagmamahal. So, love is a lie for me.

"Hindi ko maintindhan kung bakit ako, ma. Bakit hindi ibang apo niya ang pahirapan niya?"

"Nagawa na niya 'yon Devin. Kaya nga wala dito ang pinsan mo,  di ba? Kami lang ng tito Guillermo mo ang magkapatid, ngayong wala na siya, tayo ang pinupuwersa niya. At isa pa, malapit ka sa mga Palomarez."

Dapat ko bang pagsisihan na malapit ako sa tanging tinuturing kong mga kaibigan? Pamilya? I don't want to but right now I wish I shouldn't have been too friendly with them kung iyon lang naman pala ang magiging tulay upang ipagawa sa 'kin ito ng lolo ko.

They're making me one of them and I abhor that big time. Doon pa lang, napag-desisyunan ko nang itakwil ang buhay na 'to. Itakwil sila maliban kay mom.

If they're gonna disown me back, then I don't give a flying fuck! I don't need a family like them. I only have my mother right now.

"I'll make them believe I'll do it. Babalik ako roon," I decided.

"Devin anak, mapapahamak ka sa gagawin mo," nag-aalala niyang sabi, desperado niyang hinawakn ang balikat ko.

"Bahala na, basta aalis ako rito." Nilingon ko siya. "Ikaw? Come with me mom, please. Hanapin mo ang anak ni tito Guillermo."

I have a cousin that my lolo wanted dead as a baby. Hindi ko kayang sikmurain nang malaman ko ang tungkol doon. If he wanted her dead as a baby, how much more kung ako? Siguro kaya niya rin akong ipapatay!

Fuck my life.

Kaya iniwan ko ang buhay na kinagisnan. I left my friends. I left my luxuries.  I left the mansion. Binalak kong paniwalain sila na gagawin ko ang pagtraydor sa mga Palomarez. Madadamay ang mga kaibigan ko.

Magpapanggap lang naman ako para makawala na ako sa presong mansiyon na'to. Wala nang kaso sa'kin ang maghirap basta maging malaya lang ako. Malayo sa buhay ko rito.

I abandoned my law dreams. Bakit pa ako maglo-law? May kriminal akong lolo! Aasahan nilang papanigan ko ang pamilya ko kung makaka-enkwentro ng hustisya.

I want to pursue law because I want justice for the truth, not give justice to the liars. To the criminals.  I'd be a hypocrite pursuing law to think I came from a family of illicit-doers.

"Patingin ako nitong photo album la Neng." Bago pa siya makasagot ay kumuha na ako ng isang album.

"O sige iho, matatagalan pa yata tong niluluto ko. Mamahinga ka muna diyan."

Simula nang makarating ako rito ay dumadalas na ang aking pagpunta rito sa bahay ni lola Nenita. Malaki ang utang na loob ko sa matanda dahil pumayag siyang patayuan ko ng bahay ang isang parte ng lupa niya, na pilit kinukuha ni Sigmund.

At simula nang umalis ako sa mansiyon, kinalimutan ko na ang lahat ang naiwan ko roon. My very first step in this land, I decided that I'm already a new person. I'm a free Devin with a peace of mind.

Pinunasan ko sa manggas ng aking shirt ang tumulong pawis sa gilid ng aking mukha habang binubuklat ang photo album. Kakagaling ko lang sa pagbubungkal ng lupa upang itanim ang mga orchids ni lola Neng.

Ngiti kong pinagmamasdan ang family pictures nila. I see love in this family, a kind of love that I was being deprived from having.

Sunod kong binuklat ang pahina at nakita ang picture ng dalawang babaeng magkaakbay. Mestisahin ang isa, mamula-mula ang pisngi. Ang mas matangkad ay may pagka-koreana.

They're pretty young. I think they were still in highschool. They're in their Santa Claus costumes in a skirt so I think Christmas party itong dinaluhan nila.

"Ang gaganda ng mga apo ko noh?"

Naglapag ng juice si lola Neng saka tumungo sa gilid ko.

"Magkapatid?" turo ko sa dalawang babae sa litrato.

"Magpinsan. Kapatid ni Euan 'to." Turo niya sa mestisahing babae.

Kumunot ang noo ko. Wala namang nabanggit si Euan na may kapatid siyang babae. Buong akala ko ay si Mozes lang dahil sila lang ang bumibisita rito sa tuwing narito rin ako.

"Eto, makikita mo ang pagkakahawig nila dahil bagong kuha lang..."

Siya ang nag-flip ng album at bumungad sa sumunod na pahina ang nag-iisang litrato ng babaeng nakapulang strapless jumpsuit. With a heart-shaped neckline.

Nasa baywang niya ang isang kamay at nasa harap ang isang paa, sinadya niyang mag-pose. Sa background ay puno ng mga haligi so I think she's in a sort of hotel or convention center.

Unang dumapo ang mata ko sa hati sa gitna ng kanyang dibdib. That's one fine cleavage right there. Effortless! Damn, she's gifted. And her tiny waist.

That neat-hourglass curve of her body. Fucking kill me now.

Napalunok ako at binalik ang tingin sa maganda niyang mukha. Her semi-thin lips painted in love red lipstick. Light brown beach waves framing that pretty face is to die for. Nagpapatingkad ito sa kutis niya. She's got high cheekbones, too.  She's an effin' Aphrodite.

"Acquaintance party nila 'yan noong college..." ani ni lola Neng habang bumabalik sa kusina.

Hinintay ko siyang tuluyang maglaho sa kusina bago ko binalikan ang picture at gawin ang balak ko.

Dali-dali kong kinuha ang litrato sa pahina saka ibinulsa. Tinapik ko pa ang bulsa ko, like I was trying to calm down  the photo inside it. 

What am I going to do with it? I don't know. Maybe keep it in a frame? Put it under my pillow? What the fuck, Devin?

Pumalaot kami isang hapon dahil napakyaw lahat ng tinda kong isda sa palengke. Pinaghatian pa namin nina Ivor at West ang kita dahil kami ang nangisda kaninang umaga.

Nabigla ako sa narinig na mga hiyawan ng pangalan ko. Isang barko na inookupahan ng mga nag-snorkeling.  Laking tuwa ko nang makita kung sino ang mga sakay roon.

"Yow motha'fuckers!" Nakihiyaw na rin ako at kumaway sa kanila. And I danced. Damn it! It's been a long time!

"Ilapit niyo po..." ani ko sa papa ni West.

Sa sobrang saya ko kulang nalang tumalon ako sa dagat at languyin ang distansya nila. Kapag bumibisita ako rito noong bata pa ako, mga dalawang linggo lang yata ang itatagal ko dahil kailangang bumalik agad sa Cali for school.

It feels like feeling the high seeing my friends again kaya sinabuyan ko sila ng tubig. Ang dalawang babaeng nasa unahan ay napaatras sa ginawa ko. They look familiar to me.

Kinuha ang atensyon ko ng babaeng kulang na lang ay durugin ang kanyang cellphone.

Come on pretty girl, what made you react like that? Kung sino man ang nakapagpa-react sa 'yo ng ganyan, I would surely do the opposite, babe.

Her light brown hair in natural beach waves covered her sun-kissed shoulders.  Inisang suklay 'yon ng daliri niya habang halos dinudurog ng isa niyang kamay ang screen ng kanyang cellphone.

"May boyfriend na 'to. Kapatid ko 'to!" deklara ni Euan.

Fuck. Siya 'yon? Gusto kong batuhin ng huli kong isda si Euan. Tangina!

But hey, boyfriend? Ha! Boyfriend lang naman pala. Maghihiwalay din iyan!

I stared at her. Bumaba ang tingin ko sa dibdib niya. Napalunok ako. Gifted. Sobra. Hindi man siya masyadong katangkaran katulad ng mga nakarelasyon ko noon, walang wala naman sila sa dibdib ng babaeng 'to.

Tingin sa taas Devin! Tingin sa mukha, maganda siya kaya sa mukha ka tumingin. Walang mukha ang dibdib niya. Bilog lang 'yan!

But she's wearing a fucking bikini top! Anong inasahan sa lalake kapag nakakita ng ganito? Siyempre hahanga. This is art! Kailangan kong makipag shake hands sa mga magulang niya dahil sa paglikha nila sa kanya.

And that hair. Mamamatay sa inggit ang mga ex-girlfriends ko sa buhok niya. Her hair is fucking goals!

That cleavage though. Physically, una akong naa-attract sa buhok talaga, pangalawa na 'yong boobs. She has the whole package! And I'm a goner.

That red lady in the picture came to life at siya ito ngayong naka short-shorts na halos gawin na itong panty! What the— I feel possessive seeing her like that. Ang namumula niyang mga binti at mukha...

Sumayaw pa ako kanina, at nakita niya 'yon! Shit! Nakaka turn-off ako!

Ngumisi ako nang makita ang gulat niya dahil sa pagtitig ko.

Why o why, babe? Not used to this kind of attention? Sa ganda mong 'yan dapat asahan mo nang may magkakaganito sa 'yo. I'm not an exception.

"Kahit pangalan na lang okay na!" Hindi ko siya tinatantanan ng tingin.

Bakit niya ako sinimangutan? What did I do? Does she like good boys? I don't count myself as one. I'm from a family of hoodlums so expected na hindi ako mabuting tao. But I didn't let that get me.

"Savannah pangalan niya!"

Masama pa rin ang tingin niya sa 'kin. What the fuck?

"Hi Savannah!"

Kinawayan  niya lang ako nang hindi tinitignan. Double what the fuck!

Didn't she know that I'm into hard-to-get girls? Easy girls are just so...easy. Boring. Ayaw ko ng mga babaeng nagkakagusto sa 'kin. Gusto ko ako ang maghahabol sa kanila. 

Savannah...

From the moment I found her gaze, she already got me even by a yard's distance, separated by the waves, held by the boats. Mine was from a fisherman, hers was from my friends.

And I've just said that I don't believe in love for myself. I guess I'm open to changes. A monumental change. Life altering. World-stopping.

"Tsk, ang itim ko na." pinasidahan ko ang mga braso ko. Hinaplos ko ang aking mukha at tinignan ang sarili sa salamin rito sa public cr ng La Casa.

Baka hindi type ni Savannah ang maitim. Ang puti kasi niya. It's like...ako ang kape, siya ang creamer.

Tumawa si West saka lumabas sa cubicle. "Hindi naman. Ganda nga ng kutis mo, pwede ka nang pang-cover sa mga pocketbooks."

Tawa ako't napailing. Hinilamos ko ang mainit kong mukha. Kakagaling lang namin sa pagtulong kay Sir Fred dahil kinulang sila ng reef ranger.

" Kita mo iyong apo ni mamang Nenita? Ganda noh? Kaso hindi namamansin. Garbosa," nakangusong sabi ni West.

Tahimik akong nagdiwang sa sinabi niya. 'Yan ang gusto ko sa babae, hindi namamansin ng iba, para sa 'kin lang iyong atensyon. And I am working on getting her attention. I've been working on getting her to smile at me even once!

Para kasing ang mahal ng ngiti niya. Magkano kaya? Kahit milyones pa ang halaga niyan babayaran ko ako lang maging dahilan ng ngiti niya. Lalo na ang pamumula ng kanyang pisngi.

"Hindi ka lang talaga pansinin, West," pang-aasar ko.

Sinubukan niya akong tadyakan pero hindi niya nagawa dahil ang pilay niyang paa ang ginamit niya.

"Ano ba 'yan Ivor, tama na nga iyan! Wala pa doon si Pristine kaya mag-calm down ka lang diyan!"

Ang sama sama na nang tingin sa 'min ni Ivor na nakaharang sa pintuan.

"Bilisan niyo kasi!" inis niyang asik.

Kailangan pa ba hindi naiinis iyang si Ivor? Kada kita mo parang ang bigat ng problema sa mundo. Marami namang nagkakagusto. Pero magpakita lang si Pristine sa harap niya nagigiba na ang tulay ng mga kilay niya. Talo pa ang aso sa pagiging maamo sa tuwing nanghihingi ng buto.

"Para kayong mga ano eh!  Baka nandoon na iyon, pinagpipiyestahan ng mga gago sa tindahan ni nana Soledad!" patuloy niya.

"Babae iyon Ivor, mabagal silang kumilos. Nagbibihis pa iyon panigurado," sabi ko, pinasidahan ang buhok ng basa kong kamay.

Based from my experience, sasabihin nilang papunta na sila. Papunta saan? Sa banyo? Maliligo pa pala kung akala mo'y kung saang sakayan na papunta.

Si Savannah kaya ganoon din? Wala namang kaso sa 'kin ang natural nilang kabagalan ng kilos tuwing nag-aayos. They're girls. Hindi na mababago ang kung ano ang normal at natural sa kanila.

Katulad lang din kung ano ang perception nila sa mga lalake. Na ganito kasi kami, ganyan at iba pang mga pinaparatang nila. There will always be stereotyping. 

She's tiny. I'm 6'½ . Hanggang dibdib ko lang yata siya. Well that's fine with me, she can directly kiss my chest especially at the side where my heart is.

Haayy...napapadaing ako sa sarap imaginin ko lang iyon.

Dinungaw ko ang umbok sa pantalon ko. Seriously, Devin? Wala pa namang malamig na tubig ngayon dahil sa init ng panahon. Tiisin mo iyan!

"Tara na Devin! Magsisimba pa 'tong si Ivor sa poon niyang si Pristine!" Tawag ni West mula sa labas. "Magpapa-rosaryo pa 'to para sa kanya."

Napalunok ako habang nakatingin pa rin sa 'king pantalon. Tangina, ba't ngayon pa?!

"Mauna na kayo! Susunod ako." Deep breaths. Kapit na kapit ako sa dulo ng sink. Should I blame you for this, Savannah?

"Hintayin ka na namin—"

"Huwag na nga! Mauna na kayo!"

Kainis. Hindi naman kami mga babae upang maghintayan sa kasamahan nilang nagbabanyo.

Rinig ko ang pagmamadaling giya ni Ivor kay West na mauna na sila. Ngayon ko ipinagpasalamat ang pagmamadali niyang makita si Pristine. Ililibre ko nga siya mamaya.

Ngunit hindi iyon natuloy dahil sa inis ko. Nalaman ko ang dahilan ng hagikhikan nila Savannah at nagbago ang isip kong ilibre si Ivor.

Ang likot nila ng pinsan niya sa tabi ko.

"Si Ivor ba? Huwag ka na diyan." Inis kong kinamot ang aking buhok.

Hindi naman siya pinapansin ni Ivor pero kung mamula ang pisngi nitong si Savannnah eh wagas.

"Hindi ikaw ang unang nagsabi sa 'kin niyan. Ano naman kasing mali kung humahanga ako sa tao? Hindi naman ako mag-aalok ng kasal sa kanya," mataray niyang sagot.

Paghanga mo lang sa kanya Sav, mali na para sa 'kin. Nandito ako! Katabi mo na! Maghahanap ka pa ba ng iba? Handa akong ialay sarili ko sa 'yo kung alam mo lang.

"Masasaktan ka lang, hindi ka niya matitipuhan," giit ko.

Ipapamukha ko sa 'yo iyan, Sav. Never ever ka niyang magugustuhan dahil isa lang ang maganda sa paningin niya!

"Hindi ako nag-expect na matitipuhan niya ako," ganting sagot niya.

"Dapat lang."

Si Ivor na ang guwapo. Tatanggapin ko pa na lahat ng babae magkakagusto sa kanya. Sobrang tanggap ko iyon! Pakasalan at anakan na niya lahat ng babae dito huwag lang si Savannah. Isa lang naman hinihingi ko. Iyon lang!

Inaamin at tinatanggap ko na sa sarili ko ang pagkagusto ko sa kanya. Una pa lang! Hindi ko pinipigilan. Maliban sa hindi ko kaya, hindi ko rin naman sinubukang pigilan. Bakit pa?

Despite of what Sigmund made me do to her grandmother, hindi ko ito ginagawang dahilan upang pigilan ang pagkagusto ko. Nandito na eh. Nakatanim na. Wala nang paraan pa upang maialis ang ugat ng damdamin.

My feelings for her is already a part of my bloodstream. It's crazy! I'm just so mad about her.

It's like, this is meant to happen so might as well accept it. That's life. You just have to go to the flow. Swim where the current would take you and from the moment I saw her that one fine afternoon, the current brought me to her. And I let myself float my way to her.

"Devs, si Astrid o? Hindi mo ba talaga siya niligawan?" tanong ni Greg isang araw. Tinatanaw namin sina Astrid at mga kaibigan niyang naliligo sa ilog.

Matalim ko siyang tinignan. Anong gusto niya, ligawan ko si Astrid para kanya si Savannah? Fuck, no!

Astrid is just a friend. Oo, habulin siya pero hindi ako isa sa mga taong maghahabol sa kanya. May pinaglalaanan na 'tong mga paa ko kung sino ang nais nitong habulin and it's never going to be Astrid, or any other girls.

Wala akong balak alamin kung kailan lumala ang kakaibang pakiramdam na ito kay Sav.That strange feeling where I thought would never happen to me. Maybe during our river cruise. Or maybe before that. Maybe that first time she laughed with me.

"Devin, it's been a month. I'm just reminding you in case you forget." That's Sigmund calling.

How can I forget? Mas madaling matandaan ang maling nagawa ng isang tao kesa sa kabutihan nila. Kahit anong pagkakamali, mapupuna na. How much more if it's more than one mistake? Sin, to be exact.  Mas mahirap kalimutan iyon.

My grandfather has done an awful lot of nefarious deeds na pati sarili niyang kadugo ay kaya niyang ipahamak. It's like his way of life. A rite of passage.

Kung ang Diyos may sugo, may pinadala rin ang demonyo.

Sa iba, kinukumusta sila ng mga lolo nila. How are you? How's school? Anong gusto mong regalo sa Pasko?

Sa akin? Ito. He's checking if I have done the crime. No how are you's and I love you's 'cause like I said, I didn't grow up being basked in those enamored sentiments.

"Patayin mo na ako, pero hindi ko tatraydurin ang mga kaibigan ko, at ang  pamilya nila. Si Savannah..." Mahina ang sambit ko sa huling salita.

"You're falling for the grandchild, Devin?" rinig ko ang panunuya sa kanyang tono. "Sige, gamitin mo ang pag-ibig mo na 'yan. Use it to get the land."

Tumayo ako. Hindi ako mapakali sa tawag na'to. Isang rinig ko lang sa boses niya ay umiikot na sa pagkadisgusto ang nararamdaman ko. Para lang akong nakikipag direct call sa demonyo. Straight from hell!  I could feel the ground shaking by just merely thinking about it.

"Bakit ba?Ano bang meron sa lupang 'yan at hayok na hayok kayo? Lupa lang 'yan! Hindi mo madadala 'yan sa pagkamatay mo!" sigaw ko.

"Baka gusto mong mauna, Devin? Alam mo ang kaya kong gawin."

"You do it, then." Matigas kong hamon. "Because I won't.  I'm not a murderer."

"I need people to do it for me and I chose you. You're a good liar, Devin, use that as your tool."

Fuck! You're a tool, old man.

"Kung hindi ko gagawin, anong mangyayari sa 'kin?" Walang takot kong tanong.

Nakakapanindig balahibo ang tawa niya. 

"Oh! I think alam mo na. Do I have to verbalize it word by word?"

Hindi ko mapigilang manginig sa galit. Masama na kung masama pero...

"I hope you die. I really do." Pikit mata kong sabi, nanggigigil, para ko itong taimtim na dinadasal sa Diyos.

I'm disgusted by my own blood. Ikinahihiya ko ang pagkakaroon ng dugong Bolivar.

Hinagis ko ang cellphone. Hindi sapat ang nakikita kong pagkabasag nito upang maibsan ang bigat ng pakiramdam ko. No. Hindi ko tatraydurin ang pamilya ng mga kaibigan ko. Not Savannah...

And he want this piece of land just to grow weed? Who in their right mind who's hell-bent to kill the owner of the land just to plant a fucking weed?!

Son of a bitch!

I'm with Savannah. It was all perfect for me. Baka sa isang taon mag-aalok na ako ng kasal sa kanya. Yes. I'm that addicted. It's like taking my own dose of weed. That's legal in some parts in Cali. Dito, it may be illegal, but Savannah's my own stack of high.

Does that mean...Savannah is illegal? I don't think so. She's the only legal among all the sets of highs.

Hanggang sa dumating ang magkasunod na masamang balita. I'm reminded by my life in Cali. Everything here is like...a place full of rainbows. Pero isang paalala lang sa nakaraang buhay ko'y animo'y binubugbog ako ng unos.

"Pare, ano? Magsalita ka naman! Ginawa mo ba iyon kay Pristine? Tutulungan ka namin sa kaso mo," giit ko kay Ivor na parang wala lang sa kanya ang pagkakakulong. Rehas ang naghihiwalay sa amin.

Walang emosyon siyang nakaupo sa sulok ng kulungan. Nakabalot ang mga braso sa tuhod at hindi ako tinitignan.

"Kung sasabihin kong oo, matutulungan mo pa rin ba ako?"

"Totoo ba? Ginawa mo ba talaga?" usisa ko. Malakas ang paniniwala kong hindi.

"Kung kailangan nila ng hustisya para sa kanya handa akong magpakulong, Devin, Gagawin ko."

"Tanginang pag-ibig 'yan, Ivor!" Hinampas ko ang rehas. Inignora ko ang pag-sita sa 'kin ng pulis. " Iyong totoo ang kailangan natin dito!"

"Huwag ka nang mag-abala. Salamat."

"Naniniwala pa rin akong hindi mo ginawa iyon," giit ko.

Pero wala 'yan sa paniniwala. Ang kailangan ng kalahatan ay ang pinaka-katotohanan, hindi paniniwala lang. May ebidensiya, doon sila pumapanig. Kahit peke 'yan, basta't yan ang ilalabas., hustisya na para sa kanila.

"Devs, nagkagulo sa bahay nina mamang Nenita. 'Yong lola ng syota mo!" balita sa 'kin ni West, hinahaplos niya ang pilay ng paa niya. Paniguradong tinakbo nito ang presinto.

"Bakit? Anong nangyari?"

"Dinala sa ospital 'yong matanda. Iyak nang iyak si Sav. Hindi na raw kasi gumigising."

Sa bahay ako unang nagtungo imbes na sa ospital na pinagdalhan kay la Nenita. Hindi ko yata kayang harapin ang pamilya nila lalo na 't malakas ang pakiramdam kong may kinalaman siya rito.

"What did you do?"  bungad kong tanong. Ako ang unang tumawag sa kanya.

"What are you talking about, Devin?" maang-maangan niya. Humigpit ang hawak ko sa bagong cellphone na binili ko.

"She's dead, just like the way you want it."

"Oh! So mas pagkakatiwalaan pa pala ang inutusan ko kesa sa'yo.You're a worthless pile to me now."

"I am your grandson." Nanginginig sa galit ang aking boses. How can he do this to us? To them? To everyone?

"Magkadugo lang tayo, pero wala ka nang silbi sa 'kin. Tinakwil mo na rin naman kami bilang pamilya mo, hindi ba? Ama mo lang ang pamamanahan ko. Ikaw na ang bahala kung paano ka mabuhay."

"Nang dahil lang sa lupa? Ganon kababaw ang kaligayahan mo? Lupa lang?"

"I need that piece of land. May paggagamitan ako and it's not your business anymore on what it's all about."

He seemed relaxed and happy. Happy for what he's done. He's attaining victory for other people's mourning.

"Demonyo ka." That's an understatement of the year.

"You don't have to remind me."

Panig ako sa katotohanan. Pero minsan nasusubok ang prinsipiyong iyon nang hindi inaasahan. Naglalaban ang katotohanan at kabutihang nais mong maidulot sa taong pinoprotektahan mo.

Pero sa sitwasyon ko, sarili ko ang aking pinoprotektahan. Protektahan ako sa sakit sa oras na malaman ni Savannah ang totoo. The argument between truth and beneficence. Doon pa lang, sira na ang prinsipyo ko. Sira na ang ipinaglalaban ko.

"Hello ma? You found her?"

Hinang-hina akong humilata sa kama pagkatapos ng tawag ko kay Sigmund. Atleast I need to hear some good news to compensate for the evil ones.

"She looks like her mother Irina!" Nahihimigan ko ang saya sa boses niya. She has finally found my long lost cousin. "Pero iba ang pagpapakilala ko sa kanya. I told her I'm her mother's sister. Mamaya ko na lang sasabihin sa kanya ang totoo. Do you think pwede ko siyang dalhin sa Germany?"

"Yeah, of course. Any place but here, ma. Nagkakagulo pa rito."

Sumuot ang kamay ko sa ilalim ng unan na hinihigaan ko kung saan ko itinago ang picture ni Savannah. Crazy as it seems but I keep this during my sleep. Pinagmamasdan ko ito habang pinapakinggan si mama.

"Why, what's wrong?" bumigat ang loob ko sa pag-aalala niya.  Mom's the most fragile being I've known.

"I can't tell you right now. Hopefully sa kasal ni kuya masasabi ko sa inyo. He's worse, mom. Tha both of them are becoming worse. Lola Nenita's just passed away and Sigmund...he's done it again."

Hindi ako makatulog sa ilang magkasunod na mga gabi. Ni hindi ko kayang pumunta sa lamay ni lola Nenita. Nagi-guilty ako, somehow konektado ako sa totoong gumawa nito sa kanya. I'm scared shitless.

Hindi ko kayang makatulog sa takot ko. I need Savannah's presence. Regardless of her snobbish nature, siya lang yata ang nakakapagpakalma sa 'kin kahit minsan ay nagbabayangan kami.

Our arguments are my kind of peace. I know, it's insane!

It's my truth. She's my truth. Somehow, I was able to grasp the truth around my head that love is indeed real. I feel it within me. With my heart.

Dumating ang kinakatakutan ko. She asked about my relationship with Sigmund. Ipinagtaka ko kung paano niya nalaman ang tungkol sa kanya.

"Kasal sila ni lola...matagal mo nang alam 'to, Devin?"

That, I didn't know. What the—

Marahas akong umiling, hindi ko talaga alam. Ano ang dapat kong ipakita na reaksyon upang kumbinsihin siyang wala akong alam sa sinasabi niya? I'm here knowing another reason but not the marriage she's talking about. Mas lalo akong nanggagalaiti kay Sigmund.

"...bakit ka umuwi?"

Umiling ako, hindi ako makatingin sa kanya. Kahit anong pagmamakaawa kong itigil ang pagtanong ay hindi niya ako susundin.

I'm asked to do the crime, Sav. But I didn't do it. Handa akong mamatay bilang parusa sa hindi ko pagsunod kay Sigmund pero bago pa mangyari iyon, sisiguraduhin kong mabibigyang hustisya ang pagkamatay ni lola Neng. I'm willing to testify against my satan spawned-grandfather. 

Bilang traydor niyang apo, tinuro ko ang isa sa mga rest house niya sa Maldives kung saan siya maaaring nagtatago. Nilibot na namin ang lahat ng maaari niyang pagtaguan. I know every bits and pieces of his hideouts.

Malas niya, naging apo niya ako.

And there he was arrested with multiple charges. With my father as his apprentice dahil sila ang magkasangga sa lahat ng illegal na mga bagay.

Umiyak si mom nang binalita ko ito sa kanya. I don't know if she's happy about it or sad for my father. Pero ako, I'm more on about being happy.

Dapat matakot ako sa tinging iginagawad ni Sigmund habang pinapanood ko siyang inaaresto, but my arrogant self possessed me. Ningitian ko siya. Sila ni dad.

Well, he's never been a father to me at all. Hindi ko tinutulad ang sarili ko sa kanila and that's one of the things that I'm proud of doing. Mom's proud of me too for not becoming like them.

Magkaharap kami ngayon. He's in his orange jumpsuit at nakaposas ang mga kamay niya. As a sign of old age, his hair is almost covered in white, even his stubble and eyebrow. Pero makikitaan mo pa rin siya ng lakas at katatagan sa paraan ng postura niya. I could still see the force of evil dancing all around him.

"Sign these papers and I'll ask them na babaan ang sentensiya mo. May isang kaso rin sa'yo sa tangkang pag demolish sa resort. In the original document, sa mga anak ni Nenita Palomarez nakapangalan ang resort at hindi sa kanya kaya masasampahan ka ng kaso sa pagpapagiba nito."

I rectified his mistakes. I gathered every original documents. Totoong kinasal nga siya kay lola Nenita but that seems to be invalid right now dahil wala na ang matanda.

At hindi ko hahayaang may magiging ugnayan sila. Paano na kami ni Savannah kung ganoon?

Nanatiling nakatitig si Sigmund. Yeah, I still call him Sigmund. I don't know how long before I'll call him granpa or lolo as a sign of my respect. May respeto pa rin naman ako sa matanda pero hindi kasing sidhi ng respeto ko kay lola Nenita na siyang tumatayo nang lola ko.

Nilapit ko ang aking mukha sa kanya, naghahamon sabay pihit ng mga papeles sa kanyang upang mapirmahan. Pormal kong nilatag ang ballpen sa tabi nito saka ako kalmadong sumandal sa backrest ng silya.

"Sign, or life imprisonment?" I'm laying here his options.

"Traydor ka, Devin. You son of a bitch." Halos hindi na niya mabuksan ang bibig niya sa galit. Sobrang diin ng bawat salita niya.

I didn't waste a sweat in not letting his words affect me. 

"Thanks. I motherfuckingly thank pre-law as my training for this. I've learned the basics," arogante kong sabi.

Hindi niya tinatanggal ang nakakamatay niyang tingin sa 'kin habang hinila sa kanya ang mga dokumento at binuksan ang takip ng ballpen.

Pinagsiklop ko ang aking mga kamay, tahimik na nagdidiwang sa nakikita kong pagpirma niya sa mga dokumento.

Nagsasaya ang kalooban ko animo'y pinapanood ang estudyante kong natutong magsulat sa unang pagkakataon.

I should prolly give him a grade for following my instruction. 

Walang emosyon niyang tinulak ang mga papeles sa 'kin. Pabagsak niyang nilapag ang ballpen. Kinuha ko iyon at malamyos na tinatapik ang dulo nito sa mesa bago sinilid sa envelope kasunod ang mga papeles.

Tumayo na ako. He's still killing me with his cold stare.

"By the way...tito Guillermo's daughter whom you wanted to be murdered before as a baby? Her name is Indira, and she's alive." Ningisihan ko siya. "Plot twist."

Tumalikod ako. Bago ako makalabas sa presinto ay naririnig ko ang pagwawala niya sa loob sa puntong  aatakihin na siya sa puso maya-maya lang. Hinagis niya ang bangko at rinig ko ang pag-pigil sa kanya ng mga pulis.

He cursed at me, spatting bad words of how I am such a fucking bastard.

Inayos ko ang kwelyo ng aking puting button downs, then I resumed walking, smiling on my out of the jail.

And two years later. I restored La Casa. Ibang –iba ito sa resort dati ng mga Palomarez. Mas pinalawak ko. I added more buildings and international cuisines sa restaurant. I hired the same people who used to work here, may iba rin namang nadagdag.

And it's not de Palomarez anymore.

"Ano, matagal pa ba kayo?" tanong ko kay Mozes habang kaharap ko ang kabuuan ng resort. Sa likod ko ay ang tanawin ng karagatan.

It's nighttime at pinailiwan ko ang mga series lights na nakakabit sa bawat palm trees. Sa loob ng restaurant ay lumilitaw ang karangyaan dahil sa ilaw. Kita ko mula rito ang paglalapag ni chef Paul ng mga pagkain sa mahabang mesa.

"Malapit na! Ang tagal kasing dumating ni ate kanina. Galing pang Maynila 'to, Finance manager na siya ngayon kaya hectic talaga schedule niya."

"Sinong mga kasama niyo?"

Tinutungo ko ang isang nakatayong sailboat sa gitnang parte ng resort. Pinaliligiran din ito ng series lights. This will always remind me of my river cruise with her kaya sinadya kong pagawan ng giant figure. The kids like it.

"Everyone!" Sandali siyang huminto dahil may kumausap pa sa kanya. Ang ingay nila sa kabilang linya.

I think theyre' congested in one car or van. Wala bang nag-motor sa kanila? May isa pang sumigaw dahil naiipit ang paa.

Kumabog ang dibdib ko, inasahang marinig ang boses ni Savannah.

"Wala si kuya, nag-attend ng kasal sa Bahamas, at iyong ibang nag-abroad wala rito. Kasali ba parents? Wala kasi sila eh, sabi ko hindi kasali oldies sa outing."

Bahagya akong tumawa. "Bilisan niyo."

"Demanding. Oo na!"

Binaba ko na ang tawag. So I guess I'll just wait here.

Tamad kong hinawi ang isang flag sa sailboat, kalakip ang pag-iisip kung ano ang magiging reaksyon ko sa pagkikita namin. Ngayon pa lang, nagwawala na ang puso ko. Excitement. Fear. Masasabi pa rin kaya niya ang sinabi niya sa 'kin bago siya umalis?

Sinubukan ko siyang kontakin, and how I wish she also did the same pero sa huli ay walang nangyaring communication. Kumakapit ako sa binibitawan kong pangako. I got updates of her from Mozes. Wala kasi si Euan, ewan kung nasaan iyon.

I've waited long enough. I guess sapat na ang natatamasa niyang tagumpay ngayon upang magtagpo ulit kami and I pursued my ambition. Wala nang guilt na pipigil sa 'king makamit iyon. 

"Nandito na sila! Ilalabas na ba ang lechon?"

Binalingan ko ang papunta ritong si West. Pilay pa rin siya. Sinubukan ko ngang bilhan ng wheelchair o tungkod pero ayaw naman niya. Gusto niya raw maglakad. Hindi ko na pinilit.

Tumayo ako nang makita ang pagpasok ng puting van. Mukha lang akong kalmado pero nagwawala na ang mga lamang loob ko. I keep rewarding deep breaths to myself pero hindi ito naging effective sa sitwasyon ngayon.

Nasa gilid ko si West at nakikinood sa 'kin. Magkatulad pa kami ng postura na nakapamulsa.

"Ihanda na ang lechon, West," paalala ko sa kanya.

Napaigtad siya, naalala ang kanyang tungkulin. "Ay! Oo sige."

I'm bracing myself. Bawat taong bumababa sa van ay doble ang pinaparamdam na tibok dahil sa pag-asang si Savannah ang susunod na bababa. Binilang ko sila.

I saw Dalton sa driver's seat but I couldn't determine who's in the passenger's seat. Is it Savannah? Nakababa na kasi si Daneen.

Naghiyawan sila nang papalapit rito sa pangunguna ni Mozes. Tumangkad siya. Si Savannah kaya tumangkad rin?

Kinawayan ko sila, pero ang ngiti ko, hindi ko alam kung ano ang kinalalabasan dahil sa panginginig ng aking labi. Tangina this. Para naman akong bibitayin sa nararamdaman ko ngayon!

Oo, bibitayin. Bibitayin sa puso ni Savannah.

"Diretso kayo doon!" Turo ko sa restaurant kung saan may pinahanda na ako.

"Kami lang? Si ate doon din ang diretso?" nakangisi tanong ni Mozes.

Alam na niya ang sagot diyan kaya hindi ko na sinagot. Tawang-tawa siyang sumunod sa mga pinsan niya papasok sa resto.

Bumukas ang pinto sa passenger's seat. Una kong nakita ang maputing binti. Nang magsara ito ay doon na huminto ang buong mundo ko. It's like the first day I saw her that one fine afternoon in the ocean bed.

Hindi siya tumangkad pero ang daming nagbago sa kanya. Her hair is still goals, though.

Bago pa siya makalapit ay sinalubong ko na siya. Gulat ang rumehistro sa kanyang mukha. Sinubukan kong hindi siya pasidahan dahil alam kong nagsho-shorts na naman siya. I don't want to have a boner infront of her for goodness sake!

"P-pangalan ko..." Bahagya niyang tinuro ang entrance.

"Yes, so?" nagtaas ako ng kilay, naaliw sa reaksyon niya.

Hindi siya ngasalita, nanatili siyang nakatitig sa 'kin and as much as how I like for her to stay that way, we have to move forward. Hindi kami hahantong sa gusto ko kung magtitigan lang kami. Mamaya na ang titigan.

"So...what have you been doing for two years?"

Humalukiphip siya't inirapan ako. "Nagpapayaman ako bago ko planuhing makipagkita sa 'yo. Hiyang-hiya kasi ako sa de mansiyon na bahay mo."

Typical Savannah. Napangiti ako.

"Mayaman ka na ba? Kahit kasing hirap ka ng daga pakakasalan pa rin kita. Pinagawan pa nga kita ng resort o."

Umawang ang bibig niya. Oh that pink mouth of hers.

"Two years, Devin, proposal ang ibubungad mo?" gulat niyang tanong.

Ikinabigla ko iyon. What? She doesn't like it?

Hinakbang ko siya. I'm keeping my hands at my side dahil baka kung saan pa ito gumala.

"Bakit? Mahal pa rin naman kita, a? Ako?Ako pa, di ba?" naglalambing kong tanong.

Mozes said she's not dating anyone. Even one guy. Even once. Kahit guy friends ay bawal. Mga pinsan lang niya ang pwede.

Yuko siyang tumango.

"Hm? Ano iyon?" Mas lumapit pa ako.

Tumango ulit siya at may sinabi na hindi ko marinig. Naningkit ang mga mata ko at tumagilid ang ulo.

"I can't hear you, Savannah. What is it?" panunuya ko. I towered over her. Hanggang dibdib ko pa rin siya

Umabot sa 'kin ang amoy ng kanyang buhok. I sighed, reveling in that scent. Gusto kong ibaon ang mukha ko sa buhok niya but not now. Not just yet. Maybe later. Darating din kami doon.

"Shortcake?" malambing kong sambit sa palayaw ko sa kanya. Ayaw niya kasi akong tignan!

Unti-unti niya akong tiningala. Namilog ang mga mata niya. Hinawakan ng hintuturo ko ang kanyang baba at maigi siyang tinitigan.

"Ako pa, di ba?" namamalat ang boses ko. Mabigat na gramo ng pag-asa ang nakatimbang sa aking tanong. Kung hindi na ako, ewan ko kung anong gagawin ko. Pipilitin kong ibalik siya sa 'kin. Dadaanin ko sa dahas kung kinakailangan.

Tikom bibig siyang tumango.

Pinaningkit ko ang mga mata ko. "I can't hear you, Sav."

Binulong na naman niya ang sinabi niya, and that air coming from her lips have the tips of my hair standing.

"Oo..." mahina niyang sabi.

Pinigilan kong mag-ngiting aso. Tumango ako at mariing kinagat ang aking labi.

Fuucck...gusto kong tumalon, sumayaw, tumambling, mag exhibition o kahit anong ginagawa sa circus! Sumigaw!

"So Savannah Brielle Palomarez,  do you accept this..." pinaikot ko ang aking hintuturo sa buong resort. "as a sign of my love?"

Shit. I'm not good in proposing. Pero hindi naman talaga standard ang pagkakaroon ng magandang proposal, di ba? I don't believe in standards. I just believe you do things from the whole of your heart.

"Tangina Devin, hihiwalayan ko ang girlfriend ko para sa 'yo! Ate! Kung hindi mo tatanggapin, tabi diyan! Ako ang magpapakasal sa kanya!" sigaw ni Mozes. Nakatayo  siya sa bukana ng restaurant, may hawak na pork ribs.

Pumulot si Sav ng maliit na bato at akmang batuhin ang kapatid. Bago pa niya nagawa ay nakatakbo na pabalik sa loob si Mozes.

Buntong hininga siyang nagbalik tingala sa 'kin. Pinaypayan ng hininga niya ang mahaba niyang bangs.

"Yes?" tanong ko sa kanya.

At yan lang ang ilalatag kong option sa kanya. Well, it's not even an option.

Ngumuso  siya't nag-iwas tingin. Kinuwadro ko ang pisngi niya para sa 'kin lang ang kanyang tingin. This is not the time to look away from me, Savannah. Heck! Icouldn't even take my eyes off of you. Tapos ikaw, ang dali mong mag-iwas ng tingin sa 'kin?

Unless kung hindi mo kinayanan ang tingin ko sa 'yo. Iyan, matatanggap kong dahilan.

"Sav?"

"Yes." Tinitigan na niya ako. Nangingilid ang luha niya.

"Yes?" I have to make sure. Baka nabingi lang ako!

"Oo, yes!"

"I can't hear you!" Hinawakan ko ang bawang niya at akma siyang bubuhatin.

"Yes nga!" Tumawa siya.

Natigil lang iyon nang hinalikan ko siya. She didn't complain, why would she?

Inalsa ko siya at pinulupot ang mga binti niya sa baywang ko. I don't care if her cousins and her brother are watching this. I let them watch us. I let them witness how I kiss her deeply with the whole of my heart.

In a world full of lies, I let them see this truth. Love is truth and Savannah is my truth. When I thought love is just a dream shared by everybody but me, there she goes from that moment, love, in a form of her, became a reality.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro