Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

E I G H T

Nagawang pabalikin nina kuya Euan at Dalton si Devin ilang minuto bago nagsimula ang laro. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nilang pampakalma sa kaniya. I found a different side of him at naninibago ako sa aking natunghayan kanina.

Natutukso akong tanungin si kuya kada time-out ng laro o di kaya'y si Dalton. But I guess it doesn't matter anymore. Kung ano mang sinabi nila sa kanya, sa kanila na 'yon. It's their guy talk. Atleast I still have to respect their code same as how us girls don't want to involve guys with our girl conversation.

Sa buong magdamag ng laro, parang iniiwasan ako ng mga mata niya. I can't say na naga-assume ako, mararamdaman naman talaga 'yan eh. Kung hindi lang nangyari ang muntikan nang pagkakatama ng bola sa 'kin kanina, marahil ngayon inaasar na niya ako.

Pero ang lumapit dito sa side namin kahit man lang kausapin sina kuya ay hindi niya ginawa. He didn't even talk to Ivor. He's not talking to anyone.

Sinubukan kong tagpuin ang kanyang tingin. Mangulubot man ang pride ko, angkop lang na pasalamatan ko siya dahil sa pag-iwas niya sa bola kanina. Ngunit nilalaktawan talaga ako ng mga mata niya. But I saw him looking at Daneen!

Ang dibdibin ang simpleng pagkakamali na hindi naman siya ang tumanggap sa ginawa ng iba, it's irrational. O baka sadyang mainit lang talaga ang ulo niya ngayon at doon niya naibuntong sa lalake at sa bola.

Nabigti ang pagmumuni-muni ko sa pagsabog ng tilian at hiyawan kabilang na ang malakas na palakpak ni Daneen sa tabi ko. Tinatapik at hina-high five nina Mozes at kuya Euan si Asa. Parang sinasabunutan naman siya ni Dalton. Nagtatawanan sila roon.

"Anong nangyari?" tanong ko kay Daneen. Tinignan ko muli si Devin na mahinang tinapik ang pinsan ko sa likod.

"Three points si Asa."

Dumapo ang mata ko sa score board sa harap na katabi lang ni Ivor. Dalawang puntos ang lamang nila kuya.

Nalingunan ko ang panibagong tilian. Tahimik at seryosong nakaupo si Devin sa harap ng nangingisay na mga babae. Tinalo pa ako ng isang bakla doon sa ikli ng shorts niya. It could even pass as a panty! I have my purpose of wearing shorts and seducing a hot bunch of basketball players is not one of them.

"Atras lang, tinatakpan niyo 'yong linya...." saway sa 'min ng referee na na pinadaan ang tsinelas sa linyang nauupuan namin. Nagsiatrasan kami. Tinakpan ko ang tenga ko sa lakas niyang pumito!

Bumalik na sila sa kanilang mga posisiyon. Nagtuturuan sina Euan at Axton habang bumalik naman si Dalton at kinuha ang sapatos ni Mozes.

"Hindi maglalaro si Moz?"

Iling lang ang sinagot ni Daneen. It's either hindi ang sagot niya o hindi niya alam.

Bago pumwesto si Axton ay kita ko ang pagturo niya sa direksyon naming, kausap niya si Rika. Tumayo siya saka tumawid sa court at umupo sa espasyo sa tabi ko.

"Hindi maglalaro si Mozes?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya. "Nasira sapatos ni Dalton kaya sa kanya siya manghihiram. Last game na rin naman."

Bumaling muli ako roon. Kita ko ang pag-aagawan nila Dalton at Mozes sa sapatos nito. Lukot na lukot ang mukha ng kapatid ko habang tinatawanan lang siya ni Dalton. Sa huli ay pinahiram rin niya.

Pumwesto si kuya sa linya sa harap ko. Hinila ko ang balahibo sa binti niya. Tumawa ako nang umigting siya at lumingon sa 'kin. Galit ang kanyang mukha.

"Ang seryoso mo kuya. Friendly game lang 'to." Huli na bago ko ma-realize ang sinabi ko. How sarcastic to call this a friendly game kung may muntikan nang may mag-away kanina. I mean, si Devin lang pala ang naghahamon ng away.

Lumuwang ang mukha niya't tinaasan ako ng kilay. "We don't play just to lose. Friendly or not."

"Yabang!" hampas ko sa paa niya.

Tumili ang sapatos niya nang tumakbo na ito upang sugurin ang may hawak ng bola sa kabilang team. Si Devin ang nakakuha na kalmado ang mukha pero alerto ang mga mata.

"Dito Eli!" sigaw ni Dalton.

Tahimik namang nagsihilingan sina kuya at Asa na sa kanila ipapasa ang bola. Panay ang iwas niya ng bola sa bawat umaagaw nito kabilang na 'yong lalakeng inaway niya kanina na ngayo'y parang tinapunan niya ng punyal sa talim ng tingin nito. Dumaan ang tingin ni Devin sa' kin saka mabilis umiwas.

Bigla kong naisip na marahil naalala niyang nasa akin pa ang camisa de chino niya kaya hindi na siya namamansin ngayon.

Sa huli ay wala siyang pinagpasahan. Tumakbo siya papunta sa ring, tumalon, nag-dunk and shoot! Tilian sa kabila ang sumunod. Tuluyan nang tumayo si Daneen at pumalakpak.

Biglang nagsitahimik nang magkasunod na pumito ang referee sabay senyas. Tinuro niya si Devin at 'yong kaibigain nung kaaway niya. Foul daw.

"Hay nako mas lalong pumula ang buhok ko sa 'yo, referee!" asik ni Daneen sabay upo pabalik.

May kanya-kanya ring sinsigaw ang mga manonood, pinagtutulungan ang referee. Eh wala nga naman kasing foul na nangyari! Palibhasa barkada niya 'yong kabilang team.

"Naduling ka lang kuyang Ref! Hindi foul 'yon! " sigaw ko.

Nakahalukiphip si Devin, pulang pula na ang pawisang mukha habang sinasaad ang nangyari at malakas na sinabing wala sabay inis na senyas nito sa kamay. Pero wala pa ring makakatalo sa galit niyang mukha kanina.

"Bias 'yong referee," ani ni Miles na nasa kanan ni Daneen.

"O! Pati singkit dito kitang-kita na walang foul!" sigaw muli ni Daneen. "Nakatakip pa ang bangs niyan," dagdag niya saka ginulo ang bangs ni Miles.

Ginigiit nung isa na nasangga nga raw siya. Marami mang hindi sang-ayon ay pinipilit pa rin ng referee na papuntahin sa free throw line 'yong nasangga ni Devin.

Inirapan niya ito saka mahigpit na kinuyumos ang kanyang buhok sabay talikod. Pinasa ng referee ang bola doon sa lalake.

"Tang-inang referee 'yan. Boo!" Hindi iyon binulong ni Daneen.

Napapailing nalang sina kuya. Mahina kaming nagdiriwang nang hindi na-shoot nung lalake ang unang tapon ng bola. Pinapalakpakan pa namin siya.

Lamang pa rin kami ng isang puntos. Mas naging agresibo sila lalo na si Devin na mabilis naagaw ang bola saka padabog na nag-dribble, tumakbo sa kabilang court at nag-dunk ulit. Sandali siyang lumambitin sa ring bago bumitaw at pinasidahan ang basa niyang buhok. Halata pa rin ang inis sa mukha niya. Hinila niya ang dibdib na parte ng kanyang shirt saka umihip sa loob nito habang naglalakad.

Naka-shoot na rin ang kabilang team. Mas lalo kaming nag-ingay dahil mahigpit ang mga scores. Pinasa ng isang kakampi nila ang bola kay Axton na na-shoot ang bola. Mas naging lamang ulit kami.

Pagkatingin ko sa score board ay wala pa itong iniiba. Sa gilid ay nakikipagtawan lang ang tig-score sa ibang mga lalake roon.

Tignan mo 'to, dapat siya ang mas mag-focus sa laro!

"Kuyang scorer! 'Yung score!" malakas kong sigaw.

Pumito ulit ang referee. One minute nalang ang natitira. Tumayo na kami nina Daneen at ang tahimik na si Rikka. Nakihiyaw kami sa iba habang pinapasa nila ang bola. Nakuha ng kabila pero nasungkit naman ni Dalton, pinasa kay Asa at tinapon agad sa ring. Tilian kasabay ang pag-ikot ng bola sa rim ng ring at malakas na hiyawan nang ma-shoot ito.

"Wala na...panalo na kami! Boo! Walang silbi ang foul niyo! Boo!" nakaangat ang mga kamay kong sigaw habang nagtatatalon.

Lalong dinagsa ang buong court ngayong malapit na matapos ang laro. May nagsimulang mag-countdown sa kabila kaya naki-countdown na rin kami.

"5, 4, 3, 2..."

Nakakabinging hiyawan galing sa mga babae sa kabilang side ang nanaig nang pumito ang referee tanda ng pagtatapos ng laro.

"Oi Wan, pahiram ng tsinelas. Magsapatos ka nalang," ani ni Dalton kay kuya.

Ramdam ko ang kainitan dahil sa pawis nila ang lagkit nilang tignan. Kapwa sila naghubad ng shirt at nagsuot din ng panibago.

"Ba't kasi 'yan dala mo?" dumukot si kuya sa bag saka inabot ang tsinelas nito. "O."

Nagsilapitan na sina Mozes, Asa at Axton dito sa side namin na may mga hawak na tubig. Kaagad may hinahanap ang mga mata ko at natagpuan siya sa kabila kausap si Astrid. Bigla yata siyang lumitaw sa kawalan.

Inabutan niya si Devin ng mineral water pagkatapos nitong hubarin ang kanyang sapatos at nagpalit ng tsinelas.

"Oi Viel, nasa kabila crush mo." pang-aasar ni Miles.

"Di ah." Biglang nagtago si Viel sa likod niya.

"Si Astrid? Uee..." panunuya ni Daneen.

"Devs!"

Nilingon ko ang pagtawag ni kuya sa kanya. Awang ang bibig nitong lumingon sa direksyon namin, nagtatanong ang mga mata hanggang nahanap niya si kuya.

"Ano?"

Pinunasan ng towel ni kuya ang kanayng likod. "Sama ka bukas! Hatid namin si Axton sa airport."

Tumayo siya, kunot noong pinulot ang sapatos saka sinilid sa bag. Bumaling muli siya kay kuya. "Titignan ko. Anong oras ba?"

"Sa hapon, makakapangisda ka pa."

Isang beses siyang tumango. "Geh."

Muli niyang binalikan si Astrid na ngayo'y dala na ang kanyang bag. Literal na nanlaki ang mga mata ko. Tinignan ko si Daneen na parang hindi naman nahalata ang aking reaksyon at kumukuha lang ng mga litrato sa cellphone.

"Psst oi, tara!" kinalabit ako ni kuya. "Huwag mo nang hanapin si Ivor, may iba nang gusto 'yon!"

Tinakpan ko ang bibig niya sa lakas ng kanyang boses. "Hindi ko siya hinahanap!"

Inalis niya ang kamay ko sabay tawa at umakbay sa 'kin, hinila ako sa paglalakad kasabay ng iba. Hindi ko na nagawa pang lumingon pabalik dahil sa matibay na braso ni kuya.

"Ate pautang, bili akong ice candy." Pumantay na rin si Mozes sa 'min, pinaglalaruan ang wala nang laman na plastic bottle.

"Kay kuya ka mangutang, wala akong dalang pera," sabi ko.

Bumaling siya kay kuya Euan. "Kuya..."

"Ang laki mo na maga-ice candy ka pa? Softdrinks inumin mo!"

"Kaya nga, pautang."

"Wala..."

Inalis ko ang mabigat na braso ni kuya at umuna sa paglalakad kasabay ni Daneen. Hiniram ko ang phone niya at tinignan ang kanyang mga kuha. Puro ulap lang naman na kulay kahel na kalangitan dahil sa paglubog ng araw. Pagbalik ko nang phone sa kanya ay nahagip ko si Ivor na nakasunod sa grupo ng mga kababaihan.

Hinila ko ang manggas ng shirt ni Daneen. "Oi, si Ivor o!"

"Saan?" Agad niyang pinahaba ang kanyang leeg.

Tumuro ako sa kinaroroonan ni Ivor na palayo na nang palayo. Bago pa makapag-react si Daneen ay naunahan ko na siya dahil sa may biglang bumunggo sa balikat ko.

"Aray!"

Sinundan ko ng tingin si Devin na inunahan kami sa paglalakad. Hinahabol siya ni Astrid, suot nito ang kanyang itim na knapsack. Hindi man lang siya nag-effort lumingon upang humingi ng dispensa. Unless sinadya niya.

Sa inis ko'y hindi ko na pinag-isipan ang aking mga kilos at malalaking hakbang ang ginawa ko. Sapo ko ang humahapdi kong balikat dahil sa pagkakabunggo niya at katigasanng kanyang katawan.

Mahigpit ko siyang hinawakan sa braso at marahas pinihit paharap sa 'kin. Gosh! Pati braso niya tigasin!

"Ano bang problema mo?" Hindi maitanggi ang inis sa tono ko. Huminto na rin sina kuya sa paglalakad.

"Anong ginawa ko?" halos magkarugtong na ang mabibigat niyang kilay sa pagsasalubong nito.

"Sinangga mo ako. Tapos na ang laro, huwag mo akong i-foul!"

"Edi sorry," sarkastiko niyang ani. "Magfi-free throw na ba ako?"

Mas lalo akong nang-iinit. Hindi man niya hinahamon ang pinta ng mukha kong alam na niya kung anong ibig sabihin, hindi pa rin nito pinapahina ang mainit na bugso ng aking emsoyon.

"Babawiin ko na lang ang pagpapasalamat ko sa 'yo sa pag-iwas mo sa bola sa mukha ko. Sana hinayaan mo nalang matamaan ako!"

Ginantihan ko siya ng bunggo sa balikat pagkaalis ko papalayo sa kanila. Hindi ko nilingon kahit sino sa kanilang tumatawag sa pangalan ko. Mabilis akong naglakad pabalik kina lola Neng at buong gabing nagkulong sa kwarto.

Hindi ako sumama nang gabing iyon sa tagong dagat kung saan sila nagtatagay. Marahil nandoon siya. Imbes ay nilabhan ko nalang ang mga damit ko kabilang na ang kanyang camisa de chino para maisauli ko na bukas na bukas!

Nadatnan ko si lola na nanonood ng balita pagkababa ko sa kwarto. Galing sa tv ay naglakbay ang kanyang atensyon sa 'kin at sa basket na dala ko laman ang mga lalabahin.

"O, gabi na Savannah. Ngayon ka pa maglalaba?" Bahagya niyang binaba ang kanyang eyeglasses habang ako'y sinusuri.

"Opo, La," ani ko kasabay ang maingay na lagapak ng aking tsinelas sa sahig habang tinutungo ang likod ng bahay.

Binugkos ko ang mahaba at makapal kong buhok at gumawa ng bun sa itaas ng aking ulo. Umaliwalas ang pakiramdam sa aking batok. Malamig kapag gabi rito sa Aloguinsan salungat sa sobrang kainitan kapag may araw. Hindi aksaya sa kuryente dahil kapag naiinitan, pwede kang lumabas dahil sariwa ang hangin.

Binuksan ko ang takip ng washing machine saka binuhos ang mga damit. Isa lang naman ang puti ko kaya manual ko nalang 'yong lalabhan. Binuhay ko ang washing machine at pinindot ang mga settings. Tumunog ang makina na para bang kaharap ko ang malaking barko sa pantalan.

Umupo ako sa dulo ng nakaangat na semento na pinapagitnaan ng pintuan. Sa umambag na sinag ng ilaw sa likod ng bahay ay nagawa kong tanawin ang kadiliman ng lugar na tinahak ko kahapon papunta sa malaking puno ng mangga.

Which makes me think of that Devin again. Doon rin papunta ang bahay nila.

Imbes na buksan ko ang bakod ng malawakang pag-iisip sa kanya ay kinuha ko ang aking cellphone at namili ng mga games. Gusto ko 'yong may mga tumatakbo o may race kaya pinili ko ang may kotse na logo.

"Ano ba 'yan, may app purchase pa. Foo-tah!" inis kong sabi. Ni-hindi ko mapili ang gusto kong gamitin na kotse dahil may bayad. Para namang may ipambabayad ako. Isanla ko nalang kotse ko.

Ang gusgusin na kulay pula ang pinili ko dahil wala na akong choice. 'Yon lang naman kasi ang walang bayad.

Wala na talagang libre ngayon. Kahit sa pag-ibig, may pagbabayaran ka. Foo-tah.

Humilig ako sa kanan kasabay ang pag-hilig ko sa cellphone para mapunta sa gilid ng daan ang kotse. Umiwas ako sa isang gustong bumangga nito at nabangga nga dahil sa gulat ko nang makakita ng isang pares ng paa na naka-tsinelas sa aking harapan.

At malinis ang mga kuko niya, parang hindi pa naranasang makaapak sa lupa.

Pinindot ko ang 'pause game' saka nag-angat ng tingin. Mukha ni Devin na nakadungaw sa 'kin ang tumanggap sa paningin ko.

Hindi ko mabasa ang pinta ng mukha niya. Walang ibang emosyon akong nakikita kundi ang pagiging kalmado at humalo ang kaunting katas ng lungkot. Kasing tamlay siya ng kulay puti niyang Vneck at khaki na cargo shorts. Katawan niya lang ang nagpapatingkad nito.

Hindi siya nag-aksaya ng oras na suklayin ang bahagyang basa niyang buhok. Naaamoy ko ang mabango niyang sabon at conditioner.

"Anong kailangan mo?"

A lack of my irritated voice and expression didn't downgrade my annoyance. Pumaibabaw kasi ang pagtataka ko kesa ang inis na nag-iwan ng marka sa 'kin galing kanina.

Pansin ko ang pagkagat-kagat niya sa ilalim ng kanyang labi habang nakatikom ito kaya nagmukha tuloy siyang nakanguso.

Pinaglakbay ng mga daliri niya ang kanyang buhok kasabay ang pag-papakita ng isang kamay niya sa 'kin galing sa likod. May hawak siyang pumpon ng mga bulaklak. Pinaghalo na mukhang daisy, gumamela at iyong maliliit na bulaklak na kulay violet.

Sinilid ko ang cellphone sa aking bulsa saka pinagsiklop ang aking mga kamay sa pagitan ng aking mga tuhod.

"Nasa loob si lola," sabi ko sabay tango sa likod. Rinig ko ang pagtatapos ng balita dahil nag-uusap na ang mga newscasters.

"Para sa'yo 'to." Mas nilapit niya pa ang mga bulaklak.

Kunot noo akong lumingon sa gilid, pilit tinitignan kung nabawasan ba ang mga bulaklak doon pero kasi madilim at hindi ko maaninag.

"Namitas ka ba sa garden ni Lola?"

Tikom bibig siya umiling saka pinadaan ang dulo ng dila sa hiwa ng kanyang bibig. Lumunok siya. Batid ko ang panunuyo ng kanyang lalamunan. He seems scared o dahil lang ba sa malamig na hangin kaya siya mukhang nanginginig?

"Pinitas ko malapit sa bahay ko," mahina niyang ani. Kinakamot niya ang kanyang tenga at nag-iwas ng tingin, namumula ang tenga niya.

Bahay niya? Sa kanya lang 'yong bahay ni tinutukoy ni loala na malapit sa manggahan? As in his own house?

"Bakit?"

Taka siyang nagbalik-tingin sa 'kin. "Anong bakit?"

Ninguso ko ang mga bulaklak

Inip siyang bumuntong hininga, pumikit at nag-iwas muli ng tingin. Kinamot niya ang kanyang kilay habang tinitingala ang ilaw sa kisame. Gumalaw ang matigas at maanggulo niyang panga. Kita ko ang bakas ng bagong ahit.

Nabigla ako nang kinuha niya ang kamay ko. Pinahawak niya sa 'kin ang mga bulaklak sabay sara ng aking mga kamay na ngayo'y tinatakpan nang sa kanya. Nangungusap ang matatapang niyang mga mata.

"I'm sorry..." sumalamin ang boses niya sa kanyang ekspresyon.

Parang may biglang tumalon sa tiyan ko. I've probably drank too much water kaya umiikot ito sa aking tiyan. Pero paano ko maipapaliwanag ang panginginit ng aking pisngi at ang pamumula nito? For sure Devin could explain it for me.

May pang-aakusa ko siyang tinignan, tumagilid ang ulo ko. "Should I say thank you?"

"An acceptance of my apology is enough," aniya.

"Truce?"

Gumalaw ang mapintog niyang labi sabay iling. "No truce. Gusto ko pangmatagalan na."

Napandilatan ko siya ng mata. Parang iba ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya. Biglang nagpakitang gilas sa pagci-circus ang bituka ko.

Mukha rin siyang nagulat sa kanyang sinabi at marahil sa naging reaksyon ko. Nanlalamig ang mga kamay niyang nakabalot pa rin sa kamay ko. Muli siyang pumikit at sinabayan niya pa ng imported na mura.

Magsasalita na sana ako nang bigla siyang bumitaw at kumaripas ng takbo. Tinatanaw ko ang bulto niyang lumalayo at kahit hindi ko na siya nakikita ay naririnig ko pa rin ang mga hakbang niyang unti-unting naglalaho.

Nakaawang ang bibig akong nagbalik-tingin sa mga bulaklak sa aking kamay. Hindi ko alam kong tatawa ba ako o mas lalong magngangalit. But one thing's for sure... I was very very stunned.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro