Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

E L E V E N


Habang binubuhay ni Devin ang PC ay nagtungo ako sa cr at sinuri ang kabuuan nito. Moderno ang stilo at low light, para lang talagang nasa isa kang bahay at hindi office. Kaya mas tinatawag 'tong admin house instead na building.

Nanalamin muna ako bago bumalik at pumwesto sa likod ni Devin na nagba-browse ng mga folders. Mabilis ang mga kamay niya dahil sa ilang segundo lang ay may nag pop na na document.

"Ito 'yong breakdown ng sales sa buong resort." Tumayo siya at ako ang pinaupo sa swivel chair. Pumwesto siya sa likod ko.

Nagsimula siyang mag-explain tungkol sa liquidation, which is ang file na kaharap ko ngayon sa screen. Naglalaro ang mga numero sa mata ko habang nagsasalita siya at bumubugkos sa aking utak upang ako'y palituhin. Hindi naman sa nakakalito ang paliwanag niya, siguro may antok pang natira sa utak ko at hindi naambunan ng caffeine mula sa kapeng ininom ko kanina.

"Gets mo? Diyan ka magba-base kung ilan ang idi-disburse mong cash," ani ni Devin.

Panay lang ang click ko sa mouse na walang patutunguhan. Gets ko naman ang ibig niyang sabihin, nakakalito lang talaga ng utak dahil puro numero ang nakikita ko.

Kaya nga finance Savannah, di ba? Malamang puro numero ang maiingkuwentro mo.

Pinagtaka ko rin kung paano nakayang alamin 'to ni Devin kung palagi naman siyang nangingisda. I can't help but assume na may business sila at nasubukan niyang mag-training sa kanilang kompanya. The more na nasasayangan ako sa mga oportunidad na nilahad na sa kanya roon sa Amerika.

I mean, it wasn't knocking on him! The opportunity was thrown right at his lap but he had only just shoved it like it's a piece of ant!

Naputol ang lubid ng pag-iisip ko nang maramdaman ang mainit na hiningang kumakapa sa aking leeg at sa kiliting hatid ng buhok ni Devin sa aking pisngi.

Aware ako sa sobrang lapit ng mukhang niya sa 'kin kaya umatras ako at tinapunan siya ng weirdong tingin. Nakatukod ang mga kamay niya sa desk at kinukulong ako.

Sandali pang nagtagal ang tingin niya sa screen bago siya lumingon. Gumuhit ang pagtataka sa mukha niya. Ngunit maang-maangan ang nabasa ko roon.

"Bakit?" Gumagalaw ang nakatikom niyang labi na parang may ningunguya siya.

"Dikit ka masyado. Kaunting distansya naman." Bahagya kong siyang tinulak sa balikat.

"Arte nito. Amuyin mo pa ako!" Nilahad niya ang sarili at mas dumikit pa. Tinaas niya ang kanyang braso at pinaamoy ang kili-kili na may maipagmamayabang naman sa bango! "I smell like fresh sampaguitas on a Sunday morning!"

Pinigilan kong hindi matawa. "Pinipitas mo lang naman ang mga tanim ni lola!"

Tumigil na siya't inayos ang kanyang polo. Pinagpag niya ang balikat na parte kung saan nakatuon ang mga mata niya. "Atleast, sa'yo ko naman ibibigay."

"Huh?"

Inosenteng nanlaki ang mga mata niya. "Ha? May sinabi ba ako?"

Matagal ko siyang tinitigan, hinihintay na siya ang unang sumuko at aminin ang sinabi niya. Uminit ang dibdib ko sa antisipasyon nang gumalaw muli ang kanyang labi. Inaasahan kong umangat ito ng ngiti o ngisi ngunit nanatili lang nakatikom at mukhang ningangatngat na naman ang loob ng kanyang pisngi.

Ako ang sumuko sa huli.

"W-wala..." Binalikan ko ang PC at pakunwaring nagki-click sa mouse. Awkward.

"Stop rolling your eyes, Savannah. Natu-turn ako eh. Baka magiging hard-on na 'to sa susunod, binabantaan lang kita."

Hindi ko naitago ang pagbagsak ng aking panga at panlalaki ng mga mata. But Devin is just laughing his guts out! Wala ba talagang kahihiyan ang lalaking 'to?

"Tara na, baka ano pa isipin ng iba kung bakit tayo nagtagal dito."

Without turning the PC off, tumayo ako at umuna nang lumabas ng opisina. Tinawanan lang ulit 'yon ni Devin habang may pinipindot upang mag-shut down ang computer. Matinis ang lagapak ng flat sandals ko sa bawat hakbang pababa sa hagdan hanggang sa paglabas sa admin house.

Dumami na ang mga tao sa pool, karamihan mga bata na naka-salbabida. Muli kong tinanaw ang golf course, gusto ko ring pumunta roon at subukang mag-laro. Kung hindi ko man ma-shoot ang bola, sasakay nalang ako sa golf tractor.

Walang katahimikan ang mga yapak ni Devin na nakasunod sa likod ko. Hindi umabot ng tatlong segundo mula nang mamalayan ko ito ay pumantay na siya sa 'kin sa paglalakad.

Sa mga araw na nakasama ko siya, halata ko na hindi siya nakakatiis nang hindi nagsasalita sa loonb ng limang minuto. He will always find an opportunity to talk.

Since siya lang mag-isa sa bahay niya, siguro nakikipag-usap siya sa kanyang mga halaman.

"Ganyan ba talaga ugali mo? Are you always this cocky and...obnoxious?"

Mukha namang hindi siya na-offend sa paratang ko. Siguro alam niyang totoo ang sinabi ko, at tanggap niyang ganyan nga siya. Good for him.

"My personality differs from my attitude. I'm showing you my personality, but my attitude depends kung sino ang kausap ko. And I'm showing you a different side of my attitude."

"So you mean being cocky with me. Why? Why not show your whole personality instead? Nevermind the attitude."

Huminto siya at hinarap ako, nasa likod ang mga kamay niya. "I can't keep my mouth shut when I'm around you, Savannah. Kaya imposible 'yang sinasabi mo,"

May pang-aakusa ko siyang tinignan. Meaning... tahimik siyang tao? Huh. Saang parte doon ang dapat kong paniwalaan?

"You don't keep your mouth shut when you're around with my cousins and brothers," I pointed.

"Because you are always around them when I'm with them, too." Mabilis niyang katwiran.

I'm no t assuming anything. Ngunit parang pinapahalata na niya ang kanyang intensiyon. Pero hindi ko muna ito isasaboses. I need more proof. Hindi naman ako mahihirapan because his ways are too obvious not to notice.

Nilihim ko ang aking suspisyon. Umuna ulit ako't nagtungo sa restaurant. Pinili ko ang pwesto sa pinakagilid upang makita ko ang dalampasigan. Nare-relax kasi ako sa tuwing nakakakita ng dagat.

Agad kaming nilapitan ng isang server. Ewan ko kung alam niyang anak ako sa isa sa mga may-ari ngunit hindi ko na pinahalata. Kanila papa naman ito at sa mga kapatid niya, hindi naman ako kasali sa mga gumastos sa resort so I can't call this establishment mine.

Sinara ko ang menu at nilapag sa mesa sabay sabi ng order ko. Ganon din si Devin. Sinabi ni Ellaine—'yon ang nakalagay sa nameplate niya—ang minuto na itatagal bago niya nilisan ang table.

Kinunutan ko ng noo ang paghuhubad ni Devin sa kanyang polo. Nahalata niya ang anyo ko na ningisihan niya lamang.

"Sorry. Mainit eh." He doesn't seem sorry.

Nag-flex ang biceps niya nang siya'y mag-inat saka pinagsiklop ang mga kamay sa mesa sabay buntong hininga. Not in a negative way though, more like 'Finally nakaupo na rin ako at kakain na kami!' kind of sigh.

Pinadaan niya ang kamay sa nakatakip na hibla ng buhok sa kanyang noo. "Sigurado ka ba talagang tatanggapin mo ang Finance head na trabaho?"

Mabilis kong inalis ang tingin sa buhok niya at tinignan siya. "Bakit hindi?"

Sa ibang direksyon dumapo ang mga mata niya habang nag-iisip bago ako binalingan muli. "It's an ambitious job. Why not start sa waitressing dito sa restaurant? Di ba nursing ang natapos mo?"

Tumango ako. But I'm still not meeting his point.

Pumalumbaba siya habang ang isang kamay ay tumatambol sa mesa.

"Waitressing offers customer service obviously. Katulad lang din sa nursing, you serve people. Kapag finance kasi, it's sort of a high-end position. Kahit anak ka pa ng may-ari ng resort, dapat sa mababang posisiyon ka muna mag-simula."

I dipped my head once, urging for him to continue. Kalakip nun ang pagsang-ayon ko sa sinabi niya. But it doesn't mean na susundin ko na ito. All my life, I'm all about the challenge. Boring kasi kung magaan lang lahat. By getting this position, it's a big leap for me dahil wala nga akong experience kahit sa mga trabahong pang-opisina. Ang alam ko lang ay MS –Word.

"Parang sa eskwelahan lang din. You'll start as a student before you become a teacher. Kung university lang 'tong resort, ang Finance ang dean. Hindi ka naman pwedeng dumiretso sa pagiging dean di ba na hindi dumadaan sa pagiging estudyante?"

"So what do you suggest? I'll be a waitress?" Hindi ko sinadyang magtaas ng boses.

Iba ang naging interpretasyon niya base sa kanyang naging reaksyon sa tono ko.

"You sound like I have offended you. I'm not, Savannah. I will never offend you. I will always find a way to compliment you." He has zero shame in checking me out from head to toe.

Tinignan ko ang suot kong skinny jeans at crop top na pinaibabawan ko nang manipis na kimono cardigan. It's velvety, feel ko may pakpak ako sa suot ko. Pero v-neck ang aking top, so medyo revealing ang sa chest part, at sort of...see-through ang cardigan.

Bigla siyang pumormal nang makitang nahuli ko siya sa pagpasida sa 'kin. Tumikhim siya't binasa ang mala-rosas niyang labi. "So what's your plan?"

Ang magsimula sa mababang posisyon bago umakyat sa pinakamataas, well that would be more challenging dahil sa dami pa ng pagdadaanan ko. There would be stages...appropriate lang sa naii-imagine kong hagdan ngayon.

Lumihis na naman ang lawa ng pag-iisip ko. The current diverted the waves from me to Devin. Ganon pa rin ang posisyon niyang nakapalumbaba habang nakatingin sa 'kin, naghihintay sa hatol ko.

"Kaya ka ba nangisda? You want to start from the lowest position?" usisa ko.

His shrug tells me na hayaan na niya akong mag-isip nang kahit ano. Isa na naman 'to sa ayaw niyang pag-usapan. But why? The question itself doesn't even sound that sensitive. Hindi ko naman tinatanong kung nakipag-French kiss na siya sa isang lalake.

Then I made that an analogy to my situation. Ayaw ko ring pag-usapan si Royce kahit para sa iba ay hindi iyon sensitibong topic. It's just probably one of those talks that are not worth a saliva to waste.

"So ano na? I think may dalawang bakante sila sa waitressing. Minsan tumutulong din ako sa pagse-serve. Side line kumbaga."

Pinuwersa kong hindi ipakita ang aking gulat. So lahat na nga ng trabaho rito sa Aloguinsan ay napasukan na niya!

What's next, Devin? pagka-Alkalde? Kakailanganin na ba niya ang tulong ko sa pangangampanya?

"Di ba matagal nang bakante ang Finance?" Hinila ko ang lalagyan ng tissue at kumuha ng isang piraso. Gumawa ako ng paperboat. Or tissue boat.

Ginaya ni Devin ang ginawa ko, eroplano naman sa kanya. "Nakapaskil pa rin naman ang hiring notice sa bulletin board doon sa munisipyo, so posibleng may aplikante na ngayon. I mean, it's graduation season."

Nahinto ako sa ginagawa at may aliw siyang binalingan. "Don't tell me nakapagtrabaho ka na rin sa munisipyo?"

"One time. Noong eleksyon, taga-bilang ng boto."

Di ko na napigilan ang paghagalpak ng tawa. Binaon ko ang mukha ko sa aking mga brasong nasa mesa. I can't even imagine him counting the votes! Hindi naman sa minamaliit ko ang trabahong 'yon, tinatamaan lang siguro ako ng pagka-bully sa araw na 'to. I have my dose of Bully Vitamins sometimes.

"What? Nagawa ko naman talaga 'yon! No joke."

Nag-angat ako ng ulo at pinunasan ang namamasa kong mata. Humagikhik ako. "Ano pang hindi mo nagagawa rito, Devin? Hiyang-hiya naman ako sa work experiences mo!"

Sumeryoso ang mukha niya. "Gusto mong malaman?"

"Malamang, kaya nga ako nagtatanong."

Umatras ako nang humilig siya sa mesa, maigi niya akong tinitigan na parang may hook ang tingin niya't kinapit sa mga mata ko. "Manligaw."

"Hindi trabaho iyon," agaran kong sabi bago pa ako takasan ng mga salita.

Umangal siya sa di pagsang-ayon. "Tinatrabaho 'yon Sav. At ang sweldo ko, makuha ang matamis na Oo. Ma-promote pa ako sa posisyon na pagiging boyfriend."

Gumuhit ang ngiti ko sa kakaiba niyang analogy. "So hindi ka pa na-promote?"

Bahagya siyang ngumuso at sumandal sa backrest ng upuan. "Hindi pa. Maga-apply pa lang ako."

"Saan?"

Muli siyang humilig sa mesa. Hinahaplos-haplos niya ang ibabang labi, mabilis nag-iwas ng tingin sa 'kin at yumuko. Pinaglalaruan ng isang kamay niya ang tissue na ginawa niyang eroplano.

"Baka ang ibig mong itanong ay kanino?" mahina niyang ani.

Hindi nakatakas sa 'kin ang pananayo ng kanyang balahibo. Inabot ko iyon at hinaplos. Mabilis niyang nilayo ang kanyang braso at nakapaskil ang gulat sa mukha niya. Sumali pa ang silya sa kanyang pag-atras.

Proof number one. Check.

Sinalba siya ng pagka-ilang nang dumating si Ellaine dala ang mga orders namin. Sinunggaban ko agad ang plato dahil gutom na talaga ko. Ang bilis ng oras, di ko namalayang lagpas alas nuwebe na eh pakiramdam ko alas otso pa lang dahil sa aga ng gising ko kanina.

"Decide now Sav, bago pa may magfi-fill sa bakante," paalala ni Devin.

"Kakausapin ko muna si ate Dorselyn."

Gasgas man sa ego ko pero sang-ayon ako kay Devin. What can I say? Pre-law eh. Kumonsulta muna ako sa abogado ko.

Nasa pang-apat na subo ako nang tumunog ang aking cellphone. Para akong binuhusan ng yelo pagkakita sa pangalan ni Royce sa screen. It's been what? One week na hindi siya nangulit and now he's back! Kung kailan hindi ko na siya iniisip.

Royce:

Sav, pls Im sori pnta ako sa inyo, pag usapn natn tow


Kunot-noo ko iyong binasa. Ba't parang tinatamad siyang mag-text?


Sav:

Tapos na natin yun pag-usapan. We're done.


Royce:

Mahahnep din kta savehnaah.

Awang ko iyong binasa. Bigla akong nabusog at gusto kong isuka ang kinain ko. Tinanaw ko ang wallclock sa may counter ng restaurant. Wala pa ngang tanghali!

Sav:

Lasing ka. Wrong spelling pangalan ko! Hindi pa capitalized ang first letter! Contact me when you're sober.

Napailing ako at halos padabog na nilapag ang cellphone sa gilid ng aking plato. Malaking subo ang aking ginawa na nagpapuno ng husto sa 'king bibig.

Pigil ngiti akong tinitignan ni Devin na pati paraan ng pag-kain niya ay arogante. "Boyfriend problems?"

Napairap ako. "Don't remind me."

Doon ko lang naalala that I should have corrected him by saying 'ex-boyfriend'. But I didn't bother. Wala namang rason na dapat niyang malaman. It's up to him to find out. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro