Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

5. Unti-unti


5. Unti-unti

Unti-unti nang nabubura,
Unti-unti na ring nasisira,
Samahan natin ay nawawala na
Nawawala na nang dahan-dahan.

Maaari pa bang balikan
Balikan ang nakaraan
Kung kailan masaya pa tayong dalawa

At mahal pa natin ang isa't-isa?
Ngunit pakiramdam ko'y hindi na
Dahil masaya ka na sa piling ng iba
Kitang-kita naman sa iyong mukha
May nakaukit na ngiti na may kasama pang halakhak.

Sa tingin ko'y ipapaubaya na kita sa iba
Tutal ngayon, doon ka na masaya
Sana nama'y hindi mo na siya iwanan
Tulad ng pag-iwan mo sa akin habang umiiyak mag-isa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro