Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

13. Kung Nandidito Ka Lang


13. Kung Nandidito Ka Lang

Kung nandidito ka lang sa piling ko,
Hindi na sana ako malulungkot nang ganito
Kung kasama lang kita ngayon,
Makatutulog na sana ako nang payapa sa tabi mo.

Kung hindi ka lang sana umalis,
Masusulyapan pa sana natin ang mga bituing nagliliwanag sa gabi
Kung ang pinili mo sana ay ang manatili,
Madarama mo pa ang masasaya nating sandali.

Kung nandidito ka lang ngayon,
Hindi na sana ako hihingi pa ng atensyon sa ibang tao
At kung hindi ka lang umalis noon,
Hindi na sana ako naghahanap pa ng ibang bubuo ulit ng puso ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro