9. Mga Katanungan Mula Sa Aking Puso't Isipan
9. Mga Katanungan Mula Sa Aking Puso't Isipan
Magiging masaya pa ba ako
Kung wala ka na sa tabi ko?
Magiging maayos pa ba ako
Pagkatapos ng mga pananakit na ginawa mo?
Magiging masaya ba ako
Kung malaman kong iba na ang minamahal mo ngayon?
Magiging maayos ba ako
Kung sa ibang nilalang na ako magkagusto?
Sana nama'y maging masaya na ako
Sa bagong buhay na tinatahak ko ngayon
Sana nama'y maging maayos rin ako
Kahit hindi na ikaw ang makakasama ko hanggang sa dulo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro