Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

E I G H T E E N

Nahirapan akong makatulog kagabi.

As expected, dahil hindi matanggal-tanggal sa isip at labi ko ang init ng halik niya. Kahit dampi lang 'yon, nakakapaso pa rin na para bang ningudngod ko ang aking bibig sa kumukulong tubig.

Sinubukan kong hindi magkagat labi at hindi dilaan ang labi ko dahil parang nalalasahan ko pa rin siya. Nag-iwan ng marka. Feel ko dumikit ang lip-print niya sa labi ko.

Iyon ang pinagbibintangan ko sa aking antok at puyat ngayong umaga. Tatlong tasa ng kape ang naubos ko na napansin ni lola.

"Huwag labisan ang pag-inom, nak. Barako 'yan," paalala niya. Inikot ko ang tasa at dinungaw ang natitirang katas ng pangatlo kong kape. May granules pang naiwan dito.

Tahimik akong tumango. Sa kabila ng level ng caffeine na nilagay ko sa 'king sistema ay napahikab pa rin ako. Yayaman yata ngayong araw ang kape barako dahil sa 'kin.

"Aalis pala ako mamaya. May ibang lakad ka ba?" tanong ni lola. Nang mag-angat ako ng tingin, ngayon ko lang pansin na nakalugay ang kulot niyang buhok. Kadalasan kasi ay iniipit niya ito't ginagawang low-bun.

"Wala naman po. Saan punta niyo?"

"Sa kapilya, may meeting kaming mga volunteers kaya medyo magagabihan ako. May nirenta na rin naman akong motor para mag-hatid sa 'kin doon. Nahihirapan na 'tong tuhod kong maglakad ng malayo."

Banggitin pa lang niya ang tuhod niya'y ini-imagine ko na ang dalawang buto sa tuhod na kumikiskis sa isa't isa at namumula. I somehow remembered our lessons in Gerontological Nursing which tackles the old age. I don't want to find out how painful it is, darating din naman kasi tayong lahat diyan.

"Dito po kayo kakain ng hapunan?" Pinaglalaruan ko sa 'king ngipin ang granule ng kape.

"May pa-snacks naman sila roon kaya magluto ka nalang para sa hapunan mo. Paliguan mo na rin 'yong isang aso, si Puti."

Bahagya akong natawa. Kung 'yung kulay brown ay si Toffe, 'yung puti ay si Puti. Lola sucks at naming dogs.

"Bakit po sa ilog pa sila paliliguan? May tubig naman po rito."

Tumayo na ako at kinuha ang ubos na ring tasa ni lola. Umikot ako patungo sa sink at hinugasan ang mga ininuman namin.

"Aksaya kasi sa tubig. Palagi ko pang dinidiligan ang mga orchids ko." Tumabi siya sa 'kin at nag-hugas ng kamay.

"Mayaman naman kayo, la. Hindi niyo na kailangan mamroblema sa bill ng tubig."

"Ayaw kong mag-depende sa pera ng mga tito't tita  mo at sa papa mo. Sa pensyon ko ako kamo kumukuha ng bayad."

"Malaki naman po 'tong lupa niyo, pwede niyong ibenta kahit kalahating ektarya lang," biro ko pa.

Bigla siyang nanahimik. Tinamaan ako ng kaba nang makita ang paninigas ng kanyang ekspresyon. Sa isang direksyon lang siya nakatitig na parang may inaalala.

"La?" tawag pansin ko sa kanya. May sensitibong parte ba akong naungkat na umani ng ganyang reaksyon mula sa kanya?

"Hindi ko ito ibebenta. Ibabahagi ko ito para paghatian ng papa mo at ng mga kapatid niya." May determinasyon sa bawat salita niya. Na parang kailangan 'yon ang sundin ng lahat. 'Yon ang batas.

Tanging nagawa ko ay ang tumango. Wala akong alam sa usaping lupa kaya hindi na ako nag-abala pa siyang tanungin ukol rito. Ewan ko kung bakit big deal ang lupa sa kanila. Naririnig ko rin sina mama na pinag-uusapan ang bahagi nila ng lupa malapit sa Countryside at kung ano ang gagawin nila upang mapakinabangan 'yon.

Nang umuwi ako ng hapon ay hindi ko na naabutan si lola. Hindi ko rin naitanong kung anong oras siyang aalis kaya pinagpalagay ko na kakalisan lang niya ng bahay.

Nag-palit lang ako ng shorts at pinanatili ang aking pang-itaas saka ako bumaba at kinuha si Puti. Kinabit ko ang kanyang tali bago siya binaba at giniya papunta sa ilog.

Malayo pa lang ay rinig ko na ang ingay ng nagtatakbuhan sa rumaragasang tubig, naghahalakhakang mga babae at may isang boses—at isasanla ko ang aso kung magkamali man ako—dahil sigurado akong si Devin ang nagmamay-ari ng baritonong halakhak na umaalingawngaw ngayon.

He's ilog-partying with a bunch of girls? Kaya pala ngising-ngisi sa 'kin si Brenna kanina sa gitna ng pagtatrabaho ko sa La Casa. She probably knows about this.

Hinila ko ang tali ni Puti na pilit pumupunta sa kabilang daan. Hinawi ko ang pinto ng mga matatangkad na palumpong ng mga halaman at nakita ang ilan sa mga kasamahan ni Astrid noong huling punta ko rito. Naglalaba siya. And next to her was Devin.

Hapon na hapon ay bakit ganon kaganda ang buhok niya? Dinungaw ko ang sariling buhok at hinaplos ang hibla nito. Sinamaan ko ito ng tingin. Last year pa ang huling pakulay ko nito ng kulay brown na ngayo'y nag-fade na, unlike kay Astrid na natural na brown at bagsak.

Ano naman kung mahinahon ang buhok  niya? Mas bagay naman sa 'kin ang medyo magulo kong buhok.

I mean, my beach waves suits me very well. Natural beach waves of fading brown hair na humihinto hanggang sa aking baywang.

Magkalaban kami ng insecurity and I'm sure as hell that I'm not even close to being insecure. Wala 'yan sa bokabularyo ko. I never get insecure. Kung may hindi tama sa katawan ko, ginagawan ko ng paraan. I exercise, I eat well, nagpapa-derma ako, nagpapa-facial. At hindi 'yan tinatawag na kaartehan. It only means na maalaga ako sa sarili.

I hate make up. Cheek tint lang ang nilalagay ko at wala nang iba. Kalaban ko ang foundation, eyeliner at eyeshadow. Why do I need foundation? Maputi naman ako, so I don't have to cake my face with it.

Naputol ang pagtatalak ko sa sarili nang makarinig ng hagikhik. Parang nanonood lang ako ng isang corny na teleserye kung saan nagsasabuyan ng tubig ang dalawang bida. Inaasar sila ng mga kasamahan ni Astrid maliban sa isang babae na tahimik lamang silang pinagmamasdan katabi ang malaking bato.

Sa isip ko, kinakanta ko na ang kanilang background music na pang-teleserye.

Ngunit may isang kanta na sumingit.

"Kay di ta uyab, wala'y ikaw ug ako, apan kung mag-selos ko, ayaw pagbuot, sige nalang ta anig ha-ha-ha katawa...."

Foo-tah.  Saan ba galing 'yon?!

Hinanap ko ang pinanggalingan nito hanggang sa humantong ang mga mata ko sa cellphone na namahinga sa mga bato. It's Devin's Iphone.  Nilapitan niya ito at nagpatugtog ng panibagong kanta saka binalikan si Astrid na nagbabanlaw na sa mga labada.

"Huwag na lang kaya tayong tumuloy, Puti?" kausap ko sa aso. Nakaupo lang siya at labas dilang humihinga. Malamang, hindi naman ako maiintindihan nito.

Sayang naman ang paglalakad ko kung walang mangyayari  kaya sa huli ay sumulong ako sa ilog. Dire-diretso ang aking pag-martsa at wala akong binalingan niisa sa kanila.

Aware sila sa pagdating ko senyales na ang kanilang pananahimik na para bang may anghel na bigla nalang dumaan.

But I am no angel. I'm a walking omen. A calm before the storm.

Diniretso ko si Puti sa tubig at binasa. Hinihila ko siya pabalik dahil pilit siyang umaalis. Tama nga si lola, mahirap siyang paliguan.

Then it hit me. Nagbabanlaw si Astrid ng mga damit habang nagpapaligo ako ng ilang buwan nang walang paligo na aso. Pinigilan kong matawa. Bad Savannah.

Nilingon ko ang ingay na paghawi ng mga tubig. Papalapit sa direksyon ko 'yong babaeng tahimik lamang. Hm, one of Astrid's apostles I must say.

"Hi! Anong name ng dog mo?" 

Malumanay ang boses niya at magaan. Bilugan ang inosente niyang mga mata na nililinyahan ng makakapal na pilikmata. Sino ang birhen na 'to?

"Puti," maikli kong tugon. Nilagyan ko ng shampoo ang palad ko saka kinalat sa katawan ni Puti na huminahon na. Iba rin ang asong 'to eh. May dumating lang na chicks, nag-behave na.

Umupo ang babae at bigla nalang akong tinulungang paliguan si Puti. Hinayaan ko na kahit puno ako ng pagtataka.

"Puti..." kanta niya. Bahagya akong napangiti.

Hindi ako lesbo pero nakaka-tibo ang kanyang ganda. Makapal ang buhok niyang naka-ballerina bun sa tuktok ng kanyang ulo. May kaunting hibla na nahulog sa gilid ng kanyang mukha. Hugis puso ang kurba ng kanyang labi. May kaunting blush sa pisngi niya na mukhang hindi sadya kung 'di natural.

"Pristine! Hanap ka ni Ivor!"

Hindi ko nilingon ang pag-sigaw ni Devin. Imbes ay nanatili ang aking paningin sa babaeng kaharap ko. She's Pristine? Kaya naman pala obsess sa kanya si Ivor. And I heard crush din siya ng pinsan kong si Asa. Her beauty speaks for itself.

Kahit saan lumilingon si Pristine na parang may hinahanap. Nasa likod ng aso ang kamay niyang may bula pa. Hindi man lang nabawasan ang ganda niya sa ginawang pag-kunot noo at pag-nguso. "Wala naman eh..."

May panibagong papalapit na hakbang sa tubig. Sa lakas pa lang ng mga pag-hawi ng alon ay alam ko nang lalake ang nagmamay-ari ng lakad na iyon.

"Nag-text siya sa 'kin." Nasa gilid ko na ang nagsasalita. "O, tawagan mo."

Kamay  lang niya ang tinitignan ko na inaabot ang cellphone kay Pristine. Tumayo siya at sinawsaw ang kamay sa tubig bago tinuyo ang mga ito sa gilid ng kanyang sky blue na bestida. Ningitian niya ako bago kinuha ang cellphone ni Devin at umalis.

"Tinutulungan ko lang si Astrid. Nagpatulong siya sa pagbu-buhat ng mga labahin."

Anong klaseng labandera 'yan at nagpapatulong pa? Hindi naman mukhang isang bariles ang dami ng nilalabhan niya. Hindi nga nangalahati sa kaya kong labhan sa washing machine.

"So?" Binanlawan ko na si Puti.

Hindi siya umimik. Lumipat si Devin sa harap at tumulong sa pagbabanlaw sa aso.

"Nag-text sa 'yo si Ivor? Pwedeng pahingi ng number niya?" tanong ko.

"Hindi," agaran niyang sabi.

"Okay, kay Pristine nalang ako manghihingi." Tumayo na ako at hinila si Puti sa gilid.

Nahagip ko si Pristine na may kausap sa cellphone which I'm sure ay si Ivor. Sina Astrid naman ay kasama ang tatlo niyang kaibigan at nag-uumpukan sila malapit sa malaking bato, nakamasid sa amin ni Devin. Hindi na siya naglalaba. Kita naman siguro niyang nagpapaligo ako ng aso.

Nilapitan ko si Pristine na papalabas na sa mga palumpong na naghihiwalay sa ilog at kagubatan.

"Pristine pwedeng pa—"

Singhap ang sumunod nang bigla nalang akong pinihit at mariing kumagat ang kamay ni Devin sa braso ko. Sobrang salubong ng kilay niya na may tulis pa sa dulo. 

"Sabi nang hindi! Nagpatulong lang si Astrid sa 'kin. Natagalan ako, sorry—"

"I didn't ask." Hinawi ko ang kamay niya. "As if naman nanghihingi ako ng explanation. If you can be friendly with the girls, then siguro naman I can be friendly with the guys, di ba? Wala naman tayo, so there are no boundaries. "

Matagal kaming nagtagisan ng tingin. Mabigat ang kanyang pag-hinga na parang sa ilang segundo lang ay may biglang sasabog sa dibdib niya. Mahigpit ang tikom ng kanyang labi. Kalmado ko siyang tinataasan ng kilay.

It's unfair na wala akong ibang kaibigan dito tapos siya halos lahat ng babae ka-close niya? Ha!

"Isang pagtataray mo pa Savannah, magiging hard-on na talaga 'tong pagkakaturn on ko sa'yo. I'll make you responsible for this."

Inirapan ko siya. "Kahit tigasan ka pa ngayon, wala na akong kasalanan diyan. Katawan mo 'yan kaya ikaw ang responsable sa pananakit ng puson mo."

"Damn your smart mouth Savannah!" bulalas niya.

"And you can never have a taste of this damn smart mouth. Again. Ciao!"

Tinalikuran ko siya at iniwan doong gulat at nakaawang ang bibig. Bago ako nakalabas sa mga palumpong ay narinig ko ang paglapit ni Astrid sa kanya at sa pagpapatulong niyang buhatin ang mga basket ng mga labahin.

Ang gaan lang naman ng mga nilalabhan niya, bakit kailangan pang magpatulong? Weak.

Naabutan ko si Pristine kausap si Ivor. Nilapitan ko sila upang mas malapitang makita si Ivor at patunayan ang paningin ko kung gwapo nga ba talaga siya o gwapo lang sa malayuan.

And boy he is bad-boyishly handsome.  Kasing tangkad nga sila ni kuya Euan. Walang stilo ang buhok niyang maikli at malinis ang gupit pero unique naman ang kaguwapuhan niya. Ang manipis niyang medyo maputing balat ay may kaunting grupo ng freckles na malabo at hindi naman kita sa kalayuan. Dahil na rin siguro sa may pagka-mestizo siya. Hindi ito nakasira sa gwapo niyang mukha. Damn he's hot, too.

"Hi!"

Ang kumikinang niyang mukha na tumititig kay Pristine ay naging simangot nang binalingan ako. Isang kilay niya ang nag-angat saka ako tinanguan.

Ang sungit.

Muli niyang dinungaw si Pristine at ningitian. "Tara?"

Nilingon ako ni Pristine at kinawayan habang hila-hila na siya ni Ivor palayo. Gumanti na rin ako, mukha naman siyang mabait. Salungat sila ng admirer niya. Sila ba?

Sa likod ko ay mga boses na nag-uusap. Lumayo na ako bago pa nila ako maabutan.

"Savannah!"

Hindi ko nilingon si Devin. Kasama naman niya si Astrid at ang mga apostoles niya. Kesa sa 'kin na aso ang dala, mas nangangailangan ng tulong si Astrid sa pagbubuhat ng mga labada niyang sa isang maliit na basket pinagkasya. Ano palang silbi ng tatlong kaibigan niya?

Diretso ako sa kusina at uminom ng malamig na tubig sa sobrang pagka-uhaw. Wala akong maramdamang gutom kaya di na ako nagluto. Bago pa ako maka-akyat sa kwarto ay narinig ko ang pagbubukas ng gate. Hindi yata natuloy si lola na umuwi ng gabi. Kaka-alas sais pa lang kasi.

"Ang aga mo ya—"

Tinakasan ako ng hangin sa pagtulak sa 'kin ni Devin nang binuksan ko ang pinto. Hindi ko maintindihan ang galit na binubuhos niya ngayon sa pagtulak sa 'kin sa pintong siya mismo ang nagsara.  Kinulong niya ako sa mga braso niyang nakalapat sa pinto sa magkabila kong ulo.

"Ano 'yong sinabi mo sa 'kin kanina, Savannah? I can never have a taste of...ano nga 'yon? Pakiulit nga sa'kin...?"

Nanunuya niyang nilalapit ang kanyang labi sa labi ko. Sinubukan ko 'yong abutin ngunit  nilalayo niya. Dinungaw ko ang namumuong pawis sa paligid ng naka-tikom niyang bibig habang ako'y nakaawang at mabilis ang mga paghinga.

"Pakiulit 'yun Savannah..." mariin niyang utos.

Natuyo agad ang lalamunan ko kahit kakainom ko lang ng tubig. Hinigop na yata ang kahalumigmigan ko ng init ng kanyang katawan na sinasabayn ng init ng kanyang hininga pati na ang init ng kanyang ulo.

Kaya masakit sa 'kin ang lumunok. "Y-you can never have a taste of my damn smart mouth..."

Inanggulo niya ng kanyang mukha sa gilid at hinahaplos ng labi niya ang gilid ng labi ko, pinagkiskis din niya ang aming mga ilong. Parang tuko akong dumidikit sa pinto habang siya'y pilit akong dinidiin.

"How sure are you, shortcake?" bulong niya.

Parang sasabog na nang ilang piraso ang puso ko at kahit ganon man ay mararamdaman ko pa rin ang matinding pagkabog nito sa dibdib ko. Bumabara na ang kaba sa aking lalamunan at kung magsasalita man ako'y siguradong mabubulunan ako.

Pinadulas ko ang aking likod pababa upang sana'y tumakas ngunit binakuran na niya agad ang posible kong labasan ng umiigting niyang braso. Mukhang mas matibay pa ang mga braso niya kesa sa bakod naming gawa sa kahoy.

Umigting ang panga niya at matapang ang mukha akong tinitigan. Nagmukha akong alipin sa paraan ng pagtitig niya sa 'kin. I feel inferior. 

Kinabit niya ang mga kamay sa 'king baywang at inangat ako. Binangga niya ang noo niya sa noo ko. Nakakaduling ang pagtitig sa malalalim niyang mga mata. Ramdam ko ang mga pagpaypay ng kanyang pilikmata sa paligid ng aking mga mata.

Walang pagdadahan-dahan niyang tinanim ang kanyang labi sa 'kin at agad nilaliman ang hagod. I whimpered. Hindi ko 'yon napaghandaan kahit inasahan ko na itong mangyari.

I've kissed my ex's, but not as hard and deep as this. I've tasted their lips but not as sweet and soft as his.

Pinagpraktisan ba niya ang mga isdang huli niya na nakakahalik siya ng ganito kagaling? If I have a damn smart mouth, Devin has a fucking expert lips!

Kapwa kami suminghap nang siya'y bumitaw.

"I'm into short girls...you know," he murmured against my lips.

"I'm not short," giit ko. Ramdam ko ang pamamaga ng aking ibabang labi pagkatapos niya itong kagatin.

Humalakhak siya sa bawat paghalik. "Vertically challenged, then. I'm into vertically challenged women. But right now, I'm into one vertically challenged woman."

Isang beses pa siyang humabol ng hagod bago umatras at walang lingon na umalis. Sa likod ng bahay siya dumaan kaya tanaw ko ang paglaho niya sa nakabukas pang pinto.

Matagal bago ako nakabalik galing sa pagkatunghay. Dumulas ako sa pinto sapo ang umiinit ko pang labi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro