2. Simpleng Nilalang
2. Simpleng Nilalang
Isa lang naman akong simpleng nilalang
Na nabubuhay sa mundong ito na payapa
Kahit sinisiraan na ako ng iba
Tahimik pa rin akong magpapakasaya.
Hindi man ako sikat
Sa totoong buhay o sa ibang mundo man
Isa lang naman akong simpleng nilalang
Na mas pipiliin pang mamuhay nang payapa at mag-isa.
Kahit na nakikita niyo akong masaya kasama ng ibang mga tao
Sa totoo lang ay malungkot talaga ako
Tumatawa man ako nang malakas sa harapan ninyo
Ngunit kapag nasa kwarto na ako, malakas akong humahagulgol.
Kahit na ganoon na ngayon ang aking buhay,
Pinipilit kong maging tahimik at masaya
Kahit na wala akong masasandalan sa oras ng problema,
Pipilitin kong maging isang simpleng nilalang.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro