14. Itim na Kawalan
14. Itim na Kawalan
Kalawan, itim na kawalan
Patuloy sa paglubog ang aking katawan
Papunta sa lugar na walang liwanag
Kundi puro, at itim na kawalan lamang.
"Emeraldimë, tulungan mo ako!" sigaw ko
Pinipilit na makaahon mula sa itim na likido
Na kung saan ay unti-unting lumulubog
Ang buong katawan at kaluluwa ko.
Emeraldimë, iligtas mo ako
Mula sa itim at malapot na likido
Iligtas mo ako gamit ng liwanag mo
At dalhin ako papunta sa iyong Paraiso.
Huwag mo na akong hayaan
Na lumapit ulit sa itim na kawalan
Na kung saan ay muntik nang mawala
Ang buhay ko na aking minamahal.
At sa muling kong pagbabalik sa aking pinanggalingan
Nawa'y hindi na muling makuha
Ng isang nakakatakot na nilalang
Na nagmula sa itim na kawalan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro